Tuesday, January 15, 2013

Bullets for my Valentines- Part 55



Author's Note:

I will miss you guys.... :')

Ayan na!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Part 55 na.. hahaha

Pakiiwan ng comment ah... maraming salamat readers!!!!!!!!


LOve you guys!!!!







-------------------------------------------------------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Thanks everyone for having your comment and for reading my story.

This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.

Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangyayari at pangalan ay di po sinasadya. Maraming salamat po.



Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)

also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)


Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 55
"Too Late"

Always here,

Dylan Kyle Santos


 

 
Di Lang Ikaw - Juris




***********************************************************

[AJ’s POV]


Isang linggo na mula noong makalabas ako ng ospital. 

Balita ko success din ang operation ni Chad pero hindi pa rin siya nagigising.

Masaya ako para sa best friend ko. 

Alam kong nakagalit kami pero hindi naman dahilan yun para mawala ang pagka best friend ko.

I am on my  way sa ibang bansa. 

Why? Need ko daw ng refreshment. 

Sila mama ang nag set nito at wala akong nagawa kundi sumunod. 

Prescribe din ito nung doctor ko.

Next month naka schedule ang surgery ko. 

Kasama ko ang buong pamilya ko at sino pa ba, si Rizza. 

Yung babaeng yun ayaw mag paawat.

Hindi ako nag dala ng phone, camera at sounds gadget lang. 

Ayokong mastress kaya. Haixt.


“Excited na ako!!!” sigaw ni Rizza.


“Yaan mo iiwanan ka namain para mawala pagka excited mo.”


“Grabe ka ang harsh mo.”


“Hindi naman.”


“Picture pucture tayo ha. Promise mo yan.”


“Yeah. Para may memories ka kapag namatay ako.”


“Gusto mong batukan kita.”


“Ikaw bahala kung gusto mo na akong mamatay agad.”


“Haixt ewan. Eto piso humanap ka ng kausap mo.”


“Kaw talaga.” Niyakap ko siya ng mahigpit.


“Salamat at nanjan ka.”


“At your service”


“Wag mong papabayaan sila mama ha.”


“Best... please...”


“Ano ka ba.. naghahabilin na ako?”


“Alam mo jojombagan na kita. Hello magpapasurgery ka na tapos ang dami mo pang arte...”


“Sus.... malay mo lang... ako ang may katawan kaya alam ko kung aabot pa ba?”


“Sige sasabihin ko kila tita na agahan yun...”


“Wag naman... gusto kong magbirthday muna...”


“Kaya magpakaayos ka ujan... iinom ka ng gamot mo.. hindi pwedeng hindi... papatayin kita pag nagkataon...”


“Opo....”


“Ayokong mawalan ng isang bestfriend....”


“Salamat...” Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.


Habang papunta na kami samay eroplano, hindi ko maiwasang isipin na pupunta si james at hahabulin ao. 


Pipigilan na umalis ng bansa.


Haixt. Ano bang iniisip ko? 

Bakit pa nga ba ako umaasa? 

Bago ako pumasok, lumingon na muna ako at nag pakawala ng isang ngiti. Babalik pa naman ako eh.

Napansin siguro ni Rizza yun kaya kinulbit niya ako. 

“Di na siya darating.” Sabi niya


“Alam ko.”


“Pero malay natin.”


“Di na ako aasa.”


“Haixt. Babalik pa naman tayo. Makikita mo pa din siya.”


“Alam mo naman na nag paalam na ako sa kanya.”


“Pero sa tingin ko kapag nalaman niya ang lahat, hahalughugin niya ang buong mundo makita ka lang.”


“Tara na nga. Ayokong maging emosyonal.”


“Aysus. Miss mo ba siya?”


“Tara na nga.”


“Mahal mo pa ba siya?”


“Alam mo para kang sirang plaka? Tara na nga kasi.”


“Aminin mo nga kasi.”


“Alam mo ang sagot. Alam mo kung gaano ko siya kamahal.”


“Tara na nga... mamaya magwala ka pa diyan.”


Habang nasa flight ako, iisa lang ang tumatakbo sa isip ko. 

Kamusta na kaya si James? 

Si Chad ba? 

Sana naman magising na siya.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin, wala akong ginawa kundi ang mamasyal at mag saya. I will spent my week to be enjoyed. 

Wala akong iispin na kung anuman at aayusin ko ang lahat sa sarili ko.

I will try to moved on hangga’t makakaya ko. 

Gusto ko ang mabuhay hindi lang para kay James, kundi para sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at lalong lalo na sa sarili ko.


[Chad’s POV]


Siguro ayaw pa talaga akong tanggapin sa langit. 

Heto ako at buhay. 

Ang masamang damo ay matagal talagang mamatay. 

Masaya naman ako kasi narito ako at buhay.

Ang sabi nila may anting-anting ako, pero di nila alam, na ang Diyos ang dahilan ko. (Hahaha. Kanta lang hahaha)


Masaya silang lahat na nagising ako. 

Si James lang talaga ang hindi ko pa nakikita. 

Umalis na kaya siya? 

Nagsama na kaya sila ni AJ?

Sa isang linggo akong tulog lagi nilang sinasabi na bantay ko si James. 

Naalala ko nga pala si AJ, kamusta na kaya ang best friend ko? 

Gusto ko siyang makita. 

Gusto ko siyang makausap.

Gusto kong humingi ng tawad. 

Gusto kong mag makaawa na patawarin niya ako sa lahat ng ginawa ko.

Kumain ako at nagpalakas. 

Nag hintay sa pagdatin ni AJ o kaya ni James. 

Alam na kaya ni James ang tungkol kay AJ?

Sa tingin ko kasi hindi pa. 

Kung alam niya kung sakali ay hindi na siya magtataka at mag aatubili na tabihan pa ako. 

Na samahan pa ako dito.

Alam kong masasaktan ng sobra si James kung sakaling di pa niya alam na may sakit si AJ. Haixt. 

Dumalaw na sa akin si jaysen at Aldred. 

Pero ang hinahanap ko pa rin si James.

Nasanay na ako na James ang tawag sa kanya. 

Yun kasi yung palagi niyang sinasabi sa sarili niya. 

Pero okay naman yung Arkin ah.

Yung feeling na maisip mo na mag sasakripisyo ka, di ko pa rin maimagine na kakayanin ko. 

Feeling ko mag breakdown ako. Feeling ko di ko kakayanin.

Kahit na wala na akong sakit at okay na ako, feeling ko lalagnatin pa ako sa nangyayari sa akin.

Dalawang araw matapos kong magising ay dumatin din si James. 

Humingi siya ng tawad kasi marami daw siyang inasiakaso. 

Nalaman ko na umalis pala si AJ sa bansa at kasama ang anak nila.

Nakita ko ang kalungkutan sa mukha niya. 

Pero naging masaya naman ako sa mga dala niya. 

He was so sweet kahit na hindi niya ako gusto.

Hinawakan niya ang kamay ko at doon na ako nagsimulang makaramdam ng pagkalungkot. 

Eto na ab yung moment na yun? 

Kung saan bibitawan ko siya?


“Hey baby, musta na pakiramdam mo? sorry now lang ako nakadalaw. Marami kasing pinaasikaso si mama. Pero heto ako.” Hinalikan iya ako sa labi.


So sweet. “Okay naman ako. Ikaw ba? Kumakain ka ba sa tamang oras? Naku tignan mo oh namamyat ka na?”


“Di nga payat na ako?”


“Joke lang. Macho ka pa rin sa paningin ko.”


“May masakit ba sayo?”


“Wala naman. Pero masaya ako.”


“Bakit naman?”


“Kasi nandito ka na.”


“Sweet naman. May mga pasalubong ako sayo. Magugustuhan mo to. Marami akong kwento sayo habang tulog ka. Hahaha. ” Niyakap ko siya bigla.


“Ma... uusap lang kami ni James...” sabi ko kila mama. Umalis naman sila at pinagbigyan kami.


“Bakit mo pinaalis pa sila tita?” tanong niya


“Kailangan natin mag usap.”


“Tungkol saan?”


“Sa atin.”


“Ayt. Pagaling ka muna bago mo isipin ang future natin. Sinabi na pala sayo nila tita. Sabi ko wag na munang sabihin.”


“Ang alin?”


“We will be getting married right after tayong mag study. Yun kasi inaasikaso ko now. Ang ingay talaga nila tita. Pero atleast alam mo na. Pero plano pa lang naman yun. Ikaw ba, san mo ba gustong ikasal? Tayo tayo lang naman yung magkakatipon. Alam mo ba todo effort si Aldred sa paghahanda.”


“James stop it.”


“Why?”


“Wag nating lokohin ang sarili natin.”


Di siya nakaimik. “Mahal mo ba ako?” tanong ko.


“Oo naman. Mahal kita.”


“Pero mas mahal mo si AJ?”


“Wag na natin pag usapan si AJ please.”


“Bakit? Natatakot ka ba?”


“Hindi ako natatakot! Tapos na kami ni AJ at eto tayo ngayon. Wag na natin isali ang nakaraan.”


“Tapos na din tayo!”


“Ha?”


“Ang laki ng kasalanan ko kay AJ at wala akong ibang magagawa kundi ibalik ka sakanya.”


“Ako ang pumili nito at nag desisiyon.”


“Ayokong lokohin mo ako at ang sarili mo! Alam kong mahal na mahal mo si AJ at nang dahil sa akin kaya ka nagkaganyan. Di mo dapat ako pinili, mas kailangan ka ni AJ.”


“Ayoko ng pag usapan to. Tama na!!!”


“Bakit, kasi alam mong nag kamali ka? Alam mong mali ang ginawa mong desisyon at iniwan siya gayong pwede siyang mamatay!”


“Ha? Ano? Mamatay? Si AJ? Wag ka ngang mag biro ng ganyan! Hindi nakakatuwa!” sabi niya na nag taas ng tono.


“So di mo pa pala alam.”


“SABI KO WAG KANG MAGBIRO!” unang beses ko siyang makitang magalit ng ganito.


“Hindi ako nag bibiro. Totoo ang sinasabi ko kaya makinig ka!” unti-unti nakita ko ang luha na pumapatak sa kanyang mga pisngi.


“May sakit sa puso si AJ at ang sabi, kailangan daw niyang mag paopera. Nang makausap ko si Aldred, doon ko nalaman na may sakit pala si AJ! He was carrying the pain in his heart. Pinahirapan ko siya ng sobra gayong mas malala siya sa akin. James, bumalik ka na kay AJ, mas kailangan ka na niya. Iwanan mo na ako.” sabi ko.


“Kailan pa daw to? Bakit.. bakit hindi ko alam?” kinuwento ko ang lahat at nakinig naman siya. Makikita mo sa kanyang mukha ang labis na pighati at pag-aalala.


“Tinago daw nila at tanging pamilya lang niya ang nakakaalam. Nang makausap ko si Jaysen, ang sabi niya saka lang daw niya nalaman. Fragile na daw si AJ at di naman daw kailangan ng transplant. Ayaw daw mag paopera ni AJ. Natatakot daw siya. Pero ang sabi ni Jaysen, mas takot daw siya kasi nanjan ka. Ayaw na daw niyang mag paopera lalo kasi ayaw na niyang mawalan ng pagkakataon na makasama ka. Natatakot daw si AJ na baka di na siya magising at masaktan ka.”


Napaluhod siya sa tabihan ko. 

Sinuntok niya ang sahig at kita ko ang dugo na dumadaloy dito. 

Napatakip na lang ako ng aking bibig.


“Bakit... bakit niya tinago to sa akin? Nakakinis siya. Bakit?”


“Alam mo ba na nag paraya siya para sa akin kahit na alam niya na mas malala yung kalagayan niya. Masakit man pero ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Nang dahil sa akin nawala ang buong buhay niya. Nawala ka sa kanya.”


“Hindi ako makapaniwala. Yung mga ngiti niya. Yung mga sandali na mag kasama kami. Lahat ng iyon, maaring di na maulit pa. Napaka walang kwentang kong tao. Napakasama ko. Hindi ako karapat dapat na mahalin ni AJ. Bakit? Bakit ko ginawa ang lahat ng iyon? Bakit ko siya iniwan?”


“Sorry kasi napilitan ka ng dahil kila mama. Alam kong nakiusap sila sayo. Pinagdamot pa kita kay AJ gayong ang alam ko naman ay sa kanya ka talaga. Wala akong karapatan sayo kaya sinasabi ko sayo ito. Di kita dapat palayain kasi di naman kita hawak. Alam kong sasaya ka sa kanya. Mahal ninyo ang isa’t-isa. Please, iwanan mo na ako. Wag na wag ka ng babalik sa akin. Gusto kong magsimula ng bagong buhay. Umalis ka na...”


“Pero.”


“SABI KO UMALIS KA NA!”


Tumayo siya at unti-unting nawala sa aking paningin. 

Matapos niyang mawala ay dumaloy na ang luha galing sa aking mga mata. 

Ito na ang pinakamasakit na tagpo sa aking buhay.

Wala namang madali lalo na ung ang kapalit nito ay yung mahal mo. 

Pero alam ko naman na saasya sila. 

Sana nga lang at hindi pa huli ang lahat.


[James’ POV]


Hindi ko alam kung saan ako una pupunta. 

Di ako mapakali. Si AJ. 

Gusto ko siyang makausap. 

Bakit ba hindi ko siya pinigilan noon? 

Naroon na ako sa airport at nakita ko siyang lumingon pa.

Ang tanga tanga ko. 

Bakit kasi ganito ako? 

Napaka manhid ko. 

Yun pala ang ibig sabihin nila sa mga sinasabi nila sa akin. Bakit di ko naisip?


“Hindi ako ang dapat magsabi sayo. Hindi dapat ako. Si AJ”


“Wala kang kwenta. Hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ni AJ. Alam mo bang makakasama yan sa kanya?”


Bakit kasi nilihim niya sa akin bakit? 

Hindi ko mapigilan ang umiyak ng umiyak. 

Bakit sa lahat ng tao siya pa?

Halos pangalandakan ko pa nga dati na sana mamatay na lang siya lalo na noong nagtalo kami ng dahil kay Chad.


Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya. Please. 

God gusto ko siyang mabuhay.

 Kung kailngan niya ng puso, narito ang akin.

 Ako na lang ang kunin ninyo, wag po si AJ.

Im on my way sa bahay. Gusto kong tanungin si mama. Alam ba niya?


“Ma!” sigaw ko.


“Anak bakit?” nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya.


“Alam mo ba ma? Alam mo?!”


“ang alin?”


“Na may sakit si AJ?!”


“Kanino mo nalaman?”


“Shit! Bakit alam ninyo at ako hindi?!”


“Tanga ka kasi. Walang kwenta!” narinig ko na sabat ni kuya


“Kung naramdaman mo lang ang pinag daraanan ni AJ. Napaka malaas niya sayo kapatid. Kung alam mo lang kung ilang atake sa puso ang pinag daananan niya para lang sayo. Ang tanga tanga mo kahit kailan.” Sabi niya sa akin.


“Bakit hindi man lang ninyo sinabi sa akin?”


“Gusto ko kasing maramdaman mo. Gusto ko na malaman mo ang lahat. Napaka manhid mo grabe.”


“Shit this life. Bakit?” di ko mapigilan ang mag wala.


“Wala ka na namang babalikan. You rejected him at many times. Di ka niya binitawan, umaasa na sana dalawin mo siya, na sana mahalin mo siya na sana makita ka niya sa tabi niya.”


“Ang tanga tanag ko.”


“You are definitely right.”


“;Tama na anak.” Awat ni mama.


“Hayaan mo ma. Tama naman siya eh. Kasalanan ko ang lahat. Wala kasing kwentang tao ang anak ninyo ma.”


Agad akong tumaas sa kwarto ko at hinagilap ang telepono. 


Kaiangan kong makausap si AJ. 


God please let me.


Out of coverage si AJ. 

May number aman ako nilang lahat pero out of coverage. 

Tinanong ko si mama at tanging kay Rizza lang ang naibigay niya.

Habang nag riring ang phone, di ko maiwasan ang bumalik sa nakaraan. Yung mga salitang sinabi ko sa kanya.


“Ang lalandi ninyo.. nakakasuka!”

Di ko alam kung anong lakas ang meron ako at nasabi ko sa kanya ito. Ang tanga ko.

“Bakit? Mamamatay ka ba? May sakit ka ba? May sakit si Chad.... at hindi mo maiintindihan yon dahil makasarili ka.. wala kang karapatn na ganyanin si CHAD!”

Ako na ang pinaka tanga sa lahat ng tao. Idagdag mo pa ang pagkamanhid ko. At sinagot ni Rizza ang tawag ko.


“Hello sino to?”


“Rizza si James to... gusto kong makausap si AJ.”


“Sorry wrong number.”


“Please.. nag mamakaawa ako.. alam ko ng may sakit si AJ.”


“Ayaw ka na niyang makausap.”


“Please... nagmamakaawa ako.”


“Pauwi na rin naman kami sa sabado.. hintayin mo na lang siya,”


“Please gusto ko siyang makausap. Please.”


“Sorry di talaga pwede... masama sa kanya ang ma stress.”


“Nagmamakaawa ako.. please...” umiiyak na ako.


“Sorry.” At binaba niya yung phone. Tinawagan ko siya pero naka off na yung phone niya.


Pinag susuntok ko ang pader. 

Nakakainis. 

Sobra akong naiinis sa sarili ko. 

Bakit ko ba kasi hinayaan ang sarili ko na gawin ang lahat ng ito. 

Nakakainis!


“Wag kang umarte na para kang maysakit... palibhasa di mo nararansana. MAGKASAKIT KA SANA SA PUSO PARA MALAMAN MO PINAGDADAANAN NI CHAD!”


Yung sinabi ko sa kanya yan. Ang sama ko kait kailan. Naalala ko ang sinabi niya dati.


“Paano ako? May sakit din naman ako ah! May sakit din ako! Anong gagawin mo? Nasasaktan ako..... paano ang kalagayan ko?”


“Anong ibig sabihin mo?”


“Eto.. masakit... eto oh nasasaktan.... ang sakit ng puso ko....”


“You are crazy... napaka makasarili mo.... puso lang yang nasasaktan sayo.. wala ka namang sakit sa puso.... kung i-cocompare mo kay Chad mas malala siya... ikaw emotion lang nasasaktan sayo.. pero kay Chad? PWEDE SIYANG MAMATAY!”


Bakit di ko agad naintindihan ang sinasabi niya. Nakakainis..


“Siguro nga. Pero si Chad, alagaan mo. Ipangako mo sa akin yan. Sa yo ko siya ipagkakatiwala. Baka nga mauna pa ako sa kanya.” Ang nasabi ko.


“Anong ibig sabihin mo?”


“Wala naman. Ang sa akin lang hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Mahal kita, sobrang mahal kita, pero yung makita kitang nasasaktan, nahihirapan, daig ko pa ang nasabugan ng bomba.”


Bakit ko ba nagawa ito? Paulit-ulit kong tinatanong ito sa sarili ko. Kumuha ako ng alak at nilunod ko ang sarili ko doon.


Hindi ko kakayaning mawala pa sa akin si AJ. 

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pag nangyari yun.


[AJ’s POV]

It’s nice to be back here at the Philippines. 

Feeling ko lumakas ako eh. Haixt. 

Malapit na ang birthday ko, at ang nakakatuwa pa doon after ng birthday ko ay ang operation ko. 

It’s two weeks from now.

I found some difficulties sa pag hinga ko. Haixt. Ano ba naman yan?


“Daddy.... tara puntahan natin si daddy.”


“Baby.. sorry di kita masasamahan. Pagod ako eh.”


“Sige po bukas na lang.”


“Do you miss your daddy na?”


“Sobra po.”


“Yaan mo makikita mo rin siya. Papasamahan na lang kita sa tito Martin mo.”


“Okay po.”


“Best susyal talaga. Haixt. Ang sarap ng libre.”


“Pasalamat ka at best friend kita.”


“Well... pwede na rin..”


Dumeretso kami pauwi at nagpahinga. Haixt. 

Gusto ko na munang mahiga.

 I feel so dizzy na naman. 

Pag uwi naman namin nandun si Mommy. Kinabahan naman ako bigla.


“Don’t worry wala si James.”


“Okay po.” Then nag smile ako.


After an hour, dumating si Chad. 

Nagulat ako at di ko inaasahan yun. Naka wheel chair pa siya.


“Daddy siya yung bad na sinasabi ko!” sigaw ni Khail.


“Baby... siya yung tito Chad mo.”


“Bad siya.”


“No.. stop that.... he’s my best friend.”


Tumakbo siya pataas. “Hello.” Bati ko.


“Pwede bang mag usap tayo? Yung tayong dalawa?”


“Sure.. tara sa may terrace.” Yaya ko. “Kamusta ka?” tanong ko.


“I’m fine. Magaling na ako. Ikaw ang dapat kong tinatanong. Kamusta ka?”


“Well I guess alam mo na. Okay lang ata?” sabi ko.


“Adik mo talaga kahit kailan.”


“Ikaw din naman.”


“Pagaling ka ha. Please. Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo.”


“Tignan natin. Hahah. Joke. Wag kang magburden sa akin. Wala ka namang kasalanan.”


“Sorry.”


“Para saan?”


“Sa lahat... kasi inagawaan kita. Kay Jaysen, kay James. Lahat na ata inagaw ko. Sorry sa mga masasakit na sinabi ko sayo. Sorry at nagalit ako sayo... sorry kasi ipinagkait ko sayo lahat-lahat.”


“Hey... don’t cry.....”


‘Pero...”


“Lahat yun okay na... alam ko namang para sayo yun eh.. pati... mag best friend tayo...”


“Napaka bait mo talaga.. kahit ang laki-laki ng kasalanan ko sayo tinanggap mo pa rin ako...”


“Pag best friend kasi best friend... anuman ang mangyari, ganun pa din...”


“Kailan ang operation mo?”


“After ng birthday ko.”


“Please.... bumalik ka sa amin.”


“Di natin masasabi yun.”


“Fight...”


“Yeah.. opo...”


“Nag kausap na bakayo ni James?”


“I guess di na kami magkakausap.”


“Mag usap kayo. Para sa akin please.”


“Wala na kaming dapat pag ussapan.”


“Do this favor for me...”


“Please.. di ko pa kaya.”


“Gusto kong mag kaayos kayo.. alis na ako...”


“San ka pupunta?”


“Sa ibang bansa na ako magtatapos ng pag-aaral.... I will stay there for good.”


“Pero..”


“Shhh... decision ko to.. gusto kong mag simula ng panibago..”


“Di ko alam...”


“Kaya nga dapat mag kaayos kayo ni James.. please... Mahal na mahal ka niya.. nung nasa piling ko siya ikaw  ang laging iniisip niya.. kapag tulog siya ikaw lang ang bukambibig niya.. mahal ka niya ng sobra....”


Tumalikod na siya at pinaikot ang kanyang wheelchair. “Till we meet again.” At umalis na siya.



Di ko alam kung makakaya ko ba na makita si James. Kaya ko pa ba ang harapin siya?


(Itutuloy)


12 comments:

  1. hehe can't wait for the final chapter,,

    honestly i feel sory for james too..
    dalawa na lang hinhintay ko
    last chapter ng BFMV at yung bagong story ni idol kyle

    hehehe,, kailan kea yun lalabas...

    -mans-

    ReplyDelete
  2. but i have a feeling exchange of heart motif ng final chapter...

    -mans-

    ReplyDelete
  3. ayeah!!!

    knbahan aku akala ku finale na ngaun dpa pla tnx DK hehe...


    By the way, sa wakas ngka ayos na rin c chad at aj,

    c james na lng kulang,

    aj-james parin aku

    ReplyDelete
  4. wow ang ganda sobra.... next chapter napo author! nkakaexcite...
    nkakalungot lng kasi matatapos na po ito :(

    At sa tingin ko po ito ang pinakamagandang chapter ng BFMV. Kasi alam na ni James ang katangahan at kamanhidan niya... at sa ending niyan si James na ang luluhod at magmamakaawa kay AJ upang balikan siya'ng muli. LOL :p

    -pyro-

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. salamat po.. abangan po ang mga susunod na kabanat... :))

      Delete
  5. Di tuloy ako makapagaral dahil nakakaadik xD galling mo kasi kuya Dylan :)) -march

    ReplyDelete
  6. kuya author, wag nyo pong kokornihan ang ending ah :) thanks!

    ReplyDelete
  7. hahaha.. salamat po ng marami... hahaha

    ReplyDelete
  8. Ang masasabi ko lang dito puro gago ung mga karakter,paulit ulut nlang ung nangyari,lalo n si james walang kwenta,masnakakatuwa kung ung utol nya ang makatuluyan ni aj.masyado nmn ksing ginawang tanga ni AJ.ung sarili nya,nakakasuya tuloy sya,heheheastig kuya ung story mo,nanginginig nga ako habang binabasa,galit n galit ako s mga krakter,,,sasusunod sna wag nmn msiyadong tanga ung bida,hheehe,,sana mganda ang katpusan,ayoko talaga si james,wala syang bayag,,hehe slamt po,,,

    ReplyDelete