Guys. Para po sa lahat ng tumutok sa If I Let You Go. Alam ko minsan po may pag kukulang ako. Sorry po ah. Kung minsan late na po ako Mag update. May enxt story po ako at sana po suportahan po ninyo ako. Maraming salamat po.
Sa mga nag comment po last PART. mARAMING SALAMAT PO.
Kila:
1. 07
2. Andy
3. Makki
4. wastedpup
5. Lemlem
Maraming salamat po...
Sa iba po na nag commenrt dati... maraming salamat po...
Kay Kuya Dhen pala, salamat at pinapagamit mo ako ng account mo po.
Kay Gab, Lambal, salamat din ah... gud lak sa buhay buhay
Kay Coffee Prince na bigla na lang nawala na parang bula... salamt sa pag comment ah...
Kay Yuri na nag tanong sa akin ng update kanina habang naglalaro ako ng AVENGERS..... hahaha
Maraming salamat po talaga sa lahat. happy ako sa mga comment ninyo... hope mag comment na kayo sa last na to...
Naging roller coster po yung story... salamat po sa mga tumutok....
Di ko na po sure kung makakapagpost pa po ako ng story sa BOL..... baste bisita na lang po kayo sa blog ko...
sa fb ko po: yaoi_addicted01@yahoo.com or hanapin na lang po ninyo ang name na DYLAN KLYLE SANTOS
or press ninyo na lang po yan... :))
fb ko
then yung blog ko po na nabago na siya.... kung yung yaoiblogs po ang pupuntahan ninyo... may link naman po dun na nag sasabi na nandun yung bago kong blog... salamt po...
blogs:
http://yaoiblogs01.blogspot.com/
at
Dylan Kyle's Diary
Always here,
Dylan Kyle Santos
Fall for You – Secondhand Serenade Song Lyrics
Yung teaser po ng next story ko po nasa may baba
______________________________________________________________
Dumaan ang isang araw, dalawang araw, tatlong araw... hanggang mag isang linggo, ngunit walang anino ni Ryan ni isa. Kahit tawag o text wala man lang. Maayos na ang pakiramdam ko kaya nagdesisyon ako na sa oras na makalabas ako dito, hahanapin ko si Ryan kung nasaan man siya ngayon.
Walang bantay sa akin noon kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto. Napakaganda ng ospital na pinagdalhan sa akin. Bumaba lang sila mama para bumili sa palengke na malapit sa ospital na iyon. Walking distance kasi doon yun eh. Tapos may Jollibee at Chowking na malapit doon. (Siguro yung iba na malapit lang sa Laguna eh alam yung ospital na iyon...).
Nagpasya akong mag gala gala. Hawak hawak ang stand na my dextrose eh naglakad lakad ako hanggang mapadpad ako sa mumunting chapel sa loob ng ospital.
May nakita akong isang binatilyong lalaki na nakaupo at tahimik na nagdarasal. Nakita ko siyang lumuluha kaya naintriga ako. Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki at sinipat kung kilala ko ba. Napakabata niya. siguro 4th year highscool. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak, ang alam ko lang ngayon eh parang dama ko yung nararamdaman niya.
Gwapo ito, medyo may katangkaran, siguro mga mas malaki lang ako ng onti. Di ko na lang pinansin ito bilang pagrespeto. Pasyente rin siya ng ospital na iyon. Base kasi sa damit nito eh. Umupo ito at pinahid ang luha. Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita ito.
“Kapag nabasag ang puso, hindi malakas ang tunog tulad ng isang pagsabog. Pwedeng kasing hina ng nalaglag na dahon. Ang masakit nga lang doon, ikaw lang ang nakarinig...... Minsan hirap din pala magpahalag ng isang tao. Yun tipong lagi kang nandiyan para sa kanya, kasama sa gitna ng gera, karamay sa mga problema... ngunit isang araw.... magigising ka na lang..... iniwan ka na pala niya...”sabi nito.
Alam kong kinakausap niya ako.
“Tol, may problema ba?” tanong ko.
“Pagpasensiyahan mo na ako kuya, emosyonal lang ako.” sabi nito.
Nakita ko ang kamay nito na may laslas.
“Tol... dapat di ka ang laslas...” sabi ko.
“Masakit eh.... yun tipong di kayo pwede ng mahal mo... yung iniwan ka niya dahil sa mga taong nasa paligid mo... di kayo tanggap ng lipunan at ng mga tao....at higit sa lahat yung lokohin ka niya… ang sakit sakit.” sabi nito.
May nabuong kunklusyon sa isip ko.
“Tol... wag ka maoffend ha.. pero bisexual ka ba?” tanong ko.
“Sa totoo.... oo... ikaw din di ba?” tanong niya.
“Hahahah... yup... pano mo nasabi?” tanong ko.
“Ramdam ko eh... pati alam kong naiintindihan mo ako...” sabi niya.
“Lam ko yang nararamdaman mo... alam mo, hirap pag nawala ang mahal mo... nakakalungkot, masakit, nakakamiss..... bakit kaya ganoon? Pagkatapos ng saya, dadating din yung time na iiwan ka niya, dun sa part na sobrang mahal mo na siya...” sabi ko.
“Sa una... akala ko wala wala lang... pero nung nagtagal.... nahulog ako ng sobra.... mahal ko siya... sobra...... itinago namin ang lahat tungkol sa amin.... pero.... yun nga lang... wala eh...”sabi nito.
“Alam mo... darating yung point na magasasama din kayo. Kung kayo, kayo talaga kung hindi, well.... sorry try again....” sabi ko.
Natawa naman siya.
“Yan.... ngumingiti ka naman pala eh."
Lumabas ang dimples niya.
“Salamat at may nakakusap ako tulad mo.”
“Ako nga din eh... kaya wag ng sad... nababawasan kagwapuhan mo eh..” sabi ko.
“Naku bola agad ha kuya” sabi nito.
“Totoo naman eh.. hahaha..” sabi ko.
“Well.... sabi nga nila, ang pag ibig daw parang crispy pata..... masarap pero deadly...”
“Hahahah... may point ka.... haha.. pero minsan ang pag ibig parang tinapakang ipis..... akala mo patay na... yun pala buhay pa.....” sagot ko.
“Well... yeah right.... sabi ko nga minsan kasalanan ito ng puso ko eh.....”
“Hay nako.... wag mong sisihin ang puso mo.... batukan kita eh.... sabi nga ni Bob Ong.... Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo....”
Natahimik siya. Nabiga siguro sa sinabi ko.
“Sorry napasobra ako.”
“No, You are an amazing man....” sabi niya.
“Nope... di naman.... pero somehow... nakaligtas nga ako sa kamatayan ng katawan ko... ewan ko nga lang kung ang puso ko makaligtas pa ulit...” sabi ko.
“Bakit.... may problema ba?”
“Kasi yung mahal ko... hanggang ngayon di pa niya ako dinadalaw.... di ko alam kung anong nangyari sa kanya... ayokong isipin na iniwan niya ako.....” sagot ko.
“Siguro naman hindi... youre an amazing guy.” Sabi niya.
“Nakak-flatter naman... pero iaaccept ko... hahah...”
Nagkwentuhan kami at marami akong nalamn tungkol sa kanya. Nag kwento din ako about sa akin. Ilang minuto din kaming nag kwentuhan. Hanggang sa marinig ko na ang boses ni mama.
“Nicko....kanina pa kita hinahanap....”
“Sorry ma... naisipan ko lang po mag lakad-lakad....” sabi ko.
“Tol.... alis na ako ha... nice meeting you...” ngumiti lang siya at umalis na ako.
Nang makarating ako ng kwarto ko eh saka ko lang naalala na hindi ko pala natanong yung name niya. Well, siguro we will meet again someday. After ng isa pang linggo sa ospital eh pwede na akong lumabas. Nagpahinga ako gaya ng sabi ng mga doctor. Sumilip ako saglit sa labas ng kwarto ko. Pag labas ko ng kwarto, nakita ko si Anthony.
“O san ka pupunta?” tanong ko.
“Ah... si papa kasi eh dito naka confine eh...” sabi nito.
“Kamusta pa la si Tito?” tanong ko.
“He is fine naman eh..... nga pala.... I need to give it to you...” may iniabot itong maliit na box. Biglang nag ring ang phone ni Anthony.
“Yes ma?... okay okay.... yeah... I’m here sa ward ni Nicko... okay... sure.....bye....” narinig ko na sabi ni Anthony.
“Nicko.... pinapapunta ka pa la ni mama sa ward ni papa... gusto ka daw makausap ni papa....” di ko alam kung bakit pero pumayag ako. sabi ko susunod na lang ako.
Binuksan ko yung maliit na box na ibinigay niya sa akin. Nagulat ako sa laman nito. Isang singsing, tapos may nakaipit na sulat. Agad kong binuksan ito at binasa:
Para sa pinakamamahal kong si Nicko,
Alam ko na okay ka na ngayon. I’m happy that you are alive and you recover so fast. I miss you very much. Alam mo yung feeling na para akong may tarak ng kutsilyo sa puso. I love you so much. Alam mo kung gaano kita kamahal. Lahat inialay ko sa iyon. Pero, alam kong eto ang dapat. Alam kong maggalit ka sa akin at sasabihin mong loko loko ako. oo Nicko, nakiipaghiwalay ako sayo. Mas makakbuti ito. tama lang ito para sa ikakabuhay mo.
Ayoko na nakikita kitang nag aagaw buhay. Ang sakit sa puso. Ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo. Mahal na mahal kita. Una palang kitang makita, kakaiba na ang naramdaman ko. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya noong panhong sinagot mo ako. mahal na mahal kita sobra at hindi ako magsaawang sabihin iyon. Mag ingat ka lagi. Ingatan mo sarili mo at ang puso mo. Hope makakita ka ng mag mamahal sayo ng higit sa ginawa ko.
P.S.
Yang singsing na yan, ibibigay ko sana sayo bago nangyari ang lahat ng issue kay papa. Pero di ko na maibibigay iyan. Yayayain sana kita na mag pakasal pero mukhang di na mangyayari yan. I always love you at mas mamabutihin ko na lumayo sayo kesa makita mo akong nasasaktan ng ganito. Mas pinili ko lang mamatay para lang mabuhay ka. Mahal na mahal kita sobra.
Nagmamahal,
Ryan
Nilukot ko ang papel kasabay ng pag tulo ng aking luha. Bakit Ryan, bakit ka sumuko? Ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. Gago ka, bakit mo ako iniwan? Akala ko ba walang iwanan. Handa akong hinatyin ka pero bakit pinapatigil mo ang natitirang pag asa ko.
Ikaw ang dahilan kaya ako nabuhay. Dahil sayo. Pinahid ko ang luha ko bago ko hinayaan ang sarili kong pumunta sa kwarto nung papa nila Ryan. Mabibigat ang yabag ng aking paa. Kahit na kinakabahan, di na ako natatkot sa kahahantungan ng usapan namin. Inalalayan ako ni mama.
“Anak... okay lang kung hindi mo kaya....”
“Ayos lang ma... kaya ko to.. and besides... wala ng mawawala pa sa akin..." pinahid ni mama ang luha na namutawi sa aking mata.
“Anak… I love you. Andito pa kami sa tabi mo.”
“Salamat ma.” Niakap ko ito ng mahigpit.
Nakahiga sa kama si tito nang pumasok kami.
“Pwede bang kami lang ni Nicko ang mag usap?” sabi nito.
Lumabas silang lahat at binigyan kami ng pribadong pag uusap.
“How’s your feeling tito right now?”
“I’m okay.... I think.. pangapat na linggo ko na ito.. I’ve got my operation kasi. Naging critical ang kalagayan ko. Pero okay na ako.... eh ikaw ba?”
“I’m okay po..... I recover faster than they expected... ganyun lang siguro talaga.... matagal mamatay ang masamang damo... hahahah” pagbibiro ko.
“Here’s the point....” biglang seryosong sabi niya.
“Tito..... wala na kayong dapat ipag alala... wala na po kami ni Ryan... mahal na mahal ko po siya...... pero mas pinili niya na mag pakalayo..... masakit po... at alam kong tutol kayo sobra... di ninyo na dapat ulit-ulitin pa...” pag straight forwad ko agad.
“You are a wise guy..... and sure did that you are an amazing person….napaka buti mo nga... but I think you are barking up in a wrong way..... Oo tutol ako sa inyong dalawa. Binalaan ko non si Anthony nung kayo pa. Ginulo ko ang buhay mo. It’s all my fault kung bakit nagkandaletse letse ang buhay mo. It is all my fault then.”
“Ano po ba ang gusto ninyong sabihin?” tanong ko.
“Gusto kong pabalikin mo dito si Ryan. He is now going to America to live there. Ako ang nag pilit sa kanya na hiwalayan ka. Pinilt ko siya. Ginipit ko siya at ikaw. Sabi ko pag hindi siya sumunod sa akin ikaw lahat mag buburden kaya pumayag siya. Then suddenly, nangyari yung kidnapan sa inyo. After that insident, he surrender to me. Nag decide na siya na lalayo siya kasi mas makakbuti ninyo....." Napatigil siya.
"Nakita ko na mahal na mahal ka talaga niya at handa siyang mag sakripisyo. Noon ko lang siya nakitang determinado. Noong di kapa nagigising lagi siyang nasa kwarto mo. Binabantayan ka niya. Alam kong mabuting tao ka. Kaya nag isip isip ako. Natauhan ako sa mga nangyari. Bakit ba ginagawa kong letse ang buhay ng mga anak ko. Dapat maintindihan ko sila dahi magulang ako. Nahirapn lang talaga akong tanggapin”
Napaluha ako sa sinabi niya.
“Please lang..... pabalikin mo siya... ikaw lang ang makakpag pabalik sa kanya dito.... and … and…. And I give you my blessings... kung magpapakasal kayo di ako tututol.... alam ko mabuti kang tao at madiskarte..... so welcome to the family.... I will embrace you to our family” Niyakap niya ako at napaluha ako ng sobra.
“Tito...” biglang putol niya.
“Papa.... ndi tito...”
“Ah okay po.. heheeh.. salamat po sa blessings at pagtanggap ninyo sa akin. Hayan po ninyo gagawin ko ang lahat para mapabalik siya....”
“Now...go now... baka di mo siya maabutan....” sabi niya.
Nag madali akong lumabas. Di ko inda ang sakit na narardaman ng katawan ko. Ang nararamdaman ko ngayon ay pag kasabik at tuwa.
“Mama... we have a flight to stop...” sabi ko kay mama.
“Naku anak... please... pabalikin mo ang anak ko...” sabi ng mama ni Ryan.
“Opo mama.... promise yan...” at nagmadali kaming pumunta doon.
Habang nasa daan, ibang kaba at excitement ang nararamdaman ko. Yung feeling na nasasabik ka na sa sobrang saya. Masaya na ako now and then. Now, finally tapos na ang unos na hinaharap ko. Dumaan na ako sa lahat ng problema at ngayon eto na ang pagkakataon ko para harapin namn ang kaligayahan ko. Tinatawagan ko si Ryan pero patay ang phone niya.
“Ryan... pasaway kahit kailan. Humanda ka sa akin kapag nakita kita. Iiwan mo pa ako ha... naku naku naku...” sabi ko sa sarili ko.
“God... please paabutin mo naman ako sa kanya oh... last na naman to.... gift mo na sa akin...” sabi ko.
We travel about 2 hours para lang makaabot sa flight niya. Buti na lang 1 hr. Pa bago yung flight niya. Maabutan ko pa siya. Laging maaga yun pag may flight siya. Di siya pumapayag na naiiwanan siya ng eroplano.
Pero sa pagkakataong ito, no choice siya kundi maiwan ng eroplano dahil hindi ako papayag na umalis siya. Gagawin ko ang lahat. Kung kailngan ko siyang itali gagawin ko. Pero di ako papayag na mawala siya.
Hindi mapalagay ang katawan ko. Para bang saabog ito sa pag ka excite. Grabe ayt.
Todo pagmamadali kami ng makarating na kami. Todo hanap na ako. banda rito, banda roon. Hanggang mahagilap ko ang pagkatao niya. Nakita ko siyang papasok na. Kaya isang sigaw na nakakagulat ang yumanig sa lahat.
“RYYYAAAAANNNNN!!!!”.
Maging siya napatingin. Ayaw kaming papasukin nung guard dahil di pwede. Lumingon siya sa akin at nakita ko ang pagkagulat niya. Ngunit imbis na pumunta sa akin, nagtuloy siya.
“Sige talikuran mo ako... di ako aalis dito hanggang sa bumalik ka.....” sigaw ko.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Bakit ba. Kailngankong pigilan ang mahal ko eh. Grabe sila mga tsismoso. Bahal sila eskandalo na kung eskandalo. Dumami na yung mga guard na dumating.
“Wag kang gumawa ng eskandalo dito...” sigaw niya.
“Lumapit ka dito para di tayo nakakaagaw ng pansin!” sabi ko.
“Paano kung ayaw ko?” sabi niya.
“Wala akong magagawa kundi ang mag wala dito....” panakot ko.
Lumapit siya ng marinig yon.
“Di ka pa ba nadadala? Iniwan na kita ah.... INIWAN!.... bakit di ka pa rin tumitigil?”
“Ngayon pa? Ngayon pa ako titigil? If I let you go, anong mangyayari sa buhay ko? Babalik na naman sa dati? Mahirap mawala ang mahal mo... at isa pa last chapter na to ng love story natin ano ka ba?”
“Pero di na nga pwede.... hindi na...”
“Bakit ka ba natatakot na mahalin ulit ako... bakit ba ayaw mo na sa akin? Matatpos ang lahat iiwan mo na lang ako? Well gusto mong sabihin k okay author na irevised lahat yan at tanggalin ka sa scene?”
“Pero...”
“Wag kang mag reasons sa akin... wag na wag mong gagawin yan... dahil hindi na ako tatanggap pa niyan.”
“Ayoko ng nakikita kang nag hihirap... nang dahil sa akin ang buhay mo nagkanda letse letse...”
“May mga bagay na kahit nasa akin na, nawawala pa.... pero siguro talagang ganon. Kaya naisip kita, lam kong di ka na magiging akin, pero sana bago ka mawala, malaman mo na kung di ka mahalaga sa akin, e di sana pinabayaan na lang kita...” sabi ko sa kanya na nalilingid na ang aking luha. Natahimik siya bigla.
“Kung gaano kita kamahal, hindi ko mabiling kung gaano. Mahal na mahal kita. Sobra. Iniisip ko lang naman ang kapakanan mo eh... ayaw na kita masaktan...”
“Kung ayaw mo akong masaktan... anong ginagawa mo sa akin?” Di agad siya nakasagot.
Lumabas siya sa may gate at lumapit sa akin.
“I’m sorry... mahal na mahal kita.... sorry... iniwan kita.... mahal na mahal kita...” niyakap niya ako. nagpalakpakan ang mga tao.
“Mahal mo naman pala ako eh... iiwan mo pa ako.. Drama mo ha. Batukan kita eh. Ipapaaway kita sa mga readers eh….Ngayong tanggap na ako ng papa mo?” sabi ko.
“Huh? Talaga?”
“Oo... siya nagsabi na iuwi kita... na wag kitang hayaang umalis....” nakita ko ang paglingid ng luha niya.
“Wag ng umiyak... halikan kita jan eh.” Binibiro ko lang siya pero hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao.
“Bakit mo ginawa yun?” tanong ko.
“Diba legal na tayo? Kaya wala ng dapat pang ikatakot pa.” Sabi niya.
“legal pala ha... ni hindi mo nga maibigay ng ayos sa akin ito eh..” inilabas ko yung box ng singsing.
Nakita kong ngumiti siya. Bigla siyang lumuhod at kinuha ang singsing.
“Hoy... tumayo ka jan... nahihiya na ako sa eksena na ginagawa natin dito...” sabi ko.
“Pierre Nicko Mercado.... will you marry a person like me named Ryan Cyril Reyes...?” sabi niya na seryoso ang mukha.
“Paano kung ayoko?” sabi ko.
“Alam kong gusto mo at pag tumutol ka... ipapadukot ko puso ko....” sabi nito.
“oo na... YESSSS!!!” sabi ko.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hinalikan din niya ako ng kay tamis. Feeling ko nasa heaven na ako. bigla siyang humarap sa mga tao at nag salita. Pinipigilan ko siya pero ayaw niyang paawat.
“Mga kababayan.. ladies and gentlemen.... narinig na ninyo... papakasalan daw ako ng mahal ko... wooaaaahhh..” sigaw niya.
Di ko alam kung mahihiya ba ako dahil nakalibot na sa amin ang mga tao. Nagsisigawan sila sobra. Hahahah.
“Alam mo, napakagaling talaga ni God.” Sabi niya.
“Bakit naman?”
“Alam kasi niya kung saan magiging masaya ang tao, kung saan sila pwedeng magmahal at mahalin ng totoo, kung saan yung langit dito sa mundo....Kaya pala nilagay niya ako malapit sayo.....” sabi niya.
“Ang sweet mo naman. Alam mo... sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsusumbat ng kasalanan. Mahal na mahal kita at lagi lang akong naririto para sayo.”
“I will never let you go again dahil IF I LET YOU GO, ikakamatay ko na.”
(Wakas)
_____________________________________________________________
Love is always comes in an unexpected form.
Love is not a thing to buy.
Love is priceless.
Loves comes in friendship....
But what if....
What if that's love ruin your friendship?
A love that is forbidden.
A love that will leads to hatred between two friendship that will love same man.
* AJ, a smart, talented and loyal best friend. A boy that was hurt by his past relationship. A boy that seeks love to a man that seeks love too after the break up with his long term girl friend, isang tao na kung saan nagpadama sa kanya na mahal siya. But what if his past came back? Will he able to resist him?
"Oo mahal kita.... pero mas mahal ko siya.... intindihin mo naman na hindi tayo pwede.... dahil alam natin ang katotohanan.... Nagmamahalan kaming dalawa... kahit na ako maiwang sugatan...."
* James, suplado, madiskarte, mapagmahal at gwapo. He will be the one who will conquer the bond of the two best friends. One, his past relationship na kung saan hangang ngayon mahal pa niya at ang isa naman, mapipilitan siya kahit alam niyang masasaktan niya ang isa.
"Masaya ako at nahanap kita. Lalangoy ako sa buong daigdig para maka piling kita.
Masaya ako kasi mahal kita. Miss kita, pero malayo ka. Kailangan kita, pero wala ka. inisip ko limutin ka at tumingin s iba, sh*t! hindi ko kaya! mahal talaga kita!"
*Chad, the best friend. Siya ang magiging dahilan ng kumplikadong mundo kay AJ. Matapos niyang mag bigay ng daan para kay AJ at Jaysen, malalman niya ang nakaraan ni AJ kay James. How can he sacrifice his heart again? After mangyari yung encounter kay Jaysen, magagawa pa kaya niya na magsakripisyo para sa pinakamamahal niyang best friend?
"Kaibigan kita pero anong ginawa mo? Inagaw mong lahat lahat. Bakit naiinggit ka ba ha? Sa alin? Sa Yaman ko? sa mga Kaibigan at gamit ko? Saan AJ? Saan? Kunin mo ng lahat sa akin..., wag lang si James... akin siya... akin na lang siya..."
*Jaysen, the lover boy. Matapos siyang iwanan ng baabeng minamahal niya, magawa kaya siyang iwan ng mahal niya ulit? Kaya ba niyang i-give up si AJ para lang kay James, ang kaligayahan nito? Paano niya tatanggapin ang katotohanan na ang buhay niya, ay nakaalan na sa iba at di na niya maari pang mahalin ang mahal niya?
"Hindi masamang mahalin mo siya... Ang masama ay yung pinipilit mong mahalin ka rin niya."
This 2012, give your heart a break.
It's a choice to have. Love or Friendship.
BULLETS FOR MY VALENTINES
by DYLAN KYLE SANTOS
ganda puh talaga... :)
ReplyDelete_yuri
salamat yuri sa pagbabasa po... :))
ReplyDeleteSulit ang ending... Galing..
ReplyDeletesalamat po.. :))
ReplyDeleteang cute ng ending! nice:))
ReplyDeletesalamat po... :))
ReplyDeleteAnd they lived happily ever after :) Ganda :D Mr.Dylan hindi ko makita yung fb mo :( Add mo nalang ako brian_naco@yahoo.com
ReplyDeleteaww ganun ba... sige po... heheheh.....
Deleteby the way salamat nga po pala... :))
DeleteYou're welcome. Salamat din po :)
Deletewlang anuman po... :))
DeleteWow bago na naman..
ReplyDeleteMukang kaabang abang
more power mr. D
#28
salamat po #28.... heheheh... :))
Deletewow ang ganda ng kwento ang hanep............ sobra po akong na inspire sa sinulat nyo mr author.. ngayon kulang na diskobre yong blogspot mo. alam kung maganda yong ang lover kung bestfriend pero mas hanep to grabeh.. ala akong masabi sa obra maestra mong kwento.. sobrang appreciated ko talaga.. sana po patuloy pa po kayong magsulat ng mga kwento na nagbibigay inspirasyon sa aming mga mambabasa.. ingat po
ReplyDeletevinz_uan
maraming salamat po,,,,, hahaha... ang best friend kong lover.. first story ko po siya kaya di po masyadong maayos pagkakasulat.. hehehe
ReplyDeleteAng ganda ng story :) Munitkan pa ko mapaluha grabe ka kuya Dylan :)) hehehe ngayon ko lang ito natapos at inaabangan ko yung bullets for my valentines mo :)
ReplyDeleteSana magpatuloy ka pa sa paggawa ng magagandang stories xD
-March
maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng stories ko.. sorry niw ko lang nakita mga comment ninyo...
Deletei love it! ganda nito dylan... next fave after BFMV
ReplyDeletemaraming salamat po hahahah
Deleteshocks ang astigin ng istorya ang galing mong gumawa ..haha
ReplyDeletepaborito kong parte ang pagkokonect mo sa mga istorya nauna ko nga lang basahin ang BFMV nabasa ko na ata lahat ng gawa mo kuya dyalan meron paba??...
mukang hindi kana nag uupdate nakakpang hinayangXD
Nice Story, :) Happy ending hehehe
ReplyDeletehappy ending, pero OA po masyado, ok na sana ending, kaso isinali mopa yung sarili mo. dina rin dapat binanggit na last charpter na to at tanggalin ka sa scene, nakakawala ng kilig factor. 2 star ang maibibigay ko sa story na ito.
ReplyDelete