Author's Note:
*****************
Hi Guys! Good News:
natapos ko na po yung Bullets for my Valentines.... hahahah
it took me to create 4 chapters na sunod-sunod... hahahha
Hope you like it....
Mag eedit na rin ako para sa mga sablay... hahaha
Sana magustuhan ninyo....
Sa mga sumali pala sa discussions... maraming salamat po.. love you guys.... :))
Salamat sa mga nagbabasa ng mga stories... tapos sa mga comments po.. maraming salamat po... :))))))
Hope to see your comment again....:)))
******************
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Thanks everyone for having your comment and for reading my story.
This story is only fiction at nabuo sa kathang isip lamang.
Ang anumang pagkakatulad sa mga lugar, pangryayari at pangalanay di po sinasadya. Maraming salamat po.
Compilation of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
also, Bullets for my Valentines compilation in BOL is available at:
BFMV (Compilation)
Dito ninyo po ako pwedeng ma contact:
1. Facebook:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
---------------------------------------------------------------------------------
Bullets for my Valentines
Part 39
"Mr. Dreamboy"
Always here,
Dylan Kyle Santos
******************************************************************
[AJ’s
POV]
(Flashback)
February 28, yun yung araw ng
JS Prom namin.
14 araw matapos yung nangyari sa amin ni James.
Halos hanggang
ngayon masakit pa rin kapag naalala ko yun.
Kasali ako ngayon sa Search for
Mr. Dreamboy And Ms. Dreamgirl.
Every year eto yung pinaka highlights ng event
lalo na sa JS Prom namin.
Alam na ng lahat ng nasa school
yung pagkatao ko. Dahil dun kay Cyrus.
Akala ko kaibigan ko siya,
pinagkatiwalaan ko siya ng sobra at sa tagal naming magkasama, hindi ko inakala
na siya pa ang gagawa nito sa akin.
Kapartner ko sa pageant si
Rizza.
Siya ang dahilan sa pagsali ko, paano ba naman eh inilista ako doon kasi
wala daw siyang kapartner.
Nagsimula yung JS namin ng
maayos. Tulad ng naka-tradition ay isa-isang tinawag yung mga kasali sa JS Prom.
Magkakaroon kami ng isang
entance ceremony.
Masaya ako sa kapartner ko sa JS Prom, yung pinakamaganda sa
buong batch namin.
Sobra niyang ganda at crush ko siya.
Si Rizza sa pageant at si Sarah
sa Prom.
Oh diba?
Letter M ako kaya nasa kalagitnaan ko.
Nung nasa table na
ako, hinintay na lang namin na tawagin din ng iba.
Pero ang lahat ay nakuha ang
atensiyon ng tawagin na si James.
Halos lahat namangha dahil sa angkin nitong
kakisigan.
Yeah he is handsome sa suot niyang puting tuxedo matching with his
new hairstyle.
Kapartner niya si Rizza at
kuminang din yung ganda ni Rizza.
Todo effort talaga siya at gusto niyang
manalo sa search.
Grabe talaga siya, tinakot pa nga niya ako para lang makasali
noon eh.
Habang papalapit na sa table
niya si James, tumingin siya sa akin at kumindat.
Ewan ko pero di ko maiwasan
ang mapatingin sa kanya.
He is 5 tables away sa akin at pagkapunta nilang
dalawa ni Rizza sa table nila, agad na pumunta sa akin si Rizza.
“Oi, handang-handa ako ah.”
Sabi ni Rizza.
“Oo nga nahiya nga ako sayo eh.”
“Dapat manalo tayo, aba todo
effort ako.”
“Siguro ikaw mananalo... eh
ako? Talo na at alam na ng lahat ng tao yung sa akin.”
“Alam mo hindi hadlang yun.”
“Kahit na.”
“Ngayon ka pa ba panghihinaan
ng loob? Pati dapat ipakita mo dun sa bano kong kapartner na hindi ka dapat
niya ipinagpalit.”
“Yeah... you are right.”
“Cheer up.... we can do
this...”
“Kung sakali lang na manalo
tayo... tayo ang kauna-unahang partner team na mahihirang.”
“Kaya dapat tayong manalo.”
Sabi nito.
Nginitian kami ng katable ko.
Si Sarah ang last time na nanalo at todo cheer siya sa amin.
Sayang lang at 1st
runner up lang yung kapartner niya.
Maayos ang pagdiriwang ng Prom.
Masaya at sobrang enjoy.
Senior high na at last year na namin to at kailangan
i-enjoy.
Kahit na sariwa pa rin yung nangyari, medyo okay okay na ako.
Habang nag didinner, kakaunti
lang ang nakain ko, paano ba naman tong kapartner ko napaka praning.
Pero kailangan
na din namin mag ayos kasi konting oras na lang at magsisimula na yung search.
Tatlo yung kailngan naming
ihandang isusuot. Rockstar, cashual at formal.
Todo effort ako at si ate lang
ang tumulong sa akin.
Habang palapit ng palapit yung
search, di ko maiwasang kabahan.
Kaya lumabas ako sa dressing room at
nagpahangin.
Nakatulala ako sa langit at pinagmasdan ito.
Punong-puno ng bituin ang
langit.
Natatawa nga ako sa kakahanap ng hikaw. Siguro lahat sila magugulat sa
itsura ko.
Nakahikaw ako ngayon pero
magnet lang naman.
Nagbalak nga ako na magpabutas eh kaso nagdadalwang isip din
ako.
Maya maya nakaramdam ako ng may
yumakap sa likuran ko. Agad naman akong nagulat at hindi nakagalaw agad.
“Good luck.”
Isang malamig na boses galing
kay James. Isang halik ang ginawad niya sa aking pisngi at umalis na.
Sa totoo lang mahal ko pa rin
si James. Gusto ko nga siyang makasama kahit saglit lang.
Alam mo yun, matapos yung
nangyari, naisip ko pa rin na gusto ko siyang yakapin.
Nasaktan niya ako ng sobra
pero hindi ko maiwasn ang mahalin pa rin siya.
Tanga na kung tanga pero mahal
ko talaga siya eh. Yun nga lang napangungunahan lang ako ng galit.
Tinawag na
nila ako at magsisimula na yung pageant.
Halos lahat natensiyon dahil
mga bigatin yung kasali.
Halos lahat magagaling. Kaya habang hinihintay ang
resulta, todo ngit na lang kaming dalawa.
“Kaya natin to. Kita mo yung
hiyawan sa atin.. oh diba?” si Rizza
“Oo nga eh...”
“Kaya dapat lang na magka
confidence ka.” Sabi niya.
Tama siya, tamang confidence
lang. Maayos ang sagot ko sa Q and A portion. Yeah. We rock. Hahaha.
Hanggang sa i-announce na yung
mga winners.
Pareho kami ng nakuha ni Rizza,
best in cashual, best in Formal wear at best in Rockista wear. Mr. And Ms.
Valentines din kami.
Hanggang sa i-announce yung
mananalo
“And our Ms. Dream Girl is no
other than... candidate no...... candidate no..... candidate no. 5.”
Halos lahat nagsitilian.
Woooah. Kung di man ako manalo, ayos lang at least I try my best. “And our Mr.
Dream Boy is no other than... candidate no...... candidate no..... definitely
her partner....candidate no. 5.”
At ito na ang pinakamasayaang
sandali sa araw ko ngayon.
Pareho kaming nanalo. Pero to make the story short,
sa unang pagkakataon, nanalo kami pareho.
After ng pageant, nag ayos na
kami.
At susunod na event ang pagsasaayaw.
Third part to ng program.
At sa mga
susunod na nangyari, ang mga nakaw na sandali.
Sandali sa buhay namin ni James.
(End
of Flashback)
“Oi
natigilan ka jan.” Sabi sa akin ni James habang nagmmaneho siya.
“Naalala
ko lang yung nangyari noon.” Sabi ko.
“Yung
time na sinayaw kita?”
“Yeah.”
“Na-miss
mo?”
“Hindi..
naasiwa ako.” Biro ko.
“Grabe
ka naman.”
“Joke
lang.”
“So
pupunta tayo ah.. di ka pwedeng humindi... sabay na tayo pag punta ha...”
“Okay...”
“Bakit
parang nagdadalwang isip ka?”
“Natatakot
lang ako..”
“Saan?”
“Wala..
never mind... kinakabahan lang.. sana di ko makita yung kabit mo.”
“Saklap...
makakabit wagas...”
“Totoo
naman.”
“Oo
na lang...” at di na siya umimk.
Ilang
linggo ang lumipas at Valentines day. I am not excited sa araw na ito. May
tatlong bagay, una, dahil kinakabahan ako, second single ako at pinakahuli eh
dahil yung araw na ito ang pinakamasaklap na araw sa akin. Bullets for my
Valentines kumbaga. Black valentines.
“May
date kami mamaya.” Sabi ni Angel.
“Edi
ikaw na.” Sabi ni Angelo.
“Wooh.”
Ganyan kami habang naghihintay ng proof.
May
program nga ngayong valentines day yung student council. Kaya habang nagclaas
kami eh may mga pumapasok at nag excuse tapos bibigyan ng mga gifts. How sweet?
Ang awkward nga lang kapag sa lalaki nangyari yun. Hahah.
“Hay
naku... kayo talagang mga kabataan ngayon..” ang nasabi na lang ng prof namin.
Tawanan
naman kami. Haixt. Bakit ba naiinggit ako sa kanila? Haixt. Dahil ba single
ako? Amp naman. Sana wala na lang valentines.
Nagsosolve
kami ngayon sa calculus ng biglang may interuption na naman. Hay, ang swerte ng
mga napagbibigyan.
“Excuse
po... ibibigay lang po kay Arwin Jake Montederamos.”
Halos
malaglag ang panga ko. Lahat sila naghiyawan. “Ayieh....”
“Pinabibigay
po ni Mr. James Arkin Ramos....”
At
lahat sila nagtatanong ang mga mukha. “Huh? Teka... si James?”
Agad
namang umalis yung nagbigay. May boquet of flowers, teddy bear at maraming
chocolates including kitkat. Wow.
“Ang
swerte mo boy...” sabi nila.
“Nabigla
lang ako.”
“Sino
yung James na yun?”
“Ex
ko.”
At
ang facial expression nila, 0.0 >>>>> o.0
>>>>>> -_- Oh di ba amazing. Mamaya may kumatok na naman.
“To
Arwin Jake Montederamos po.. pinabibigay ni Jaysen Marvin Pangilinan.... I love
you daw po.” At halos lahat nagtilian na naman.
Eksena
ng dalawang lalaking ito grabe. Para na tuloy ako nag shopping neto. Maya maya
sunod-sunod na.
Madami
akong nakuha na para bang may malaki akong shopping cart. (Hahaha. Pinangarap
ko lang to kaya pagbigyan ninyo na ako... by. Author. Hahaha :p)
After
ng class pinagtitintginan ako ng tao kasi naman eh dami kong dala, nagpatulong
na nga ako sa mga classmate ko.
Hindi ko mahagilap si Chad, busy yun ngayon
kasi nga peek season hahahna.
Maya
maya may nagtext sa akin, si James. “Ei... andito ako ngayon sa may North
Point.... hintayin na kita ha..... hope you like my gift.”
Hay naku kung alam
mo lang babatukan kita. Pero sweet pa rin tignan yung ginawa niya. Napasaya
ako.
“Ei...
dun tayo sa may North Point... naghihintay driver ko...” sabi ko.
“Okay.”
Sabi naman nila.
Agad
kaming nagmadli na pumunta doon at yun nga ankita nila si James. “Ang gwapo ng
driver mo ah.” Sabi nila.
“Kailan
mo pa naging driver ang asawa mo?” sagot naman niya.
At
nag troll face silang lahat. Parang timang tong si James kahit kailan. Haixt.
“kailan pa yan AJ ha? Di ka nagsasabi ha.” Sabi nila.
“Naniwala
kayo sa mokong na to? Sige alis na kami.”
Nagbyahe
na kami. Di na sinama ni James si Khail kasi may pasok pa kinabukasan. Nakarating
kami doon ng alas singko ng hapon kaya may time pa kami para makapag prepare.
Medyo mahaba habang preparation din to.
Kakanta
din kaming banda. Ibabalik namin yung band namin dati. Wew, band member ako,
kami ng mga katropa ko. Ako yung drummer at paminsan minsan vocalist. Hahahha.
“Ei
ready ka na jan.. kain na tayo sa baba... binili ko yung favorite mo.” Sabi ni
James.
“Sige
po... sabay na tayo ah.” Sagot ko.
“Subuan
mo ako ah.”
“Mag
isa ka.. may kamay ka kaya.”
“Eto
naman naglalambing lang... binigyan na nga kita jan ng flowers para naman
maging sweet ka sa akin.” Pagtatampo niya.
“So
may kabayaran pala yun.” Pagbibiro ko.
“Wala.
Sige na. Kakatampo ka grabe. Sobra!” pagmamaktol niya.
“hahaha.
Ang cute mo kapag ganyan ka.”
“Ewan..
tara kain na. Humpft.”
“taray
mo ah. Tsk. Sige ka, magbago pa isip ko.”
“Ano
namang iniisip mo?”
“Basta.”
“Tss.
Kain na lang tayo.” At tinawanan ko na lang siya.
“Happy
Valentines...” nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
Six
o-clock nung nag ayos na ako. Well, dahil sa tulong ni James, napadali ang mga
bagay bagay. Halos lahat ng gamit ko binitbit niya.
Grabe
nga, imba ata ang tingin niya sa akin eh. Pero ang sweet niya kanina pa, kung
alam lang niya na sa ginagawa niya kinikilig ako ng sobra.
Seven
o-clock ng magkita kita na kami sa may school namin dati. Nag sama sama na
naman kami after 1 month. Etong si Rizza grabe ang kasungitan kay James. Daig
pa niya ako.
“Oi
Rizza, ako ang ex at hindi ikaw. Makapagtaray ka wagas ah.” Sabi ko.
“Oi.
Grabe ka. Nakalimutan mo na ba yung times na nagpakamatay ka, yung times na
halos akala ko sa kabaong na kita makikita at yung times na halos pasanin mo na
yung mundo?” sabi niya.
“Grabe
ka. Tapos na yun at saka forgive and forget.”
“Magpatawad...
pwede pa.. pero yung makalimot... yan ang di ko masasangayunan.”
“Yung
totoo... may relasyon kayo dati ni James no?”
“Eww...
nakadiri.” Sabi ni Rizza.
“Grabe
naman tong baabeng ito.. maski ako di papatol sayo... kay Arwin lang ako.”
Sabat ni James.
Natatawa
na lang ako sa dalawang ito. “Grabe ka. Dati type kita pero nung patulan mo ang
best friend ko, na degrade na ako sayo.. eww.” Sabi ni Rizza.
“Eh
ano ngayon.. ang mahalaga sa akin yung feelings ni Arwin hindi sayo.”
“So
what... basta di ako papayag na magkabalikan kayo.. over my dead body...”
“Okay
sabi mo... wala akong magagwa.” Sagot ni James.
“Kita
mo di ka man lang ipaglalaban Arwin. Yan ba, yan ba yung mahal ka? Yan ba yung
taong pagkakatiwalaan ko?”
Parang
mga timang tong mga ito. Pinagtitinginan na sila ng tao at akala mo magkagalit
talaga.
“haha.
Sinong may sabi na di ko ipaglalaban si Arwin. Ang sabi ko okay sabi mo.. wala
akong magagwa... di pa ako tapos.. wala kaong magagawa kundi ang dumaan sa
bangkay mo. Yaan mo papa murder kita.” Sabi ni James.
“Woooh..
talaga lang ha.. tara na nga Arwin.. iwanan na natin yan.”
“Naku..
sayang si Arwin lang yung may support from us.. sayang wala ka man lang fans
jan.”
“Kapal
mo din... dami jan naglalaway sa akin.”
“Aso?”
“Che.”
“Oi
kayong dalawa parang timang.” Sabi ko.
“Mahal
ko.. tara na nga....” sabi ni James.
“Don’t
you even touch him...”
“But
I already touch him. Di lang touch.. more than touch.” Sabay tawa.
“Grabe
ka. I hate you. Best tara na.. baka makapatay pa ako ng tao.” Sabay irap.
Yeah
masanay na kayo, ganyan si Rizza kay James pero nagbibiro lang yan. Don’t worry
parehas silang harmless.
Nag
umpisa yung prom ng 6 pm at 8 pm pa naman kailngan kami. Pero yung iba naming
kasama eh nagayos na para sa band.
Nakita
ko si maam kaya lumapit ako. “Maam musta na po?” tanong ko.
“Ang
laki na ng pinagbago mo ah. Ayon, okay naman ako. Yung gamit mo dalhin mo dun
sa AVR room sa taas. Doon kayo nmagbibihis ng mga banda. Magkakaibigan naman
kayo eh. Pati special room yun hinanda ko para sa inyo. Wag kayong mag alala
may libre kayo pagkain. Kahanay namin kayo sa tabel ng faculty.” Sabay kindat.
“Naks
naman maam, special talaga treatment sa amin.”
“Ganun
talaga. At isa pa, principal na ako kaya dapat yung mga favorite students ko eh
special treatment. Guest namin kayo eh. Kaw talaga.” Sabi ni maam.
“Congrats
pala maam.” Sabi ko.
“Magkasama
kayo ni James, kaya ibig sabihin okay na kayo? Naks naman ah.”
“Maam...
were getting to know each other...” sabat ni James.
“Oi
ikaw ayos ayusin mo na kasi.”
“Maam
naman...”
“Sus.
Sige punta na kayo doon sa may taas.”
Nagpunta
naman kami doon at naabutan ko yung ibang miyembro ng banda. Nagkamustahan kami
at nag usap para sa tutugtugin namin.
“Arwin...
long time no see na... may mga bagong miyembro kami ng band...” sabi ni Eric.
“Pansin
ko nga... mukhang sikat na kayo ah.” Sabi ko.
“Di
naman.. medyo maraming gigs.... pero mas madami to kung andito kayong dalawa ni
James.”
“Woah.
Bolero ka talaga. So ano set up natin mamaya. Namiss ko yung pag drums eh.”
“Mamaya
ka na mag drums. Hahaha. Ayun, lead vocalist ka na muna... tayong lima ako,
Kian, Alex, ikaw at si James. May kakantahin tayo.”
“Baka
di ko alam yang kantang yan ah.”
“Yun
yung tinext ko sayo.. yung sa one direction.”
“Ah.
One thing ba o what makes you beautiful?”
“Mas
okay kung what makes you beautiful.” Sabi ni Eric
“Ah
okay sige. Tanda ko naman... bale eto yung kopya.. tignan mo kung alin dun
kakantahin mo ah.”
“Sige
sige.”
“James..
pre... handa handa mo na yang pisngi mo ah...” sabi ni Alex.
“Naku
pre... di pwede... magagalit yung isa jan.” Pagnguso niya sa akin.
“Adik
mo.. kahit makipag halikan ka sa harapan ko wala akong pakialam.”
“Nasasabi
mo lang yan.. pero deep inside nasasaktan ka.”
“Oo
na lang.”
“Ang
sweet naman dito nakakainngit grabe.” Sabat ng iba.
“Mag
prepare na tayo.” Sabi ko na lang.
Si
Rizza maraming dalang mga taga ayos. Aba, career na career niya yun. Bumaba na
kami nila James.
Pero
pagababa ko, isang bangungot ang humarap sa akin. Isang nakaraan na nagdulot sa
akin ng kalungkutan at kadalamhatian. Muli kong nakita si Cyrus, ang taong
sumira ng lahat.
Ngumiti
siya na para bang may binabalak siya, ewan ko. “Ei... wag mo na siyang
pansinin.” Sabi sa akin ni James.
“Yeah.
Opo.”
Kahit
di ko pinapansin, siya na mismo ang lumapit sa akin. Nag hahamon ata ng gulo.
May mga kasama siyang kaibigan ata. Haixt.
Ano
ba tong gagawin ng mga ito? Pansin ko lang na ibang-iba na siya. Di na siya
yung dati kakilala ko.
“Kamusta
na yung naagawan?” sabi niya.
Di
ko siya pinansin. “So nabinge ka na pala...”
“Pwede
ba Cyrus, tigilan mo na kami.” Lumapit siya kay James.
“Hey
sweetie... kamusta ka na.. bakit ba dumidikit ka sa kanya? Lumayo ka na sa
kanya.”
“Wag
kang lumapit sa akin.” Sabi ni James.
“Kawawa
ka, nagtitiis ka sa isang basura. Better go. Salamat pala sa pang aakit sa
boyfriend ko dati.” At umalis na siya.
Nang
nakaalis na siya, sunod-sunod na ang mga tanong sa akin ni James. Natandaan ko
pa yung nangyari dati, kung bakit nagkaganun si Cyrus. Ako pala ang sinisisi
niya.
“Saka
na yun. Saka ko na ikwento.” Sabi ko kay James.
“Okay
sabi mo.”
“Mag
CR lang ako.”
At
humiwalay ako sa kanya. Pumunta ako sa CR namin at yun, nagulat ako sa suddenly
change. Ang dami na ngang pinagbago dito.
Paano
ba naman, di ko akalain na gaganda ng ganito yung CR na to. By the way, pumasok
na ako sa cubicle para mag CR.
Palabas
na sana ako ng biglang may narinig akong mga boses.
Kilala
ko yung boses na isa. Kay Cyrus. Di una ako lumabas ng cubicle.
“Nakakairita
na makita ko yung mukha ng lalaking yun.” Sabi ni Cyr.
“Mukhang
malaki talaga ang galit mo dun ah.”
“Sobra
talaga. Mang aagaw ng boyfriend.”
“Ano
bang nangyari?”
“Basta,
malandi siya. Inagaw niya ang boyfriend ko.”
“Mag
kwento ka.”
“Mamaya
na.”
“Hahah.
Ganun ba. Pero mukhang kawawa yung guy dun sa ginawa mo. Mukhang mabait naman
siya ah.”
“Oo.
Kawawa talaga. Paano ba naman, may LQ ata sila nung boyfriend niya at
Valentines day pa yun. Grabe. Mga kaartehan sa buhay.” Sabi niya.
Susugudin
ko to. Grabe mga pinagsasabi sa akin ah. Sarap suntukin sa mukha eh. Ang kapal
ng mukha.
“Tapos
nag inom kami.. kung alam lang ninyo ang ginawa ko.. may nilagay ako dun sa
pinainom ko sa bf niya at ayun, sinamantala ko yung panahon. Nag laro ako ng
apoy. Grabe ang macho kasi nito si James. Ang sarap, alam mo na. At yun,
naabutan kami nung lalaking yun, magkahalikan. Well, at least nakahalik ako.
Wala namang nangyari sa amin nung guy eh. Pinalabas ko lang. Di ako ganun ka desperado.
Gwapo si James, sarap ngang gawin yun sa kanya eh, nakita ko yung kabuuan niya,
kaso, wala bangenge ako, nahilo ako at sukang suka na dahil sa pagkalasing kaya
di ko na nagawa. Kawawa yung lalaking yun, hiniwalayan niya yung lalaking mahal
niya kahit wala siyang ginagawang masama. Kawawa talaga.”
“Sobra
ka naman ata.”
“Tama
lang yun... karma yun sa kanya.”
Halos
masabugan ako ng bomba sa tenga.
Ibig
sabihin all this time, naniniwala ako sa mga pangyayari na hindi pala totoo.
Pinahirapan
ko yung sarili ko at inilugmok ang sarili sa mga bagay na wala pa lang
katuturan.
Napaluhod
ako sa sahig at tumulo na yung mga luha sa aking mga mata.
(Itutuloy)
Yehey walang chadlandi sa chapter na to ang saya saya hahahahaha ty po sa pag update hihihihihi
ReplyDeleteExoxi
Nabaliw ako sa chapter na ito sa wakas nalaman na ni AJ ang katotohanan ! Pero ngayon nagtatalo na ang utak ko mas gusto ko na si Jaysen ngayon ano naman kung malandi siya kasi for me kung saakin ang nangyari kay AJ with James kakalimutan ko na lang and start a new life with Jaysen :)
ReplyDeletehmmm, at sinu naman ang inagaw kuno ni AJ... hehehe
ReplyDeletewhat if magsama ng pwersa si chad at cyrus.. :)
can't wait for the next chapter since gusto ko na malaman kung anu gagawin ni AJ kapag nakaharap nya muli si Arkin...
-mans-
kapana-panabik ang mgaususnod na eksena... hahaha abangan
ReplyDeletekaya nga, kaso kailan ang update, sana meron na!
ReplyDelete