Thursday, January 23, 2014

Less Than Three- Part 43



AUTHOR'S NOTE:


Sorry Guys kung natagalan ako mag update. Sobrang heavy lang talaga ng schedule ko. As of now may tinatapos pa akong lab report.. haixt buhay... Sorry po.


Pero para makabawi ako, 2 post po yung ipopost ko.


Medyo di po umuusad yung pag encode ko and Im rooting na maging okay ang lahat.... wiooooah. sensya po talaga sa pag hihintay. Hope you understand... :(


_________________________________________________

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 43

(Ups and Downs)



[Alex’s POV]


Walang imikan, ganyan ang set-up naming ni Kieth ngayon. 


Hindi niya ako pinapansin at wala ata talaga siyang balak imikan pa ako, kasalanan ko kasi lahat. 


Pabalik na kami sa kabilang isla pero tahimik pa rin ang paligid.



“Awkward…” sabi ni Charlene.



“Shhh.” Ang nasabi ko na lamang.



“Best, try mo kaya siyang kausapin.”



“Sinubukan ko na, kaso dedma talaga ako. Sa tingin ko mainit talaga ang ulo9 dahil sa nagtalo kami.”


“Pinagsabihan na kasi kita dati noon.”


“Oo na, kasalanan ko na. Kailangan pa bang ipamukha sa akin at ulit-ulitin? Nagui-guilty na talaga ako sa mga nangyayare. Haixt. Help me.”


“Paano kita matutulungan dito sa sitwasyon na to? Haixt.”


“Can you talk to him?”


“Loko, ikaw ang dapat makipag-usap sa kanya.”


“Siguro we need space for now.”


“Best, tanungin mo nga ang sarili mo kung mahal po si Kieth. Kesa naman sa pinapaasa mo lang siya, hiwalayan mo na. If nalilito ka, lumayo ka. Tandaan mo best, mahirap makipaglaro sa apoy.”


“Best, okay ka lang ba? Ano na naman yang pinagsasabi mo?” tanong ko.


“Best sa totoo lang ha, Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari. I try to fix something pero ikaw yung gumugulo. Kung hindi kita best friend hahayaan ko na lang mangyari ang lahat ng ito.”



Nakarating kami sa bahay ng lutang ang isip ko. 


Si Kieth, mailap pa rin sa akin. 


Nag-ayos na kami ng gamit at inihanda ang sarili para umakyat sa sariling kwarto. 


Umakyat na ako sa taas at tinungo ang malambot na kama. 


Nakita ko ang unan kaya niyakap ko ito at tuluyan ng inihiga ang sarili sa kama.


Naamoy ko si Kieth sa unan kaya patuloy lang ako sa pagyakap dito. 


Ano nga ba ang dapat kong gawin para naman magkabati kami ni Kieth? 


Paano ko sasabihin ang lahat ng saloobin ko gayong natatakot ako?


 “Dinaman kita iiwan… nangako ako sayo. Naguguluhan man ako sa nararmdaman ko kay RD, alam ko sa puso ko ikaw ang mahal ko. Nag-aalala lang talaga ako sa kanya.” Sabi ko sa unan.


"Mahal kita... at di ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala ka.... kaya sana maunawaan mo ako.. sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko... haixt.... ang bobo ko talaga... ang manhid ko.. HUHUHU...."


Muli kong niyakap ng mahigpit ang unan at isinubsob ang aking mukha sa unan.


 Mulat ang diwa ko na iniisip kung ano ba ang sasabihin ko kay Kieth kapag nagkaharap kami.



“Pati unan kinakausap mo na. tss.” Nagulat ako nang may magsalita sa kwarto.



Napatihaya naman ako at napabangon. 


Nakita ko si Kieth na nakatapis lang ng towel at bagong ligo. 


Napalaki naman ang mata ko dahil na rin sa nahiya ako sa mga pinagsasabi ko. 


Di ko akalain na nasa loob pala siya ng kwarto namin.


“Ah eh… kanina ka pa jan?”


“Kadarating ko lang…”


“Ah eh… sige…” tumayo ako at nagtangakang lumabas pero napigilan niya ako.


“Are you running away from me? Pagod na akong humabol ng humabol sayo. Kailan mo ba ako hahabulin?”


“Of course not. Hindi mo naman kailangan maghabol eh, dahil kaya kong tumigil sa anumang ginagawa ko para lang magtagpo tayo.”


“Let’s talk…” sabi niya


“Okay.”


Umupo ako sa may kanan at humarap naman siya sa akin. 


“Wait…” sabi ko.


“Why?”


“Magbihis ka na muna.”


“Bakit nadi-distract ka ba? Mas presko nga makipag usap ng ganito eh.”


“No way… kailan naman ako na distract.”


“But your body doesn’t agree to you.”


“Wew. Magbihis ka na.” sabi ko.


I feel lighter.


Mukhang medyo magaan yung atmosphere sa aming dalawa.



Hinintay kong magbihis siya bago kami mag-usap. 


matapos niyang magbihis ay nahiga siya sa kama at ikinagulat ko ang biglaang pagyakap niya sa akin. 


Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.


Galit pa kaya siya sa akin?


Nagtatampo kaya siya sa akin?


Haixt. Sana pag nagkaayos kami eh di na ako gumawa ng mga katangahan na desisyon.



“Sorry kahapon…” sabi ko.



“Nah… I should be the one…”



“Were okay right?” tanong ko.



“maybe?” sagot niya.


“Ayan na naman yung maybe mo eh…”



“Just kidding.”


“babe…” di ko napigilan ang mapaiyak.


Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. 


Di ko mapigilan ang mapahagulgol nung yakapin niya ako.


Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako ng mahigpit. 


I always feel this dumbness inside mo. 


Nakakainis, kailan ba ako magiging matapang sa mga abgay na ganito.


“Shhh… tahan na.” sabi niya



“Kasalanan ko kasi lahat… kung hinid naman kasi ako naglumandi di naman mangyayari yun. I feel that I betrayed you. Naguguluhan lang talaga ako. Mahal kita at yun ang nararamdaman ko. Sana naman wag kang magduda.”


“Babe hindi ka naman malandi eh.”



“No malandi ako. Akalain mo naguguluhan ang sarili ko sa nararamdaman ko. Dapat hindi ko nararamdaman ito. I want to be with you for the rest of my life. I am willing to give up everything magkasama lang tayo.”



“Kahit si RD?”




“I don’t know… maybe…”



“Hindi ka malandi babe…lahat naman nagkakaganyan. I can understand na you care for RD lang, sorry kasi naging makitid ang utak ko. I didn’t trust you enough. Pero ngayong nararamdamn ko na may nararamdaman ka sa kanya, medyo nabahala lang ako. Mali kasi babe eh.”



“Babe sorry for being to selfish… sorry.” Sabi ko



“Nagkamali rin naman ako…”



“Pero nakakahiya ako… nakakahiya talaga.”



“Shhh. Tama na… okay na, kalimutan na lang natin ang lahat.”



“Gagawin ko lahat para makabawi sayo…”



“Wala kang dapat gawin ha, mahal kita at mahal mo ako. Alam ko tayo hanggang sa huli. Pagsubok lang to. Everyone needs second chance and I think this is it… Kung nagkulang man ako ng pagmamahal ko, dadagdagan ko pa para dina mabaling atensyon mo… hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin…”



“Babawi ako promise, gagawa ako ng paraan para mawala lahat ng pagkabagabag mo.”



“Pwedeng humiling?” tanong niya



“Ano yun?”



“Di ko kasi talagang maiwasan na magselos kay RD. Please… Lumayo ka na sa kanya.. kahit distansya lang… Para kasing tinatarakan ng punyal yung puso ko kapag nakiita ko kayong dalawa. Sana maintindihan mo, di naman sa madamot ako pero iba na kasi talaga yung tingin niya sayo. Alam kong may gusto siya… alam kong mahal ka niya… kaya please…”



Di naman ako nakasagot. 


Alam kong dapat gawin ko to para sa relationship naming ni Kieth pero iniisip ko si RD. 


We are friends, pero kung magpapatuloy ito ay baka tuluyang magbunga yung feelings ko.



Pero sa kabilang banda, maiiwanan ko na naman si RD. hindi ko naman pwede iasa na lang si RD kay Arjay. Haixt. 


Ang hirap. 


Pero kailangan kong sumugal, kailangan kong i-save ang relationship namin.



“Babe… sorry, sorry kung masyadong malapit ako kay RD… best friends kami eh..”



“So your answer is no…”



“it’s not that… susubukan ko babe.. I mean, gagawin ko ang lahat. Kailangan kong i-save ang realationship natin kaya pumapayag na ako, iiwasan ko siya.”



“Nasasakal ka na ba?”



“Babe…”



“Alam ko… pero sabihin mo lang kung masyado na akong mahigpit… you can talk with him pero slight lang…”



“Opo…”



“Salamat babe…”



“Pasenysa ka na sa akin ha.”



“Naiintindihan naman kita kaya don’t worry.” Sabi niya



“Salamat ng marami babe. I love you.”



“I love you too.”



“Pahinga na muna tayo ngayon.”



“Yeah…”



“Namiss kita…”



“Ako din naman eh… gustong-gusto na kitang yakapin kahapon pa.”



“Pero naglasing ka. Nasosobrahan ka na naman sa pag iinom ha.” Sumbat ko sa kanya.



“Past is past… kaya tama na ha.”



“Yeah…”



“Babe…”



“Po…”



“Will you marry me?” tanong niya



“Oo naman.”



“I mean right now?”



“Are you serious?”



“Fucking serious.”



“Adik mo lang. tigilan mo ako ha.”



“So it means no?”



“Ang bata pa natin for that. At isa pa, kasal agad? Diba sabi natin pagkatapos ng pag-aaral natin?”



“Just kidding.”



Pero alam kong may laman ang mga hirit niya. Haixt. 


Ano ba ang dapat kong gawin para naman makabawi sa kanya? 


Nakailang buwan na kami at ilang buwan na lang ay isang taon na kami. 


Hay buhay. 


Alam kong kaya ko to, hold on, isip isip lang.











[RD’s POV]




Dalawang linggo matapos ang mga pangyayaring iyon sa amin ni Alex, narito ako ngayon at pilit iwinawaglit ang nararamdaman sa kanya. 


Umiiwas na rin siya sa akin at wala akong magagawa, mas mabuti pa nga ang mga nangyari eh.



Heto ako at patuloy na ipinagpapatuloy ang buhay kahit na nakakaramdam ako ng kalungkutan at pag-iisa.


 Napag-iiwanan na naman ako at no choice ako kundi tumunganga. 


Ano pa nga ba ang gagawin ko? I ruined my own social life.




“Anak…” tawag sa akin ni mama.




“Ano po yun?” sagot ko.



“You need to decide.” Biglang sabi nito.



“Ma… napag-usapan na natin ito. I don’t want your idea at isa pa, magsasayang lang tayo ng pera at panahon. I now my situation and I’m ready for it.”



“I just want to be with you… wala na nga yung kuya mo ayaw mo pang makasama ako.” Sabi nito.



“Ma listen up, I love you so much. Pero wag muna ngayon. Ayoko. Kayo lang ang mahihirapan sa akin. I can manage. Tatagal pa naman ako ma. Don’t be scared.” Sabi ko.



“Pero mas maganda kung mas tatagal pa yan kung pupunta tayo sa ibang bansa.”



“Ma… please…”



“Okay na… pero makukumbinsi din kita.”



“Di pa ba tayo pupunta kay Kuya?” tanong ko.



“Di ko alam, dapat last week pero ayaw ng papa mo.”



“Edi tayong dalawa ma.”



“Baka magalit ang papa mo.”



“Ma hindi yan. Alam kong sabik na sabik na ninyong makita si kuya.”



“Kay tagal na rin na hindi ko nakita yung kuya mo.”



“Kung nandito lang sana si kuya edi okay lang ako… okay sana tayo… hindi sana ako ang itinuring ninyong panganay.”



“Sigurado ka ba sa gagawin natin? Baka kasi hindi tayo harapin ng kuya mo.”



“Ma naman mahal kayo ni kuya alam naman ninyong sila lang ni papa ang hindi nagkaintindihan noon kaya naman siya umalis. Hindi kayo kamumuhian ni kuya. I swear.”



“Sige tara na…”



Nakita ko sa mga mata ni mama ang pananabik.


 Ganito siguro ang lahat ng ina lalo na at nawalay ang kanilang anak. 


Dati hindi ko pinapansin ang mga pagmumukmok ni mama, pero ngayon ko lang ito nabigyan pansin. Siguro kapag nagkaanak ka ganito ang mararamdaman mo.



Siguro dapat ko ng pangarapin ang magkaroon ng pamilya. 


Hindi naman nagsasara ang mundo para sa akin. 


Bisexual ako pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako pwedeng magmahal ng babae. 


Pero nakakatawang isipin na sa isang pihikan na tulad ko ay magmamahal pa ko ng tao bukod kay Alex.



Alex, sana naman patahimikin mo na ang kalooban ko. 


Gusto kong ipag sigawan sa mundo na mahal kita at ikaw lang ang mamahalin ko.


Sana kasi hindi na lang kita nakita pa at hindi na kita nakilala pa.



“Anak tara na…” yaya ni mama.            

    

“Ah oo nga po pala… sige po maliligo lang ako.”



“Ipapahanda ko na kay Mang Oscar yung sasakyan.”



“Sige po.”



Kamusta na kaya siya? 


Siguro masaya na sila ngayon ni Kieth, samantalang ako, heto at my worst. 


Malapit na nga pala ang birthday ni Kieth. 


Nice naman.


 Di na muna siguro ako mag paparamdam at magpapakita sa kanila.



Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis at bumaba sa may sala. 


Agad ko namang nakita si mama na tila ba sabik na sabik. 


Marami na akong kasalanan kay mama at gusto kong bumawi sa kanya. 


Pero bilang na rin naman ang mga araw ko bago ko magawa yun.



“Ma tara na.” sabi ko.



“Sige anak.”



“Excited ba ma?” tanong ko.



“Oo. Sa wakas, pwede ko ng makita at mayakap ang kapatid mo. Kay tagal na panahon akong nangulila sa kanya at ngayon na ang panahon na maari ko na ulit siya makasama.”



“Alam ko ma makukumpleto rin tayo balang araw.”



“Sana nga anak.”



“Ma cheer up. Wag kang magpakanega.” Sabi ko.



Habang papunta kami ay walang imik si mama. 


Feeling ko talaga ay kinakabahan siya kaya naman niyakap ko siya para madistract siya mula sa malalim niyang pag-iisip.



“Ma chill lang… kinakabahan ka na jan eh… sige ka mamaya mautal ka na jan.”




“Anak… kapag magulang ka na, saka mo mararamdaman ang nararamdaman ko. Nangungulila ako sa kuya mo anak. At ngayon, makakapiling ko na siya muli.”



“Napaka swerte naman ni kuya ma.”



“Walang swerte anak.. wag kang magtampo. Pareho ko kayong mahal.”



“Joke lang yun ma.”



“Anak…”



“ANo po iyon?”



“May gusto lang sana akong itanong sayo.”



“Ano po iyon?”



“Kaya mo ba ayaw pumayag sa gusto naming ng papa mo ay nang dahiln kay Alex? Pinipigilan mo ba talaga kasi ayaw mong malayo sa kanya?”



“Ma… hindi.”



“Anak… kamusta na ba kayo ni Alex? Nasabi mo na ba sa kanya yung nararamdaman mo? Napahayag mo na ba talaga kung ano yung nasa saloob mo?”



“Hindi na kialnagan ma. Mas okay na ako dito. At isa pa, Masaya na siya. makakagulo lang ako. Alam naman natin ma kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.”



“Siguro nga anak pero ikaw lang din ang mahihirapan. Hindi ka naman makakawala jan sa nararamdaman mo hanggat hindi mo yan pinapalaya.”



“Iniisip ko lang ma kung ano yung nararapat.”



“Pero kailangan mo rin gawin ang tama.”



“Ma, just not talk about it.”



“Okay sige.”



“Malapit na ba tayo ma?”


“Medyo…10 minutes will do.”



“Okay ma.”



Di naman nagtagal ang sampung minuto at lumipas ito na tila ba isang hangin na dumampi sa aking balat.


 Ipinadpad kami sa isang bahay.


 Di ko alam kung dito ba nakatira si kuya o hindi.



Sinipat ko ang paligid at kapansin-pansin ang kalinisan nito. 


Mukhang masipag si kuya sa kanyang buhay kaya nga nakapundar siya ng ganito kagarang bahay.



“Ma, sigurado ka ba na ito ang bahay ni kuya?”



“Oo anak. Eto ang address na sinabi ng papa mo.”



“Mukhang asensado si kuya ah.”



“Oo nga…”



Kitang-kita ko ang pananabik sa mata ni mama. 


Agad naman kaming nag door bell at agad namang lumabas ang isang kasambahay nila. Agad naman kaming bumati at hinanap si kuya.



“Sino ho sila?” tanong nito sa amin.



“Ako ho ang kapatid niya si Dan kamo… kasama ko si mama.”sabi ko.



“Sige ho pasok ho kayo dito.”



Agad naman kaming pinagbuksan nito at pinatuloy sa loob. 


Pinaupo niya kami sa may living room at tinawag si kuya. 


Gumala ang mga mata ko sa paligid ng bahay at namangha naman ako sa nakikita ko. 


Galante na talaga si kuya, bigtime kumbaga.



Agad namang lumabas ulit ang kasambahay nila at kasunod nito ang nagmamadaling lalaki pababa ng hagdan. 


Napatayo naman agad si mama kaya naman tumayo na rin ako. 



Tumingin si kuya sa kinaroroonan naming at ramdam ko naman na gayun din si mama.



Unang tumakbopapalapit ka kuya si mama kaya naman yumakap si kuya upang salubungin si mama. 


Kitang-kita ko ang pananabik ni mama.


 Pareho silang umiiyak sa aking harapan. Kay sarap tignan na makitang Masaya si mama.



“Ma… maa…” utal ni kuya.



“Anak… salamat at ayos ka lang… salamat at okay ka, salamat at maayos kang nabubuhay ngayon…Masaya ako na makita ka ulit…” iyak ni mama.



“Ma… miss na miss ko kayo, kayong dalawa ni Dan… sorry… sorry kung nawala ako, kung umalis ako..”



“Shhhh… wag na natin pag-usapan to ngayon.”



“Ma… salamat at pinuntahan ninyo ako… salamat po…”



“Kung alam mo lang kuya kung gaano ka namiss ni mama,”



“Tol…” sabi ni Kuya.



“Kamusta ka na ba?”



“Okay lang ako. kayo ba? Umupo na muna tayo.”



“Okay lang din kami kuya. Heto, okay naman at walang gulo sa bahay.”





“Mabuti kung ganon.”



“Kailan ka uuwi anak?” tanong ni mama.



“Ma… narito ang bahay ko…”



“May pamilya ka anak.”



“May panibagong pamilya na ako ma.”



“Anong ibig mong sabihin?”



“May anak na ako ma… may asawa na ako, kasama ko sila ngayon na nakatira dito.”



“Pero hindi namin alam.”



“Mas minabuti naming na hindi ipaalaam. Ayoko, ayokong tutulan pa kami ni papa. Mahal ko siya at tapos na akong magpasailalim sa kapangyarihan ni papa. Ayoko na.”



“Gusto kong makita sila…”



“Ma…” sabi ko.



“Gusto kong makita ang bagong pamilya ng kuya mo… pamilya na rin natin sila.”



“Tawagin ko lang sila ma.”



Umakyat si kuya sa bahay nila upang tawagin ang pamilya niya. Agad ko namang kinausap si mama. Alam kong nababagabag siya sa mga nangyayari.



“Ma… okay ka lang ba?”



“Oo.”



“Pero bakit parang kakaiba yung kinikilos mo?”



“May naisip kasi ako.”



“Ano yun ma?”



“Ngayong may mga apo na ako… kami ng papa mo… marahil matatanggap na siya ng papa mo.. marahil mapapatawad na siya ng papa mo… Magkakaayos na sila.”



“Pero ma, halatang ayaw na ni kuya. Halata naman na hindi siya pabor na magkita pa sila ni papa. Hayaan na lang natin siya.”



“Hindi anak.. kailangan magkaayos sila.”



“Pero hindi naman agad-agad yun.”



Natahimik si mama at tila ba napaisip.


 Ilang sandali na lang naman ay bumaba na si kuya kasama ang kanyang pamilya.


 Agad naman akong napatayo at nagulat sa aking nakita. 


Di ko akalain na nagkatuluyan pala sila ni kuya.



“Dan…” utal nito.



“So ate na pala kita ngayon.” Sabi ko.



“Magkakilala kayo anak?” tanong ni mama.



“Girlfriend siya ni kuya ma. Siya ang dahilan kung bakit umalis si kuya.”



“Siya ba?” nakita ko naman ang pangamba sa mukha ni kuya.



“Ma…” sabi ko.



“Okay lang ako. Masaya ako na pinili mong sumaya sa piling ng taong mahal mo. Im Proud of you.”



“Ma… siya pala si Anessa… asawa ko. Eto ang panganay ko si Anthony, sumunod si Angelica, tapos ang kambal kong anak, si Aaron at si Alden.” Pakilala ni kuya.



“Nice to meet all of you. Nakakatuwa naman at may apo na ako.” Kitang-kita ko ang pananabik ni mama sa kanyang mga apo.



Niyakap ni mama si Ate Anessa at ang anak ni kuya. 


Ang cute naman nung kambal. 


Di ko alam na magkakaanak ng kambal si kuya. 


Nainggit naman agad ako.



“Kuya, ang cute ng kambal mo. Akin na lang sila oh. Waaah. Naiinggit tuloy ako.”



“Saan pa ba mag mamana yang kambal na iyan? Edi sa akin. Gwapo na, cute pa. Paglaki nan sigurado ako hahabulin yan ng mga chicks.”



“Ay naku kuya, wag masyadong magdala ng bangko. Mamaya niyan hindi chicks ang habulin niyan.”



“Loko ka.” At nagtawanan kami.



“Masaya ako na ikaw ang nagbibigay ng kasiyahan sa anak ko. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko.” Sabi ni mama.



“Salamat po at tanggap po ninyo ako.” Sabi ni ate Anessa.



“Mahal ka ng anak ko. Kung mahalaga ka sa kanya, mahalaga ka na rin sa akin. Tawagin mo na rin akong mama, tutal asawa ka na ng anak ko. Welcome to the family!” muli nitong niyakap si ate Anessa.



“Salamat ma… salamat at tanggap mo ang asawa ko.”



“Sana lang matanggap mo na ang papa mo.”



“Change topic ma.” Sabi ni kuya



Lahat kami ay napatahimik. 


Hay, heto na naman kami. 


Kaya no choice kundi bring up another issue. Ano pa nga ba? Dapat lang maging okay ang lahat dito.



“Kuya yung kambal, ilang taon na sila?” tanong ko.



“Tatlong taon na sila.”



“Parang keilan lang eh umalis ka ng bahay pero may apat ka ng anak kuya ah. Napakasipag mo kahit kailan. Masyado mo atang trinatrabaho si ate Anessa.” Biro ko.



“Loko ka. At isa pa, wala eh masipag eh. Ikaw ba kalian ka magkakaanak?”



“hahaha. Saka na.”




“Aysus…”



“Kuya naman.”



“Naku anak, malabo na yang mangyari. Lalake ang gusto nan Kapag nagkaanak pa yan eh milagro ng matatawag.”



“Aysus, kayo nga naguudyok na pakasalan ko anak ni tito Ralph.”



“Fixed marriage again? Walang kadala-dala talaga si papa.”



“Tapos nayun kuya. Hindi naman naituloy. At isa pa, mas okay na rin iyon, at least nag reach out kami ni papa sa isa’t-isa.”



“Kamusta ba si Kate?” pag-iiba niya.



“She’s fine. Di ko alam ung sino ang boyfriend niya pero I think you make her happy nung umurong ka.”




“Yeah… mukhang may mahal naman siyang iba eh and I don’t know kung sino yun. I think sila hanggang ngayon.”




“Di ko kilala kuya. Pero to think of it, mukhang wala namang lumalapit sa kanya.”




“By the way… tol natatandaan mo ba yung kababata mo na first love mo kuno.”



“Si Alex ba kuya?”



“Definitely!” Sabi ni kuya



“May prolema ba anak?” tanong ni mama.



“No ma… I need to see him… our company wants him, kailangan naming siya and we offer some scholarship.”



“Kaklase siya ng kapatid mo. Magkaibigan sila. Nagkita na ulit kami. He was a wonderful boy. Sobrang bait pa din at sobrang sweet.”



“Great kung ganun. Matutulungan mo ba ako kapatid?”



“Ma, alam mo naman na bad shot ako sa kanila. Ayokong lumapit sa kanila at all. Makakagulo na namana ako sa kanya.”



“Ma, What happen?”



“Inalababo pa rin ang kapatid mo.”



“Ma…”



“Ah ganun ba, eh bakit ayaw mong ligawan? Legal ka na naman sa amin kaya okay na yan. Ang torpe mo naman kung ganun.”



“May sabit kuya.”



“Ah yun lang.”



“Pero ano yung sinasabi mo tungkol sa i-ooffer ninyo kay Alex?”



“May scholarship kami kay Alex sa ibang bansa. Nagustuhan yung application niya ng company namin. Namukaan ko siya pero di ko nilapitan kasi naman hindi ako sigurado kung siya ba. Kaso ang problema, ayaw na niyang tanggapin yung offer.”



“Bigay ko number niya.”



“I think you should bring him to me.”



“Kuya…”



“Just kidding, puntahan ko na lang siya. Just give his address to me.”



“Hay nako kuya.”



“Pero magaling yang kaibigan mo. He impress our executives. At isa pa, gusting-gustong kunin siya ng company naming hindi lang para mag model kundi para mag work under sa amin.”



“Hindi naman niya tatanggapin yang offer na yan. Asa pa na umalis siya. At isa pa, ang tatay niya ay may ari ng isang malaking kumpanya na kapartner ng kumpanya natin.”



“Kontra ka naman eh. Wala akong paki-alam jan sa kumpanya nila. Basata makukuha ko siya. I need to.”



“Tsss. Ikaw ang bahala. Basata I warn you. Pustahan pa tayo eh.”



“Oh tama na muna yan. I have a great idea ma. Dito na kayo magtanghalian. Ipaghahanda kop o kayo.” Sabat ni ate Anessa



“Oo naman. Sige ba ate. Sarapan mo luto ah.” Sagot ko.



“Kaya ka tumataba eh.”



“Macho ko na kuya oh.”



“Sus tignan mo nga yang tyan mo parang Nescafe lang, nangingbabaw.”



“Abs yan kuya, wag ka nga. Akala mo ha, nag gy-gym to uy.”



“Talaga lang ha.”



“Oo naman.”





[Alex’s POV]



Nakatanggap ako ng text mula sa isang company na inapplyan ko. I need money para naman sa regalo ko kay Kieth. Mag birthday na siya. yung company naman na inapplyan ko ay yung company na matagal ng nanliligaw sa akin bilang maging model. They offer me some scholarhip before at I think magbibigay din sila ngayon.



“Best… anyare? Anong meron jan sa cellphone mo?” tanong niya



“Wala naman bakit?”



“Kanina ka pa nakatitig jan sa cellphone mo. Daig mo pa ang naghihintay na may pagklain na lumabas jan eh.”



“Wala naman. At isa pa, pagkain na naman? Hindi ba pwedeng kahit ano? Gustom ka na naman ano?”



“Bakit ba? Eh sa gutom na ako eh. Pero ano nga yan?”



“Eh kasi uung company na inapplyan ko, okay na daw. Tanggap na ako. Pinapapunta nila ako.”



“Okay na pala eh. Sus akala ko naman kung ano. Makareact ka jan para kabng nasiraan ng baet ah. Naku naku.”



“Pero nagdadalwang isip ako. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yung offer nila.”



“Why?”



“Some instances and matter.”



“Si Blake ba?”



“Medyo… dapat kasi di na doon pero no choice. Si tita kasi out of the country kaya di niya maasikaso ang part time job ko.”



“Choosy pa.”



“Wew.”



Biglang dumating si mama kasama si kuya. 


Kita ko naman na namumula ang mata ni mama. 


Agad naman akong napatayo at niyakap si mama. 


Ano na naman kayang nangyari?



“Ma, anong nangyari? Bakit namumugto yang mata mo? Sinong nagpaiyak sa inyo?”



“Wala naman anak.”



“Bakit kayo naiyak ma kung wala lang? Magsabi nga po kayo ng totoo.”



“Si kuya mo eh. Ginulat lang ako sa sinabi niya.”



Agad kong pinuntahan si kuya at sinugod ito. 



“Hoy kuya, anong ginawa mo kay mama?!”



“Wala ah.”



“Ano nga? Kung wala eh bakit umiiyak si mama? Anong sinabi mo sa kanya ha?!”



“Kasi yung kuya mo… mag-aasawa na.”



“Asawa?” at natigilan ako. May girlfriend pala tong si kuya.



(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment