Tuesday, December 31, 2013

Less Than Three- Part 41

AUTHOR'S NOTE:


Hello po sa mga readers ko. Pagpasensyahan na po ninyo kung ngayon lang po ako nakapag-update....



I hope everything will be okay. Sorry po kung medyo "maria clara" na po yung Kento. Natawa naman po ako dun., hahaha Peo salamat po sa comments po ninyo. At least aware po ako na ganito na pala ang kwento ko.


Pagpasensyahn na ninyo, medyo matagal ko ng naisulat ito. Isang taon na rin nung isinuat ko yung ibang parts kaya di ko na na modify.... naku.... quota na ako sa best friend ko. hahahaha


Heto na po.... Hope magustuhan ninyo yung mga susunod na kabanata... Wag kayong mag-aalala THE END IS NEAR kaya konting antay na lang. hahahah


YUng update ko po ay every week na po... Baka po every SUnday na lang po. Panibagong term kasi kami kaya bagong sched at puro poang gabi ang sched ko.... RThen yung Wi-Fi ng kapit bahay namen may passwrod na... that means.... Tag load na ako ngayon ng broadband. hahahahah


Paalala lang po:



YUng post ko na ito di ko pa po narevise ah... yuing susunod na part yung sinimulan ko kaya bear with me. :).................................



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 41

(On the rocks)


Sunday, December 8, 2013

Less Than Three (Special Announcement)


Good Evening guys.... I would like to make some announcement for my story Less Than Three.

I hope everyone will understand what I am going to do.


Less than Three will be back after my break. Medyo nahihirapan po kasi ako for now na ayusin siya. May mga bagay kasi na dapat kong unahin at hindi ko po kaya na pagsabayin ito. Hindi naman ganun katagal siya. I think 2 weeks ang pinakamatagal. I promised na kapag natapos ko na mga gagawin ko ay magpopost ako agad.


Thanks for the concerned readers na nagsasabi ng kanilang opinion. don't worry  naappreciate ko po yung mga comment ninyo kahit na medyo nakakasaksak sa puso. hahahaha.. but Im okay. Alam ko namang insight ninyo iyon.


I decide na ayusin yung kwento ko since that medyo hindi na ninyo nagugustuhan.... whenever someone feels that my story is not good, I forced myself to stop and to re think. Medyo tama rin naman siguro kayo. Nakaklungkot man at masakit man na mabasa yung mga yun, kailangan kong tanggapin kasi lahat naman yun makakatulong sa story.... and I think tama kayo kasi medyo nasosobrahan na rin ako. hahahaha.... minsan kasi tinatamad na rin ako mag isip. Humahaba lang naman kasi siya minsan dahil sa conversation. Di ko po kasi siya maputol putol kaagad eh.


Wag naman po sana kayong biglang tumigil sa pagcocomment, babatukan ko kayo eh. hahahaha... SOBRANG okay lang sa akin yung mga comment ninyo. MAs ginaganahan pa nga ako kapag may nagcocomment at kapag dumating yung time na onti lang yung nagcocomment. I felt bad....


Gusy I hope you understand everything. HAhahahaha.. Please bear with me. Thank you!

Saturday, November 30, 2013

Less Than Three- Part 40

AUTHOR'S NOTE:


Guys salamat po sa mga comments ninyo.. kahit anong comments po ay welcome... sorry kung talagang hindi ko naasiakaso.. hinihintay ko lang po matapos yung term na to. sorry po talaga... hope you'll undertsand....


Sorry for the flaws.... sorry po.. pasensya na po...


.................................



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 40

(On the fire...)


Saturday, November 23, 2013

Less Than Three- Part 39

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 39

(When love comes...)


Sunday, November 17, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 12



318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph



Authors Note:

Guuyyysss! Chapter 12 is here hehe! Oo nga pala, I don’t want spoil you pero were down to the last 3 chapters (including this chapter) so better go to your room and look for some handkerchieves, remember handkerchieves haha joke lang! Anyway, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa walang sawang sumusuporta ng 318 since noong textmate pa. Sana hanggang ending suportahan nyo pa rin ako. Also, I want to acknowledge and give thanks to Sir Kenji Oya (the author of my favorite MNB) for giving an opportunity to.. Ooops! Bibitin ko muna kayo dito. Basa mode muna kayo at malalamaan nyo kung bakit, hihi! Maraming salamat sir, mabuhay po kayo =)

PS: FB ko, add mo ah? https://www.facebook.com/niel.isyours Hihi! Salamuch! :*


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph




About the cover photo:

  
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (Imyours1821@gmail.com) and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)




Chapter 12


Dumaan ang isang oras noong umalis si Xander. Nasa sala ako at nagbabasa ng binili kong libro sa book store kanina ng biglang.


“Ding dong..” Pagtunog ng door bell. Sino naman kayang matinong tao ang bibisita sa amin sa ganung oras? Kaya hindi ko na lang pinansin dahil baka nanloloko lang yun. Ngunit nagsunod-sunod ito. Kaya naman lumabas na ako upang tignan kung sino ba yung nagdo-doorbell.


Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate namin ay biglang nanlaki ang mata ko sa nakita. Si-si Trina?? Bakit sya nandito? At b-bakit parang may tutulong luha sa mga mata nya?!


“T-trina?!” Gulat kong sabi. Nanlamig ako sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba sa nakita ko. Bakit?! Anong ginagawa nya dito sa amin sa gantong dis-oras ng gabi. “B-bakit k-ka nandito?” Mautal-utal kong pagtatanong.


Ngunit mas lalo akong kinilabutan noong makita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. Shit! Hindi ko alam kung bakit, kung tutuusin pwede ko naman isiping manghihingi lang sya ng tawad sa lahat ng mga nagawa nya sa akin noon. Pero bakit hindi ako mapalagay? Kinakabahan ako..


“P-pwede ba tayong mag-usap Colby?” Malambing ngunit umiiyak na sabi ni Trina. Parang hindi sya si Trina na nakilala ko. Ang Trina kasi na nakilala ko ay maldita, matapobre, mapanghusga at mapag-taas ng kilay. 

Ngunit, ang Trina na nasa harap ko ngayon ay ibang-iba. Mistulang punong-puno ng pagdadalamhati ang mukha, hindi ko alam kung ano ang problema pero sumang-ayon na lang ako sa gusto nya. “W-wag dito.  Tulog na sila mommy e, doon tayo sa park..” Nasabi ko na lang. Gustuhin ko mang sa loob kami ng bahay mag-usap, hindi maari dahil baka kung anong pageeskandalo ang gawin ng babaeng to, wala akong tiwala sa kanya.


Habang naglalakad kami sa park, di kalayuan sa bahay namin ay nakaramdam ako ng ibayong kaba. Pakiramdam ko kasi ay parang bibitayin ako sa mga oras na yun.


Nakarating na kami sa park ng subdivision namin. Pinili naming umupo sa may bench kung saan mayroong malapit na poste.


Tahimik. Nakakabinging katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng pagkabog ng puso ko sa hindi malamang dahilan.


Laking gulat ko ng bigla na lang akong niyakap ni Trina. Isang yakap na walang halong ka-plastikan. Parang sa isang iglap, hindi na sya yung Trina na masama ang pag-uugali, parang unti-unti syang lumambot sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit mas kinagulat ko pa noong maramdaman ko na lang ang pag-tulo ng kanyang luha sa aking balikat. Narinig ko rin ang pag-hikbi nya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. “Patawarin mo ako Colby..” Sabi nya habang umiiyak sabay hawak sa mga kamay ko. Kinabahan ako lalo, parang anytime mahihimatay ako sa sobrang kaba.


“B-bakit ka humihingi ng tawad?!” Pagtatanong ko sa kanya.


“Sa lahat, lahat Colby. Patawad sa mga nagawa ko sayong paninira dati. Masyado akong na-inlove sa boyfriend mo. Masyado akong na-obsessed dahilan upang masaktan kita at magkaruon kayo ng mga alitan. Aaminin ko, lahat ng yun ay sinadya ko dahil hindi pa mulat ang isip ko noon. Masyado akong nagpabulag sa nararamdaman ko kay Xander. Colby, patawarin mo ko..” Sabi nya habang umiiyak. Napakalakas ng pagiyak nya dahilan upang makaramdam ako ng awa. Kung yun lang ang problema, wala na sa akin yun. Madali lang naman sa akin ang magpawad dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman nagwagi si Trina noon na ma-agaw ang boyfriend ko. Pero.. “Patawarin mo ko Colby, dahil sa ngayon, hindi ko alam kung maari pa ba kayong magmahalan..” Dagdag nya. Napatulala ako sa sinabi ni Trina.


“A-anong ibig m-mong s-sabihin?” Na-uutal kong tanong sa kanya.


“Colby, buntis ako at..” Umiiyak nyang sabi. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sana hindi.. sana mali ang iniisip ko.. “si Xander ang ama..”


Pakiramdam ko ay nagsi-pigtalan ang mga litid ko sa buong katawan sa narinig. Para akong binagsakan ang isang malaking bulldozer sa sinabi ni Trina. A-ano daw? Tama ba ang narinig ko? Buntis siya?! At si bes ang ama?!


“Anong sabi mo?” Pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha sa aking mga mata. Hindi sya kumibo. Umiiyak lang sya at tila hiyang hiya sa sinabi nya. “ANONG SINABI MO?!!! ULITIN MO NGA TRINA??!”


“Colby, humanahon ka..” Pag-awat sa akin ni Trina. Marahil ay natakot sya sa inasta ko. “Umupo ka Colby, ipapaliwanag ko. Huminahon ka please?” Sabi nya. Umiiyak sya at ganun din ako. Magkahalong kaba at galit ang nararamdaman ko ngayon.


“Colby, noong mga oras na problemado kayo ni Xander may nangyari sa aming dalawa. Tatlong araw bago ang play namin noon nang nalasing sya sa bahay ng classmate namin. Doon ko pinilit na may mangyari sa amin at may nangyari nga.” Pagsisiwalat ni Trina. Parang natulala ako sa mga nalaman. Parang sa isang iglap, nag-blackout ako. Walang luhang tumutulo sa labas ngunit sa palagay ko ay wala namang patid ang pag-iyak ng puso ko. Parang tinatangalan ako ng puso at kaluluwa sa mga sinisiwalat nya. Masakit. Sobrang sakit. 


“Akala ko, nakapag-take ako ng pills ng gabing yun. Hindi ko namalayan dahil lasing na din ako Colby. Masaya akong umuwi sa bahay noon sa pagaakalang may nangyari nga sa amin ngunit alam ko sa sarili kong hindi ako mabubutis sapagkat akala ko ay uminom ako ng pills. Ngunit noong hagilapin ko ang gamit ko, walang bawas ang pills ko. At doon na akong simulang nangamba na baka may mabuo ngang bata sa sinapupunan ko. Lumipas ang dalawang linggo ngunit walang kahit akong senyales sa akin ng pagdadalang tao, kaya naman nagpakapanatag ako. Akala ko Colby, walang ma-bubuo dahil ang tagal ko bago dinatnan ng mga senyales, hanggang sa mag-delay ang buwanang dalaw ko at magsimula na akong maduwal. Colby, unang-una sa lahat ay ayoko mabuntis, alam ng daddy ko maganda ang records ko since high school kaya isang malaking pag-sisisi ang nagawa ko.” Pagsisiwalat pa ni Trina, para akong dahan-dahang pinupunit sa mga naririnig ko. Shit! Bakit Xander? Bakit mo ginawa sa akin to?! “Colby, noong isang linggo ko lang nalaman na dalawang buwan na akong nagdadalang tao, ayaw ko na sanang ituloy ang pagbubuntis at ipapalaglag ko na lang sana ang bata ngunit nakita ni daddy ang Pregnancy test ko sa kwarto ko. Dahilan upang malaman nya ang lahat at..” Lumakas pa lalo ang pag-iyak nya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Ngunit ang puso’t isip ko ay kanina pa nabubugbog at nasasaktan sa bawat salita na binibigkas nya. 


“Gusto ni daddy na pakasalan ko daw si Xander. Ayaw ni daddy na lumaki ang magiging apo nya na walang kinikilalang ama, kaya sa ayaw at sa gusto ko daw papakasalan ko daw si Xander..”
Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Masakit. Sobrang sakit ng mga naririnig ko mula kay Trina. Shit! Bakit?!!!!! Bakit nagawa sa akin to ni Xander. Ang buong akala ko ay mahal na mahal nya ako ngunit bakit nya nagawang magtaksil?! Bakit?!


Umiiyak pa rin ako, hindi makapaniwala sa mga narinig. Parang sa isang iglap, nawala ang lahat ng pangarap ko. Parang sa isang sandaling pagkakataon ay biglang hinugot ang puso ko sa narinig. Nalilito kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi ni Trina, ngunit bakit ko pa kailangang mailto? Nandyaan na ang ebidensya oh? Ang pagpapatunay ng pagtataksil nya sa akin. Ang magiging anak nila ni Trina.


“Paano mo mapapatunayan yang sinasabi mo? Paano Trina?!” Pasigaw kong sabi. Marahil ay nabalot ng takot si Trina sa reaksyon at sa pagsigaw ko kaya agad nyang inabot sa akin ang kanyang cellphone. Nilagay nya muna ito sa multimedia setting at laking gulat ko ng bigla nyang pinakita sa akin ang isang video na nagpapatunay ng kanilang pagtatalik ni Xander. Lasing si Xander sa video pero kitang-kita ang paglaban nito sa bawat aksyon na ginagawa ni Trina sa katawan nya. Nakakapanlumo. Napakasakit makita ng ginagawa nila. Pakiramdam ko ay sinasagaan ng isang malaking pison ang puso ko sa mga oras na yun.


“Sorry Colby. Patawarin mo ako. Kinuhaan ko yan noong lasing kami sa pag-aakalang walang mabubuong bata. Patawarin mo ko Col.. Splak!” Hindi nya na natuloy yung sinasabi nya. Nagdilim ang paningin ko. Nanikip ang dibdib ko sa sobrang sakit at galit.


“Alam mo Trina, kung hindi ka lang sana malandi hindi mangyayari to. Kung nagpipigil ka lang sana ng kati ng katawan hindi sana aabot pa sa ganito!” Sabi ko sa kanya at binato ko sa kanya ang cellphone nya sabay takbo palayo. Tumakbo ako hanggang sa makalayo sa kanya. Tumakbo akong walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Akala ko hindi nya na ako sasaktan. Akala ko si Xander na ang taong makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Ngunit, bakit ganito ang nangyari? Bakit ang bilis nyang magpa-daig sa temptasyon. Wala rin pala syang pinagka-iba kay Tristan. They all of have one common objective to me, yan ay ang saktan ako.


Napadpad ako sa kung saan-saan. Hindi ko alam kung nasaan na ba ako. Wala akong ibang dala sa mga oras na yun kundi ang sugatang sarili ko lang at ang suot ko.


Hanggang sa napadpad ako sa park kung saan kami madalas tumambay ni bes. Muli, hindi ko na naman napigilan ang pagdaloy ng luha ko. Naaalala ko kasi ang mga alalaala namin sa park na to, noong mag-bestfriend pa lang kami at ngayong naging magkasintahan na kami. Napakasakit malaman na makukulong na lang ang mga alalang yun dito, na kahit kalian ay maari nang mawala ang pagkakaibigan at ang pagmamahalan namin ni bes, kung hindi lang sana pumapel si Trina.


Naisip ko tuloy, paano kaya kung hindi kami umamin sa isa’t isa? Magiging ganito kaya? Masasaktan kaya ako ng ganito? May posibilidad kayang masira ang pagkakaibigan at ang pagmamahalan naming sa isa’t isa kung nagkagayon. Natural, hindi. Dahil in the first place alam naming wala kaming karapatan sa isa’t isa kung nagkagayon, ngunit sa kaso namin ngayon committed kami sa isa’t isa. Yun ang mas masakit, committed nga kami sa isa’t isa, actually more than committed pero kailangan naming mag-desisyon dahil sa mga nangyayari.


Wala pa ring patid ang pagluha ko. Ang sakit sakit kasing isipin na dadating pala kami sa pagkakataong masasaktan kami. Hindi naman kasi to simpleng tampuhan lang, isang klase ng problema kung saan kailangan kong magparaya para sa kapakanan ng magiging anak ng taong mahal ko.


Siguro, hindi magiging sobrang masakit sa akin kung sa kaibigan ko o kahit sa ibang babaeng hindi ko kilala ang mabuntis ni Xander e. Ngunit, sa taong inapakapakan ako, nilait, at ilang beses ding inagaw sa akin ang taong mahal ko, napakasakit. Pakiramdam ko kasi ay sobrang talo ako sa laban to the point na pinamukha sa akin ng taong mahal ko na “Pinili ko na sya, at ito ang matibay na ebidensya na magpapatunay..” sa harap ko mismo upang mapahiya ako.


At dahil dyan, nabuo sa isipan ko ang isang ideya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong desisyon. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dito. Hindi ko alam kung may masasaktan ba sa gagawin kong desisyon. Ngunit, itutuloy ko – para sa pagmamahal ko kay Xander.



Xander’s Point of View:


Kinabukasan matapos ang date namin ni Colby. Agad-agad ko syang tinawagan. Kinakabahan kasi ako, kagabi pa sya hindi nagte-text o sumasagot sa mga tawag ko. Hindi naman ganito si bes. Usually, isang tawag ko lang ay sumasagot na ito, siguro ay napagod kaya nakatulog agad – ayaw ko magpaka-paranoid.
Tinawagan ko ng tinawagan si bes ngunit walang sumasagot sa akin. Ring lang ng ring ang linya nya. 


Nagaalala ako, ano kayang nangyari kay bes? Kagabi pa sya walang text at tawag. Nag-text ako sa kanya na kung pwede ba akong pumunta sa kanila ngayon dahil ang sabi nya sa akin ay may pupuntahan daw sila ng mommy nya kinabuksan. Naghintay ako. Isang oras, dalawang oras ngunit wala pa rin akong natatangap na reply.


Lumipas ang tanghali ngunit wala pa ring reply o sumasagot sa cellphone ni Colby. Lalo tuloy akong nag-alala. Hindi ganito si bes, usually kapag busy sya ay sinasabi nya agad upang hindi ako mag-alala.
Magaalas-4 na ng hapon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Excited kong kinuha ang cellphone ko sa pagaakalang si bes na ang tumawag, ngunit laking gulat ko noong si Trina pala ang tumawag.


Ayaw ko sanang sagutin dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sigurado kung may nangyari ba sa amin ni Trina noong gabing yun ngunit isang kabastusan naman kung hahayaan ko lang mag-hintay si Trina sa tawag ko. Kaya labag man sa kalooban ko ay sinagot ko ang tawag nya.


“Hello?” Pambungad ko.


“Goodafternoon Xander. Ahm? Pwede ba tayo magkita ngayon?” Pagtatanong nya. Parang may iba sa boses nya. Hindi katulad ng dati. Hindi yung Trina na may pagka-seductive ang boses. Yung narinig kong boses sa phone ay iba, isang boses na mistulang may pagmamakaawa. Nakakakilabot!


“Ahhh. Ehh.. busy kasi ako ngayon Trina e..” Pagtangi ko sa kanya ngunit..


“Sige na Xander please? May dapat ka lang malaman.. Please?” Pagmamakaawa nya. Crack ang boses nya sa pagkakarinig ko. Parang kakagaling lang sa pag-iyak. Bakit naman kaya? Kinabahan ako. Hindi kaya? 
Hindi kaya totoo ang mga agam-agam ko? Wag naman sana.


Pinagpasyahan naming magkita sa isang park malapit sa kanilang subdivision. Habang naglalakbay ako. Hindi ko maiwang ma-bothered. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Nasa isip ko pa rin kasi ang mga maaring posibilidad kung bakit nais ni Trina na magusap kami. Kung bakit ganun na lang kalungkot ang tono ng boses nya. Natatakot. Kinakabahan. Pakiramdam ko ay may mali, may mangyayaring masama. Hind mani ako 
sigurado pero yun ang naiisip at nararamdaman ko sa ngayon.


Nakarating na ako sa park na sinasabi ni Trina. Tahimik ang park at halos may iilang tao lang ang nandun. Ang ilan ay umaalis na dahil sa makulimlim na panahon. Nakita kong nakaupo si Trina sa isang tumbang puno, malayo sa mga tao. Nakasuot sya ng kulay pink na blouse na aabot hanggang sa kanyang hita.


“Xander..” Bungad sa akin ni Trina. Napansin kong tumaba si Trina ngunit kapansin pansin din ang pagka-puyat sa kanyang mukha. Parang may mali kay Trina. Hindi na rin sya yung Trina na mapagmataas, parang bigla na lang sya nanging mahinhin. Parang may mali sa kanya, parang may kulang at yun ang aalamin ko. 

“Upo ka..” Utos nya.


Umupo naman ako sa tabi nya.


Colby’s Point of View:


Kinabuksan, nagising ako ng parang wala lang. Parang wala akong energy gawin ang lahat ng bagay. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Xander –kung gaano kasakit ang mga nalaman ko mula kay Trina.
Masakit. Oo paulit-ulit na ako pero heto talaga ang nararamdaman ko. Mas masakit pa sa nararamdaman ko noong nakita ko si Tristan at si Rafael. Sa ngayon kasi, may naging bunga ang ginawang pagtataksil ni Xander, alam kong mahal nya ako ngunit ang hindi ko malamang dahlian ay kung bakit kailangan nyang gawin yun. Hindi pa ba sya kuntento sa akin? Binigay ko naman ang lahat ng pagmamahal ko ah? Is giving my all is not enough?!


Sa umagang yun, wala akong ibang ginawa kung hindi mag-mukmok. Umiyak ng umiyak. Yan lang ang tanging nagiging paraan ko upang mapanatag kahit kaunti ang aking kalooban.
Kinahapunan, napagdesisyunan kong pumunta sandali sa isang park na minsang nadaanan namin nila mommy.  Maganda yung park na yun dahil kakaunti ang taong nagpupunta doon. Payapa at kung nanaisin mong ipahinga ang sarili mo maari kang pumunta dun.


Habang naglalakad-lakad ako sa park ay hindi ko inaakalang may makikita akong makakapagpasama pa ng nararamdaman ko sa ngayon. Nakita ko si Xander at si Trina na magkasama. Napahawak na lang ako bibig ko. Tears started to fell down. Masakit. Naguusap sila ng casual lang. Mas lalo tuloy dumami ang katanungan sa aking isip. Nagtataksil ba talaga sa akin si Xander? Dito ba sila patagong nagkikita? Alam na ba ni Xander ang lahat ng sinabi sa akin ni Trina? Bakit imbis na ako ang puntahan nya ako dahil kahapon pa ako hindi nagpaparamdam sa kanya ay si Trina pa ang inuna nyang pinuntahan? Lahat ng yan ay hindi klaro sa akin, pero sa nakita ko, isa lang ang masasabi ko. Masakit.


Napatakbo na lang ako. Pinilit kong hindi makita ni Xander. Ayoko syang hiyain o awayin dito sa park. Hanggang sa nakarating ako isang sa tingin ko ay parke rin kung saan may kauting kalayuan sa kinaroroonan nila Xander. Tahimik dito at may iilan lang mga tao. Gusto kong umiyak. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Gusto kong mapagisa upang makapagisip isip sa mga kasagutan ng tanong ko.


Xander’s Point of View:


“Anong kailangan mo Trina? Ah, oo nga pala. Lilipat na rin pala ako sa ibang section sa 2nd year..” Pagbasag ko sa katahimikan. Ngunit, hindi ito sumagot at laking gulat ko bigla na lang syang himikbi at lumuha. “Bakit ka umiiyak Trina?” Tanong ko. Hindi pa rin sya tumigil at hindi nya pa rin sinagot ang tanong ko. “Gusto ko lang ng katahimikan Trina, nagagalit sa akin si Colby. Masyado na syang nasasaktan kapag nakikita nyang magkasama tayo. Kaya pagpasensyahan mo na Trina, mahal ko lang si Colby..” Tumingin ito sa akin, yung tingin na nakakatakot in way na parang may masamang impact yun sa kanya.


“Xander. Sorry..” Ang maikli nyang sambit. Lumakas pa ang paghagulgol nya.


“Sorry para saan?” Nagtataka kong tanong.


“Sorry sa lahat. Sorry kung masyado kong nasaktan si Colby noon. Sorry kung naapakapakan ko ang pagkatao nya. Siguro ay masyado lang akong na-obsessed sayo. Minahal kasi kita Xander kahit alam kong hindi mo naman ito susuklian dahil may mahal ka na. Dahil sa nararamdaman ko para sayo, nakagawa ako ng mga bagay na alam kong ikakasira nyo, ngunit dahil sa lakas ng pagmamahal nyo, nagawa kong gumawa ng bagay na akala ko ay tama. Pagpasensyahan mo na Xander.” Kinilabutan ako, ano ang ibig sabihin ni Trina?!


“What do you mean?” Gulat kong sabi.


Laking gulat ko ng inabot sa akin ni Trina ang tatlong Pregnancy Test mula sa kanyang bag. Laking gulat ko makita ko ang tatlong pregnancy test na may dalawang guhit bawat isa. Lalo akong kinabahan. Kinilabutan. Natatakot na baka totoo ang lahat ng kinatatakutan ko simula noong magising ako sa bahay ng kaklase ko na wala akong saplot. Shit! Tang ina.


“Xander, buntis ako at ikaw ang ama.”


Colby’s Point of View:


Umupo ako saisang bench ng parkeng yun at saka doon umiyak. Bakit ba ganito? Bakit ba kung kalian okay na ang lahat saka pa ako nasasaktan ng ganito? Ang tanging pangarap ko lang naman noon ay ang magkaroon ng taong matatangap ako sa kabila ng kung sino ako at kung ano ang itsura ko e. Pinagkaloob nga sya sa akin ngunit bakit tila binabawi sya sa akin ng kapalaran? Ang sakit naman ata na ibigay sayo ang isang taong alam mong mahal mo at mahal na mahal ka tapos biglang babawiin lang sa isang iglap, at ang mas masakit pa ay maaring hindi ko na sya makasama pa dahil maaring may gusto na rin sya kay Trina – kaya nga may nangyari na sa kanila di ba? At nagbunga na ang lahat ng yun.


Hindi sinasadyang matagpuan ng mata ko ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad-24 na taong gulang na. Bata pa sila kung titignan, parehas gwapo at parang mga professionals na kung manamit. Ngunit sa kabila ng kanilang pormal na pananamit laking gulat ko na nandun sila sa manong na nagbebenta ng fishballs at gulaman, masayang kumain, nagtatawanan, sweet. Para silang mag-kasintahan.


Agad naman akong nakaramdam ng kaunting ingit, parang kahapon lang kasi ay ganyan na ganyan pa kami ni Xander. Masaya at hindi alintana ang mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid. Ngunit ngayon, iba na. At alam ko, sooner or later mawawala na ang mga ganung pagkakataon, masakit? Sobra!


Napansin kong papalapit ang dalawang lalaki sa kinauupuan ko. Noong nakita nila akong nakaupo dun, parang nadismaya ang kanilang reaksyon pero parehas pa rin silang nakangiti.


“Sayang naman may nauna sa atin dun..” Sabi ng lalaki doon sa isa pang lalaki. Magkawahak sila ng kamay. Siguro nga ay talagang magkasintahan sila.


“Hayaan mo na Andre. Hindi naman siguro alam ni Kuya na doon tayo uupo di ba?” Sabi ng isa pang lalaki sa kasama nya. “Tara dito muna tayo, intayin na lang siguro nating mabakante yun..” Dagdag pa ng lalaki.
Naka-tapat sila sa akin. Ang sweet sweet nilang dalawa. Syempre, matinding ingit ang nararamdaman ko sa ngayon. Sana andito din ang Xander ko. Sana hindi na lang nangyari sa amin to.


Napansin kong napatigil ang dalawang lalaki sa usapan nila. Napansin kong napako ang tingin sa akin noong isang lalaki. Pinagmasdan nya ako ng matagal. May binulong sya doon sa isang lalaki. Napatango naman yung isang lalaki at laking gulat ko ng biglang lumapit sa akin yung isang lalaki. Yung tumingin sa akin ng matagal, di ko lang alam kung bakit nya ako tinitigan. Parang na-amaze sya sa nakita nya. Pero, umiiyak ako tapos na-amaze?


Umupo sya sa tabi ko at nag-abot ng isang panyo.


“Hmmm, hello. Ako nga pala si Ryan..”



- I T U T U L O Y


Saturday, November 16, 2013

Less Than Three- Part 38



















This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 38

(Paradise)


Saturday, November 9, 2013

Less Than Three- Part 37



GUYS NAKIKIUSAP PO AKO ON BEHALF OF MY BESTFRIEND....

My best friend needed this like.... para po ito sa colleagues niya sa org niya... I hope mapagbigyan ninyo sila....


he quoted to me:

 "Best.....Kakapalan ko na po ang mukha ko po ah.... nakakahiya man pero kailangan po eh... MINSAN lang po talaga ito...need lang po namin.... Alam ko po nakakainis yung mga ganito na palike like pero kailangan po talaga eh.... Sensya na po

Help naman please. 

Pa-like naman po ng mga pics na ito. Your like will help us get closer to our goal. Salamat kaibigan! 

Our Mechanical Engineering Queen:
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=657253284296884&set=a.657252064297006.1073741837.640979002590979&type=1&theater

and Our Mechanical Engineering King:
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=657251617630384&set=a.657249684297244.1073741836.640979002590979&type=1&theater
"
Maraming salamat po


NOTE: this is the first time makita kong determinadong manalo ang mga colleagues niya
---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 37

(Wonderful tonight)


Sunday, November 3, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 11



318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph


Authors Note:

Guuuyyss! Sabi ko nga babawi ako hihi ^_^ Kaya heto pinabilis ko ang update. Uhhhmm, sorry kung medyo magulo ang flow guys, hindi na ako nag-proofread haha :D enjoy reading guys.

Oo nga pala, malapit na matapos tong story na to. Pero, wala akong sasabihing number of episode sa ending para may twist at ma-surprise kayo hihi..

Maraming maraming salamat guys sa mga patuloy na nag-aabang ng story ko kahit matagal ang updates. Salamat guys! Labya all! :* God bless.

PS: Sana wag kayong magalit sa akin for this chapter hehe, start na po ako ng climax. Pa-add din po sa facebook kung inyo mamarapatin XD hihi! Salamat! https://www.facebook.com/niel.isyours



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph





About the cover photo:

  
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.




ENJOY READING =)



Chapter 11

Trina’s Point of View:



Haha! After all, my plan succeeded. Napasaakin din si Xander this night. Oh, mali because that was just my partial plan. Actually my whole plan is to redeem Xander as mine from that faggot named Colby. But, paano ko makukuha si Xander? Kung sa bawat ungol nitong si Xander ay si Colby ang binabangit nya?! Kanina pa to e. Kung pwede ko nga lang sana hampasin ng malakas para matauhan e, but hindi pwede. I’m sure magagalit sya once na malaman nyang pwersahan ko syang ginalaw.


Actually, dati ko pa crush itong si Xander, hanggang sa yung simpleng crush na yun ay umabot na sa puntong na-obsessed ako sa kanya. I don’t know kung bakit ganto ang klase ng pagiisip ko, kontrabida na kung kontraba, maldita na kung maldita pero Xander will be mine, soon  I think.


Sa tuwing nakikita ko sila ni Colby, nasusuka ako. Ano bang meron sa baklang yun na wala ako?! Look, I have the body, I have the face, and marami talagang nagkaka-crush sa akin since may itsura naman talaga ako at running pa ako for being honor student. Actually, naririnig ko na valedictorian daw itong si Xander noong high school, well mas maganda mas naattract ako sa lalaking matalino, gwapo at medyo bad boy.


Actually, 9th honorable mention ako noong high school. Noon ay yung mga oras kung saan talagang subsob ako sa pagaaral. But now, ewan ko ba haha! Ngayon ko lang naramdaman na masaya din palang bumarkada at gumimik tulad ng ginagawa ko. But, syempre kailangan pa rin mag-aral or else lagot ako kay daddy.


And speaking of daddy, buti na lang ay nakapagtake ako ng pills dahil nakalimutan naming gumamit nito ni Xander ng protection haha! Nako! What if kaya hindi ako nakapag-take ng pills during that night? I’m sure magkakaruon na ng apo si daddy at lagot ako dun! Tiyak! Tigil ako sa pagaaral nito kung nagkataon.


Heto naman kasing si Xander, masyadong aggressive haha! But I don’t like the way he moan! Akala nya kasi ako si Colby?! Duh?! Mukha ba akong bakla? At mas maganda at sexy naman ako dun noh?!


Kinabukasan, maaga talaga ako gumising upang hindi ako maabutan ni Xander ng pagising nya. Ayokong bulyawan nya ako at ayokong malaman nya na nag-take advantage ako sa kanya during his drunk hours.


“Simula pa lang to Xander, mapapasakin ka din..” Bulong ko sabay dampi ng labi ko sa labi ni Xander na himbing na himbing pa sa pagtulog. Nakangiti akong lumabas sa kwarto nila Zeke (isa sa mga classmate namin na kinuntsaba ko). Nadatnan ko doon ang kaibigan ko – si Angel.


“How’s the night with him Trin?” Pagtatanong nya.


“Awesome!” Maligalig kong sagot sabay wink sa kanya.


“Haha! Kerengkeng ka talagang babae ka!” Sabi nya pa.


“I know! Haha!”


“So? May nangyari nga talaga sa inyo?” Pagkukumpirma nya.


“Uhuh!”


“Nako! Kwento mo dito girl! Dali!”


“Later dear, I have to go. Ayaw kong maabutan nya ako dito, baka kung anong isipin nun..” 


“Oh sya! Kami na lang ang bahala magpaliwanag haha! Gora na!”


“Bu-bye!”


“Bye girl!”





Xander’s POV:


Hanggang sa panaginip ko ba naman si Colby pa rin ang nasa isip ko? May nangyari daw ulit sa amin and in that moment, mas dama, mas mainit at punong puno ng emosyon.


Pagkagising na pagkagising ko ay damang dama ko pa rin ang sakit ng ulo. Uminom nga pala kami last night. Pero, bakit nandito sa kwarto na hindi ko alam kung kanino?! A-at bakit?! Wala akong suot?!! Agad akong tinayuan ng balahibo at biglang bumilis ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba.


Agad kong sinuot ang damit kong nakakalat pa sa may sahig ng kwartong yun at lumabas ng kwarto. Kwarto pala to ng bahay ng classmate ko kung saan kami nag-inuman. Naratnan ko sa sala si Angel at ang boyfriend nya na may-ari ng bahay na to. Hindi ko sila masyadong ka-close dahil mga kaibigan sila ni Trina kaya naman kahit nahihiya ay nagtanong pa rin ako.


“Ahhmm! Excuse me Angel? May kasama ba ako dito kagabi?” Pagtatanong ko sa kanila.


“Uhmm.. Wala naman Xander..” Sabi nya. Nagkatinginan sila ng boyfriend nya. Parang may tinatago?


“Oo pare! Wala kang kasama dyan kagabi. Suka ka kasi ng suka kagabi kaya hinubaran ka namin upang mapunasan na din.” Sabi sa akin ni Zeke.


“Ganun ba? Si Trina nasaan?” Tanong ko sa kanila. Natatakot kasi ako na baka nandito si Trina kagabi. At 
ang mas kinakatakot ko pa ay baka may nagawa kami noong wala ako sa katinuan.


“Ahhh..Ehh, umuwi na kagabi pa. Pinauuwi na kasi sya ng daddy nya ng mas mas-maaga e..” May pag-aalangang sagot sa akin ni Angel.


“Ganun ba?” Nasagot ko na lang. “Ahh, uuwi na pala ako..” Nasabi ko sa kanila sabay kuha ng bag at nagsuot ng sapatos.


“Okay sige, mag-iingat ka Xander..” Ang nasabi na lang ni Angel.


Habang nasa daan ako pauwi, gulong gulo ang isip ako sa kakaisip kung bakit nga ba ako nakahubad? Parang may kaunting detalye sa utak ko kung saan natatandaan ko na may nakita akong babaeng naka-bra at pantaloon lang kagabi. Natatakot tuloy ako na baka si Trina yung babaeng yun. Shit! Wag naman sana.


Gulong-gulo akong umuwi ng bahay. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nadatnan ko kanina pagising ko at ang problema sa amin ni bes. Para akong mababaliw! Miss na miss ko na sya and at the same time natatakot ako nab aka nga nandoon si Trina. Para kasing kahina-hinala ang mga sagot sa akin nila Angel e. Parang may tinatago. Nako! What if, nandoon nga si Trina at paano kung pinagsamantalahan nya ang kalasingan ko? Paano kung?! Shit! Wag naman sana!


Hindi! Napa-paranoid lang siguro ako! Hindi naman siguro. Ang dapat kong gawin ngayon ay ang ayusin ang problema namin ni bes. Hindi kami dapat makulong sa ganitong sitwasyon, mahal ko sya, mahal nya ako kaya ayokong ganito na lang kami.


Dumating ang araw ng lunes. Ang araw ng play namin..



Colby’s Point of View:


Monday. Walang pinagbago. Still ganun pa rin si mommy sa akin, pero napapansin ko na napapanbuntong hininga sya kapag nakikita nya na walang kagana-gana ang mukha ko. Parang pilit lang ang lahat. Alam ko nahihirapan si mommy, pero heto ang nararamdaman ko e pure loneliness, inexpress ko lang.


Nandito kami ngayon sa auditorium, pinapanuod ang play ng bawat college sa amin. Andito kami para i-cheer ang representative ng college namin, hindi ko pa man kaya pero kailangan e, additional grade din to sa art apre namin.


Natapos na ang halos lahat ng mga colleges including our college pero hindi pa nakakapag-play ang college nila bes. Sila kasi dapat ang pang-apat kaso may technical problem sa sound system nila kaya hinuli na lang sila.


Maganda ang kwento ng play nila bes, isang couple na mahal nila ang isa’t isa ngunit hindi sila pinahintulutan ng tadhana. Si bruhang Trina ang gumanap na leading lady at si bes naman ang leading man. Kilala ko si bes pagdating sa play, focus yan kung focus pero napapansin kong tila may mga eksenang nawawala sya sa sarili. I know, what is happening to us, badly bothering him. Kaya naman kahit sa pamamagitan na lang ng presensya at ng mga tingin ko mapalakas ko ang loob nya.


Hanggang sa isang eksena sa play ang hindi ko kinaya. Ang paghalik ni bes kay Trina. Hindi ko alam kung talaga bang naglapat ang kanilang mga labi, pero sa nakikita ko sobra akong nasasaktan. Buti na lamang ay katabi ko si Nerrisse at sumandal na lang ako sa balikat nya. Doon tumulo ang luha ko. Pinipigil kong wag gumawa ng ingay ngunit hindi ko maiwasang hindi mapahikbi sa nakikita ko. Ang hirap pala kapag nakikita mo ang mahal mo na nakikipaghalikan sa iba noh? Oo, play lang yun. OA na kung OA, pero masakit kasi e. Hindi ko lang mapigilan.


Niyapos lang ako ni Nerrisse, alam nyang ayaw kong gumawa ng eksena kaya hindi nya ako niyakap. Pinunasan ko na rin ang luha ko at binalik ang tingin sa play.


Sa huli ay nag-second place lang sila Xander. Alam ko, okay na okay na yun kay bes dahil sya lang naman ang tinanghal na best actor buti na lang at hindi nanalo na best actress ang bruha! Ang OA nya lang kasi, hindi bagay sa kanya yung role.


Pagkatapos ng play, umuwi ako sundo ng driver ng kotse ni mommy. Simula kasi noong malaman nya ang tungkol sa amin ni Xander, lagi nya na lang ako pinapasundo.


Pagka-uwi sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko upang as usual, magmukmok. Shit! Miss na miss ko na si Xander tapos ganun na lang ang makikita ko?!


Sa sobrang lungkot ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.  Pagkagising ko, laking gulat ko noong makita ko si mommy sa tabi ko, umiiyak at tila niyayakap ako.


“Mom?” Sabi ko habang nagkukusot ng mata.


“Nak, gising ka na pala..” Sabi ni mommy sa malambing na paraan? Anong problema? Parang hindi sya yung mommy na nakilala this past few days? Anong nanyare?


“Bakit mommy?” Tanong ko sa kanya.


“Anak, sorry sa lahat ng nagawa ko. I realized na masyado na akong nagpapabigat sayo..” Maiyak-iyak na sabi ni mommy. Syempre, nagulat ako. Panaginip lang ba to.. “Nagawa ko lang naman yun, dahil..dahil ayokong matulad ka sa daddy mo..” Daddy? What?!! Bakla si daddy?”


“Si Daddy? Hindi naman po sya tulad ko mom ah?”


“Yan din ang akala ko noong una anak, noong mga oras na hindi na regular ang paguwi ng daddy mo noong bata ka pa. Akala ko noon dahil lang sa dami ng ginagawa nya. Ngunit..” Naputol sa pagpapaliwanag si mommy at napaluha. “Laking gulat ko noong makita ko sila isang beses sa isang restaurant ng lalaki nya. Ang akala ko nga noong una ay kaibigan o ahente nya lang ngunit noong matapos silang kumain laking gulat ko noong sumakay sya sa sasakyan nung lalaking kasama nya. Sinundan ko sila at mas lalo akong nanlumo noong..” Naluha ako sa kwento ni mommy. Mas lalo naming lumakas ang pag-iyak nya habang nagke-kwento. “Noong makita kong bumaba sila sa isang hotel. Sinundad ko sila hanggang sa kwarto nila ng hindi nila nalalaman. At mas nagulat ako noong makita ko silang naghahalikan bago pa sila pumasok sa kwarto nila..” Sabi ni mommy. Nagulat naman ako sa kwento nya, nakaramdam ako ng matinding awa kay mommy. Shit! Alam ko kung gaano kasakit mapagtaksilan. Proven na naman siguro yung nakita ko noon kay Tristan at Rafael. “Hindi ako nakapagpigil nak, sinugod ko sila. Nagwala ako. Pero imbis na maawa ang daddy mo, sa huli yung lalaking iyon pa rin ang pinili nya. Pinilit ko lang na ikubli ang lahat sa inyo upang hindi na lumaki pa lahat. Napagalaman ko na pinagbubuntis ko pa lang si Grace noong nakiki-apid na sya sa lalaking yun, may mga asawa’t anak din ang lalaki. At dahil sa sobrang sama ng loob ko, kaya ako naghihigpit sayo ngayon. Actually, hindi naman talaga ako galit sa mga bakla noon. Pero noong sinaktan ako ng daddy mo, mas naging mailap ako sa kanila. Kaya naman sobra akong nasaktan sa nalaman ko tungkol sayo..” Pagpapaliwanag ni mommy. Umiiyak pa rin siya. Kaya naman niyakap ko sya, ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang pala kung magalit sa akin si mommy.


“Mom, sorry..” Sabi ko sa kanya.


“Hindi son, ako dapat ang manghingi ng tawad sayo.. Masyado kitang nasaktan sa mga nagawa ko. Naging masyado akong self-centered.” Sabi sa akin ni mommy habang nakayakap pa. Kumalas sya at nagpatuloy. 

“Kanina while I was on my way home, may nakita akong mga bata. Mga maliliit pa pero kumakapit na sa patalim. Nakita ko silang nanghahablot ng mga valuables ng mga dumadaan. Napagisip kong, napaka-swerte ko kasi hindi kayo naging ganun at napalaki ko kayo ng maayos. Doon ko napag-isip isip na kailangan na kitang tanggapin kasi ikaw yan, napagisip isip ko din na hindi naman krimen yang ginagawa mo at na-realize ko din na hindi ko naman kailangang maging bitter dahil iba naman yung kaso mo sa papa mo, hindi ko kailangang makialam dahil nagmamahal ka at wala ka namang nasasagaang iba..” Pagpapaliwanag ni mommy, hindi ko na rin napigilang hindi mapaluha. Sa sobrang saya ko dahil sa wakas natanggap na rin ako ni mommy ay niyakap ko sya at nagpasalamat ako..


“Mommy, salamat ulit. At sorry..” Sabi ko sa kanya habang nakayakap.


“Wag ka sa akin magpasalamat, magpasalamat kay rin kay Gracia dahil hindi rin ako tinigilan nung babaitang yun!” Sabi sa akin ni mommy. Napatawa naman ako ng bahagya.


“Ang saya-saya ko mom, salamat..” Sabi ko kay mommy. Niyakap nya na lang ako bilang tugon.


Agad kong tinawagan si bes na pumunta sa amin, syempre tuwang tuwa ang mokong na yun sa nalaman. But, sa tipo ng boses nya kanina, I smell something fishy, para kasi syang matamlay kahit na nalaman nya. Hmm? Napaparanoid lang siguro ako, siguro dahil lang sa ilang araw naming pagiiwasan kaya sya ganun.
Sa gabing yun ay pumunta si Xander sa bahay. Sabay sabay kaming kumain ng dinner, kaming apat sa pamilya at si Xander. Syempre, inintroduce ko muna si Xander sa kanilang lahat.


“Mom, Ate, Karen, si Xander pala Boyfriend ko..”


“We already knew..” Mataray ngunit pabiro na sabi ni Ate Gracia.


Sa gabing yun, pinagpaalam ko na kung pwede doon muna si Xander sa kwarto ko matulog. Na-miss ko kaya ang mokong na to. Syempre, na-miss kong yakapin tong lalaking to.
Habang nasa kama kami noon ni Xander at naglalandian, hindi ko maiwasang hindi maramdaman sa kanya na para may something na gumugulo sa kanya, kaya nagtanong ako.


“Bes, may problema ba?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Ahhh wala naman..” Agad nyang sabi sabay halik sa labi ko.
Hinampas ko naman sya agad sa kanyang dibdib. Pumupuntos ng hindi nagpapaalam?! Pero syempre, kinilig naman ako dun.


“Bes, anong naramdaman mo noong wala ako..” Tanong ko sa kanya habang magkayakap kami.


“Syempre, pakiramdam ko hindi ako kumpleto. Lagi akong wala sa sarili, walang concentration, ikaw kasi ang lakas ko e. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, hindi ko kayang hindi kita makita sa isang araw.” Sabi nyang ganun. Syempre, kinilig naman ako agad sa narinig ko. “Uhm, paano mo pala nakumbinsi si Tita?”


At kinwento ko na nga kung paano lumambot ang puso sa akin ni mommy. Ikinagulat rin nya noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ama ko. Pero, hindi na kami nagtagal pa sa usapan na yun. Ang importante ay balik na ulit kami sa dati, ngunit iba ngayon. Mas masaya, wala na akong dapat itago pa kay mommy.


“Ang ganda nung play nyo ah? Bagay na bagay kayo ng bruha! May pa-halik halik pa..” Sarkastiko kong sabi.


“Scripted naman yun e. Saka no-string attached yun bes.” Sabi nya sa akin.


“Maniwala, parang gusting gusto mo nga e.” I doubted.


“Ano ka ba bes, sa labing to lang ako nasasarapan, sa labing to lang ako na-seseduce. Alam mo ba yun? Malambing na sabi nya sabay hawak sa mga labi ko. Hanggang sa dumagan sya sa akin at unti-unting lumapit ang labi nya sa labi ko. May naramdaman ako something dun sa baba nya hihi! Uh-oh! Paktay!
Sa gabing yun, pinagsaluhan namin ni Xander ang aming pagmamahalan. Ang sarap sana i-detalye kaso wag na! Haha! Basta isa lang ang masasabi ko, masaya at punong puno ng pagmamahalan.


Sa school, balik kami ni Xander sa dati. Sweet, hatid-sundo, sabay mag-lunch at kung may time at hindi busy ay papasyal kami sa mall at sa mga paborito naming lugar. Nakakatuwa dahil hindi lang bumalik sa normal ang lahat, pakiramdam ko kasi mas higit pa to sa hinihiling ko.


Hanggang sa dumating ang buwan ng april, syempre magbabakasyon na. Sa wakas! Malapit na rin kami mag-second year college. Ambilis ng panahon, parang kelan lang noong high school graduation namin, ngayon magse-second year college na kami. Syempre, masaya ako dahil bukod sa maganda naman ang outcome ng studies ko, andyan pa si Xander upang suportahan at mahalin ako.


Monday, vacation na sa wakas. Hayahay na ang buhay naming for almost 2 months. Nakakalungkot lang dahil heto yung time kung saan mababawasan yung mga bonding moments namin ni bes. Pero, natutuwa naman ako dahil sinabi nya na hindi daw kami mawawalan ng bonding at lambingan moments kahit na bakasyon na.


Ngayon ang aming fourth monthsary, maagang gumising dahil ide-date nya daw ako. At dahil sa sobrang excitement ay maaga pa lang gising na ako.


Alas-9 noong umalis kami ng bahay, pumunta muna kami sa mall upang maglaro ng arcade, kumain, at mamili. Habang nasa arcade kami ay nagpresinta ako kay bes na bumili ng mga tokens. Pumayag naman sya at naghintay doon sa may bench. Bumili ako ng 30 tokens, enough na siguro upang magsawa kami kakalaro mamaya. Pagkabili ko ay napahiyaw ako dahil muntikan na ako madulas dahil madulas pala yung lugar na nilakaran ko, bagong map kasi. Ayan! Nahulog tuloy yung mga tokens ko. Habang nagpupulot, napansin kong may lalaking pumulot din ng mga tokens na nahulog ko at sabay abot sa akin. Napatingin sya sa akin, napatingin din ako sa kanya. Parang kilala ko sya, hmm? Familiar kasi yung itsura nya. Sa tingin ko, nakita ko na siya e. Somewhere na magulo kaya siguro hindi ko maalala. Pero, may itsura yung lalaki. Hindi ko na lang sya masyadong in-entertain dahil baka magselos yung mokong. Napansn kong napatitig sa akin yung lalaki sa akin, siguro nakita nya na rin ako dahil familiar din sya sa akin.


Alas-5 ng hapon noong pumunta kami sa isang private restaurant. Dito nya ako niyayang mag-date. Nakakatuwa dahil talagang pinagiipunan ni Xander ang bawat magaganap ng monthsary namin, syempre nakakaguilty din dahil ako tong may kaya pero sya pa ang laging nangti-treat. E ayaw nya naman kasing gumastos ako e, kaya mas lalo akong naiinlove sa lalaking to e. Hindi kasi sya nagpapadaig sa mga material na bagay.


Sa halos tatlong-oras na stay naming sa restau na yun, wala kaming iba ginawa kundi mag-reminisce, maglambingan at mag-kwentuhan, hindi alintana kung may mga mapang-husgang matang nakamasid sa amin.
Alas-9 na ng gabi noong hinatid ako ni bes sa bahay.


“Sige na una ka na bes..” Sabi ko sa kanya.


“Ayaw mo na ba akong mag-stay?” Malungkot nyang sabi. Kanina pa kasi to nangungulit na mag-stay ng hanggang alas-12. Hindi ko na pinayagan kasi nga sobrang gabi na. Kaya naman pinauwi ko na lang sya at sinabing bumalik na lang dito ng umaga kinabukasan.


“Bukas na lang bes, masyado nang gabi kung uuwi ka pa mamaya..”


“E di dyan na lang ako matutulog..”


“E sabi ko kanina hinahanap ka ni tito di ba? Magpakita ka muna dun at bukas na lang ikaw matulog dito..”


“Hmmm, sige na nga..” Sabi nya na parang natalo sa isang laban


“Ba-bye..” Pagpapaalam ko.


“Ba-bye lang?” May pagtatampo nyang sabi sa akin. Sinadya ko talagang wag mag-I love you haha! Ang cute nya kasi pag nagtatampo e.


Nilapit ko sa kanya ang labi ko at hinalikan ko sya sa labi. “Okay na? I love you!” Sabi kong ganyan.


“Isa pa..” Hiling nya. Aba! Umabuso?!


“Che! Sige na babye na..” Pagpapaalam ko. At umuwi na rin sya..


Dumaan ang isang oras noong umalis si Xander. Nasa sala ako at nagbabasa ng binili kong libro sa book store kanina ng biglang.


“Ding dong..” Pagtunog ng door bell. Sino naman kayang matinong tao ang bibisita sa amin sa ganung oras? Kaya hindi ko na lang pinansin dahil baka nanloloko lang yun. Ngunit nagsunod-sunod ito. Kaya naman lumabas na ako upang tignan kung sino ba yung nagdo-doorbell.


Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate namin ay biglang nanlaki ang mata ko sa nakita. Si-si Trina?? Bakit sya nandito? At b-bakit parang may tutulong luha sa mga mata nya?!




I T U T U L O Y