Tuesday, December 25, 2012

Bullets for my Valentines- Part 48



Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangyayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 48
"New me"

Always here,

Dylan Kyle Santos


 

 
More Than This - One Direction

************************************************************************

[AJ’s POV]

It’s been three days mula ng nangyari sa akin yung engkwentro kay James. Yeah, it is like 3 months na dahil parang ang bagal ng panahon. Nasa kwarto lang ako, inom ng tubig at tutulog. Kung kakain man ako, dalawa, tatlo o apat na suno lang. Feeling ko pag kumain ako isusuka ko lang.

Hindi naman sa OA lang oh ano ha, pero ganito talaga ang depressed. Oo aaminin ko noon masasabi kong OA masyado, pero wala eh... ganito talaga ang buhay, ganito talaga yung nararanasan ng mga nasasaktang tao.

Sunud-sunod na mga katok ang bumulagta sa akin. Tumayo ako, tinatamad at walang kabuhay kong tinungo ang pintuan at sumalubong doon si Rizza.

“Bakit?” tanong ko.

“Ang gaga mo talaga kahit kailan. Nakakainis ka! Sobra kang nakakainis!” tinulak niya ako at sinampal.

Masakit! Grabe, daig ko pa ang nabuhayan sa sobrang sakit. Salamt Rizza sa sampal. Nabuhayan ako ng katinuan. Pero masakit pa din eh, sobrang sakit.

“Alam mo... kung hahayaan mo ang sarili mong magpakalugmok... papatayin mo lang ang sarili mo.. ayaw mong kumain... ayaw mong lumabas ng bahay... ano ba ang gusto mo? Ang mamatay? Ang tanga tanga mo na pag hinayaan mong mamatay ka... lumaban ka... ipakita mo na tama ka.. ipakita mo na kaya mo ng wala siya... ialang beses ka na niyang sinaktan.. ilang beses ka na niyang pinaasa... gumising ka na sa katotohanan... gumising ka na!”

Dahil sa sigaw ni Rizza umakyat sila mama, papa at ate. Lahat sila nakatingin sa amin. Agad akong niyakap ni mama.

“Anak... tama na... awat na...” sabi sa akin.

“Balik ka na sa dati... please...” sabi ni ate.

“marami kaming nagmamahal sayo.. pero ano ang ginagawa mo.. pilit mo kaming itinataboy...” sabat ni Rizza.

“Masakit.. sobrang sakit.. ang sakit sakit... daig ko pa ang puputok ang puso sa nangyari.... taena... ang sakit....” di ko mapigilan ang umiyak. Napaluhod na lang ako at saka sila lumapit muli sa akin.

“Alam namin.. pero wag mong solohin.. narito pa kami.. narito ang kaibigan at pamilya mo.. narito ako.. best friend mo ako.. pwede mo akong sandalan.. narito lang ako.. hindi kita iiwan.... tiwala lang.... kaya yan...”

Niyakap niya ako ng mahigpit. “Masakit... di ko alam kung paano ako babangon...”

“Wag ka kasing mag pakanega.. lagi ka na lang ganyan eh.... chill... think positive.. alam ko madaling sabihin pero mahirap gawin.. pero alam mo na ngang mahirap... iisipin mo pa.l. tandaan mo... walang madaling gawin.. kung kaya mong isipin ng madali.. sigurado ako na magiging okay ang lahat... makakayanan mo...”

“Paano ako makakamove on? hanggang ngayon narito pa rin sa puso ko ang sakit! Masakit! Sobra!”

“Hindi minamadali yan.. matalino ka Arwin.. gamitin mo naman ang utak mo.. wag lang ang puso mo!”

Boom. Isa pang boom boom boom pow. Talino, pusp, utak. Ano ang silbi ng utak ko ngayon? Daig ko pa ang batang napangaralan. Tama siya. Pero, hindi naman talaga madali eh, hindi naman talag. Sobrang hirap.

“Need ko mapag isa... gusto kong mag isap... tama naman kayo eh.. pero hayaan na muna ninyo akong humugot ng lakas ng loob. Hayaan ninyo muna akong ibuhos yung sakit.”

 Tumakbo ako sa kwarto ko saka nagkandado ng pinto. Inihilig ko ang sarili sa kama at muli ibinuhos ang huling bugso ng aking iyak. Sasabihin kong ito ang magiging huling iyak ko sa lalaking ito.

[James’ POV]

“Anak... bumangon ka na jan.... tatlong araw ka ng ganyan.... aalis ka ng bahay tapos pag uwi mo parang wala lang.. tiganan mo ang anak mo oh nagtatampo na sayo..” sabi sa akin ni mama.

“Sorry ma.. sige po tatayo na ako...” bumangon ako at lumabas ng kwarto.

Ito na ang pangatlong araw kung kailan nakipaghiwalay ako kay AJ. Yeah, isa akong malaking katarantaduhan. Isang malaking tanga. Ilang buwan, ilang panahon ako naghintay makuha lang ulit si AJ pero ano ang ginawa ko, pinabayaan siyang mawala. Isang malaking pagkakamali. Pero, kailangan ko, may rason ako kung bakit.

Ayokong manisi, ayokong magsambit ng panagalan. Sarili ko lang ang nagdesisiyon nito. Para sa makakabuti, ayokong masaktan si AJ.

Hindi pa rin ako makapaniwala na hiwalay na kami. Ang buhay nga naman, kung kailan masaya ka, susunod naman ang kalungkutan.

Nakita ko si Khail na nasa kwarto niya at mag isang naglalaro. Lumapit ako at niyakap siya. Siya na lang ang nagpapaalala sa akin kay AJ.

“Baby.. nagtatampo ka daw sa akin?” tanong ko.

Hindi niya ako pinansin. “Ang suplado naman ng baby ko...”

“Galit ako sayo daddy...”

“Oh bakit naman?”

“Wala ka ng time sa akin.... wala ka ng time para puntahan si daddy... may iba ka ng mahal... hindi na kita mahal...” sabi ni Khail.

“Baby.. sorry na.. busy lang si daddy eh...”

“I hate you.. nakita kita.. may kasama kang iba... niloloko mo si daddy.. bad ka...!” sabi ni Khail.

Di ako nakapag salita agad. Paanong nalaman niya? Nakita daw niya?

“Baby naman.. di yan totoo...”

“I hate you!” tumakbo siya palabas at umalis ng kwarto.

Great, eto na ata ang karma ko. Maging ang anak ko galit sa akin. Haixt. No choice naman ako eh. Haixt. Maya maya nag ring ang phone ko. Tumatawag si Chad. “Hello...”

“James iho... mama niya ito.. punta ka ngayon sa ospital... please...” at binaba na nito ang phone. Muykhang nahuhulaan ko na kung ano ang nangyari. Agad akong nagbihis at nagmadali na pumunta ng ospital.

“Ma.. alis lang po ako.. pupuntahan ko lang po si Chad.....”

“Ah okay sige.. ingat ka ha... wag pagabi...”

“opo..”

Nagmadali na akong pumunta ng ospital. Ilang minuto lang din naman ay nakarating ako at nagmadali na akong pumunta sa room na tinext ni tita.

Pagkadating ko naroon si tita, tito, si Chad at ang kuya nito. Agad naman akong bumati. “Gandang gabi po.”

“Iho salamat at pumunta ka...”

“Walang anuman po... ano po ba ang nangyari?”

Lumapit ako kay Chad at hinawakan ang kamay. Kasalukuyang natutulog ito. Kita ko ang sakit ng nararamdaman niya. Kitang kita sa mukha niya ang pag hihirap.

“Nahimatay na naman siya. Nagdugo na din ang kanyang ilong kaya nag panic na kami. Medyo lumalala na daw ang kalagayan niya. Hindi naman daw ganun kalala pero kailngan maagapan. Yung binigay na palugit ng doctor para maoperahan siya ay pinaikli.”

“Ah gnun po ba.....” humarap ako kay Chad at nagsimulang magsalita. “Pagaling ka ah... please.... pagaling ka na...”

“Hindi siya gagaling jan sa kalokohan mo... isang hung hang...” nagsalita mula sa likod ko ang kuya niya.

“Anak....”

“Ma... bakit ba pinapayagan pa ninyong makapunta dito yung lalaking yan? Mas lalong lala si Chad eh.... lalo ninyo lang pinapaasa ang kapatid ko...”

“Anak.. mas mabuti na to...”

“Nang dahil sa lalaking yan.. ayaw magpagamot ng kapatid ko... kundi lang sana pinaikot niyang tarantadong yan ang kapatid ko.. marahil magaling na siya....!” galit na sabi ng kuya niya.

“Anak tama na!”

“Totoo ma... dapat pinapaalis ninyo yang lalaking yan.... isang mababang klaseng lalaki... manloloko!”

“Paaaaak!!!!!!!!!” at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng kuya ni Chad. Nanggaling sa mama niya at hindi sa akin.

“Tita...”

“Unawain mo naman na gusto siya ng kapatid mo.. at nagsasakripisyo siya para sa kapatid mo!”

Umalis na ang kuya niya at naiwan naman kaming nandun. “Iho... pasesnsiya ka na....”

“Ayos lang po...”

Nanatili ako doon ng hanggang hapon. Ng sumapit ang alas sais nagpasya na akong umuwi. “Tita... una na po ako.. balik na lang po ako bukas...”

“Salamat iho... ingat ka ha...”

“Sige po...”

“Ar... aa...Arkin...” nagulat ako ng biglang magsalita si Chad.

“Chad... kamusta ang pakiramdam mo?”

“Ayos na ako... san ka pupunta? Dito ka lang...”

“Uuwi lang ako... babalik ako bukas...”

“Wag kag aalis... dito ka lang...”

“Anak... kailangan namang umuwi ni James”

“Pero ma.. ayaw ko siyang umalis...”

“Pero anak...”

“Okay lang po.. sige di na ako aalis...”

“Yehey...” masaya ako na nakikita na masaya siya. Tumatalon ang puso ko sa tuwa.

“Hindi mo na naman kailangang gawin to...”

“Okay lang ho ako...”

“Pero iho..”

“Ayos lang po...”

“Salamat... maraming salamat...”

Tinawagan ko si mama para maipag dala ako ng gamit. “Hello ma...”

“Oh anak...”

“Pwede mo po ba akong ipag dala ng damit dito sa *************?”

“Okay sige.. may nangyari ba kay Chad?”

“Wala naman po... basta po... anatyin ko po kayo...”

“Sige... abangan mo kami sa labas.... text mo na lang kami...”

“Sige po.. salamat...”

After kong tawagan siya naghilamos ako ng mukha sa CR. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at mukha na akong stress na stress. Haixt. Pumapanget na ata ako.

(Flashback)

“Hala ka... tignan mo ang sarili mo.. stress na stress ka na oh...” sabi ni Arwin sa akin.

“Gwapo naman..”

“Nagmumukha ka ng matanda...”

“Ewan sayo..”

“Sige mag sungit ka pa.. ayan oh nadami ang wrinkles... sus.. pumapanget ka na./..”

“So pag pumanget ako ipag papalit mo na agad ako?”

“Siyempre hindi no...”

“Talaga lang ha...”

“Oo.. kahit pumanget ka pa... tumaba... o ano pa man ang mangyari mamahalin pa rin kita.. trsut me...”

“Wushu... sige nga kiss mo ako...”

“San ba?”

“Sa lips...”

“Lantaran sa public...”

“Nahihiya ko ganon?”

“Hindi na po.. eto na nga po eh.. childish mo talaga...”

“Mahal mo naman...”

“I love you so much...”

“I love you too...”

(End of Flashback)

Nanatiling nakatitig ako sa salamin at unti-unti tumutulo na ang luha ko. Maya maya nagbukas ang pinto ng CR at agad naman akong nagpahid ng luha.

“May problema ba iho?” tanong sa akin ni tito.

“Wala naman po.. may naalala lang po ako..”

“Alam ko nasasaktan ka sa nangyayari...”

“Kaya ko pa naman po eh..”

“Tiis lang iho....”

“Hindi ko naman po pwedeng iwan na lang si Chad ng ganyan kaya paninindigan ko na po..”

“Hindi mo kailangan iho gawin yan.. paano ka na?”

“Masaya ako pag nakikita kong masaya si Chad...okay na po ako din...”

“Pero iho.. alam kong may iba kang mahal.. nagkataon nga lang na bestfriend pa ni Chad.” At nagulat ako sa rebelasyon na iyon. Paano niya nalaman?

“Alam ko nagtataka kung paano ko nalaman. Alam ko na mahal mo si AJ. Na nakipaghiwalay ka siguro marahil para lang dito....”

Hindi ako sumagot. “Alalahanin mo din ang sarili mo...”

“Opo.. salamat po...”

Hinintay ko lang ang text ni mama saka ako bumaba papuntang parking. “Kunin ko lang ang gamit ko sa baba ah...” pamamaalam ko kay Chad.

“Balik ka ah...”

“Yup...” at nagmadali na akong umalis. Pagkababa ko sa parking lot ay nakasalubong ko ang kuya ni Chad.

“Ano aalis ka na ba? Sana lang umalis ka na kasi nakakasuka na yung makita kita...umalis ka na ha.... at wag ka ng babalik...” at binangga niya ako.

Nagulat na lang ako ng makita ko si kuya at si mama na naroroon, nakatayo at kitang kita ang pagkagulat. Di ko maipinta ang mukha ni kuya. Bakit siya nandito?

“Ano banatan na ba natin yun?” sabi ni kuya

“Bakit ka ba nandito?”

“Sinamahan niya lang ako...”

“Salamat ma ah... akyat na po ako..”

“Magtapat ka sa akin anak.... dahil ba kay Chad kung bakit ka nandito?”

“Saka na lang po ako magpapaliwanag...”

“Paano na si AJ?”

“Sa tamang panahon masasagot ko din po yan...”

“Hahayaan mo na lang si AJ na ganun ganun na lang ha? Baka maunahan ka ng iba jan.. sige ka...” sabi ni kuya

“Wag na wag mong susubukan na sulutin si AJ sa akin..”

“Sulutin? What a word... ni hindi na nga kayo eh.. kung ako sayo mag iisip ako ng mabuti.. sino ba ang mahalaga sayo?”

“tama na yan.. tara na Martin..” yaya ni mama kay Kuya.

“Tandaan mo ang sinabi ko.. wag na wag kang magsisisi kung sakaling may iba ng umangkin sa puso ni AJ.” Sabi ni kuya at umalis na sila.

Naiwan ako doon na nagngamba. Ano bang balak ni kuya?

[AJ’s POV]

Hapon na ng lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Rizza sa salas at agad niya akong sinalubong.

“Okay ka na...”

“Feeling okay...”

“Really? Good news yan...”

“Salamat sa mga words of wisdom mo kanina...”

“No.. it’s for you para naman matauhan yang sarili mo...”

“Ang laki ko talagang tanga.... haixt...”

“Nagmahal ka eh.. malamang magpapakatanga ka...”

“Wow... alam mo matagal mo ng pinapamukha sa akin yan eh... nakakasakit ka na ha...”

“Eh sa totoo naman eh... true friends never lie...”

“Pero...”

“Pero pero.. daming alam... basta mag prepare ka next week.”

“Anong meron?” tanong ko.

“Nagyaya sila Dylan.... mag swiming tayo.. sa Batangas.... meron diba sila Johan na rest house dun... mag babakasyon tayo para naman mawala yang stress mo...” sabi nito.

“Ay grabe....”

“Pumayag ka na.. wala ka ng magagwa...”

“Pero...”

“Stop that pero pero.. pag hindi ka sumama magtatampo sila sige ka...”

“Oo na po.. teka ipag paalam mo ako kay mama at papa...”

“Done na..”

“Ang bilis ah... mukhang pinag handaan..”

“Di naman.. slight lang.. teka lang...”

“Oh bakit?”

“Yang amoy mo.. yung totoo ha.. pinag handaan mo din?”

“Oy ang kapal mo... sige na maliligo na ako... mabango ang pawis ko no!”

“Parang di naman...”

“Ang kapal mo...”

“Magsabon ka ha.. mga ilang sabon... gawin mong 3 sabon ang gamitin ha...”

“Nagsalita ang mabango...” niyakap ko siya at inasar asar.

“Get off me.. ang baho mo no.. isa...”

“Ang arte ha...”

“Sus... kapal mo ha... kahit best friend kita bru-brutalin kita...”

“Eto na... maliligo na po.. ipag handa mo ako ng pagkain ha... aalis ako mamaya....”

“San ka naman pupunta?”

“Manlalake...”

“Nice... sama ako ha...”

“Edi sumama ka.. magmumukha kang alaly sa akin...”

“Excuse me...”

“Dadaan ka?”

“Che.. ewan ko sayo...”

“Sige na.. dami pang alam..”

“Toodles...”

“Orayt...”

Yun na nga naligo ako. Habang naliligo ako, naiisip ko na lang ang sarili ko magmula ngayon. Ano nakay ang magyayari sa sarili ko kapag ginawa ko ang pagbabagong ito? Haixt.

First time kong gagawin ang mga bagay na ito. Matagal ko ng gustong gawin to at mukhang eto ang magpapakilala ng bagong ako. Ang totoong ako.

Hindi naman ako papayag na mag mukha akong kawawa sa harap ng maraming tao habang pinagtatawanan ng iba dahil naiwanan ako ng lalaking mahal ko. Gagawa ako ng paraan para maipakita kay James na maling mali ang ginawa niya.. na mali ang ginawa niyang pambabasura sa akin. Na hindi niya dapat ginawa yun.

Nagsuot ako ng sando at walking shorts. Magpapagupit naman eko eh. Nag ayos ako ng sarili ko bago umalis. Tinawag ko si Rizza, tinanong ko kung sasama ba siya.

“Oh ano sasama ka ba?”

“Oo sasamahan na kita.., baka kung ano paang mangyari sayo...”

“Okay tara na... nag paalam ka na kay mama?”

“Aba... anong ako? Bakit ako ba ang aalis?”

“Ma... aalis po kami ni Rizza ah...”

“Gabi na ah....”

“Madali lang po to.. before nine nandito na po kami...”

“Okay sige.. mag ingat kayo ha...”

“Opo..”

“Tara na...” sabi ni Rizza.

Mga 10 minutes nung makarating kami sa pupuntahan namin. Malapit yun sa bahay nila James. Haixt. Ang sakit pa rin.

“Susme... magpapagupit ka lang pala.. isinama mo pa ako...”

“Eh ikaw kaya jan ang sumama...”

“Ano ba yan?”

“Siya uwi na...”

“Hihintayin na kita...”

“Mag libot libot ka muna dito.. may park jan... o kaya pumunta ka muna kila Mommy...”

“Oh siye sige.. babalikan kita dito ha.. behave...”

“Ikamusta mo ako kay Khail ah...”

“Kay James ba?”

“I hate you,,...”

“Joke.. sige sige.”

Desidido na ako sa gagawin ko. Di ko alam kung bagay sa akin yung gagawin ko. First time ko tong gagawin. Haixt. Akala mo naman kung ano ang gagawin ko eh magpapagupit lang ako. Hahaha.

Matapos ng ikalawang customer ako na yung isinalang. Suki na ako dito kaya ayon. “Oh.. mukhang pumapayat ka ah..” sabi ni manong.

“Naku bola pa...”

“Ano dating gupit ba?”

“Hindi po.. bago na po..”

“Aba.. ngayon ka lang nagbago ng gupit ah.. di ka na ba nagagandahan sa gupit ko...”

“Naku.. kayo po paborito kong manggugupit.... depressed lang po kaya magpapagupit po ako ng ganito..”

“Ano bang gupit iho?”

“Yung gupit na walang makakakilala sa akin masyado...”

(Itutuloy)


Saturday, December 22, 2012

Bullets for my Valentines- Part 47



Author's Note:

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 47
"Nagmamakaawa"

Always here,

Dylan Kyle Santos


 

 
Broken Vow - Lara Fabian



************************************************************************

[AJ’s POV]

“What’s going on?” tanong sa akin ni Rizza ng makarating kami sa bahay.

“I don’t know...”

“Sabi na at hindi mapagkakatiwalaan yung lalaking yun. Bakit ba kasi hindi natin sinugod?”

“Stop it.” Sabi ko.

“Wag kang tanga Arwin...”

“Please...”

“AJ naman..”

“Please! Ayokong pag usapan...masakit...sobrang sakit...”

Napaluhod na ako at saka umiyak. Daig ko pa ang sinaksak ng ilang ulit sa aking likuran. Naiiyak na lang ako sa nakita ko.

Ano bang meron? Bakit hindi ko magawang paniwalaan ang sarili kong mata? Ayokong maniwala. Hindi, sabi ko sa sarili ko. Sa kanya lang ako maniniwala.. sa explanation niya.

“Hey.. stop crying... he’s not worth for it.”

“Ang sakit.... ang sakit sakit...”

“Dapat kasi pinapatay na ganung mga lalaki...”

“Hindi ako maniniwala sa nakita ko.... sa kanya lang ako maniniwala...”

“Wag ka ngang mag pakatanga...”

“Mahal ko siya at sabi niya kapag sinabi niya lang na hindi na niya ako mahal doon lang daw ako maniniwala...”

“Pero ano ang nakita natin?”

“Hindi natin alam kung ano ang nangyari sa likod nun.. we should not jump to any conclusions...”

“Pero...”

“Ayoko ng pag usapan.. please...”

Pinahid ko ang luha ko. Tumayo at inayos ang sarili.

“Iakyat na natin ang gamit mo...”

Tinulungan ko siyang iakyat yung mga gamit niya doon sa taas. Mga alas singko ng hapon ng dumating sila mama. Inexplain ko kung ano ang gagawin ni Rizza sa pamamahay namin.

Pumayag sila at masaya sila na magbabkasyon ito sa amin. Alas sais na ng gabi ng biglang dumating si James. Si Rizza, nagtikom agad ng kamao.

“Hey... cut it out... It’s okay.” sabi ko.

“Nandito ka pala Rizza..”

“Hindi...picture lang ako...”

“Yeah.. jokes mo...”

“Oo, Joke nga. Baka makamatay ako. Ay joke lang. Sige akyat muna ako....” sabi ni Rizza.

Agad kong niyakap si James at pilit pinipigilan ang umiyak. Ayokong magtanong, gusto ko sa kanya mismo manggagaling ang mga sasabihin niya.

“Kamusta ka?” tanong niya.

“Eto miss na miss ka...” sagot ko. Sabay pahid ng luha. Di ko na kasi mapigilan.

“Hey.. don’t cry...”

“Ma-masaya lang ako....”

“Wag na iyak... hey... pwede ka ba ngayong gabi? Labas tayo? Miss na kita eh...”

“Wait....” tumalikod ako at tinawag sila mama.

“Ma... lalabas daw kami ni James...” paalam ko.

“Good evening mama...” sabi ni James.

“Good evening din.. naku gabi na....” sabi ni mama.

“Mama... overnight naman po.. miss ko lang po itong anak ninyo...”

“Ay siya ingat kayo ah.. hoy lalaki.... wag mong kalimutang dalhin yung gamot mo...”

“Bakit po mama may nangyari ba kay AJ?”

“Wala naman.. eh incase.... para di kayo mag panic...”

“Thank you mama...” sabi ko. Tumaas na ako para mag bihis.

Sa kwarto ko, nandun si Rizza at nagcomputer.

“Ei.. aalis kami...” sabi ko.

“Saan kayo pupunta?”

“lalabas daw kami.”

“Nag usap na kayo?”

“Di pa...”

“Hoy. Wag ka masyadong tanga ha....”

Ngumiti lang ako sakanya. “Wag mo akong ngitian...” sabi niya.

“Ipag pray mo na kayanin ko kung anuman ang mangyari sa pag uusap namin..”

“Basta tawag ka lang sa akin kapag may nangyaring masama...”

“Yup... overnight daw eh kaya di nakita masasabayan matulog...”

“Okay sige... ingat kayo... behave”

“Salamat ng marami....”

Pagkabihis ko umalis na agad kami. Pareho lang kaming tahimik. Di kumikibo at diretso ang tingin. Nakakapanibago si James talaga. Haixt.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa pupuntahan namin. Candle light dinner pala. Haixt. Si James talaga. Buti at di pa ako kumakain.

Habang nakain kami tahimik pa rin ang paligid. Kaya ako na ang nagsimulang makipag usap.

“Bakit di ka nagparamdam ng isang linggo?” tanong ko.

“Busy lang...”

“Saan?”

“Marami...”

“Tulad ng?”

“Basta...”

“Ano nga?”

“Sa requirements...”

“Ah okay...”

“Sorry.”

“Okay lang...”

“Kamusta ka?” anong niya.

“Okay naman ako.. eto buhay pa... miss ka ng sobra... haixt.. kung alam mo lang.. ilang araw kitang tinatawagan pero di mo sinasagot... pinupuntahan kita sa bahay ninyo, kaso wala ka naman lagi... nakakapagtampo lang talaga...”

“Sorry.. busy lang talaga... miss din naman kita eh.... sobra,... kung alam mo lang...”

“Akala ko nga na nang chi-chicks ka lang eh...hahah..” pagbibiro ko, pero mukhang sineryoso niya.

“Yan ba tingin mo sa akin?”

“Just kidding... sorry...”

“It’s a bad joke.”

“Salamat pala...” sabi ko. What a night, nag dinner pa kami eh di naman kami nag-uusap. Daig pa namin ang strangers eh. Haixt.

“Saan?”

“Dito... salamat.. napasaya mo ako..”

“I love you....”

“I Love you too...” at tinuloy na namin ang pagkain.

After namin kumain, nag stroll kami sa may park. Ganda doon, maraming magagandang tanawin. HHWWMPSSP pa nga kami eh, Holding hands while walking may pa sway-sway pa. Oh diba.

“Don’t do this again..”

“Ang alin?”

“Make me worry... make me miss you.. ang sakit kasi eh... sobrang sakit...”

“Sorry...”

“Kwento ka naman mga nangyari sayo buong linggo?” magsalita ka naman.. please. Ang sakit kasi na parang may iba ka na... na parang pinagsawaan mo na ako.

“Ayon.. okay naman...”

“Si Khail kamusta?”

“Ayon naman.. okay siya... tumataba...”

“Wag mo kasi masyadong pakainin...”

“Di mapigilan eh.. hahaha.” Sabay tawa.

Sa wakas tumawa siya. My heart makes smile. “Salamat at tumawa ka na...”

“bakit ba parang kalkulado mo galaw ko?” taong niya.

“Wala naman... I miss you lang..”

Humarap siya sa akin at hinalikan ako sa labi. In public pa talaga. Pilyong pilyo pa nga siya eh.

“Sa harapan ng maraming tao.?” Tanong ko.

“Bakit ba?”

“I love you...”

“I love you too.”

“Gaano mo ako kamahal?”

“Nasusukat ba yun?”

“Hindi... pero sabihin mo sa akin kung gaano mo ako kamahal...”

Binitawan niya yung kamay ko at tumungtong sa may upuan. Humarap sa may tao at nagsisigaw.

“Mahal na mahal ko si Arwin Jake Montederamos.... siya lang ang nag-iisang mahal ko.. siya lang at wala ng iba.... sana ako lang ang paniwalaan ni AJ... sana ako lang ang mahal niya... umalis man ako sa tabi niya.. sana maisip niya na mahal na mahal ko siya.. kahit anong mangyari.. mahal na mahal ko siya... yung puso ko nasa kanya na.. at sa kanya lang yun.. wala ng iba pa...” sabi nito.

Napaluha ako sa sinabi niya. Halos di ko mapigilan ang mapaiyak. Nakita ko rin na umiiyak siya. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko. Feeling ko iiwan na niya ako. Feeling ko mawawala na siya sa akin. Feeling ko, argsh.... wag sana.. Lord please.

10 pm na ng gabi ng umuwi kami sa bahay nila. Diretso kwarto at inaantok na ako. Nagbihis ako at pinahiram niya ako ng boxer at t-shirt. Ako ang unang humiga at sumunod naman siya.

Pagkahiga niya niyakap niya ako ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa batok.

“I miss you..” sabi niya.

“Me too.” Humarap ako sa kanya at hinalikan ko siya. Gumanti siya.

Unti-unti nakaramdam ako ng sensitibong pakiramdam. Isang feeling na kung saan nagsasabing kaaya aya ito. Unti-unting gumala ang mga kamay niya sa katawan ko, maging ang halik niya gumagalaw na rin.

“I will make this night memorable..” sabi niya.

Ang sakit. Sobra. Feeling ko tama ang hula ko na nagapaalam na siya sa akin. Sobrang nasasaktan ako kaya hindi ko na lang pinahalata na umiiyak ako.

Hinubaran niya ako ng damit, maging ako hinubaran ko na din siya. Malalapad na pagyayakapan at mainit na halik ang namuo sa aming dalawa sa loob ng kanyang kwarto.

Nag alab ang mga pagnanasa namin sa isa’t isa. Yung feeling na bumalik ka sa unang pagkakataon na nangyari sayo ito.

Ng naramdaman kong malapit na kaming mag isa, niyakap ko siya nag mahigpit at unti-unti naramdaman ko na nagsanib ang aming katawan. Masakit, pero hinayaan ko lang. Basta alam kong masaya ako na naibigay ko muli ang sarili ko sa kanya.

Tumagal ang pagnanasang ito ng ilang minuto. Ewan ko pero sinusulit ko na rin itong pagkakataong ito. Madami na ata ako masydaong iniisip.

Ilang sandali lang din ay natapos ang pagnanasa naming iyon. Ilang oras din matapos niyon ay nagkaroon pa ng pag uulit. Masaya ako sa nararanasan ko pero ang sakit ng nararamdaman ko. Sa kaloob looban ko, feeling ko mamatay ako sa sakit. Nahihirapan ako sa nangyayayari. I hate this damn feelings.

[Chad’s POV]

Nandito kami ngayon sa mall ni James. Nag gagala kami. Niyaya niya akong lumabas. Masaya ako, bakit? Kasi siya ang kasama ko. Kasi nasa akin siya at alam ko na nag aalala siya sa akin.

Bawat lakad namin, para akong heaven. Daig pa namin ang mag on. kung ano man ang nangyari sa kanila ni AJ, wala akong pakialam ang mahalaga eh nasa akin si James. Nung isang gabi di siya umuwi sa bahay namin, may pupuntahan daw siya eh.

“Anong ginawa mo nung isang gabi...” tanong ko habang nakain ako ng ice cream

“May ginawa lang..”

“Ano nga?”

“Kinausap dati kong kaibigan...”

“Sino?”

“Si Mark...”

“Baka naman si AJ...” pagmamaktol ko. Di siya sumagot. Hindi naman ako tanga na sabihing hindi na niya mahal si AJ. Ramdam ko yun. Baka nga napipilitan lang siya sa akin ngayon eh, pero wala, hindi naman ako nag beg sa kanya. Basta na lang siya lumapit sa akin at eto na.

“Mahal mo pa ba siya?” stupid question.

“Wag na natin pag usapan...”

“Okay... tara nood tayo movie...”

“Ano gusto mo?”

“Kimmy Dora 2... hahahha....”

“yeah.. wait bili lang ako ng ticket.”

While he was buying tickets, ako naman eh bumili ng pagkain namin. Then afterwards nanood kami ng movie.

Feeling ko panandaliang nawala yung sakit ko, bakit kamo? Kasi naman sobrang hagalpak ako sa kakatawa. Well, for your information, nag set na ng formality yung doctor ko.

Sabi niya I need to go surgery, pero ayoko, why? Natatakot ako, natatakot ako na baka habang nasa loob ako ng operationg room, mawala sa akin si James. Oo alam kong naawa lang siya sa akin.

Hindi lang yun yung dahilan, nahihirapan na din naman kasi ako. My operation is schedule after 5 months. di na daw dapat mag exced ng 8 months yung sergery ko. Stage 2 na kasi yung sakit ko at kailangan ng matanggal yung mga tumors sa katawan ko.

After ng movie, bumaba kami papuntang food court. Doon kami kumain. Madami na naman akong kumain. Nabusog ako lalao kaso sobrang sweet sa akin ni james. Sinususbuan na niya ako.

“Salamat..” sabi ko.

“For what?”

“Dito.. alam ko napipilitan ka lang...”

Di siya sumagot. “I love you...” at ngumiti lang siya.

Shit, ang sakit, ang sakit na ipamukha pa sa sarili ko na wala akong puwang sa puso niJames. Bakit kasi si AJ pa? Si AJ pa yung lalaking minahal niya.

After namin kumain, pumunta kami sa Quantum. Naglaro kami ng basketball at as usual, talo ako. Player kasi tong mokong na to.

“Ang daya mo talaga eh..” sabi ko.

“Diskarte lang yan...”

Hinawakan ko ang kamay niya at naghanap pa kami ng malalaruan, hanggang sa makarating kami sa isang videoke stand. Yung tipong live ung kantahan.

Nagulat na nga lang ako ng makita ko si AJ na nakatayo doon kasama ang isang babae. Nakanta siya.

“Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo ako? Nakakasiguro ka ba ngayon sa bago mo?”

“Sana ay mahalin ka niya at wag kang sasaktan.... kahit di tayo.. problema mo’y sabihin lang...”

His voice is soft as an angel. Nakakdala talaga. Haixt. Naramdaman ko na hinihigit ni James ang kamay ko paalis. Ayoko pa sanang umalis pero wala akong magawa. Nakita kong napatingin sa amin ni AJ.

Agad naman kaming lumayo doon. Hinigit niya ako.

“Hey... nasasaktan ako..” sabi ko. Napatigil siya

“Sorry.”

“Tara starbcuks tayo...” hinila ko ang kamay niya at doon na nga kami nag punta.

“sarap talaga dito... kahit amoy kape..” sabi ko.

“Malamang kepehan to eh..”

“Seryoso ka masyado...”

“Hahahah.”

Mayamaya, may napansin kaming nakatayo sa likuran namin. At yun na nga, si AJ at yung kasama niyang babae. Tumayo ako at tinitigan si AJ.

“hey...” ang nasabi ko.

Hindi makatingin si James kay AJ. Nagsalita yung babe, “Wow, huling huli talaga kayo..”

“Sino ka ba?”

“Shut up you boblax brain...”

“Kapal mo ah...”

“Please Rizza... let’s go.. ayoko na dito.. biglang sumama pakiramdam ko.. ayoko ng gulo....” sabi ni AJ.

“James... kapal ng mukha mo.. nakakinis ka...”

Kinaladkad naman ni AJ yung babaeng kasama niya. Boblax brain talaga, how dare she.

“Tara uwi na tayo...”

“Malasin ka sana... masktan ka sana... masagasaan ka sana. Walang hiya ka... sinaktan mo na naman yung best friend ko. Hinding-hindi kita mapapatawad!”

“RIZZA!!!” sabi ko.

“Okay.. wala na akong nagawa...”

[AJ’s POV]

Para na akong timang dito sa kwarto ko kasama si Rizza. Iyak lang ako ng iyak.

“Bakit ba kasi nagpapakatanga ka doon sa walang kwentang lalaking yun?” sabi sa akin ni Rizza

“Mahal ko siya Rizza....”

“Pero sinasaktan ka niya...”

“Mahal ko talaga siya...”

“Wag ka ngang magpakababa... madami pa jang iba...”

“Madaling sabihin yan pero masakit lang talagang tanggapin....”

“hay naku.. sa lahat ng taong aambunan ng katangahan, ikaw pa.... ikaw pa ang sumalo ng lahat...”

Ang sakit. Takte. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Sabi niya mahal niya ako, pero bakit? Bakit kasama niya si Chad? Sila na ba? Takte yan ang sakit. Daig ko pa ang tinapakan. Ahas talaga si Chad. Walang hiya siya.

Niyakap ako ng mahigpit ni Rizza. “Ang sakit best.. ang sakit...”

“Sige iiyak mo lang yan... nandito lang ako para sayo...”

“Hindi ko maintindihan kung bakit?”

“Bakit kasi hindi mo tinanong?”

“Natakot ako.. ayaw kong alamin.. kinakabahan.. hindi ko alam kung kakayanin ko bang marinig na hindi na niya ako mahal.. na nakikipag hiwalay siya sa akin.. feeling ko mamatay ako pag nangyari yun.. feeling ko hindi ako mag susurvive... kaya ayon.... kaya hindi ko tinanong...” tuloy pa din ako sa pag iyak.

“Weh ikaw din naman pala may kasalanan eh.. haixt... yaan mo na.. makakarma din yung lalaking yun...”

“Pero mahal ko siya.. mahal na mahal...”

“Dapat kasi hindi mo na lang siya minahal eh...”

“Walang magagawa ang puso ko... mahal ko talaga siya...”

“Wag mo ng paulit-ulitin...”

“Salamat.. salamat at nandito ka... hindi ko alam kung saan ako tatakbo kung sakaling wala ka dito....”

“Siya tahan na.. wag mong sayangin ang luha mo sa walang kakwenta-kwentang tao.”

Nag simula na akong may ayos ng sarili. Ayokong malaman pa nila mama tong nangyari.

Gabi na ng pumunta sa amin si James. Di ko inaasahan na pupunta pa siya dito sa amin. Di ko alam kung kaya ko ba na kausapin siya. Feeling ko bibigay ang puso ko sa mangyayaring pag uusap namin eh.

“Good evening po mama.” Bati niya kay mama.

“Oh iho.. gandang gabi din.. kumain ka na ba?” tanong ni mama.

“Opo...” sagot ni James.

“Sa tingin ko nga tita busog yan.. busog na busog sa ibang kandungan...” pahabol ni Rizza.

“Shhh... stop...” sabi ko.

“Usap tayo..” sabi ni James sa akin.

“Mag uusap pa? Eh kitang kita na kanina eh...”

“Best..”

“Oo na tatahimik na...”

“Doon tayo sa labas.”

Agad akong nagtungo sa garden namin. Para incase na umiyak ako sa pag uusap namin, madali akong makakaakyat ng kwarto ko. May daan kasi dito, may shorcut.

Niyakap ko siya. Ewan ko, nagpapakamartir na ata ako sa sarili ko. Nagpapakatanga sa taong mukhang hindi naman ako magagawang ipag laban.

“Kamusta?” tanong ko.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan...”

“Alam mo na naman kung okay ako o hindi eh...”

“Sorry...”

“un na lang ba lagi mong sasabihin?”

“Nangako ako na hindi ka sasaktan pero heto.... heto ako at sinasaktan kita...”

“Eh kagustuhan mo yan eh...”

Umupo siya sa bench at tumabi naman ako sa kanya.

“Tungkol sa kanina?” sabi niya.

Takte ayokong umiyak.. ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako.

“Ah.. yun ba.. kamusta pala ang lakad ninyo? Dapat sinabi mo na lalabas kayo para nasamahan ko kayo...”

“Pero...”

“Kamusta na ba si Chad? Galit pa ba siya sa akin? Kasi ako... galit sa kanya eh.. galit na galit.. alam mo ba kung ba....”

“Stop... please.... stop...”

“Bakit?”

“Sorry...”

“Utang na loob. Sorry na naman? Papakainin mo na lang ba ako sa sorry mong yan? Bubuhayin mo na lang ba ako sa mga pangako mo?”

“Mali ako...”

“Oo maling-mali ka... dapat kasi sinabi mo.”

“Hindi ko alam kung paano.”

“Tanga kasi ako kaya ginaganyan mo ako... napakatanga ko... at isa pa... oo nga naman, kailngan makuha mo muna ulit yung katawan ko bago ka lumipat sa iba...”

“Kung yan ang gusto mong isipin...”

“Oo yan talaga. Gago ka!”

Di siya umimik.

“Bakit mo ginagawa sa akin ito? Sabi mo mahal mo ako pero nasa piling ka ng iba? Bakit?”

“Hindi ko na kaya?”

“Paanong hindi mo na kaya?”

“Makikipag hiwalay na ako sayo....”

That was the most painful moment ever. Ang makipag hiwalay siya sa akin. Hindi ko na napigilang umiyak noon. Bumagsak na ang luha ko sa mga mata at ang sarili ko ay hindi ko na nakayanan kaya napaluhod na lang ako mula sa pagkakaupo.

(Itutuloy)