Sunday, March 4, 2012

If I Let You Go- Part 16

Guys I'm Very sorry talaga sa lahat. Lalo na sa mga readers ko na naghihintay. Very busy lang kasi ako. sobra. sorry talaga. hope subaybayan ninyo pa rin. Hirap pala talaga ang college students.


Sorry po... :))


Thanks po sa mga nagcocomment....



Chris okay lang po yun... salamat sa pagcomment ha....


tapos yung mga nag cocomment pa po.. salamat po...



Always Here,

Dylan Kyle Santos



videokeman mp3
Nothing to Lose – Michael Learns to Rock Song Lyrics

____________________________________________________________________________


“Hindi kita maintindihan? Bakit naman mamamtay si Kuya?” tanong ni Anthony sa akin.



“Basta.....”




“Sumagot ka nga.....” galit na sabi niya.




"Ayokong mag salita... mas mabuting ako lang ang makakaalam nito..."




"Bakit ba kasi? Magsalita ka..."




Nanahimik ako sandali. Dahil sa kapipilit niya ay nagsalita na ako.




 “Mapapahamak lang siya kapag ipinagpatuloy namin ang relasyon namin... papatayin siya ng mga kumidnap sa akin... baka saktan pa siya.... matapos nila akong....” bigla akong napatigil hindi dapat makalabas ito





. “Matapos kang?”





“Wala....”






Hinawakan niya ako sa braso at pilit akong nag kukumawala. Pinilit kong kumawala at ng makahanap ako ng tiyempo eh nag madali akong bumaba. Hinabol niya ako hanggang sa magpang abot kami sa harapan nila Nanay Betty.




“Anong nangyayari dito?” tanong ni nanay Betty.





“Ahm... wala po...” sagot ko agad.






“Magtapat ka nga sa akin.. anong ginawa sayo ng mga kidnappers?”







“Huh? Nak.... kinidnap ka?”





“Ah eh.....” hindi ako makasagot





“Oo nay Betty. Kinidnap siya....”






“Naku. Nakakagulat naman yan. Buti at ayos ka lang at hindi ka sinaktan. Buti at naibalik ka ng ayos at walang anumang nangyari...”






 “Akala ninyo lang po iyon...” sabi ko.






Labis naman itong ikinagulat ni Nay betty. Agad sumabat si Tatay Bert. “Anak... ilabas mo yang itinatago mo... pansin ko na may kakaiba sayo mula ng pagdating mo... hindi ko nakita ang dating sigla mo noon. Ano ba ang nangyari sayo?”







Sa mga salita ni Tatay Bert lalong bumuhos ang emosyon ko. Napayakap na lang ako sa katawan ko  at unti-unting dumausdos pababa. Di ko mapigilan ang mapaiyak ng lumakas. Lumapit sa akin si Nay Betty at niyakap ako ng mahigpit. Ayun na naman ako, parang batang musmos na umiiyak na naagawan ng candy.






 “Anak... andito lang kami ngayon para sayo... para sayo naririto lang kami para damayan ka. Para na kitang anak kaya nga ilabas mo na yan sa amin.” Niyakap ko siya ng mahogpit at inilabas ang mga luhang muling nagkubli sa aking kalooban.






“Nay... Tay.... Anthony..... mga... mga wala silang kasing sama... nagawa nilang.... nagawa nilang gawan ako.... gawan ako ng makamundong bagay..... binaboy nila pagkatao ko.....” ang pagtatapat ko ng katotohanan sa kanila.






 Inilahad ko lahat-lahat ang napagdaanan ko. Kitang kita ko ang mga luhang pumatak sa mukha ni Nay Betty at ang galit sa mukha ni Tay Bert. Sinipat ko ang direksyon ni Anthony at nakita ko lang na nakakuyom ang kanyang mga palad. Ilang saglit pa ay sinuntok niya ang pader na siyang dahilan ng unti-unting pagdugo ng kaniyang kamay.







“Anthony... ano yang ginagawa mo?” sabi ni Tay Bert.






Lumapit si Nay Betty at ginamot ang kamay ni Anthony. “Mga wala silang kwenta.... mga wala silang kasing-sama.... hindi ko sila mapapatawad... sagad sa buto ang ginawa nila sayo.....” bigla bigla siyang lumabas ng pinto ng bahay kahit na ginagamot pa ni Nanay Betty ang kamay nito.







“Anthony... san ka pupunta...” pilit ko siyang hinabol pero pinigilan  ako ni Nay Betty.





“Hayaan mo na muna siya..... mag iisip isip siya....”






Pinanatag naman ako nila Nay at Tay. Niyakap ko sila ng mahigpit. Kung tutuusin, parang wala rin namang nawala sa akin. Kung iisipin ko lang eh yung ginawa niyang panghahalay, walang epekto yun. Bago pa man niya makuha ang gusto niya eh naunahan na siya. Ang naging masaklap lang talaga ginawa ng mga ito ay yung pagpaparanas sa akin na isa akong basahang winarak-warak.






“Anak... wag mong isipin pa na may nawala pa sa iyo.... alam ko na bago pa man makuha yan ng mga walang kaluluwang iyon eh may nakauna na diyan. Ang isipin mo ngayon eh yung papaano ka babangon..” sabi ni nay Betty.






“Salamat po nay.. hayaan po ninyo... hihintayin ko ang tamang oras para dito... di ko hahayaan ang sarili ko na kainin ng nararamdaman ko. Makakabangon din ako.”






“Positibo lang dapat ikaw.... nga pala.. alam na ba ito ni Ryan?” tanong ni Tay Bert.






“Yun na nga po eh... di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Iniisip ko pa nga kung papaano ko sasabihin sa kanya. Kakayanin ko ba na sabihin sa kanya. Naiisip ko din naman kung ano ang mararamdamn niya. Hayaan po ninyong pag handaan ko ito.” Ang nasabi ko.






Natahimik ang kalooban ko. Tama sila Nanay Betty dapat alam ko kung papaano ako babangon. Di tulad ng mga babae na amy nawala sa kanila, sa akin namn ay wala. Mas maswerte pa nga ako kasi buhay pa ako at hindi ako pinatay. Oo minsan talaga na may mag bagay na mahirap tanggapin pero kailngan maging positibo pa rin tayo.







 Ilang oras kong hinintay si Anthony na bumalik ng bahay ngunit hindi ko na siya nahagilap. Kaya nag desisyon kami nila Nay Betty na hanapin siya. Palubog na ang araw niyon ng hanapin namin siya. Hindi na mainit ang sikat ng araw kaya masarap ng mag lakad-lakad. Ginalugod namin ang buong tabing dagat.






Matapos ang ilang sandaling paglalakad ay nakita ko ang matamtam na nakatyong si Anthony. Nakatingin sa malawak na tubig ng dagat. Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan ni Anthony. Tahimik lang siyang nag-iisip. Tinakpan ko ng kamay ko ang kanyang mata na labis niyang ikinagulat. Ito yung dating ginagawa ko kapag may problema siya.





“Nicko... alam kong ikaw yan....”






“Ang galing ah.. alam mo pa rin kung sino ako... hahaha... hmmmm... bakit ba parang ikaw pa ang may problema sa ating dalawa?”






“Eh kasi naman.. sino bang di madidismaya sa nangyari sayo.. sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil hindi man lang kita naprotektahan.. mantakin mo kasama mo na ako nun kaso wala akong nagawa....” isang ngiti lang ang ginanti ko sa kanya.






"Eh ayos lang yun... at isa pa.... ayoko ng maalala yun..."





“Paano mo pa nakukuhang ngumiti?”






“Isa sa sabi sa akin ni Nay Betty ang ngumiti. Malalim man ang problema ko... di ko daw dapat hayaan na kainin ako ng kahinaan ko... alam kong napakasakit nitong pinag daraanan ko pero alam ko sa sarili kong makakabawi ako.....”






“Paano mo nakakayanan ang lahat ng ito?” “Siguro nasanay lang talaga ako. Mantakin mo na sa lahat ng nangyari sa akin eh naririto pa rin ako.... yung tipo ba na mula sa pagpapakasuicide ko eh naririto pa rin ako at humihinga.... marami-rami na akong napagdaanan na sumubok sa akin... masait man.. pero heto ako at matatag... pero sa ngayon... di pa ako okay.. ramdam ko pa rin ang mga nangyari sa akin...”






“Nag sisisi talaga ako sa ginawa ko sayo.” Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.






“Tapos na yon.. wag ka ngang gayan...”






“Pero promise... nag sisisi na ako... pinakawalan pa kita... na iinggit lang ako kay kuya kasi sa kanya ka na.. how I wish na akin ka na lang sana ulit... pero wala na akong magagawa... at isa pa... alam kong mas magiging masaya ka sa kanya.... I always want your hapiness...”






“Alam mo ang drama mo talaga... okay an yun lahat.. don’t worry...”







“Basta If ever na amy problem andito lang ako... at isa pa... sabihin mo na kay Kuya yang nangyari sayo... alam mo ba na daig pa noon ang magdrama kesa sa akin.?”






 “Oo alam ko.. naku... best actor yon sobra....”



" Bakit mo nasabi?"





"O.A pa yun sayo... akala mo ba. kung makapagtampo yun sa akin nakow....."





"Di ko maimagine..."





"Kkung makikita mo lang talaga... para siyang bata..."







"Naku.... di ko talaga maimagine.... na yung kuya ko na napaka matured na amg isip at kumilos ay childish pala... ahahaha"





" oo nga eh... hahahah"





“Hahaha.... natutuwa ako na natagpuan mo si Kuya.... kaya soon dapat malaman na niya ha.... tara na balik na tayo dun sa bahay....” ilang sandali lang eh bumalik na kami sa bahay.






“Halika nga dito... yayakapin kita ng sobra....” sabi ni Ryan sa akin. 












“Ayoko nga... iipitin mo na naman ako...” 










“Dali na..... slight lang to... di na kita iipitin....” 












“Maniwala sayo... kilala kita... lalo na pag nanggigil ka...” bigla niya ako hinatak at wala na akong ginawa dahil sa sobrang kasabikan niya eh naipit na ako sa pagkakayakap niya. 












“Wala ka ng kawala ngayon....” sabi niya. 












“Oo alam ko ramdam ko naman na wala na akong kawala kapag niyakap mo ako eh.. ano pa ba ang magagawa ko? Naku.. ikaw talaga.....” 














“Yaan mo na ako... minsan lang ako maglambing sayo no... at tsaka magtaka kapag hindi na ako maglambing sayo...” 












“Aysus... subukan mo lang talaga....” 










“Hinding-hindi mangyayari yun...” 










“Talaga lang ha...” 










“Oo naman...” 












“I love you....” 














“I Love you too.” 














“Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.....” sabay halik sa pisngi. “












Mas mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita...”.








“Ryan....I... I love you....” yan ang huli kong natandaan bago ako nagising.








Nagising ako na may humahaplos ng aking buhok. Nasa isip kong si Anthony yun pero hindi eh, kasi magkahiwalay naman kaming natulog. Isang pagkakilanlan lang ang natandaan ko sa amoy ng pabango na iyon. Ayaw kong tiyakin kung sino ba talaga yun dahil kinakabahan ako tama ang nasa isip ko. Pabango pa lang niya kilala ko na. Ako ang namili ng pabango niya at yun din naman ang gusto niya.







Nakahiga ako sa kanyang dibdib habang yakap ng isang kamay niya ang aking katawan. Nagsalita siya kaya labis akong napaluha nung marinig kong muli ang kanyang boses.







“Mahal na mahal din kita Nicko.....”






 Hindi pa niya alam siguro na gising na ako. Pinapakinggan ko lang siya sa sinasabi niya.





“Mahal na mahal kita..... hinding-hindi na kita hahayaan na malayo sa akin.....” gumalaw ako ng onti kaya namalayan niyang gising na pala ako.






“Gising ka na pala....” sabi ni Ryan.







“Ba.. Bakit ka nandito?” bungad ko.






“Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin kaya ipinagtatabuyan mo ako?”





“Hindi ako galit sayo o anuman..... sagutin mo muna ang tanong ko sayo?” Nakita ko ang pagbabago ng reaksiyon ng mukha niya.






“Tinawagan ako ni Anthony... sabi niya andito daw kayo at kailangan mo daw ako ngayon....”







“Pasaway talaga yun.. inabala ka pa niya...”






“Tapatin mo nga ako? Ano ba talaga ako sayo?”






“Ano ba namang tanong yan.... mahal kita..... mahal kita at ikaw ang nag iisa kong mahal.....” sabi ko.






“Kung mahal mo ako, bakit si Anthony ang kasama mo dito at hindi ako?” tila isang kumplikadong tanong sa exam na mahirap sagutin ng tama ang tanong niya. Tama nga naman siya.








“May dahilan ako kung bakit...”






 “Tapatin mo ako? Mahal mo pa ba si Anthony?”






“Ano ba naman yan?”






“Sagutin mo ako!” nagtaas siya ng boses.









“Ano bang tingin mo sa akin? Manloloko? Matagal ng tapos ang namamagitan sa amin ni Anthony at ang pagmamahal ko sa kanya wala na.... Ikaw ang mahal ko ngayon, bukas at kailanman... Kaya kung tatanungin mo ako ng ganyan, baka mabwisit lang ako sayo...”








“Sorry...”







Nilapitan niya ako at niyakap. Itinaas niya ang aking mukha upang idampi ang kanayng mga labi sa aking mga labi. Pinigilan ko siya.







“Wag....”







“Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa akin....”







“Hindi sa ganon....” sabi ko. Kumalas siya sa akin at luamyo ng bahagya.







“Nasasaktan ako Nicko.... feeling ko di mo na ako mahal... tapos ngayon ayaw mong magpahalik sa akin....”







“Alam mo ang drama mo.... hindi lang nagpahalik ayaw na agad? Diba pwedeng kakagising ko lang at nakakahiya naman sayo kaya hindi nagpahalik?” natawa ako ng bahagya. Susme yun lang pala ang inaarte niya. Ginawa kong alibi yun.







Ngumiti naman siya at natawa sa sarili.






 “naku... susme... daming drama... nagtampo pa sa hindi pinagbigyang halik....”





Agad siyang luampit sa akin at sinunggaban ang aking labi. Maagap naman ako at napigilan ko siya.






 “Wag ka ngang pasaway.... sabing kakagising ko lang...”





“Wala akong pakialam... kahit gaano ka pa natulog niyan.... ayos lang sa akin... tska sayo yan eh./.. hindi bale kung iba.. magiging choosy pa ako....”






“So ganon... choosy ka pa sa iba.... so ibig sabihin may iba ka na?” Sa pagkakasabi ko noon eh umagresibo na ang kanyang kilos at tuluyan na niya akong hinalikan.





(Itutuloy)

1 comment:

  1. si anthony kaya ang may kinalalaman ng lahat ng ito? tuwing magkikita sila at mag uusap may nangyayari. una picture, tas pangalawa kidnap. at bakit may pagsuntok pa ng pader? sino kaya gagawa ng mga ganun?

    bharu

    ReplyDelete