Sunday, February 19, 2012

If I Let You Go- Part 15

Sorry for late update. masyado lang busy sa school. hope your still okay for my update. I know na napaka tagal ng update ko. sorry talaga po.



Salamat po sa mga readers. sa mga di po nagustahan ang last post ko, I respect your side. hope I can cope back to all of you.

tune in pa po.

Always here,

Dylan Kyle






videokeman mp3
Wish You Were Here – Avril Lavigne Song Lyrics

________________________________________________________________________





“Layuan mo yang boyfriend mo.... layuan mo... kung hindi, magkikita muli tayo..... at sa muling pagkikita natin, magiging akin ka ulit bago ka humimlay sa lupa..... binabalaan kita, layuan mo na siya.... dahil kung hindi.... alam mo na ang mangyayari sayo..... at isa pa.... akin ka na ngayon.... akin ka na.... mamatay ang mahal mo pag nagkataon” yan ang sabi niya sa akin. 





Matapos niyang gamitin ang katawan ko ng paulit-ulit, yan ang panakot niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Hindi na ako natatakot mamatay, pero ang iniisip ko kung madadamay ang mga mahal ko sa buhay kapag itinuloy ko ang pakikipagrelasyon kay Ryan.







Habang papasok ako sa bahay, hindi ko mapigilan ang mapaluha. Suot ko ang gulagulanit na damit at tamo ko ang iba’t-ibang pasa na natamo ko sa kanila. Daig pa nila ang gawin akong basahan na ipinunas sa kung saan-saan. Di makalakad ng ayos. Paika-ika na puamsok ako ng bahay namin. 






Para silang nakakita ng multo ng makita ako sa kanilang harapan. Unang sumalubong sa akin si Ryan na agad akong niyakap. Nakita ko ang pagluha niya sa aking harapan. Lalo akong nanghina ng makita ko na umiiyak siya. Niyakap ko siya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit.Parang napupunit ang puso ko pag nakikita ko siyang umiiyak.





“Mahal ko, ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sayo? Humanda sila sa akin..... hindi ako papayag na hindi sila makukulong..... masaya ako na ayos ka na..... mahal na mahal kita... nag-alala ako sayo ng sobra....” humahagulgol siya habang sinasabi niya iyon. 






Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Napapaluha lang ako ng makita ko siya. Niyakap muli niya ako ng mahigpit na mahigpit. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa sa akin. Di ko mapigilan ang mapaluha ng sobra na siyang dahilan kung bakit ako napahagulgol ng sobra-sobra. 






Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya yung nangyari sa akin. Di ko kayang makita siya na lalong madismaya. Bago mangyari ang lahat ng ito, nais ko ng makipagbati sa kanya , pero heto ako, pinag iisipan kung ipag papatuloy pa ito. Alam kong hindi lang ako ang habol ng mga taong nagpadukot sa akin, baka pati si Ryan mapahamak ng dahil sa akin.







Lumayo ako sa kanya ng bahagya at lumakad kay Annie ng bahagya. 





“Gusto ko ng magpahinga..” matabang kong sabi. 






“Alalayan na kita....” sabi ni Ryan. 







“Wag na... umuwi ka na....” sabi ko. 




"Best okay ka lang ba talaga?"





"Oo okay na ako. gusto ko lang mag pahinga. iwanan na ninyo ako."






“Best.... yaan mong alagaan ka niya... galit ka pa ba sa kanya? Alam mo bang di yan tumitigil hangga’t hindi ka nakikita?” 






“Gusto kong mapag isa.... ayoko munang makita ka Ryan.... lumayo ka muna....” ang nasabi ko. 






Di ko alam kung bakit yun ang sinabi ko pero wala na akong magagawa, nasabi ko na. Ramdam ko na nabigla si Ryan sa sinabi ko. Agad niya akong niyakap, 





“Mahal ko.. sorry na sa nangyari... sorry na... wag mo naman ako ipagtabuyan..” sabi niya. 






“Pagod ako ngayon Ryan..... gusto ko munang mapag isa.....” sabi ko na lang. At dumeretso na ako sa taas.




"Best.... iba ka na. hindi ko alam ang nangyari sayo dahil ayaw mong magsabi pero rerespituhin ko ito."





napatigil ako ng bahagya pero tumuloy na din ako.





Nag hubad ako ng damit ko at dumiretso na ako sa banyo. Tulala ako habang nag lalakad papunta dito. Di ko maiwasanag maalala ang ginawa nila sa akin. Nagmamakaawa ako noon, pero sadyang halang ang kaluluwa ng mga taong iyon. Ni hindi man lang siya naawa sa akin. Itinuring niya akong isang bagay na animoy walang pakiramdam. 






Itinapat ko ang katawan ko sa ilalim ng shower. Umiiyak ako habang unti-unti kong pinipilit na alisin ang mga bakas ng pagkabasura ko. Kahit masakit na ang ginawa ko, pilit ko pa ring paulit-ulit na sinasabon at hinihilod ang aking katawan. Gusto kong matanggal ang amoy ng lalaking iyon. Gusto kong matanggal ang bakas niya sa aking katawan. Gusto kong alisin ito sa aking katawan, lahat-lahat ng nangyari.







Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Sa mga pasang aking natamo, at sa nangyari kamunduhan. Kuskos lang ako ng kuskos sa aking katawan. Wala akong pakiaalam kung mag pasa na ang buo kong katawan. 







Ang gusto ko ay ang makalimot sa nakaraan. Naisip kong pag subok lang ito sa akin, pero bakit ganoon, sobra sobra. Sana ito na ang huli na mangyayari sa akin ito. Di ko na kakayanin pa na may mangyari pang kababalaghan sa akin.








Matapos kong maligo, inihiga ko ang sarili ko sa kama at nakatulala sa kisame na nag isip. Tama ba ang gagawin kong makipag hiwalay sa kanya? Tama ba kaya? Mahal ko siya, oo subok na iyon, pero yung katotohanana na malalagy sa piligro ang buhay niya ng dahil sa akin. 








Wala na akong pakialam kung isang araw bawian ako ng buhay, pero handa akong mamatay alang-alang kay Ryan. Alam ng lahat kung gaano ko siya kamahal. Ikamamatay ko kung mawawala siya dito sa mundong ibabaw. Ilanag oras kong pinag isipan ang mga abagy bagay na ito hanggang sa humantong ako sa isang desisyon.








“Patawarin mo sana ako mahal ko... patawarin mo ako Ryan.... gagawin ko ito para sa yo.... at isa pa... hindi na ako karapat-dapat sa iyo..... di ko na kaya pang harapin ang isang tulad mo matapos ang nangyari sa akin... buo na ang desisyon ko... makikipag hiwalay ako sayo....” ang sabi ko sa sarili ko sabay iyak ng sobrang hina. 







Dahan-dahang tumulo ang aking mga luha sa aking mga mata.






Nakatulog ako pagkatapos kong umiyak. Di ko na namalayan na unti-unti na akong napapikit at nakatulog. Hanggang sa panaginip, dala ko pa rin ang nangyari. Naramdaman ko pa rin ang ginawa niya sa akin. 







“Walanghiya ka.... pakawalan mo ako... pakawalan mo ako..... itigil mo yan... nagmamakaawa ako...” ngunit para siyang bingi na walang naririnig. Anumang laban ang ginagawa ko, sakit lang ang ibinibigay nito sa akin."






 Yan ang napapanaginipan ko sa mga oras na ito. Ang paulit-ulit na pagmamakaawa ko. 






“Ryan.... Ryan... mahal ko... tulungan mo ako... iligtas mo ako.... tulungan mo ako..... ayoko na sa kanila... tulungan mo ako.... tulungan mo ako!” ang bigla kong sabi habang natutulog at ang labis ko ikinagising at ikinabangon.







Pag gising ko, mukha nung lalaki ang nakita. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya at ramdam ko ang takot sa buo kong katawan. 






“Lumayo ka sa akin..... ayoko na... lumayo ka sa akin... nakuha mo na ang gusto mo diba? Umalis ka na dito... layuan mo ako...!!!” ang nasabi ko nalang at lumabas sa aking bibig. 






Dahil sa takot ko ipinagbabato ko ang mga unan, kumot at ilang bagay sa taong iyon. 






“Layuan mo ako.. nag mamakawa ako... layuan mo ako... ayoko na... tama na yang ginawa mo sa akin....” hanggang sa lumapit siya sa akin. 






“Tama na.... please....”





Hanggang sa pumasok na ang realidad. Isang ilusyon lang pala ang lahat. Hindi pala totoong yun yung lalaki kundi ito ay si Ryan. Nakita ko ang malaking pagtataka sa kanya. Andun din si Annie na nakatayo at nangangamba sa nangyayari sa akin. Agad akong niyakap ni Ryan ng mahigpit. 





"Nicko Nicko... anong nangyayari sayo?"




“Anong nangyayari sayo? Anong ginawa ng mga hayop na iyon sa iyo?” sabi niya. Ramdam ko ang paghikbi niya. Umiiyak siya ng sobra.







Lumayo naman ako sa kanya agad agad. 






“Anong ginagawa mo dito? Diba sabi kong ayaw muna kitang makita? Umalis ka an dito...” pagtataboy ko. 






“Best ano bang nangyayari sayo? Bakit ba paulit-ulit mo siyang itinataboy. Mahal na mahal ka niya. Sobra. Para namang napakalaki ng kasalanan niya sayo? Ano bang nangyayari sayo? Ano bang ginawa nila sayo?” tanong ni Annie. 






“Ayoko munang makita siya.. tapos ang usapan...” sabi ko. 






“Alam mo best...kung ayaw mong tulungan ka namin sabihin mo lang.... handa lang kaming maghintay para sayo... lumapit ka na lang sa amin.” Sabi ni Annie. 







Umalis na silang dalawa. Alam ko na ayaw pang umalis ni Ryan pero wala siyang magawa. Gusto ko siyang yakapin ng mga panahong iyon, pero may pumipigil sa aking gawin iyon.







Ilang araw ako nag kulong sa kwarto ko. Hangagng sa magdesisyon ako na kausapin si Anthony. Pupunta akong Batangas. Magbabkasyon ako para maaliw ang sarili ko at para mawala ang kasaklapan na nangyari sa aking buhay. 





Tinawagan ko ito. 





“Hello... Anthony.... si Nicko to....” 






“Nicko? Kamusta ka na ba? Buti okay ka na.... Anong nangyari sayo?” 






“May ipapakausap sa na ako... wag na wag mong sasabihin ito kay Ryan..... gusto kong magpasama sayo sa Batangas, sa rest house ninyo... gusto ko lang makapag isip isip... saka ko an sasabihin kung bakit...” 





"Pero alam ba to ni Kuya?"






"Hindi. basta. saka ko na alng sasabihin sayo. pwede ka ba? okay lang kung hindi."






"Oo ma." pumayag naman siya. Bukas na bukas eh aalis na kami.








 Nag impake ako ng damit. balak ko kasi na medyo magtagal doon. ewan ko kung makakayanan ko ba pero gagawin ko to para sa sarili ko. Buo na ang desisyon ko pag balik ko dito.






Hindi ko sinabi kung saan ako pupunta. bahala na kung ano ang mangyari. kakayanin ko to. pagsubok lang ang mga ibinibigay sa akin.
Tahimik ako habang nag byahe kami. Ni hindi muna siya nagtanong. Siguro mamaya siya bibira ng pagtatanong sa akin. 







Nag iwan ako ng sulat kay Annie na aalis muna ako at wag ng hanapin. Iniwan ko din ang cellphone ko sa bahay para walang makagulo. 






Gusto kong maging tahimik muna ang lahat bago ako maging okay. Nais kong mag isip isip. Di ko namalayan na nakatulog ako sa byahe namin. Nagisisng na lang ako ng naramdaman ko na buhat-buhat ako ni Anthony papasok ng bahay. Nagpababa naman ako nung magising ako. Nakakahiya naman eh siya na nga dumala ng mga gamit namin siya pa ang magbubuhat sa akin. Kanina pa daw niya ako ginigising eh kaso di lang ako magising.





"Oh gising ka na pala."





"Ibaba mo na ako. nakakahiya naman sayo..."





"Ayos lang. ginagawa ko naman ito sa yo dati ah."





"Adik mo.... dati yun no?"






"Pwede naman nating ulitin ah..."





"Loko ka talaga. daming alam ay."






"Joke lang. oh siya. eto na po."





Sabay nakaw ng halik sa aking pisngi.




"Para saan yun?'





"Wala lang... nevermind. gusto ko lang."






"Aysus. Sumbong kita sa kuya mo eh."






"Edi sumbong mo."





"Di ka takot?"





"Hindi ah.... at saka dati ka namang akin ah.. kaya pwede naman yun..."






"That's illogical...."





"really?"





"Che/.... tara na papasok..."





"Saan?"





"Sa bahay siyempre...."





"Akala ko sa puso mo eh..."






"tae,... adik mo talaga...."






"Adik sayo?" Napangiti naman ako.






" Salamat at nasilayan ko an ang ngiti sa mga labi mo."







 "Salamat."





"Dapat si kuya nag bibigay niyan sayo eh..."



nanahimik na lang ako. wala akong balak sagutin ang sinasabi niya.






"Ano ba talaga ang nagyari sayo doon?"






"Tara na miss ko na sila Nay Betty at Tay Bert." pag iiba ko ng usapan.






Agad sumalubong sa akin si Nanay Betty hanggang nakaabang naman sa amin sa pintuan si Tatay Bert. Agad kong niyakap si Nanay Betty ng sobrang higpit. Namiss ko siya ng sobra. Hahahah. 






"Nay Betty!"





"Anak! Nicko... Kamusta ka na? Namiss ka namin.."






"Ako rin po sobra....."





"Welcome back" sabi ni Tay Bert.






"Salamat po. Namiss ko ang lugar na ito. nakakrefresh talaga dito."





"Oo naman. siyempre bungad pa lang eh maganda at gwapo na ang makikita mo."






"Aba may ganun na? Kaw Nay Betty nag lelevel up na ha."






"Naman. It's civilization."






"Aba may ganun? So define...."







"Ahm. tara pasok ka na ng bahay."






"Kaw talaga."





"Nay Betty" singit ni Anthony.






"Oh anak. Kamusta ka na?"






"Ayos lang ako nay Betty."






"Haixt. Kakarefresh talag dito... diba Nicko?"






"Galing talaga ng mahal ko oh.... sayang nga lang eh...."







"Bakit sayang?"






"Ah eh wala-wala."





Kwentuhan kami ng todo-todo. Para bang ilang dekada kaming hindi nagkita. Napapaiyak na lang ako sa sobrang saya. Sa tingin ko magiging ayos ang pakiramdam ko dito. Magiging panatag ako sa mga panahong mananatili ako dito. Haixt.




"Akyat na muna ako nay Betty"





"Sige"







Nagpahinga muna ako sa taas ng ilang saglit. Biglang sumagi sa akin ang mga panahong nandito kaming dalawa ni Ryan. Yung mga bagay na kung saan ginawa naming magkasama ni Ryan. Lumabas ako sa beranda ng kwarto at dinama ang simoy ng hangin.








 Pumatak ng dahan-dahan ang aking mga luha sa aking naalala. Mga bagay na sobrag aking ikinagalak dati. Sana ngayon na lang ang kahapon, sana ngayon na lang ang mga bagay na masasaya. 








Minsan nakakasawa na rin naman ang umiyak ng umiyak. Mamaya kasi magkaroon na ako ng sakit at ng total depression sa nararanasan ko. Magpakunsulta na lang kaya ako sa isang psychiatrist.







Kaysarap balikan ng mga bagay bagay na sobrang nakakapagpasaya sa akin ng sobra. Mga bagay na nangyari noon na hindi ko alam kung mangyayari sa ngayon. 






“Nicko... I Love you.... I love you so much.... mahal kita..” ang biglang sabi ni Ryan. 






“di mo alam sinasabi mo....” aktong paakyat na ako sa taas, bigla na lang niya akong hinila at niyakap. 







“Mahal kita Nicko... maniwala ka... mahal na amhal na kita... hindi ko alam kung paano nangyari pero mahal kita....” sabi niya. Biglang tumulo luha ko. 








“Mali to.. di mo alam sinasabi mo... hindi pwede to...” sabi ko. 








“Maniwala ka sana... alam kong sinasabi ko... mahal kita...yun ang totoo.... di ko alam kung bakit ba... basaa hinahanap hanap ko presensiya mo... hinahanap hanap ko ang yakap ko sa yo.....” nakita kong lumuha na din siya.








Di ko mapigilan ang umiyak. Bakit ba ako naiiyak? Tanong ko sa sarili ko. 






“Sabihin mo lang.... sabihin mo lang na mahal mo ako..... sabihin mo lang..... gagawin ko ang lahat.... para sa yo...” sabi niya. 








“Hindi.... hindi pwede... hindi kita mahal....” ang sinabi ko. 







“Hindi ako naniniwala.... mahal mo ako... ramdam ko yan... mahal mo ako di ba?” nakita kong pagmamakaawa niya. Di ako makasagot. 







“Kung hindi mo ako mahal... wala nang patutunguhan tong pagmamahal ko at ng buhay ko....” ang bigla na lang niyang sinabi. 







“anong gagawin mo?” bigla ko na lang siyang nakita na kinuha ang kutsilyo at itinapat sa sarili niya. 







“Huwag... please lang.... oo mahal kita... mahal na mahal...” nakita kong ibinaba niya ang hawak niya at hinawakan kaagad ang kamay ko. Hinalikan niya ito at niyakap niya ako.




Kaysarap balikan ng mga panahong ito. Na kung saan magkasama kami.





Oh, gising ka na....” sabi ko. 






“Yup.... nagising ako sa magical kiss ng asawa ko... heheheh” sabi niya. 






“Ahahahah... naks naman... heheheh.... oh eto pa... mwaaahh” 






“Mwaaahhh.... heheh... I love you Nicko....” 






“I love you too Ryan..” 





“So tara na... baba na tayo at baka nakahanda na ang breakfast natin.... or baka gusto mo right now na tayo mag breakfast?” sabi niya. 





“Hay... tara na sa baba at baka kung ano pa ang maisip mo... kung anu-ano na yang pumasok sa kukote mo eh.... tsk tsk... masyado ng polluted... hahahah” sagot ko. 





Napapangiti na lang ako. Namimiss ko ang momments na ito. Nagising ako sa katotohanan ng biglang kulbitin ako ni Anthony. 






“Miss mo na siya no?” 





“Ano pa nga ba?” 





“Bakit pa kasi ayaw mong tawagan siya or kausapin...” 






“Hindi pwede... may rason ako kung bakit... natatakot ako na baka mapahamak lang siya sa akin...” 






“Pero paano? Ano ka ba?” 






"May mga bagay bagay kasi na mahirap ipaliwanag."






"Gaano mo ba kamahal ang kuya ko?"






"Mahal na amahl ko siya. kaya nga handa akong magsakripisyo para sa kaniya."






"Pero bakit ganayan ang ipinapakita mo?"






niyakap niya ako. "Alam mo ba na hanggang ngayon nag sisisi ako na pinakawalan kita.... pero hindi ko pinag sisisihan na ipagkatiwala ka kay kuya.... Kaya sabihin mo na sa akin"







“Kasi.... kasi..... kasi..... baka mamatay lang siya...”


(Itutuloy)

2 comments:

  1. hi kuya!! musta ka na??? sori ngaun lng ulit nakacomment ah. sobrang busy eh. d bale. mula ngaun magcocomment na ulit ako :)

    ganda talaga kuya! nakakadala talaga! pati ako naiiyak eh! excited na po sa nxt :)

    ReplyDelete
  2. salamat po... sorry kung natatagalan ha.... hehehe...dami kasiginagawa....nhahahahah try ko post ngayong gabi...

    ReplyDelete