Salamat po at matiyaga po kayong nag hihintay sa akin.
SA mga nag comment po... maraming salamt po. heheheheh.
Nga po pala, meron akong susunod na entry dito sa BOL. uhm sana kung sakali mang ipost ko eh subaybayan ninyo po. marami po akong naka line up na story tapos dumagdag pa yung pinapagawa ng pasaway kong best friend na si Prince Alex na story. hahahaha. Hope you like it. Thank you so much.
"WE ARE GIVEN TWO EARS AND ONE MOUTH SO THAT WE CAN LISTEN TWICE AS MUCH AS WE SPEAK." - Epictetus
Always Here,
Dylan Kyle
Changes in My Life – Gamma Ray Song Lyrics
______________________________________________________________________________
Isang panibagong
araw ang gumising sa akin. Isang umaga na walang kasing tiwasay at kasing saya. Himbing na himbing sa pagtulog ang mahal ko na noo'y katabi ko sa aking kama.
Bumangon ako para bumaba at ayusin ang gamit niya para sa pag pasok. Marami-rami na rin kasing damit dito si Ryan sa bahay ko kasi minsan dumederetso na siya pag pasok pag napunta dito sa bahay lalo na pag dito siya natutulog.
Ramdam ko ang sakit sa aking likuran, at hindi ko naman pinagsisisihan ang nangyari sa amin ni Ryan. Masaya ako na nakipag niig at ibinigay ko sa kanya ang unang pagkakataon sa kanya. Abot langit ang ngiti ko ng malaman kong ako ang unang experience niya at pansin ko yon dahil sa mga kilos niya.
Halos pisain na niya ako sa panggigigil nun. Sobra akong na starsrtuck sa kanyang buong pag katao. Lalo na yung muscles niya at yung sa parteng dibdib. Kaysarap ng mga yakap niya. Ang sarap mag stay na yakap yakap niya.
Naramdaman niya ang pagabangon ko kaya nagising siya. Nakita ko ang pag mulat niya at nginitian ko agad siya. Hinigit
agad niya ako at niyakap at inihiga ulit. Nagulat ako sa ginawa niya at labis akong natuwa sa pakiramdam ko ngayon.
“Uhum... tatakas
pa ang asawa ko... dito ka muna... tulog muna tayo...” sabi niya.
“Hala ka...
adik mo... may pasok ka po sir... kelangan mong bumangon at mag-ayos...”
“At
sinong may sabi sayong papasok ako?”
“Aysus... di pwede yan... hala bangon na
at kelangan nating pumasok...”
“Uhm.. sige na papasok na ako sa yo...”
“He...
tumigil ka...”
“Jowk lang... kaw talaga.... la naman kami gagawin now sa
office. At isa pa, la kong pasok ngayon. Alam ko kasi na mangyayari ito kaya I
mark it... hahahah.. naisahan kita..”
Aysus. Kaya pala ang lakas ng loob na akitin ako. Nako, naisahan ako ng mokong na ito. Pero mas higit ko siyang naisahan. Alam kong di niya malilimutan ang nangyari sa amin kagabi.
“Kaya naman pala... pinagplanuhan mo ang
lahat... sari-sari ka....”
“Ganyan talaga... ako pa....” pagmamaybang niya.
“Eh
ako. Kailngan kong pumasok... kaya tara na...”
“May kundisyon..... isa munang
round...” sabi niya.
“Halala... di ka pa ba nagsawa.... kaw talaga... sakit na
kaya... ikaw jan pasukin ko eh...”
“Edi gawin mo.... kung magagawa mo.... Wag ng pakipot asawa ko..... Alam ko namang nasarapan ka eh... hahahaha..... kaya
sisimulan ko na... ayan na..”
"Aysus... sino kaya ang nasarapan?"
"Parehas lang...... ayan na ako..."
“Hep hep hep.... kulit mo talaga... naku ikaw....”
“Hahahah... sige na... tara na... nakakapagtampo naman ang asawa ko..."
"Wag ka nga paawa effect batukan kita jan eh..."
"Eh kasi naman eh..." pagbabago ng ekspresyon niya.
"Halika nga......" at hinalikan ko siya sa labi.
Agad naman niya akong sinunggaban at wala na nga akong nagawa. Pero siya na ang kusang tumigil.
"pag
bibigyan kita ngayon kasi alam ko na magdadalang tao ka na...”
"Grabe ang bilis naman yang semilya mo..."
"GAnun talaga... alam kong bulls eye ang pagkakatama ko..."
"Kapag di to nag bunga ikaw ang ma-bubulls eyan ko..."
"Basta wag masyado masakit......" napatawa naman
ako.
"O sige parang kagat lang ng lamok...."
"Aysus.... gaano kalaking lamok naman yun? Gaasong lamok?"
"Tumigil ka na nga jan.. Tara na bangon na..."
Bumangon naman
siya at parang batang nagmumukmok. Para talaga siyang abta kung umasta pero cute siya pag ganun ang ginagawa niya.
Di an ako nakapagpigil dahil sa sobrang kinikilig ako makita ko lang siya. Hinila ko bigla siya at hinalikan sa labi.
Aba, bigla bigla ba namang gumanti agad. MAta[os yun di na niya ako pinaawat. Kakaiba talaga dumiskarte. Wala akong laban ng hawakan niya ang dalawa kong kamay at unti-unti ng tumuloy ang lahat sa
panibagong karanasan.
Hinatid niya ako
sa shop at sinamahan niya ako sa shop. Hahaha. Nakahilata lang siya dun sa may
office ko. Hahah. Yan kasi masyadong mahilig kaya puyat at pagod. Bagsak tuloy dun sa hinihigaan niya at wapal, knock out.
“Oy best,
umamin ka. Anong nangyari sa inyong dalawa kagabi?” tanong ni Annie sa akin.
“Ha? Ah eh. Wala naman. Bakit mo natanong?” pagtatago ko pero deep inside
natatawa ako.
“Aysus. Wag ka ng maglihim. Talandi mo best. Kurutin kita jan sa
singet. Halatang halata na latang-lata yang asawa mo. Aba tignan mo at yan o
tulog na tulog. Grabe best, kakaiba ata ang ginamit mo jan kagabi na gayuma.
Nakailan kayo ha? Ikaw eh kumekerengkeng ha.” Sermon niya.
"Hoy bakit ako? Pati pag pagod eh may nangyari agad? Di ba pwedeng talagang batugan yan?"
" Siya maging batugan? Eh kapag andito yan eh halos di na kayo mapag hiwalay... Daig pa ninyo ang balat at saging..."
"Well"
"Well well ka jan.. umamin ka nga...."
“Di ko kasalanan yun
no. Siya ang mapilit. Mapagbigay lang ako.” Pagbibiro ko.
Pinalo niya ako sa
likod.
"Aray ko... masakit ha...."
“Adik mo. Dami mo alam. Naku naku. Ikaw ha.... Talandi mo.... at ibinigay mo naman....” at nagtawanan kami sa
pinaguusapan namin.
"Hahaha..... at least ako nakauna sa kanya..."
"NAku... talandi mo..... kumekerembang ka na..."
"Hahahah..ganun talaga..., sarap nga eh..." pag iinggit ko sa kanya.
Biglang napansin kong naalimpungatan si Ryan.
“Mahal ko, di ka
ba hinahanap sa inyo?” tanong ko.
“wag kang mag alala, nagpaalam naman ako eh.
Kaw talaga. Uhm... tara kain na tayo.”
Ang cute pa rin niya kahit bagong gising. Pumunta ako sa kanya at kumalong sa kanya.
"MAhal ko.... ang bigat mo...."
"Grabe ka ha...." sabi ko.
"Pag pasensiyahn mo na... latang lata pa ang asawa mo... pinagod mo kasi...."
"Hoy..kayong dalawa.... kung mag lalampungan kayo eh may kwarto jan... pumasok kayo dun.." sabi ni Annie.
"Mamaya na.... latang-lata pa eh...." sabi ni Ryan.
"Adik mo...." bigla kong sabi. “Nga pala. Nagkaayos
na kami ni Anthony. Nagkausap kami kahapon.” Sabi ko sa kanya.
Di siya umimik. Pansin ko ang pananahimik niya agad.
“Okay ka lang?” tanong ko.
“Yeah I’m okay. I’m glad na okay na kayo.” Sabi
niya.
“Kung okay ka lang eh bakit ganyan yang mukha mo.
Oh tignan mo.”
“Wala to...” sabi niya.
“Naku, nagsuplado na naman to... halika
nga... alam kong nagseselos ka at nagkita kami..... kaw talaga.... Wag kang
magselos... mahal kita at ikaw lang ang mahal ko.... okay? May sasabihin ako sayo”
Hinawakan niya bigla ang
pisngi ko at hinalikan niya ang labi ko. Iyon ang simbolo na ok na siya. Na wag
na akong mag alala. Aba ayaw talagang mag paawat at ayaw vbitiwan ang mga labi ko. Labis tuloy nag tatalak si Annie. Di ko na nasabi ang dapat kong sabihin.
Ilang beses
naming iginugol ang aming mga sarili sa paglilibang sa pag gagala. Sa mall,
park at marami pang iba. Napaka special ng pinupuntahan namin kapag monthsary namin. Hanggang sa nakalimutan ko na yung tungkol sa e-mail sa akin. Nawala sa isip ko na sabihin sa kanya.
Isang araw, habang nagshoshopping kami, may isang
babae ang lumapit sa amin at kinausap si Ryan.
“Nicko, si Bea
nga pala, ex ko. Bea si Nicko..” pakilala sa akin ni Ryan.
“Uhm. Hello nice to
meet you.” Sabi ko.
“Nice to meet you too...” sabi nito.
Nagpaalam naman siya
agad dahil nagmamadali din ito.
"Well I have to go.... may gagawin pa kasi ako eh....."
"Okay ingat... nice to meet you again...."
"Nga pala... pengeng contacts....." meaning niya eh yung no. ni Ryan.
Ibinigay naman agad ni Ryan yung number niya.
"Sige I have to go.... Nice to meet you Nicko...."
At umalis na siya. Di ko alam kung bakit kakaiba ang nararmdaman
ko para sa kanya. Di ako nakaimik ng ilang sandali matapos umalis yung ex niya.
“Okay ka lang mahal ko?” tanong nito.
“Okay lang.”
“Uhm. Bakit ganyan yang
mukha mo. Bakit sambakol yan?”
“Wala to. Kaw talaga.”
“Wag mong sabihin na
nagseselos ka?”
“Che. Ako magseselos. Di ah... Alam kong ako lang ang mahal mo....” at inasar asar na ako niya.
Ilang linggo pa ang
makalipas, okay naman ang relasyon namin. Masaya at halos walang problema na pinga daraanan. Sa negosyo naman eh ayos lang din.... Okay na okay.
Pero di pala magtatagal yun. Sadyang
pinapahirapan lang ako ng pagkakataon. Ang mga suliranin na siyang susubok
muli sa aking pagkatao. Di ko alam kung bakit ba parang magnet ako ng mga
problema?
Di maubos-ubos ito. Haixt. Dahil sa isang banda, nagbabadya na pala
ang isang malaking unos na siyang gugulo sa aking buhay at maghahamon ng aking
tunay na katatagan.
Isang hapon sa
di ko inaasahang pagkakataon, nagulat na lang ako ng biglang dumating si Ryan
sa store at di ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang kaba na aking
naramdaman ng makita ko siya na ganun ang ayos.
“We need to talk... NOW!!!” pasigaw niyang sabi.
“Huh? Anong
problema?” bigla niya akong hinila palabas ng store.
Naglaban naman ako.
“Ano
ba? Nasasaktan ako. Ano bang nangyayari sayo?” tanong ko.
Lumapit na sila Annie
sa akin.
“If you don’t come with me.... let’s take it to the end.” Sabi niya sa
akin.
Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Di na ako nakapalag at kusa na
akong sumama sa kanya papuntang bahay. Habang nasa daan kami tahimik lang at di
kami naguusap.
Naiiyak na ako sa pwesto ko. Sobra akong binagsakan ng mundo ng sabihin niyang let's take it to the end.....Hindi ko alam kung ano ang nangyayari
sa amin. Wala naman akong maalalang naging pag aaway namin. Bakit ganito?
Nakarating kami
sa bahay within 10 minutes. Pag pasok pa alng ng bahay mainit na ang ulo niya.
“You told me that you love me.... sabi mo magtiwala ako sayo. Minahal kita ng
lubos pero bakit? Ano ba to? Lokohan? Ginawa ko ang lahat para sayo pero bakit
eto pa ang ginanti mo?” sigaw niya.
“Ano ab ang sinasabi mo? Hanggang ngayon ba
nagtataka ka na hindi kita mahal? Ano pa ba ang dapat kong gawin para patunayan
sayo na mahal kita? Ano kailangan ko? Magpakamatay sa harap mo? Maglaslas?
Magpakabitin at magpakain sa buwaya? Mahal kitya Ryan. Mahal na mahal.” Sabi
ko.
Tumulo na ang luha ko at hindi ko na alam kung anong sikip ng dibdib ang
nararamdaman ko. Kung maiimagine mo ang itsura ko para akong bumagsak sa lupa galing sa 14th floor.
“You are a liar.
Mahal? Do you know what love is? Di yan pinaglalaruan? Kung mahal mo ako, bakit
ganito? Kung mahal mo ako bakit naghahalikan kayo ni Anthony dito?” ibinato
niya sa akin ang pictures na sinasabi niya.
Di ko alam kung anong salita ang
dapat kong sabihin. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari at sa nakikita ko.
Bakit ganito? Paanong nagkaroon siya nito. Kuha ito noong nagkaayos kami ni Anthony?
Sinong gustong gumulo sa amin?”
“Mali ang
iniisip mo dito.”
“Mali? Mali your face. You are a liar. I don’t know why you
did this to me? Kung bulag ako, mas lalong niloko mo pa ako. I don’t know bakit
minahal kita ng ganito. Pero sinaktan mo ako!” nakita ko ang unti-unting
pagluha niya sa aking harapan.
Kung makikita mo ang reaction niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ako makalapit sa kanya.
“Believe me.... hindi to yung iniisip mo. It was
a farewell kiss. Walang nangyari sa amin at hanggang dun na lang yun. Ikaw ang
mahal ko. Mahal na mahal kita. Bakit ka ba ganyan? Paniwalaan mo naman ako.
Please naman. Nagmamakaawa ako sayo. Paniwalaan mo ako.” Humahagulgol na ako.
"Hanggang kailan mo ito balak itago sa akin?"
"Ilang beses kong binalak sabihin sayo pero laging walang tiyempo... lagi mo akong pinapatigil kapag nag sasalita ako.... Mahal kita... amhal na mahal kita...."
“Di ko alam... Di ko alam sa sarili ko kung....... kung......kung maniniwala pa ako sayo.....” bigla siyang tumalikod sa akin
at lumabas sa pinto.
Sobrang sakit marinig na nawalan siya ng tiwala sa akin. Di ko na alam kung ano pa ang mararamdaman kong sakit ngayon. Halos gumunaw ang mundo ko.
Pinigilan ko siya pero di siya nagpapigil sinagi pa niya
ako na siyang dahilan ng pagkakabagsak ko sa sahig. Naramdaman ko na lang na nag durugo ang aking noo dahil sa sugat na pagkakadali sa sahig. Kita ko ang munting pag
aalala sa kanya ngunit nangibabaw lang talaga ang galit sa puso niya.
Di ako titigil
hanggang di nalilinaw ang lahat. Gagawin ko ang lahat para malinis ang pangalan ko.
Pinuntahan ako ni Annie sa bahay at dinamayan
ako. Ikinuwento ko lahat lahat. Dinamayan niya ako at sinuportahan. Handa akong
magpakatanga para lang suyuin siya. Inilaan ko muna ang ialng gabi para
mailabas ang sama ng loob at depress.
Pilit ko pa ring isinisiksik sa aking
isispan na kaya ganoon ang mga sinabi niya sa akin dahil sa galit. Papatunayan
ko sa kanya na mahal ko siya at tunay ang pagmamahal ko para sa kanya.
Sinubukan ko ang
tawagan siya sa kanyang cellphone. Di niya sinasagot ito at kung minsan eh
binababa niya at nirereject ito. Nagtetext na din ako sa kanya pero di siya
nagrereply. Pati e-mail ayaw niyang sagutin. Pati sa office niya ayaw na din
ako papasukin.
Hinaharang na ako ng secretary niya. Labis ko itong ikinalungkot
at ipinaghinagpis ng aking kalooban. Kaya nagplano ako para ayusin ang lahat.
Sinubukan ko
siyang tawagan sa pinakahuling pagkakataon. At sa wakas sinagot niya.
“Please
lang wag ka ng tumawag...” sigaw niya.
“Saglit lang... kahit ngayon lang...
nagmamakaawa ako sayo... please lang.....” humagulgol na ako sa kabila ng
linya.
Di siya nakapagsalita.
“Kahit isang beses lang.... sa huling
pagkakataon... mag usap tayo... nagmamakaawa ako.......” sobrang lungkot at
hapdi na ng puso ko sa kaluluha.
Ilang araw na akong nagkakaganito. Hindi ko
alam kung kakayanin ko pa ang muling
masaktan sa panibagong pag-ibig.
“Sige... pumunta ka sa office ko bukas...
aantayin kita.....” bigla niyang binaba ang phone.
Nagkaroon ako ng panibagong
pag-asa dahil sa sinabi niya. Gagawin ko ang lahat para maibalik lang siya sa akin. Kung kailngan kong manligaw, manliligaw ako.
Naghanda ako
para sa panibagong pag harap sa katotohanan. Kakaibang kaba ang naramdaman ko
sa aking sarili. Iniisip ko na sana eh magandang resulta ang kalabasan.
Pumasok
na ako sa building ng kumpanya nila. Habang papaakyat ako ay kakaibang kaba ang
bumabagabag sa aking dibdib. Para bang may kung anong daga ang
nagpapasikot-sikot sa aking dibdib.
At nasa harapan
na ako ng office niya ng may narinig akong lumagapak. Pumasok agad ako at hindi
na kumatok dahil sa lumagapak na narinig ko. Akala ko kung ano nang nangyari,
hinanap ng aking mata si Ryan pero iba ang nahanap ko sa loob ng kwartong iyon.
Isang kirot ang naramdaman ko sa aking puso. Sa puntong iyon muli na namang
naglabas ng luha ang aking mga mata. Masakit sa kalooban ang nakita ko. Sa
mismong akto, nakita ng aking mata si Ryan at si Bea na naghahalikan.
Kitang
kita ko ang pagkagulat ni Ryan ng makita niya ako sa harapan ng pintuan. Walang
anu-ano’y kumaripas ako ng takbo papalabas ng pintuan. Di ko na alam ang
gagawin ko. eto na ba ang pagbawi sa masasayang araw ko.
Eto na kaya ang
kakaibang sakit na mararamdaman ulit ng aking puso. Ginagantihan ba niya talaga
ako para masaktan ako. Pero bakit. Bakit? Nahihirapan na ang puso ko.
Hirap na.
Bakit ba ganito na lang palagi ang nangyayari sa akin. Di na ba magbabago ang ikot
ng mundo at lagi na lang akong nasa ibaba.
Di ko namalayan ang unti-unting
paghabol sa akin ni Ryan at nang maabutan niya ako, pinigilan niya ako at
niyakap ng mahigpit.
(Itutuloy)