Friday, May 18, 2012

I'll be there


JOURNAL ENTRY #2

Good Evening guys. Heto na naman ako at mag susulat ng journal ko. Matagal tagal ko na ring hindi nasususlatan ang journal ko. naku. Lagot ako. wala akong entry dun sa Diary ko nung last month. hala ka. Ano ba naman yan? baka magtampo siya sa akin. Hehehehe. Exage lang. Haixt. Musta ang mga minamahal kong readers? Heto mag lalabas na naman ako ng saloobin ko. Haixt. Buhay nga naman.

First of all, I want to thank all may readers, commentators at mga silent readers ko sa matagumpay na pagtatapos ng If I Let You Go. maraming maraming salamat po. Haixt. Nakakatuwa po na padami ng padami yung comments po. Maraming maraming salamat po. You give me a reason to continue writing. i Love you Guys. Haixt. todo effort ako para lang sa inyo. Buhay buhay nga naman. nakaka flattered yung mga comments ninyo doon at labis akong nagpapasalamat.

[/] Ang Best Friend kong Lover
[/] Campus Figure
[/] If I Let You Go
[ ] Bullets for my Valentines
[ ] Less than Three

ayan yung mga naka line ups sa akin. oh Diba. Yung Bullets for my Valentines eh sobrang haba ata. aabot ata ng 40 chapters. Subra kasing daming iniikutan na story. 4 main Characters or 5 yung iikutan at first time kong gagawin sila ng points of view isa-isa. alam mo naman asensado dapat.  Para naman alam ninyo yung bawat point of view nung bawat isa.

Yung less than three naman eh para sa best friend ko. Dedicate ko yan kaya medyo pinag hahandaan ko na. hahahah/ 3 na kwento na narerelease ko and 7 more to go before the finale. I'm glad to be with you guys.

Alam ninyo, ang bawat kwento na yan ay sumasalamin sa saloobin ko. mga katangian na maaring naiisip ko lang at yung iba naman eh nasasaloob talaga. Minsan di ko maiwasan na maatach sa storya. Yung feeling ko kasi na ako yung nasa katauhan ng character ko. Ganyan talaga ang writer. Minsan kapag tinatamad ako tinitigil ko na lang ang pagsusulat kasi baka di maganda ang kalabasan.

I am trying na ayusin mga typo-graphical errors sa aking story. sorry for the inconvinence ah. minsan kasi eh sa kamamdali sa type eh ayun yung lumalabas. Hay buhay. sorry talaga hehehe,.


Problema sa bahay. Meron an pala ako nun. oo meron na nga. at nanganganib na baka sa October pa ako makapasok ulit. kaninang umaga kasi sabi ni papa, wala na daw ako pang enroll. haixt. alam mo yun, pilit ko na lang pinatawa ang sarili ko. What a life. What a hell life. akala ko perfect na family ko, yun pala hindi. Nobody is perfect. Oo masaya ako minsan pero darating yung point na talagang di mo na mapipigilan. Ang sakita kaya na maramdaman mo na parang wala ka lang. Haixt. I've work hard pero eto, parang wala kang ginawa. Iniisip ko nga, whta if lumayas na lang ako dito? Parang good idea pero saan ako titira? katangahan lang pag ginawa ko yun. Imagine, pinagpalit ko yung taong mahal ko sa magulo kong pamilya? haixt. parang nakakapang hinayang. pero isa akong malaking gago kung talagang hahayaan kong mawala ang pamilya ko sa akin.

Siguro hindi lang perfect ang mga tao./ may mga kapintasan talagang masasabi. Magulo ang PAMILYA ko sobra. haixt. next topic.

Ayun. Kagabi habang nag type ako ng Chapter 30 ng Bullets for my Valentine, bigla na lang nag text yung mahal ko na ka-m.u. ko dati. Wow ha. Nagtext siya after niyang sabihin sa akin na sino ka? Haixt. Alam ko noon na galit siya. pero di naman tama na i-unfriend niya ako sa fb at sabihin sa contacts niya na hindi daw niya ako kilala. so i've dcided na tanggalin na siya. pero ngayon na mimiss ko siya sobra. siya lang kasi ang nagmahal sa akin ng ganun kalala. Haixt. I LOVE YOU MJR. ghaixt.

Sobrang sakit nung nagtext siya dahil ang laman ng text niya, parang bomba na pinaputok sa aking puso. Magiging taken na siya. wowo ha nag paalam pa siya, ano ba yan? para ba masktan ako? haixt. pero sabi niya mahal na amhal niya ako, pero bakit ganun ang ginawa niya? siguro talagang masama lang ako kasi nga nasaktan ko siya. I deserved that. Miss ko siya at mahal na mahal ko siya. Yun ga lang I choose my family over him. siguro matututo na lang akong mag sakripisyo. Darating din naman ang araw na makikita ko yung tao para sa akin.

Nagtatampo lang talaga ako ng all of the sudden inunfriend niya ako. Tapos I want to have longer conversation pero naputol agad yung last na pag uusap namin. wala naman ako magagawa diba. Haixt. Magiging taken na siya, pero ako eto nag mumukmok. Ang tanag ko no? nagmumukmok ako sa kaengotan ko. haixt. Subukan ko na lang na maging msaya. Kahit na plastic ang tawa. huhuhuhu.



Lastly, Please support for JESSICA SANCHEZ grabe vbilib ako sa kasing edad kong bata na to. grabe ang galing talaga niya kahit kailan. Haixt. Top 2 na siya at siya ang AMERICAN IDOL WINNER KO. Go Jessica! For the win.

Hanggang dito na lang ulet...

I'LL BE THERE!!!


Always here,

Dylan Kyle Santos

2 comments:

  1. Mr.Dylan nasan na po yung next story niyo :) Hahahaha. Tagal ko na pong inaantay :D

    ReplyDelete
  2. sorry sa pag aantay ah.. medyo madami pang ginagawa eh... sorry... hehehe

    ReplyDelete