Saturday, June 22, 2013

Less Than Three - Part 1

 Note:

Hey Guys. Ayon. Hahah. Eto na po yung less than three. Hope you like it.

This story is dedicate to my bestfriend na ngayon ay lumalablayp na.

Well kung sino man siya, alam na niya ito.

This story is intended to him. Well, I think pangalawang story ito na dinededicate ko sa special someone.

Somehow, I hope he will be happy sa gagawin ko.

Hope you like it.

Please, comment kayo ah. Salamat po. :)

-----------------------------------------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 1
(Encounter)



[Alex’ POV]

Akala ko noon pag nagmahal ka, ikaw mismo ang maglulugar sa sarili mo sa dapat mong pag lagyan. Yung tipong madali mo na lang iintindihin ang mga bagay-bagay.


Pero mali pala yun, dapat natututunan mong magmahal ng walang kondisyon. Minsan lang magmahal ng totoo ang dalawang tao. Masarap sa pakiramdam ang magmahal, daig mo pa nga ang nakarating sa langit.


Pero minsan darating yung panahon na ikaw na mismo ang magsasabing, suko na ako, ayaw ko na, at nasasaktan na ako. Ngunit isa lang ang masasabi ko, kahit na napapagod ka na at nasasaktan, dapat matuto ka na lumaban.


“Mahal... alam mo ba, kahit papaano okay na ako. Tanggap ko na ang lahat. Sana ikaw ayos lang.” Ang sabi ko.


Hindi siya sumagot at tanging hangin ang narinig ko. “Malungkot ako hanggang ngayon, ikaw kasi eh. Dapat di mo ako pinaiyak, dapat di mo ako iniwan. Sana masaya pa rin ako hanggang ngayon.” Dugtong ko.


Tinignan ko siya pero wala pa ring sumasagot. “Di ka ba talaga sasagot? Nagmumukha na akong tanga eh. Bakit mo ba kasi ako iniwan? Ang sakit eh. Hanggang ngayon, masakit pa rin eh. Bakit ba?!” ang nasabi ko habang tinitignan ko ang kinaroroonan niya.


“Galit ako sayo. Iniwan mo agad ako. Bakit kasi napaka tigas ng ulo mo? Hindi ka nakinig sa akin. Sabi mo mahal mo ako, sabi mo ipagtatanggol mo ako, sabi mo pakakasalan mo ako, at sabi mo pasasayahin mo ako, pero tignan mo ako, this is the worst of me. Kung mahal mo ako, dapat di ka agad bumitaw. Dapat hindi mo ako hinayaang mag isa. Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita.” Ang sabi ko.


Isang taon na ang nakakalipas ng mangyari ang pangyayaring iyon. Ika-tatlong taon na namin yun bilang mag boyfriend hanggang sa di inaasahang pagkakataon.


Halos magunaw ang mundo ko ng mangyaring iyon. Halos magpakamatay na rin ako. Pero itinuloy ko ang buhay para sa kanya. Kahit na ayaw sa akin noon ng magulang niya, tinanggap ko ito at tiniis, dahil sa mahal ko siya. Hanggang maging legal kami, hindi ako bumitaw.


“Mahal... sana nasa tabi pa rin kita... kasi mas masaya ako kung babalik ka sa akin.” Ang nasabi ko.


“Magmumukha kang tanga sa ginagawa mo.” Nagulat ako ng magsalita sa likod ko ang isang babae.


Lumingon ako at nakita ko ang best friend ko, si Charlene. “Matagal na naman akong tanga diba?” sagot ko.


“Oo. Pero kahit tanga ka, tanggap kita. Mahal kita kasi best friend kita.” Sagot niya.


Lumapit siya at niyakap ako ng mahigpit. “Best move on na... please, nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan eh.” Sabi niya.


“Ang sakit eh. Sobrang sakit. Sana ako na lang ang...”


“Tigilan mo nga yan...” sabi niya


“Ang sakit.. sobrang sakit...” sabi ko habang humahagulgol sa iyak.


“Wag mong masyadong pahirapan ang sarili mo.” Sabi niya


“Sana matanggap ko lang ng mas maaga... maka move on ako, baka kasi mamatay na ako kakaisip at dahil sa kalungkutan.”


“Hay naku. Move on, wala na siya sa tabi mo ngayon. At isa pa, hindi ka na niya babalikan kaya go on.” sabi niya


“Hinihintay ko na sumagot siya sa akin.”


“Hinding-hindi yan sasagot sayo kaya iwanan na natin siya.”


“Pero.”


“Tara na nga... para kang timang.” 


Hindi na ako nakatanggi pa.


“Paano mo nga pala nalaman na narito ako?” tanong ko.


“Remember, pwede kitang i-track kung nasaan ka?”


“Yeah. Ikaw na advance ang gadget.”


“Biro lang. Pero alam ko naman na narito ka eh. Saan ka pa ba pupunta diba?”


“Haixt. Best friend nga kita.”


“Nga pala, pasukan na, bakit hindi ka pa pumapasok?” tanong niya.


“Tinatamad pa ako eh. Saka na lang.”


“Tangek ka. Next week pumasok ka na ah.”


“Okay sige po.”


“Haixt. Be careful na ha, iba na tong school na papasukan mo. Balik freshman ka diba?”


“Yup.. pero credited naman mga nakuha kong subjects.. kaya parang 3rd Year na rin ako.”


“Good. Nga pala, mag palit ka na ng netwok.”


“Ayaw ko.”


“Dali na.”


“Ayoko nga sabi eh.”


“Bahala ka hindi kita papansinin.”


“Kapag may sim card kang dala na hindi sayo magpapalit ako.”


“Tsanan.”


“Ready ka talaga ah?”


“Yup. Ibinili talaga kita.”


“Sus.”


“Tara mall muna tayo. Libre ko.”


“Okay.” At sumama ako.


Kung anu-ano ang ibinili ni Charlene sa akin. Gamit sa school, damit at kung anu-ano pa. Daig pa niya ang nanay ko. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao. I guess nakikilala nila ako.


Nga pala di pa ako nakapag pakilala, ako nga pala si Prince Alex Rosales, 18 years of age, 5’8”, maputi, medium built ang katawan at marami pang iba. (Saka na ninyo tuklasan yung iba kong characteristics during the story. ^__^V)


Hawak ko yung simcard na ibinigay sa akin ni Charlene nang may makabanga akong lalaki. Nahulog yung hawak kong simcard.  “Sorry po.” Pag hingi ko ng paumanhin.


“Ayos lang.. sorry din...” tinulungan ko siyang mag ayos ng gamit.


“Salamat.” Sabi niya.


“Sorry ulit ah.” Ngumiti siya at nagmamadaling umalis.


Dinala niya ako sa Starbucks, sosyal na ata tong babaeng ito. 


“Oy, aminin mo, ilang bangko hinold-up mo?” pag biro ko.


“Tae ka... hindi ako nang hold up no, namalimos ako.”


“Grabe lang ha. Mukhang mapera ka ah. Anong meron?”


“Wala lang trip ko lang.”


“Aysus.”


“Yung binigay kong simcard ah.” Sabi niya.


“Opo. Mamayang gabi. Tatawagan kita.”


“Okay. Di ko muna isave number mo para talagang gagamitin mo yung ibinigay kong number.”


Maya maya dumating na yung order namin. “Hoy lalaki, pag pumasok ka mag balat kayo ka ah.” Sabi niya.


“Yeah... alam ko na. Pati di nila ako makikilala, magpapaka nerd talaga ako.” Sagot ko.


“Aysus. If they found out kung sino ka, naku kagulo na.”


“Wag ka na lang maingay. Kanina sa department store pinagtitinginan na ako.”


“Yaan mo sila.”


“Che.”


“Oy. Tingin ka sa likod mo.” Sabi niya


Tumingin ako at nakita ko ang isang lalaki. Nung tumingin siya sa akin, agad siyang sumimangot at umiwas ng tingin. Ang suplado ah.


“Oh bakit?” tanong ko.


“ang gwapo no?”


“Landi.”


“Pero ang gwapo.”


“Suplado nga eh.”


“Sus.”


“Ewan. Bilisan mo na jan at aalis na tayo.”


“Grabe ka naman, kakabigay lang ng order aalis na agad.”


“Gusto ko ng magpahinga.”


“Porket di ka pinansin nung gwapo sa likod.”


“Gwapo pala ha? Mukhang adik nga eh.”


“Wag ka nga. Campus heartthrob yan.” Sabi niya


“So?”


“Ewan.” Tinapos na namin ang kinakain namin at umalis na kami.


Transferee ako sa pinapasukan ni Charlene. Nag decide akong lumipat ng school dahil na rin sa maraming dahilan. Una, nakakatamad na; pangalawa, gusto din ni Blake noon pa man at pangatlo, medyo confidential. J


Sa Maynila dati ako nag-aaral dahil may work din kasi ako doon. Yup, working student ako. May kaya naman ang pamilya namin pero since na namatay si Papa noon, ako na at ang kuya ko ang nagsilbing taga taguyod ng aming pamilya.


Tatlo kaming magkakapatid, ako, si Kuya at ang nakababata kong kapatid na babae. Ayaw na naming pagtrabahuin si mama kaya sa bahay lang siya.


Ang trabaho ni Kuya, manager sa isang kumpanya, matalino kasi si kuya, gwapo at madiskarte pa. Pero this days ay napapansin ko na may pinagkakaabalahan pa siyang ibang trabaho. Wonder what is he up to?


Ako naman, saka ninyo na malalaman trabaho ko, legal siya ah, di naman ako pusher or what.


May scholarship pala akong natanggap mula sa papasukan ko ngayon. It’s good for two terms then after ng two terms kapag hindi ko nakuha yung maintaining grade, mawawala scholarship ko.


Pagkauwi ko ng bahay sinubukan ko agad yung ibinigay sa akin na sim card ni Charlene. Kanina pa kasi ako kinukulit eh. Text ng text.


Pagkainsert ko agad ng sim ko, ang daming text na sumalubong sa akin. Parang timang talaga tong si Charlene. Siguro mali ang naibigay na sim card sa akin.


Puro unknown number yung nakalagay. Ano ba yan, baka trip naman ito? Binasa ko mga text at nagulat ako sa mga text.


“Please.... meet me.... Andito ako sa labas ng bahay ninyo.” Sabi nung unknown number.


Agad akong tumingin sa bintana at wala namang tao. Grabe lang tamang trip. 


“Gusto ko lang mag kausap tayo... bakit mo ako iniwan kanina?” sabi naman nito.


“Please mag reply ka....”


“Andito na ako.. saan ka na?”


“I love you...”


“I will be waiting...”


“Mahal pa rin kita hanggang ngayon...”


“Alam ko hindi mo na ako mahal at yung gagong RD na yun ang mahal mo.. pero babawiin kita... hindi ako susuko... mahal kita eh.”


Di ko mapigilang maawa sa texter. Di ko alam kung trip ba to o hindi. Tinext ko si Charlene. Sabi naman kssi niya na naka unli na yun.


“Hoy babae... ang lakas ng trip mo.” Send to Charlene.


“Hus dis?”


“Tagain kaya kita.”


“Si Alex ka no? Alam na, masyadong burtal eh.”


“:3”


“Oh anong iniaangal mo?”


“Anong eksena mo?”


“Saan?”


“Tumawag ka nga.” Sabi ko.


Tumawag siya. “Hello... Philippine airlines may I help you...” parang timang lang tong babaeng ito, siya tumawag siya magsasabi noon.


“Timang ka lang.”


“Mas timang ka.”


“Ano ba trip mo ah?” tanong ko.


“Yung lalaking gwapo tapos macho. Then ayoko yung masyadong gwapo, sakit sa ulo yun."


"Ewan ko sayo."


"Alin ba? Hindi kita maintindihan.”


“Hoy babae, ako ay pinag tri-tripan mo, ang daming text dito no? Baka nagkamali ka ng bigay sa akin.”


“Timang ka, bagong bili ko yan.”


“Eh may nagtext eh...”


“Aysus... baka may textmate ka? Lagot ka kay papa Blake.”


“Grabe ka, sobra tong nag tetext sa akin eh, nakakatakot.”


“Oh my.. hala ka.”


“Haixt. Ewan sayo.. gulo mong kausap.”


“Siya matutulog na ako. Gueh.”


“Ganun na lang yun?”


“Edi makipag text mate ka.. sakyan mo yung gusto niya.”


And she hung up the phone. Ang bait niyang best friend grabe, wala akong masabi, hands up ako sa kalukahan niya. After mag end ng call, my cell phone beep. Another text from the unknown number.


“Nag hihintay pa rin ako dito.” Text niya.


I decided not to reply pero no curious ako, then I change my mind. “Who the hell is this?” paka bad boy muna.


Hashtag, Medyo Bad boy.


He replied agad. “Ano ba naman yan? Ex mo ako, pero di mo ako kilala.”


“Wag kang luko-luko.” Sabi ko.


“Ouch. Ang sakit, mag usap naman tayo oh.” Sabi nito.


“Kung ako sayo wag ka ng mag reply... ang lakas din ng trip mo no?”


“Di ako aalis dito.”


“Edi wag kang umalis. At saka wala naman akong nakikitang tao sa labas ng bahay namin. Wag kang abno.” Sabi ko.


“Shit! Andito ako oh, nakatayo.”


“Ewan sayo. Di kita kilala.”


“Si Kieth to oh. Please.”


“Anong gagawin ko kung si Kieth ka? Better not mess with me.”


“Jhay naman eh.”


“Hu’s Jhay?”


“Ano ba naman yan? Please naman oh? Nagpapakababa na nga ako eh.”


Siya daw si Kieth at ex niya si Jhay. Parehong lalaki that means bisexual to. Hay naku. Malay mo trip lang kaya tinulugan ko na lang siya.


Early in the morning, nagising ako sa sunod-sunod na text galing sa cellphone ko. I stood with an angry face. “What the heck? Ang ganda ng tulog ko tapos iistorbohin lang.”  Cheked my phone and I received over 50 text.


“Hey, good morning.” From unknown number.


“Ang lamig dito sa labas. Hope makita ko face mo.”


“Ang ganda ng langit.”


“Mukhang uulan pa :(.”


“Good night.”


“:’( .”


“Bakit hindi ka na nag text?”


At marami pang iba. Ibinato ko yung cellphone ko sa kama at tumayo. “Oh agang-aga dami mo ng katext.” Sabi ni Charlene.


“Oh anong ginagawa mo dito?”


“Wala lang... bakit ba?”


“May pasok ka ah.”


“Wala.”


“Aysus... nag ditch ka ng class no?”


“Hindi ko gawain yun.”


“Sus. Deny pa.”


“Oh bakit sambakol mukha mo?”


“Nakakainis eh. Text ng text sa akin yung unknown number.” Sabi ko.


“Patingin nga.” Kinuha niya yung phone ko at binasa yung text.


“Grabe naman.”


“Oy ikaw... baka pinaglalaruan mo ako.”


“Ouch ah. Tamang hinala lang boy?”


“Eh kasi naman eh.”


The nag beep agad. “Di ka ba papasok ngayon?” tanong nito sa text.


“Wag mo ng sagutin.” Sabi ko.


“Pag tripan natin.”


“Wag mo ng patulan.”


My day all gone well. Pero nung damating ang gabi, disaster. Nag text nanaman yung unknown number. Pinalitan ko ng name at ginawa kong “Elephant bird” wala lang, napanood ko lang eh. La ring maisip na itawag.


“Bakit hindi ka pumasok?” tanong nito.


Huh? Kilala niya ako? Sabi na nga ba at si Charlene to eh. Mapag tripan nga. “Bakit ba?”


“I missed you. Nakita ko na naman yung bf mo, si RD, nakakairita. Pero di ko siya sinuntok.”


“Tigilan mo na nga ako.”


“Please Yanyan. Bigyan mo ako ng chance to prove myself.”


“Hindi ako si Yanyan mo o si Jhay. Ako si Prince.”


“Ano bang nagawa kong kasalanan sayo at dinedeny mo ako?”


“Eh ang kulit mo eh.”


“Please.”


“Uulitin ko ah, hindi ako si Jhay. Malinaw?”


“Sino ba yan ha? Panibagong bf mo?”


“Sige sabihin natin na ako si Jhay, eto lang masasabi ko, napaka walang kwenta mong tao kaya kita iniwan!”


“Mag papakatino na ako. Wag mo lang akong ganituhin. Please.”


“Are you kidding me?”


“I am serious. Ano bang gusto mong gawin ko ha?”


“Ibaba mo yung phone mo, matulog ka at manahimik.”


“Ganyan na ba talaga ako sayo? Matapos ang limang taon?”


“Pinagsisihan ko na yon. Niloko lang kita kaya tigilan mo na pag tetext mo sa akin.” Sabi ko. Nakakainis na eh.


“Ang sakit. Ang sakit-sakit.”


“Magtiis ka. Kasalanan mo yan.”


“Sorry.”


Di ko na siya nireplyan. Then ilang sandali lang nag text sa akin si Charlene. 


“best sorry.... ngayon ko lang nakita. Hindi nagtugma yung sim number nung sim na gamit mo dun sa lagayan ng sim na binilhan ko. Pero alam ko naman na pareho yan di ko alam kung paano na iba.”


Bigla akong kinabahan. Pero paano? Paanong magkakaiba yun? Wala naman akong natatandaan na pinaglagyan ng sim na iba eh. Ting!


Oh my God, hindi kaya nung nakabangga ko yung lalaki, nagkapalit kami ng sim card? Pero imposible na posible. Maya maya tumawag si “Elephant bird”. Kinabahan ako bigla.


Nag miscall siya ng tatlong beses. Then texted me. “Please answer the phone. Last na to. Di na kita guguluhin.” I answer the phone after he call me.


“Hello.” Sagot ko. Nanginginig ako ngayon.


“Jhay... I love you... I really love you... the moment na sinabi mong wala akong kwentang tao... ang sakit sakit.. sobrang sakit.” 


I was about to cry, his voice, it reminds me of something. Yung feeling na makarinig ka ng isang lalaki na umiiyak over the phone, it makes me so sad.


Nahihiya ako kasi kung anu-ano pinagsasabi ko sa kanya. He is serious sabi nga niya. “Please... usap naman tayo... kahit last na... please... I really love you...” sabi niya.


Hindi ko alam isasagot ko sa kanya. Paano ko ipapaliwanag. Umiiyak siya and ako naman etong parang hihimatayin. “Ah eh...” ang nasabi ko.


“Yanyan... kung ano man mga nagawa ko noon.. please.... patawarin mo na ako.. I will win you back... give me another chance.” Sabi nito.


I decide to talk. Hihingi ako ng sorry. “Ah eh. Mr. Kieth... may sasabihin ako.”


“Who’s on the line? Where’s Jhay?!”


“Yun na nga ang sasabihin ko. Hindi nga kasi ako sa Jhay. Ako si Prince, Prince Alex Rosales. I think I am not the one you are lookong for.” Sabi ko.


“Shit! Hanggang ngayon ba pinagloloko ako ni Jhay? Give the phone to him immediately!” galit na sabi nito.


“Wala nga kasi akong kilala na Jhay. Eto yun ha, noong nasa SM kami ng best friend ko, siya ata yung nakabangga ko noon. Nagkapalit kami ng sim kaya yung number na ginagamit ko sa kanya.”


“Wag mo akong lokohin!”


“Hey elephant bird, NAGSASABI AKO NG TOTOO! Kaya the hell, MAKINIG KA!” sabi ko.


“DAMN! BAKIT DI MO AGAD SINABI KANINA?!


“Eh kasi po matagal ko ng sinasabi sayo ayaw mong makinig!”


“Damn you! Pagbabayaran mo to. Matapos yung mga sinabi mo sa akin. Fuck you!”


“Aba loko loko ka rin ah. Ikaw tong text ng text.”


“Kasi number niya yan eh. Magnanakaw ka!”


“Ang kapal ng mukha mo. Now I know kung bakit ka iniwan ng ex mo, kasi ang sama ng ugali mo!”


“toot.... tooot.” And the phone hung up.


Bastos din tong lalaking ito. Pero may mali din naman ako eh. Kaso hindi ko naman sinasadya eh, kasi naman eh. Maya maya may nagtext.


“You’ll regret na niloko mo ako!” sabi niya


Scary. Natakot ako bigla. Hala ka. Natulog na lang ako. Tong sim na to need ko na ata mag palit ng number. Haixt.


After a day pumasok na ako. Haixt. Eto na naman ko tamad. Ang dami kong na missed na mga lectures. Maybe hihiram na lang ako ng notes. Pero di ko magagmit ang kagwapuhan ko, remember, naka disguise ko. Haixt.


Nung nag enroll ako, nakausap ko yung administration, nag sabi na naman ako sa kanila and they gave me that idea na mag disguise.


 Nakalimutan ko yung pangaalan nung nakausap ko. Siya ata yung anak ng may ari. Katelyn ata. Haixt.


I’m on my way to the entrance ng school ng makita ko si Charlene. “Oi... salamat at pumasok ka na.”


“Wala ako magawa sa bahay.”


“Sus. Anong room mo?”


“Room 402”


“Ah okay. Ingat. Be nice to them ha.”


“Sus. Ayos ba tong disguise ko?” tanong ko.


“Yeah. Natatawa nga ako eh. Ang layo ng itsura mo. Mukhang kang nerd wierdo.”


“Haixt. Panget na ba ako.”


“Kailan ka ba naging gwapo?”


“Kapal mo ah.”


“Siya papasok na ako. Gueh bye. Ingat!”


Pagpasok ko ng room, ang ingay ng mga nandun. Halos lahat sila nakatingin sa akin. Haixt. As expected. “Good morning sir.” Bati ko.


“Can I see you CM?” tanong nito.


Hinalikwat ko ito. Maya maya may pumasok na lalaki. Di ko na lang pinansin ito at ibinigay ko yung cm ko.


“so you are Prince Alex Rosales, Ms. Lee talks about you.” So he knew about me.


“Yes sir.”


“Do sit down.” Sabi nito.


Naghanap ako ng placed na mauupuan, as expected ulit para akong matutunaw sa mga titig nila. “Mr. Lee you are definitely late!” sabi nito. Nagtuloy-tuloy lang ito at umupo sa may likuran ko.


Napaka-antipatiko naman nito. Pero bakit ganoon na lang ang pakiramdam ko dito sa lalaking ito, ambigat at para bang may something sa kanya. Parang nakita ko an to somewhere down the road.


“Hoy nerd.” Pagtawag niya sa akin.


Lumingon ako sa katabi ko. As usual ako lang ang nerd. Ang kapal naman ng mukha nito. 


“Wag ka ng lumingon ikaw lang ang nerd dito.” Sabi nito.


“Problema mo?” tanong ko.


“Ikaw si Prince Alex Rosales diba?”


“Ano ngayon?”


“Lakas din ng loob mo na pumasok dito.”


“So?”


“Gago ka din ah.”


“Wala kang karapatang ganyan ganyanin ako porket nerd lang ako.”


“May kasalanan ka sa akin.”


“Kabago-bago ko may kasalanan agad?”


Nakita ko na nakatingin mga katabi ko. Para bang nagpapahiwatig sila ng panganib. Anong meron? Mukhang mapapasubo ako nito ah.


“Di mo ba ako natatandaan?”


“Transferee ako dito kaya paao kita matatandaan? Loko ka pala eh!”



Nakatawag na kami ng pansin ng mga estudyante. “I’m Kieth Jerickson Lee, yung lalaking niloko mo sa text!”


(Itutuloy)


27 comments:

  1. err curious lang same ba sila ng skul nila AJ? hehe
    sila pa rin hinahanap eh.. :D

    -mans-

    ReplyDelete
    Replies
    1. well.. abangan ninyo kung saan papasok si AJ (kung meron ba) hahahaha joke.. bale maraming characters ang inintroduce ko sa kwento na to...hahahahah

      Delete
  2. Parang sira naman yung loko-lokong Keith na un. Sarap bangasin mukha ee. -_-

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahah.. welcome back coffee prince.. i miss you.. hahahaha.... easy lang.. stay tune. :))

      Delete
  3. wahhh..ang ganda!as in maganda!
    -caranchou

    ReplyDelete
  4. namiz kta dylan hehehe.


    nice 1 pero kawawa nman c alex namatay bf nyang c blake akala ku nung teaser. nito ung kasunod ng BFMV eh iniwan sya at sumama sa iba un pla namatay

    i miss arwin jake montederamos ramos na

    ReplyDelete
    Replies
    1. miz you too mhi mhiko... hehehehe well....abangan ninyo yung mga susunod na chapter..heheh salamat po sa pagbabasa. :))

      Delete
  5. Replies
    1. tignan natin yung phasing. hahahahaha.... maka 20 comments siguro next chap na agad. hahahah

      Delete
  6. Naintriga ako sa katauhan ni prince...at ung blake patay nb un? Nice story dylan. Tnx

    Randzmesia

    ReplyDelete
  7. post na idol kyle please.. hehehe...
    tigang na kami sa story mo,,, hhahahaha

    -mans-

    ReplyDelete
    Replies
    1. heheheh.... ay ganun ba. hahahha.. abangan ninyo... :)) ang susunod na kabanta . :))

      Delete
  8. ito.lng masasabi ko po i like thw story sana.umaot to.hangang 100chaptersi feel this story had many revelations come up in the future chapters i can wait na post na agad yung chp.2 nw readers lng o ako dd2




    Franz


    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat po. subaybayan po ninyo at pagbubutihin ko po ng mabuti ang pagsusulat. salamat po sa pagbabasa nung story ko. :))

      Delete
  9. super like..lalo na ung ELEPHANT BIRD..ehehe

    ReplyDelete
  10. Russell Montojo>>> Wow bgo to tol Dyle. Auz ah.

    ReplyDelete
  11. Nice..... Sana may kasunod agad :-)

    ReplyDelete
  12. hahaha....... sana walang patayan sa kasunod na eksena.... hahaha

    ReplyDelete
  13. Bakit parang She's Dating the gangster talaga?!

    ReplyDelete