Sa lahat po ng sumusubaybay sa Campus Figure, maraming marming salamt po. nalalapit na po ang pagtatapos ng story na to. pagpasensyahan ninyo po kung natatgalan akong mag post... dami po kasing mga ginagawa.... salamat po ng marami....
Olweix hir....
D.K
_____________________________________________________________________________
Nang makita kong nakaupo si Jerick sa sofa at nakatungo ang mga mukha, kakaibang kilabot ang aking nakita. Naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Nang mag angat siya ng mukha, gayon an lang ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakita kong nag iba ang expresyon ng mukha niya ng makita niya si Vince sa aking tabi. “Anong ginagawa ng gagong lalaking iyan dito? Umalis ka dito.......... umalis ka.. ikaw ang dahilan... ikaw...ikaw.....” pagwawala ni Jerick.
Pinigilqan siya nila tito at tatay sa pagwawala. ‘Umalis ka dito sa pamamahay namin... wala kang karapatang tumuntong dito... ayokong makita ang pagmumukha mo... umalis ka dito... ngayon na... umalis ka dito... lumayas ka... ikaw ang may kasalanan ng lahat.... kung hindi dahil sa yo...... sana ayos pa akmi ni Kyle... sinaktan mo mahal ko... at hinding hindi kita hahayaan na masaktan mo ulit siya....” pagsisigaw ni Jerick. “Aksidente ang lahat Jerick....” narinig kong sigaw ni Vince. “Mukha mo.... halika dito... suntukan na lang..... bakit ka ba nandito... nanggugulo ka na naman....umalis ka dito... hayop ka...” parang wala sa sariling sinabi ni Jerick. Napapiyak na lang si tita Mila sa mga nakikita niya. “Anak... ano ba... umupo ka muna jan.... andito si Vince dahil siya ang nag alaga kay Kyle... at gusto kong kasama siya sa pag uusap natin ngayon....” sabi ni Tito. “Pag uusap?... anong pag uusap?” parang wala sa sariling pagattanong niya. “Huminahon ka muna... umupo ka...... hinay hinay lang ha.....” pagpapahinahon ni Tito sa kanya. “Mama.... ano ba ito... anong pag uusap to... magsalita kayo...” tila naguguluhan si Jerick. “Anak.... may kailngan kayong malaman ni Kyle... importante ito... sobra.....” sabi ni Tita mila.
“Magsalita na akyo... sabihin ninyo na.....” sabi ni Jerick. “Anak....... magkapatid kayo ni Kyle.....” tila bomba na sumabog sa aming harapan ag sinabi ni Tita Mila. Nakita ko ang reaksyon ni Jerick. Tinitigan ko ang mukha niya na may tila kakaibang expression. “Mama... naghkakamali kayo.. paanong magiging kapatid ko si kyle... ang layo anman.... mama hindi pwede yon..... sabihin ninyong nagkakamali lang ako ng rinig mama.... sabihin ninyo....” parang batang nagmamakawa si Jerick. “Anak... totoo sinasabi ko......” bigla nalang humagugol si Tita Mila. “Pero mama paano...” nakita kong umiiyak na din si Jerick kaya pati ako napaiyak na. “Nung baa pa si Kyle... sa di inaasahang pagkakataon.... nahiwalay siya sa piling natin. Naghihirap pa tayo noon... di pa tayo mayaman.... dahil noong panahon na iyon, nakaangat sa buhay sila Hilda... inihabilin ko muna si Kyle sa kanila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap ng buhay... wala na akong mapagpipiliin kundi ang ihabilin siya at ipaampon. Wala pa ang tatay mo noon. Iniwan niya tayo. Walang wala tayo. Hanggang sa hinayaan ko an si Kyle sa piling nila Hilda. Nagsumikap ako. Nagtrabaho ng ayos, hanggang sa makilala ko ang iyong ama ngayon. Siya ang tumayong ama sa iyo. At dahil na rin sa gusto kong kunin na ang anak ko, binalikan ko sila Hilda. Pero nabalitaan kong lumipat na pala sila ng tir ahan dahil sa pagdemolish ng abhay nila sa lupang kinatitirikan. Nawalan na ako ng pag asa. Nabalitaan ko na angkagulo daw ng mga panahon na iyon at isa sila Hilda at ang asawa niya sa nakibaka upang isalba ang lupang tinitirikan. Marami ang namatay dahil sa nangyaring iyon. Hindi ko rin natagpuan sila Hilda. Patuloy pa rin kami sa pag hahanap sa mga tagpong iyon. Pero lumipas ang maraming taon.... hindi na muli naming nakita ang iyong kapatid na si Kyle...” pagkwento ni Tita Mila sa amin.
“Pero nay... bakit ninyo inilihim sa akin ito.... bakit ninyo itinago ang kakatotohanan?” pagtatanong ko kay nanay. “Natakot ako anak... na abka magbago ag pakikitungo mo sa amin.... pati hindi ka na binalikan ni Milagros sa amin.... kaya sabi namin, ituturing ka na naming isang tunay an anak....” sabi naman ni nanay. “napakagulo na ng sitwasyon,.... marami na ang nangyari..... di ko inaasahan na magkapatid kami ni Jerick...” pahayag ko sa kanila.
“Mama.... hindi pwede.... hindi kami magkapatid ni Kyle... mama... may namamagitan sa amin ni Kyle...... hindi pwede na magkapatid kami.. may nangyari sa amin.... hindi pwede...” pag hahagulgol ni jerick. “Anak? Ano bang nagyari sa iyo.... hindi ako makapaniwala sa nalaman namin... may nangyari sa inyo?” biglang sabat ni Tita Mila. “oo mama... may nangyari sa amin... may namamagitan sa amin..... sa katunayan.... kami na..... Monthsary namin noong panahong iyon ng maaksidente si Kyle.... hindi ako papayag na maging magkapatid kami ni Kyle.” Sabi ni Jerick. “Hindi pwede..... hindi ako makakpayag...... kung may namamagitan man sa inyong dalawa, kailngan na ninyong putulin yan.... Kuya ka niya Jerick, anak..... di kayo pwede... maiintindihan ko kung amhal mo siya kung hindi kayo magkapatid... papayag ako na maging kayo..lumigaya ka lang...pero anak... magkapatid kayo...sa dugo’t laman... hindi maari yang gusto mo.....” pagtutol nito sa amin. “Hindi rin ako papayag na paghiwalayin ninyo kami. ... hindi... mahal ko si Kyle.... mahal na mahal.” Sabi ni Jerick. “Anak... hindi pwede..... isa pa.... tutol kami.... magkapatid kayo.... matatnggap pa namin kung hindi kayo magakpatid..... sana maintindihan mo.....” sabi ni Tito. “Hindi papa... hidning hindi ako papayag..... lalo na kung mapupunta pa siya sa piling nga hayop na lalaking iyan.. hindi ako papayag...” sigaw ni Jerick.
Nagulat ang lahat sa narinig mula kay Jerick. “Anak... may namamagitan ba sa inyo ni Vince? Magsabi ka ng totoo... meron ba?” tanong ni Tita Mila. “Opo.... matagal na po.... ex ko siya.... matagal nang panahon ng maging kami..” sagot ko. “Ano bang buhay ito... hindi ko kayo maintindihan....mga abta kayo... ano bang klaseng panahon meron ngayon... kapwa lalaki nag iibigan.....” sabi ni Tita. “Kaya ako anndito rin ngayon..... oo nakakagulat po na malaman na mayroon kaming relasyon ni Kyle dati... alam ko pong mahirap... pero ako na po ang nagsasabi.... mahal ko po Si Kyle.. hanggang ngayon...... handa ko siyang ipaglaban sa inyo....... ngayong nalaman ko na magkapatid sila.... nabuhayan ako ng loob..... mahal na amhal ko ang anak ninyo..... alam yan nila Nanay Hilda at ng mga magulang ko... legal kami both sides..... at sa pagkakataong ito... hinihingi ko ang kamay ng inyong anak upang pakasalan....” pahayag ni vince.
Ang lahat ay lalong nanlaki ang mga mata. Nagulat sa sinabi ni Vince. Hinihingi niya ang aking kamay upang pakasalan. Kakaibang kiliti sa damdamin ang naramdaman ko sa sinabi niya pero ganun din ang kalungkutan sa side ni Jerick. “HINDI........” sigaw ni jerick. “Mama..... nagmamakaawa ako... wag mong hahayaan na magkatuluyan sila... nag mamakaawa ako... papayag ako na sa ivbang lalaki mapunta si Kyle wag lang kay Vince.... handa akong tanggapin ang lahat wag lang kay Vince... amam.. please... wag kang papayag.......” sabi ni Jerick. Hindi makasagot si Tita Mila. Natutulala siya sa mga nangyayari. “Jerick..... kailngan mo munang tanggapin na magkapatid kayo ni Kyle.... at wala akong magagawa kung magkataon man na pumayag si Kyle sa proposal ni Vince. .... at ayokong humadlang sa kaligayahan nila.....” sabi ni Tita Mila. “Pero Vince..... wag ka munang magmadali.a.. kumplikado pa ang sitwasyon,.... maari bang ipagpaliban mo muna ang pag hingi sa kamay ng aming anak... gusto pa namin muna siyang makasama......” dagdag pa ni tita. “Pero amma.... bakit ganyan ka... pumapayag ka na magkatuluyan kami... intindihin naman po ninyo ako..... wag ninyo silang hayaan magkatuluyan..... nagmamakaawa ako........” naawa ako sa kalagayan ni Jerick. Para siyang isang abata na inagawan ng candy.
“Naguguluhan po ako sa mga nangyayari...... gusto ko na pong magpahinga....:” ang tanging nasabi ko para matapos ang usapan. “Sige anak... saka na lang muna natin pag usapan ito.... kailngang magpahinga ka an muna.....” sabi ni Tita. “Sige na Vince,... sa ibang araw ka na lang bumalik.....” sabi ni Tito. Bigla nalang akong niaykap ni Vince at hinalikan sa pisngi. “Mahal ko.. babalikan kita ha.... magpahinga ka na jan...” at sabay alis ng bahay. “Wag ka ng bumalik dito.. hayop ka....” sigaw ni Jerick. Naawa ako sa kalagayn ni Jerick, alam kong napakahirap sa kanay ng lahat ng nangyayari. Nagpahinga ako ng panahong yun. Mas nanaisisn ko ang mag muni muni muna. Pinatulog nila Tita Mila sila nanay sa guest room. Naguguluhan na rin pati ako sa mga nalalaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin.
Ilang linggo na ang nagdaan at nakikita ko ang malaking pagbabago kay Jerick. Nag mumukmok na siya sa kanyang kwarto. Minsan na lang kung kumain. Naapektuhan na rin pati ang kanyang anak na si Jude. “Daddy..... naaawa na po ako kay daddy..... di na rin po niya ako pinapansin... lagi niya akong tinataboy.... ano po ba ang nangyayari kay daddy......” pagrereklamo na sa akin ni Jude. “Ako na ang bahala sa kanya anak... sige na... kain na jan....” sabi ko sa kanya. Pero wala pa rin akong kaalam alam at idea kung ano ang gagawin sa kanya.
Nasa may garden ako ng mga oras an iyon ng biglang umupo sa tabi ko sila Tito at tita. “Ano ginagawa mo jan anak?” sabi ni Tita sa akin. “Wala naman po Tita... nag iisip isip lang po.” Sagot ko. “Anak... wag kang mahiyang tawagin akong mama.....” sabi nito sa akin. “medyo naninibago lang po ako.......pero hayaan po ninyo at matututunan ko din po.....” sabi ko sa kaniya. “Sa akin din.... ituring mo na rin akong tunay na ama.....” sabi ni Tito. “Ok po....heheh..” sabauy ngiti sa mga ito. “Anak... patawarin mo ako sa mga kasalanan ko na nagawa sa iyo ha....... kung hindi lang talaga mahirap ang sitwasyon natin.... sobrang naawa lang talaga ako sa ation kaya mas naisip ko na ipamigay ka..... mahal na amhal kita... tandaaan mo iyan.... hinanap kita buong buhay ko... para akong nawala na rin ng buhay ng mawala ka sa amin...... pasensiya na talaga.....” sabay iyak. “Ma, naiintindihan ko naman po... wag po kayong mag alala...... alam ko naman po ang point ninyo kung bakit po ninyo ako ipinamigay..... at tanggap ko po iyon..... kaya wag na po kayong mag alala.. napatawad ko na po kayo....” sabay yakaap kay mama.
“Napaka swerte ko at nagkaroon ako ng isang naka na tulad mo...... basta kung anum,an ang gusto mo....ibibigay ko... tandaan mo iyan..” sabi ni mama sa akin. “Opo......hehehhe...” nasabi ko na lang. “Nga pala anak.... kwentuhan mo naman kami tungkol sa inyo ni Vince....” tanong nito sa akin. “Nakakhiya po...” sabi ko. “Nako anak wag ka ng mahiya.. tanggap ka namin ng mama mo kung ano ka...” sabi ni papa. “Salamat po at natanggap po ninyo ako..... madami na po akong napagdaanan... sa una... tumutol din sila nanay at tatay pati na rin sila Tita Rose at Tito Marco. Magkakalase po kami ni Vince. President ako ng student council at isa anmang isang war freak student si Vince. Sa una nagkalabuan kasi nga laging magkaiba yung side nya sa side ko. President ako tapos war frea siya. Hanggang sa isang araw, natagpuan na lang po namin ang sarili po namin na minamahal na po ang isa’t isa. Then yun po, dami ng mga problema na pinagdaanan.... kaso po ang pinakamasakit po eh yung naghiwalay kami..... may isang babae po kasi na biglang pumunta sa abhay nila at nagsabing buntis po siya kay Vince kaya ayon po, pinili ko pong lumayo at napadpad po ako dito ng mabangga po ako ni jerick. Tapos yun po, sa di iniaasahan po, minahal din po namin ang isa’t isa. Hanggang sa dumating ulit po si Vince at sinabi na hindi siya ang aman ng dinadala nung babae...” marami pa akong kinuwento sa kanila. At sa hinaba haba ng sinabi ko, inabot kami ng ilang oras.
“Napakadami mo na palang naranasan.... nalulungkot lang ako dahil wala ako sa tabi mo ng panahong iyon.... haist... pero masayang masaya na ako na kasama kita ngayon... buo na ulit tayo... at hindi na ako papayag na magkawatak watak pa ito..... magsisimula tayo kasma sila Hilda at ang tatay mo.....” sabi ni mama. “Salamat po mama.... sobra po akong natutuwa at natagpuan ko na rin po kayo.... ang pinoproblema ko na lang po eh yung kay Jerick.... naawa po ako sa kanya... alam ko po na sobra po siyang nahihirapan siya ngayon..... naawa po ako sa kanya... sa kuya ko po... di ko po akalain na magkapatid ko siya at kuya ko pala siya... matagl na akong nagahhangad na magkaroon ng kuya... at natupad na din pon iyon... sana po maayos na ang lahat po... hehehe...” sabi ko sa kanila.
“Hayaan mo matutupad din yan... wag kang mag alala....maayos din ang lahat...” sabi sa akin ni mama. “Sa ngayon.... ang isispin natin ay kung paano natin aayusin sa side ni Jerick...” sabi ni papa. “Ako na po ang bahala.....kakausapin ko po siya...” sabi ko. “sigurado ka ba?” tanong ni mama.”Opo...” patayo na sana ako ng may biglang sasakyan na dumating sa loob. Dahil nga rancho ang kinatatayuan namin, amlawak ito at maaliwalas. Nagulat ako kung sino ang sakay sa sasakyan na iyon, sila Vince, Tita Rose at Tito Marco.
“Kyle... anak.. kamusta ka na... nabalitaan ko nangyari sayo.... hope your okay na.....” sabi ni tita Rose. “Salamat po... Nga po pala mama, papa, Sila Tita Rose at tito Marco.....” pakilala ko sa kanila. At nagkamayan naman po sila. “Buti naman at napasyal po kayo dito...” sabi ni mama. “Bale... gusto lang po sana naming makipag usap sa inyo.... tungkol kay Kyle at Vince...”
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment