Monday, March 5, 2012

If I Let You Go- Part 17


Guys malapit na po matapos yung If I let you go. Salamat po sa mga sumuporta ng walang sawa... I love you guys....



sa mga nag comment dati sa akin... salamat po.... hoping na makakita ako ng comments from you po. Pasensya na po at busy po ang author po ninyo... salamat po ng marami......


Always here,


Dylan Kyle Santos



videokeman mp3
One Thing – One Direction Song Lyrics

________________________________________________________________________________

Hindi ko na siya pinigilan pa. Gumanti na ako ng halik sa kanya. Namiss ko ang mga halik niya sa akin lalo na at marami kaming pinagdaanan noong nakaraan. Naging agresibo ang kilos niya at nagkaideya na ako sa pupuntahan ng mga ito.





Unti-unti niyang hinuhubad ang kanyang polo na suot pati na rin ang pantalon. Nang damit ko na ang isusunod niya eh lumayo ako ng bahagya.






“Wag..... di ko pa kaya.....” at tumingin ako sa baba.




“Wag muna ngayon....”





“Bakit? Anong meron?”





“Ahm... kasi...”




“Meron ba akong hindi alam dito?” Tanong niya.





“May sasabihin ako sayo.... may ipagtatapat ako sayo...” Seryoso ang aking mukha.






Nakita ko na seryoso siyang nakikinig. “Yung time na kinidnap ako? Yung panahong iyon..... hindi lang pambubugbog ang ginawa nila sa akin... hindi lang yun ang pinaranas nila sa akin...” tumigil ako ng bahagya para tignan ang mukha niya.





Nakita ko na nagbaba siya ng tingin at nakita ko na nakakuyom ang kanyang mga palad. Alam kong may ideya na siya. “Nag karaoon.... nag karoon ng....” di ko na natuloy ang sinasabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.






“Mga hayop sila.... hindi ko sila mapapatawad... papanagutin ko sila sa ginawa nilang pang bababoy sayo..... humanda sila....” sabi nito.






“Ayokong madamay ka pa sa gulong ito kaya pilit kong lumayo....”





“Kaya pala.... pero hindi mo dapat ginawa iyon...”





“Pinilit kong kayanin na ipagtabuyan ka... papatayin ka nila kung di ko gagawin ang mga ito... pinapalayo ka nila sa akin.... babalikan nila tayo kapag di tayo nag layo... at worst pa nito ay bakla patayin ka nila ng dahil sa akin...”





“Wala akong pakialam sa kanila... wala akong pakialam kung patayin nila ako... handa akong gawin ang lahat para sayo... kaya kung papatayin nila ako hindi ako matatakot... hayaan mo akong nandiyan lang sa tabi mo...”





“Pero...”





“Wala ng pero pero.... basta.... di ako aalis sa tabi mo...”





“Nag aalala lang ako sayo...”





“Ano ka ba... walang mangyayari sayo at sa akin...”





“Ayaw kitang mawala kaya ko nagawa iyon...”




 “Ano pang silbi ng pagiging boyfriend mo kung iiwanan kita? Ano ka ba? Ano pang silbi’t ipinaglaban kita? Ano ka ba? Magtiwala ka sa akin... andito lang ako para sayo...” niyakap ko siya ng mahigpit.






“Mahal kita Nicko at hindi ko hahayaan na mapahamak ka pa...”






“Salamat Ryan... mahal na mahal din kita...”






“kaya wag mo na ulit gagawin na solohin ang mga problema..... Ito ba ang dahilan kaya mo ako pinapalayo ng lubusan?”






“Uhm... oo... yun nga... at isa pa... parang wala na akong mukhang ihaharap sayo... dahil... dahil nga sa pang aangkin na ginawa niya....”







“Wala akong pakialam kung ilan ang umangkin sayo noon. Tinanggap kita hindi dahil lang diyan. Minahal kita dahil mahal kita at iyan ikaw. Sa ngayon.. kung inangkin ka man nila... pagbabayaran nila iyon at hindi ikaw ang dapat magbayad....”





“Pero...”





“Shhh..... yaan mo na... ako na ang bahala...... magbabayad sila sa ginawa nila sayo..... at pagbabayaran nila na ninakaw nila ang pag aari ko... dahil ang akin ay akin lang.... at ikaw.... at ako... tayo lang dalawa dapat....”




“Sorry sa ginawa ko... akala ko ito ang makakabuti sa atin...”





“Pinakaba mo ako ng sobra...”





“Pasensiya naman...” Hinila niya ako at ngumiti ng nakakloko.





“Hoy anong balak mo?” Kinindatan niya ako at doon na nag umpisa ang lahat. Wala na akong nagawa kundi ang mahalin siya ng mahalin.






Mag aalas-diyes na ako nagising. Himbing na natutulog si Ryan sa tabi ko. Nakayakap ako sa hubad na katawan. Naririnig ko ang lagaslas ng hangin at ang malalakas na alon ng tubig ng dagat. Tinanggal ni Ryan ang masasalimuot na pangyayari sa akin. Pilit niyang ipinadama na limutin ko ang nangyari at isipin lang na kami lang dalawa. Nawala ang takot ko na muling mangyari iyon sa akin. Nawala ang masasalimuot na pangyayari na lubhang nagpaisip sa akin ng mga bagay na iyon.






Bumangon ako at naramdaman iyon ni Ryan. “Mamaya ka na bumngaon.” Sabi niya sa akin habang yakap yakap niya ako sa may bandang tiyan.






“Gutom na ako.. kakain lang ako..”






“Di ka pa ba busog? Sige heto pa oh...”





“Loko naman ito... ikaw ha nakakadami ka na....”





“Eh... mamaya na kasi eh...”





“Aysus... mamaya na yan.. kakain lang ako sa baba...”





“Aysus... baka kung ano ang kainin mo sa baba...” Binato ko siya ng unan bago ako ng suot ng pang ibaba.





“Dami mong alam.






Bumaba ako at iiniwan ko siyang nakahiga sa kama. Muntik pa akong madula sa hagdan ng biglang bumulaga sa harap ko si Annie.





“Bestfriend!!!!” sigaw nito.




Agad siyang yumakap sa akin. “Hala ka.. anong ginagawa mo dito?”






“Para damayan ka.... andito lang ako at hayaan mo papanagutin ko sila sa ginawa sayo.... humanda sila sa akin...”





“Aysus... parang may magagwa ka naman...”





“Oo naman... ikaw ha.. wag mong sinosolo ang lahat....”





“Aysus.... oo na.. sorry na.... salamt ha.... kasi iniintindi mo ako...”






“Thats are friends are for... ano ka ba....”





“Aysus.... wait lang kakain lang ako....”






“Di ka pa ba nabusog?”





“Nabusog saan? Eh di pa nga ako nakakakin eh...”




“Baka nga busog na busog ka sa almusal mo kanina eh.”





“Anong sinasabi mo?”





“Sus... wag kang mag maang maangan..... Kanina ka pa kinakatok ni Nay Betty sa taas... at ang sabi ng boylet mo eh nakapag almusal ka na...”






“Argggg.... kasalanan to ni Ryan...” sa isip ko lang.





“Tae mo.. dami mong alam.... di ko alam sinasabi mo...” pag mamaang-maangan ko.






 “Aysus.. ang haba ng buhok oh natatapakan ko na....”





“Wew.... teka lang kakain na ako.” Sabi ko.






 Nagenjoy naman si Annie sa bahay na yun. Nakakarefresh naman kasi eh.




Kinatanghalian na ng nagising si Ryan. Nakaboxer lang siya ng bumaba.





“Good morning...” sabi niya.




“Tanghali na po...”





“Ah gnun ba...” agad siyang lumapit sa akin at yumakap.





“Ang sweet naman dito.. nilalanggam ako... naman...”





“Inggit ka lang...” sabi ko. “Hindi no...”




“Weh di nga”




“Kain na kayo.....” singit ni Nay Betty.




“Kainan na!” sabi ni Annie.




“Subuan mo ako mahal ko...” sabi ni Ryan.





“Aysus parang bata na naman ito...”





“Dali na...” pag lalambing nito.





“ Ako na lang mag susubo sa boyfriend mo Nicko...”





“Che... mag isa ka...” At yun nga.





 Naging masaya ako sa nangyari. Sabi na at magiging fresh na yung pakiramdam ko dito.





Nagpasya na kaming umuwi makalipas ang dalawang araw. Pagkauwi ko sa bahay, nagulat ako sa nadatnan ko. Nagulat ako sa mga taong naroroon din. Nakita kong nakatayo sila papa at mama sa salas. Nang mga sandaling iyon eh napaiyak ako ng makita ko sila. Agad akong niyakap ni mama. Niyakap ko rin siya ng kay higpit.





“Anak... kamusta ka na? Anong nangyari sayo?” tanong niya.





“Masaya ako na nandito na kayo ma... ayos na ako ma... okay na po ako... masaya na ako... masayang- masaya...” sobrang higpit ang pagkakayakap niya sa akin. Inilahad ko ang lahat ng nangyari sa akin. Nakatayo sa aking tabi si Ryan at si Annie.







Nakatulala sila sa kawalan. Nagulat at alam kong nakisimpatya sa akin.






“Anak.... papakulong ko sila... kailangan nilang magdusa.... mga hayop nsila... walang hiya....”





Pati si papa nakita kong nakakuyom ang mga kamay at nakatulala. Galit ang kanyang mukha at alam ko na handa siyang manuntok.





“Sana lang po ay mahuli na kung sinuman ang nagpadukot sa akin...”





“Ma...ma...maha....mahal na ma..mahal kita..... di ako pa..pa...payag na hindi sila mapa...mapa...maparu....rusahan.... human....humanda sila sa akin... pananagutan... nila lahat ito..... mana... mananagot sila.... pangako yan...” ang utal-utal na nasabi sa akin ni Ryan. Nanginginig siya dahil sinisipat niya kung ano ang magiging reaksyon nila mama.






Sa pagyakap niya sa akin, pakiramdam ko ligtas ako lagi. Humiwalay ako sa kanya para tumayo. Tumayo din siya pagkatapos. Humarap kaming dalawa kila mama at papa. Nagsalita bigla si Annie.





“Best.... pumunta agad dito sila tito at tita nung malaman nila ang nangyari sayo. Si Anthony ang tumawag sa kanila.” Paliwanag ni Annie.





“Ah gnun ba.... okay okay.... Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?”






“Gusto ka nilang surpresahin” Biglang sumingit sa mama sa paguusap namin.






“Anak... siya na ba yung bago mo?” natameme kami. Di makapagsalita, nakikiramdam ako sa anu mang mangyayari. Heto na ang punto na ipapakilala ko na siya sa magulang ko.






Tumingin ako sa kinaroroonan ni papa at alam kong naghihintay siya ng kasagutan. Nakatingin siya sa akin at parang nangungusap ng kasagutan.





“Ma, Pa... si Ryan po.. boyfriend ko po...” pakilala ko sa kanila.




“Kapatid po ako ni Anthony. Nakakatanda ako sa kanya.” Dagdag nito.




Hinawakan ko ang kamay niya dahil sa kinakabahan ako. Tumingin ako sa baba dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya. Unti-unti, naramdaman ko na lumapit si mama at hinawakan ang mukha ko.




“Anak... namiss kita ng sobra....” niyakap niya ako ng mahigpit. Muli, tumulo ulit ang aking luha.






“Mama... namiss ko din po kayo ng sobra. Miss na miss.”






“Mr. Reyes.... gaano mo kamahal ang anak ko?” nagulat ako ng biglang pagsalita ni papa.






“Hindi ko po mabilang Mr. Mercado. Dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay di mabilang. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Handa akong gawin matanggap lang ninyo. Gagawin ko ang imposible para lang makasama ang anak po ninyo. Alam ko pong pinalayas po ninyo siya matapos malaman na may relasyon sila ng kapatid ko. Hindi po ako papayag na paghiwalayin po ninyo kami.Kung kailngang ligawan din po kayo gagawin ko.” Mahabang sagot nito.






“Wag kang masyadong magpaliwanag. Nagtatanong lang ako. Easy lang.”





“Pasesnsiya po.. kinakabahan lang po...”





“Tandaan mo lang, dila lang ang walang latay sayo sa oras na iwanan at saktan mo tong anak ko.”





Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko. Kakaibang tuwa ang naramdaman ko ng marinig ko ito mula sa sarili kong ama. Hindi ko mapigilan ang tumakbo sa kanya at yakapin siya.







“Anak.... patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo. Di ko lang matanggap noon na ganyan ka. Akala ko makakyaa ko at matitiis pero nung nalaman ko na nanganib ang buhay mo, di ko na nakayanan. Mahal na mahal kita anak.”






“Pa, salamat... mahal na mahal din po kita... maraming salamat po sa ginawa ninyo ngayon. Sorry sa pagsuway ko sa inyo noon.. alam kong gusto ninyo lang maging maayos ang buhay ko...” Napahagulgol na ako ng sobra. Lumapit si Ryan sa amin at inabot ang kamay ni Papa.






“O iho....ingatan mo to....”






“Yes Sir..”





“Papa na rin ang itawag mo sa akin.” Masaya na ako ngayon.






Kahit na may pagkabigo sa bahagi ng aking buhay, nagkaroon naman ng panibagong kulay ang isang bahagi ng aking buhay. Doon na rin natulog si Ryan. Sobrang saya niya sa part ko kasi tanggap na nila ako. Sila mama, dito na rin sa bahay nag palipas ng gabi.






Magkatabi kami sa kama, nakayakap siya sa akin at ganun din siya.





“Mahal ko, mahal na mahal kita. Ngayon tanggap ka na ng pamilya mo, lalo akong natutuwa. Wag kang mag alala, gagawin ko ang lahat para matanggap tayo nila papa.”






“Wag kang mag madali.... I love you...”





“I love you too..” pansin kong di namin pinagusapan ang nangyari sa akin. Siguro, ayaw lang niya itong alalahanin pa.






“Sorry nga pala nung nangyari dati...”





 “Uhm ayos na yon.. tapos na yon.. at wag mo ng uulitin yon ha.. kundi tatapyasin ko ang lahat lahat sayo...”






“Magagwa mo yon sa love mo?”





“Oo pag kinakailngan at kung dapat...” pagbibiro ko. Nagharutan kami ng nagharutan. Matapos kaming mapagod namahinga kami. Natulog kami ng payapa at tahimik. Hahaha.






Ginising ako ng halik ni Ryan. “Good morning mahal ko...” bungad nito.







 “Good morning din.” Nginitian ko siya. Nagulat na lang ako ng bigla bigla na lang niya akong hinalikan sa labi.





“Tara... baba na tayo... naghihintay na sila papa..” sabi niya.






“Papa talaga ha... hahah.. naks... hahahaha....” hinalikan ko siya sa pisngi. Pagkababa namin, nagulat ako ng madatnan ko si Kuya.






“Kuyaaaaahhh” napasigaw ako at nilapitan ko siya at niyakap.






“Kanina ka pa?”






 “Yup.... ahhahah.... Teka.... uhm.. sino yan?” turo niya kay Ryan.







“Uhm... nga pala... kuya... si Ryan.... boyfriend ko...” pakilala ko dito.







“Ryan pala kuya....” sabi nito kay kuya.






 “Aba... ang kapatid ko kumekereng keng.....”






“Yaan mo na nga yang kapatid mo.. aba pinakaba kami... buti na alng at ligtas yan...”







“Naku ma, magugulat na lang kayo buntis na yan...”






“Loko ka kuya... umupo ka na nga... kain na tayo....” at tawanan na lang kami. Eto ang kaunaunahang nagkabonding kami sa hapag kainan at ngayon nadagdagan kami ng miyembro, si Ryan.





“Nga pala tol... malapit na akong ikasal. After 5 months eh ikakasal na ako.. invite ko kayong dalawa...”






“Aysus.... sino kayang malas na babae ang nauto mo...”






“Kapal mo din.. naku dehado nga yang si Ryan sayo eh....” Tumawa lang si Ryan.






“Tinatawanan mo akO?” tanong ko kay Ryan na pabiro pero ang mukha ko parangseryoso.






“Hindi po boss...”






“Aba... inuunder mo yang boyfriend mo.... baka iwan ka niyan...”






“Naku... alam kong nagbibiro lan to mahal ko... hahah... at di ko yan pagpapalit sa iba...” Nasa ganoon kaming pag uusap habang kami ay kumakain. Sobrang saya ko talaga. Matapos ang unos na pinagdaanan ko eto pa rin at masaya ako. Nangangamba lang ako sa proteksiyon ng mga mahal ko sa buhay. Di ako nakakasiguro na lagi silang safe. Sino kaya ang nagpadukot sa akin at ano ang pakay niya sa akin. Bati na naman kami ni Rona at maayos na. Sino kaya yun. Malaking misteryo pa rin ang lahat ng ito. Napakalaking misteryo.







Masaya na ako ngayon, nawa eh mahuli na kung sino ang nagpadukot sa akin.mapanagutan na sana niya ang mga kababuyan na ginawa nila. Wala sa akin kung saktan nila ako eh pero yung gawin nilang basura ang pakiramdam ko, hindi ako makapapayag. Sama-sama kaming nanonood sa sala ng biglang tumawag sa akin si Annie.






“Best... may problema tayo.... kailngan nating magkausap ngayon... urgent... “ bigla akong kinabahanng tumawag siya sa akin. Haixt. Ano na naman kaya itong panibagong problema na dumarating. Pero mukhang mabigit ito at mas malala pa sa iba.





(Itutuloy)

4 comments:

  1. ambilis ng update ngayun bumabawi!hehehehe! mali pala ang hula ko sa last chapter... Sa side na ni Ryan ang hula ko! hehehehe! its either his parent or his ex-gf! Uso naman ang crazy ex-gf!

    ReplyDelete
  2. kala nila pag binaboy nila si Nicko lalayuan ito ni Ryan.. mas deeper love pa nga ang nangyari..

    Tama ka Ly... it's either ryan's Parents o yung Crazy Ex GF niya..

    ReplyDelete
  3. hahahah...salamat po ahhh...nxia talaga at natagalan ako mag update,...bumabawi ako...i think next post will be three days from now... ahahahah

    ReplyDelete
  4. kelan po yung next chapter? excited na ako.

    ReplyDelete