Ang Kursong hindi ko Inakala
by: Paul Perez
You can add me @ www.facebook.com/iampaulperez
"Marami sa atin ang naghahangad o nangangarap na makapagtapos ng kolehiyo."
Bata pa lamang tayo ay tinatanong na tayo ng ating mga magulang kung ano ang gusto natin kapag tayo'y malaki na.
"Madami ang nangangarap na maging Doktor, Guro, Engineer, Nurse, at kung ano ano pa"
CHAPTER 1
"May mga bagay tayong hinahangad, Ngunit hindi lahat ng ating hinahangad ay natutupad." -JPaper
"Tik tak tik tak"
"Papauuuuuuul gumising ka naaaaaaaa!" sigaw ng aking nakakatandang kapatid
Umaga na pala at kailangan ko ng makapagayos dahil ito ang araw ng aking interview sa aking papasukang paaralan
"Ako nga pala si Paul, labing pitong gulang na nagaaral sa isang pangpubliko ngunit mataas ang kalidad, kilala ako sa amin dahil isa akong magaling na player ng dota, hindi naman sa pagmamayabang ay may itsura naman ako madami din na babae ang nagkakagusto sa akin bukod sa maputi na ako ay matangos at matangkad din. Sabi nila ay magandang tignan kung lagi akong nakangiti dahil pantay pantay ang aking mapuputing ngipin."
Ok, back na sa kwento tama na ang pagdedescribe.
Umaga na nga at nagpasya na akong magayos ng sarili, upang maging maaga din ang pagpunta ko sa paaralan.
Nang makapunta ako sa paaralan ay nagantay akong tawagin ang aking pangalan para mainterview at malaman kung nababagay ng ang kurso kong pipiliin.
Ng matawag na ang pangalan ko ay sobrang lakas ng tibok ng aking puso, Pagkapasok ko ng dean's room ay agad akong umupo at sinimulan na ang paginterview sa akin.
"Ok Mr. Perez, ano ang kursong iyong pipiliin?" tanong ng psychology teacher.
"Gusto ko po sanang kumuha ng BSE major in Biological Sciene."
"Bakit gusto mo maging isang guro?"
"Sa tingin ko po kase ay sa pagtuturo ako nagiging masaya"
Sa tingin ko ay ok naman ang naging sagot ko.
Tinignan nya ang aking Marka,
"Ngunit Mr.Perez ang isa mong Subject ay may kababaan, at ang iyong Science ay hindi ganoong kataas, ang kailangan grade para makapasa ka sa BioScie ay 90% ang science ngunit ang grade mo sa science ay 88% lang, pasensya ngunit hindi kita mapapayagang kumuha ng kursong iyong ninanais."
Kaya ko naman makakuha ng 90% nung highschool ngunit medyo tinamad lang ako sa aking pagaaral. Hindi ko akalain na ganito pala ang mangyayari sa akin.
"Natapos na ang interview."
Sobrang nadismaya ako dahil hindi daw ako qualified sa kursong gusto ko, kaya't nagbigay ang naginterview sa akin ng kursong babagay daw sa akin at ang kursong ito ay ang "Kursong hindi ko Inakala." -Mass Communication.
"May mga taong gagawin ang lahat matupad lang ang kanilang pangarap." -Jpaper
Chapter 2
"Umuwi ako ng may lungkot sa aking mukha"
Excited na excited ang aking mama kung ano ang nakuha kong kurso, Ngunit malakas talaga ang pangamoy nang ating ina, Alam niyang hindi ko nakuha ang kursong gusto ko. Hindi naman ako nagalit sa aking sarili dahil di ko nakuha ang kursong gusto ko, pero syempre may konting pagkainis.
Lumipas ang araw at napagisip isip ko na ba't hindi ko subukan?
Lumipas ang ilang linggo at ito na ang araw na aking inaantay, ang araw ng Entrance Exam.
Maaga akong gumising para makapaghanda sa araw ng paghahatol.
Nakarating ako ng maaga at hinanap ko agad ang room ng aking pageexam.
Wala pang isang buwan ng lumabas ang resulta ng mga pumasa, laking pasasalamat ko at nakita ko ang pangalan ko sa mga pumasa. Nagdaan na naman ang araw at orientation na, Nakita ko ang mga posibleng magiging classmate ko, may mga mukhang Nerd, Masungit, Mabait, may mga magaganda at gwapo din akong nakita. Hindi pa man ganoon kami magkakakilala ay medyo maingay na ang room siguro dahil mga mascom student nga.
Ng matapos na ang summer at ilang araw nalang ay pasukan na, medyo hinanda ko na ang sarili ko mula sa mga gagamitin ko, sapatos, damit, bag maging ang aking pananalita nag ensayo akong magsalita ng english sa harap ng salamin, sinubukan ko din na isuot ang aking uniporme, sa aking palagay ay gwapong gwapo ako suot ang aking pamasok.
Hindi na nga nagtagal at araw na ng pasukan, at kagaya ng dati ay maaga padin akong nagising, pagkapasok ko ay may nakita akong klasmeyt ko noong elementary, siya ang pinakaclose ko at nagkausap kami.
"Hey, long time no see!"
"Hey Paul! tagal na nating hindi nagkita ah, nagpunta kasi ako ng probinsya dun ako nag highschool."
"Alam ko! Umiyak nga ako noon kase iniwanan mo ako, sabi mo hindi sabay tayong gagraduate sa highschool eh."
"Hahahahahaha pasensya naman!"
"Ano pala ang course mo?" Ang pagtatanong ko sa kanya.
"Mass Communication."
"Whaaaaaaat!? MassCom ka din?"
"Hahaha nice mascom din ako eh"
Siya nga pala si Kelly, isa siyang babaeng bading, dahil siya ay ubod ng daldal at kung makapagsalita ay akala mo bading.
Nagsabay na kami ni kelly pumasok sa room, laking gulat ko dahil lahat ng mata ng klasmeyt namin ay nakatitig sa amin, bagay din naman kasi kami ni kelly bukod sa matalino ay maganda rin siya.
Magkatabi kami ng upuan ni kelly, dumating ang una naming prof at gaya ng dati magpakilala isa isa. At dahil nasa unahang bahagi kami nakaupo ni kelly ay kami ang unang magpapakilala.
Naunang nagpakilala si kelly, namangha lahat kami dahil sa ganda niya sa pagsasalita, natapos si kelly sa pagpapakilala at ako naman ang sumunod.
"Magandang umaga, ako nga pala si Paul Perez ako ay labing pitong gulang at nagtapos sa isang pangpublikong paaralan, mahilig akong magbasa at magsulat, mahilig din akong makipagkaibigan gusto ko yung mga kaibigan na loyal at honest, at sa mga lalaking nagDodota dito, Taraaa! Laro tayo."
Nagingay ang mga lalaking nakakaalam sa larong ito, at ang iba ay sumigaw ng Sige mamaya laro tayo Idol!
Natapos na akong magpakilala at nagpakilalala na din ang iba kong classmate,
ngunit may bukod tanging tao ang aking tinitignan, hindi ko alam kung ano ang pangalan niya ngunit nang siya na ay nagpakilala nalaman ko ang pangalan pala niya ay "Jasper."
"May mga taong pinipilit maging masaya kahit ang totoo ay hindi talaga." -Jpaper
Chapter 3
"Jasper" tama nga ang pagkakarinig ko, Jasper nga ang pangalan nya, Gwapo si jasper, maputi, matangos ang ilong, matangkad at pang atletic ang katawan, mayroon din siyang magaganda at mapuputing ngipin at higit sa lahat ay chinito siya.
Natapos na kaming lahat sa pagpapakilala. At tulad nga ng inaasahan ko ay early dismiss ang mangyayari.
Hindi na kami gumala ni Kelly, malapit na kasi ang next subject namin. Nagpunta nalang kami ng cafeteria at nagdaldalan tungkol sa aming mga kaklase.
"Paul, nakita mo ba si Jasper? Ang gwapo nya no?" paguumpisa ni kelly sa aming usapan
"Sus, gwapo na sayo iyon? Mas gwapo pa kaya ako dun." Ang pagtugon ko sa usapan
"Oo alam ko gwapo ka din kaso mas yummy at mas hot sya kaysa sayo."
"Sumimangot ako tanda ng aking pagkainis"
" Grabe naman to, hindi mabiro." sabay ngiti ni kelly.
Pero napagisip isip ko na tama nga si Kelly, gwapo nga talaga si jasper, may ibubuga talaga to kung saka sakaling maging model o sumali sa mga patimpalak.
"Pero bakit ganito ako magisip? Lalaki ako at lalaki din si jasper? Bakit labis kong humahanga sa kapwa ko lalaki." sigaw ng aking utak.
Naputol nalang ang aking pagiisip ng biglang suntukin ako ni kelly sa braso.
"Aray, ang sakit mo naman manuntok. Bakit mo ba ako sinuntok?" Ang pagbibiro ko kay kelly
"Eh papaano Mr.Perez grabe na ang pagkatulala mo, siguro may iniisip ka no?"
"Wala, nagugutom lang ako, halika na nga at ililibre nalang kita."
Binilihan ko si kelly ng makakain at pagkatapos naming makakain ay agad na kaming nagpunta sa susunod naming klase.
1st day ng pagpasok namin kaya ang lagi lang ginagawa ay tatayo sa harapan at magpapakilala, paulit ulit hanggang matapos ang aming klase sa araw na iyon.
Dahil parehong walking distance lang paguwi namin ni kelly kaya naglakad nalang kami pauwi.
Nakarating ako sa bahay at tulad ng aking laging ginagawa ay nagcomputer agad ako, Inadd ko sa fb ko ang mga klasmeyt na nakilala ko.
Halos magiisang oras na akong nagsesearch sa mga klasmeyt ko at sa tingin ko ay halos na add ko na ang lahat, Ngunit nagkamali ako. Nakalimutan kong iadd si jasper, sinearch ko ang pangalan niya. " Jasper Lopez" agad kong nakita ang fb account niya, hindi ko alam kung iaadd ko ba siya o huwag nalang. Dahil mataas ang aking pride kaya nagmatigas akong huwag nalang siya iadd.
Kinabukasan, araw nanaman ng aking pagpasok, Ewan ko ba at excited akong pumasok at parang may taong gustong gusto ko makita.
Nakapasok nga ako ng maaga at pumasok ako sa aking room, Nagulat ako dahil may isang tao akong nakita at hindi nga ako nagkamali si jasper nga iyon.
Balak ko sanang huwag munang pumasok at magantay muna ng ibang kaklase, ngunit huli na pa gawin ko ito. Nakita na ako ni jasper sa harap ng pinto, agad siyang ngumiti at tinawag ang pangalan ko.
"Paul, Paul Perez! Tara pasok ka na" paganyaya niya sa akin
Wala na akong nagawa at pumasok nga ako, hindi man lang ako ngumiti o binati siya, pumasok lang ako na parang walang ibang tao, naupo ako malayo sa kanya.
"Hey, goodmorning Mr.Perez"
"Goodmorning din" matipid na sagot ko.
"Inadd kita sa facebook ah, bakit di mo man lang ako inaccept?" pagtatanong ni jasper.
Naalala ko nga may isang bagong friend request. Ngunit dahil inaantok na ako ay hindi ko iyon tinignan at natulog na.
"Hindi kasi ako nagbukas ng facebook kagabi eh." pagsisinungaling ko.
"Anong hindi? NakaOnline ka pa nga kagabi eh, tinanong ko sa mga classmate natin na friend ko, Inadd mo pa nga daw sila eh." may halong pagseselos sa boses ni Jasper."
Patay huli ako, anong palusot ang gagawin ko?
"Ay ganoon ba? Sige iaccept nalang kita mamaya."
May ngiting lumabas kay jasper sa pagkakarinig niya.
"Narinig ko na magaling ka daw magDOTA ah, laro naman tayo minsan?"
"Sige" ang maikling sagot ko.
Tinabihan ako ni jasper sa pagupo, gusto niya daw na maging magkaibigan kami.
"Wow naman bespren may bago ka nang kaibigan." ang maingay at napakalakas na boses ni kelly.
"Huwag ka ngang maingay, nakakaistorbo ka sa iba nating kaklase eh."
"Ipakilala mo muna ako dyan sa gwapo mong kaibigan, sabay halakhak ni kelly."
"Ano ka ba hindi ko pa siya kaibigan."
Narinig pala ni jasper ang sinabi ko.
"Anong hindi mo pa ako kaibigan? Pagsingit ni jasper."
"Ah, eh, wala sabi ko may ipapakilala ako sayong kaibigan." pagsisinungaling ko kahit alam kong nadinig talaga niya ang sinabi ko.
"Ah ganoon ba? Sige sino ba? Ayan yang magandang babae na iyan?" sabay turo kay kelly.
"Ah oo siya nga"
Parang kinilig naman si kelly ng ituro siya ni jasper.
"Hello! I'm kellyn ann, pero kelly nalang sabay abot ng kanyang kamay."
Nakipagkamay din si jasper kay kelly at parang natatae sa saya si kelly ng hawakan ang kanyang kamay.
Natapos na nga ang pagpapakilala nila sa isa't isa ng dumating na ang aming prof.
Natapos ang klase at tulad ng dati ay sabay nga kaming uuwi, nagulat ako ng biglang akbayan ako ni isang lalaki, pagkatingin ko ay si Jasper pala.
"Kayo naman oh, uuwi na pala kayo hindi niyo man lang ako isasabay?"
"Aba! Ba't ka namin isasabay? Close ba tayo." ang mataray kong pagsasalita
Ngumiti lang si jasper at sabay sabing. "Ang cute mo talaga."
"Hoy sinong nagsabing hindi siya pwedeng sumabay?" pagsingit ni kelly sa usapan.
"Kung gusto niyo magsabay ay magsabay kayong dalawa!" ang mataray ko pading pagsasalita.
"Oh sige na nga, hindi na ako sasabay pero yung friend request ko ha iaccept mo." sabay alis ni jasper.
"Hoy friend ano yan ha! Ikaw ha ipagpapalit mo na ako." pagtatampo ni kelly
"Shunga friend request lang sa fb yon."
Nakauwi na nga kami ni kelly sa kanya kanya naming tirahan.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagcomputer at hinanap ang friend request ni jasper.
Nakita ko nga ang isang friend request at tinignan ito " Jasper Lopez wants to be your friend "
Hindi ko alam kung iaccept ko ba o idedecline.
Nagisip ako friend lang naman ito ah ba't ako nagkakaganito?
Ok, sige Accept!
"May mga bagay na gusto tayo ngunit hindi natin makuha ito dahil may kaakibat na sakripisyo." -Jpaper
Chapter 4
Sa pagaccept ko sa friend request ni jasper ay di ko namalayang online pala riya.
"Hello Mr. Mataray Perez" ang pangaasar na chat sa akin ni jasper
"Hoy Mr. Pogi daw Lopez! Sinong nagsabing mataray ako ha?"
"Hindi ka naman mabiro, ok lang yan nagmumukha ka namang cute pagnagiging mataray ka eh." ang patuloy na pangaasar sa akin ni jasper
Aba talagang sinusubukan ako nito ah, ang bulong ng isip ko.
"Bakit ka ba nagPM sa akin?"
"Wala lang gusto ko lang mangasar."
"Ah gusto mo palang mangasar ha, sige iuunfriend at iboblock kita."
"Haha, di naman to mabiro, laro nalang tayo ng Dota."
"Ayoko wala ako sa mood" pagtanggi ko.
"Ah ganoon ba? Sige ganito nalang, pagnanalo ka may prize ka sa akin, At kapag ako naman ang nanalo ikikiss kita."
"Gago! Kiss ka diyan."
"Ano ayaw mo? Maganda pa naman yung prize pagnanalo ka."
Nagisip ako, aba teka pwede kong labanan to ah mukhang hindi naman magaling eh. Sige susubukan ko tong lokong to.
"Sige payag na ako, pag ako ang nanalo gusto ko isang libo ang prize."
"Sure, no problem!"
Nagsimula na nga kaming maglaro ng dota, medyo kinakabahan ako dahil syempre isang libo din yun, pambili din ng isang damit yun.
Natapos ang laro namin at sa di ko inakalang Magaling pala ang loko.
"Hey, Mr. Perez nanalo ako! So ihanda mo na yang labi mo dahil hahalikan kita."
"Gago huwag bibigyan nalang kita ng isang libo." reply ko sa pm nya.
"Nope, i don't need cash, walang bawian Mr.Perez."
Arrrrrrgh, ba't naman kase pumayag payag pa ako makipaglaro eh, sigaw ng puso ko.
Pero sa isang bahagi ng puso ka ay may kilig na nadarama.
Hey Paul! Wake up! Lalake ka, hindi ka bakla! Hindi ka dapat kiligin. "Ang lalake para sa babae." ang patuloy na pagsigaw ng aking puso.
Hindi ako makatulog ng gabing yun. Kaya't pagkagising ko ng maaga ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig, Malalate na pala ako sa first class ko, ayokong umabsent at malate.
Naligo ako ng halos wala pang limang minuto, kumain ng almusal at nakapagayos ng sarili sa loob ng labing limang minuto. Tumakbo agad ako sa pinakamalapit na sakayan ng biglang kinapa ko ang wallet ko, nakalimutan ko pala ang wallet ko, dahil sa nagmamadali ako ay hindi ko na binalikan ang wallet ko at lakas loob akong tumakbo para lang makapunta sa eskwelahan. Sa sobrang pagmamadali ko ay nabunggo ko ang isang gwapong lalaki, pareho kaming napaupo sa sobrang lakas ng pagkabunggo ko, napaupo siya sa semento at nakahawak ang aking kamay sa kanyang dibdib at tuluyan na kaming napahiga, magkalapit na magkalapit na ang aming mga labi, amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga, naging slow motion ang pangyayari at sa isang iglap bigla namang nagfastforward ang aking puso, hindi ko alam ang gagawin.
"Ehem! Pwede ka ng tumayo." pagputol ng lalaki sa slow motion kong utak.
"Ay, pasensya po talaga. Hindi ko sinasadya." ang pagpaumanhin ko sa kanya.
Sa tingin ko ay nasa early twenty's na sya at nagtatrabaho.
"Ok apologize accepted, sabay bigay ng napakagandang ngiti."
"Pasensya ka na talaga at nagmamadali ako, Sorry talaga." sabay takbo para mahabol ang aking unang klase
"Hey, wait what's your name..." ang huling narinig ko.
Hindi ko na siya nilingon dahil alam kong malalate na ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay agad akong pinagtinginan ng aking mga kaklase. Nandoon na pala ang aming prof at inuumpisahan ng magturo
"Goodmorning po Sir. Reyes, sorry i'm late." ang paghingi ko ng paumanhin sa aking prof
"Ok come in Mr.Perez."
Mabait naman kasi ang professor na to at talagang bigay na bigay kung makipagbiruan sa klase, siguro ay technique niya iyon upang mas lalong makinig ang kanyang estudyante.
At dahil nga late ako ay sa bandang dulo ako mauupo, Ngunit nagkamali ako nireserve pala ako ng upuan ni jasper at katabi ko si kelly.
"Ba't nalate ka bespren?" ang pagtatanong ni kelly.
"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi eh."
"Ah ganoon ba? Baka naman kasi may ginawa kang iba kagabi? Sabay ngiti na parang nakakaloko."
"Gago masyado kang green bespren."
"Wala akong sinasabing ganyan bespren, ikaw ha nahahalata ka" sabay tawa ngunit mahina lang baka mahuli kami na nagdadaldalan
"Haha oo meron nga akong ginawa kagabi at sikreto ko nalang yon." sinakyan ko nalang ang sinasabi ni kelly.
Hindi kami nagkakailangan pagnaguusap kami ng ganyan ni kelly, siguro dahil masyado na kaming malapit sa isa't isa.
Natahimik si kelly at halatang seryoso s pakikinig sa aming professor, tulad nga ng sinabi ko Matalino talaga si kelly at ayaw niya talagang magpahuli sa klase.
Nakinig na din ako ng lecture ng aming prof ngunit may biglang bumulong sa akin.
"Yung kiss ko?"
Si jasper pala ang bumulong.
Chapter 5
"Kiss ka dyan, kiss mo yang mukha mo." ang napakataray kong pagsasalita at dahil nadala ako ng bugso ng damdamin ay napalakas ko ang pagsasalita.
"Ika nga nila ang buhay ay parang gulong minsan nasa itaas ka at minsan naman ay nasaibaba, Oras oras lang iyan hindi laging nasa kanya ang swerte." -Jpaper
Chapter 5
"Kiss ka dyan, kiss mo yang mukha mo." ang napakataray kong pagsasalita at dahil nadala ako ng bugso ng damdamin ay napalakas ko ang pagsasalita.
"Excuse me Mr.Perez?" ang mataray na pagsasalita din ng aking professor.
"Pasensya na po sir." bigla akong napahiya at nanlumo dahil nasita.
"Ano ba kasi yan bespren?" tanong ni kelly.
"Wala, wala lang to."
Tinignan ko ng masama si jasper ngunit isang nakakalokong ngiti niya lang ang ginanti.
Nakinig na ako upang hindi na muli masita binayaan ko lang mangulit si jasper. Ngunit hindi makapagfocus ang aking utak pilit na binabalik ang nangyari kanina.
Sino kaya yung nabunggo ko? Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya hindi rin ako nakahingi ng lubos na pasensya.
Natapos ang klase ng wala kaming imikan ni jasper, kami naman ni kelly ay todo daldalan.
Natapos ang klase ngunit sa paguwi ko ay hindi muna ako sinabayan ni kelly may pupuntahan daw siya.
Magisa kong binaybay ang kalye patungo sa amimg tirahan nagulat ako ng may biglang humalik sa aking pisngi, si jasper.
"Loko ka talaga ah." ang kunwaring pagkainis ko.
Hindi ko alam ngunit may sayang dulot ito sa akin may parang kuryenteng dumaloy sa aking katawan.
"Sabay tayong umuwi?"
"Ok" ang mahinang sagot ko.
Nakarating na kami sa aking tirahan nagtataka ako dahil lagpas na ang kanyang bahay.
"Oh ano pang ginagawa mo?"
"Gusto ko sanang makitulog sa inyo kahit isang gabi lang." Ang mahina at nakakaawang boses na nadinig ko mula kay jasper.
"Ha? Bakit naman? May bahay naman kayo, malaki ang bahay nyo at hindi ka sanay sa ganitong bahay."
Mayaman kasi sila jasper nakatira siya sa isang sikat na subdivision.
"Magulo kasi sa bahay, Magkaaway ang mga magulang ko, kaya't kahit isang gabi lang sana patuluyin mo ako."
"Ok, sige sasabihin ko kay mama, pero isang gabi lang ha."
Pumayag naman si mama at natuwa sa ginawa ko.
Sabay sabay na din kami kumain at pagtapos kumain ay agad na akong nagpunta sa kwarto ko.
"Isa lang ang kama ko, diyan ka nalang sa kama at maglalatag nalang ako ng banig."
"No no no, dito ka nalang tabi tayo."
Nagcocomputer ako at tulad ng dati naglalaro ng dota at kapag tinamad naman ay makikipagchat sa mga kaibigan ko.
"Paul, pwede ba paonline naman? Magchecheck lang ako ng fb."
"Sige jas, teka logout ko lang."
Si jasper na ang gumamit ng laptop, nagcheck siya ng notification, friend request, messages at ng matapos na siya magcheck ng fb ay binigay niya na ulit ang laptop ko.
Inaya ako ni Jasper na maginuman daw, wala naman daw kasing pasok kinabukasan.
Tumanggi ako at sinabing, "Hindi ako umiinom eh."
"Ayos lang yan isang bote lang naman eh."
Pumayag na din ako na maginuman, nagkwentuhan kami, kung ano ang gusto namin sa babae at kung ano ano pa.
Ng matapos ang inuman at kwentuhan namin ay masasabi kong napalapit talaga ang loob ko kay jasper.
Lumipas ang ilang linggo at napalapit na talaga ang loob ko kay jasper naging magkaibigan nadin sila ni kelly.
Nagdaan ang araw at may isang event ang ilulunsad sa aming paaralan. Mr and Ms Campus.
Bali balita na isa sa contestant ay si jasper, siya daw ang magiging pambato ng aming kurso.
Hindi naman siya tumanggi at talagang gusto niya daw makasali sa mga ganyang event....
Itutuloy...
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment