Wednesday, October 30, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 10.2



318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph



Authors Note:
Guuuuyysss! Sembreak na yahoo! Sa wakas may time na ako para makapagsulat ng 318 and ng AVPK. Sorry guys kung medyo late ang mga updates ah? Heto na nga po pala ang continuation ng Chapter 10. Again, malapit ko na pong tapusin ang 318 “My Second Attempt to Love” Konting tumbling at kembot na lang to haha XD Kidding, so yun basta watch out and brace yourselves for twists.

Maraming maraming salamat guys sa mga patuloy na nag-aabang ng story ko kahit matagal ang updates. Salamat guys! Labya all! :* God bless.

PS: Sana wag kayong magalit sa akin for this chapter hehe, start na po ako ng climax. Pa-add din po sa facebook kung inyo mamarapatin XD hihi! Salamat! https://www.facebook.com/niel.isyours


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph




About the cover photo:

  
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.






ENJOY READING =)







Chapter 10.2


Malapit na ako sa bus station ng biglang may naramdaman akong pumiring sa aking mga mata at tinakpan ang aking bibig at saka binuhat ako ng parang isang bride na buhat buhat ng kanyang groom. Shet! Holdap ba to?! But, parang kilala ko yung amoy?!


Madilim. Wala akong makita. Pero ramdam ko pa ring buhat-buhat ako ng isang lalaking pamilyar sa akin ang amoy at ang hugis ng katawan. If I’m not mistaken, si bes to, kaso.. paano nangyaring nandito si bes e nasa probinsya nga sila ng papa nya? Pero, ewan kung bakit hindi ko magawang mag-panic sa sitwasyon ngayon.. “Sino ka ba?!” Medyo mahinhin ko pang pagtatanong.


Ngunit hindi ito sumagot.


Naramdaman ko na lang na sumakay kami sa isang sasakyan. Hindi ko alam pero parang nakasakay na ako sa sasakyan na to e. I’m not sure pero kaamoy sya nung air freshener ng sasakyan ni Lemuel noong sumakay kami ni Nerrisse doon dati. Sinubukan ko ulit tanungin kung sino ba ang mokong na to, “Sino ba to? Saan mo ba ako dadalhin?” Ngunit tulad kanina ay hindi ito sumagot. Pero may naririnig akong mahinang paghagikhik. Malapit ko nang malaman kung sino to, malaki ang kumpyansa kong sya to dahil nahahalata ko naman sa paghagikhik nya.


Wala man akong kasiguraduhan kung sya nga ba ang kasama ko, mas pinili kong maging kampante at isandal na lang ang aking ulo. Ewan ko ba, matatakutin akong tao pero hindi ko alam kung bakit hindi ako matakot takot kung sakaling kidnap man ang ginawa sa akin sa ngayon. Hindi naman kasi sya mukhang kidnap e, hindi naman ako pinagbubuhatan ng kamay o hinahawakan ng sobrang higpit.


Hanggang sa nakarating kami sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Basta na lang huminto ang sasakyan at inalalayan akong lumabas ng lalaking kanina pa nasa tabi ko at syang bumuhat sa akin. Dahil nanatili pa rin ang piring sa aking mga mata ay  hindi ko malaman kung nasaang lugar kami. Ngunit nararamdam ko ang lakas ng sariwang hangin.


Hanggang sa biglang may nagsalita sa akin. “At ngayon, hubarin mo na ang piring mo bes..” Sabi ng lalaking nagsalita. Hi-hindi ako maaring magkamali. Si Xander yun! Kaya naman agad agad kong tinangal ang piring ko at napayakap ako sa kanya.


“Bes ko..” Naluluha kong sabi sa kanya habang nakayakap ako sa kanya. “Akala ko nasa probinsya ka! Grabe ka! Sinurpresa mo ako!” Maluha-luha ko pa ring sabi sa kanya.


“Maiiwanan ba naman kita sa espesyal na araw na to? Syempre hindi!” Sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin. “I love you bes..” Paglalambing nya.


“Mas mahal kita bes..” Tugon ko sa kanya.


Sa isang sea side kung saan may isang maliit na kubo ako dinala ni Xander. Wala na pala kami sa maynila at dinala nya ako gamit ang sasakyan ni Lemuel sa isang sea side sa may batangas. Kaya pala may mahigit isang oras ang byahe namin.


Pagkapasok namin sa kubo ay agad akong nasurpresa sa aking nakita.


Isang simple ngunit napakagandang setting ng bahay kung saan may dinesenyuhan talaga ang kubo para sa isang dinner date. May table setting kung saan nakalagay ang isang bouquet ng mapupulang rosas at mayroon ding nakaayos na utensils.


Ngunit, ang lubos na nakapagpaluha sa akin ay ang mga litrato naming dalawa na naka-frame pa na nakadikit sa ding-ding ng kubo. May mga litrato doon kung saan kuha kapag namamasyal kami, kapag nasa kwarto kami, kapag nasa bahay kami, noong mga oras na mag-“bestfriend” pa lang kami at marami pa. Ah, basta! Kung ikaw ang makakakita panigurado akong manlalambot ang puso mo sa sobrang pagka-touch.


“Oh bakit ka umiiyak dyan?” Pagtatanong ni bes sa akin.


“Masaya lang ako bes, hindi ko inaakala na sa kabila ng lahat ng paghahanap ko, may magseseryoso din pala sa akin at magpapangiti sa akin ng ganito..” Maluha-luhang tugon ko kay Xander.


Niyakap nya ako. Niyakap ng sobrang higpit. Hinalikan sa aking noo at sunod naman sa aking labi. “Kasi mahal kita, at wag mong sabihin yan bes. Eversince minahal kita. Mag-bestfriend pa lang tayo..” Seryoso nyang sagot.


Masaya kaming kumain at pinagsaluhan ang kanyang pinaghandaan. Grabe! Nakakatuwa dahil kami lang talaga ang tao sa sea side noon at kahit na kami lang ang tao ginagawa nyang pagsilbihan ako. Magkahalong kilig at pagkatuwa nga ang naramdaman ko noong binigay nya ang unang regalo nya sa akin. Maglagay ba naman ng tatlong hopia na may sulat gamit ang chocolate syrup. “I” ang nakasulat sa unang hopia, “Love” naman sa pangalawa at “Bes” naman sa pangalong hopia. Grabe! Mamumula-mula ako sa sobrang kilig.


Napagalaman kong nagtulungan pala sila Nerrisse, Lemuel at sya upang supresahin ako. At natuklasan ko din na sa kamaganak pala ni Nerrisse ang resort na kinakatayuan ng kubo na kinaruruonan namin. Kung matatandaan nyo, hilig ko talaga simula noong bata pa ako na pumunta sa mga beach resort, sa mga sea wall o kahit saan basta makikita ko ang kagandahan ng dagat. Alam ni bes yun, at sa palagay ko kaya dito nya ako dinala upang mas maging romantic at mas magustuhan ko ang ginawa nyang surpresa. Well, hindi ko nagustuhan e. Sobra ko kasing nagustuhan.


Sa hapong din yun, pinanuod namin ni bes ang sunset habang naghaharutan at naglalambingan sa loob ng kubong yun. Teka, kanino naman kayang bahay to? Infareness, ang effort effort ni Xander. Ang sarap pala ng gantong pakiramdam, yun bang parang pagmamayari nyo ang buong mundo? Walang istorbo, walang nangugulo, walang awaya0n, walang selosan at puro pagmamahalan. Feeling ko tuloy sa amin yung bahay at para kaming magasawa na nagmamahalan. Kulang na lang ay anak.


Inabot kami ng alas-otso ng gabi bago namin naisipang umuwi ni Xander. Balak pa sana naming doon na lang kami hanggang sa matapos ang valentines day ngunit masyadong malayo yung lugar sa mga bahay namin. Isa pa ay wala akong paalam kay mommy.


Mag-aalas 10 na ng gabi noong makarating kami sa bahay namin. Ayaw ko na sanang ihatid pa ako ni Xander dahil gabi na ngunit matigas talaga ang ulo ng mahal ko. Kaya naman hindi na ako nakadaing pa.


“Bes, salamat sa araw na to. Nag-enjoy ako sobra..” Sabi ko sa kanya sabay yakap. Niyakap nya lang din ako.


“Ako din bes, pasensya ka na sa corning pakulo ko ah? I hope nagustuhan mo.” Sabi naman ni Xander.


“Oo naman, kahit na anong pakulo pa ang gawin mo. Kahit na sobrang korni pa nyan. Basta’t galing sayo. Hindi ako magsasawang kiligin.”


“Talaga?”


“Oo, kasi hindi ko naman vina-value yun e. Ikaw ang vina-value ko.” Pagkasabi ko sa kanya nun agad naman syang namula. At humalakhak.


“Hahaha! Mais!” Pangaasar nya.


“Che!” Pang-iismir ko sa kanya sabay lakad ng mabilis upang makarating na sa bahay namin. Nakakainis! Yung tipong ang seryoso mo na tapos tatawanan ka lang?!


“Oy! Sorry na!” Sabi nya habang humahabol sa akin.


“Sorry your face..”


“Ehhh.. bes naman e. Sorry na please?” Pangungulit nya pa. Ngunit tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad.
Kahit naiinis, syempre kinikilig pa rin ako. Ang sarap pala sa pakiramdam ng hinahabol ka at sinusuyo ka ng taong mahal mo. Hindi naman sa pinagmumukha ko syang tanga. Oo nagtatampo ako, ikaw kaya ang tawanan habang seryoso ka. Pero ganito pala ang feeling. Ang saya!


Nakarating na kami sa tapat ng gate namin ngunit hindi ko pa rin sya pinapansin. Napagod na ata kakahabol sa akin. Papasok na sana ako ng biglang.. “Uhhmmmmpppppp..” Hinalikan nya ako sa labi. Isang nagaalab at damang damang halik. Hindi na rin ako nakapalag pa at naramdaman ko na lang na gumaganti na rin ako ng halik. OMG! Now I know how powerful kiss is. Yung inis ko sa kanya ay parang yelo na natunaw with just one kiss. Now, kailangan ko maging careful, baka mahuli nya na isa yun sa mga weakness ko.


Bigla bigla naman akong nataranta nang bigla kong marinig ang pagbukas ng gate ng bahay namin habang nakalapat pa ang aming mga labi ni Xander. Shit! Aside from my Ate Grace, wala nang nakakaalam pa ng relasyon namin ni Xander, lahat ng sikreto ko tungkol sa pagkatao ko ay si ate Grace lang ang nakakaalam.
Ngunit, ang pagaakala kong si ate yun ay isang malaking pagkakamali. Nanlaki ang mata ko ng bigla kong makita si mommy at tila gulat na gulat din sa kanyang nasaksihan. Sa sobrang pagkagulat ay napahawak nya sa kanyang dibdib. Nakita ko rin si Xander na mistulang natakot at nagulat din sa nakita nya.


Hindi ako makapagsalita. Paano ko i-eexplain to kay mommy? She doesn’t know that I’m gay. At ang alam nya ay bestfriend ko si Xander. Sinabi ko sa inyo noon na ayaw ni mommy na maging gay ako. Kinausap nya na ako about that dahil alam nya na wala akong ama at kapatid na lalaki kaya malaki ang possibility na maging gay ako. Dahil daw sa gusto nyang magkaruon ng apo na magtutuloy ng lahi namin (hindi naman kasi madadala ng pwedeng maging anak ni ate ang apelyido namin). Naging napakabait na ina sa akin ng mommy ko, lahat ng luho ko sinusunod nyan, kahit na minsa’y matigas ang ulo ko ay pinagpapasensyahan ako nyan. Kahit si Xander, alam nya yan dahil halos parang anak na rin ang turing ni mommy dyan. Kilala ko magalit si mommy, oo minsan lang yan magalit pero iba dahil talagang hindi mo sya mapipilit sa kahit anong gusto ko once na napuno yan.


Bigla na lang nagiba ang timpla ng mukha ni mommy. Tumaas ang kilay nito sabay lapit sa amin upang hawakan ng mahigpit ang kamay ko. “Pumasok ka sa loob!!” Pagsigaw ni mommy.


“Mom, I can explain this..” Mahinahon kong sabi.


“ I said go inside!!!” Muling pagsigaw ni mommy. Sa lakas ng pagsigaw ni mommy ay hindi na rin ako nakapalag at lumakad papasok sa loob. Ngunit laking gulat ko ng biglang hinarang ni Xander si mommy at bigla itong lumuhod sa harap ni mommy. “Please tita, let me explain. Hayaan nyo na lang akong magpaliwanag ng lahat ng ito. Please tita? Wag nyo na pong pagalitan si bes..” Pagmamakaawa ni Xander ngunit laking gulat ko ng biglang hinawakan ni mommy si Xander at tinulak palabas ng gate namin. Sa sobrang galit ni mommy sa nakita nya nawalan na sya ng control. “Get out! Pinagkatiwalaan kita Xander, tinuring kita ng parang anak ko na. Tapos ano? Heto ang malalaman ko?  Get out!” Pagtulak ni mom sabay sarado ng gate naming.


“Bes!” Pagtawag ko kay Xander.


“Shut up! Get Inside Colby!!” Galit na sabi ni mommy. Crying, sumunod na lang ako.
Sa loob ng bahay.


“All I know is mag-bestfriends lang kayo. Now? Bakit ko kayo nakitang naghahalikan?! Explain!” Galit na pagtatanong ni mommy.
Sa lakas ng pagsigaw at pagwawala ni mommy. Nagising na si ate at si Karen.


“Mom, tama na yan. Ako na lang ang kakausap kay Colby..” Pagpapakalma ni ate kay mommy.


“No. Explain Colby!” Galit na pag-utos pa rin sa akin ni mommy.


“Ma, what you see? Totoo yun. Yeah were bestfriends before p-pe-ero nagmamahalan na kami ngayon?” Maiyak-iyak kong tugon.


“My gawd! So you’re gay?”


“Yes mom. I’am.” Buong tapang kong sabi. Kailangan ko na rin aminin, bukod sa nahuli na ako I think it is the right time to confess.


“My gawd! It’s not what I want for you Colby! And you knew it! But? Sinuway mo ko! Alam mo yung rason kung bakit Colby? I warned you already pero sumuway ka pa din! Ganyan na bang katigas ang ulo mo? Ha!” Panenermon pa ni mommy.


I don’t know, pero biglang nagkaruon ng tampo sa dibdib ko sa mga narinig. Alam ko, hindi ako dapat ang magtampo dahil may kasalanan ako. “Dahil ako to mom, mahirap baguhin ang ako. Dahil ako na to, sinubukan kong labanan pero wala akong magagawa dahil ako to! This is me mom! And I don’t have to change myself. Nothing can change me dahil ako na to!” May pagtataas ng boses kong sabi. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng kamay ni mommy sa aking pisngi. Sinampal nya ako.


“You’re grounded starting tomorrow! No cellphones, no internet and hindi kayo magkikita ni Xander dahil pababantayan kita sa school. Is that clear?!” Galit na pagutos ni Mama. Grounded?! Oh no! Oras nga lang na di ko makita si bes para akong papatayin grounded pa? Ni-hindi ko alam kung hanggang kaylan to?!


“But, ma!”


“No more buts! Sinuway mo ako! Sa lahat na lang ng bagay pinagbibigyan kita Colby! Yun simpleng hiling ko lang hindi mo pinagbigyan?! Get inside your room! Now!!” Pagsigaw ni mommy. Na-shocked ako dahil first time kong mapaghigpitan ng ganun. Oo, masakit ang nagawa ko kay mommy. Knowing na ang unico-hijo nya ay isang bakla kung saan taliwas sa gusto nya, pero mas masakit malaman na hindi ako matanggap ng sarili kong ina just for that reason? I know napakalaking bagay sa kanya nun, pero mas mahirap kung ikukulong ko ang sarili ko sa isang pagkatao na alam kong hindi ako, na kailanman ay hindi magiging ako.


“ You know mom?” Maluha-luha kong sabi. Napahinto ako. Humugot ng lakas para sabihin to. “Ang sakit malaman na lahat naman ginagawa ko para lang maging maayos ang buhay ko at makatulong sa inyo yet  hindi ko pa rin pwedeng makuha ang gusto ko. Parang kayo mismo pinagkakait maging ako..” Pagkatapos ko masabi yun ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi pa rin matapos ang pagiyak. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas, hindi ko naman matawagan si bes dahil pinakuha ni mommy ang cellphone at ang laptop ko. Ang hirap, bukod sa hindi na ako matangap ng sarili kong ina mawawalay pa ako sa taong mahal na mahal ko.


“Bakit ganito? Kung kalian tama na ang lahat saka pa nangyayari to. Mahal ako ni bes at mahal ko si bes, pero ang sakit pala kapag nagmamahalan nga kayo pero may namamagitang pagsubok sa inyong dalawa.” Bulong ko sa sarili. Hindi ko pa rin mapigilang hindi mapaluha.


Sa mga nakaraang araw, hindi ko makuhang pansinin si mommy. Kahit na lagi nya akong pinagsasabihan ay hindi ko pa rin makuhang makinig sa kanya. Hindi naman sa pambabastos, but paulit ulit na yung mga sinasabi nya e. Hindi pa ba sapat yung isa para mas masaktan pa ako?!


Pumapasok ako ng school kasama ang isang bodyguard na inatasan ni mommy na bantayan ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa nun. College na ako at nasa legal age na ako para mag-decide sa sarili ko. Nakakasakal? Oo, pero mahal ko rin naman si mommy, ayokong saktan sya ngunit mahal ko din si Xander.


Kailangan ko ba talagang dumistansya kay Xander? For what? Para i-workshop ako sa program na “how to be a real man” na in-onoraganize ni mommy?


At dahil hindi ako makalapit kay Xander napagdesisyunan kong umiwas na lang sa kanya. Sa tuwing lalapit sya at lalayo naman ako bigla. Hindi naman hindi ko na sya mahal dahil ang katotohanan mahal na mahal ko sya, sobra. Pero kailangan kong dumistansya dahil ayokong maharang sya ng guard na yun, at maging way na rin upang lumambot ang puso ni mom sa amin ni Xander. Alam ko dadating din yung oras na matatangap ako ni mom at lalambot ang puso nito sa akin. Siguro kailangan ko lang ng konting pagtitiis ang dumistansya kay Xander upang malaman ni mom na handa akong sundin sya. Alam ko na kapag nakita nya akong nalulungkot ng sobra ay bibigay din siya. Kilala ko si mommy dahil kapag galit yun ay hindi rin ako natitiis nun. Sa ngayon, I have to do this para malaman nyang kahit sobrang sakit para sa akin may puwang pa rin sa puso ko upang sundin ang mga gusto nya.


Alam ko nasasaktan ko si Xander sa pinapakita kong asal, obvious naman noong nakita ko sya sa bleacher ng school kung saan hawak-hawak nya ang panyo kong nasa kanya at nakita ko syang nagpapahid ng luha! Naiyak din ako nun, kaya naman wala na akong ibang ginawa sa school kapag break time kung hindi kausapin ang mga kaibigan ko. Alam kong sa kanila ako kukuha kahit konting lakas sa mga pinagdadaanan ko ngayon. Kahit kaunti lang, para sa panandaliang pagtitiiis ko.


Xander’s POV:


Napakasakit pala malaman na parang sinusukuan ka na ng taong mahal mo. Na nagpadaig sya sa takot kaysa ipaglaban kung anong mayroon sa inyong dalawa.


Laking gulat ko noong gabing iyon noong mahuli kami ni Tita na naghahalikan ni bes. Alam kong wala pang alam si Tita tungkol dito kaya naman lubos ang pagsisisi ko kung bakit hinalikan ko pa si bes noong mga oras na iyon.


Sa pag ke-kwento ni bes, iba magalit si Tita dahil kapag galit daw ito sya daw talaga ang masusunod. Alam kong nahirapan si bes noong gabing iyon dahil hindi ako umalis agad sa kanila noon at nagbabakasakali akong lalabas ulit si tita, gustong gusto kong kausapin si Tita, gusto kong humingi ng tawad at sabihin sa kanya ang katotohanan kung anong mayroon kami ni Colby. D-dahil handa akong ipaglaban si bes, ganon ko syang kamahal.


Sa isang linggo na ang play namin, hindi ko alam kung may lakas pa akong mag-perform sa kabila ng pinagdadaanan namin ngayon ni Colby. Feeling ko kasi, hindi ko kaya. Wala akong lakas na gawin ang isang bagay kapag wala sya, at lalo na ngayong umiiwas sya sa hindi ko malamang dahilan.


Kilala ko si Colby pag nagmahal, ipaglalaban at ipaglalaban ka talaga nito. Pero ngayon, hindi ko alam. Bakit sya umiiwas?! Para saan? Hindi nya na ba ako mahal? Kakalimutan nya na lang ba ang lahat sa amin?!
Hindi ako natatakot sa bantay ni Colby. I’m sure, inatasan yun ni Tita. Mas natatakot ako na mawala ang lahat sa amin, na sana ay wag naman.


Ngayon, nandito ako sa party ng isa kong kaklase. 3 days before our play, napagdesisyunan nilang mag karuon kami ng party para daw ma-relax man naman kami before namin gawin ang play na iyon. At dahil depressed ako at sa tingin ko ay kailangan kong sumaya kahit sandali ay hindi ko na rin natangihang sumama.
Alas-9 na ng gabi. Aaminin kong may tama na ako dahil kanina pa kami umiinom. Habang sila ay nagsasaya andito ako sa isang tabi nagmumukmok at hindi maalis alis sa isipan si Colby. Miss na miss ko na sya, hindi ko sya matawagan dahil naka-off ang cellphone nya. Umiiwas na nga talaga ata. :’(


Maya maya ay napagdesisyunan nilang mag-spin the bottle. Ayaw ko mang sumali ngunit pinilit ako ng mga classmates ko dahil minsan lang naman daw kami magkaruon ng gantong klaseng bonding kaya naman hindi na ako nakatangi pa at sumali na rin ako.


Actually, hindi ko gusto ang concept ng dare ng laro nila. Kapag truth mga personal na tanong ang itatanong sayo ngunit kapag dare naman ang pinili mo ay mamimili ka ng babae kung lalaki ka at mamimili ka ng lalaki kung babae ka na hahalik sayong labi. Hindi ko lang maatim ang larong yun dahil first year college pa lang kami at hindi to healtful sa mga isip namin. Ngunit dahil lasing na din ako hindi na ako makatangi.
Laking gulat ko noong natapat kay Trina ang bote.


“Truth or Dare?” Tanong sa kanya noong kaklase kong babae. Kaibigan din nya.


“Of course dare!” Maligalig nyang sabi.


“Okay, sino pic mo Trin?” Pagtatanong ulit nila.


“Syempre, si Xander” Laking gulat ko noong bigla na lang syang tumayo at dinikit ang nya ang labi nya sa labi ko. Hindi na ako nakapanlaban dahil nahihirapan na rin akong kumuha ng control dahil sa sobrang kalasingan. Mainit ang labi nya ngunit hindi ko nakuhang gumanti ng halik, ang tanging nasa isip ko ay mga labi ni Colby ang nakadampi sa labi ko.


Hindi ako agad nakapag-salita pagkatapos nun. Sobrang pagsisisi at pagkahiya ang naramdaman ko. Isa lang ang pumasok sa isip ko, si bes. Shit! Bakit ko hinayaang humaik sa akin si Trina gayong taken ako at may mahal akong iba?! Para akong nagtaksil! Shit!


Sa mga oras na yun, wala akong ibang inisip kundi pagsisihan ang paghalik sa akin ni Trina! Wala man lang akong ginawa?! Gago ka Xander!


Lumipas pa ang isang oras ngunit disoriented na ako. Wala na ako sa tamang katinuan pero si Colby pa rin ang nasa isip ko. Naramdaman ko na lang na inaalalayan ako ng mga tao sa paligid ko at sabay binagsak ako sa kama.


“Sige na, ako na bahala dito. Salamat..” Sabi ng isang boses. Hindi ko makuha kung kaninong boses yun pero napaka-familiar. Basta boses sya ng isang babae. Hindi ko lang malaman kung kanino dahil sa sobrang hilo ko at disoriented na nga ako.


Sinubukan kong buksan ang aking mga mata. Ngunit tila umiikot ang aking paningin. Nanaginip na ba ako? Hindi ako sigurado pero nakita ko ang isang babaeng nakasuot lang ng bra at nakapantalon.


“Akin ka ngayon Xander! Akin ka..” Sabi ng isang boses.


Yun lang ang natatandaan ko at tila nawalan na ako ng malay.


- I T U T U L O Y





Sunday, October 27, 2013

Less Than Three- Part 35



NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Sorry po talaga kung every saturday lang ako nakakapg update. Haixt. Busy talaga. At isa pa di na umuusad yung kwneto. Hahahah. Di pa suya nadadagdagan kaya konting hinay lang po ha. Hope you;ll understand.




---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 35

(By Chance)


Saturday, October 19, 2013

Less Than Three- Part 34


NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Guys...

Tuwing sabado na lang po ako makakapag update. Sorry po kung ganito ang nangyari.


Medyo nagigipit na rin po ako sa time na makapag update at tapusin yung story.. Senxia na po.


Gagawin ko naman po ang lahat kung may time ako. :)


Sorry kung medyo maikli yung phasing... :))


Hope you'll understand...


---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 34

(My own birthday...)


Saturday, October 12, 2013

Less Than Three- Part 33


NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Guys...

Tuwing sabado na lang po ako makakapag update. Sorry po kung ganito ang nangyari.


Medyo nagigipit na rin po ako sa time na makapag update at tapusin yung story.. Senxia na po.


Gagawin ko naman po ang lahat kung may time ako. :)


Sorry kung medyo maikli yung phasing... :))


Hope you'll understand...


---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 33

(Magkapatid...)



Monday, October 7, 2013

318 (My Second Attempt to Love) Chapter 10.1



318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph


Authors Note:
Guuuuuuuuuyyyyyyyyyyysssss! Sorry, sorry, sorry talaga kung almost 3 weeks na akong walang update, siguro hindi na iba sa inyo yung dahilan ko pero opo super busy po talaga kaya sorry po talaga kung naging masyadong mahaba yung interval ng updates. Well, heto na po pala ang chapter 10.1, hinati ko po sya sa dalawang chapter upang mas humaba pa ng konti ang story. I’m not sure pero baka po kasi hanggang chapter 14 na lang po ang book na ito, so malapit ko nang dispatsahin sina Colby at Xander (Brutal e noh? XD) so, get ready sa mga twist.


Last thing, may new story po ako. Yehey! May concept po akong naisip and hopefully wala pa po sana syang katulad na story hehe, basta unique po ito. Ia-announce ko na lang po kapag ready na akong isulat yung kwento.


Maraming maraming salamat guys sa mga patuloy na nag-aabang ng story ko kahit matagal ang updates. Salamat guys! Labya all! :* God bless.


Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.



Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:



Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



About the cover photo:

  
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.





ENJOY READING =)






Chapter 10.1



Xander’s Point of View:


“Okay class, for your midterm requirement you have to have a play..” Ani ng professor namin sa literature. Yes! Mukhang exciting to! Since high school kasi ay isa na talaga sa paborito ko ang pagarte. Balak ko nga sana kumuha ng theater arts na kurso noon ngunit ayaw naman ni papa dahil daw gusto nya ako maging engineer, e second choice ko naman ang engineering kaya naman hindi na ako nahirapang mag-adjust.


“Ma’am! Whole class po ba ang magpe-perform?” Pagtatanong ng isa kong classmate.


“Yes! As a whole kayo magpe-perform dahil hindi naman kayo ganung kadami sa class nyo. Lalaban nga pala kayo sa ibang section next month, so be ready!” Pag-aabiso ng professor namin.


“Ah, ma’am..” Pagtataas ng kamay ng isa kong classmate.


“Yes? Miss Villareal?”


“Hmmm, ano pong genre ba ang kailangan sa play?”


“Anything na hindi kayo magmumukhang tanga. Okay lang sa akin..” Pagkakasabi ng professor namin.


After mag-klase ng prof namin ay agad naman pumunta sa harap ang president of the class upang pagisipan na nga ang naturang play.


Sa napagusapan, isang tragic love story daw ang gagawin namin. Medyo hawig sya sa kwento ng “one true love..” kung saan mamatay din ang bidang babae dahil sa damage sa kanyang utak bunga ng kanyang pagkakaaksidente. Bale, apat daw ang main character ng kwento na ginawa nila, yung bidang lalaki at babae, yung isang lalaki na magiging kontrabida dahil sa obsession nya sa bidang babae at isang babaeng bestfriend ng bidang lalaki kung saan may lihim itong pagtingin dito at sya ang magco-comfort sa lalaking bida kapag nagkasakit na at kapag namatay na ang bidang babae.


Nakapamili na ng mga supporting actors and actress ang buong klase, sumunod naman ay ang mga bida.


“I nominate Xander, to act in the role of Rolly..” Buong tapang na sabi ni Trina. Hindi na naman ako tumangi pa dahil gusto ko naman talaga ang pagarte. Wag lang siguro si Trina ang makakatambal ko dito dahil paniguradong lagot ako nito kay bes ko.


At may tatlo pang na-nominate sa klase namin. Sa huli ako ang itinanghal na nanalo sa role ni Rolly, gusto ko din naman talaga ang role dahil mukhang matapang at iyakan ang role kung saan yun na talaga ang mga role na ginagampanan ko noong high school pa lang.


“And now, the nomination for the role of Cherry is now open..”


Nakita ko naman na nagtaas ng kamay si Trina. “I respectfully nominate myself for the role of Cherry..” Buong tapang na sabi ni Trina. Grabe! Iba din tong si Trina, ang lakas ng confidence nyang kunin yung role ha? Nako! Sana naman ay hindi sya ang mapili ng buong klase dahil paniguradong magagalit na naman ang bes ko, love story pa naman to. Ayaw ko syang saktan. :’(


At may na-nominate pang apat ngunit bigo ako. Si Trina pa rin ang pinalad na manalo para sa role ni Cherry. Hala! Paano na to? Paano ko i-eexplain to kay Colby?! Panigurado magagalit yun, teka sana may chance pa para i-give up yung role ko.


“Pres, ayoko nang mag-Rolly, please?” Bulong ko sa president namin.


“Oh bakit naman?”


“Si Colby kasi e, yung boyfriend ko. Galit yun kay Trina e, baka magalit sa akin..” Pagpapaliwanag ko sa president namin.


“Hindi ko masasabi yan Xander, sila ang pumili e. And final na yun, siguro mas okay kung sila ang tanungin mo..” Sabi sa akin ng president namin. Ah! Bahala na!


“Classmates! Ayoko na kasi sa role, okay lang ba kung ibigay na lang natin kay Fred yung role?”  Pagtatanong ko sa kanila. Tahimik.


“Bakit mo naman ibibigay?” Mataray na pagtatanong ni Trina.


“Ahh, eh.. kasi..” Mautal-utal kong sabi.


“Dahil na naman kay Colby?” Si Trina. Ooopsss! Nga pala, alam dito sa klase naming ang about sa amin ni Colby.  Napatango na lang ako sa tinanong nya.


“Alam mo Xander, wag mong dalhin dito ang personal na buhay mo. Kasi nagaaral tayo dito, hindi naglalaro. At mas lalong hindi naglalandian, para to sa grade na’tin. At ano naman sa boyfriend mo yun? Bakit? 


Mababayaran ba ng pagseselos nya yung grade na mawawala?” Sambit ni Trina. Grabe! Sobrang halaga sa akin ni Colby. At ayoko sya saktan! Bakit ba kasi si Trina ang napili? Hala!


“Pero, kaya nga papalitan e. Sige na naman Trina..” Pagmamakaawa ko. “Classmates, please?” Dagdag ko pa.


“Alam naman natin ditong lahat kung sino ang may potential sa pag-arte, sabihin nga nating magaling si Fred pero mas may experience ka dahil ikaw ang nanalo ng best actors sa mga play. Kaya much better kung ikaw na ang gaganap.” Pagpapaliwanag ni Trina.


“Oo nga naman Xander.. At saka play lang naman to, depende na lang kay Colby kung paano nya dadalhin yung play. Para lang to sa material thing, no string attached naman ang gagawing mga scenes..”  Pag-sang ayon ng president naming kay Trina. Nakisang-ayon na rin ang mga classmates ko sa sinabi ni Trina. At ang ending, wala rin akong nagawa kundi tangapin na lang ang role dahil kahit anong sabihin ko ay wala man lang nagsasabi na “Hayaan nyo na si Xander sa gusto nya..” Hindi naman sa pagmamayabang ngunit na-kwento ko din kasi sa kanila noong nagkaroon kami ng cell group sa klase kung saan pinagusapan namin ang mga talents namin.


Ang kailangan ko na lang gawin ay ang isipin kung paano ko ba ipapaliwanag kay bes ko ang lahat ng ito. For sure, maiinis yun sa akin dahil si Trina nga ang partner ko sa naturang play. Kilala ko si bes, na-kwento ko nga lang minsan kung saan sinabi ko na isa sa mga magaganda sa babae si Trina sa section namin. 


Pinagkekwentuhan kasi namin ang mga representatives ng sections namin sa pageant na gaganapin sa university. Ayun, nagselos na. Kaya naman labis ang pangangamba ko kung paano ko ba sasabihin sa kanya to.


Dumaan ang isang linggo ay hindi ko pa rin magawang sabihin kay bes ang lahat. Tapos na rin gawin ng president naming yung script para sa play. Ngayon, practice at ime-memorize na lang namin yung mga lines. Masasabi kong maganda ang pagkakagawa sa script dahil talagang heavy drama to! Ngunit sa mga first scenes madaming harutan at lambingan na gagawin ang character’s namin ni Trina. Paktay na!


Dumating ang unang practice namin. Grabe! Unang scene pa lang may harutan na agad. Magsisimula kasi ang kwento kung saan nagkabangaan si Cherry at si Rolly. Noong una ay nagkakahiyaan pa sila, ngunit dahil matapang itong si Rolly ay liligawan nya si Cherry dahil may iba na syang nararamdaman para sa dalaga.


Agad naman namin natapos ang mangilan-ilang scenes. Okay naman ang pag-arte ng mga cast maliban kay Trina. I can say na hindi bagay sa kanya yung role sapagkat mahinhin ang role ni Cherry. Hindi naman sa ina-underestimate ko sya dahil may itsura naman si Trina, ngunit sa ginagawa nyang pagarte. Hindi lumalabas ang pagkamahinhin ni Cherry.


Isang umaga, wala kaming prof kaya naman nagyaya ang mga classmates ko na magpractice kami sa room dahil sayang nga daw yung oras. Ang next scene na gagawin namin ay meron nang kissing scene (ngunit hindi naman talaga magdidikit ang aming mga labi dahil sinabi ko sa organizer ng play na wag ipagawa yun, syempre may magagalit). Heto na yung scene na pinakaayaw ko. Grabe! Hindi ko pa rin masabi-sabi to kay bes. Paano na lang kapag nakita nya to at..at.. ? Wag naman sana!


“Cherry..” Pagbitaw ko ng linya habang nagpapractice kami.


“Oh bakit Rolly?” Si Trina.
Tinignan ko siya. Hinawi ang buhok. Tinitigan ang mukha nya. But, sinisigurado ko na everything is scripted. Kasi yun naman talaga.. “You look beautiful..” Linya ko..
Pagkatapos kong gawin yun ay may narinig ako mula sa binatana ng classroom namin. Pamilyar na boses. Pamilyar na pangalan din ang tinatawag.


“Tehhhh! Colby! Saan ka pupunta?!” Sabi ng boses sa labas ng classroom. Te-teka?! Boses ni Nerrisse yun ah? A-at? Ano daw?! Colby?!!!! Shit!


Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Agad akong tumakbo palabas ng classroom. Wala na akong pakielam sa practice ng play namin. Natatakot ako, natatakot na baka nakita to ni bes at..Shit!
Paglabas na paglabas ko ay sinalubong agad ako ni Nerrisse ng sermon. “Anong ibig sabihin nun Xander? Bakit ka nakikipagharutan sa higad na yun? Ipaliwanag mo nga to?!”


“Sorry Nerrisse, pero kailangan kong kausapin si bes..” Natataranta kong sabi sabay tatakbo na sana ngunit..


“Just make sure na may reason ka sa nakita namin.. Bestfriend at boyfriend mo yan para pagtaklisalan mo at ipagpalit sa babaeng higad. At siguraduhin mong yung reason mo ay hindi lang valid kundi totoo. Kung hindi ewan ko na lang Xander..” Pagbabanta ni Nerrisse. Naiintindihan ko siya. Concern sya sa boyfriend ko. Alam kong ayaw nya lang masaktan muli si Colby. Ngunit, ang mahalaga ngayon ay malaman ni Colby ang totoo. Mali ang nasa isip nya.. Mali ang inaakala nya sa nakita nya.


Hinanap ko si Colby kung saan saan ngunit hindi ko siya makita. Tinignan ko na rin ang cr ng bawat floors ng school ngunit hindi ko pa rin sya makita.


Tumawid na ako sa kabilang building kung saan ibang course na ang nandoon ngunit wala pa rin akong Colby na makita.


Pagod na pagod na ako, ngunit ayaw pa rin tumigil ng puso ko hanapin si Colby. Gusto kong umiyak at magsisisi sa ginawa kong pagtatago. Sana hindi ko na lang tinago kay bes. Ayan tuloy! Gago ka Xander! Tanga ka!


Hindi ko alam pero dinala ako ng paa ko sa likod ng lumang building ng school namin. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito dahil alam kong hindi naman pupunta dito si bes dahil takot yung mga magisa at nakakatakot pa ang lugar.


Tumingin ako sa paligid.. “Bes ko?” Pagtawag ko sa kanya.


May ilang minuto din akong naghahanap ng bigla kong narinig sa likod ng isang puno ang mahinang paghikbi. Matatakutin akong tao at hindi rin ako sanay na pumuntang magisa sa lugar na hindi gaanong matao tulad nito. Ewan ko ba ngunit hindi ko nagawang matakot sa narinig ko. Malakas ang kumpyansa ko na si bes nga yun.


“Bes?” Pagtawag ko. Noong  makita ko kung sino ang taong nasa likod ng punong yun ay hindi nga ako nagkamali. Parang tinatadtad sa maliliit na parte ang puso ko sa nakita ko. Napaka-gago kong nasaktan ko si bes?!


Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya ay agad ko siyang niyakap. Hindi ito gumagalaw at patuloy pa rin ito sa pagiyak. Lalo naman akong naawa at nasaktan sa nasasaksihan ko, bakit ba kasi hindi ko pa sinabi agad?!


“Bes, mali yung nakita mo. Wala kaming ginagawang masama ni Trina. Hayaan mo kong magpaliwanag please? “ Sincere kong sabi. Hindi pa rin siya sumasagot at patuloy ang pagiyak. Niyakap ko pa sya ng mas mahigpit. “Please, pagusapan na’tin to?” Sincere kong sabi. Hindi ko na rin mapigilang maluha. Natatakot ako na baka mawala sya sa akin.


“Ano pa bang ipapaliwanag mo Xander?! Kitang kita na kitang nakikipagharutan sa lamang lupang yun! What are you expecting me to conclude? E it seems you’re enjoying flirting with that girl!” Galit niyang sabi. Lalo naman akong natakot na baka nga dahil dito ay mawala sa akin si Colby. Hindi ko sya masisi, wala syang alam sa nangyari dahil tinago ko sa kanya na may play kami at ang mas malala pa ay ang tandem namin ni Trina sa play.


Tumakbo sya ngunit agad naman akong sumunod. Hinahawakan ko sya ngunit hindi naman ako nito pinansin. Wala na akong pakielam, mahal ko si Colby – sobra sobra na. Kaya kahit paglunok ng sarili kong pride ay wala na akong pakielam. Kahit may iilan nang tao dahil nakaalis na kami sa likod ng building ay ginawa ko ang bagay na agad na pumasok sa isip ko – mali sa puso ko. Lumuhod ako at sinabing “Please bes oh? Hayaan mo naman ako magpaliwanag.” Sabi ko sa kanya. Natigilan siya. Tinignan nya ako. Alam kong naawa sya, yun lang ang kailangan ko upang maipaliwanag ko sa kanya ang lahat.


“Tumayo ka dyan Xander.” Sabi nya ngunit nanatili pa rin akong nakaluhod sa harap nya. “Please Xander, tumayo ka nga dyan? May mga nagtitinginan na oh?” Sabi nya pa sa akin ngunit hindi pa rin ako nagpatinag. 


“Tsk! Pumapayag na ako. Tara dun tayo sa may playground..” Napatingin ako sa kanya. Tumayo ako. Sa sobrang saya ko dahil pumapayag na syang kausapin ko sya ay nayakap ko sya ng sobrang higpit. “Salamat bes ko. Mahal na mahal kita..”



Colby’s Point of View:


Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang nagmamahal lang? Kitang kita na ng dalawang mata ko na naghaharutan si Xander at si Trina sa loob ng classroom nila ngunit pinagbigyan ko pa rin siyang kausapin ako. Hindi ko alam, nasaktan ako sa nakita ko pero malaki ang parte sa katauhan ko na bigyan sya ng pagkakataong magpaliwanag.


Ngayon, andito kami sa playground kung saan kami madalas tumambay noon pa. Wala pa ring imikan. Alam kong mahihirapan na si bes sa akin ngunit dahil nasaktan ako sa nakita ko ay hindi ko sya magawang kausapin o tanungin kung bakit nga ba ganun ang nakita ko?


“Bes? Unang una sa lahat..” Sabi nya agad ko naman itong pinutol.


“Make it straight to the point..” Malamig kong sabi. “Ano yung nakita ko kanina?” Pagtatanong ko sa kanya.


“Bes, kasi.. kaya namin ginagawa yun dahil sa play namin..” Nahihiya nyang sabi.


“Play? What do you mean?” Pagkukumpirma ko.


“Unang una sa lahat, gusto ko muna manghingi ng sorry. Hindi ko nasabi sayo agad na may stage play kami at si Trina ang partner ko. Kaya sorry bes..”


“So, alam mo naman palang si Trina ang nasa role na yun kinuha mo pa yung role. You know our situation Xander, sobrang obsessed sa iyo yung babaeng yun at dahil sa obsession nya ako ang tinitirada nya. Ngayon parang mas nilalapit mo pa ang sarili mo sa kanya. At ano pa ba ang maaring kahantungan nun? Hindi man ako yung tintirada nya malaki yung chance na maagaw ka nya sa akin..” Sabi ko sa kanya. Nagsimula nang tumulo ang ilang patak ng luha sa aking mga mata. “At alam mo naman ang kinakatakot ko Xander di ba? Ang mawala ka sa piling ko..” Emosyonal kong sabi sa kanya.


“Bes, hindi ko ginusto. Nagkakamali ka. Hindi kita kayang saktan alam mo yan. Noong una akala ko hindi si Trina ang makakapartner ko dahil unang pinagdesisyunan ang role ko kaya pumayag ako tapos noong role naman nya ang pinagdesisyunan doon na ako umayaw ngunit hindi nila ako pinayagan dahil bagay daw kami at may potential daw kami sa pagarte..” Pagpapaliwanag nya.


“Oo nga bagay kayo..” Sarkastiko kong sabi.


“Physically siguro oo, pero hindi sya ang hinahanap ng puso ko. Kahit kaunting attraction wala akong nararamdaman dun bes. Sayo lang.. sayo lang tumitibok to..” Sabi nya sabay turo sa puso nya. Aaminin ko, kinilig ako sa sinabi nya ngunit hindi pa rin akong pwedeng bumigay. Hindi pa maliwanag sa akin ang lahat. 


“At yung nakita mo kanina, parte yun ng practice namin bes, yun yung scene kung saan hindi ako makapag-focus dahil inaalala kita. Kilala mo ko umarte bes, naka-focus ako kahit hindi ko gusto ang kapartner ko but that time hindi ako makapagfocus dahil natatakot ako.”


“Natatakot ka kasi hindi mo sinabi agad. Kung sinabi mo yung tungkol dyan? Sa tingin mo magagalit ba ako sayo?” Medyo may pagtataas ng tono kong sabi sa kanya. “Sa tingin mo, mamimis-interpret ko ba ang lahat?” Dagdag ko pa.


“Yun nga yung pagkakamali ko bes, at nagsisisi ako. Natatakot lang naman ako, naduduwag ako na magpaalam. Made-deadlock ako if ever na hindi ka papayag at hindi rin pumayag ang mga classmate ko na tangihan ko yung role..” Medyo malungkot nyang sabi.


“Bakit? Yun na ba ang tingin mo sa akin bes? Unang una sa lahat bes okay lang sa akin kahit hindi ako ang priority mo, as long as alam kong mas mahala ang ipa-prioritize mo kaysa sa akin papayag at papayag ako.. 


“ Malungkot kong sabi sa kanya. “Boyfriend mo lang ako bes, at wala akong karapatang hadlangan ang mga bagay na mas importante sayo..”


“Sorry na bes, hindi totoo yan. Mas importante ka sa akin. Kung alam mo lang. Sorry na please?” Pagsusumamo nya sabay yakap sa akin. Hindi iniinda ni Xander ang dami ng tao sa playground noon.. 


“Inaamin ko ang pagkakamali ko bes, at humihingi ako ng isa pang chance upang i-tama yun. Sana pagbigyan mo pa ako, please Colby? Hindi ko kayang mawala ka sa akin..” Paghihingi nya pa ng tawad. Napansin ko namang tumutulo ang mumuntik patak ng kanyang luha sa aking balikat kung saan sya nakasandal habang yakap-yakap ako..


Aaminin ko, na-touch ako sa ginawa ni Xander. Hindi man ganoong ka-materialistic ang paghingi nya ng tawad o hindi nya man dinaan sa santuhang panunuyo, ang maramdaman ko lang na sincere sya at matuklasan to ng dalawang mata ko, ay sapat na upang mapatawad ko siya. Masasabi kong ma-swerte talaga ako dahil mayroon akong boyfriend na ibang iba sa unang nagging pag-ibig ko. Hindi ko na rin napigilan at nanlambot na rin ang aking puso sa paghihingi ng tawad ni Xander. Niyakap ko din siya at sumandal ako sa ulo nya. “Okay na bes, sa susunod wag na wag ka ng magsisikreto sa akin..” Sabi ko sa kanya. Kinuha nya naman ang kamay ko at hinalikan ito.


“Oo, pangako ko sayo bes ko..” Maluha-luha nyang sabi.


Yun lang at balik na naman kami sa dati kung saan parati na naman kaming sweet at kung minsan nagkakatampuhan din. Hindi na rin ako pinapapunta ni bes sa practice ng play nila, pero nangako sya na wala daw talagang mangyayaring ikakaselos ko sa practice na iyon. Syempre, wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang magtiwala sa kanya. Yun naman talaga ang mahalaga at ang sikretong sangkap ng isang relasyon e, ang magtiwala kayo sa isa’t isa. Alam ko, mahal ako ni bes. Sa nakikita at sa nararamdaman ko pa lang, alam kong hindi nya ako kayang gaguhin o saktan.


May isang linggo na lang ang nalalabi bago ang valentines day. Syempre, Masaya ako dahil araw namin yun ni Xander. Ngunit wala akong idea kung may pakulo ba sya o kung may regalo ba sya sa akin. Well, hindi naman importante yun e, ang mahalaga lang naman sa akin ay kasama ko siya sa valentines day, doon pa lang masaya na ako.


Isang araw bago dumating ang valentines day ay saka naman may bad news na dumating sa akin.


“Bes, hindi kita makakasama bukas. Kailangan naming umuwi ni papa sa probinsya dahil may bibili na daw ng bahay namin dun..” Sabi sa akin ni Xander. Syempre, nalungkot ako. Wala naman akong magagawa dun dahil mahina na nga din si tito at kailangan nya ng kasama na lumuwas papunta sa probinsya nila.


“Ah, ganun ba bes? Ano ka ba, ayos lang yun. Marami pa naman ibang araw dyan e. Mas mahalaga si tito, wala syang kasamang lumuwas..” Malungkot kong sabi. Pero syempre, nasasaktan ako..


“Sure ka ba bes?” Malungkot nya rin tanong.


“Oo naman, marami pa namang ibang araw para mag-celebrate..” Nagkukunwari kong sabi.


“Tatawag na lang ako bes ko ah?” Nasabi na lang ni Xander upang maibsan ang nararamdaman kong lungkot.


Umaga ng araw ng mga puso, parang wala ako sa mood na bumangon ng higaan dahil useless din naman tong araw na to dahil wala si Xander. Ngunit, syempre kailangang pumasok, buti na lang at dalawang subject lang ang klase ko sa ngayon.
Sa school, feeling awkward naman ako dahil maraming mga couples ang nagbibigayan ng kung ano-anong mga valuable gifts. Syempre, nakaka-out-of-place dahil madami ding nagbibigayan sa classroom namin samantalang ako ay andito sa isang tabi at ginagawa ang assignment naming sa accounting.


“Teh? Nakapangalumbaba ka dyan? Asan si bes mo?” Tanong sa akin ni Nerrisse.


“Wala teh e, umuwi ng probinsya, may kailangan daw asikasuhin..” Malungkot kong sabi.


“Hmmm? Sayang naman, ayos lang yan, marami pa naming araw na pwede kayo mag-celebrate. Okay lang yan..” Mag-cocomfort sa akin ni Nerrisse.


Pagkatapos ng klase ko ay agad na akong lumakad papunta sa sakayan upang umuwi. Aaminin ko, ang bitter ng pakiramdam ko sa tuwing nakakakita ako ng couples sa school na nagcecelebrate ng valentines day pero wala naman kasi akong magagawa e. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Noong tinignan ko ito, isa itong text mula kay Xander.


Xander: Bes, saan ka na? Sorry talaga ah? :’( Basta tandaan mo mahal na mahal kita. I miss you, happy valentines day. I love you :*


Ako: Dito na ako terminal bes, ayos lang naman sa akin. Happy Valentines day too, I love you :*



Wala na sana akong balak mag-bus dahil hindi naman kami magkasabay ni bes. Gusto ko nga sana mag-taxi e, kaso magastos daw at kailangan daw naming magsanay na magtipid para kung mag-asawa na kami ay hindi na sa amin mahirap mag-budget (oh di ba? Ang lakas bumanat? XD). So, yun nga wala na sana akong balak na sumakay ng bus pero malayo pa kasi ang lalakarin kapag nag-taxi ako. Kaya naman naglakad na lang ako ng kaunti papunta sa sakayan ng bus.


Malapit na ako sa bus ng biglang may naramdaman akong pumiring sa aking mga mata at tinakpan ang aking bibig at saka binuhat ako ng buhat ng isang groom sa kanyang bride. Shet! Holdap ba to?! But, parang kilala ko yung amoy?!


-          I T U T U L O Y