Monday, May 30, 2011

Campus Figure- Part 32

sa lahat ng tumutok ng campis figure mula nung part 1... maraming maraming salamat po....nqapakalaking pasasalamat ang iniiaabot ko sa inyo...... mahigit isang taon ang itinagal nito... pagpasensiyahan po ninyo kung ntatagalan po akong magpost...ang dami po kasi ginagawa kahit na bakasyon..... hindi ko po alam kung magsusulat pa po akong story pero i decided na ideactivbate na mga accounts ko... maraming salamt sa mga tumutok at walang sawang nag comment....

sa mga taongnaging bahagi ng aking buhay habang ginagwa ko ang story na ito:

1. sa bestfriend ko na walang sawang naging kakulitan ko at nagmahal sa akin noon. alam kong magkagalit tayo ngayon, at di ko alam kung magkakaayos pa...pero eto lang ang masasabi ko, pasensiya an sa mga bagay na nagawa ko...kung alam mo lang kung gaano kita pinahalagahan... kung gaano ako hnagmahal sa yo....pero alam kong anag lahat ng bagay ay may katapusan..... may binitawan tayo na walang iwanan...peero sa tingin ko di na mangyayari yon.... sorry sa mga nasabi ko..... isa lang ang maiiwan ko... na mahal na amhal kita...mula noon hanggang ngayon at kasabay ng kwentong ito ay ang pagwawakas na rin ng nararmdaman ko.... its the time para magmove on forward sa mga nangyayari... good luck sa buhay. God bless.... kahit na angbago ka na.....sana eh maibalik yung dating bestfriend na nakilala ko at minahal ko... malabo man pero umaasa pa rin ako....


2. sa mga inahal ko noon at naging ex ko... salmat sa lahat lahat...sa mga inspirasyon at pagmamahal..... nasaktan ko man kayo alam kong masaya na kayo ngayon.... mahirap dn ang mga pinagdaanan natin....


3. kay dhenxo, salmat tol sa lahat lahat...... anjan ka lagi para sa akin para sumoporta...


4. Kay kamal (Gab), salamt sa lahat ng tulong.........God Bless sa story mo.... alam kong kaya ninyo yan.....


5. at sa lahat lahat...maraming salamat...




Olweiz Hir....



Dylan Kyle Santos




____________________________________________________________________________________




Nagulat ako sa sinabi nila Tita Rose. Napamaang na lang ako sa tabihan. Biglang lapit sa akin ni Vince at niyakap ako sa harapan nila mama at hinalikan ng bahagya sa aking labi. “Kamusta ka na mahal ko.... nasasabik na ako sayo... na miss kita ng sobra......” sabi ni Vince sabay hawak sa aking mga kamay. “Nagulat ako sa pagdating ninyo.... di ko inaasahan....” isang ngiti ang iginanti ko sa kanya. Kakaibang lukso ng damdamin ang naramdaman ko sa kanyang mga yakap, haplos at higit sa lahat ng kanyang mga halik. Nananbik na rin ako sa kanya. Pero somehow, may mga agam agam na namumuo sa aking kalooban.






“Tayo po ay pumasok sa loob at saka mag usap.... maupo tayo...” sabi ni mama. “Kayo pala ang mga magulang ni Vince an ikinukwento sa amin ni Kyle kani-kanina lang..... salamat sa pagtanggap sa mga abta... sa pag aalaga at pagturing na aprang anak... sobra po kaming nagpapasalamat sa inyong mag asawa...” sabi ni Papa. “Walang anuman yon.... naku po... sobrang swerte kayo sa batag iyan.. sobrang bait... matalino, masunurin, matatg, matiyaga, masipag at sobrang marispeto.......” sabi ni Tito Robert. “Ganun po ba.... sobrang ikinatutuwa ko naman po ang mga iyon..... sobrang swerte ko talaga at naging anak ko si Kyle.....” sabi ni mama. Natutuwa naman ako sa mga papuring natatanggap ko.









Sa dako naman namin ni Vince, di magkamayaw ang pag hahawak namin ng mga kamay. Sobrang sinusulit ko ito. Dahil alam kong napaka kritikal ng aming pagsasama hanggat hindi pumapayag si Jerick sa amin. “I love you mahal ko...” bulong niya sa akin. “I love you too...hehehhe..” sagot ko sa kanya sabay ngiti. “Kamusta ka dito? Ok ka lang ba?” tanong niya. “Oo okay lang ako... masaya ako...heheheh” sagot ko.





“Nga pala balae..... may gusto lang akong ipropose sa mga anak natin...” sabi ni tita Rose. “Ano un balae?” tanong ni mama. “Kasi.. napagplanuhan anmin na ipakasal ang dalawa pagkatapos ng kanilang pag aaral...kahit ba simple lang...yung tayo tayo lang...di naman engrande eh...katamtaman lang...yun kasi ang hiling nila sa amin dati... ang kasal nila sa ibang bansa....” sabi ni Tita Rose. “Nako.... maganda nga yan..kaso...may problema nga lang tayo.. kung sa amin nga lang ay ok yan... masaya kami sa kanilang dalawa... tanggap namin kung ano sila.. nagmamahalan sila.... nasasabik sila sa isa’t isa at alam namin na aalagaan nila ang isa’t-isa..... kaso nga lang.. ang probelama ay....” di natapos ang sasabihin ni mama ng may sumingit na boses na nanggaling sa itaas na bahagi ng bahay.







“Ako ang problema....” pagtutol ni Jerick. “Hinding hindi ako papayag na magpakasal ang mahal ko sa lalaking nagdulot ng pagdurusa sa akingb minamahal..... payag pa ako sa iba...wag lang jan sa Hayop na yan.....” sabi ni Jerick. “Anak.... tumigil ka jan... mahiya ka nga sa sinasabi mo... nakakhiya sa bisita....” sabi ni mama. “Hindi ninyo kasi naiintindihan mama... amhal ko si Kyle... sobra... kung alam ninyo lang ang pinagdaanan ni nKyle sa mga kamay ni Vince.....” sabi ni mama. “Lahat ng iyon pinagsisihan ko na... di ko sinasadya yun... ata alam yan ni Kyle....” sabat ni Vince. “Ikaw na lalaki ka.. umalis ka sa pamamahay namin... umalis ka..... di kita kailngan dito sa teritoryo namin... alis ka... hayop ka... mang aagaw.... alis dito.... uamalis kaaaa......” pagwawala na lang ni jerick. “Vince... please.... leave muna kayo... di pa to ang oras...” sabi ko kay Vince. At walang iabang magawa sila kundi ang umalis.






Para bang ng umalis si Vince ay nadala na rin pati ang puso ko. Nalulungkot ako sa paglisan ni Vince. Makalipas ang ilang sandali na paglisan nila, kinausap nila amma si Jerick. “Anak... kabastusan ang ginawa mo kanina... hindi ka anman ganyan.. ano ka ba? Ano bang nangyayari sayo... nabhihibang ka na ba?” sabi ni papa. “oo baliw na ako... baliw na baliw kay Kyle..... di ako papayag na amy ibang mang angkin sa mahal ko...” pagmamatigas ni Jerick. “Anak... tandaan mo... kapatid mo si Kyle... di kayo pwede.... naintindihan mo... MAGKAPATID KAYO!!!” mariin na sabi ni mama. Dahil doon, padabog na umakyat si Jerick sa kwarto at naiwan kami na napamaang na nakikita ang nangyayari.






Buong araw nagkulong si Jerick sa kwarto niya. Nag alala ako kaya nagdesisiyon akong dalahan ng pagkain si Jerick ng hapunan dahil na rin sa hindi siya kumain ng agahan at tanghalian. Ilang araw na din siyang di kumakain ng tama. Baka magkasakit na siya. “ma, ako na po ang bahala...” sabi ko kay mama.





Medyo kinakabahan ako habang papalapit na humahakbang sa kinaroroonan ni Jerick. Kumatok ako ng mga ilan at may anrinig akong tumugon. “Umalis na kayo.. di ko kailngan ng pagkain... itapon niyo na yan...” sabi ni jerick sa likod ng pinto. “Jerick ako to.. si Kyle...” sabi ko. Narinig ko ang pagmamadali ni Jerick na pumunta sa pinto at binuksan iyon. Pagkabukas nun, hinigit agad ako ni jerick at pilit pinapasok sa kwarto at agad anman iyong ikinandado. “Dahan dahan, baka matapon...” sabi ko sa kanya dahil sa pag mamadali na ginagawa niya sa paghila sa akin. “Buti napabisita ka mahal ko.. namiss kita...” ibinaba niya ang dala ko at niyapos ako ng kay higpit.






Napaluha ako sa nakitang kalagayn ng kuya ko. Napayakap ako ng mahigpit. Di ko mapigilan ang panggilan siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg at pag gala ng kanyang mga kamay. Kinabahan ako kaya nagpumilit akong kumalas. Sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap hanggang sa itulak niya ako sa kama niya at pumatong agad siya sa akin. Nagpumilit akong bumangon. Hinalikan niya ako sa mga labi at dahasang hinubad ang kaing mga damit. Di ako makagalaw. Di rin makasigaw. Parang isang uhaw na barta si kuya sa kanayng inasta. Dahil sa nakita ko, di ko mapigilan ang humagulgol habang ang kuya ko ay walang sawang pinag hahalikan ang aking katawan. At muli, sa di inaasahan, wala akong angawa kundi ang magpaubaya sa sensayong nadarama ng aking kawawang kuya. Kahit na masakit sa aking kalooban, nagpaubaya ako sa huling pagkakataon. Naranasan ko muli ang pasukin sa loob loob. Nakita ko ang kaginhawaan sa kanyang mukha ng matapos na ang init na kanyang nadarama. At yun na nga, pinagsaluhan anmin ang gabing mainit.






Matapos ang nangyari, lupaypay na humiga sa tabi ko si kuya. Niyapos niya ako pagkatapos at hinalikan sa pisngi. Doon na niya napansin ang aking pagluha mula pa kanina. Natahimik si kuya. Minamasdan ang aking mukha na puno ng luha. Nakita ko na lang na pinagsusuntok niya ang pader. “Sorry...” narinig kong sabi niya. Alam kong umiiyak siya dahil sa garalgal na boses niya. “Okay lang....” sabi ko sabay tayo at pulot sa mga damit kong angkalat sa lapag. “Kuya,, masaya ka na ba? Nakuha mo na gusto mo? Ha.... kuntento ka na ba? Gusto mo pa ba? Sabihin mo lang... magpapaubaya lang ako..” sarkastong sabi ko sa kanya. Sa nangyari, pakiramdam ko isa akong pok pok. Umiiyak pa rn ako dahil sa nararmdaman ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Patawad.... nababoy pa kita..... daig ko pa ang gumawa ng krimen... sorry na... mapatawad mo sana ako.... pasensiya. Sorry na.... nawala ako sa sarili ko... dahil sa pag ibig.....” sabi ni kuya. Tinulak ko siya. “Hindi yan dahuil sa pag ibig... dahli yan sa hindi mo pagtanggap sa mga nangyayari.”sabi ko sa kanya. “Masisisi mo ba ako? Mahal kita... hindi kita maialis sa akin.... mahal na amahl kita...” sabi niya. “Pero magkapatid tayo kuya... tandaan mo yan... alman at dugo... magkadugtong... nanggaling sa isang sinapupunan....” sabi ko sa kanya. Natahimik siya.






“Palibhasa... hindi mo ako mahal..” nasabi niya ilang saglit matapos manahimik. “Kuya... mahal kita.. mahal na mahal... pero alam natin na di pwede.... nagpapasalamat ako na dumating ka... nagpapasalamat ako na nandiyan ka noon.. at higit sa lahat... nagpapasalamat ako dahil ibinigay ka sa akin ng Panginoon... pero kahit ganun... hindi naman ibig sabaihin na hindi na tayo maaring magmahalan...” sabi ko sa kanya. “Bakit... papayag ka na maging tayo ng palihim?” isang may siglang pananlita niya. “Kuya... pwede ba... iwaksi mo na sa isipan mo ang maging tayo.... kuya.. sa mata ng ating mga magulang, iligal tayo... hindi maaaring maging tayo.. tandaan mo yan kuya....” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang panlulumo sa kanyang mga mukha. “Kuya... maari tayong magmahaln bilang magkapatid..... kuya.... kung alam mo lang... matagal na akong maghahanap ng kalinga ng isang kuya... naghahanap ng kuya na masasandalan... magaalaga sa akin... at magmamahal..... at napakasuwerte ko kung ikaw yun kuya....” sabi ko sa kanya.






Labis na katahimikan ang namuo sa aming dalawa. Dahil doon, ninais ko na umalis na lang pero ng palabas ana ako, bigla akong niyakap ni kuya. “Pasensiya ka na bunso ha.... napakaselfish ni kuya... sorry talaga.... di ko iniisip mga ginagawa ko.. sorry ha... di ko sinasadya... di ko na po uulitin.” At naramdaman ko na natanggap niya ang lahat. “Kuya... ibig sabihin ba nito, tanggap mo na ang lahat?” tanong ko. Isang ngiti at tango lang ang iginanti niay sa akin. Niyapos ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. “Bunso.. wag kang ganyan, baka matukso ako ha.... nako... iwas iwasan....” sabi niya at nagtawanan kami. “Kaw talag kuya... dahil jan... may reward ka sa akin...’ sabi ko sa kanya. “Ano ba yan bunso... isang trip to 7th heaven ba yan?” tanong ni kuya na pabiro. “Adik ka talaga kuya..... m,ga iniisp mo.... ang reward mo ay... ako ang magpapakain sayo......” sabi ko. “Ay...ahahahhah... sige sige bunso.... at gutom na gutom na ako...” sabi niya.






Sinubuan ko siya. Sobrang natutuwa at nagagalak ang aking puso sa mga nangyari. Tapos na rin ang problema ko kay kuya. Nagkakwentuhan pa kami ng bahagya ng gabing iyon. Nagsorry siya kasi nga siya dahilan ng pagkakabangga ko. At marami pang iba. “Bunso,...salamt ha... mahal na mahal kita......” sabay halik sa pisngi. “alang anuman kuya,.. ikaw pa....malakas ka sa akin eh..basta yung pinagusapan natin ha.....” sabi ko sa kanya. “ok boss... hehehe...” sabi niya. “I love you kuya...” sabi ko. “Love you too.... good night...” “good night din...”







Pag gising kinabukasn, ibang Jerick na tumambad. Ang dating walang buhay, ngayon ay punong puno na. Nagulat ang lahat sa malaking pagbabago na naganap. “Good morning sa lahat.... good moring anak... good moring mama... papa.... at higit sa lahat... good morning sa pinakamamahl kong kapatid.....” halos natulala silang lahat. “Wow... nice... astig ka kuya ah...ahahha... fresh na fresh...” sabi ko sa kanya. Ang lalakas ng boses naming dalawa. Para bang nasa may matao kaming lugar na hindi magkarinigan. “Natutuwa ako at ayos na ulit ang pakiramdam mo. At isa pa, nagagalak ako na tanggap mo na na kapatid mo si Kyle.” Sabi ni mama. “Naku ma, ok na ako. Pasalamat nalang dito kay bunso. Hahahahah. Kung di dahil sa kanya, malamang nagmumukmok lang ako jan sa tabi... dami ko narealize sa mga sinabi niya at dami kong natutunan. Kaya thums up ako sa kanya.” At nagkatuwaan kami. Pati si Jude Chester ay tuwang tuwa. Ok na kasi ang lahat at mapayapa na ang kanyang kalooban.






Ilang araw na din ang nakakalipas pero di na rin nagparamdam si Vince. Siguro pinapalamig pa lang niya ang pagkakataon. Di ko mareach ang phone niya. Ilang ulit ko na siyang tinatawagan pero wala talaga. pAtay ang cellphone niya at pati yung sa mga magulang niya. Nag alala tuloy ako at nangamba na baka nangibang bansa na siya. Pero bakit ganon na alng ang kaba ko. Di ko mawaglit sa isipan ko nabaka niloloko na naman niya ako o di kaya ay sumuko na siya. Paano kung nakakita na siya ng iba na mas matimbang sa akin. Dahil sa mga isipin na yon, naging matmlay ako. Naging sensitibo.






Habang tumatakbo ang araw, di ko na siya napapansin pumasok. Kaya nagtanong tanong ako. Nalaman ko na magkaiba an kami ng session ng pasok. Dahil nga second semester eh yun na nga iba na ang schedule niya. Labis akong nagdalamhati at nagdamdam sa bagay na iyon. Para ba akong sasabog na bola dahil sa aking nalaman. Ano ba ang ginagawa mo sa akin Vince. Gusto lang kita makita, mayakap at mahalikan. Kung ayaw mo na sa akin, sana nagpasabi ka na lang. Hindi yung iiwanan mo ako ditong nakatunganga at walang magawa kundi ang hintayin kita. Pero kahit ganon, di pa rin nawawala ang aking pag asa na babalik siya at yayakapin niya akong muli.






Paalis na ako nun para puntahan si Vince sa bahay nila ng makasalubong ko si mama. “Anak, san ka pupunta?” sabi ni mama. “Pupuntahan ko lang po si Vince. Lately di na po kami nagkakausap. Gusto ko lang po siya makasama kahit saglit. Namimiss ko na po talaga siya.” Nagingilid na ang luha ko sa aking mga mata. “Sige anak, kaso kailanagn mong umuwi ha ng maaga. Wag ka ng dadayo pa ng laguna. Kasi may pupuntahan tayo mamaya. Kailangan ka doon ha. Anak maasahan ba kita jan?” tanong ni mama. “opo... i promise...” sagot ko.





Daig ko pa sa maagap na alas sais ang umalis ng bahay. Habang nasa byahe papuntang bahay nila Vince, excited ang nararamdaman ko. Para bang sasabog na bomba. Gustong gusto ko ng sabihn sa kanya na ok na ako. Ok na kami ni kuya. At higit sa alhat pwede na kaming dalawa. Di magkamayaw ang tuwa sa aking mga puso at ngiti sa aking mga labi. Sobrang tumatalon ang aking puso sa saya. Ngunit muli, bigo na naman akong biguan. Napag alaman ko na wala sila Vince sa kanilang bahay. Lalo akong nalungkot ng malaman ko na nagpaplano silang mag anak na umalis papuntang ibang bansa kasama ang magiging asawa ni Vince.






Doon ako labis na nasaktan ng marinig ang salitang “magiging asawa ni Vince”. Para akong tinusok ng ilang milyong karayom sa sakit. Luhaan akong umuwi sa amin. “Bakit Vince... bakit mo ako sinaktan ng ganito. Gusto kong malaman ang katotohanan mula sa iyo.” Bulong ko sa sarili. Biglang tumunog ang phone ko habang nasa bayahe ako pauwi. Galing kay Vince ang tawag kaya sinagot ko agad. “Hello...” sabi nya. “Mahal ko... bakit ngayon ka alng tumawag? Nag aalala ako sa yo. Ang dami kong gutsong itanong at sabihin sa yo...” sunod sunod na sabi ko. “Hinay hiany lang... usap tayo mamaya. Ininvite ako ng mama mo na sumama sa family gathering ninyo. Doon tayo magusap ha... bye...” biglang baba ng phone. Lalo akong naghisterikal sa nangyayari. Doon ko napagtanto na baka ang saasbihin ni Vince sa akin ay magpapakasal siya sa babaeng inakuan niya ng bata.






Dama ang lungkot sa aking mata habang papunta kami sa lugar ng pupuntahan namin. Dama ang kakaibang lungkot ng aking presensiya. Di na alng ako iniimikan nila amma dahil alam nilang may pinag dadaanan ako. Sa isang megamall pala kami pumunta. Doon pala ag gathering. Kala ko naman kung saan. Pagpasok palang, kakaibang pagbati agad ang salubong sa amin. Todo ngiti at todo bati. Sabi ko sa sarili, wow, cheerful mga guard dito. Pansin ko ang mga nakasabit na banners sa mga dingding na kalagay na “Im so sorry.... I love you so much.” Bigla tuloy akong nanghina habang iniisip ko si Vince. Habang naghihinaty kami sa waiting area, biglang tumunog ang paging. “Paging.... paging Mr. Kyle Arcanghel, please proceed to the Third floor please.... again, paging Mr. Kyle Arcanghel, please proceed to the Third floor please... thank you...” nagulat ako ng tawagin ang pangalan ko. Hbanag paakyat kami ng escalator, may lima na tao na may dalang cardboard at isa isang ibinuklat yun at iniharap sa akin. Nakalagay ay I love you Kyle by Vince. bigla akong nabuhayn ng loob. Nagtatalon ang aking puso sa nabasa ko.






Paakyat na sana ako ng Second floor ng may mga abtang may dalang teddy bear at roses para sa akin. At sa may taas ng third floor, bumungad sa akin ang banner na nakalagay ay I LOVE YOU KYLE... MAHAL NA MAHAL KITA MAHAL KO.... Di ko alam kung anong saya ang mararamdaman ko. Pati sila amma ay ngumingiti na lang. Para bang mas kinikilig pa sila. “Anak... kinikilig anman kami....” sabi ni nanay. At ng makarating kami ng Third floor, doon ko nakita ang isang daan na may red carpet papunta sa amy isang lugar. Doon kami dumaan. Nakakita ako ng maraming tao. Habang naglalakad ako eh biglang tumunog ang isang kanta. Naiiyak ako ng time na iyon. Di ko akalain na ganito pala ang surprise niya sa akin. Katabi ko si kuya na seryoso lang. Di ko alam kung ano ang reaksyon niya. Hanggang sa makita ko si Vince na nag aabang sa isang tabi. Nakangiti at sobrang saya. Bbigla naman akong kinapitan ni kuya. “Tandaan mo... pagsinaktan mo ang kapatid ko.....ako ang makakharap mo... tandaan mo yan.....”sabi ni kuya. “Oo naman... mamahalin ko yan ng sobra sobra. At iingatan ko dahil siya lang ang kayamanan ko.”







Natouch ako sa sinabing iyon ni Vince. sabik an sabik ako kaya Vince akay agad ko siyang Niyakap at hinalikan. Naramdaman ko din ang higpit ng yakap niya sa akin. “Mahal ko... kung alam mo lang ang pagtitiis ko sayo.... sobra akong nasasaktan habng inilalayo ko ang sarili ko sayo. Kung alam mo lang.... mahal na mahal kita Kyle ng buhay ko.. ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba....” sabi ni Vince. napaiyak ako habng sinasabi niya iyon sa akin. “Akala ko iiwan mo an ako.... huhuhu.....salamat mahal ko para dito.. akala ko talaga di mo ana ko mahal... dami ko inisip pero still di pa rin ako nawalan ng pag asa... mahal na amahl kita....” at doon naghiyawan ang mga tao sa amin. Para bang mga audience sila na nanonood ng shooting.






“Alam mo ba na kuya mo ang nag isip nito... akala ko pa nga nung una talagang sinadya niya na di kita makita...pero kasama pala ito sa plano....” at nginitiian ko lang siya. Sabi ko kaya pala kakaiba ang ikinikilos ni kuya. Siya pala ang pasimuno. Naku naku. Maya maya biglang lumuhod si Vince ng bahagya at naglabas ng isang singsing galing sa bulsa. “Kyle ng buhay ko... mahal ko...... WILL YOU MARRY ME?” nagulat ako sa inasta niya. Nagsitahimik ang lahat at hinihinaty ang sagot ko.






“Im sorry..... pero.... kahit di mo ako tanungin mo... OO pa rin ako... yup... I will marry you.... mahal na mahal kita...” sagot ko. At naghiyawan ang lahat sa sinabi ko. Ito na ang araw na hinding hindi ko makakalimutan sa lahat. Nagkaroon ng koonting pagsasalo. Nakita kong andun sila Jonas, Patrick, Richard, Mark at iab pa naming mga kaklase. Andun din sila Anna. Yung iab naming kaklase sa college eh sobrang nagulat sa amin. Pero aniintindihan naman sila. Maghihintay pa kami ng apat na taon para lang makasal. Kasi kailngan naming makatapos ng pag aaral. Ok na rin yung magiging baby namin ni Vince. ready na niyang ipaampon yung bata. Di naman kami nagsasara ng pintuan sa kanya sa aming pamilya. Nagbabalak din kaming magartificial insemination pero etong kalokohan ni Vince eh mas maganda daw kung natural, swak na swak daw. Tsk tsk.





Naging maayos ang pagsasama naming dalawa. Sa hirap amn o ginhawa, sa lamig man o init matatag pa rin kami. Naghihintay nalang ako na makasal ako. Eto na yata ang buhay na inaasam-asam ko. Lahat nasa akin na. At pasalamat ako sa Poong Panginoon. Sobra akong natutuwa at nagagalak dahil ibinigay niya sa akin ang CAMPUS FIGURE ng buhay ko......




(Wakas)

Thursday, May 12, 2011

Campus Figure- Part 31

Sa lahat po ng sumusubaybay sa Campus Figure, maraming marming salamt po. nalalapit na po ang pagtatapos ng story na to. pagpasensyahan ninyo po kung natatgalan akong mag post... dami po kasing mga ginagawa.... salamat po ng marami....


Olweix hir....


D.K




_____________________________________________________________________________


Nang makita kong nakaupo si Jerick sa sofa at nakatungo ang mga mukha, kakaibang kilabot ang aking nakita. Naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Nang mag angat siya ng mukha, gayon an lang ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakita kong nag iba ang expresyon ng mukha niya ng makita niya si Vince sa aking tabi. “Anong ginagawa ng gagong lalaking iyan dito? Umalis ka dito.......... umalis ka.. ikaw ang dahilan... ikaw...ikaw.....” pagwawala ni Jerick.






Pinigilqan siya nila tito at tatay sa pagwawala. ‘Umalis ka dito sa pamamahay namin... wala kang karapatang tumuntong dito... ayokong makita ang pagmumukha mo... umalis ka dito... ngayon na... umalis ka dito... lumayas ka... ikaw ang may kasalanan ng lahat.... kung hindi dahil sa yo...... sana ayos pa akmi ni Kyle... sinaktan mo mahal ko... at hinding hindi kita hahayaan na masaktan mo ulit siya....” pagsisigaw ni Jerick. “Aksidente ang lahat Jerick....” narinig kong sigaw ni Vince. “Mukha mo.... halika dito... suntukan na lang..... bakit ka ba nandito... nanggugulo ka na naman....umalis ka dito... hayop ka...” parang wala sa sariling sinabi ni Jerick. Napapiyak na lang si tita Mila sa mga nakikita niya. “Anak... ano ba... umupo ka muna jan.... andito si Vince dahil siya ang nag alaga kay Kyle... at gusto kong kasama siya sa pag uusap natin ngayon....” sabi ni Tito. “Pag uusap?... anong pag uusap?” parang wala sa sariling pagattanong niya. “Huminahon ka muna... umupo ka...... hinay hinay lang ha.....” pagpapahinahon ni Tito sa kanya. “Mama.... ano ba ito... anong pag uusap to... magsalita kayo...” tila naguguluhan si Jerick. “Anak.... may kailngan kayong malaman ni Kyle... importante ito... sobra.....” sabi ni Tita mila.






“Magsalita na akyo... sabihin ninyo na.....” sabi ni Jerick. “Anak....... magkapatid kayo ni Kyle.....” tila bomba na sumabog sa aming harapan ag sinabi ni Tita Mila. Nakita ko ang reaksyon ni Jerick. Tinitigan ko ang mukha niya na may tila kakaibang expression. “Mama... naghkakamali kayo.. paanong magiging kapatid ko si kyle... ang layo anman.... mama hindi pwede yon..... sabihin ninyong nagkakamali lang ako ng rinig mama.... sabihin ninyo....” parang batang nagmamakawa si Jerick. “Anak... totoo sinasabi ko......” bigla nalang humagugol si Tita Mila. “Pero mama paano...” nakita kong umiiyak na din si Jerick kaya pati ako napaiyak na. “Nung baa pa si Kyle... sa di inaasahang pagkakataon.... nahiwalay siya sa piling natin. Naghihirap pa tayo noon... di pa tayo mayaman.... dahil noong panahon na iyon, nakaangat sa buhay sila Hilda... inihabilin ko muna si Kyle sa kanila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap ng buhay... wala na akong mapagpipiliin kundi ang ihabilin siya at ipaampon. Wala pa ang tatay mo noon. Iniwan niya tayo. Walang wala tayo. Hanggang sa hinayaan ko an si Kyle sa piling nila Hilda. Nagsumikap ako. Nagtrabaho ng ayos, hanggang sa makilala ko ang iyong ama ngayon. Siya ang tumayong ama sa iyo. At dahil na rin sa gusto kong kunin na ang anak ko, binalikan ko sila Hilda. Pero nabalitaan kong lumipat na pala sila ng tir ahan dahil sa pagdemolish ng abhay nila sa lupang kinatitirikan. Nawalan na ako ng pag asa. Nabalitaan ko na angkagulo daw ng mga panahon na iyon at isa sila Hilda at ang asawa niya sa nakibaka upang isalba ang lupang tinitirikan. Marami ang namatay dahil sa nangyaring iyon. Hindi ko rin natagpuan sila Hilda. Patuloy pa rin kami sa pag hahanap sa mga tagpong iyon. Pero lumipas ang maraming taon.... hindi na muli naming nakita ang iyong kapatid na si Kyle...” pagkwento ni Tita Mila sa amin.







“Pero nay... bakit ninyo inilihim sa akin ito.... bakit ninyo itinago ang kakatotohanan?” pagtatanong ko kay nanay. “Natakot ako anak... na abka magbago ag pakikitungo mo sa amin.... pati hindi ka na binalikan ni Milagros sa amin.... kaya sabi namin, ituturing ka na naming isang tunay an anak....” sabi naman ni nanay. “napakagulo na ng sitwasyon,.... marami na ang nangyari..... di ko inaasahan na magkapatid kami ni Jerick...” pahayag ko sa kanila.






“Mama.... hindi pwede.... hindi kami magkapatid ni Kyle... mama... may namamagitan sa amin ni Kyle...... hindi pwede na magkapatid kami.. may nangyari sa amin.... hindi pwede...” pag hahagulgol ni jerick. “Anak? Ano bang nagyari sa iyo.... hindi ako makapaniwala sa nalaman namin... may nangyari sa inyo?” biglang sabat ni Tita Mila. “oo mama... may nangyari sa amin... may namamagitan sa amin..... sa katunayan.... kami na..... Monthsary namin noong panahong iyon ng maaksidente si Kyle.... hindi ako papayag na maging magkapatid kami ni Kyle.” Sabi ni Jerick. “Hindi pwede..... hindi ako makakpayag...... kung may namamagitan man sa inyong dalawa, kailngan na ninyong putulin yan.... Kuya ka niya Jerick, anak..... di kayo pwede... maiintindihan ko kung amhal mo siya kung hindi kayo magkapatid... papayag ako na maging kayo..lumigaya ka lang...pero anak... magkapatid kayo...sa dugo’t laman... hindi maari yang gusto mo.....” pagtutol nito sa amin. “Hindi rin ako papayag na paghiwalayin ninyo kami. ... hindi... mahal ko si Kyle.... mahal na mahal.” Sabi ni Jerick. “Anak... hindi pwede..... isa pa.... tutol kami.... magkapatid kayo.... matatnggap pa namin kung hindi kayo magakpatid..... sana maintindihan mo.....” sabi ni Tito. “Hindi papa... hidning hindi ako papayag..... lalo na kung mapupunta pa siya sa piling nga hayop na lalaking iyan.. hindi ako papayag...” sigaw ni Jerick.






Nagulat ang lahat sa narinig mula kay Jerick. “Anak... may namamagitan ba sa inyo ni Vince? Magsabi ka ng totoo... meron ba?” tanong ni Tita Mila. “Opo.... matagal na po.... ex ko siya.... matagal nang panahon ng maging kami..” sagot ko. “Ano bang buhay ito... hindi ko kayo maintindihan....mga abta kayo... ano bang klaseng panahon meron ngayon... kapwa lalaki nag iibigan.....” sabi ni Tita. “Kaya ako anndito rin ngayon..... oo nakakagulat po na malaman na mayroon kaming relasyon ni Kyle dati... alam ko pong mahirap... pero ako na po ang nagsasabi.... mahal ko po Si Kyle.. hanggang ngayon...... handa ko siyang ipaglaban sa inyo....... ngayong nalaman ko na magkapatid sila.... nabuhayan ako ng loob..... mahal na amhal ko ang anak ninyo..... alam yan nila Nanay Hilda at ng mga magulang ko... legal kami both sides..... at sa pagkakataong ito... hinihingi ko ang kamay ng inyong anak upang pakasalan....” pahayag ni vince.






Ang lahat ay lalong nanlaki ang mga mata. Nagulat sa sinabi ni Vince. Hinihingi niya ang aking kamay upang pakasalan. Kakaibang kiliti sa damdamin ang naramdaman ko sa sinabi niya pero ganun din ang kalungkutan sa side ni Jerick. “HINDI........” sigaw ni jerick. “Mama..... nagmamakaawa ako... wag mong hahayaan na magkatuluyan sila... nag mamakaawa ako... papayag ako na sa ivbang lalaki mapunta si Kyle wag lang kay Vince.... handa akong tanggapin ang lahat wag lang kay Vince... amam.. please... wag kang papayag.......” sabi ni Jerick. Hindi makasagot si Tita Mila. Natutulala siya sa mga nangyayari. “Jerick..... kailngan mo munang tanggapin na magkapatid kayo ni Kyle.... at wala akong magagawa kung magkataon man na pumayag si Kyle sa proposal ni Vince. .... at ayokong humadlang sa kaligayahan nila.....” sabi ni Tita Mila. “Pero Vince..... wag ka munang magmadali.a.. kumplikado pa ang sitwasyon,.... maari bang ipagpaliban mo muna ang pag hingi sa kamay ng aming anak... gusto pa namin muna siyang makasama......” dagdag pa ni tita. “Pero amma.... bakit ganyan ka... pumapayag ka na magkatuluyan kami... intindihin naman po ninyo ako..... wag ninyo silang hayaan magkatuluyan..... nagmamakaawa ako........” naawa ako sa kalagayan ni Jerick. Para siyang isang abata na inagawan ng candy.






“Naguguluhan po ako sa mga nangyayari...... gusto ko na pong magpahinga....:” ang tanging nasabi ko para matapos ang usapan. “Sige anak... saka na lang muna natin pag usapan ito.... kailngang magpahinga ka an muna.....” sabi ni Tita. “Sige na Vince,... sa ibang araw ka na lang bumalik.....” sabi ni Tito. Bigla nalang akong niaykap ni Vince at hinalikan sa pisngi. “Mahal ko.. babalikan kita ha.... magpahinga ka na jan...” at sabay alis ng bahay. “Wag ka ng bumalik dito.. hayop ka....” sigaw ni Jerick. Naawa ako sa kalagayn ni Jerick, alam kong napakahirap sa kanay ng lahat ng nangyayari. Nagpahinga ako ng panahong yun. Mas nanaisisn ko ang mag muni muni muna. Pinatulog nila Tita Mila sila nanay sa guest room. Naguguluhan na rin pati ako sa mga nalalaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin.






Ilang linggo na ang nagdaan at nakikita ko ang malaking pagbabago kay Jerick. Nag mumukmok na siya sa kanyang kwarto. Minsan na lang kung kumain. Naapektuhan na rin pati ang kanyang anak na si Jude. “Daddy..... naaawa na po ako kay daddy..... di na rin po niya ako pinapansin... lagi niya akong tinataboy.... ano po ba ang nangyayari kay daddy......” pagrereklamo na sa akin ni Jude. “Ako na ang bahala sa kanya anak... sige na... kain na jan....” sabi ko sa kanya. Pero wala pa rin akong kaalam alam at idea kung ano ang gagawin sa kanya.






Nasa may garden ako ng mga oras an iyon ng biglang umupo sa tabi ko sila Tito at tita. “Ano ginagawa mo jan anak?” sabi ni Tita sa akin. “Wala naman po Tita... nag iisip isip lang po.” Sagot ko. “Anak... wag kang mahiyang tawagin akong mama.....” sabi nito sa akin. “medyo naninibago lang po ako.......pero hayaan po ninyo at matututunan ko din po.....” sabi ko sa kaniya. “Sa akin din.... ituring mo na rin akong tunay na ama.....” sabi ni Tito. “Ok po....heheh..” sabauy ngiti sa mga ito. “Anak... patawarin mo ako sa mga kasalanan ko na nagawa sa iyo ha....... kung hindi lang talaga mahirap ang sitwasyon natin.... sobrang naawa lang talaga ako sa ation kaya mas naisip ko na ipamigay ka..... mahal na amhal kita... tandaaan mo iyan.... hinanap kita buong buhay ko... para akong nawala na rin ng buhay ng mawala ka sa amin...... pasensiya na talaga.....” sabay iyak. “Ma, naiintindihan ko naman po... wag po kayong mag alala...... alam ko naman po ang point ninyo kung bakit po ninyo ako ipinamigay..... at tanggap ko po iyon..... kaya wag na po kayong mag alala.. napatawad ko na po kayo....” sabay yakaap kay mama.






“Napaka swerte ko at nagkaroon ako ng isang naka na tulad mo...... basta kung anum,an ang gusto mo....ibibigay ko... tandaan mo iyan..” sabi ni mama sa akin. “Opo......hehehhe...” nasabi ko na lang. “Nga pala anak.... kwentuhan mo naman kami tungkol sa inyo ni Vince....” tanong nito sa akin. “Nakakhiya po...” sabi ko. “Nako anak wag ka ng mahiya.. tanggap ka namin ng mama mo kung ano ka...” sabi ni papa. “Salamat po at natanggap po ninyo ako..... madami na po akong napagdaanan... sa una... tumutol din sila nanay at tatay pati na rin sila Tita Rose at Tito Marco. Magkakalase po kami ni Vince. President ako ng student council at isa anmang isang war freak student si Vince. Sa una nagkalabuan kasi nga laging magkaiba yung side nya sa side ko. President ako tapos war frea siya. Hanggang sa isang araw, natagpuan na lang po namin ang sarili po namin na minamahal na po ang isa’t isa. Then yun po, dami ng mga problema na pinagdaanan.... kaso po ang pinakamasakit po eh yung naghiwalay kami..... may isang babae po kasi na biglang pumunta sa abhay nila at nagsabing buntis po siya kay Vince kaya ayon po, pinili ko pong lumayo at napadpad po ako dito ng mabangga po ako ni jerick. Tapos yun po, sa di iniaasahan po, minahal din po namin ang isa’t isa. Hanggang sa dumating ulit po si Vince at sinabi na hindi siya ang aman ng dinadala nung babae...” marami pa akong kinuwento sa kanila. At sa hinaba haba ng sinabi ko, inabot kami ng ilang oras.






“Napakadami mo na palang naranasan.... nalulungkot lang ako dahil wala ako sa tabi mo ng panahong iyon.... haist... pero masayang masaya na ako na kasama kita ngayon... buo na ulit tayo... at hindi na ako papayag na magkawatak watak pa ito..... magsisimula tayo kasma sila Hilda at ang tatay mo.....” sabi ni mama. “Salamat po mama.... sobra po akong natutuwa at natagpuan ko na rin po kayo.... ang pinoproblema ko na lang po eh yung kay Jerick.... naawa po ako sa kanya... alam ko po na sobra po siyang nahihirapan siya ngayon..... naawa po ako sa kanya... sa kuya ko po... di ko po akalain na magkapatid ko siya at kuya ko pala siya... matagl na akong nagahhangad na magkaroon ng kuya... at natupad na din pon iyon... sana po maayos na ang lahat po... hehehe...” sabi ko sa kanila.






“Hayaan mo matutupad din yan... wag kang mag alala....maayos din ang lahat...” sabi sa akin ni mama. “Sa ngayon.... ang isispin natin ay kung paano natin aayusin sa side ni Jerick...” sabi ni papa. “Ako na po ang bahala.....kakausapin ko po siya...” sabi ko. “sigurado ka ba?” tanong ni mama.”Opo...” patayo na sana ako ng may biglang sasakyan na dumating sa loob. Dahil nga rancho ang kinatatayuan namin, amlawak ito at maaliwalas. Nagulat ako kung sino ang sakay sa sasakyan na iyon, sila Vince, Tita Rose at Tito Marco.





“Kyle... anak.. kamusta ka na... nabalitaan ko nangyari sayo.... hope your okay na.....” sabi ni tita Rose. “Salamat po... Nga po pala mama, papa, Sila Tita Rose at tito Marco.....” pakilala ko sa kanila. At nagkamayan naman po sila. “Buti naman at napasyal po kayo dito...” sabi ni mama. “Bale... gusto lang po sana naming makipag usap sa inyo.... tungkol kay Kyle at Vince...”




(Itutuloy)

Friday, May 6, 2011

Campus Figure- Part 30

Derederetso lang siya sa pagmamaneho. Ni hindi kami naguusap. Dahil sa katahimikan, siguro nakaramdam siya kaya binuksan niya ang radio. Mabilis naman ang takbo namin kaya after ng ilang minuto nakarating na kami sa pupuntahan ko. Buti alam niya yung lugar na iyon. “Salamat Vince ha....” sabi ko. “Walang anuman.... enjoy your night...” at yun nga umalis na siya. Alam kong may halong lungkot ang kanyang mga mata ng sabihin niya na enjoy your night. Pero di ko na muna piannsin yun. Hinanap agad ng mata ko si Jerick. Pero yun na lang ang sinalubong ko ang nakangising mukha. “Happy monthsary mahal ko....” sabi ko sa kanya. Pero di man lang siya umimik. “Tara uwi na tayo....” yaya niya. “Huh? Kadarating ko lang ah....” sabi niya. Sabay tayo at labas. “Ano ba....bakit ka ba ganyan?” tanong ko. “At ikaw.. bakit ka ba ganyan... kailngan bang ihatid ka pa ni Vince dito ha? Kailngan ba? Ano ba... special day natin to.... nawalan na ako sa mood....” sabi niya. “Hindi ako aalis dito..... ano ba... lagi na lang ba natin pagtatalunan to? Bakit ba? Argghhs...” sabi ko. “Kung ayaw mong umalis bahala ka jan...” at yun nga bigla niyang pinaandar ang kotse at tuloy tuloy na umalis.





Dahil sa pagkabigla, kandahabol ako sa kotse niya. Dahil na rin sa pagmamadali para mahabol ang kotse, di ko namalayan na may sasakyan pa lang paparating sa aking gilid sa aking pagatwid kaya ayon. “PPPPPPPPAAAAaaackkkkkkkkkkkk......” para akong nawalan ng pandama ng panahon na iyon. Tumalsik ako ng mga 2 metro mula sa sasakyan. Ramdam ko an nahihilo ako at maraming dugo ang dumadaloy mula sa aking ulo. Unti unti na ring umiikot ang aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.






Nasaan ako? Bakit puti lang ang nakikita ko? Patay na ba ako? Langit na ba ito? Pero paano? Yan ang tanong na bumungad agad sa akin. Ang naaalala ko lang ay nung tumakbo ako sa may kalsada at nabundol ako ng isang kotse. Kakibang sakit ang naramdan ko ng mangyari yon. Hinang hina din ako sa pagakkataong ito. Narmdaman kong parang umaandar ako. Nasaan ba ako. Bakit parang lumulutang ako sa kawalan at umuusod. Doon ko nagawang imulat ang mata ko. Hindi ko maibuka ng ayos ang aking mga mata. Nakita ko ang maraming nurse sa aking pakigid. Nakita ko rin si Jerick na hawak hawak ang kamay ko. Pero bakit ganun, hindi ko maigalaw ang katawan ko? Bakit parang ayaw nitong sumunod sa akin.







“Kyle.... tibayan mo lang..... malapit na tayo sa ospital..... pasensya ka na sa akin...” sabi ni Jerick sa akin habng patuloy pa rin ang pag iyak. Hindi rin ako makapgsalita. Pilitin ko man, pero para bang napipi ako sa pagkakataong iyon. Ng lingunin ko ang aking mga kamay, nakita ko ang karamihan ng dugo na nasapo ng aking kamay. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko, pati na rin ang kirot sa aking ulo. Sa panahong iyon, hindi ko na alam ang ggawin ko, nahihilo ako. Hindi ko alam kung paano pang baling ang gagawi ko. Hanggang sa anmalayan ko na lang na nawalan ako ng malay.







“Buti gising ka na Kyle....” sabi ni Tita Mila. Nanibago ako sa nakapaligid ko. Subukan kong mang tumayo pero sadyang di ko kaya at lalo pang sumakit ang mga pasa at sugat ko sa katawan. “O... wag ka ng tumayo....” sabi ni Tita sa akin. “Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng malaman ko na naaksidente ka. Bigla akong natakot... akala ko mawawala ka na........ naku....” nakita kong tumulo ang luha ni Tita. “Uhhmmm.... Ti....Tita.... taha..an na...po.....” ang tangi kong nasabi. “Hayaan mo na muna ang tita mo... minahal ka an kasi niya na parang sarili niyang anak.... naalala lang niya yung nawalay naming anak.... kasing edad mo din siya... at isa pa.... tinuring ka na niyang anak kaya ganun na lang ang pag aalala niya sayo....” sabi ni Tito. “Asan p...po.... si Je....riick....?” tanong ko sa kanila. “Nasa bahay na siya... nagmumukmok na siya doon... sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa yo....” sabi ng mga ito. Hindi na ako nakaimik.







Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang aking mga amgulang pati na rin si Vince. “Anaaaakkk...” sigaw ni nanay. “Anong nangyari sa yo? Bakit ka angkaganyan.... salamat sa Diyos at maayos na ang kalagayan mo......” nakita kong umiiyak si nanay. Pati na rin si tatay umiiyak. Ng lingunin ko si Vince, nakita ko ang unti unting pagtulo ng kanyang mga luha. “Hilda?” ang tawag ni Tita Mila kay nanay. Biglang natigilan si nanay na para bang kilala niya ang tumatawag sa kanya. Pag lingon ni nanay agad itong nagsalita. “Milgros?... ikaw ba yan?” sabi ni nanay. Isang pagattaka lang ang aniwan sa aking isip. “Ikaw ang nanay ni Kyle? Huh?” tanong niya. Hindi nakasagot si nanay sa halip tumalikod siya at humarap sa akin. “Nnaay... magkakilala po...ppoo... kayo?” tanong ko. Lalong lumuha si nanay sa aking harapan. “Hilda.... sagutin mo ako..... ikaw ab ang ina ni Kyle.... siya lag ba ang nag iisang anak ninyo?” paghawak ni Tita sa mga balikat ni nanay. Inawat anamn ito nila attay at tito. “Oo... anak ko si Kyle...... at siya ang nag iisa naming anak....” mariing sabi ni nanay na patuloy sa pag iyak. “Nasaan ang aking anak..... nasaan na ba siya... siya ba... siya ba ang napahiwalay kong anak?” tanong ni Tita na humahagulgol.







“Te...ka po... nag..guguluhan ak...ko.. sa inyo..” ang nasabi ko sa kanila. “Anak... magpahinga ka na muna jan ha..... saka na tayo mag usap... kailngan mo ng pahinga....” sabi ni nanay. “Per...o nay ...gust...o ko mala..man ang totoo...” pagpupumilit ko. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa kalituhan na nangyayari sa aking utak. Natigilan ng sobra si nanay. “Hilda.... kailngan na nating sabihin kay Kyle ang totoo...” sabi ni tatay. “Anong totoo?” sabi ko. “Anak.... hindi ka namin anak.....” at doon ko naramdaman ang pagkahabag sa aking sarili. All this time.. ang akala ko anak nila ako... hindi pala... pero paano... paanong nangyari. “Nagsisinungaling kayo nanay...... anak ninyo ako.... paanong hindi ninyo ako naging anak..” tanong ko. Pinilit ko na ang sarili kong makapagsalita ng ayos kahit na sumasakit ang aking mga sugat. Dahil sa pagpupumilit kong tumayo, lalong namilipit ang mga sugat ko sa sakit na nagdulot ng pagsuka ko ng dugo. Dahil sa epekto ng pagkakabangga sa akin, maraming internal organs ko ang naapektuhan.






Nagpanic ang lahat. “Nurse... nurse... ang anak ko.....” tawag ni nanay. Nagkakagulo na ang lahat. Si Vince naman, pumunta na agad sa may tagiliran ng aking kama at yun, inalalayan ako. Inaasikaso niya ako at kitang kita ko ang pagkataranta niya. “Kyle.... tibayan mo loob mo...... easy lang kasi eh.... galaw ng galaw.....” nanenermon pa niyang sabi. Dahil sa nararamdamn kong sakit, nagblackout lahat na siyang nagdulot ng aking pagkawalan ng malay.






Nagising ako ilang araw matapos ang insidenteng iyon. Halos mag iisang linggo na ako sa ospital. Di ko pa rin magalaw ng ayos ang aking katawan. Inikot ikot ko ang aking paningin. Tulog lahat sila. Si nanay nasa may higaan na sofa, si tatay naman sa may upuan, nandun din sila Tito at Tita sa may isang kama na walang laman. Private room ang kinuha at pinaglagyan sa akin kaya solo ko. Sa may kanan ko, nakita kong hawak-hawak ni Vince ang aking kamay at nakaub-ob sa may kama. Nilikot likot ko ang aking kamay upang tugunan ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay. Dinama ko ang pagkakataon na hawak niya ang aking kamay. Dahil sa ginagawa ko, unti unting nagising si Vince. Nakita ko ang pagmulat niya ng mata. Ang gwapo pa rin niya kahit na bagong gising. At ng makita niya akong gising, nakita ko ang kakaibang sigla sa kanyang mga mata at mga labi. “Mahal ko... gising ka na... salamt naman sa Diyos.” Sabay yakap sa akin at halik sa pisngi. Nakita ko na ring nagsigisingan sila nanay. Bigla namang kumalas si vince sa akin. “Anak.. gising ka na.. sa wakas.... nag alala talag kami sa yo.. ano ang gusto mo? Kakin ka ba? May gusto ka bang inumin?” tanong ni nanay sa akin. “Nagugutom lang ako nay... gusto kong kumain...” sabi ko. “Ano gusto mo.... ipabibili ko... para sayo...” sabat ni Tita Mila. “Kahit ano po...” nasagot ko. Nakita ko ang pagkasaya sa mata ni Tita Mila. Naalala ko pa ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.






“Nay.... may gusto po akong itanong sa inyo tungkol sa aking pagkatao..... gusto ko po sana sagutin ninyo ng tama...” sabi ko sa kanila. “Anak... magpagaling ka muna.... nagusap na kaming lahat at sasabihin namin ang buong katotohanan pagkalabas mo ng ospital...” sabi ni tatay sa akin. At nakinig na lang ako sa kanila. Pagkadala sa akin ng pagkain, kinuha agad ito ni Vince at siya na mismo ang nagpakain sa akin. Sinubuan niya ako. Ang sweet sweet niya talaga sa akin. “Nga pala.... kamusta na yung paper natin? Pasensiya na kung di ako nakakatulong ah....” pagtatanung ko. “Adik ka talaga.. yun pa rin ang iniisip po.... wag ka ng mag alala boss..... tapos na ang paper natin at naipasa ko na... kaya ayon.... exempted tayo sa exams at may additional grade pa tayo dahil sa maagang pagpasa mula sa ceiling deadline...” pahayg niya. “Nakakahiya sayo.... ni hindi ako nakatulong sa yo.... pasensya na ha....... salamat din sa pag aalaga mo sa akin.....” sabi ko sa kanya. “Nga pala.... nasaan si Jerick?” pagatatnong ko. Parang sa pagtatanong ko, walang gustong sumagot. Kaya ako na ulit ang gumawa ng paraan para masagot nila yon. “Vince.... nasaan si Jerick... please....” pagmamakaawa ko sa kaniya.






Nakita kong tumingin na muna si Vince kila Tita Mila. At tumango lang ang mga ito. “Kyle.... sobrang depressed si Jerick sa nangyari... kaya... nagtangka siyang magpakamatay..... sinisisi niya ang sarili niya sa pagkapahamak mo... buti na lang at di na tuloy ang pagpapakamatay niya... nakita agad siya nila Tita Mila at naudlot yung balak ni Jerick na maglaslas.” Sa narinig ko, para akong nilukuban ng ibang espiritu. Di ko alam kung ano na ba ang gaagwin ko. Nalulungkot ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko naman sinisisi si Jerick sa mga nangyari. Napaluha na lang ako ng lagay na iyon. “Kamusta na po si Jerick, tita?” pagatatnong ko. “Okay na naman siya... wag ka ng mag alala.... ok na ok na siya.....kasama na niya mga pinsan niya.....” dahil doon, medyo napanatag na ako kay Jerick. Pero di mo pa rin maalis sa akin ang pag alala.






Tatlong araw pa akong nanatili sa ospital matapos kong magkaroon ng malay. Lumabas din ako sa ikatlong araw ng nasabing araw na iyon. Ayon sa resulta, may mga bahagi ng katawan ko ang lubos na naapektuhan. Pero magiging okay din naman yun sa mga ilang linggo. Di naman grabe ang impact ng pagkakabangga sa akin. Wala naman daw naapektuhan na buto. Mahihirapan nga alang daw ako maglakad sa mga susunod na araw dahil sa adoptation stage pa ako sanhi ng accident. Di na rin kami nagsampa ng kaso sa driver dahil in total, ako naman ang may kasalanan. Nakipagusap lang kami sa driver at naayos namna. Humingi kami ng dispensa sa driver dahil sa aberyang nangyari. Habang papunta kami sa bahay, kinakabahan ako. Ramdam ni Vince yon kaya hinawakan niya ang kamay ko. “Easy lang.. wag kang kabahan..... ready ka na bang malaman ang lahat?” tanong niya sa akin. “salamat sa pag comfort..... oo.. handa na ako.... natatkot lang ako sa magiging reaction ni Jerick.. kung matatanggap ba niya na magkapatid kami....” sabi ko. Malalim ang isip ko at lumilipad ito sa mga panahong yaon.






Si Vince ang umalalay sa akin papasok ng bahay. Sobra talaga akong natutuwa sa pag aalaga niya sa akin. Alam kong medyo naguguluhan sila Tita Mila sa mga inaasal ni Vince. Siguro naman may idea na siya sa aming dalawa. Kasama din namin sila anany at tatay. Habang papasok na kami, ganun na lang ang kaba sa aking dibdib. Para bang gusto ng lumubas nito mula sa aking katawan. Mahigpit na ang pagkaakhawak ni Vince sa aking kamay. “Andito lang ako....” pagpapalubag ng loob niyang sinabi sa akin.






Habang puamapasok ako sa loob ng bahay, para bang kakaiba ang atmosphere at lamig ng hangin na aking nararamdaman. Bigla akong kinilabutan. Para bang may multo sa aking tabi. Pinagpapawisan ako. Para tuloy akong hihimatayin. Nararmdaman ko ang mahigpit na pagkakahawazk ng akmay ni Vince sa akin. Naisip ko lang, hindi kaya magwala si Jerick pag nakitang magkasama kami ni Vince at magkahawak pa ng kamay. Pero ewan ba, kinikilabutan talaga ko.






Nang makita kong nakaupo si Jerick sa sofa at nakatungo ang mga mukha, kakaibang kilabot ang aking nakita. Naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Nang mag angat siya ng mukha, gayon an lang ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakita kong nag iba ang expresyon ng mukha niya ng makita niya si Vince sa aking tabi. “Anong ginagawa ng gagong lalaking iyan dito? Umalis ka dito.......... umalis ka.. ikaw ang dahilan... ikaw...ikaw.....” pagwawala ni Jerick.






(Itutuloy)