Sunday, March 27, 2011

Campus Figure- Part 27

sa lahat... ayon eto na ang continuation..salamt sa mga ngcomment...


Yhum... sorry po sa nanyari..... i love you..... advance po...mahal an amahl po kita....



Olweix hir...

D.K


_____________________________________________________________________________________



Dahil na sa hilong hilo na ako at napagod marahil sa kasasayaw, naisipan kong umupo at magpaalam kay Jerick. Bumalik ako dun sa inuupuan namin. Ilang oras akong nanatiling nakaupo dun at niallaklak ang alak na nakahain doon. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganun na lang ang naramdaman ko nung makita ko si Vince na may akto na ganun. Mga ilang sandali matapos mapagisip isip ng kung anu-ano, hinanap ng mata ko si Jerick.





Pero yun na lang ang gulat ko ng makita ko ang nangyayaring kababalaghan kay jerick. Hindi ko naatim na tignan ang pangyayaring iyon pero tila wala na akong kontrol sa sarili ko at hindi ko maiiwas ang mata ko. Tumulo bigla ang luha ko. Hindi ko alam na ganun ang gagawin ni jerick. Ang pinakamasakit na makita na may kahalikan na isang babae ang taong mahal mo. Akala ko iba siya, ganun din pala siya. Ganun na ganun. Bigla na lang nagbago ang tingin ko sa kanya. At ng makayanana ko ng kontrolin ang sarili ko, naramdaman ko na lang ang sarili kong tumatakbo papuntang labas ng bara at humahagulgol sa pag iyak.





Nang makalabas na ako ng bar, sa may parking lot ako nagpunta. Open ang field at rinig na rinig ko ang tugtog sa loob ng bar. Wala sa akin ang susi ng kotse kaya pinili ko ang maghanap ng maganda at komportable na lugar upang ialabas ang sama ng loob ko. Iyak lang ako ng iyak. Wala akong pakiaalam kung may makakita man sa akin. Pakialam ba nila, bakit sila ba ang bumubuhay sa akin, sila ba ang nasa kalagayan ko? Ano bang pakialam nila, mind their own business. Parang praning lang ako. Wala ba sa wisyo kung tawagin. Ilang sandali akong umiyak ng umiyak hanggang sa may lumapit sa akin at nag abot ng panyo. Tumayo naman ako upang kialalnin ang taong iyon at upang magpasalamat sa pagbibigay ng tulong. Pero laking gulat ko na lang ng makialla ang taong iyon.






Si Vince. Nagkatitigan lang kami, walang salita ang lumabas sa aking mag labi. Di ako makapagsalita. Tila napipi ako sa pagkakataon na iyon. Nakita ko ang sinserong mata niya na namumutawi sa kanyang mukha. Di ko amlaman ang agagwin ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng panahon na iyon. Maya maya nagsalita siya. “Ano tititigan mo na lang ba ang gwapo kong mukha?”






Ewan ko ba pero napatawa na lang ako ng sabihn niya yun. “Ang adik mo... naku ang kapal ha.. nag patawa ka pa..... sinong may sabing gwapo ka? San banda ha? Sa paa?” pang aalaska ko sa kanya. Pero deep inside ay nagsasabing “oo gwapo ka, kailnman di magabbago iyon...gahahahh”. “Yun ba talaga ang comment mo? Di ako naniniwala eh... heehehhe...” sabi naman niya. “Asus.... kapal mon talaga...pero anyway... thanks sa panyo ha.....” sabi ko sa kanya. “Your welcome my king...heheheh... its a pleasure na pagsilbihan ka... mahal ko.... heheh...joke lang...heheh” nagpapatawa siya pero alam kong idinadaan niya lang sa pagjojoke ang gusto niyang sabihin.






“Okay ka na ba?” tanong niya sa akin. “Oo...salamt sa patawa mo... heheheh....” sagot ko. “do you want to talk about it?” tanong niya. “Ahm... hindi na.. wag na muna... i want to enjoy your accompany muna... hahahahha.. namissed kasi kita weh...sobra...hahah joke lang...” sabi ko. Ewan ko kung bakit ganun na lang ang lumalabas sa bibig ko. “Ako rin naman eh.. sobra sobra.... hahahah.... kamusta naman ang buhay mo ngayon?” tanong niya. “Ayon.. okay naman...dami pinagbago....hahahah.. naging maaayos din aman... masaya at kuntento...heheheh...eh ikaw naman?” sagot ko. “Ahm...okay din aman... medyo magulo ng onti...hahahah.... pero nagsusurvive pa rin naman.....” simpleng sagot niya. “Ah..nice naman... hahahah.... sorry nung one time na nagkita tayo.... di ko sinasaday yun... medyo nadala lang ako ng emotions ko... kaya yun na lang” pagpapaliwanag ko. “Okay lang... tama ka naman at yun ang mali ko.... buti na lang at nasabi mo iyon at natauhan ako.... salamt nga pala.....” sabay hawak sa kamay ko. Kakaibang init ang naramdaman ko ng hipuin niya ang aking akmaya. Ewan ko ba pero kakaibang init ang ibinigay nito sa akin.





“Para saan ng salamat mo?” tanong ko. “Para dito....” sabay hawak sa may kwintas na ibinigay niya sa akin. “Ah.... siyempre tinutupad ko lang ang kahilingan mo... naging special naman kasi ito sa akin eh... pinahalagahan ko ito ng sobra at ibinalik ko sayo dahil alam kong di ako karapat dapat dito... pero yun nga..... ibinalik mo pa rin sa akin.” Sabi ko. “Eto rin ang panagako ko sayo....” sabay labas ng kwintas na ibinigay ko dati. Di ko inaasahan na suot suot pa rin niya ang kwintas na iyon. Ilang bwan na ang lumilipas ng ibigay ko sa kanya ang kwintas na iyon. Mula iyon sa inipon kong pera at ibinigay ko nung monthsary namin. “Nice naman..... suot mo pa rin yan.. salam.....” at di ko inaasahan na muli, sa puntomng iyon. Nagtagpo ang kanyang labi at ang sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng katawan ko sa tagpong iyon.






Para bang ang katawan ko ay ayaw ng humiwalay sa katawan ni Vince. Hindi ko napigilan ang lumaban at tumugon sa kanyang mga halik. Oo alam ko sa sarili ko, nagugustuhan ko ang nangyayarai. Pero tama ba ito? Nagtataksil ako kay Jerick, pero pinagtaksilan din ako ni Jerick. Sa tagpong iyon, naramdaman kong muli ang labi ng naging isang bahagi ng buhay ko. Tumulo na naman sa aking mukha ang luha ko. Luha ng kasiyahan, ewan ko kung bakit kasiyahan. Basta yun na lang ang naramdaman ko. Naramdaman ko ang unti unting pag gala ng kamay ni Vince sa aking katawan. Nagpaubaya lang ako sa ginagawa namin. Nawala na ang galit sa puso ko. Para bang ang sugat na ginawa niya ay nag hilom bigla. Pero ng tagpong iyon, biglang sumalungat ang isisp ko. Kahit sa panandaliang ginagawa namin, biglang inudyukan ako ng isisp ko. Kumalas ako bigla kay Vince.






Nakita ko ang pagkatulala ni Vince sa nangyari. Patayo na ako ng hilahin ni Vince ang kamay ko. “Kyle... sorry.. di ko napigilan.....” sinsero at buong boses niyang sinabi sa akin. “Okay lang... kasalanan ko din naman.... nagpaubaya ako sa ginawa natin...” tatalikod na sana ako ng yakapin ako ni Vince.





“Mahal na amhal pa rin kita Kyle. I want you to be back to mine... I want you back,... Kyle... I love you.... mahal na mahal kita.....sobra..... please... i beg you....” mula sa pagkakayakap, nakita kong lumuhod siya sa harapan ko at tila isang musmos na nagmamakaawa. “Vince... hindi na tayo pwede...dami na nating commitement sa buhay.... ako kay Jerick at ikaw naman dun sa anak mo.... diba sabi ko na sayo noon... hindi tayo pwede.... dahil nandyan na ang anak mo... Vince.. mag isisp ka nga....” medyo mataas na tono kong pagsaasabi. “Kyle..... sobra kitang mahal... oo sabi ko noon na panangutan ko yung sanggol, pero di ko siya pakakasalan.... at one more... kung ang kinakatakot mo ay ang commitment ko sa bata... wala ka ng aalalahanin pa?” pagpapaliwanag ni Vince. “bakit? Anong ginawa mo sa bata? Ha? Sabihin mo sa akin.” Tanong ko. “Easy lang mahal ko...... napatunayan ko na hindi sa akin ang bata..... niloloko lang tayo ni Elisa.... wag kang mag alala...... wala ng sabit sa side ko....” tuwang tuwang pagpapahayag ni Vince. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa hindi ko sinasadyang dahilan.






“Nagsisinungaling ka... sinasabi mo lang yan dahil gusto mong makawala sa nakaraan...... aminin mo na.. ikaw ang ama ng dinadala ng babaeng iyon.” Pag hihisterical ko. “Ano ka ba? Ako na nagsasabi... walang nangyari sa amin.... nung magkalasingan kami, hindi natuloy ang balak niya... gusto niyang akuin ko ang bata sa kanyang sinapupunan..... hindi mo alam ang nangyari.... kung sana hindi naging sarado ang isisp mo... malaman masaya tayo ngayon... malamang akin na akin ka.... hindi ako makakkapyag na hindi ko linisin ang pangalan ko.... di rin ako papayag na mapunta ka sa iba... akin ka lang... mahal na mahal kita.....” pagsusumamo ni Vince.






Natigilan ako sa mga sinasabi niya. Naguguluhan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba ngayon lang naglalabasan ang lahat. Kung kailan naipangako ko na ang sarili ko sa iba. Bakit ganoon na lamang ang nangyayari sa buhay ko. Matama kong hinaplos ang mukha ni Vince. Ngayon alam ko sa sarili ko at buong buo kong inaamin na mahal na mahal ko pa rin siya. Pero sadyang hadlang ang panahon, ang tadhana, para bang ayaw niya kaming pagsamahin. “Mahal na amhal pa rin kita Vince... hindi nawala yon... ano mang pilit ang gawin ko, patuloy pa rin ang pag apaw nito. Itago ko man, lumalabs din... pero.... huli na ang lahat... naipangako ko na ang sarili ko sa taong umalalay sa akin sa lahat ng paghihirap ko... siya ang nandiyang ng saktan mo ako... nandiyan siya upang maging sandalan ko.. kaya patawad Vince.....” ang tangi kong nasabi ko sa kanya. “Pero...Kyle... Mahal ko... alam natin sa isa’t isa na nagmamahalan tayo... ipaglaban natin ito..may magagawa pa tayo...please... give me another chance,...” lumuhod siya ulit sa harapan ko. “Tumayo ka jan....... di na talaga pwe....” at yun hindi na naman niya ako pinatapos at siniil ng mapusok at nagaalab na halik.






Hindi ko na napigilang ilabas ang emosyong namayani sa aming dalawa. Mahigpit ko siyang niaykap, dinama ang katawan.... buong buo ko siyang hinahalikan na para bang walang ng bukas. Gumagala na rin ang kamay niya sa buo kong katawan. Inumpisahan ko nghigpitan ang pagkakayakap ko sa kanyang ulo hanggang sa may pwersang naghiwaly sa amin at tuluyan akong namulat at ikinagulat ko ang taong nakita ko. Si Jerick na nag aalab ang mga mata na nakatingin sa akin. Bigla niyang sinuntok si Vince. Nagbuno ang dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin kong awat. Hinila ko papalayo si Jerick kay Vince. Pinaghiwalay ko silang dalawa at hinarap si Jerick.







“Jerick tama na....” awat ko. “Ganyan ba igaganti mo sa akin ha? Matapos kitang mahalin at alagaan... makikita lang kita na nakikipaghalikan jan sa ex mong walang hiya... wala siyang ginawa kundi ang saktan ka..... ano ba ang nangyayari sa yo?” sabi niya sa akin. “Tumigil ka na... oo minahal mo ako.. pero nagkamali ako.. manloloko ka!” isinigaw ko sa mukha niya. Isang sampal ang dumapo sa mukha ko galing kay Jerick. Ramdam ko ang sakit at hapdi nito. Di ko na namalayan na may dugo na rin palang lumabas sa aking bibig. Napatigil si Jerick. Bigla na namang sumugod si Vince kay Jerick at natumba si jerick.








“Pare... walang hiya ka.. inaalagaan ko ng lubusan yang mahal ko.... pero sasaktan mo lang...... napakawalang hiya mo......” sabi niya kay Jerick. Natitigilan pa rin ako dahil hindi ako makapaniwala na nagawang sampalin ako ni Jerick. “Ang akapl ng mukha mo pare.. matapos mong paluhain yang asawa ko.. ganyan ang isusumbat mo sa akin.. nang dahil sa iyo.... nasaktan ng sobra si Kyle..... ikaw ang nanakit sa kanya ng sobra hindi ako...” panunumbat ni Jerick. Akmang susugod si Vince ng biglang nagsidatingan ang mga katropa ni Jerick.






“Kyle... tara na... alis na tayo..” sabi ni Jeirck. “Mauna ka na.. hindi na muna ako uuwi....” at tumalikod ako sa kanya. “Kyle... halika na.... wag kang sasama kay Vince. Nagmamakaawa ko... lumayo ka sa kanya..... kyle.....” pagtawag niya sa akin. Pinipigilan siya ng mga kaibigan niya. Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad na kasunod ko si Vince sa aking likod. “Kyle..... sumama ka saakin... ano ba,.. bitawan ninyo ako..... Kkkkkyyyyyllllllllllllleeeeeeeeeeee......” sigaw niya.






Habang nagalalkad ako papalayo sa kanila, patuloy lang ang pagtulo ng aking luha. Nakabuntot pa rin sa akin si Vince. Hikbi ako ng hikbi hanggang sa mamalayan kong umakbay sa akin si Vince at inalo ako. “Kyle... sorry sa nagawa ko kay jerick....” paghihingi niya ng tawad. “Ayoko munang pag usapan....” malamig kong tugon.






“Nga pala... dun ka muna sa bahay namin dito sa Maynila... dun ka muna matulog... wag ka ng tumanggi....... please....” at dahil dun, napilitan akong magstay sa kanila. Ayon at tulala pa rin ako. Wala sa sarili. Si Vince na ang nagabyad ng pamasahe ko at lahat lahat. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila.






(Itutuloy)

Friday, March 18, 2011

Campus Figure- Part 26

aun./...dahil maluwag luwag na yung schedule ko, nakapagpost ako ng maaga.....

sa mga naghihintay at nagtyagang magbasa...maraming salamat po sa inyo.....
sa mga pinakamamahal kong readers... i owe you all of this... kung hindi dahil sa inyo, di ako makakapagsulat ng ganito.....

para sa pinakamamahal kong yhum.....

- I LOVE YOU SO MUCH... SALAMAT SA PATULOY NA PAGMAMAHAL NA IPINADARAMA MO SA AKIN....
LAHAT GINAWA MO PARA LANG MAGKASAMA TAYO....MAHAL NA AMHAL KITA..... SALAMAT SA LAHAT LAHAT NG PAGPAPASAYA NA GINAWA MO SA AKIN..... IKAW ANG MASASABI KONG NAGPASAYA SA AKIN NG GANITO....... DI MO ININDA ANG MGA NANGAYYARING KAGULUHAN SA ATIN... ALAM KO NA MINSAN EH MASUMPUNGIN AKO AT IKAWM PERO DI PA RIN TAYO NATITINAG..... MAHAL NA MAHAL KITA....MR. SANTOS....HAHAHAH... ILOVE YOU J.M.L.S.S.



OLWEIZ HIR,




D.K

_____________________________________________________________________________________


“May nakaupo ba dito?” sabi ng isang estranghero. “Ahm... wal...” natigil ang sasabihin ko. “Anong ginagawa niya dito?” isang tanong na tanging naalala kong itanong sa isip ko. “Pare..... remember me? Patrick? Dun sa convention.” Singit ni Patrick. “Yeah.... yung magaling kumanta... na kapartner ni Kyle....” saad ni Vince. DI ko alam kung paano ako magescape sa lugar ko.




“Kamusta ka na Kyle.... it’s been a long time.... i miss you....” nagulat akong sabi niya. “Ahhm... okay lang naman...” maikling sagot ko. “You look different... bagay sayo.... lalo akong nainlove....” sabi niya. Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko. Di ko alm kung bakit. Halos pagpawisan na ako sa kinauupuan ko. “Thanks... dito ka rin mag-aaral?” tanong ko. “Obvious ba? Siyempre.... andito ako weh.... at tama ang hula ko na narito ka rin..... matagl kitang hinanap.... grabeng paghihirap ang naranasan ko.....” di ako makasagaot sa sinabi niya. Buti na lang at dumating na yung prof na mag orient sa amin. Nakalusot ako.





Buong oras, di ako mapakali.... di ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit ba ang bagal ng oras. Kinukulit ako ni Vince at tango lang ako ng tango. Ayoko na kausapin siya. Maya maya siguro nakahalata ayon at tumigil pero pagkaring ng bell ng lunch grabeng pangungulit ang ginawa niya. “tara treat kita ng lunch. Kayong dalawa ni Patrick...” paanyaya ni Vince. “Ah gnun ba... di pwede eh... may kasabay na ako..next time na lang.....” bigla akong napatitig sa mukha niya. Bakit ba di ko maialis ang tingin ko sa mukha niya. Namiss ko biglang hawakan ang mukha niya. Pinipilit kong pigilin ang kamay ko. Nanginginig na ito. Ako na ang nagbawi ng tingin. Naramdaman ko ang sarili kong lumuluha. Tumalikod ako at pinunasan ang mata ko.






“Kyle.....” isang tinig na galing sa aking likod. Pagtalikod ko ulit ay nakita ko si jerick na paparating. “Buti at nahanap kita... tara lunch na tayo...kasama ko mga kaibigan ko... si Pj, Paolo, Denis, at Ryan... eh ikaw.. sino yang mga kasama mo? Bago mong kaibigan.... hehheh.. sabay saby na tyong mag lunch... yayain mo sila...” mabilis at amhabang pahayg nito. “Ah Jerick... nga pala... si Patrick, kialala mo na siya diba? Tapos si..... si.... si Vince.....” ang nauutal kong sabi. Kitang kita ko ang pagkabigla ni Jerick. Pero binawi agad niya ito. “Jerick nga pala pare.....: pagkamay nito dito. “Patrick pare.....” baling ni Patrick. “Vince tol....” baling din ni Vince. “Sige ....sabay sabay na tayong kumain.






Lumabas kami ng campus. Dun kami kumain sa may malapit na food restaurant. “Naks... dami natin ngayon...hahahah..... kamusta first day mo panget?” biglang singit ni Jerick. “okay lang naman.... masaya kahit appano.. nakakakba nga lang.. nangangapa pa din naman eh.....” sabi ko. “sorry nga pala... di ako nakareply...nasa klase ako weh nung nagtext ka.....pati ngangayon ko lang nabasa.” Sabi ko. “Gaano na kayo katagal magkakilala ni Kyle pare?” singit ni Vince. “Bale tol eh medyo magdadalwang buwan na rin... mula kasi nung naaksidente yan dito sa maynila eh sa amin na siya tumira.....kaya ayon.. magaksama kami sa iisang bubong....di ba panget?” baling sa akin. “oo weh...hehe’ tanging sagot ko. “Naaksidente ka Kyle?” gulat na tanong ni Patrick. “Oo...heheh pero okay naman.. di naman malala....” sagot ko. “Tol... inuman naman tayo sa ibang araw o....mag bar tayo.... di na tayo nakakgala eh... isama natin sila....” aya ni Paolo. “Pwede rin...” singit ni Vince. “Sige ba... kelan?” tanong ni Jerick. “Ahm sa sabado....hahahha...” sabi naman ni Pj. “Sige sige..asahan namin kayo...text text na lang... exchange tayo ng numbers..... hahahah..” sabi ni Denis. “O sige.. eto number ko.. ___________” bigay ni Vince sa number niya. Siympre ayon nagbigayan na rin kami.





“Panget... punta lang ako CR.....” sabi ko. Nag excuse muna ako. Naghanap ako ng cubicle. Matapos kong gumamit ng cr, nag salamin ako. Habang nagsalamin ako, biglang may bumukas na pinto. Nagulat na lang ako ng makita ko na si Vince yun. Nakangiti agad siyang lumapit sa akin. Kinabahan ako bigla kaya ang ginawa ko ay umalis agad, pero nahawakan agad niya ang kamay ko. At hinatak papunta sa kanya. “galit ka pa rin ba hanggang ngayon sa akin?” nakita ko ang sinsero niyang mata. Di ako makasagot. “Matagal kitang hinanap.... hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nung wala ka...hindi ko kinakaya...mahal na mahal pa rin kita..hanggang ngayon...humihingi ako ng tawad... hindi ko sinasadya ang lahat..... i want you back into my life.... i want you now.... please... come back to be....” sabi niya. “oo galit pa rin ako hanggang ngayon... niloko mo ako....sobarng sakit ng ginawa mo... ngayon masaya ka na? Alam mo na?” sagot ko.






Bigla na lang niya akong niyakap. “Patawarin mo na ako sa lahat.... pinapangako ko na mamahalin kita at hindi na kita sasaktan muli..... di ko alam kung paano pa ako makakmive on sa yo...mahal na mahal kita.... na mimiss na kita,.... alam yan nila mama” sabi ni Vince. “oo nakausap ko na sila nun... pero Vince.. wala ng tayo... may pamilya ka na.... dapat yun na lang ang asikasuhin mo...” sabi ko sa kanya. “Pero Kyle.... di mo naiintindihan... meron kang hindi alam....” di ko na pinatapos ang sasabihin niya. ‘wala ka ng dapat ipaliwanag... masaya an ako sa buhay ko... masaya na ako na wala ka na.... masaya na ako sa piling ni Jerick kaya please lang wag mo na kaming guluhin..... “ sabi ko sa kanya at biglang napabaling ang aking mata sa kanyang dibdib. Doon lumabas ang isang kwintas. Ito yung kwintas na ibinigay ko sa kanay nung monthsary namin. Napatigil din siya at tumingin sa kwintas na tinitignana ko. “Diba may panagko ako sayo.. na hindi ko ito huhubarin... na hindi ko aalisisn to sa katawan ko....dahil yun ang tanda na minamahal kit... maniwala kang mahal kita......” sabi niya. Di na ako sumagot. “Please... isuot mo lang itong kwintas na ibinigay ko sayo dati.....please.....” ibinigay niya sa akin mula sa bulsa niya ang kwintas. “Pero di na kailangan...” sabi ko... “Please...” sabi niya. Kaya wla akong angawa kundi ang ttanggapin ito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang epekto ng titig niya. Kaya wala akong nagawa kundi ang isuot ito.





Nauna na akong lumabas sa kanya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako magpakita sa kanila. Sinalubong ako ni Jerick. “Okay ka lang panget? Bakit paarng umiyak ka? Ayos ka lang ba?” tanong niya. “balik na tayo sa campus.....” sabi ko. Tumango lang siya. Hinintay lang namin si Vince at sabay sabay na kaming umalis. Namuo ang katahimikan sa aming lahat. Hanggang sa makarating na kami ng campus nanahimik pa rin ang bawat isa.






“Kyle...una na kami ha.... kita na lang tayo pag uwian...” sabi ni Jerick. “Sige...” at yun naghiwaly na ulit kami. Habang naglalakad kami, biglang sumigit sa katahimikan ang tanong ni Patrick. “Okay lang ba kayong dalawa?” walang sumagot sa aming dalawa. “oh... i see.... hanggang ngayon eh meron pa ring namamagitan sa inyo.... mahal ninyo pa rin ang isa’t –isa.....” pang asar ni Patrick. “Wala na....pati okay na kami ni Jerick.... ma.... ma... mahal namin ang isa’t isa.” Biglang napatigil si vince na siyang dahilan ng pagkatigil namin. “May naiwan nakalimutan ako.... una na kayo...” at bago tumalikod si Vince.. nakita ko ang mariing pagluha nito. Doon ko nakapa ang sarili ko na naawa sa kanya. Unti unti nakita kong lumuluha siya. Di ko alm kong bakit, ang alma ko ay galit na galit ako sa kanya, yun lang ang tanging nararamdaman ko, pero bakit ganito. Nahihirapan ako sa nakikita ko sa kanya.






Bigla namang umakbay sa akin si Patrick. “Tara na...” tumango na lang ako at nagpahid ng luha. Hindi ko alam kung bakit ganito na alng ang naramdaman ko kay Patrick. Hindi ako kumportable. Parang ang bigat bigla ng pakiramdam ko sa kanya. Iba naman to weh. Iba sa dati. Di ko na lang masyadong binigyan ng pansin. Hanggang sa makarating kami ng room. Matagl tagal na rin pero hindi pa rin bumabalik si Vince. “Bakit ab ako ganito, hinahanap ko si Vince. Kyle, focus ka lang sa sarili mo... Haixt.






Hanggang mag uwian, di na nagpakita. Nag alala ko bigla. Eto na ang inaalala ko sa sarili ko. Once na may nagbabalik mula sa nakaraan, nararamdaman ko na muli na nahuhulog ako sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nag kakaganito. Hanggang sa makasakay ako sa sasakyan nila Vince tuliro pa rin ako, balisa. “panget, okay ka lang ba?” tanong niya. “Ahm... okay lang... medyo masama lang ang pakiramdam ko... uwi na tayo....” “sige...” yun, hinawakan lang niya ang kamay ko. Ramdama ko naman ang pagmamhal niya.





Kinabukasan, nag iba ang lahat. Nakasalubong ko si Vince sa pathway. Laking gulat ko ng hindi niya ko pinansin at tuloy tuloy siya sa paglalakad. Hindi ko alm kung bakit ganun na lang ang pag iwas niya. Pero may nagsabi sa isip ko, ano ka ba, yan ang hinihintay mo diba? O ayan na, hindi ka na niya ginugulo. Your free na from the past. Ayon na lang ang inisip ko, na mapapayapa ang isip ko. Pero nagkamali ako. Dumaan ang araw at linggo na ganun at ganun na lang ang ginagawa niya. Tuwing gabi naman hindi ako makatulog ng ayos ng dahil sa mga nangyayari.





Ilang araw na rin akong hindi makausap ng ayos ni Jerick. Gabi-gabi nakatulala ako, parang wala sa sarili. Hanggang isang gabi, habang nasa kwarto ko si Jerick, doon na niya ako dineretsa. “Mahal mo pa rin ba siya hanggang nayon?” tuwiran niyang tanong. “Ha? Bakit mo naitanong iyan. Alam mo naman na hindi na. Alm mo yan.” Sagot ko. “Sana nga tama yang sinasabi mo....pero pakiramdam ko nagsisinungaling ka.” Bigla siyang tumayo para lumabas. Tumayo ako bigla at hinabol siya sabay yakap sa likod niya. “Panget.... maniwala ka. Wala na....” sabi ko. “Naniniwala ako sayo....” isang ngiti lang ang gnanti niya. “Nga pala... labas daw atyo sa sabado.....di kasi tayo natuloy nun weh.. remember? Ok lang ba?” tanong niya. Tumango naman ako.





Pasalamat an rin ako at hindi an ako masyadong kinukulit ni Patrick. Iba rin kasi yun eh, sabay sabay kung magtanong. Grabeng pahirap din kasi yun. Pero masaya siya kasama. Naging busy na kasi siya sa mga requirements niya sa school. Hanggang sumapit ang araw ng sabado. Buti okay lang ang pakiramdam ko ng araw na iyon. Medyo naging masasakitin kasi ulo ko gawa ng mga ginagaw naming mga papers at home work. Hahahahha.





Mga 7pm kami umalis ni Jerick. Ang usapan kasi eh magkikita na lang sa SM na malapit dun. Kami ang nauna ni Jerick sa tagpuan namin. Ayon, habang naghihintay eh nagkakwentuhan. Tawanan at kung anu-ano pa. Hanggang mapadako ang tingin niya sa aking kwintas. “Panget.... may itatanong sana ako sa yo..... sana eh sagutin mo ako ng totoo ha....” tanong niya sa akin. “Ahm ano yun?” tanong ko anman sa kanya. “May napansin lang kasi ako at hindi ko alam kung dapat pa bang bigayn ng kahulugan yun eh... curious lag... alm mo naman ang asawa mo eh masyadong marami ang iniisip... kaya.... eto lang... simpleng tanong..... saan galing ang kwintas mo?” isang seryoso at kapigil-pigil hiningang tanong niya. Muntik na akong masamid nun. Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o hindi. Hindi ko na maintindihan. “Ahm... ang adik mo... may pa drama drama ka pang nalalaman jan... ang haba pa ng speech mo tapos yan lang ang tanong mo? Anu ba yan... kakaiba ka talaga....hahahhaha.. naku naku naku..... ang adik mo.....” sabi ko sa kanya. “Basta sagutin mo na lang ang tanong ko... madali lang naman di ba..... bat ba ayaw mo na lang sagutin...” medyo inis na niyang sabi. “O...easy lang panget... para ka na niyang mangangain ng tao weh... tsk tsj kaw talaga. ... bigay sa akin ng isang kaibigan dati..... medyo may sentimental value to.....basta... yun na lang.... heheheh...” pang iwas ko sa gulo. “Sinong kaibigan?” pangungulit niya. “Ahm... si ano eh... si...” bioglang naputol ang sasabihn ko ng biglang may nagsalita sa likod namin. “Nandun na yung katropa ni Jerick at si Patrick. Pero hindi lang sila ang nandun, kasama pala si Vince.






Walang kaimik-imik si Vince sa may likuran. Matama ko lang siyang dinadaanan ng tingin. Ewan ko lang kung bakit ba pasulyap sulyap ako sa kanya. Nag iingat din ako at baka mahuli niya ako nakatangin. May dalang sasakyan si jerick kaya dun na lang kami sumakay lahat. Yun naman ang napagusapan na din weh. Sa isang bar kami nagpunta. Siyempre hindi mawawala ang inuman at kung anu-ano pa. Medyo lasing na kami. Nag yaya bigla ang lahst na magsayaw kaya ayon, napilitan ako na magsayaw. Kitang kita ko na ang lahat ay may kapartner. Magkatabi lang din kami bni jerick. Siyempre di dapat pahalata na sweet kami, alam na kung bakit. Pero pagdako ko sa gawi ni Vince, di ko amlaman kung anong tinding damdamin ang naram,daman ko ng makita ko na halos magkadikit na ang katawan nila. Nakita kong sumilay pa sa akin si Vince at nakita ko ang biglang pagkabigla niya ng makita niyang nakatingin ako. Ako na rin ang nagbawi ng tingin at nagpaalam na uupo na kay Jerick. Ilang oras din akong ankaupo at sinusubsob ang sarili sa pag iinom ng alak. Ewan ko ba kung bakit yun na alng ang naisipan ko. Hinahanap ng mata ko si Jerick at yun na lang ang laki ng mata ko ng makita ko ang di inaasahan na pangyayari na siyang ikinadurog ng puso ko.




(Itutuloy)

Monday, March 14, 2011

Campus Figure- Part 25

sa lahat po..pasensiya na po kung natagalan...sobrang busy lang talaga po....



i love you yhum....


olweix hir,
D.K

_____________________________________________________________________________________
“Kyle.... hintay...wait lang....” isang sigaw ang narinig ko mula sa isang lalaking humahangos papunta sa aking harapan. Noon ko inaanalyze at kinikilala kung sino tong lalaking humahangos sa akin. At laking gulat ko ng makilala ko ito. Ilang buwan na rin ang nakakraan mula ng magkita kami. Nagsimula yun nun sa convention namin. May nakilala ako isang lalaki an nagngangalang Jake Patrick Villanueva. Isang lalaking nakaktuwa at masaya kasma. Di ko aakalain na makikita ko siya dito sa university na pag aaralan ko.




“Kyle... ikawa nga....matagal na kitang hinahanap tol...” at niyakap niya ako sa gitna ng daanan ng tao at sa gitna ng maraming tao. Nagulat an lang ako sa ginawa niya pero di ako nagpahalata ng pagkabigla kasi baka kung ano isispin nila tito at tita. “Patrick, muntik na kitang hindi makilala ah.... ang laki ng pinagbago mo...... kamusta ka na?” tanong ko sa kaniya. “Eto ok naman,... kakaenroll ko lang kanina....ako lang ang nag asikaso kasi sila mama eh hindi pwede... daming commitmets sa work dami daw kasi clients. Eh ikaw kamusta ka na? Namiss kita ah....hahahah” sabay ngiti, isang pamatay na ngiti. “Ahm eto... ok lang naman... dito rin ako mag aaral eh.. nga pala Pat, si Jerick, tapos sila Tito at Tita.......” pagpapakilala nko sa kanila. “Nga po pala si Patrick kaibigan ko po...nakilala ko po noon sa convention...” dagdag ko. “Kamusta po kayo...”isang magalang na pagbati nito sa kanila. “Nga pala.... may sasabihin ako sayo Kyle.....” singit ni Patrick. “Pat...sa susunod na lang... alis na kasi kami ha.. magkikita pa naman tayo dito sa school eh.... wag kang mag-alala.... sige Pat una na kami ha... bye...” pamamalama ko sa kaniya. Tumango na lang ito at nabakas ang kaunting pagkalungkot pero di niya ito masyadong pinahalata.




Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, pansin kong biglang panlalamig ni Jerick. Kaya eyon, kinukulbit kulbit ko siya. Isang seryosong mukha naman ang itinutugon nito sa akin. Ano akya problema nitong mokong na to. Nasa loob ng sasakyan na kami sa likurang bahagi pero di pa rin ako pinapansin. Kaya kinurot ko na agad siya sa tagiliran. “Aray ko po..... ano ba... ang sakit nun ah...” galit niyang sabi sa akin. “Mas masasaktan ka sa akin pag hindi mo ako iimikan dito at hindi appansinin... sabihin mo lang at bababa na ako dito at aalis ako.....” pagabbanta ko sa kanya. “Ano bang aggawin ko.....wala naman akong problema.... kaya wala akong dapat sabihin...” sabi niya sa akin. “Bahala ka jan... kita na alng tayo sa bahay...” bahagya akong umangat sa upuan at agad anamn akong hinila pabalik ni jerick. Hinawakan agad niya ng mahigpit ang kamay ko. Iba talaga ang pakiramdam pag hawak mo ang kamay ng mahal mo. “Wag ka ng umalis....naiinis lang ako sa pagyakap sayo ng mokong na yun.... aba umaabuso ha... parang wala kami dun ah.. makapag eskandalo siya wagas..kainis.....” inis na bulong sa akin ni jerick. “Asus... kaya naman pala....nagseselos ang pobre... ang adik mo mahal ko.....ang loko nito...pag selosan ba naman...wala naman yun weh...hahahah ikaw nga itry mo minsa na yakapin ako sa may maraming tao...hahahahha.. naiingit ka alng eh... yaan mo sa bahay yayakapin kita buong magdamag....” sabi ko sa kanya. “Sabihin mo lang kung gusto mong yakapin kita...gusto mo ngayon na? O gusto mo mamay...hahahah” pagloloko nito sa akin. “Hahah.. ang adik mo.... I love you panget...” bulong ko. “I love you too panget...” sagot niya. Buti na lang at nasa may likuran kami ng sasakyan nila kaya kami lang ang nagkakaintindihan....hahaahh.




Nakarating na kami sa may mall na pupuntahan namin. Ewan ko kung ano ang gagawin namin dun. Siguro amy bibilhin sila tapos ako sunod na lang sa kanila. Frist time ko makapunta sa mall na yun. Dami tao siyempre.”Jick, nak, hiwalay na kami ha... may gagawin lang kami...kaw na lang abhala kay Kyle....eto pera o, mamili kayo...tapos kung kulang, mag withraw ka na lang..” sabi ni Tita. “Tapos kyle....pakibantayan tong anak kong pasaway...” dagdag pa nito. “Sige na ma...ayos na kami dito....nako di na po ako bata...kayo talaga.....txt txt na lang po....” at yun naghiwalay nga kami. Pumunta kami ni Jerick sa may 3rd Floor. Sumunod lang ako sa kanya. “Panget.... may gagawin ako sa yo ha....” sabi ni Jerick. “Ano yun...” tanong ko. “eto...” “Alin?” “ayan sa may harapan mo...” “Hala ka. Ano gagawin mo sa akin?” “Basta magtiwala ka sa akin... kailngan mo ng make over....para allong gumwapo mahal ko...hahah” at yun na nga, wala na akong nagawa, dinala niya ko sa isang styling station sa mall na yun. “Dan, hello.... nga pala, kaibigan kong si kyle... paki make over siya...yung bagay sa knya... kailngan mag iba looks niya ha....” sabi nito sa kausap niya. “Sige ba... malakas ka sa akin eh.... kaya pogi... tara na....” umupo ako sa may upuan dun. Di ko alam kung ano ang pinag gagawa sa akin. Ginupitan, kung ano ano pinahid at kung anu ano pa. Matapos ang ialng minuto, dun ko nakita ang kagalingan ng kanyang mga akmay. Halos di ko na makilala yung sarili ko. Ibang iba na. Ang dating sabog sabog na itsura ko, ngayon, nice cut at bumagay pa sa akin ang kulay ng buhok na kinulay sa akin. Sigurado akong magugustuhan ito ni Jerick.





Pagkalabas ko, nakita kong nag babasa ng magazine si Jerick habang nakikinig ng music. Ng mag angat siya ng mukha, kitang kita ko ang pagkahanga niya. Tumayo agd siya at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa balikat at sinipat sipat ang mukha ko. “Panget.... ano tutunawin mo ako sa titig mo?” pagbibiro ko sa kanya. “Adik ka panget.... ang yabang nito porket bagong gupit ka lang..hahah pero sa totoo lang... di kita nakilala....bagay sayo hahahha...” sabi niya sa akin. “Dan... galing mo talaga... the best ka...hahahahha....” at inabutan niya ito ng abyad. “Keep the change....” sabi ni jerick. “As always...haahaha” at yun umalis na kami nun.




Habang naglalakad kami sa mall, pinagtitinginan kami ng mga tao. Natatawa na lang ako. Pumasok naman kami sa isang department store. At ang ginawa namin dun, bumili ng bumili ng mga kung anu-anong damit na babagay daw sa akin. Napakarami naming binili sobra. Hanggang mag text si tita. “Panget, sabi ni mama eh kita daw tayo sa food court..kakain daw tayo dun.....” sabi niya. Kaya ayon, punta kami ulit sa 3rd floor. Ng makita ko nila tito at tita, maging sila nagulat sa malaking pagbabago ko. Isang oras ang makalipas ng maisipan namin na umuwi na ng abahy. Kawawanaman kasi si Jude, di siya na kasama. Humanap muna kami ng pasalubong paar di magtampo.




Paguwi namin ng bahay ayon at sinalubong agad kami nito. Buti na lamanag at naalal kong dalhan ng pasalubungan ang anak nitong si Jerick. Dahil sa mag aggabi na rin ng makauwi kami, ayon at naghinaw na ako ng katawan at nagpalit ng damit. Isang sunod sunod na katok ang sumalubong sa aking pinto. At siyempre sino kaya ang kakatok ng ganito, si jerick. “Mag googood night lang ako....” sabi niya. “Ayon lang ba? Naku kilala kito Mr. Panget... ikaw talaga...tsk tsk.” Sabi ko sa kanya. “Hala ka... wala kaya...adik to... naku, ang sama sama ng iniisip mo..” savbay yakap sa akin ng isang mahigpit. “I Love you panget ko....mwapz...” at ilang minuto kaming nanatiling ganun ang posisyon. Ang sarap talaga sa pakiramdam.pero bigla akong may naalala. Ang sinabi sa akin ni Patrick dati.




“Kung sakali man na magkita tayo ulit….may sasabihin ako say o…… asahan mo yan…..” ang biglang singit sa aking utak. Iyon kaya ang sasabihin niya sa akin dapat? Pero matagal na yun baka nakalimutan na niya yun. Ano koya ang sasabihin niya sa akin.





“Panget... ayos ka lang?” bigla akong nagising sa wisyo ko. “Ang lalim ng iniisip mo ah? Sabi ni Jerick. “Ah ok lang ako... pagod lang to... tulog na ako panget...ikaw rin....i love you panget” sabi ko sa kanya. “i love you too.... penge muna ng good night kiss.. “sabay nguso. “o eto...mwapz....” pero di lang yun ang ginawa niya, niyakap niya ako at unti- unting nilapat ang kanyang labi hanggang sa halikan niya ako ng kay lambing. Sabay kawala. “sige na po...baka di ko pa mapigilan ang sarili ko sa asawa ko.... i love you....mwzpz....” at yun nga lumabas na siya ng pinto. Pagkatpos nun, bigla ko na lang naisipan kapain ang bandang leeg ko. Naalala ko bigla ang kwintas na dating nakalagay doon. Sumingit na naman sa isisp ko si Vince. Doon na lng biglang pumatak ang luha ng pumasok sa isisp ko si Vince. Bakit ba ganito na lang ang naramdaman ko? Bakit ganito pa rin ako? Ano bang anino meron siya at hindi ako makawala sa kanya? Ayoko ng masaktan? Ayos na ako, nandyan na si Jerick. Mahal na mahal ko siya. Bakit ganun nalang? Maraming tanong ang bumagabag sa akin. “kailangan alisin ko na siya sa puso ko.... time to move on....” at napagdesisiyonan kong tanggalin na siya sa sistema ko. Buo na ang loob ko. At ng mapagod na akong mag isip, natulog na ako.





Habang dumadaan ang araw, palapit ng palapit ang araw ng pagpasok namin. Pero ok lang, excited naman ako. Ok lang naman kami ni Jerick. Di kami nag aaway, ang sweet niya lagi sa akin. Natatwa din ako sa bagong ayos ko. Ok na ok na ako sa bagong ayos ko. Binigyan din ako nila ng bagong cell phone. Kaya ayon, may contacts na ulit kami nila nanay. Hindi naman ako nag babanggit o nagttatanong ng tungkol kay Vince. Di ko na rin pinapansin pag nagbabalita si annay tungkol sa kanya. Minsan nga nililigaw ko siya pag yun ang usapan.






Dumating na yun araw ng pasukan. Siyempre excited na ako. First time ko yun. Si Jerick kasi eh graduating na. Pinayuahan niya ako na wag daw ako kabahan at kaya ko yun. Nakita kong suot niya ang kwintas na napulot ko dati. Ang ganda talaga ng pendant nito. Di nakaksawang tignan. Para kasing nakita ko na ito dati pa. Para bang namumukaan ko. Kaya nga nung napulot ko to, di na maalis sa isip ko. “Panget tara na.. baka mahuli pa tayo....” sabi niya sa akin. “Okay po...wait lang panget.....mauna ka na sasasakyan, kunin ko lang gamit ko...” sagot ko. “Ikaw ang mauna, ako na kukuha ng bag ng mahal ko... sige na wag ka ng tumutol halikan pa kita jan eh...” sabi niya. “Tutol ako.....”pag bibiro ko sa kanya. “Asus...gusto mo lang makahalik sa akin,.hahahahha..>” pagbibiro niya. “Di wag...hahah” at yun nagtatakbo na ako sa labas. Hinintay ko na lang siya sa may sasakyan. Mga ilang minuto bumaba na rin siya.





Maraming tao ang sumalubong sa aking mata. First day kasi kaya halos lahat ng nakikita ko eh mukhang first year college. Magkahiwalay kami ng department ni Jerick. Sa engineering department siya at ako naman sa business admin department. “Panget, text txt na lang ha... ingta ka....love you...” sabi niya sa akin. “ok panget..ikaw din...ingat...... behave ha... sige po..bye...love you” sagot niya. At nagkahiwalay na kami.





Habang naglalakad ako sa corridor at hinahanap ang department at room na nakaindicate dun sa papel na ibinigay sa akin, bigla kong nakasalubong si Patrick. “Kyle.... ikaw ba yan? Iba na looks natin ah.. muntikan ko ng di ikaw makilala... hahah.... ano bang department mo?” tanong niya. “Doon ako sa business admin department eh.... eh ikaw ba?” tanong ko. “Naks... nagkataon nga naman... doon din ako...hahaha...tara sabay na tayo....hahahahha” sabi niya. “Buti na lang at may kakilala na ako...kamusta ka na nga pala... san ka nakatira?” tanong ko sa kanya. “May bahay kasi kami dito sa may Quezon City.... kaya ayon.. okay lang naman ako...ikaw ang kamusta.... di ka na nagtext nun....” tanong niya sa akin. “Ah gnun ba...sorry ha....wala kasi akong cell phone na eh... ngayon na lang ulit ako nagkaroon....heheheh...” sabi ko. “AH gnun ba... ano number mo? Isave ko sa cp ko.. isave mo rin yung sayo...” nag exchaneg kami ng phone at nagsave ng number.





Nakarating na rin kami sa may room assignation namin. Kwentuhan pa rin kami hanngang makaupo kami. “Ano nga pal ang sasabihn mo sa akin?” tanong ko. “Ah ganun ba... oo nga pala... naalala mo pa ba dati? Yung nasa convention tayo? Bago tayo magkahiwa hiwalay.. ang sabi ko nun eh maysasabihn ako....” sagot niya. “oo tanda ko pa.. tagal na nun ah...” sabi ko. “Kasi... it’s a sign sa muli nating pagkikita... nahihiya man akong sabihn pero pag hindi ko pa sabihn sayo ito eh baka wala na akong chance..... I like you Kyle... i love you.......” biglang sabi niya. “Are ypu out of your mind? Ang ingay mo jan.. may makarinig pa sa yo...” sabi ko. “Bakit, ano ba pakialam nila?” sabi niya. “Adik... naloloko ka na ba,.. wag kang ganyan.. ayoko ng biro mong iyan. Di na nakakatuwa. A very bad joke...” sabi ko. “I’m serious Kyle... pls. Give me a chance... a single chance may vary,... please..... “pagmamakaawa niya. “DI na pwede eh... sorry Patrick.. being a friend is the only thing i can give now... im committed na... di na pwede....” sagot ko. Nakita ko ang pagabbago ng kanyang mood. “Kanino? Dun ba sa kasama mong lalaki nung first na nagkita tayo? Kay Vince ba?” tanong niya. Oh.. Vince na naman,. Haixt. “nope..... wala na kami..... the one na kasama ko nung nagkita tayo dito....” sabi ko. “Oh i see.... pero di pa rin ako mawawalan ng pag asa... di pa naman akyo kasala so may pag asa pa ako......” sabi niya. “You are wasting your time.. ibaling mo na lang sa iba yang nararamdaman mo...” ang sabi ko. Biglang natigil ang pag uusap namin ng biglang may nagtanong galing sa likod ko.



“May nakaupo ba dito?” sabi ng isang estranghero. “Ahm... wal...” natigil ang sasabihin ko. “Anong ginagawa niya dito?”


(Itutuloy)