Thursday, February 6, 2014

Less Than Three- Part 45

AUTHOR'S NOTE:


Guys sorry ulet sa late update...




at isa po pala.. I will try my best na maayos yung about sa security ekek na yan.. sorry po ah.... I will do my best.. HONESTO! :)





Thanks sa sumusuporta at nagbabasa pa rin kahot sobrang tagal ng update.. 


sorry talaga. T-T



Love you guys. :)


#mouse

-----------------------------------------------



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 45

(Dahil Ikaw...)



[Arjay’s POV]


Natulala na lamang ako matapos sabihin sa akin ni RD na may sakit siya. 


Pero paanong nangyari yun? 


Napakalusog niya, napaka sigla niya. 


Hindi mo naman kakikitaan sa kanya na may sakit siya. agad ko naman siyang tinitigan habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mukha.





“Wag kang magbiro ng ganito. Hindi nakakatuwa.Bawiin mo lahat ng sinabi mo kasi hindi nakakatuwa yang pagbibiro mo!”



“Sana nga lang nagbibiro lang ako. Sana nga naalis itong pesteng sakit na kumapit sa akin. Alam mo ba ang burden nito sa akin? Nang dahil dito nalimitahan na ang buhay ko. Wala na akong magawa kundi ang sumabay sa agos ng buhay kong ito. Hindi na ako mabubuhay na tulad ng normal na tao. Maaring unti-unting mamatay ako.”



“Pero paano mo nalaman? Kailan mo pa nalaman? Ang bata mo pa para magkasakit ng ganyan. Baka naman may magagawa pa tayo. Baka naman pwede pa tayong humirit na maoperahan ka. May treatment ba? RD sagutin mo ako!”


“Wala na daw magagawa sa sakit ko. Treatment will do at ang buhay ko ay nakasalalay sa treatment ko. Ang haba ng buhay ko ay didipende na lang sa mga gamot at kung anu-anong mga ituturok sa akin. I’m a living dead.”


“RD bakit? Bakit nagkaganito ka?”


“Taksil daw tong sakit ko. Bigla-bigla na lang daw nakikita. I don’t know what to do. Maybe this is my destiny. To repay all my sins.”







Niyakap ko siya at inalo. 



He’s my best friend at hindi ko alam kung paano ba ang gagawin kong pag papagaan ng loob sa kanya. 


Hindi ko ata kayang makitang nagkakaganito ang best friend ko.



“We’ll find ways…” sabi ko.



“I accepted it already…” sabi niya



“NAPAKAHINA MO!” galit kong sabi.


“Wala na naman akong magagawa pa. Ayoko nang pahirapan sila mama. Alam ko nagtitiis lang sila sa akin ng ilang buwan. Nakikita kong unti-unti ay nanghihinayang na sila sa akin dahil ganito ako. Ayoko na.”


“Alam mo duwag ka! Napakaduwag mo kahit kailan! Kung sa tingin mo ay nagsasawa na ang mga magulang mo sa pag babantay sayo, isa kang inutil! Lumaban ka nga para sa pamilya mo… para sa sarili mo!”


“Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon! Wala kang alam sa pinag daraananan ng buhay ko ngayon kaya wag mo akong pagsalitaan ng ganyan!”


“Alam ko RD! Alam ko ang nararamdaman mo! Alam ko kung paano ang mag-isa at hindi mahalin ng taong mahal mo. Alam ko yung feeling na napakagulo ng pamilya! Alam ko yung feeling na gusto mong maramdaman na may nagamahal sayo kahit saglit lang, yung umaasa na sana pag gising mo kaharap mo na yung taong mahal mo at sasabihin niyang mahal ka niya! Alam ko lahat yan RD kaya wag na wag mo akong susumbatan ng mga salita mo! Alam mo, ikaw ang walang alam sa buhay!” sabi ko na lang.










“Sorry.” Sabi niya






“Kung alam mo lang ang pinagdaraanan ng ibang tao. Yung iba gustong mabuhay ng matagal para sa pamilya nila. Gusto nila na humaba pa yung buhay nila, para naman mapasaya nila ang sarili nila at ang kanilang pamilya. Pero ikaw, heto at sumusuko ka. Duwag ka. Napakaduwag mo…” ang mariin kong sabi sa kanya. “Alam kong isa sa dahilan mo si Alex kaya ayaw mo ng magpagamot, tama ba?”





Hindi siya sumagot bagkos ay umupo siya sa kama niya. 



Agad naman akong lumapit at lumuhod sa kanyang harapan. 


Nagtaas siya ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha.



“Si Alex lang ang taong minahal ko ng ganito… ngayon lang ako natakot mabuhay na wala siya. Masyado na akong nahulog sa kanya at hindi ko na ata kayang mawala siya. kung hindi lang din naman magiging kami, mas mabuti pa sana na mawala na lang ako. Gusto ko makasama ko siya, gusto ko kami lang dalawa at wala ng iba pa. kaya nga ngayon nawawalan na ako ng gana, nawaalan na ako ng pag-asa na pipiliin niya ako.”



“Alam naman natin ang katotohananan na…”



“Na mas mahal niya si Kieth? Paksyet lang Arjay. Araw-araw na lang ipinapamukha sa akin yan! Bawat pag gising kon sa umaga, si Alex ang naalala ko at kapag anndiyan si Alex at naramdaman ko na wala siya sa tabi ko, ipinapamukha na wala akong kwenta at wala akong pag-asa. Utang na loob naman.”



“Move on! marami naman jang iba.”



“Tangina naman yang payo mo. Move on? Ganyan ba kadali ang lahat? Dapat naiintindihan mo ako kasi pareho lang tayong nasaktan. Dapat ikaw ang unang makakaintindi sa akin.”



“Ano pa ba ang gusto mo? Magpaalipin sa nakaraan?”



“Bakit ikaw ba gusto mo na maging boyfriend ko? Siguro nasarapan ka sa kandungan ko noon kaya narito ka at pinipilit ako sa mga bagay na dapat kong gawin. Nahihili ka lang at…”



Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil sa sinuntok ko siya sa mukha.



 “Ipinapamukha mo lang sa akin na hindi mo na ako nirerespeto bilang isang kaibagan. Oo ibinigay ko sayo ang katawan ko dahil sa gusto ko at alam kong nirerespeto mo ako pero hindi ibig sabihin noon ay patay na patay ako sayo. Oo, nagkaroon ng oras na kumandong ako sayo at nasarapan ka sa piling ko, pero pakyu ka, wag na wag mong isusumbat at ipapamukha yan sa akin. Tangina mo, gumising ka jan! hindi ko inaakala na ganyan kang tao!”




Tumalikod na ako at hinagilap ang pinto para lumabas dito.


 Nasasaktan ako sa ginagawa ni RD sa sarili niya. 


Ibang-ibang tao na siya sa pinag gagawa niya. 



Bago ako tuluyang lumabas ng kanyang kwarto ay hinarap ko muli siya at nagsalita.





“Hindi pagmamahal ng iba ang kailangan mo… pag mamahal mismo sa sarili mo ang kulang sa sarili mo at kailangan mo.”




Agad naman akong lumabas ng pintuan ng kwarto niya habang pinupunas ang mga luhang patuloy na dumadaloy pababa sa aking mukha. 



Masakit man sa kalooban ko ay kailangan ko munang iwanan si RD para makapag-isip-isip sa mga bagay-bagay.



Umuwi ako sa bahay para naman mapanatag ang aking kalooban. Kung sa ibang lugar pa ako pupunta ay baka kung ano pa ang magawa ko. 


Agad kong tinungo ang aking kwarto at inihiga ang aking katawan doon.






Ano bang nangyayari sa akin ngayon? 



Bakit ba wala akong maisip na solusyon sa problema ko ngayon? 



Hindi ko alam kung kailangan bang malaman ni Alex ang lahat ng ito.


 Baka kasi makagulo lang ako kapag sinabi ko.



Di naman nagtagal ay biglang bumukas ang aking pintuan at iniluwa nito si mama.


 Agad naman itong lumapit sa akin at nagtanong kung saan ba ako galing.



“Ma… kila RD lang po ako galing…” sabi ko.



“Ah, akala ko naman kung saan ka nagsusuot. Bakit nga pala pumunta kila RD?” tanong nito.



“nangamusta lang po ako ma. Matagal-tagal ko na in po kasing hindi nakikita yng ungas na iyon.”



“Kamusta ba daw siya? Ni hindi na siya napaparito. Namimiss ko na ang kakulitan nung batang iyon.”



“Baka po hindi na rin siya makapunta dito… Mukhang matatagalan pa bago maging okay siya. Di naman po lingid sa kaalaman ninyo yung sa kanila ni Alex diba po?”



“Ha? Anong ibig sabihin mo anak?”



“Ah wala ma… I mean, busy kasi siya ma. Madaming ginagawa kaya ayon.”



“Ah. Sabihin mo minsan eh dumalaw siya dito.”



“Sige po.” Baka wala pang alam si mama sa mga nangyayari.



“Kumain ka na ba?”



“Di po ako nagugutom. Medyo inaantok na po ako eh kaya tutulog na lang po ako.”



“Oh sige. Good night anak.”



Agad ko namang kinuha ang phone ko at tinawagan si Alex. 


Kailangan ni RD ng lakas ng loob at alam kong si Alex ang makakapag papilit sa kanya na magpagamot. 


Sa tingin ko ay kailangan niyang puntahan ito at ayusin kung anuman ang mayroon sa kanila.



“Hello…” sabi ko.



“Napatawag ka Arjay.”



“Just want to tell you…”



“Ang alin?”



“Ah eh…”



“May gusto kang sabihin na ano?”



“Gusto ko lang sanang itanong kung nagkakausap pa ba kayo ni RD?”



“Hindi na eh…Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi niyan sinasagot. Ni hindi na siya pumapasok sa school. Ilang beses na rin akong nagtext pero wala pa rin. Kanina nga tumwaga siya pero hindi naman siya nagsalita.” Sabi niya



“I think the two of you should talk well.”



“Ayaw niyang makipag usap sa akin…”



“Puntahan mo siya personally. Hindi ka na niya matatanggihan nun. Trust me.”



“Sure ka ba?”



“Oo.”



“SIge puntahan ko siya as soon as possible.”



“Salamat. Sige got to go. Baka naabala kita jan.”



“Salamat tol. SIge.”



Sana lang ay tama tong ginagawa ko. 



Kung magkamali ako, alam kong burden sa akin to. 


Ako ang may malaking kasalanan kapag nagkataon. Sana ay maging maayos ang lahat.










[Alex’s POV]




“Babe… ready ka na ba?”


“Yup… just a minute pababa na ako.”


“Una na ako sa may sasakyan ha.” Ang nasabi ko na lang.


“Okay sige sige.”


Makikipagkita kami ni Kieth sa kuya ni RD para sa isang appointment about sa contract na inaalok nito sa akin. 



Hindi ko alam kung ano ba ang mga nilalaman nito pero handa ko naman itong kunin dahil papalapit na ang birthday ni Kieth, kailangan ko ng mapagkakakitaan. Hehehe.



Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Kuya Alec.






 “Hello kuya Alec.”



“Im on my way dun sa location na pag meetingan natin.”



“Ah ganun ba, papunta pa lang kami. Aalis pa lang kami dito sa bahay pero we will reach the location in no time.”


“Okay lang yun. Medyo malayo pa man din ako. It takes 30 minutes pa bago ako makapunta dun sa location kaya take time. Ang importante ay magkita tayo.”


“Sige sige. Ingat.”


“Babe…” napalingon na lamang ako sa aking likuran nang magsalita si Kieth.


“Anjan ka na pala. So tara na?”


“Yeah sure.”





Sumakay na kami nang sasakyan at nagsimula nang umalis. 


Habang nasa byahe naman ay napag-usapan naming ang tungkol sa kung ano ba ang nilalaman nung kontratang iyon.




“Hindi ko alam ang buong nilalaman ng kontrata… ang tanging nalalaman ko lang ay yun yung matagal nang nag-aalok sa akin na agency na si Kuya Alec na ang may hawak.” Sagot ko.



“Pero bakit hindi mo tinatanggap? Mukhang malaki naman ang deal nung kontratang iyon.”


“Noon kasi, ayaw din ni Blake. Kaya hindi ko tinanggap.”


“bakit daw?”


“Ay naku, di ko alam sa kanya. Basta ayaw niya.”



“So kapag sinabi kong ayaw ko din… hindi mo rin tatanggapin…”



“Aysus… nakikipagpaligsahan ka na naman sa wala dito.”



“Nagtatanong lang. bawal bang ma-curious?”



“May laman kasi yang mga patutsada mo. Naku. Selos ka ng selos eh alam mo namang matagal nang wala si Blake. At isa pa, alam mo naman na kung ano ang desisyon nating dalwa ay dapat iisa. Hindi ako magdedesisyon ng mga bagay na alam ko namang hindi makakabuti sa atin.”



“Talaga lang ha.”



“Gusto mo sapakin kita jan? makapagduda ka naman sa akin wagas ah.”



“Pero babe alam mo… kahit naman anong desisyon mo susuportahan ko eh. May tiwala naman ako sayo. Pero sana maghinayhinay ka sa desisyon mo ha. Wag na wag kang gagawa ng desisyon na alam mong hindi mo kakayaning buhatin. Kapag nahihirapan ka, narito ako para umalalay.”



“Alam ko naman yon. Teka nga, bakit ba padrama na ng padrama itong pinag-uusapan natin?”



“Ewan ko ba.”



“Aysus. Sabihin mo lang eh matagal ka nang madrama. Aminin mo na kasi.”



“Di ah. Tulad mo pa ako sayo…”



“Wushu. Huli ka na, tatanggi ka pa ba?”



“Pero naisip ko lang babe, paano kung bigla mong naisip na iwan ako?”



“Isang katangahan yung desisyon na yon kapag ginawa ko.”



“Pero possible pa rin naman diba?”



“Babe naman…”



“Oh easy lang… di kita pinaghihinalaan or what, alam mong may tiwala ako sayo… pero probability ang nakasalalay doon. Hindi naman kasi tayo pwedeng magpakampante na hindi na tayo haharap sa kung anu-anong problema.”



“Babe… anong ibig mong sabihin?”



“Nothing… gusto ko lang sana na sabihin sayo na kahit anong mangyari ay hindi ako bibitaw. Bigyan mo man ako ng ilang libong dahilan para sumuko sayo, may isang dahilan naman ako para kumapit sa relasyon natin, yan ay dahil sa mahal kita. At isa pa, kapag dumating ang panahon na ayaw mo na sa akin o kaya sinukuan mo na ako, gagawa ako ng paraan para muli ay mahulog ka sa akin. Gaano man yan kahirap gawin ay gagawin ko, mahalin mo lang ako. Di na ako magiging duwag na basta-basata susuko. Ikaw ngayon ang buhay ko at alam kong mamahalin mo ako habang buhay.”



Habang sinasabi niya ang mga linyang iyon ay hindi ko maiwasan na mapaluha.



Ganito na ba niya ako kamahal para masabi niya iyon? 


Sobrang nagagalak ang puso ko dahil sa mga naririnig ko.



Ganun din naman ang gagawin ko sa kanya, kahit ilang ulit ko pang suyuin siya, hinding-hindi ako mapapagod dahil hindi ako mawawalan ng pag-asa sa taong mahal ko.






“Oh bakit ka naiyak jan?” tanong niya




“Eh ikaw kasi eh… kung anu-ano na pinagsasabi mo. Nakakainis ka. Dapat kasi di mo na sinabi yun. Natatakot tuloy ako sa pwedeng mangyari sa hinaharap.”


“Hay naku. Sorry na. nadala lang nag pagkakataon. Masaya kasi ako ngayon, at natatakot ako na baka mapalitan na naman ito ng sakit.”


“Babe… just always think that I love you. Mahal na mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari ay ikaw lang ang mahal ko ha. Kung anuman ang nangyari noon sa amin ni RD, kinakalimutan ko na iyon para sayo, dahil sa mahal kita. I love you babe.”


“And I’m glad na nandito ka pa rin sa akin… na kasama kita.”


“Dahil nga diba, magsasama tayo sa iisang bahay at mamumuhay ng masagana?”


“Oo na. sige na.”


“Kaya tama na ang drama ha. Artista ba tayo sa telebisyon at ganito tayo kadrama?”


“Hahahah. Oo na, sorry na. naku… teka… medyo malapit na pala tayo.”


“Oo nga. Sige itext ko na rin si Kuya Alec.”







Dumaan ang ilang minuto at nakarating na din kami sa lugar na pag memeetingan namin. 



Agad kaming humanap ng puwesto sa loob ng resto at agad umupo doon. 


Hindi naman nagtagal ay nagtext na si Kuya Alec at kararating lang daw niya.

Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita si Kuya Alec. 


Sa tingin ko nga bata pa lang ako noon noong huling kita ko sa kanya. 


Agad ko naman hinanp si kuya Alec sa paligid, nagbabaka sakali na matatandaan ko pa ang itsura niya.




May isang gwapong lalaki na papunta sa aming harapan at natitiyak ko na si Kuya Alec na nga ito. Ang mga mata ng Lim, ang maamong mukha na galing sa kanyang ina at ang matikas na pangangatawan ng kanyang ama. Si Kuya Alec na nga ito. Agad naman akong tumayo upang makipagkamay sa kanya.




“Long time no see Kuya Alec…” ang nasabi ko.



“Kala ko di mo na ako makikilala. Long time no see din. Aba at ang laki mo na ah. Tsk tsk. No wonder maraming nagkandarapa sayo para sa mga commercial photo shoots.”



“Naku Kuya hindi naman. Nga pala kuya Alec, si Kieth boyfriend ko. Kieth si Kuya Alec pala.” Pakilala ko sa kanilang dalawa.



“Kieth sir…” sabi ni Kieth.



“So you are the lucky guy… Kuya Alec na lang para di gaanong pormal.”



Ginantihan na lamang nito ng ngiti si kuya Alec. Agad naman kaming umupo. “Naka order na ba kayo?” tanong nito.




“Hindi pa. hinhintay ka pa namin…” agad ko namang tinawag ang waiter at umorder kami.




“By the way kuya… ano nga pala ang sadya natin?” tanong ko.



“I know meron ka ng alam kahit konti. Its about the offer our company is giving you for the past years…” sabi nito.



“Bagong partnership ninyo lang ba yun kuya?”



“Yup. Just 3 months ago… at nakita ko nga ang dedikasyon nila sayo… tell me, ano ang nagpipigil sayo?”



“Una palang ayaw na ni Blake, ex ko, so ayon, hindi ko tinatanggap.”



“But heres the deal… we are giving you many incentives… may scholarship kami dito… may work ka na rin… ang gagawin mo lang is to be our company’s model…” sabi nito.



“May scholarship na kasi ako…”



“Hindi pa naman ako tapos… we will double our payment to you…”



“Double?”



“Triple.”



“Triple?”



“Naliliitan ka pa ba sa offer namin?”



“No its not that… nakakagulat lang naman yung sinasabi mo.”



“We think na ikaw yung nararapat sa company namin. Wala namang harm na gagawin sayo ito. At isa pa, our company is one of the best… we are globally competitive.”



“Yun na nga ang problem eh… hindi kasi ako sanay sa malalaking offer… alam mo naman na part time model ako… at isa pa, hindi kaya ma-issue ako sa mga ganyan? Natatkot lang ako nab aka pag pinasok ko itong company na ito eh mangarag lang ako, alam mo na, masyadong malawak at globally competitive nga yung company ninyo.”




“No… they trust you at isa pa alam naman nila kung ano ka. Hindi ka nila pababayaan. Ikaw ang gusto nila kasi you caught the sense of the viewers. Alam nila na bisexual ka and they don’t mind it. Marami nga ang mag aadmire sa iyo kung sakali. At isa pa, sa gwapo mong iyan, kahit ano ka pa pasok na pasok ka.”




“Uhm… Siguro nga.”



“Mukhang may iba ka pang prino-problema?” tanong bigla ni Kieth.



“Oo nga. May point ang bf mo.”



“Its just that… sabi ko nga globally competitive yung company ninyo… therefore… may chances na mabase ako sa ibang bansa isn’t it.”



“Hindi ka lang gwapo, matalino pa. yes, there are chances.”



“So ayon ang ayoko…”



“Pero di naman nagtatagal yun. Maybe days, weeks or months lang yun.”



“Ayoko kasing umalis ng Pilipinas…”



“Babe… if you are thinking about me… forget it… ayos lang sa akin yun.” Sabi ni Kieth.



“Hindi naman okay sa akin yun.”



“Ano ka ba, this is a chance in a lifetime. Alam mo naman na nakakapag tiis ako sayo di ba. I can wait for you. Pati makakatulong ito sa performances mo. Makakadagdag ito sa experience mo sa course na kinuha mo. Belive me, okay ito sayo.”



“Pero ako yung hindi… Hindi okay sa akin. Natatakot lang ako na mag-isa.”



“Edi sasama ako sayo…”



“Babe?”



“I know this is your one dream, matutupad na ito pero pinipigilan ko pa.”



“Alex… ako naman ang may hawak dito. Nothing to worry. Hindi kita pababayaan. I will take care of you. Magkababata kami ng kuya mo at kaibigan ko siya. Hindi ako gagawa ng kung anong makakasama sayo.”



“babe…”



“Is that a yes?” taong ni Kieth.



“May magagawa pa ba ako? Pinagtulungan na ninyo ako.”



“So it settled? Are we good for the contract signing?” tanong nito.




“Okay…”



Agad naman niyang inilabas yung kontrata at sinimulan akong I-orient sa mga nilalaman. Ganito pala kapag may kontrata ka, maraming bawal na gawin. 




May mga pagkakataon na dapat maging maingat lalo na sa mga paparazzi daw.




Hindi naman ako artista pero dapat pa rin ako mag ingat ayon kay kuya. May mga bagay akong hindi pwedeng gamitin in public. Bawal din akong makitang bumibili ng mga products na alam ko namang kalaban nung company nila.




Its been a long discussion and it end up in contract signing. “So mag start na tayo the day after tomorrow.” Sabi ni kuya Alec.



“Ang bilis naman.”



“Ganun talaga sa business.”



“Okay sige po. Saan po yung location?” tanong ko.



“My secretary will call you later for the details.”



“Okay po.”



“Ikaw ba Kieth, gusto mo rin ba? I have another contract here.” Sabi ni Kuya.



“Nah… that’s not my thing… napilitan lang naman ako dati.”


“Pero sayang… if the two of you will pose for us… I think tataas ang profit namin.”


“Oo nga babe… para magkasama na tayo.”


“Ayoko… hahahah.” Sabi na lang niya.


“Okay pero kung gusto mo don’t hesistate to come to me.”


“Sure… excuse me… CR lang ako.” Sabi bigla ni Kieth.


Tinitigan kong lumayo si Kieth sa akin at natuon na lang ang atensyon ko sa kanya. “So you seem very happy with him. Congratulations to both of you.” Sabi bigla ni kuya Alec.



“Very happy kuya. Thank you.” Sabi ko.


“It seems that the guy loves you so much and he’s very supportive to you.”



“Yeah. Lagi naman eh. Kaya nga lalo akong na-iinlove sa kanya.”



“Kawawa naman ang brother ko.”



“Alam mo pala. Sorry.”



“Of course. Nung mga bata pa kami eh halos magpakamatay na yun maipaglaban lang nararamdaman niya sayo.”



“Sorry.”



“Nah… don’t be sorry. Di naman natin maplease ang mga bagay-bagay.”



“Kamusta ka na pala?”



“Im okay. Happily married.” Sabi nito.



“Wow congrats… pero di halata na may asawa ka na ha. You look like 20.” Sabi ko.


“Hahahah. Thanks bro… kamusta pala ang kuya mo?”


“he’s okay. Diba nga ikakasal na siya. Punta ka. Nabanggit ko sakanya ito and he said to give his number to you. Teka kunin ko lang…” Igrabbed my bag and give him the calling card f my brother.


“Yeah… hahahha…”


“Kamusta pala si RD?”


“Di na ba kayo nag-uusap?”


“Nope…”


“He is planning to dropped out schooling…”


“Bakit?”


“Maybe you should talk to him… alam kong ikaw lang ang makakapag papayag sa kanya.”


“Payag na ano?


“Basta… Im not the one that should tell you this.”



“Ano bang nangyayari sa kanya? Please… sabihin mo naman… si Arjay ayaw din sabihin sa akin. Kinakabahan na ako sa kung ano ang nangyayari kay RD.”


“Alex… Im not the right person to tell you this…”


“Kahit na… naguguluhan na rin naman ako sa nangyayari eh.”





“Alex…”


“Please…”



“He’s…”


“Kuya Alec sabihin mo na…”

“He’s ill… he’s dying… may Lupus ang kapatid ko.”





Parang tumigil ang mundo ko nung sinabi niya ito. 





Lupus? 




Si RD may lupus? 



Pero paanong? 



Paanong nangyari yun? 



Napaka lusog niya para magkasakit, pero bakit ganun ang nangyari sa kanya?







“Are you joking?”







“Im serious… mali na ako ang nagsabi nito sayo pero I think the both of you should talk… please convince him na sumailalim sa dialysis.”




“Pero paanong nangyari yun?”




“Sabi ng doctor na hindi naman daw yun napasa from our clan… its just that the disease form itself inside his body.”




“Napakalusog niya.. di mo naman makikita sa kanya na may sakit siya…’



“Taksil daw yung sakit niya… recently ko lang nalaman… tumawag sa akin si mama… siya mismong nakiusap sa akin na gumawa ng paraan… pero hindi naman tumalab sa kapatid ko.. and you are our last option… My brother is dying… dying because he’s ill and obsessively inlove to you…”


“But…”


“Its all I can tell… ikaw na ang bahala ha. Im going…” sabi ni Kua Alec. “Pakiregards na lang ako kay Kieth. Thanks for your time. There’s something I need to do.”


“Nasaan siya kuya?”


“Nasa bahay nila… nandun lang siya.”


“Okay sige… ako na ang bahala.”


“Salamat.”


Tinitigan ko lamang ang paglayo ni Kuya Alec at hindi ko namalayan na dumatin nap ala si Kieth hanggang sa nagsalita ito at naputol ang aking pag mumuni-muni. “Nanjan ka na pala.” Sabi ko.



“Nasaan na pala si Kuya Alec?” tanong nito.



“May kailangan pa daw asikasuhin. Emergency ata kaya hindi na siya nakapagpaalam sayo.”



“So ano order na tayo?”



“Ikaw na ang bahala umorder sa akin.”



“Are you okay?”


“Yeah…”


“Sure ka?”


“Yup. Medyo mood swing lang dahil sa init ng panahon.”


“Ah ganun… so san mo gustong pumunta? Baka ayaw mo dito.” tanong niya.


“Gusto ko na sanang umuwi eh… medyo sumama ang pakiramdam ko.” Sabi ko.


“Bakit anong nangyari? okay ka lang ba?”


“Gusto ko lang magpahinga.”


“Ah sige tara na uuwi na tayo after nating kumain. Baka gutom lang yan.”


“Okay sige.”




Matapos naming kumain ay agad na kaming umalis ng restaurant na iyon. 



Inalalayan niya ako papuntang kotse. 


Nakukunsensya ako na nagsisinungaling ako sa kanya.


 Sa ngayon gusto ko na lang munang umuwi at mag-isip sa kung ano ang dapat kong gawin.


“Babe okay ka lang ba?”


“Ill be fine, itutulog ko lang ito.”


“Alagaan kita babe…”


“Ano ka ba? Magpahinga ka na rin… sige ka kapag ikaw nagkasakit jan eh.”


“Ayaw mo ata akong makasama eh.”


“Aysus nagtampururot na naman siya… gusto mo lang maka score sa akin ngayon eh.”


“Hahahah.”


“Oh, tumawa ka lang… ibig sabihin ay totoo.”


“Babe… lagi mo na lang akong pinaghihintay…”


“Sino bang nakatulog nung birthday ko? Hahaha.”


“Eh kasi naman…”


“Magdrive ka na nga lang jan.”


“Pagaling ka ha… mag ready ka sa birthday ko…”


“Ano pa lang plano mo?”


“Sila mama na ang bahala doon. Ang pinaghahandaan ko ay yung first Valentines day nating dalawa.”


“Pero babe, mas mauuna pa naman ang birthday mo kaysa sa Valentines day ah.”


“Basta gusto kong paghandaan yun.”


“Aysus… babe naman.”


“Oh nandito na tayo. Magpahinga ka ah. Wag nang kung anu-anong gagawin ha. Call me if you need anything. Basta kung di na kaya ang sakit, sabihin agad sa akin.”


“Opo daddy…”


“Tss. Hahahah.”


“Ingat pag uwi. Sa bahay bahay ninyo ang uwi hindi sa kung kani-kaninong bahay.”


“Opo lolo.”


“Batukan kita jan eh. I love you. Ingat.”


“I love you too. Sige po. Mwapz.”


Agad naman akong pumasok sa loob ng kwarto at inihiga ang katawan sa ibabaw ng aking kama.



 Ano ba ang dapat kong gawin? 


Paano ko ba siya makukumbinsi na mag pagamot? Haixt.



Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si RD. 


need ko siyang makausap, kailangan na niyang magpagamot. 


Pero hindi niya sinagot ang cellphone calls ko. 


Kaya no choice kundi ang puntahan siya.


Agad akong bumaba ng bahay at nagdesisyon na umalis ng bahay. 


Agad ko namang naabutan si mama na nagluluto sa may kusina kaya naman nagpaalam ako na lalabas ako ng bahay.


“Ma, alis lang po ako sandali.” Sabi ko.



“Saan ka ba pupunta? Kadarating mo lang eh aalis ka na agad. Anona nga pala ang nangyari dun sa lakad ninyo ni Kieth?” tanong nito.



“Kila RD lang po… Okay naman po. Ikwento ko na lang po pagdating ko mamaya.” sabi ko.



“Naku alam ba yan ng bf mo?”


“Kakamustahin ko lang naman po siya eh.”



“Yan ba ang sagot sa tanong ko, naku ikaw bata ka oo. Umuwi ka agad ha. Ingat ka. Wag magpapagabi.”



“Opo. Text po ako sa inyo agad kapag pauwi na ako.”



“Ipapasundo na kita sa kuya mo.”



“Sige po.” Sagot ko.








Agad naman akong umalis nang bahay para makarating na sa bahay nila RD. 


Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga sinabi ni Kuya Alec sa akin. 


Ramdam ko pa rin na ako ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpagamot. 



Tanging ako lang daw ang makakapagpapilit sa kanya.



Hindi ko na alam ang dapat ko pang gawin kapag nakaharap ko siya.


 Paano ko ba dapat siyang i-approach? 


Sa haba ng mga iniisip ko kanina ay hindi ko na lang namalayan na nakarating na pala ako sa babaan papunta sa bahay nila.


Ilang sandali lang din ay nakarating ako sa bahay nila at agad akong nag doorbell. 


Agad naman akong pinagbuksan ng kanilang kasambahay at pinapasok sa loob ng bahay. 


Nakita ko namang pababa si tita kaya agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.




“Salamat at dumating ka… salamat at dinalaw mo ang anak ko… hulog ka ng langit ngayon…”



“Tita… sinabi na po sa akin ni Kuya Alec ang lahat… sorry po.”



“Wala kang kasalanan.”



“Nang dahil sa akin ay nagkakaganyan siya.”



“No anak, dati pa naman siyang ganyan… pero mas lumala ang kalagayan niya. Kahit kailan napakatigas ng ulo niya. Lahat kami nabigla sa kalagayan niya. Hindi naming naisip na ganito ang kahahantungan ng lahat.”



“Susubukan ko po siyang pilitin na magpagmot tita.”



“Sana lang anak mapilit mo siya… nandun lang siya sa kwarto niya… matagal ka na niyang hinihintay…”



“Sige po.”



Agad naman akong umakyat at kumatok sa kanyang pintuan. Walang sagot akong narinig kaya inulit ko ang pagkatok sa pinto. Muli, wala pa ring sumagot kaya naman binuksan ko ito.


Bumungad sa harapan ko si RD na nakatitig lang sa akin. Sobrang nagulat ako anng makita ko na nasa tapat siya ng pintuan kaya naman napatigil ako sa aking kinalalagyan.


“Gusto mo ba akong patayin sa pagkagulat?” tanong ko.



“Umalis ka dito…” sabi niya.



“Kadarating ko lang pinapaalis mo na ako agad. Ganito ba ang pagsalubong mo sa iyong bisita?”



“Hindi kita kayang makita kaya umalis ka na dito…”



Napatingin ako sa kanyang mga mata at nakikinita ko naman ang nag-aadyang paglaglag ng luha sa kanyang mga mata. 



Agad kong hinawakan ang kanyang mukha at saka nagsalita.




“Nandito na ako…”



(Itutuloy)



7 comments:

  1. wawa naman si RD..oi sana hndi mamatay si RD sa finale at si ni ARJAY magkatuluyan..pls Mr.Author hehe..Tnx sa update kahit matagal hehe & GOOD LUCK PO ALWAYS!! -Robz J Cruz

    ReplyDelete
  2. Naawa ako kay RD pero ano kaya ang gagawin ni Alex? I mean we all know what RD want. Pagbibigyan ba nya ung gusto ni RD until makapag pa gamot siya? Paano naman si Keith? Awww. di ko alam. hahaha PERO I am still waiting for the next update. Sana meron na agad agad! Salamat po boss

    Ivan D.

    ReplyDelete
    Replies
    1. P.S. Wala na yung security code! Salamat naman author. ahahaha Oh everyone pede na magcomment without hirap! hahaha

      Ivan D.

      Delete
    2. Oo nga, thanks kay author, pede na ako magcomment.,..

      Sana po di masyado matagal ang susunod. Nagiisip ako kung mamamatay si RD, sayang naman! ahaha xD Awww what would alex do? He already broke his promise to Keith. WIll this result to conflict? hmmmm

      Mickey mouse

      Delete
  3. Wow meron na. Buti na lang pala nagcheck ako for updates. ahaha di naman po ako lagi nag cocomment pero na discover ko wala na human verification code kaya madali nalang. hihi...

    As I follow your story author, natutuwa at kinikilig ako for Alex-Keith and Alex-RD. To be honest I am for RD kasi first, siya ung unang love at mas nakakakilig ung ginawa ni RD lalo na nung birthday ni Alex (Oh db may recap ako) ahaha. Pero as the story goes on, nung nag ka chance si ALex na magkagusto kay RD (nung nasa bakasyunan sila nila keith and nagcollpase si RD) naawa naman ako kay Keith! ahaha kaya magulo AKO. lol And now may sakit na si RD. I dont know what to think at what may happen. Alex went to RD ng di alam ni Keith, di ko naman siya masisisi kasi bestfriend nya pero paano si Keith? Ahai... abangan ang susunos SALAMAT dito author :)

    ReplyDelete
  4. Wushu! Basa mode. hehehehe :) Salamat sa update kahit mejo matagal :)

    ReplyDelete
  5. sorry pala kung natatagalan ako at hindi na ako nakakapagreply sa mga comments ninyo.... salamat at nagugustuhan ninyo pa rin still yung kwento... haixt... nauubusan na ako ng susunod na part kasi di na ako nakakapagsulat.. pero still I will do my best.. promise

    ReplyDelete