Saturday, June 6, 2015

Ang Best Friend Kong Lover (Book 1)- Part 3

Hello Guys. I know it's been a while. Halos mag one year na din since nung huli ako nag sulat. Dati ko pa naman gusto na Irevised tong kentong ito. I-edit kumbaga. Para naman hindi masyadong mabilis ang phasing. Kaya heto ako ngayon. On the spot. Hahahah. I hope You will like it.

May ginagawa akong kwento and I don't know if mapopost ko pa siya dito. Medyo mahirap ng isingit sa schedule kasi kaya ayon.

Enjoy. :D

...............................

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers caused by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Matapos ang araw na naganap ang pagtatalik namin ay napag isip isip ako. Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari pero itinuloy ko na lamang ang pakikipagrelasyon sa kanya.


Sa isip ko ay baka naguguluhan lang siya at kailangan lamang niya ng kadamay sa nangyayari sa kanya. Kilala ko si Johan at ang mga kaya niyang gawin.


Dumaan ang araw at lalong napadalas ang pagsasama naming dalawa. Hindi pa rin naman nagbabago ang pagtuturingan naming dalawa pero mas nagging sweet siya sa akin. Yung literal na tatawag siya tuwing umaga pag gising, tanghali pagkain, at sa gabi bago matulog.


Minsan naiinis ako sa pagkakulit niya pero kapag di ko naman siya sinagot eh alam kong pupunta siya sa bahay namin para manggulo sa mga ginagawa ko.


Napapangiti naman niya ako minsan lalo na kapag bumabant siya ng mga linya ng pagmamahal. DI ko alam kung minsan ba eh kinkilig ako dahil sa sobrang sweet niya, kadalasan nagiging corny na siya pero napapangiti pa rin nito ako.


Minsan nahahalata na ng mga katropa namin ang pagkasweet ni Johan. Lagi kasing nakayakap at nakaakbay sa akin si Johan. Gusto lang sigurong ipakita na ako ay sa kanya lamang.


“Mga tol, grabe aman lambingan ninyo. Daig ninyo pa ang mag-asawa nan ah.” Sigaw ni Michael. 


“Inggit kayo kasi wala kayong best friend na tulad neto.” tugon naman ni Johan. 


Hindi naman sumasagi pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon talaga kasi mas pinagtutuunan ko ng pansin ang pag-aaral. At isa pa, malibog din akong taokaya baka kapag nagka girlfriend ako eh mabuntis ko din lamang.


Ang sarap pala ng piling na may nagmamahal sayo. Yung tipong may nagmamahal sayo, nagaalaga at handang sumalo sayo kapag nalulungkot ka. 


Minsan nagkausap kami ni Johan tungkol sa sinasabing relasyon namin. "Tol gusto ko lang magtanong." sabi ko.


Dahil walang tao sa bahay namin, bigla na lang siyang lumapit sa akin at yumakap sa akin sabay halik sa aking labi. Mapaglaro si Johan lalo na sa paghalik sa akin. Nanjan yung tatagalan niya ang labi niya sa labi ko o kaya naman ay paglalaruan pati ang dila ko.


"Heart ano ba yun?" tanong niya.


"Paano tayo?" tanong ko.


"Magkarelasyon." sabi nito.


"Mag syota ganun?"


"Mag boyfriend." giit niya.


"Okay."


"Tol ayaw mo ba? Hindi mo pa rin bang nararamdaman sa puso mo na mahal mo ako?"


"Tol napagusapan na naman natin to diba? SAbi ko dadahan-dahanin natin?"


"ANo bang inaalala mo?" tanong niya


"Yung mga magulang natin."


"Darating din ang araw na aamin tayo sa kanila. Hintay ka lang heart ah. Tol, wag kang bibitaw please."


Isang ngiti na naman ang inilahad ko sa kanya bago niya inilapat ang kanyang labi sa aking labi. Hindi ko ngayon alam kung bakla na ba talaga ako kasi nagugustuhan ko na ang bawat haplos niya. Yung tipong namimiss ko siya kapag di ko siya nakikita.



Nasanay lang siguro ako na magkasama kamoi. Halos minuminuto eh magkasama na kami. Halos minsan nga nagugulat na lamang ako na papasok yan sa banyo namin at saka maliligo kasabay ko at siyempre may nagaganap na milagrodoon.


Hanggang sa magpasukan kami ng 4th Year sweet na sweet pa rin kami. Parang ayaw niyang magkahiwalay kami. Hindi ko nga alam kung nagkakaroon na ba ng ideya ang mga tropa namin sa nangyayari sa aming dalawa.


“Hi Dylan!” nagulat ako ng may magsalita sa likod ko, si Cris. 


“O Cris, nice meeting you again. Dito ka mag-aaral?”


“ OO eh. Sana magkasection tayo para naman may kakilala ako.” 


“Tingin ko magiging magkaklase tayo. Mukhang achiver ka naman kaya panigurado."


"Si Johan pala?" tanong niya.


"Mukhang late na naman yun."


"Ah akala ko sabay kayo."


"Nauna ako. Tara tuloy na tayo sa classroom." sabi ko.


At sabay nakaming pumunta sa classroom na nakatoka sa amin. Marami kaming ginawa ng 1st day at talaagng nakakapagod. After 2 days, sectioning na.



Ako, si heart ko, Michael, Ivan at Cris ay magkakasection pa rin. At heto na, arrangement ng upuan. Nagkaroon ng bunutan kung sino ang magiging ka seatmate namin. 


Si Michael ay katabi si Christine, si Ivan ay katabi si Precy at nang bumunot na ang heart ko, pinapanalangin kong ung number na mabubunot niya ay katulad ng akin, pero mukhang nagbibiro ang tadhana dahil ang nabunot niya ay ang numero ng ex niya. 


Ex girlfriend niyang tumagal ng 1 and half years at talagang sineryoso niya. 
Sa nangyari, bigla nalang akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit pero may kumurot sa aking puso. 


Eto na nga ba ang sinasabing SELOS? Parang piniga ang puso ko nang makita silang umupo na magkatabi. Naitikom ko na lamang ang aking kamao at ibinaling ang aking tingin sa iba. 


Tapos, nang bumunot ako, natuwa pa rin ako kasi katabi ko kakilala ko. Si Cris. Nang maglipatan na, medyo nasa dulo kami at eto pa, kaming dalawa lang ang nasa likod ng row namin.


Ewan ko ba pero ng mapalingon ako kay Johan, nakita ko siyang nakasimangot at hindi mapakali. Hindi pa rin mawala sa tingin ko si Johan at ang katabi niya. Parang nasususot ako. Halos isang taon kaming ganito. Kainis talaga sobra! Hanggang sa nag bell na.



“Heart sabay na tayo mag recess.” Tanong ko kay Johan. 


“Hindi mo ba sasabayan yong sweet friend mo?” sambit ni Johan. 



“Huh?” pagtatanong ko na naguguluhan sa sinasabi niya.


“Edi yung Cris na yon.” Giit ni Johan. 


"Wow... Ano na naman ba tol? Nagkausap na tayo jan ah?"


"Ewan ko. Wala akong gana."


"Ah walang gana." sabi ko. "Baka nabusog ka na sa pakikipagkwentuahn dun sa ex mo. ANg sweet niya. Tangina." sabi ko nalamang sabay talikod.


Bigla siyang tumayo at hinabol ako. Nagtuloy tuloy na lamang ako sa paglalakad at hinayaan na humabol siya. Ako na nga ang sumusuyo sa kanya eh ako pa ang inakusahan. Tangina talaga.


"Dylan teka..." sabi nito.


"Bumalik ka na doon sa lintek nating room. Doon ka na!" sigaw ko.


"Ano ka ba nakikita tayo ng maraming tao."


"Oh ano ngayon. Edi tumingin sila. Wala akong pakialam." sabi ko.


"Tangina tol isa..."


"Dalawa."


"Tatlo."


"Marunong ao magbilang gago." sabi ko.


Agad naman niya akong hinatak at nilakasan niya ang pwersa dahil lingid sa kaalaman niya na mas malakas ako kaysa sa kanya. "Tangina tol sige humakbang ka pa at hahalikan kita dito."


Natauhan naman ako at saka huminto sa paglalakad. Hinatak niya ako palayo sa lugar na iyon at dinala sa may garden ng school namin. Umupo ako sa isang stool malapit sa may mga rosas.


"Tol gusto ko lumao ka kay Cris." sabi nito.


"Edi lumayo ka din kay Angel."


"Tol naman, magkatabi kami. At isa pa wala naman kaming ginagawang masama." sabi ko.


"Bakit ganun din naman ako. ah. Tol, lalaki si Cris. Wala siyang gusto sa akin." sabi nito.


"Tangina naman. Ramdam ko na may gusto siya sayo."


"Tol, kung sino man sa atin ang dapat na matakot eh ako. Ex mo si Angel tol. Alam mo ba ha? Tol mahal ka pa nun."


"ALam mo naman na wala na akong gusto doon tol."


"Pero naging kayo."


"Bakit ikaw?" sabi niya.


"Tol alam mong wala akong anging gf. Mutual understanding lang yung sa akin dati. Alam mo yan."


"Pero tol."


"Basta tol ang sa akin nagseselos ako kapag nakikita ko kayo."


Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon pero bigla nalang niyang hinila ang mukha ko at siniil ng halik. "I love you." sabi nito na nakatitig sa akin.


"Tol... mahal na yata kita talaga." sabi ko nalamang at saka ko hinila ang kanyang mukha papalapit sa akin hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.


(Itutuloy)

1 comment:

  1. sino ba yang cris na yan, kaselos-selos ba sya? maghiwalay nlang kayo para wala ng selosan.

    kailan ang update?

    ReplyDelete