Friday, May 6, 2011

Campus Figure- Part 30

Derederetso lang siya sa pagmamaneho. Ni hindi kami naguusap. Dahil sa katahimikan, siguro nakaramdam siya kaya binuksan niya ang radio. Mabilis naman ang takbo namin kaya after ng ilang minuto nakarating na kami sa pupuntahan ko. Buti alam niya yung lugar na iyon. “Salamat Vince ha....” sabi ko. “Walang anuman.... enjoy your night...” at yun nga umalis na siya. Alam kong may halong lungkot ang kanyang mga mata ng sabihin niya na enjoy your night. Pero di ko na muna piannsin yun. Hinanap agad ng mata ko si Jerick. Pero yun na lang ang sinalubong ko ang nakangising mukha. “Happy monthsary mahal ko....” sabi ko sa kanya. Pero di man lang siya umimik. “Tara uwi na tayo....” yaya niya. “Huh? Kadarating ko lang ah....” sabi niya. Sabay tayo at labas. “Ano ba....bakit ka ba ganyan?” tanong ko. “At ikaw.. bakit ka ba ganyan... kailngan bang ihatid ka pa ni Vince dito ha? Kailngan ba? Ano ba... special day natin to.... nawalan na ako sa mood....” sabi niya. “Hindi ako aalis dito..... ano ba... lagi na lang ba natin pagtatalunan to? Bakit ba? Argghhs...” sabi ko. “Kung ayaw mong umalis bahala ka jan...” at yun nga bigla niyang pinaandar ang kotse at tuloy tuloy na umalis.





Dahil sa pagkabigla, kandahabol ako sa kotse niya. Dahil na rin sa pagmamadali para mahabol ang kotse, di ko namalayan na may sasakyan pa lang paparating sa aking gilid sa aking pagatwid kaya ayon. “PPPPPPPPAAAAaaackkkkkkkkkkkk......” para akong nawalan ng pandama ng panahon na iyon. Tumalsik ako ng mga 2 metro mula sa sasakyan. Ramdam ko an nahihilo ako at maraming dugo ang dumadaloy mula sa aking ulo. Unti unti na ring umiikot ang aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.






Nasaan ako? Bakit puti lang ang nakikita ko? Patay na ba ako? Langit na ba ito? Pero paano? Yan ang tanong na bumungad agad sa akin. Ang naaalala ko lang ay nung tumakbo ako sa may kalsada at nabundol ako ng isang kotse. Kakibang sakit ang naramdan ko ng mangyari yon. Hinang hina din ako sa pagakkataong ito. Narmdaman kong parang umaandar ako. Nasaan ba ako. Bakit parang lumulutang ako sa kawalan at umuusod. Doon ko nagawang imulat ang mata ko. Hindi ko maibuka ng ayos ang aking mga mata. Nakita ko ang maraming nurse sa aking pakigid. Nakita ko rin si Jerick na hawak hawak ang kamay ko. Pero bakit ganun, hindi ko maigalaw ang katawan ko? Bakit parang ayaw nitong sumunod sa akin.







“Kyle.... tibayan mo lang..... malapit na tayo sa ospital..... pasensya ka na sa akin...” sabi ni Jerick sa akin habng patuloy pa rin ang pag iyak. Hindi rin ako makapgsalita. Pilitin ko man, pero para bang napipi ako sa pagkakataong iyon. Ng lingunin ko ang aking mga kamay, nakita ko ang karamihan ng dugo na nasapo ng aking kamay. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko, pati na rin ang kirot sa aking ulo. Sa panahong iyon, hindi ko na alam ang ggawin ko, nahihilo ako. Hindi ko alam kung paano pang baling ang gagawi ko. Hanggang sa anmalayan ko na lang na nawalan ako ng malay.







“Buti gising ka na Kyle....” sabi ni Tita Mila. Nanibago ako sa nakapaligid ko. Subukan kong mang tumayo pero sadyang di ko kaya at lalo pang sumakit ang mga pasa at sugat ko sa katawan. “O... wag ka ng tumayo....” sabi ni Tita sa akin. “Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang kabog ng dibdib ko ng malaman ko na naaksidente ka. Bigla akong natakot... akala ko mawawala ka na........ naku....” nakita kong tumulo ang luha ni Tita. “Uhhmmm.... Ti....Tita.... taha..an na...po.....” ang tangi kong nasabi. “Hayaan mo na muna ang tita mo... minahal ka an kasi niya na parang sarili niyang anak.... naalala lang niya yung nawalay naming anak.... kasing edad mo din siya... at isa pa.... tinuring ka na niyang anak kaya ganun na lang ang pag aalala niya sayo....” sabi ni Tito. “Asan p...po.... si Je....riick....?” tanong ko sa kanila. “Nasa bahay na siya... nagmumukmok na siya doon... sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sa yo....” sabi ng mga ito. Hindi na ako nakaimik.







Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang aking mga amgulang pati na rin si Vince. “Anaaaakkk...” sigaw ni nanay. “Anong nangyari sa yo? Bakit ka angkaganyan.... salamat sa Diyos at maayos na ang kalagayan mo......” nakita kong umiiyak si nanay. Pati na rin si tatay umiiyak. Ng lingunin ko si Vince, nakita ko ang unti unting pagtulo ng kanyang mga luha. “Hilda?” ang tawag ni Tita Mila kay nanay. Biglang natigilan si nanay na para bang kilala niya ang tumatawag sa kanya. Pag lingon ni nanay agad itong nagsalita. “Milgros?... ikaw ba yan?” sabi ni nanay. Isang pagattaka lang ang aniwan sa aking isip. “Ikaw ang nanay ni Kyle? Huh?” tanong niya. Hindi nakasagot si nanay sa halip tumalikod siya at humarap sa akin. “Nnaay... magkakilala po...ppoo... kayo?” tanong ko. Lalong lumuha si nanay sa aking harapan. “Hilda.... sagutin mo ako..... ikaw ab ang ina ni Kyle.... siya lag ba ang nag iisang anak ninyo?” paghawak ni Tita sa mga balikat ni nanay. Inawat anamn ito nila attay at tito. “Oo... anak ko si Kyle...... at siya ang nag iisa naming anak....” mariing sabi ni nanay na patuloy sa pag iyak. “Nasaan ang aking anak..... nasaan na ba siya... siya ba... siya ba ang napahiwalay kong anak?” tanong ni Tita na humahagulgol.







“Te...ka po... nag..guguluhan ak...ko.. sa inyo..” ang nasabi ko sa kanila. “Anak... magpahinga ka na muna jan ha..... saka na tayo mag usap... kailngan mo ng pahinga....” sabi ni nanay. “Per...o nay ...gust...o ko mala..man ang totoo...” pagpupumilit ko. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa kalituhan na nangyayari sa aking utak. Natigilan ng sobra si nanay. “Hilda.... kailngan na nating sabihin kay Kyle ang totoo...” sabi ni tatay. “Anong totoo?” sabi ko. “Anak.... hindi ka namin anak.....” at doon ko naramdaman ang pagkahabag sa aking sarili. All this time.. ang akala ko anak nila ako... hindi pala... pero paano... paanong nangyari. “Nagsisinungaling kayo nanay...... anak ninyo ako.... paanong hindi ninyo ako naging anak..” tanong ko. Pinilit ko na ang sarili kong makapagsalita ng ayos kahit na sumasakit ang aking mga sugat. Dahil sa pagpupumilit kong tumayo, lalong namilipit ang mga sugat ko sa sakit na nagdulot ng pagsuka ko ng dugo. Dahil sa epekto ng pagkakabangga sa akin, maraming internal organs ko ang naapektuhan.






Nagpanic ang lahat. “Nurse... nurse... ang anak ko.....” tawag ni nanay. Nagkakagulo na ang lahat. Si Vince naman, pumunta na agad sa may tagiliran ng aking kama at yun, inalalayan ako. Inaasikaso niya ako at kitang kita ko ang pagkataranta niya. “Kyle.... tibayan mo loob mo...... easy lang kasi eh.... galaw ng galaw.....” nanenermon pa niyang sabi. Dahil sa nararamdamn kong sakit, nagblackout lahat na siyang nagdulot ng aking pagkawalan ng malay.






Nagising ako ilang araw matapos ang insidenteng iyon. Halos mag iisang linggo na ako sa ospital. Di ko pa rin magalaw ng ayos ang aking katawan. Inikot ikot ko ang aking paningin. Tulog lahat sila. Si nanay nasa may higaan na sofa, si tatay naman sa may upuan, nandun din sila Tito at Tita sa may isang kama na walang laman. Private room ang kinuha at pinaglagyan sa akin kaya solo ko. Sa may kanan ko, nakita kong hawak-hawak ni Vince ang aking kamay at nakaub-ob sa may kama. Nilikot likot ko ang aking kamay upang tugunan ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay. Dinama ko ang pagkakataon na hawak niya ang aking kamay. Dahil sa ginagawa ko, unti unting nagising si Vince. Nakita ko ang pagmulat niya ng mata. Ang gwapo pa rin niya kahit na bagong gising. At ng makita niya akong gising, nakita ko ang kakaibang sigla sa kanyang mga mata at mga labi. “Mahal ko... gising ka na... salamt naman sa Diyos.” Sabay yakap sa akin at halik sa pisngi. Nakita ko na ring nagsigisingan sila nanay. Bigla namang kumalas si vince sa akin. “Anak.. gising ka na.. sa wakas.... nag alala talag kami sa yo.. ano ang gusto mo? Kakin ka ba? May gusto ka bang inumin?” tanong ni nanay sa akin. “Nagugutom lang ako nay... gusto kong kumain...” sabi ko. “Ano gusto mo.... ipabibili ko... para sayo...” sabat ni Tita Mila. “Kahit ano po...” nasagot ko. Nakita ko ang pagkasaya sa mata ni Tita Mila. Naalala ko pa ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.






“Nay.... may gusto po akong itanong sa inyo tungkol sa aking pagkatao..... gusto ko po sana sagutin ninyo ng tama...” sabi ko sa kanila. “Anak... magpagaling ka muna.... nagusap na kaming lahat at sasabihin namin ang buong katotohanan pagkalabas mo ng ospital...” sabi ni tatay sa akin. At nakinig na lang ako sa kanila. Pagkadala sa akin ng pagkain, kinuha agad ito ni Vince at siya na mismo ang nagpakain sa akin. Sinubuan niya ako. Ang sweet sweet niya talaga sa akin. “Nga pala.... kamusta na yung paper natin? Pasensiya na kung di ako nakakatulong ah....” pagtatanung ko. “Adik ka talaga.. yun pa rin ang iniisip po.... wag ka ng mag alala boss..... tapos na ang paper natin at naipasa ko na... kaya ayon.... exempted tayo sa exams at may additional grade pa tayo dahil sa maagang pagpasa mula sa ceiling deadline...” pahayg niya. “Nakakahiya sayo.... ni hindi ako nakatulong sa yo.... pasensya na ha....... salamat din sa pag aalaga mo sa akin.....” sabi ko sa kanya. “Nga pala.... nasaan si Jerick?” pagatatnong ko. Parang sa pagtatanong ko, walang gustong sumagot. Kaya ako na ulit ang gumawa ng paraan para masagot nila yon. “Vince.... nasaan si Jerick... please....” pagmamakaawa ko sa kaniya.






Nakita kong tumingin na muna si Vince kila Tita Mila. At tumango lang ang mga ito. “Kyle.... sobrang depressed si Jerick sa nangyari... kaya... nagtangka siyang magpakamatay..... sinisisi niya ang sarili niya sa pagkapahamak mo... buti na lang at di na tuloy ang pagpapakamatay niya... nakita agad siya nila Tita Mila at naudlot yung balak ni Jerick na maglaslas.” Sa narinig ko, para akong nilukuban ng ibang espiritu. Di ko alam kung ano na ba ang gaagwin ko. Nalulungkot ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko naman sinisisi si Jerick sa mga nangyari. Napaluha na lang ako ng lagay na iyon. “Kamusta na po si Jerick, tita?” pagatatnong ko. “Okay na naman siya... wag ka ng mag alala.... ok na ok na siya.....kasama na niya mga pinsan niya.....” dahil doon, medyo napanatag na ako kay Jerick. Pero di mo pa rin maalis sa akin ang pag alala.






Tatlong araw pa akong nanatili sa ospital matapos kong magkaroon ng malay. Lumabas din ako sa ikatlong araw ng nasabing araw na iyon. Ayon sa resulta, may mga bahagi ng katawan ko ang lubos na naapektuhan. Pero magiging okay din naman yun sa mga ilang linggo. Di naman grabe ang impact ng pagkakabangga sa akin. Wala naman daw naapektuhan na buto. Mahihirapan nga alang daw ako maglakad sa mga susunod na araw dahil sa adoptation stage pa ako sanhi ng accident. Di na rin kami nagsampa ng kaso sa driver dahil in total, ako naman ang may kasalanan. Nakipagusap lang kami sa driver at naayos namna. Humingi kami ng dispensa sa driver dahil sa aberyang nangyari. Habang papunta kami sa bahay, kinakabahan ako. Ramdam ni Vince yon kaya hinawakan niya ang kamay ko. “Easy lang.. wag kang kabahan..... ready ka na bang malaman ang lahat?” tanong niya sa akin. “salamat sa pag comfort..... oo.. handa na ako.... natatkot lang ako sa magiging reaction ni Jerick.. kung matatanggap ba niya na magkapatid kami....” sabi ko. Malalim ang isip ko at lumilipad ito sa mga panahong yaon.






Si Vince ang umalalay sa akin papasok ng bahay. Sobra talaga akong natutuwa sa pag aalaga niya sa akin. Alam kong medyo naguguluhan sila Tita Mila sa mga inaasal ni Vince. Siguro naman may idea na siya sa aming dalawa. Kasama din namin sila anany at tatay. Habang papasok na kami, ganun na lang ang kaba sa aking dibdib. Para bang gusto ng lumubas nito mula sa aking katawan. Mahigpit na ang pagkaakhawak ni Vince sa aking kamay. “Andito lang ako....” pagpapalubag ng loob niyang sinabi sa akin.






Habang puamapasok ako sa loob ng bahay, para bang kakaiba ang atmosphere at lamig ng hangin na aking nararamdaman. Bigla akong kinilabutan. Para bang may multo sa aking tabi. Pinagpapawisan ako. Para tuloy akong hihimatayin. Nararmdaman ko ang mahigpit na pagkakahawazk ng akmay ni Vince sa akin. Naisip ko lang, hindi kaya magwala si Jerick pag nakitang magkasama kami ni Vince at magkahawak pa ng kamay. Pero ewan ba, kinikilabutan talaga ko.






Nang makita kong nakaupo si Jerick sa sofa at nakatungo ang mga mukha, kakaibang kilabot ang aking nakita. Naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Nang mag angat siya ng mukha, gayon an lang ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakita kong nag iba ang expresyon ng mukha niya ng makita niya si Vince sa aking tabi. “Anong ginagawa ng gagong lalaking iyan dito? Umalis ka dito.......... umalis ka.. ikaw ang dahilan... ikaw...ikaw.....” pagwawala ni Jerick.






(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment