Sunday, April 29, 2012

If I Let You Go- Part 24

sa mga commentators ko:
* edric
*master lee
*Andy
*Gerald
*Scindz
*Lemlem
*<07>
*Wastedpup
*Kiero 143
*Jm Virgin 2009
*makki
*#28
at kay *Coffee Prince....

maraming salamat po sa pag tutok. Last 2 parts na lang. at ang kasunod nito ay ang ending na ng story. sa mga tutok, maraming salamat talaga sa inyo. kung hindi sa mga comments ninyo, I will no longer make up my storues. sa mga silent readers out there... salamat sa mga pagbabasa.... nagpapasalamat din ako sa isang group sa fb na kung saan humingi sila ng pahintulot to post my stories out there.


Medyo nadismaya lang ako sa mga taong nag plagiarisms ng akda ko sa isang blog. Ni hindi niya hiningi yung pahintulot ko. grabe sila. haixt. LALONG LALO NA YUNG NAG PLAGIARISE SA AKDA NI KUYA MIKE. GRABE SILA. PINALITAN TALAGA NILA YUNG TITLE AT IBANG CONTENT. GRABE SILA. HINDI BA NILA ALAM NA SA ISANG AUTHOR MAHALAGANG MA-ACKNOWLEDGE YUNG PANGALAN NILA KASI ISANG HONOR YON DAHIL PINAG HIRAPAN NILANG ISULAT YUNG ISANG STORY. GRABE TALAGA SILA.

by the way po... ilalagay ko po dito yung teaser nung bago kong akda.... well... Di ko pa po sure kung makakpag post pa po ako dito sa BOL. kasi po wala pa rin pong email confirmation galing sa kanila. baka po hindi na ako makapag post kaya ayun. hope makatanggap na ako ng confrimation... pero kung sakali man po... baka po sa blog na ako makapag post... dun ninyo na lang po basahin yung next story ko po...



SPECIAL MENTION PO kay Kambal Gab at kay Kuya Dhenxo... Salamat po sa tulong po ninyo... :))

eto po yung blog ko:


dylankylesdiary.blogspot.com




binago ko na po siya.... kapag naman po nag log in kayo sa yaoiblogs01.blogspot.com eh may link doon... salamat po... :))





maraming salamt po..



after po nito ay yung teaser na po ng next story ko...



hope subay bayan din po ninyo...



Always here,


Dylan Kyle Santos





videokeman mp3
Back to Me – Cueshe Song Lyrics

_________________________________________________________________


Love makes things different.


Love makes sacrifices.


But love makes one thing different, to felt happiness in your heart eventhough it will make you cry till the end.


A story of two best friends that will end up to like the same man and in love with the same man.


isang storya na ipapakita kung paano nga ba magkakaroon ng sakripisyo sa isa't-isa kung alam mong mismong best friend mo ang kaagaw mo.


Mag paparaya ka ba ngayong alam mong ang dati mong karelasyon at mahal mo, mahal din pala ng pinakamamahal mong best friend?


Anong gagawin mo? Hahayaan mo ba na bitawan mo ang isang taong nag ugat ng sakit sa puso mo pero nagbigay naman ng kaligayahan sa piling mo?


This 2012, witness how love, hatred, sacrifice, envy, agony and friendship will occur in this story. Witnessed how the lives of four people commend inside the Love affection.


Bullets for my Valentines by DYLAN KYLE SANTOS... 


soon... :)




________________________________________________________________




 “Pinangarap ko ang mahalikan yang mga malalmbot mong labi..... ngayon natupad na..... mahal na mahal kita Nicko... mahal na mahal....” sabi niya sa akin.






“Mahal na mahal din kita... mahal na mahal....” 





Ito ang unang beses na nagmahal ko. Si Anthony ang unang nagpatibok ng puso ko. Siya ang nagpaintindi sa akin kung ano nga ba ang sinasabing pagmamahal. Si Anthony ang ugat kung bakit ang buhay ko ay ganito at hindi ko ito pinag sisisishan. Ngunit nasira lahat ito ng dahil kay Rona. Matapos magulantang ang buong pamilya namin sa relasyon namin ni Anthony. Pero ayos na ito. Maluwag na ang kalooban ko.




Okay na sana ang lahat pero talagang mapaglaro ang tadhana. Nagbunga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Anthony. Doon ako lalong nagpuos ng galit ng husto. Nag init ang ulo ko at sumama lalo ang galit ko sa kanya.



“Ikaw talagang malandi ka... wala ka na bang dadalhin sa akin kundi problema... salot ka... salot..!!!” sigaw ko.



“Di ko naman alam na mangyayari ito.... sorry na pinsan...” 






“Pinsan? Huh? Pinsan ka diyan... wala akong pinsan na ahas, malandi, linta at walang hiya.....kabit!!!” sabi ko sa kanya.



Umiyak lang siya ng umiyak. Lahat na ata ng masasakit na salita nasabi ko. Nag iba na ang pagkatao ko ng mga panahong iyon.



“Nag mahal lang ako minsan pero inagawa mo pa.” sumbat ko pa.



 “Kailangan ng ama nitong dinadala ko.”



“Kung hindi jan sa kalandian mo hindi mangyayari ito!” inawat ako ni Anthony.



Nagbunga ang kasalanang nagawa nila. Pero okay na ako doon. Masakit man na ipagtabuyan ako nila papa, wala akong magagawa. Isang pagsubok ang sinuong ko.



Pinalayas  ako ni papa. Walang magawa si mama. Kaya mula noon isinumpa ko na si Rona. Napakalupit talaga ng mundo. Akalain mo sa isang iglap binawi na niya lahat. Akala ko matitira pa si Anthony sa akin pero di nangyari yon dahil pati Anthony nawala sa akin. Dahil sa pananakot ng tatay ni Anthony sa kanya na pababagsakin ang kumpanya namin, napilitan siyang pakasalan si Rona. Si Rona din ang nagsabi sa mga magulang ni Anthony ang lahat lahat.



Nang mga panahong iyon, si Annie lang ang nandiyan para sa akin. Siya lang ang tumulong sa aking buhay. Ngunit may mga panahon talaga na binigyan ako ng pagkakaton para mabuhay. Binigyan nila ako ng dahilan para mabuhay at maging malaya sa nakaraan. Nang dumating si Ryan sa buhay ko, nagbago ang lahat. Tinanggal niya ang lahat ng sama ng loob na aking dinadala. Pinaranas niya sa akin kung ano nga ba ang pagmamahal at kung paano nito pinapawi ang poot sa puso mo.



Minahal ko siya ng sobra at higit pa sa buhay ko. Para sa akin siya na ang tanging lalaking pag aalayan ko ng puso ko. Siya lang at wala ng iba pa. Siya na ang huli na iibigin ko.



“I love you mahal ko.... alam kong dumanas ka na ng ganyang kapighatian. Di ako papayag na maranasan mo ulit yan. Aalalayan kita. Hayaan mong ako ang magpawi ng lahat ng sakit ng iyong nakaraan mo.... yung iba alam ko pero ang iba ngayon ko lang nalaman. Salamat sa pagsasabi sa akin niya. Mahal na mahal kita...” biglang sabi ni Ryan sa akin matapos ang aking kwento.



“I love you din... mahal na mahal kita Ryan Cyril Reyes.... mahal na mahal.... sana wag mo akong saktan...” sabi ko.

_________________________________________________________________


 “Nicko... Nicko... please.... wag kang mamatay... wag mo akong iwan....” kahit medyo nang hihina ako, minulat ko ang aking mata.



Nakita ko ang kasiyahan sa mukha ni Ryan ng makita ako na nag mulat.




“Wag kang bibitaw.....” ang huling narinig ko sa kanya at  muli, biglang pumikit ang aking mata.



Hindi ko na kaya pang manatiling gising. Inaantok ako oo inaantok ako. Gusto kong matulog. Kaya wala na akong nagawa kundi ang ipikit ang mata ko. Parang wala na akong kontrol sa katawan ko.





Isang madilim na lugar ang nakikita ko. Umiiyak ako, pero bakit? Di ko alam kung bakit ba akong umiiyak. Siguro dahil madilim? O kaya dahil nag iisa ako? 



Saany na rin naman ako eh. Noong bata pa lang ako, wala na sila mama sa aking tabi. Nandiyan si Kuya para sa akin. Siya lang ang nag aasikaso sa akin. Sobrang lungkot ako noong panahong wala sila mama sa aking tabi. 



Yung tipo ba na sa classroom, ako lang walang magulang pag may PTA meeting. Nakapag recognition at maging nung graduation namin, si Kuya lang ang laging umaakyat para sa akin. Nagbibgay lang sila ng gift sa akin. Oo naiintindihan ko na para sa amin ang pagtatrabaho nila pero sana naman binigyan nila ako ng konting panahon man lang.




Pero alam ko naman na pinagsisihan na nila iyon. Masaya ako na kahit sa sandaling panahon, naramdaman ko ang pagmamahal nila. Napakasayang nga lang kasi mukhang sandaling panahon ko lang ito mararamdaman. Nag hirap ako ng sobra lalo na nung unang beses akong sinaktan ng puso. Nadurusa ang pagkatao ko.



 I blame the world sa lahat ng nangyari sa akin. Minsan ng nalagay ang buhay ko sa panganib. Noon nga nagtataka akong magpakamatay kaso  hindi ako mamatay-matay. Kung dati eh ako mismo ang sumuko sa buhay, ngayon naman, ako ngayon ang nagmamakaawa at nagpapakahirap para muling mabuhay.





Kaysaya ng buhay na payapa. Noong unang pinasok ko ang buhay bisexual, alam kong magulo ito. Hindi tanggap ng lipunan ang mga tulad namin. Masakit man isipin pero yun ang totoo. Nanjan ang social at racial discrimination sa mga tulad namin. Bakit nga ba ginawa ang tao na hindi angkop sa gustong pagkatao? Sana may choice of sexuality na lang para hindi na maging mailap ang lahat.



Minsan nga napapisip ako na baka nagkakamali ng lagay ng espiritu ang Diyos eh. Baka na mi-misplaced. Pero I know deep inside na may purpose ang lahat. Siguro lahat ng nangyari sa akin ay God's will at isa pa mahal ko ang Diyos.



Masaya magkaroon ng kaibigan na tulad ni Annie. Alam kong marami na ayng sinakripisyo para sa akin. Napaka tagal ko ng kaibigan yan. Sa una nga di pa kami magkasundo, lagi kaming nag kakaaway. Pero yun nga, sa huli, kami pa rin ang naging mag best friend.




Ang pag amin bilang bisexual ang pinakamahirap sa lahat. Di mo alam kung matatanggap ka ng magulang mo hindi. Mahirap kapain ang mga bagay bagay. Maswerte ang ilan kung sila ay tanggapin ng buong puso ng kanilang magulang ngunit naoakamalas mi naman kung sakaling sukdulan ang pagtutol ng iba doon.



Hay buhay, para kang posporo, kaydaling maupos. Ang lahat ng ito ang aking iniisip habang nasa madilim akong lugar. Wala naman akong ibang magawa kundi ang ito ay isipin. Mag isa lang ako at walang kasama sa madilim at nakakatakot na lugar na ito.



Kung impyerno man itong kadiliman na ito, ewala akong magagwa. Eto nab a ang kapalaran ko. Panginoon gusto kong umakyat sa langit kung maari lamang. Sana lang po tanggapin ninyo ako.




 Ilang sandali lang ay biglang may narinig akong isang tinig. Isang tinig ng pag asa. Para bang nabuhayan ako ng marinig ito. Ibig sabihin hindi ako nag iisa. Pamilyar ito at sobrang saya ng puso ko ng marinig ko ito. Sinundan ko ito kahit na hindi ako nakakita. Ang puso ko mismo ang nag tuturo sa akin kung anong direksyon. Maya maya, nakakita ako ng liwanag.



 Tinakbo ko ito hanggang makarating ako sa dulo nito. Labis na kaligayahan ang bumalot sa puso ko ng makarating ako dito. Isang fulfillment kumbaga. Ang saya ko talaga, sobra.




Nakaksilaw ang liwanag na ito. Maya maya narinig ko muli ang boses.



“Buhayin ninyo lang siya, handa akong layuan siya para di na muli siyang manganib ang buhay niya... gagawin ko ang lahat....” narinig ko.



Sino ba tong taong ito? lalayuan? Bakit anong meron? Anong gagawin niya? At sa puntong iyon, nagmulat ang mata ko at nasilaw ako sa ilaw na nakatutok sa akin. “Salamat Panginoon... niligtas mo siya... salmat....” niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. Sino ba tong taong ito. kilala ko ito eh pero sino ba siya? Sino? At muli nagsara ang talukap ng aking mata. Tuluyan na atang nakatulog ng mga panahong yon. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari.




Ilang araw na rin akong walang makita. Ewan ko kung bakit pero parang hindi ko magwang ikilos ang aking katawan at isa pa walang lakas ang aking mga buto para tumayo. Mananatili na lang ata akong mag isa dito. Umiiyak at walang makakasama.Hanggang kailan kaya ako dito.





Maya maya may naramdam akong may humawak sa akin at yumakap. Kinilabutan ako dahil hindi ko maaninag kung sino ito. Hanggang sa kaladkarin niya ako at itulak at para bang nahulog ako sa aking panaginip.





Nagising ako sa pag uusap ng doctor at ni mama. Medyo masakit pa ang mata ko dahil siguro sa matagal na pagkakasara nito. Nanlabo pa ang mata ko at wala masyadong maaninag. Nang imulat ko ang aking mata, nasilaw ako sa liwanag. Siguro sa ilaw iyon ng ospital. Masakit pa rin ang aking katawan. Nagpanic agad si mama ng makita niya na nag mulat ako ng mata.




“Anak... salamat at nagising ka na... salamat sa Diyos....” sabi nito.




“Si tita naman OA....” sabi ni Annie.




“Ano ka ba... salamat nga at nagising itong anak ko..” sabi ni mama.



Bakas pa din ang pag aalala nito.



“Tita, malakas yang si Nicko. Kahit ipabunggo mo sa bulldozer mabubuhay yan.” Biro ni Annie.




 Ngumiti lang ako.



“Anak, salamat at okay ka na. nag alala kami.”




“Ikaw talaga mama...” sabi ko.




Umakto akong babangon pero binawalan ako ni mama.



“Naku anak, wag ka munang bumangon....” sabi ni mama.




“Si Ryan po? Nasaan? Si Papa kamusta?” tanong ko.



“Ayos lang papa mo... nga pala anak... nagugutom ka ba?” tanong nito sa akin.




Nabaling sa akin ang tanong ni mama kaya di ko na muli naitanong si Ryan.



“Gutom na po ako....” sabi ko.



“Best friend alam mo ba marami ang dumalaw sayo dito. Nagdala sila ng foods at dahil tulog ka ako ang lumafang non.”




“Bakit mo kinain eh akin yun?”



“Eh tulog ka. Baka masayang lang.”



“Che. Ibalik mo yun.”



“Sige wait lang pag tumae ako ibibigay sayo.”



“Kadiri ka nga.”



“Marami naming pagkain jan eh.”



 “Eh gusto ko nga pala leche plan.” Sabi ko.



“Lakad bili ka.” Biro ni Annie.



“ANg baet mong best friend grabe.”



“Thank you. Uliraning kaibigan awardee ako.”


“Che.” Napangiti naman ako.




Nagkwentuhan kami nila mama. Kinuwento nila ang mga nangyari. Wala na kasi akong matandaan pa.




"Ang tanga ko din." sabi ko.




"bakit naman?"



"Kasi naman eh dapat umilag na lang ako."



"Siguro na tense ka na at hindi na nakapag isip."



"Pero walang kasalanan ang mga pulis. May pagkukulang lang siguro sila..."



"Siguro nga..."


After ng ilang oras bumalik ulit ang doctor.



“Mam.. after siguro how many days eh okay ng lumabas yang anak anak ninyo.. okay na ang mga vital organs niya. Maswerte siya at di natamaan ang puso niya. Muntikan na. Konting pahinga lang at wag muna mag gagalaw...” bili ng doctor.


"Salamat po doc."



"Mukhang okay ka na ah."



"Oo nga po eh. ako pa."



"naku doc. masamong damo yan... don't worry." sabi ni Annie.



"Ewan ko sayo."



Asikasong asikaso ako nila Annie at mama.




“Grabe ka ha... dalawang linggo kang walang malay. Tinakot mo kami.” Sabi ni Annie.




“Ayaw mo nun may suspense at thrill...” sabi ko.




“Adik mo best..... gusto mo tuluyan ka namin para naman horror?”




“Eto naman.. joke lang.. comedy nga diba?” at nagtawanan kami.




Dumalaw sa akin si Rona at Anthony.



“Oh pinsan kamusta ka na?” tanong ni Rona.



“Ayos naman ako. Eto pagaling na.”



“Mabuti naman.” Sabi ni Anthony.



“Si Ryan nga pala?”



“Ah eh.. nasa bahay.” Sabi ni Anthony.



 “Hindi ba siya dadalaw dito?” tanong ko.



“Oi may dala kaming pagkain jan. sabi mo daw gusto mo ng leche plan.” “



Oo si Annie kasi ayaw akong ibili kanina.”



“Ano ka sinuswerte?”




“Si Ryan ba ulit?” pilit kong tinatanog. Feeling ko may tinatago sila.




“May inaasikaso lang yun.” Sabi ni Anthony




“Ni hindi niya ako madalaw dito. Alam na ba niya na gising na ako?”



“Di ko lang alam.” Sabi ni Rona.




Di na ako nakapagtanong pa dahil iniiba nila ang usapan.



Ano kaya ang problema? Mukhang may tinatago sila.




Dumalaw din ang mga kaibigan namin na sila Mark at marami pa. Mga employers namin. Si kuya pati yung fiance niya. Tapos si papa. Buti naman at okay an ang lahat. Ang balita ko kasi okay na ang lahat. Bumalik na ang suppliers namin at investors nila papa.



Natutuwa a ako na okay na si papa. Sinugod kasi siya sa ospital and mild heart attack lang daw yun.  Nakakhinga na ako ng maluwag. Mukhang settled na ang lahat.





Pero isa lang naman ang nagpapalungkot sa akin, mula ng magising ako, di ko pa siya nakikita. Di ko pa nakikita si Ryan. Araw-araw nag hihintay ako. pag tinatanong ko anman sila, walang konkretong sagot sila. Kesyo busy lang daw, kesyo maraming inaasikaso, kesyo pag dumadalaw daw siya eh tulog ako.




Alam kong puro sila mga reasons na alam kong hindi totoo. Nasaan na ba siya? Nasaan na siya? Hindi ako nawawalan ng pag asa na dadalawin niya ako. Alam ko darating siya. Kahit na ang puso ko ngayon namimilipit sa sakit. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya mahagilap. Nasaan ka nab a Ryan? Iniwan mo na ba ako? Hinitayin kita Ryan. Hihintayin kita.




(Itutuloy)

Thursday, April 26, 2012

Compilation

COMPILATION

Ang Best Friend Kong Lover (Book 1)
-------------------------------------------------------------
(c) http://gayphilippines101.blogspot.com




















Ang Best Friend Kong Lover- Part 1
Ang Best Friend Kong Lover- Part 2
Ang Best Friend Kong Lover- Part 3
Ang Best Friend Kong Lover- Part 4
Ang Best Friend Kong Lover- Part 5
Ang Best Friend Kong Lover- Part 6
Ang Best Friend Kong Lover- Part 7
Ang Best Friend Kong Lover- Part 8
Ang Best Friend Kong Lover- Part 9
Ang Best Friend Kong Lover- Part 10
Ang Best Friend Kong Lover- Part 11
Ang Best Friend Kong Lover- Part 12
Ang Best Friend Kong Lover- Part 13
Ang Best Friend Kong Lover- Part 14
Ang Best Friend Kong Lover- Part 15
Ang Best Friend Kong Lover- Part 16

Ang Best Friend Kong Lover (Book 2)
-------------------------------------------------------------
(c) http://gayphilippines101.blogspot.com




















Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 1
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 2
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 3
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 4
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 5
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 6
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 7
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 8
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 9
Ang Best Friend Kong Lover 2- Part 10 (Ending)


Campus Figure
-------------------------------------------------------------


















Campus Figure- Part 1
Campus Figure- Part 2
Campus Figure- Part 3
Campus Figure- Part 4
Campus Figure- Part 5
Campus Figure- Part 6
Campus Figure- Part 7
Campus Figure- Part 8
Campus Figure- Part 9
Campus Figure- Part 10
Campus Figure- Part 11
Campus Figure- Part 12
Campus Figure- Part 13
Campus Figure- Part 14
Campus Figure- Part 15
Campus Figure- Part 16
Campus Figure- Part 17
Campus Figure- Part 18
Campus Figure- Part 19
Campus Figure- Part 20
Campus Figure- Part 21
Campus Figure- Part 22
Campus Figure- Part 23
Campus Figure- Part 24
Campus Figure- Part 25
Campus Figure- Part 26
Campus Figure- Part 27
Campus Figure- Part 28
Campus Figure- Part 29
Campus Figure- Part 30
Campus Figure- Part 31
Campus Figure- Part 32 (Ending)


If I Let You Go
------------------------------------------------------------

















If I Let You Go- Part 1
If I Let You Go- Part 2
If I Let You Go- Part 3
If I Let You Go- Part 4
If I Let You Go- Part 5
If I Let You Go- Part 6
If I Let You Go- Part 7
If I Let You Go- Part 8
If I Let You Go- Part 9
If I Let You Go- Part 10
If I Let You Go- Part 11
If I Let You Go- Part 12
If I Let You Go- Part 13
If I Let You Go- Part 14
If I Let You Go- Part 15
If I Let You Go- Part 16
If I Let You Go- Part 17
If I Let You Go- Part 18
If I Let You Go- Part 19
If I Let You Go- Part 20
If I Let You Go- Part 21
If I Let You Go- Part 22
If I Let You Go- Part 23
If I Let You Go- Part 24
If I Let You Go- Part 25 (Ending)


Bullets for my Valentines
-------------------------------------------------------------























Bullets for my Valentines Full Teaser
Bullets for my Valentines- Part 1
Bullets for my Valentines- Part 2
Bullets for my Valentines- Part 3
Bullets for my Valentines- Part 4
Bullets for my Valentines- Part 5
Bullets for my Valentines- Part 6
Bullets for my Valentines- Part 7
Bullets for my Valentines- Part 8
Bullets for my Valentines- Part 9
Bullets for my Valentines- Part 10
Bullets for my Valentines- Part 11
Bullets for my Valentines- Part 12
Bullets for my Valentines- Part 13
Bullets for my Valentines- Part 14
Bullets for my Valentines- Part 15
Bullets for my Valentines- Part 16
Bullets for my Valentines- Part 17
Bullets for my Valentines- Part 18
Bullets for my Valentines- Part 19
Bullets for my Valentines- Part 20
Bullets for my Valentines- Part 21
Bullets for my Valentines- Part 22
Bullets for my Valentines- Part 23
Bullets for my Valentines- Part 24
Bullets for my Valentines- Part 25
Bullets for my Valentines- Part 26
Bullets for my Valentines- Part 27
Bullets for my Valentines- Part 28
Bullets for my Valentines- Part 29
Bullets for my Valentines- Part 30
Bullets for my Valentines- Part 31
Bullets for my Valentines- Part 32
Bullets for my Valentines- Part 33
Bullets for my Valentines- Part 34
Bullets for my Valentines- Part 35
Bullets for my Valentines- Part 36
Bullets for my Valentines- Part 37
Bullets for my Valentines- Part 38
Bullets for my Valentines- Part 39
Bullets for my Valentines- Part 40
Bullets for my Valentines- Part 41
Bullets for my Valentines- Part 42
Bullets for my Valentines- Part 43
Bullets for my Valentines- Part 44
Bullets for my Valentines- Part 45
Bullets for my Valentines- Part 46
Bullets for my Valentines- Part 47
Bullets for my Valentines- Part 48
Bullets for my Valentines- Part 49
Bullets for my Valentines- Part 50
Bullets for my Valentines- Part 51
Bullets for my Valentines- Part 52
Bullets for my Valentines- Part 53
Bullets for my Valentines- Part 54
Bullets for my Valentines- Part 55
Bullets for my Valentines- Part 56
Bullets for my Valentines- Part 57 (Ending)


Less Than Three
-------------------------------------------------------------



















Less Than Three (Full Teaser)
Less Than Three- Part 1
Less Than Three- Part 2
Less Than Three- Part 3
Less Than Three- Part 4
Less Than Three- Part 5
Less Than Three- Part 6
Less Than Three- Part 7
Less Than Three- Part 8
Less Than Three- Part 9
Less Than Three- Part 10
Less Than Three- Part 11
Less Than Three- Part 12
Less Than Three- Part 13
Less Than Three- Part 14
Less Than Three- Part 15
Less Than Three- Part 16
Less Than Three- Part 17
Less Than Three- Part 18
Less Than Three- Part 19
Less Than Three- Part 20
Less Than Three- Part 21
Less Than Three- Part 22
Less Than Three- Part 23
Less Than Three- Part 24
Less Than Three- Part 25
Less Than Three- Part 26
Less Than Three- Part 27
Less Than Three- Part 28
Less Than Three- Part 29
Less Than Three- Part 30
Less Than Three- Part 31
Less Than Three- Part 32
Less Than Three- Part 33
Less Than Three- Part 34
Less Than Three- Part 35
Less Than Three- Part 36
Less Than Three- Part 37
Less Than Three- Part 38
Less Than Three- Part 39
Less Than Three- Part 40
Less Than Three- Part 41
Less Than Three- Part 42
Less Than Three- Part 43
Less Than Three- Part 44
Less Than Three- Part 45
Less Than Three- Part 46
Less Than Three- Part 47
Less Than Three- Part 48
Less Than Three- Part 49
Less Than Three- Part 50
Less Than Three- Part 51
Less Than Three- Part 52
Less Than Three- Part 53
Less Than Three- Part 54
Less Than Three- Part 55
Less Than Three- Part 56
Less Than Three- Part 57
Less Than Three- Part 58 (Ending)

Journals
-------------------------------------------------------------
Voices of You and Me
I'll Be There
Kismet
Hinahanap-hanap Kita
Changes

Sunday, April 22, 2012

If I let You Go- Part 23

Hello guys... eto na po yung update ... woooh... salamat po sa tumutok at nag comments...


bale nabago po siya... last 3 parts na po siya including this... dapt last chapter na yung ipopost ko kaso inedit ko pa siya kaya ayun nag kasya sa 3 more episodes....


salamat po sa mga walang tumutok at sumubaybay.... lalo na kay COFFEEPRINCE.... na laging nag cocomment po.... dre... salamat... :))

sa mga commentors tulad nila:

makki, #28, andy, mike, kevinblues, lemlem, at kay master lee #27.... pati pala kay wastedpup... at sa iba pa... salamat po... sa mga silent readers hope mag comment kayo sa last na part neto...


fb: yaoi_addicted01@yahoo.com

blogs: yaoiblogs01.blogspot.com



salamat po... :))


Always here,

Dylan Kyle Santos






videokeman mp3
Only Love – Trademark Song Lyrics

____________________________________________________________________





“Kahit kailan napakaswerte mo sa buhay.... pero malas mo lang ako ang kasama mo ngayon kaya kahit anong gawin mo... mamamatay at mamamatay ka...” sabi ni Bea sa akin.




“Wala kang kasing sama. Di ka na nakuntento na pahirapan ako. alam mo ba an bumabagsak na ang kumpanya namin... di ka pa ba titigil sa pagpapasakit sa akin?” sabi ko.




“Di ako magsasawang pahirapan ka... pero yaan mo.. sandali na lang at mawawala na ang paghihirap mo... ikamusta mo na lang ako kay Satanas.....” sabi niya.




At pinagsasampal niya ako. matapos niyon eh pinagtatadyak niya ako. biglang humarang yung lalaking nangbaboy sa akin dati.





“Bea tama na... tignan mo naman... bugbog na ang katawan niya. Maawa ka naman....” sabi nito.





 “Umalis ka jan Matthew.... kulang pa yan... alam mo ba... kailnagan mabawi ko si Ryan sa kanya...” sabi nito.





“Pero Bea.. magising ka naman.... sinabi na sayo ni Ryan na hindi ka na niya mahal... imulat mo yang mata mo..... may panahon pa para umatras... tara na... bago pa tayo mahuli ng mga pulis...” sabi nito.





 “Anong tingin mo sa akin? Gaga? Matapos ang lahat ng ito ngayon pa ako aatras... yaan mo papatayin ko muna yang salot na yan bago ako umatras... kaya umalis ka jan....” tinabig niya ito at tinutok sa akin ang baril.



"Pero.."




"Wag ka ng komontra... matagal ko na tong pinag planuhan..."




"Bea..."






 “Ngayon katapusan mo na....” ipinikit ko lang ang aking mata at nakarinig ako ng isang putok ng baril.





Bigla akong napaluha. Maya maya ng unti, mararamdaman ko na ang sakit. Mawawalan na ako ng malay pagkalipas ng ilang sandali. Pero, iba ang narinig ko.





“Tumakbo ka na!” sigaw ng lalaki na Matthew ang pangalan.





 “Nicko... umalis ka na... habang may panahon pa... tumakas ka na...” utos nito sa akin.





Sa taas nakatutok ang baril.




 “Mattew... bitawan mo ako... bitawan mo ako......” sigaw ni Bea.





Nagmadali akong tumayo at tumakbo papalayo.




“Bumalik ka dito... walang hiya ka... bumalik ka dito...” sigaw nito.





 Di ko alam kung papaanong takbo ang gagawin ko. Iyak lang ako ng iyak. Kinakabahan ako kung mabubuhay pa ab ako matapos ito. Sa ilang teleserye na napanood ko, ganito rin ang nangyayari. Lagi naman. Lalo na pagbarilan.




Minsan mababaril ang bida. Mag 50-50 pero mabubuhay din. Pero yung iba, namamatay. Eh ako kaya, since ako ang bida at naging kontrabida, ano kaya ang kahahantungan ko. Mamamatay ba ako o mabubuhay.




Pagkadating ko sa isang pinto, bigla na lang may humila sa akin at tinakpan ang aking bibig. Diyos ko, kung papatayin na nila ako patayin an nila. Ayoko ng mag hirap na unti-unti nilang binabalatan ang aking natitirang buhay. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero nawala ito ng maramdaman kong yumakap sa akin ang taong humila sa akin. Pinaharap niya ako at laking tuwa ko sa aking nasaksihan.




“Ryan..” at umiyak na ulit ako.




“Mahal ko.. andito na ako wag ka ng mag alala .... tara na alis na tayo dito..” yaya niya sa akin.




Nagmadali kaming umalis sa lugar na iyon. Malalaki ang yabag na bumaba ng hagdanan. Nagmamadali kaming dalawa. Halos matisod na ako kakamadali pero tiantagan ko ang sarili ko. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana at nakaabang sa amin ang panganib.




“Akala ninyo ba makakatakas kayo? Ha? Akala ninyo matatakasan ninyo ako?” biglang tawa ito.




 “Bea... pakawalan mo na kami... wala kang mapapala sa akin...”





“Meron..... meron... dahil kung di ka mapapasa akin... mawawala naman yang minamahal mo.. kaya pantay lang... sapat na siguro yon...” sabay tawa na parang nababaliw.





“And who do you think you are para sabihin na kabayaran ang buhay ng mahal ko?”





 “Ako lang naman ang may hawak ng baril na ito na magsasabi naoras mo na...” at tinutok niya ito sa akin.





Kakalabitin na sana niya ito pero naagapan ito ni Matthew.





“Hudas ka.... wag mo akong pakialaman... bitawan mo tong baril at ang kamay ko..”






Nag agawan silang dalawa. Ito na ang hudyat ng aming pagtakas kaya nagmadali kami.




"Umalis na kayong dalawa..... eto na panahon para bumawi ako sa ginawa ko... sorry..." sabi nito.





“Matthew salamat...” sabi ko.





 “natatandaan ko pa ang mga sinabi mo.... basta mag ingat ka lagi...” sabi nito.





“At patawad sa mga nagawa ko sayo...” pag hihingi nito ng tawad.





Kaya mabibilis ang aming mga paa na tinahak ang hagdanan pababa. Pero bago namin maitapak ang aming mga paa. Isang putok ang kumaripas sa aming mga tenga. Kinabahan ako kung sino ang natamaan ng bala ng baril.




Kinutuban ako at ng lumingon kami sa aming likuran , nakahandusay na si Matthew.  At ang sumunod nito ay ang pag iyak ni Bea. Nakita ko na na-fru-frustrate na siya.




“Matthew! Matthew...... Pagbabayaran nila ito... pag babayaran nila ito....” sabi ni Bea.





“Bea... mahal na mahal kita... mahal na mahal... di kita iniwan... andito lang ako lagi para sayo.... kasi mahal kita..... baguhin mo na ang buhay mo..... ayos na sila Ryan at Nicko pa... pabayaan/.... mo na...si...siya.....” at doon na nalagutan ng hininga si Matthew. At sumigaw ng malakas si Bea.





"AHhhhhhhhh!!!!"





“Magtago na kayo! Dahil mamamatay kayo pareho...” ang sigaw ni Bea.





Kaya nagmadali talaga kami bumaba. Malapit na kami sa baba. 3 palapag na lang. Nananalig ako sa Diyos na makakaligtas kami dito. Napadaan kami sa isang bintana at nakita ko sila mama sa baba. Sumigaw ako para matanaw nila kami.






 “Mama... Kuya...  Annie....” nagagalak ako na makita sila.






 “Anak....... salamat at ligtas ka... bumaba ka na dito... magmadali kayo...” naiyak na sinabi ni mama. Kaya nagmadali kaming bumaba. Gusto ko pang makita si papa. Napakalubha ng lagay nito.







 “Papa... hinatayin mo ako.. darating ako jan... hintayin mo ako....” sabi ko sa sarili ko.






“Mahal ko.... mahal na mahal kita... kahit anong mangyari.. ikaw lamang ang mamahalin ko... tandaan mo yan. Ikaw lang at wala ng iba.” Sabi ko kay Ryan.






“Mahal na mahal din kita pero wag ka nga ganyan.. ayokong namamaalam ka...” sabi nito.






Kaya hinila niya ako pababa. Nasa ikalawang palapag na kami ng hindi anmin mabuksan ang pintuan.  Wala na kaming madaanan kundi iyon.






“Mga hudas,.... malapit na ako.... magdasal na kayo... dahil sisingilin ko na kayo sa buhay ninyo... mamamtay na kayo... mamatay na kayo...” nababliw na sabi nito.





“Mahal ko.... paano na tayo?” tanong ko.






“Tumabi ka muna... ako ang bahala...” sabi nito. At pinagsisipa nito ang pinto. Isa, dalawa.... tatlo... apat..... lima.... at yun,bukas. Agad kaming pumsok sa pinto. Ilang hakbang pa lang eh napaurong na kami.






Yung feeling na para kang daga na wala ng malusutan. Laking gulat namin ng makita namin na nakaharang sa daanan namin ang mga tauhan ni Bea.






“Aha.... saan kayo pupunta? Maam... nakita na namin sila...” sigaw nito.





“Please... patakasin na ninyo kami...” pagmamakawa ni Ryan.





Biglang dumating si Bea.




“Aha... gotcha.... pinahirapn ninyo ako mga bibwit... ahahha.. nagyon... magsama-sama tayo sa impyerno....” sigaw nito.



“Ano pa ba ang dapat namin gawin para itigil mo na yang kahibangan mo? Wala ka ng mapapla sa akin...” sigaw ni Ryan.




 “Alam mo Ryan.... di ko alm kung tanga ka lang ba o hindi ka talaga nag iisip? Anong mangyayari sa yo kung magiging kayo niyan? Puro kamalasan lang ang aabutin mo. Tanga ka... tanga ka.... wala kang pag iisip... baliw...” sigaw nito.



“Tanga na kung tanga... pero mahal ko siya... lahat ng tao nagpapakatanga sa pagmamahal. At alam mo iyan... sinakripisyo ni Matthew ang buhay niya... kinitil mo ang buhay niya... ano pa bang sakuna ang gusto mong mangyari....” sabi ni Ryan.




“Nang dahil sa lalaking iyan... namatay na si Matthew... siya na lang ang meron ako.... pero nawala siya dahil sa kamalasan ninyo...” sigaw nito.




“Ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw!” sigaw ko. “





Oo ako nga... pero tandaan mo.. ako din ang papatay sa yo...” at itinutok nito ang baril sa akin.





Nagsalita ulit siya.





“Alam mo Ryan... kung di ka rin lang mapupunta sa akin... mabuti pang di ka rin mapunta sa kanya..... mamatay ka rin kasama niya....” sigaw nito.





“Handa akong mamatay para sa minamahal ko....” humarang iya at pumaibabaw sa akin.





“Rye.... wag....” malungkot kong sabi.





“Mahal na mahal kita.... tandaan mo iyan...” sabi nito.





At sa mga sandaling iyon. Napayakap ano ng mahigpit kay Ryan. Isa... dalawa..... tatlo... at sa ilang sandali lang nakarinig ako ng sunod sunod na putok... kasama ba ako sa natamaan? Magkasama ba kami ni Ryan na mamatay? At least kasama ko siya... pero ayokong mamatay siya. Mas mabuting ako na lang kaysa siya.



Eto na siguro ang katapusan... eto na siguro ang huli....





 Minulat ko ang aking mata at nagulat ako sa nasaksihan ko. Nakahandusay si Bea sa lapag at tinamaan ang kanyang paa. Hinuhuli din siya ng mga pulis. Pati ang mga tauhan niya nahuli na rin.




Sobrang napaluha ako ng makahinga ako ng maluwag. Natutuwa ako at ligtas kami pareho. Niyakap ako ng mahigpit ni Ryan.



“Ang swerte natin.... I Love you Nicko...” sabi nito.



“I love you too... sa pagkakataong ito.. maswerte tayo...” sagot ko.




At sa pagkakataong iyon, ligtas kami, oo ligtas nag kami. Nakabab na ka mi at nayakap ko pa si Mama.




“ma.....” iyak ko.




“Anak ko... salamat at ligtas ka... salamat...”





 “Kamusta si papa?”




“ayos na siya... sobrang nag alala siya sayo... sobra..” sabi nito.




“Nga pala... Ryan.. ang papa mo sinugod sa ospital... inatake ng malamang nakidnap ka.” Paglalahad ni mama.




Nakita ko ang labis na pag aalala ni Ryan.





“Mahal ko... tara puntahan natin ang papa mo..” sabi ko.




Sumang ayon siya. Bago kami umalis, nakita namin si Bea habang inilalabas sa gusali na pinagdalhan sa amin. May tama siya sa paa. Di naman malubha pero kailngan din maoperahan.





Sinalubong din kami nila mama at papa. Masayang masaya na ako.Niyakap ako ni Ryan. Mahigpit na yakap. Para bang wala ng bukas. Nakapikit din ako habang yakap yakap ko ito.




Pagbukas ko ng mata ay agad kong nakita muli si Bea. Pero kinabahan ako sa hawak nito, isang baril. Inagaw nito ang baril na hawak ng mga pulis at nakatutok ito sa amin ni Ryan. Tinitigan ko si Ryan at nakita ko itong nakangiti. Di nito alam ang nakaambang na panganib sa amin. Nginitian ko rin siya at ako na mismo ang bumago sa pwesto namin.




“I love you... mahal na mahal kita... hindi mawawala ito at hindi magbabago... mamatay man ako ngayon...” sabi ko.




“Ano ka ba.. wag kang mag salita ng ganyan... mahal na mahal kita... at tsaka ligtas na tayo..” sabi nito.





Napatingin ito sa likod ko at nakita ko ang panlalaki ng mata nito. Isang putok ang umalingaw ngaw sa amin. Narinig ko pa ang sigaw ni Bea.




“MAMATAY KA!”.





At ang bala na para kay Ryan, sinalo ng aking likod malapit sa puso. Ramdam ko ang sakit, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa labi. Nakita ko ang pagkagulat ni Ryan. Matapos kong mahalikan ang kanyang labi. Unti-unti na akong humahandusay pababa. Hudyat ng pagkawala ng aking buhay. Hanggang sa lumagapak ako sa lupa.






Binuhat agad ako ni Ryan.





“Nicko... gumising ka... wag mo akong iwan....” narinig kong sinabi niya.





“La... lahat kayo na...nangakong di ako iiwan..... mukhang ikaw lang ang nakatupad niyon.... magaling pa rin talaga ako... at nakakita pa ako ng isang gaya mo.... pagkatapos akong pasakitan ng mundo..... kala ko talaga na walang wala na ako.... pero nandiyan ka....... at nagawa ko na ang lahat bago ako mamatay...” ang naitugon ko habang nag aagaw ako ng hinga.





“Maswerte ako na napa sa akin ka.... pero nag maakaawa ako na wag mo akong iiwan.... please.....” sabi nito.





“kala ko dati malas ako....kala ko pinagtri-tripan ako ng mundo.... tapos napatingin ako sayo..... alam mo kung bakit?....... Ka... kasi...... ka... kahit gaano ako kamalas..... bawing bawi naman ako.... ng.... ng.... ng dahil sayo.....” hinwakan ko ang pisngi niya at matapos iyon, nawalan na akong malay. Ito na kaya ang hudyat ng aking pagkawala?





(Itutuloy)


Sunday, April 15, 2012

Voices of You and Me


JOURNAL ENTRY #1


Hello Guys. Ayun. Heto ako at nagbabasa ng story. Well dati nahumaling ako sa pagbabasa ng mga pocket bock, ngayon naman eh sa mga online e-book. Yes, addicted na ako sa mga yun. Man to Women na ang binabasa ko. I think it's been a couple of months or year na ata nung last akong magbasa ng todo todo talaga about bisexual. wala akong magawa ngayon kaya heto ako nasa harapan ng computer at nagsusulat ng Journal Entry #1


Tuwaing Monday to Friday may ginagawa ako sa simbahan namin. Ito pala yung feeling na ikaw ang youth president no? Haixt. Ilang beses ko ng pinag iisipan kung mag susulat na ba ako ng mga journals ko dito. Well, sa tingin ko dapat langl. Hahahah. Kaya mga readers ko hope naman na mag comment kayo para naman may makausap ako. Hindi yung Parang bangenge ako dito. Well ang dami kong iniisip now. Ewan ko kung ilan pa yung dumadalaw sa blogs ko. Sa tingin ko nga, gusto ko na dito na lang ako mag post ng kwento ko.


Since nung matanggalan ako ng link sa BOL, parang isang sign na yun para tumigil ako sa pagsusulat. Well, gusto ko kasi matapos ko muna yung 10 story na gagawin ko. Kasama na doon yung buhay ko. Yes yung own story ko. These couple of days marami akong natatanggap na comments about dun sa story. Im happy naman dun. Kaso medyo nakakdeprived lang yung iba na salungat. Well it makes me challenge to do it more better. Marahil hindi ako perpektong manunulat pero ginagawa ko ang lahat para magustuhan ng iba.


[/] Ang Best Friend Kong Lover
[/] Campus Figure
[-] If I Let You Go

Yan na ang mga story na naestablished ko. Well may susunod pa, yung Bullets for My Valentines. Well dapat nga uunahin ko yung My Kuya's Best Friend kaso nga lang medyo na deprived na ako kasi ilang ulit na siyang nabura dahil sa pagpapareformat ng computer. Haixt. Kasi naman eh. SIguro di lang talaga dapat. Kaya nga ang ginawa ko, binago ko na lang. Saka nayun. Madmi talaga akong gustong isulat. Siguro after nitong tatlo, may nakaline up pang pito.


Hahahaha. Well inspired ako dati. Ngayon naman eh medyo na lang. Well, Im planning to quit from being a writer after matapos yung 10 stories. Well, gusto ko ng mabuhay ulit ng normal. Medyo nahihirapan na kasi ako na kung anu-ano pang mga connecton meron nangyayari sa akin. Well it's been 2 years nung nalaman ko na eto ako. Noong una akala ko tripper lang ako, pero nung maramdaman ko na inlove ako sa best friend ko at may kung anong BOOM BOOM BOOM sa puso ko, yesssss that's it. Inlove ako, sa bisexual kong best friend. Well, he is now happy sa bf niya. No updates sa buhay niya. Well, mas maganda nga yun eh. Grabe... give me a break. Ang tagal kong nakapag move on sa kanya ha. Dumaan ang 2 boy friend ko bago ako makamove on.


Yes, sa last story ko ilalagay ang buhay ko. Well siyempre papagandahin ko yun ng sobra. AYoko namang magmukhang ganun ka loser sa pag ibig. Well, maglalagay ako ng mga kung anu-ano. HAahahha. Ang sarapa pala nito no. Pindot lang ng pindot. Kesa naman dun sa diary ko sa kwarto. Ang hirap magsulat. Back to the issue, mga isang taon at ilang buwan din nung makamove on ako. Well 3 months na ang pinakamatagal kong karelasyon. Itanong ninyo kung bakit? Well, una sa lahat, sina unang nakikipag break. Yeah sila nga. Ako ang naiiwan. Pero noong una ko eh parang puchu-pucgo lang. Well napilitan lang naman talaga ako nun eh. Bata pa naman ako nun no. I think 14 pa lang ako nun. See. Sino kaya ang makakapag isip ng tama nun? !4 ba or 15. Well 17 na kasi ako no so I think 15 ako nun. (SOrry guys kalog lang utak ko.)




Nanonood ako ng binibining Pilipinas ngayon, well dapat kasi PBB kaso nga lang ayun, maaga siya natapos. AT ang saklap ka, hindi ko amsyadong nasulyapan crush ko na si JAI (Timmy) Well. Ang ganda niya naman eh. Para sa akin ha. Good Choice si Alec. Haixt. Ang hirap talaga neto. Hope makahanap ako ng girl friend. Yess GIRL FRIEND. Ayoko na ng same, ang hirap. Lagi na alng nasasaktan ako.



Well may Ka-M.U naman ako last month. Ilang months din yun kaso itinigil ko. Ang you want to know why? It's all because of my family. Hindi niya naiintindihan ang mga ginagawa ko. Para sa family ko kaya hindi ko nagawang piliin siya.Well, hindi na naman ganun katindi yung love ko sa kanya, kasi sa dinami rami ng pinagdaanan namin, nasasaktan ako minsan sa mga sinasabi niya.



"Nga pala, happy na ako kasi nagkaayos na akmi nung last ex ko. Well okay na okay na kami. Nagkakausap na ulit kami. May ka-M.U na siya ngayon. Hope maging masaya na siya. Happy na ako sa kanya. At lests makakhanap na siya ng mas better sa akin. Simple lang kasi ako eh, hindi ako panget ha, uhm ayos lang naman. Hahaha. basta okay lang ang looks ko. Gwapo ako. Joke lang. Basta kayo na bahala mag judge.


Ang saya pala neto no online journal. Guys supportahan ninyo online Journals ko ha. comment kayo puleeeeeessseee (please!) hahahaha. Childish ako minsan. Kaso more on matured na din naman. Oo nga pala, hindi ako makapag type ng next Chapter ng Bullets for My Valentine kasi gamit ng kapatid ko yung laptop. SO tiis-tiis na muna. Ang abnas ha. Grabe. Well I lose ng ilang timbang. Mapayat na nga daw ako eh. Good thing naman.



Nabasa ninyo na ba yung SHE'S DATING THE GANGSTER? Well ANG GANDA NIYA TALAGA> WELL THE BEST> WALA AKONG MASABI! Napahagulgol ako ng iyak doon pramiz.... grabe yun. pinaiyak niya ako. kahit may pasok eh pinag puyatan ko yun. well good job author. the best story na an read ko. grabe Thumbs up ako.



Guys until here na alng. bAka di ko pa masubmit itong journal ko kasi baka mawala yung net. Till here...




Always hir,


Dylan Kyle Santos






P.S


Iuupdate ko yung If I let You go sa Sunday. hahahahah

Saturday, April 14, 2012

If I Let You Go- Part 22

Guys eto na po yung update ng If I Let You Go. Sa mga commentatgors next post na lang po ako mag babanggit ng readers. Sorry po ah. medyo madalian kasi po yung post ko kaya eto po... Hope maintindihan ninyo.


Sorry kung medyo natatagalan/ Busy sa mga pinagkakaabalahan ang author ninyo. Sa mga commentator, salamat po. Sa mga readers, salamat din po. Masaya ako na ipinapahayag po ninyo yung side ninyo.

I will do my best para magustuahn po ninyo yung last 2 parts nito. SAlamat po sa isang commentator na nagsabi na medyo comon na yung episode. Nxia po ah kasi medyo matagak agal ko na rin naisulat ito. Salamat po ng marami sa mga nakatutok.



Suportahan po ninyo sana yung next post ko. SAlamat po ng marami.


fb: Dylan Kyle Santos

blog: yaoiblogs01.blogspot.com




videokeman mp3
Safe and Sound  – Taylor Swift Song Lyrics

_____________________________________________________________________


Di na kami nanlaban ni Ryan. Nakayakap lang ako sa kanya at mas feel kong safe ako sa kanya. Wala akong naramdaman na takot kay Ryan. Mas feel ko na gusto niyang iparamdaman na wala dapat akong ikatakot. Kahit na nagkagalit kami kanina, narito siya at pinaparamdam sa akin na wala dapat akong ikatakot.




Nakita ko na naman ang pag mumukha ng lalaking bumaboy sa aking pagkatao. Pero medyo nag iba na ang tingin ko sa kanya. parang may iba sa kanya na hindi tulad ng dati.




“So we meet again.... do you miss me my bed time darling?” sabay tawa nararamdamang tensyon sag malakas. 



Nakita ko na nanlaki ang mata ni Ryan at naramdaman ko ang pagtiklop ng pasensiya niya. Inawat ko siya dahil alam ko na ang susunod na gagawin niya. Tama naman ako at aktong susugod siya kaya naman niyakap ko siya para pigilan ito.



“Hayop ka... ikaw ang bumaboy sa mahal ko?” galit na sabi niya. 


“ oh... ikaw pala yan Mr. Lover Boy. Hiniram ko lang naman sa kama itong boy friend mo eh.. now I know kung bakit di mo siya maiwanan.” sarkastong sabi nito.



Di ko mapigilan ang sugurin siya at suntukin ang pagmumukha niya. Hinabol ako ni Ryan pero hinarangan siya ng mga tauhan nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Muli ko kasing naalala ang lahat. Hinawakan ng lalaki ang kamay ko at isinandal ako sa kotse. 




“Mas masarap ka talaga kapag lumalaban. Alam mo ba nakakamiss ka... at ngayong nahuli na ulit kita, alam mo na ang kasunod...” sabay kindat.



“walang hiya ka... tanggalin mo ang kamay mo sa kanya....” sigaw ni Ryan. 




“Easy lang naman... yaan mo mamaya makikita mo ng live ang gagawin ko.” Pag ismid nito sa kanya. 




“Subukan mo lang at mapapatay kita... Ni isang hibla ng buhok niya wag mong hahawakan. Gago ka. SIra ulo!” sigaw ni Ryan. 




“Swerte ka at di ka namin pwedeng patayin...” sagot nito. 




“Ano bang kailngan mo sa amin?” tanong ni Ryan. 




“Sayo... wala... pero sa kanya meron.... kaya wala ng maraming satsat dalhin na yang dalawa na iyan...” utos nito. 





Isinakay kami sa van. Magakatabi kami ni Ryan. Nakatutok pa rin ang baril sa aming dalawa. Niyakap niya ako ng mahigpit. Alam kong ramdam niya ang panginginig ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Bigla bigla iniharap niya ang mukha ko at hinalikan niya ako. 





“Wow... ang sweet naman niyang dalawa.....” sabi ng katabi namin. 




“Wala namang magagawa yan mamaya eh... yung lalaki eh kay bossing din babagsak....” sabi nito. “




Bossing? Sino ba may pakana nitong lahat. Kapag nakita ko siya talagang papatayin ko siya. Wala siyang puso. 




"Sino bang nag utos sa inyo nito? Wala ba siyang magawa sa buhay niya?” tanong ni Ryan. 





“Malalaman ninyo rin mamaya.” Sagot nito.



"Gago kayo. Hindi ninyo ba naisip na mali itong ginagawa ninyo?"




"Eh sira ka pala eh. Pera din to men. Ikaw pinanganak na mayaman. Eh kami dukha."



"Hindi ko kasalanan na lumaki akong mayaman. Eh kayo, kasalanan ninyo yung pagiging dukha ninyo kasi imbis na umahon kayo nagpakalugmok lang kayo."





"Eh tarantado ka pala eh. Kung ikaw nasa sitwasyon namin eh ganito din ang gagawin mo."





"Hindi ako tulad ninyo..."





"Wag ka na lang mag salita."





"Mga peste kayo..." sigaw ni Ryan.





"Tahimik." sigaw nung lalaking gumawa sa akin ng kalokohan.




Makalipas ang mahigit ilang oras, nakarating kami sa pupuntahan namin. Liblib ang lugar na iyon. Halos puno lang at halaman ang makikita mo. Masukal ang daan. halos hindi ko alam kung paano makakalabas doon.



“Asan tayo?” tanong ni Ryan. 





“Nasa hinulugang taktak.... hahah.. nasa Antipolo tayo...” sagot nito. 






Ang layo ng narating namin. Nangalay ako sa byahe. 



“Natatakot ako..” sabi ko. 



“Wag kang matakot... andito lang ako.” Pag papakalma niya sa akin. 




“sige ipasok na yang mga yan... ipasok yan sa kwarto....” sabi nito. 



Nanginginig na ako sa takot. Isang abandonadong lugar yun. Yung nakikita sa mga pelikula. Pero kakaiba to kasi parang kailan lang siya naabandona. Muli’t muli naalala ko ang mga pinag gagawa sa akin. 



Walang kaawa-awa kaming ipinasok sa kwarto. Para bang mga hayop kami na basta na lang ipinapasok sa isang kulungan. Naupo kami sa kama. Tumulo ang aking luha sa aking naalala. Nanariwa yung nangyari noong nakaraan. KUng saan bumalik yung mga nangyaring kamalian.



__________________________________________________________________

Iginala ko ang aking mata at nakita ko yung lalaking dumukot sa akin. Walang damit, katulad ko. Natanging ang saplot lang ay ang kumot na nagtataklob sa aming kahubdan. Sa puntong iyon, kakaibang panlulumo ang naramdaman ko sa aking sarili. Daig ko pa ang binaboy at pinaglaruan. Daig ko pa ang mga nagbibigay aliw sa iba na kung sila ay kumikita, sa akin ay wala. 




Lubusan ng nawala ang aking pagkatao. Binaboy ako ng lalaking ito. Tumulo ang luha ko na mula sa aking mata. Sinipat ko ang aking katawan. Ramdam ko pa ang sakit na dulot na ginawa niya. Gusto kong patayin ang taong ito, pero mukhang walang lakas ang lalabas sa aking katawan dahil sa panlulumo na aking nararamdaman.




Tumayo ako para tuntunin ang aking kasuotan. Ayokong pandirihan at makita ang sarili ko sa aking anyo ngayon. Para akong basura ngayon at di na mapapakinabangan. Parang wala na akong maihaharap kay Ryan sa nangyaring ito. 




Pulubi ako sa aking pakiramdam na wala ng matutuluyan kundi ang lansangan. Namalayan kong nagising yung lalaki at agad bumangon. Mataamng tinignan lang ako nung lalaki habang nandun ako sa kinaroroonan ng aking damit. 



“Wag ka ng mag damit... nakita ko na yan.... at naangkin ko na yan...” ngisi niya habang tumatawa. Di ako umimik, naituon ko na lang ang atensyon ko sa pagsusuoot ng damit. 




Pinipigilan ko ang sarili ko. Gustong gusto ko siyang suntukin, gantihan sa ginawa niya sa akin. Bigla siyang lumapit sa akin at hinablot ang aking braso.

 __________________________________________________________________




Niyakap ako ng mahigpit ni Ryan. 




“Wag ka ng umiyak... andito lang ako.. maakaalis din tayo.. nakakasiguro ako... wag kang mag alala... it will be alright.” Sabi nito.




 “Paano tayo aalis dito? Mukhang mahihirapan tayo.. may mga baril sila.” Sabi ko. 





“Nakahingi na ako ng tulong.” Sabi niya. 




“Paano?” tanong ko. Di na siya nakasagot dahil pumasok na ulit ang mga dumukot sa amin. 




“O kamusta kayong dalawa dito?” tanong nung lalaki. 




“Ano bang kailangan kong gawin para lang pakawalan ninyo kami?” tanong ni Ryan. 





“Di namin kailngan ng pera dahil meron ng pera ang nag utos sa amin.” 




“Kung di ninyo pala kailngan ng pera ano pa ang ginagawa namin dito? Sino ba ang nag utos sa inyo?” tanong ni Ryan.




 “Ako.” Sabi ng isang tinig ng babae.





Pamilyar ito. Sobrang pamilyar. Parang narinig ko na ito dati, somewhere. 




“Sino ka? Magpakilala ka?” sigaw ko. 




“Ako lang naman to.... kamusta kayo” nanlisik ang mata namin dalawa.





 Nagulat kami kung sino ito. Di ko inaasahan na siya ang magpapadukot sa amin. Di ko inaasahan na makikita ko siya. Lalaki pa naman ang nasa isipan ko na magpapadukot sa akin. Pero siya? Paano? Anong nangyari at siya ang may pakana nito. Wala naman akong ginawa sa knyang masama. Pero bakit?



“Bea... anong ibig sa bihin nito?” tanong ni Ryan. 




“Simple lang... gusto kong mawala sa landas ko yang haliparot na iyan... di na siya natuto...” sabi nito. 




Oo, si Bea nga. Ang ex girl friend ni Ryan. Ang siyang dahilan ng pag aaway namin ni Ryan noon. Ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. ANg isang magandang babae lang pala ang may pakana ng gulong ito. Di ko maimagine.




“Bakit? Ano bang nagawa kong mali sa inyo?” tanong ko.



“Ang tanga tanga mo. Ano ka bobo? Binalaan na kita dati. Pinasabi ko sayo na layuan mo na yang si Ryan pero anong ginawa mo? Ipinagpatuloy mo? Papatayin kita ngayon dahil jan sa kalandian mo. Tandaan mo akin lang si Ryan.” Sabi nito.



Para na siyang nababaliw. Ganun ba talaga siya ka-obssesed kay Ryan?




 “Kahit kailan hinding-hindi na ako magiging sayo. Tapos na tayo Bea. Ano pa bang kailngan mo? Ikaw ang nang-iwan sa akin? Wala na akong nararamdaman sa iyo...” sigaw ni Ryan. 





“Ikaw wala pero ako meron. Mahal na mahal pa din kita. At gagawin ko ang lahat mapa sa akin ka lang ulit. Hindi ako titigil hanggang hindi ka mapupunta sa akin. Kung kinakailngan ko pang tapusin yang mahal mo, gagawin ko. Maging akin ka lang.” Sabi nito.






 “Tapos na tayo. Tapos na. Hindi mo ba naiintindihan iyon?” sagot nito dito. 





“Sa iyo tapos na... sa akin hindi pa.” Sigaw nito.





“Ako na ang mahal niya at hindi na ikaw. Alam mo ba yon? Ako na ang minamahal ng lalaking nag mahal sa iyo noon.” Lumapit siya sa akin at sinampal ako. 





“Ano ba? Layuan mo siya.” Tinulak siya ni Ryan. 





“Wala kang karapatang saktan siya.” Dagdag pa nito. 





Humugot siya ng baril at itinutok sa akin. Humarang naman agad sa akin si Ryan. Niyakap niya ako. 





“Umalis ka jan... matagal na akong nanggigigil na patayin yan. Umalis ka jan... hindi ko nga maintindihan kung bakit ka na inlove jan eh. Lalaki yan samantalang babae ako. Wala pa siya sa kalingkingan ko...” sabi ni Bea.





 “Oo lalaki siya at babae ka... pero kung sa pagmamahal lang din, di ka aabot ni sa talampakan niya.” Sigaw nito.




"Pakawalan mo na kami Bea. Hindi ka na mahal ni Ryan."





"Wag kang sumabot. You whore."





"Mas asal kaladakarin ka."





"At least hindi ako nababoy..."





"Walang hiya ka."




"Mas walang hiya ka."




"OO nababoy na ako. Pero nasa akin si Ryan." ang nasabi ko na lang.




Nakita kong nanggigfil siya.




“Umalis ka jan....!!!” nanggigigil na sabi nito. 




“Kung papatayin mo siya patayin mo na rin ako... di ako papayag na patayin mo siya..” sigaw nito. 




“Naks naman.. napakasweet ninyo naman.. pero yang matamis na pagmamahalan ninyo mauuwi sa mapait na kamatayan niyang Nicko na yan..” sabi nito. 




“Sige pag hiwalayin ninyo sila” utos nito. 




Agad namang sumunod ang mga tauhan niya at pinag hiwalay nila kami. Nanlaban si Ryan pero nakita kong sinuntok siya sa tiyan. Madami sila. 




“Nicko... Nicko.... bitawan ninyo siya...” sigaw ni Ryan. 





“Ryan.... huhuhu... tulungan mo ako...” sabi ko. 






“Walang hiya ka Bea... wala kang kaluluwa...” umiiyak na sabi ni Ryan. 






“Kahit anong gawin mo..... wala ka ng magagawa.... papatayin ko na siya. Meron ka bang huling sasabihin sa kanya...”sabi niya sa akin. 






“Ryan.. mahal na mahal kita... mahal na mahal...” di na ako makapagsalita ng ayos dahil sa aking pag luha.






“Sayang ka. Gwapo ka pa naman pero... mamatay ka na...” ipinikit ko ang aking mata sa paghahanda sa nalalpit kong kamatayan. Feeling ko katapusan ko na ngayon. Pakiramdam ko kasi eto na yung huling araw ko. 






Sa huling sandali, inalala ko ang mga magagandang nangyari sa akin. Yung mga pag kakataon na nagkaroon ako ng kaligayahan sa puso. Mga pagkakataon na kung saan kapiling ko si Ryan.



_______________________________________________________

“Alam ko... alam kong mahal mo ako... at handa akong magsakripisyo para lang sayo... mahal na mahal kita.....” sabi niya. 




“Mahal na namahl din kita... hindi ko alam kung bakit ba? Kung paano ba nangyari... bigla bigla na lang akong nakaramdam ng kiliti sa aking puso na siyang tumutugon sa yo....” ang sabi ko. 





“Handa akong tugunan ang puwang ng pagmamahal mo dyan sa puso mo..... alam kong mahal mo pa ang kapatid ko pero di ako papatalo..... ako ang siyang bubura niyang sa puso mo at ako ang mag hahari sa puso mo.... ipapangako ko ang lahat... lahat lahat...” ang sabi niya.

_____________________________________________________



Mga pagkakataong kasama ko si Annie.


_______________________________________________________

“Basta, pag naramdaman mo na sumuko ka na.. andito lang ako para i comfort ka..”



______________________________________________________

At ang pagtanggap sa akin ng mga magulang ko.


____________________________________________________


“Anak.... patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo. Di ko lang matanggap noon na ganyan ka. Akala ko makakya ko at matitiis pero nung nalaman ko na nanganib ang buhay mo, di ko na nakayanan. Mahal na mahal kita anak.”



___________________________________________________


Lahat ng mga bagay na nag pasaya sa akin inisip ko. Kahit man lang sa huling sandali, maging masaya ako. ipinikit ko ang aking mata muli at hinanda ang sarili ko. Naririnig ko pa rin ang sigaw ni Ryan. Sigaw ng pagmamkaawa. 




Punong puno na ng kalungkutan ang aking puso. Sana maramdaman ni Ryan kung gaano ko siya kamahal. Mahal na mahal ko siya. Higit pa sa buhay ko. Sana makapatgpo siya ng mas magmamahal sa kanya kung sakali.




“Isa... dalawa... tatlo....” pag bibilang niya 






“... apat.... li...” natigil ang pagbibilang niya ng may marinig kaming wang wang. 



Nagkagulo ang lahat. 




“Ano yon?” sabi nito. Nataranta siya sa nangyayari.



“Tignan  ninyo...” utos nito. 





Lumapit sa akin si Ryan pero hindi ito natuloy. Tinutukan agad ako ni Bea sa ulo.





 “Sige lumapit ka.. sabog ang ulo nito.... ang swerte mo rin namang tao ka..... nakaligtas ka pa ng ilang segundo....” lumabas kami. 




Dinala niya ako sa kung saan narinig ko ang pag sigaw ni Ryan. 





“Babawiin kita mahal ko.. hintayin mo ako...” sabi nito.





Kinaladkad ako nito. Nanlalaban ako pero wala akong magawa. Kasma nito yung taong nangbababoy sa akin. Umalis siya at iniwan kaming dalawa.





“Ang swerte mo talaga.... naku.... gusto mo ba bago ka mamatay eh makatikim ka ng sarap?” sabi nito. 




“Hehe natatwa ako sa jowk mo.. pakawalan mo na lang ako dito para may nagawa ka naman sa buhay mo...” sabi ko.





Nakita ko na iba ang tingin niya sa akin. Kanina ko pa siya napapansin na ganyan ang mga titig sa akin.  





“Di ko maintindihan kung bakit ba naattract ako sayo... sobra mo kasing bangis eh.. yan yung tipo ko.. mababangis... kaya ko nga minahal yang si Bea eh...” sabi nito. 





“Kung mahal mo siya dapat hindi mo hinayaan na magkaganyan siya...” 





“At wag kang makialam sa akin...” sabi nito.



"isipin mo lahat ng sinabi ko sayo noon."





"Binibilog mo lang ang utak ko."




"Hindi yan totoo."




"Hey. Stop. Baka di ako makapag pigil. Wag kang ganyan, iba na ang nararamdaman ko."





"Pakawalan mo na ako..."





"Hindi..."





"Please... maawa ka..." umiiyak na ako.





"Shit. Sabing manahimik ka. Wag kang mag paawa ng ganyan. Takte naman oh. Wag kang..."





"Ano pa ba kailngan mo ha? di ka pa ba nakuntento?"




"Alam ko na kung bakait napamahal sayo si Ryan."




"Ano bang pinag sasabi mo.."





"Ilang gabi mo akong hindi pinatulog.... napapaisip ako sa mga sinasabi mo..."






"Anong ibig sabihin mo?"






"Yeah. I don't know kung sadya bang ganito pag may nangyari sa inyo ng dalawang tao. I'm starting to like you..."




"Don't say that." pagmamatigas ko.





"Wag kang magpacute..."





"Hindi ako nagpapacute. Please pakawalan mo ako."





lumapit siya agad sa akin at hinawakan ako sa balikat ko.





"Argggh. Bakit ganito pakiRAMDAM KO? kABWISIT."






 Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang dumating si Bea.




"Ano tong milgarong ginagawa ninyo?"
yang 



"Wala wala..." biglang siyang tumayo.



"Don't tell me may gusto ka sa kanya."





Di ito sumagot. sumandal lang to sa pader.




"By the way. mamatay ka na..."




Natigilan kaming lahat ng makarinig kami ng palitan ng mga putok ng baril.



(Itutuloy)