Tuesday, January 3, 2012

If I Let You Go- Part 10

Sa lahat po ng sumusubaybay. maraming maraming salamat po. pasensiya na po sa mga di ko nabati sa isa ko pong post. pag pasensiyahan na po ninyo yung author ninyo.


COFFEEPRINCE, sorry ah... mukhang nagtampo ka sa akin..... nakalimutan ko kasi na andun ka nga pala sa isa nag comment,... sorry talaga....... very very sorry...



WASTEDPUP, sorry din,...... tagal mo ng commentator sa akin  nung campus figure pa ata... sorry talaga ha..... very very sorry.......... hope you understand...



at sa iba... maraming salamat sa pag cocomment... di na po ako nag mention ng iba kasi baka may makalimutan ulit ako isama... hahahaha


blog: yaoiblogs01.blogspot.com
fb: yaoi_addicted01@yahoo.com

All pictures are copy from google.com


Always here,

Dylan Kyle




____________________________________________________________________________



Pinalayas  ako ni papa at walang magawa si mama. Walang anu-ano niya akong itinakwil na para bang hindi niya ako naging isang anak. Wala pa si Kuya sa bahay noon kaya hindi niya alam kung anuman ang nangyari sa akin. 





Kaya mula noon isinumpa ko na si Rona. Napakalupit talaga ng mundo. Akalain mo sa isang iglap binawi na niya lahat. Yung masayang buhay na aking kinagisnan, ngayon unti-unting nawawawala ng dahil lang sa isang babae. Isang napaka walang kwentang pinsan na pinagtaksilan ang sariling pinsan.





Akala ko matitira pa si Anthony sa akin pero di nangyari yon dahil pati Anthony nawala sa akin. Dahil sa pananakot ng tatay ni Anthony sa kanya na pababagsakin ang kumpanya namin, napilitan siyang pakasalan si Rona. KAhit naman na itinakwil ako ni papa, ayoko pa ring makita na naghihirap ang papa ko. Ayokong makita na namumulot ng mga basura ang mga magulang ko para lang mabuhay. Alam ko sa sarili ko na ang business ni papa ay buhay na sa kanya. Kaya nga yung pamilya niya, di niya natututukan. Alam ko din na para sa akmin yung ginagawa niya.






Si Rona din ang nagsabi sa mga magulang ni Anthony ang lahat lahat. Siya ang lumapit at nagsabi na buntis siya at si Anthony ang ama. Napaisip nga ako kung sinadya ba ni Rona ang lahat. Kung plano na ba talaga niya ito mula sa simula pa. Pero iniisip ko, wala naman akong kasalanan sa kanya para magkaganito kami. Wala akong naalalang Atraso ko sa kanya. Bakit, bakit nagkakaganito ang buhay ko?






Para akong bangko na nabankrupt ng mga panahong yon. Daig ko pa ang natalo sa isang sugal. Bakit ba? Bakit ba nangyayari ito? Nakituloy muna ako kila Annie ng ilang buwan., siya lang ang tanging nakakintindi sa akin. Siya lang ang tanging dumamay sa akin. Naramdaman ko ng mga panahong iyon na hindi ako ipinaglaban ni Anthony. Napakasakit tanggapin ng bagay na iyon, pero mas makakabuti na manahimik na muna ako sa sandaling iyon.






Mabait ang mga magulang ni Annie. Alam din nila ang nangyayari sa akin ang lahat-lahat pati sa pagkatao ko. Sa araw ng kasal nila Anthony at Rona, gumawa ako ng isang malaking eskandalo. Di ako papayag na i-gigive ko lang lahat ito sa kanila. Kasama ng kasal na ito ay ang pagkawask ng buhay at pangarap ko. Pinilit kong intindihin ang lahat ng saklap ng buhay ko pero hindi tama na ganito lang ang mangyari sa natitirang parte ng buhay ko.







Ako ang kinukuhang bestman ni Anthony, pero di ako pumayag. Ayokong makipag plastikan at ngumiti ngiti habang nakikita ko ang mahal ko na ikinakasal. nagmamakaawa sa akin si Anthony noon na pumayag ako pero hindi niya ako napilit.




"Alam mo, baka masampal ko lang at mahambalos yang kaladkaring babae na papakasalan mo kaya pabayaan mo na ako..." ang sabi ko.





Kaya napilitan siya na ang kuya niya ang gawing best man. Ramdam ko na laging nakatingin sa akin ang kuya niya sa akin na para bang gusto niyang tanungin ako kung okay lang ba ako.




Umakyat ako sa pinaglalagyan ng mga instrumento ng choir. Nag kunwari akong tutugtog sa choir. Dahil may alam ako sa piano noon eh piano ang kinuha ko. Tunugtog ko ang mga kantang pangpatay. Inuna ko eh yung march na kung saan tunog ng kampana kapag may patay. 






Matapos noon eh tumugtog ako ng Di kita Malilimutan. Lahat sila nagtaka kung ano ang nangyayari. Alam kong may susugod dun sa choir lobe kaya nagmadali akong umalis. Sinabay ko eh binuhos ko ang dugo at maraming puso ng manok sa baba na muntik ng ikatama kay Rona. Ganyan ako ka desperado noon.




"How Lucky girl... shocks... di ka pa natamaan.... kapag talaga masamang damo.... tsk tsk tsk... yaan mo.... matatabas din kita.... makikita mo..." ang sabi ko noon sa sarili ko.






Naging malupit ang tadhana para sa akin. Kaya naging palaban ako. Ang dating mabit at mapag intindi na tao, ngayon eh isa ng palaban at walang kinakatakutan sa lahat. Nagbago ang mga pananaw ko. Di ko ginagamit ang puso ko sa lahat ng pagkakataon. Minsan nga eh napapansin nila na napaka straight forward daw ako.




Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Dahil sa tindi ng pagmamahal ko kay Anthony, di ko siya kayang bitawan. May communication pa rin kami ni Anthony. Kahit na ganoon na kasal sila eh nanatiling kami pa rin. Ganyan ako kabaliw sa kaniya. Pinili ko na ang katagang KABIT para sa akin. Aanhin pa ang gandang babae ng pinsan ko, kung andito ako at Kabit ng minamahal niyang asawa. Wala siyang magagawa dahil andito ang BIDANG KONTRABIDA. 




At yun na nga ang naging posisyon ko. Buong buhay ko na naging isang worst sa lahat. Tiniis ko ang lahat at sa panahong iyon naging matatag ako. Kahit nakikihati ako sa oras niya, ramdam ko na ang puso niya, nag iisa lang ako. ginagamit ko ito para pagselosin si Rona. Alam ni Rona ang nangyayari at minsan na niya kong sinabihan.



"Tumigil ka na jan sa kahibangan mo. May asawa na yang kinakabitan mo..."




"Bakit ka ba ganyan mahal kong kaladkarin kong pinsan? Bakit natatakot ka? NAbaka hiwalayan ka niya? Poor girl... napaka walang kwentang babae. BAsura ka lang sa mata ko at wala akong pakialam sa sinasabi mo." ang sagot ko.




Sasampalin niya ko pero napigilan ko ito. Tinulak ko lang siya ng bahagya.



"Pasalamat ka at babae ka. Kung lalaki ka lang tulad ko, baka manghiram ka ng gilagid  sa aso. Tandaan mo, ako ang magiging bangungot mo. hanggat buhay ako, mananatiling mababaon ka sa kadiliman ng aking pag hihiganti...."




_____________________________________________________________________________



“I love you mahal ko.... alam kong dumanas ka na ng ganyang kapighatian. Di ako papayag na maranasan mo ulit yan. Aalalayan kita. Hayaan mong ako ang magpawi ng lahat ng sakit ng iyong nakaraan mo.... yung iba alam ko pero ang iba ngayon ko lang nalaman. Salamat sa pagsasabi sa akin niya. Mahal na mahal kita...” biglang sabi ni Ryan sa akin matapos ang aking kwento. 





Naging emosyonal ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang sincerity niya sa pagsasabi sa akin ng mga abgay na tulad nito.






“I love you din... mahal na mahal kita Ryan Cyril Reyes.... mahal na mahal.... sana wag mo akong saktan... Ibibigay ko sayo ang puso ko. mahal na mahal kita.” sabi ko.




“Opo.. wag kang mag alala... lagi akong nandito para sayo.. I love you too....” niyakap ko na siya ng mahigpit. Tinadtad din niya ako ng halik sa mukha. 




“I love you more... ay siya... tulog na tayo..... good night mahal ko....”



"Good night din..."




Hinawakan niya ang kamay ko at magkayakap kani na natulog. SA piling niya, pakiramdam ko na safe na safe ako.





Going smootly ang relationship namin ni Ryan. Masaya, kakakilig at sobrang punong-puno ng pagmamahal. Lagi niya akong dinadalaw sa shop namin ni Annie at lagi ring masaya ang bawat punta niya. Ang sarap ng feeling na inlove ka ulit. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Wala akong masabi.





Nakikipagkulitan pa nga siya sa amin eh. Biro ko nga minsan na baka magsawa na siya sa akin dahil sa lagi niya akong binibisita, pero ang sinagot lang niya eh araw-araw daw eh nasasabik siya na makita at makasama ako.



"Wag na mag worry ang future wife ko.... Hinding hindi ako mag sasawa na mahalin ka... araw-araw nagiging excited ako lalo na na hanggang ngayon eh di pa tayo nagawa ng baby..." sabi niya.





"Aysus... baka mamaya gawin mo lang akong baby maker ha... o kaya parausan jan..." sagot ko sa kanya.




"Never in my life.... at isa pa... it makes mo wonder pa nga kung gaano ba kagaling gumawa ng baby ang mahal ko..." sabi niya.




"Talaga lang ha... naku ikaw nga ata jan ang hustler na eh..." sabi ko.




"Yaan mo... virgin na virgin mong makukuha ako...." sabi ni Ryan





Nagsitawanan kaming lahat. Lahat eh kinikilig sa aming dalawa lalo na pag humihirot itong si Ryan.




"Virgin daw, baka marami ka ng nakuhang virgin..." biro ko.





"Trust me mahal ko.. you will be the only one that can devirginize me.... ikaw lang pagbibigyan ko kay jun jun..." sabi niya.




Nakita ko ang pagkaseryoso sa mukha niya. Hala ka, totoo nga ang sinasabi niya dahil sa sinabi niya. Biglang sumingit si Annie.




"Best... jackpot ka oh.... ikaw ang makakuna sa kanya.... susyal..." sabi nito.





"Adik mo... ikaw talaga..."





Mula sa aking pagkakatalikod. niyakap niya ako ng mahigpit. Sumilay sa aking labi ang ngiti. At ramdam ko na siya na ang lalaking tunay na magmamahal sa akin.






 Isang araw, habang na nagtatrabaho ako, biglang tumunog yung phone ko. 




“Mahal ko, uhm.. di muna kita masususndo ah.... may problem dito sa office eh...” narinig ko na sinabi niya sa akin sa kabilang telepono. 






“Awww... ganun ba.... ingat na lang po jan... wag kang papagod jan ah.... I love you so much” sabi ko. 






“I love you too.... kaw ah... kumain ka,...wag papagutom... sige po... I love you....” at naputol na ang tawag. 





Sweet talaga niya. Pag hindi siya makakapunta or di niya ako madadalaw eh tatawag agad siya sa akin. Ramdam ko ang kakaibang pagmamahal niya sa akin. Alagang-alaga niya ako. Daig ko pa ang isang babae na inaalagaan ng sobra ng kanyang asawa.





Nung hapon ding yun, di ko inaasahang mapapadpad sa store namin si Anthony. Nanaig ang katahimikan sa pagpasok niya. Wala ninuman ang nagtangkang magsalita sa amin. Agad niya akong nilapitan at kinausap.




“Nicko.... pwede ba na mag usap tayo? Please... pagbigyan mo ako...” nakita ko ang mapupugay niyang mga mata na sinserong nakikiusap sa akin.







Nagkatinginan lang kami ni Annie. Pumayag ako sa gusto niya. Ayoko naman na ipahiya siya. Gusto ko rin namang ayusin ang lahat-lahat. Ito na ang panahon na tapusin ang anumang linya na nagkokonekta sa amin. It is the time to make my final move about sa amin.





Sa may park kami pumunta. Dun sa dati namin na tinatambayan, sa may court na una naming pinaglaruan. Walang katao-tao noong panahong yaon. Di ko alam kung bakit kaya ganun. Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik lang kami habang nagpapaikot-ikot. Siguro naghahanap siya ng tiyempo. Di rin ako makabwelo na kausapin siya eh. nanaig sa akin ang pagiging mahiyain. Hanggang siya na mismo ang nagsalita.





“Gusto mo laro tayo?” tinuro niya yung bola ng basketball. 




Naglaro kami ayon sa gusto niya. Matagal-tagal na rin ng hindi ako nakapaglaro ng basketball. Naging masaya ang laro namin. Tawanan at hamunan ang nangibabaw. Di pa rin kumukupas ang galing niya sa paglalaro ng basketball.






 Haixt. Nakakpagod at sobrang pinagpawisan ako kaya tinanggal ko yung tshirt ko at tinira ko yung sando. Nagulat na lang ako ng biglang naghubad si Anthony. Nagbaling na lang ako ng tingin sa iba. 





“Sarap ng laro natin ah... galing mo pa rin hanggang ngayon....” sabi niya. 




“Ikaw nga ang magaling jan eh.. nahihirapan na ako dumepensa sayo eh... tae... laki ng improvement...hahah” sagot ko.






“Uhm... kamusta ka na ba?” tanong niya. 




“Im okay... fine... ayos lang naman. Medyo umaasenso na...hehehhe... kaw ba?” 





“Good for you.... uhm.. ako? Ok naman kahit papano. Maalaga naman yung pinsan mo tapos malusog naman yung anak namin. Eh kamusta naman kayo ni kuya?” biglang baling ng tanong sa akin. 





Di agad ako nakasagot. Hinintay niya ako bago ako sumagot. Nanatili lang siyang nakikinig at naghihintay sa aking sagot.





“Okay kami... maayos... going stronger kami” ang nasabi ko. Nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya.Hinawakan niya ang kamay ko na para bang magkarelasyon kami.




“Maswerte ang kuya ko dahil nasa kanya ka. Nagsisisi talaga ako nung pinakawalan kita noon at inulit ko pa. Alam ko nagkamali ako at nasaktan kita..... mahal na mahal kita sana lagi mong tatandaan....” nakita ko na lumuluha na siya.





 “Tahan na.. okay na sa akin yun... past is past... never been back.” Sabi ko.





 “I am happy na nagiging okay ka na ngayon.... pinapanalangin ko na maging maayos ang relasyon ninyo.... tinatanggap ko na ang relasyon ninyo.... ipangako mo lang sa akin na aalagaan mo ang sarili mo..... mahal na mahal kita..... pinapalaya na kita sa nararamdaman nating dalawa.....” sabi niya. 






Nagulat ako sa sinabi niya. Sobrang nagagalak ako na tanggap na niya ang relasyon naming dalawa. Niyakap ko siya at gumanti siya.






Nanatili kami sa ganoong posisyon. Nagulat na lang ako ng hinalikan niya ako. Hinayaan ko na lang yun para sa huling pagkakataon. Eto na ang huling bagay na magbubuklod sa amin. Nanabik ang kanyang paghalik at ramdam ko na gusto niyang iset itop sa mas malalim pang bagay.




Naging mapusok ang kanyang mga halik at naramdaman ko ang pag gala ng kanyang mga kamay. Unti unting gumagapang pababa ang kanyang labi kaya pinatigil ko na. Nakita ko ang gulat niya pero alam kong nirerespeto niya ang desisiyon ko. Hindi na kasi tama na may mangyari pang ganun. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ito.






“Sorry sa lahat ng nagawa ko.... maging masaya ka sana lagi... Friends?” tanong niya. 





“Friends...” sagot ko. 





“Promise... di na ako manggugulo.... I’ll be in my peace mind and feelings......” sabi niya. 





“Kaw talaga.... dami pa alam... basta okay na ang lahat okay ba?” sabi ko. 



"Oo.. okay na...." sagot niya





After nun, eh umalis na siya. Bumalik naman ako sa store namin. Tinulungan ko na si Annie na mag ayos para makaalis na kami. Naging maluwag ang pakiramdam ko ngayong okay na ang lahat. 




This is the point na kung saan eh humupa na ang mga disaster sa buhay ko. Thaks to God kasi di niya ako hinayaang sumuko. Nakatulog ako na mapayapa ang kalooban at iniisip na eto na ang huli.






Nagising ako na may humalik sa aking pisngi. Pagmulat ko ng mata, sinag ng araw ang tumambad sa akin at ang mukha ng aking pinakamamahal. 




“Good morning mahal ko..... get up na.... it’s morning and the sun is rise.....” pambubulabog sa akin ni Ryan. 





“Iiihhh... niaantok pa ako iiih..... mamaya na...” sabi ko. 





“Hala ka... malelate ka na niyan... bahala ka... pag di ka bumangon sasamahan kita jan sa paghiga mo at may kung ano ang gagawin natin...” panakot niya sa akin. 





“Ako pa ang tinakot mo nan... ano ba yan blockmail o pabor lang  talaga sa yo?” 





“Uhm... pwedeng both?...hahahahh...” 





“Aysus... halika nga dito... uhmm..” bigla ko siyang hinigit at niyakap sa kama.





 “Ikaw.... binubulabog mo pag tulog ko.... hahahah... kikiss sana kita kaso nakakahiya naman sa mahal ko kung hahalik ako ng kagigising lang ... kaya sige na... go down at susunod na ako... I will fix myself first para naman di ako iwan ng mahal ko mamaya eh ipagpalit ako sa iba...amp..” mahabang sabi ko. 





Bigla bigla na lang niya akong hinalikan. Gumanti ako at nag tuloy-tuloy ito. siya na ang kusang nag tigil nito. 




“That will never happen... I swear” sabi niya. 




“Hahahah... I know...”






Hinatid na naman niya ulit ako sa shop. Harutan ulit kami habang nagdrive siya. Sobrang saya ko talaga pag kasama ko siya. Kakaiba ang nararamdaman ko kapag siya ang kasama ko. Para akong nasa langit sa pag aalaga na ginagawa niya. Masaya at parang lumulutang ako. 





“Sunduin kita mamaya ha..... abangan mo ako.. mag didinner tayo sa labas... hehe” 





“Sige... I LOVE YOU!!! Mwah...” 





“The same thing mahal ko... mahal na mahal kita...”




Pag pasok ko pa lang ng store nagsi kantyawan na at nagsigawan sila. 




“Grabe Boss ang sweet... ang haba ng buhok....” sabi ng employee namin. 




“Adik tong mga to... kayo talaga...”







“Best./... grabe lumelevel up na ah... ayoooehh..... sobrang sweet.... kakilig...” 







“Adik mo best...daming alam... sabunutan kita jan eh.. nangunguna ka pa.... hahahah” 





“Aysus... pero deep inside nikikilig yan sobra... heheh” 




“Che.... adik mo..... gueh na....get back to work na..... hahah..”






Pumasok na ako dun sa office ko ng store. Nagbukas ako ng computer at tinignan ko yung e-mails ko. Puro delivery pa. Natuwa ako kasi unti-unti ng lumalago yung business namin. Nang matapos na yung  tinitignan ko, napadako ang mata ko dun sa spam folder. 





Meron dun na isang message. Di ko na sana bubuksan yun pero as usual binuksan ko. Okay na sana eh kaso nagulat ako at nagitla sa laman ng e-mail na yun.





Tinawag ko agad si Annie sa nakita ko. Isang threat mail. Oo, isang threat mail. 





“Best ano yan... grabe yang threat mail na yan...” sabi ni Annie.




Meron pang naka attach na files.  Lalo kong ikinagitla ang laman ng folder na yun. Pictures namin ni Anthony noong nagkita kami. Pero paano... paano.... sino? Sino ang may pakana nito.? Naramdaan ko na lang ang sarili kong umiiyak dahil dito.



(Itutuloy)

3 comments:

  1. uh!!! oh!!! looks like problem to me I think i know kung sino nagemail kay Nicko!!! Pls post the nxt chapter...plsplspls

    ReplyDelete
  2. hahahah... salamat po sa pag basa.... I will post soon.... mag eedit lang po me now... :))

    ReplyDelete
  3. si anthony siguro nagplano kaya napicturan. sabihin mona kasi kay ryan na angkita kayo at nagpaalamanan.

    bharu

    ReplyDelete