Una sa lahat, gusto ko pong humingi ng tawad sa lahat ng mga avid readers ko. Pasensya na po if it took 2 months before ako makapag update ulit.
Sana po maintindihan po ninyo na marami po akong inaasikaso at nahirapan lang po akong pagsabayin ang pag aaral at pagsusulat.
Malapit na po matapos ang Less than Three at mga ilang chapters na lang yun at wag po kayong mainip. DI ko naman po pinapahaba, hinahanapan ko lang po ng tamang ending po.
I hope magustuhan po ninyo.
Itong update na to ay shorter sa una kong naisulat. Nacorrupt po kasi yung files ko at di ko na po mabuksan ang desktop ko. I hope magustuhan pa rin po ninyo.
If ever na matapos ko yung kwento, 2 times a week ako mag update. But sa ngayon, once a week at tuwing saturday po ako mag update. :)
I hope you will understand my points. Sory po at Salamat. :)
#mouse
-----------------------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 47
[Kieth’s POV]
This is the day, ang birthday ko.
Ewan ko ba
pero excited ako sa mangyayari, lalo na mamayang gabi. Hahahaha.
I think this
is the day.
Isang phone call agad ang narecieved ko
nang sumapit ang 12:00 ng madaling araw na galing kay Alex.
Hindi kami
magkasama ngayon dahil na rin pinilit niya na wag na muna kaming magkita, baka
daw magsawa na ako sa kanya at alam ko naman na kahit kailan ay hindi naman
mangyayari yun.
“Hello babe… Happy Birthday!” bungad niya.
“Thanks babe I love you… ang sweet nang
babe ko…”
“Oha, tumanda ka na naman. Ano ba naman
yan? Gumugurang ka na. Happy Birthday ulit!”
“Hahaha. Tumatanda na nga ako pero di pa
rin ako nakakascore sayo.”
“Hanggang ngayon ba yan pa rin ang nasa
isip mo?”
“Diba nga nangako ka sa akin?”
“Nevermind… I’ll just end up saying okay na
naman eh.”
“Hahahaha. Wala ka ng kawala, kaya get
ready na din.”
“Ewan sayo. Sana mapagod ka ulit mamaya so
you end up lying on the bed, snoring and then sleep. Oh diba?”
“That will never happen again.”
“Lets see.”
“Mga binabalak mo kahit kelan talaga oo.
Siguro maglalagay ka ng pampatulog sa iinumin ko.”
“Hahaha. Nice Idea. By the way, kamusta
pala ang preparation ninyo sa party mo? How it is? Okay na ba? may kulang pa
ba? Let me know.”
“Hey take it easy. Alam ko naman na hands
on kayo ni mama dito. Take a rest. I know everything will be okay. Wala na nga
akong ibang ginagawa eh.”
“Siyempre, this is the first birthday na
magkasama tayo. I want this day to be perfect.”
“I know at masaya ako. Excited ako sa
maaring mangyari ngayong araw. Nakakaramdam ako ng saya at excited. This will
be the best birthday I could think to celebrate.”
“O siya magpahinga ka na, baka mamaya pag
harap mo sa mga bisita eh haggard at puyat ka.” Sabi niya
“Okay po. Good night babe. I love you. See
you tomorrow.” Sabi ko.
“Good night din. I love you more.”
Natulog naman ako kaagad matapos ang pag-uusap
namin.
Sana lang maging maayos ang lahat.
I have a birthday to celebrate and
this is my day and no one will ruin my day.
Kinabukasan, nagising ako sa malakas na
ingay mula sa pintuan ng kwarto ko.
Pagmulat ko pa lang ng aking mata ay
bumungad na sa akin si Alex, si mama, si papa at marami pang iba. Napangiti
naman agad ako.
“Happy Birthday baby boy!” sigaw nila.
“Baby boy? Yuck, ang laki ko na.”
“Anak, ganyan talaga. Baby boy pa rin
kita.” Sabi ni mama.
“At babe naman kita.” Sabi ni alex.
“Ang sweet naman ng boyfriend ko.”
“Ang swerte mo sa kanya kapatid ha. Happy
birthday bro.” Si ate.
“Oo naman. Wala na akong mahihiling pa sa
babe ko. I love you babe. I love you mama, papa at ate.”
“So get up and prepare for your breakfast.”
“Dinaig pa nito ang party ko ah. Ano to
part 1?” sabi ko
“Yes baby boy.” si mama.
“Nice… mukhang maraming surpresa akong aabangan
mamaya ah.”
“Naman.” Si Alex.
“Siya tara na at kumain.”
“Damihan mo ah. Ako nagprepare niyan.”
“Wow… mukhang mananaba ako nito ah.”
“Naku, kahit kailan nambobola ka sa mga
luto ko. As if kasing sarap nito yung kay mama. Naku, wag mo akong sanayin na
ganyan, sige ka.”
“Dapat nga sinasanay ko na ang sarili ko,
kasi pag nagsama na tayo eh araw-araw mo na akong ipagluluto ng pagkain.”
“Aysus, mga excuses mo.”
“naman.” At nagtawanan kami.
“So kapag si Alex ang nagluto kakainin mo
lahat, kapag ako eh dedma lang?” si mama.
“Naku ang ermat ko ay nagtampo… siyempre
ma, kakainin ko din lahat… hahaha.”
“Aysus… nakakapagtampo.”
“Ma naman… ikaw talaga… kahit anong mangyari,
ikaw ang the best cook ever in the entire world.”
“Naku nambola ka pa. Tama nga itong si Alex
bolero ka nga.”
“Hahahah. Mana ka talaga sa akin anak. Keep
it up. Kaya kahit di masarap ang luto ni Alex eh dapat masarap pa rin para
sayo.” Si papa.
“Isa ka pa.” si mama.
“Oh siya siya. kanina pa ako nagugutom.
Nung maamoy ko pa lang ang niluluto nito ni Alex eh natatakam na ako.” Sabi ni
papa.
“O siya tara na. KAINAN NA!”
[Alex’s POV]
Birthday na ngayon ni Kieth and I have my
gift to him.
Dahil sa work ko ay nakabili ako ng regalo.
I know na magugustuhan
niya ito.
Di lang isa ang regalo ko, marami pa.
I even bought a personalized
mug na kapag nilagyan ng mainit na tubig ay mag-aappear yung imprinted na
nakalagay dun sa mug.
I even have a t-shirt for him.
Actually
couple shirt yun.
I hope na maging okay ang lahat ngayon.
It’s his day, and
this day is the day, ang araw na pinaka kinakabahan ako.
Baka kasi eto na yung
gabing hinihintay ni Kieth.
Agad naman akong naligo at naghanda na para
sa pagpunta sa party ni Kieth.
Kasama ko pagpunta doon sila mama at sila
Charlene.
Maraming kaibigan sila Kieth na pupunta
doon at tiyak maiging tampulan ng atensiyon ang kasalan nila Kuya.
Palapit na
rin ng palapit yun.
Isa nga pala sa invited ang pamilya ni
Arjay.
Alam kong may bad background ang dalawang pamilya sa isa’t-isa pero
nakiusap na naman ako na sana ay magkaayos na sila.
I hope things will be okay.
Sana lang ay
maging mapayapa ang lahat ng mangyayari.
Mas okay nga kung magkakaayos ang
dalawang pamilya.
Agad naman akong nagbihis sa damit na ni-request
ni Kieth.
Siya mismo ang pumili nito sa akin.
It fits me so well at type ko
yung damit kaya yun din ang susuot ko.
Semi-formal naman ang attire nun kaya
nothing to worry.
Ilang katok din ang aking narinig kaya
naman binuksan ko ang pinto.
Malapit na rin naman akong matapos magbihis nun.
“Tara na.” yaya ni mama.
“5 minutes ma.”
“Ay naku, ikaw talaga. Malalate tayo nan.”
“Ma, 7:30 pa start nun. 7 pa lang kaya.”
“Alexandro, ano ka ba.”
“Ayan na naman tayo sa mga pangalan na yan.”
“Bilisan mo na nga,:”
“Sige na po ma.”
Agad naman akong nagmadali.
Nagpabango at
nag ayos ng buhok.
Naku si mama talaga kahit kelan.
Mas excited pang makita si
Kieth.
Dinaig pa ako ah.
Di naman nagtagal at bumaba na ako at
umalis na kami ng bahay.
7:20 nang makarating kami doon at sinalubong agad kami
ng mga kasambahay nila Kieth.
“Tara po dito.” Yaya nila.
“Sige po.” Sabi ko.
Habang papasok kami ay nakita ko na agad
ang maraming tao.
Iba talaga ang impluwenya ng pamilya ni Kieth, madaming mga
kilala tao at personalidad ang naroroon.
Marami din akong artistang nakita at
ang ilan ay nakatrabaho ko kamakailan lang.
“Babe…” agad namng bati sa akin ni Kieth.
Sobrang gwapo niya sa suot niyang damit.
Ang gwapo din kasi ng ayos ng buhok niya na binagayan ng matipunong katawan na
mayroon siya. he’s the one, yan ang masasabi ko.
“Aba, ang gwapo natin ngayon ah.” Sagot ko.
“Naman, ako pa ba?”
“Happy birthday ulit.” Sabi ko.
“thank you mahal ko…” sagot niya.
“Happy birthday anak… ang gwapo mo ngayon
ha. Naku, lalong naiinlove anak ko sayo.” Sabi ni mama.
“Salamat po. Naku, kailangan ko pong
magpagwapo para naman ako lang ang sentro ng mata ni Alex ngayon.”
“Naku Babe, yang si mama kaninang-kanina pa
kating-kati na makita ka.”
“Ganun talaga anak.”
“Happy Birthday bayaw.” Sabi ni Kuya.
“Salamat kuya. Si ate pala nandun sa loob.
Sabi niya sabihin ko daw sayo pagdating ninyo.”
“Ah okay sige sige. Salamat.”
“Babe, tara upo tayo doon. Shall we?” Sabi
niya
Agad niyang inilahad ang kamay niya at
kinuha ko ito.
Holding hands kami habang papunta sa table nila Kieth.
Napangiti
na lamang ako nang mga oras na iyon.
Habang papunta kami sa table ay nahagilap
naming dalawa ng tingin si RD at nakatingin siya sa amin. Para naman akong
nanlumo nang makita siya.
ibang lungkot sa kanyang mga mata ang nakita ko.
Agad
namng humigpit ang hawak sa kamay ko ni Kieth.
“Babe…” sabi ko.
“Were alright diba?”
“Yup… sorry.”
“is there anyone bothering you…”
“Wala naman… Im glad that you invited him…”
“It’s my birthday and everyone is invited.”
“Babe…”
“Peace tayong lahat ngayon. Even tito Ralph
is invited. I know magkakaayos din naman ang lahat in no time. Trust me.”
“Okay. That’s good kung ganun.” Ang
naisagot ko na lang.
“Babe, you’re worried.”
“No Im not.”
“HONESTO?”
“Okay… fine fine… medyo worried ako kasi
nga nandito si RD at si papa. Mamaya kasi may hindi magandang mangyari.”
“Trust me. Everything will be okay.”
“So tara na sa table natin? I think they
are waiting for us.”
“Sure babe.” Sabi niya
Mabilis ang pagtakbo ng mga oras na iyon.
Isang programa ang naganap, bale maikling programa to be exactly.puro tawanan
lang kami lalo na at si Arjay at si Charlene ang masters of ceremony ng birthday
party ni Kieth.
“Oh anak kumain ka na.” sabi ni mama ni
Kieth sa akin.
“Mamaya na po, sabay na lang kami ni Kieth.
Hihintayin ko na lang po siya.” sagot ko.
“Dito ka ba matutulog ngayon?” tanong ni
ate Kate.
“Siguro? Pinagpipilitan po ni Kieth eh.”
“Ako ang kinakabahan sa inyong dalawa eh.”
“Bakit naman?”
“I think na may binabalak yang kalokohan.
Mag ingat ka little brother ah. Naku, sumigaw ka kapag pinilit ka niyang gawin
iyon.”
“Hindi naman siguro niya ako pipilitin.”
“Wag isusuko agad ang Bataan.”
“Hahahah. Baka siya ang mapasuko ko ng
Bataan.”
“That’s the spirit!” sabi ni ate.
Agad namang naagaw ng pansin namin ang pag
special mention sa akin ni Charlene. Ang babaeng ito kahit talaga oo.
Pinapahamak ako. Napakagaling talaga. Tsk tsk.
“Oh ayan, hindi nakikinig. Sige, ngayon
I-recite mo yung mga pinagdadakdak naming dito.” Sabi ni Charlene.
“Wow. Daig mo pa ang professor ah.”
“Sa ngayon sumunod ka remember ako ang nasa
center stage. Hahaha.”
“By the way, hihingan naman natin ng
birthday message ang boyfriend ni Kieth.” Sabi ni Arjay.
“So wag na natin patagalin… Alex…”
No choice kaya napalapit ako sa may unahan.
Agad naman akong pumunta doon at nagbigay ng maikling birthday message.
“Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa
bestfriend kong si Charlene sa napakagandang introduction mo para sa akin. The
best ka talaga ah, sinsasabutahe mo ang intro para sa akin.”
“Hahahha. Joke lang yun. Sige uulitin ko
ha.”
“Wag na, mamaya kung ano pa ang sabihin mo
sa akin jan eh.”
“Love you best.”
“Love you too.”
“Awwwww.” Lahat sila.
“Oi nagseselos si Jake.” Sabi ni Arjay.
“Sweet heart… I love you…” si Charlene.
“Ang baho ng tawagan, sweet heart.” Sabi
ko.
“Lalo naman ang babe.”
“Lagot ka kay Kieth, siya nag-isip nun.”
“Bakit si Jake din naman nag-isip nun.
Naku. Mga lalaki talaga oo, ang kokorny ng mga tawagan na naiisip.”
“Discrimination ba to?”
“Mag salita ka na lang jan. dali. At gutom
na ako. Hahaha.” Lahat nagtawanan.
“Una salahat, maraming salamat pos a mga
dumalo at nakiisa sa birthday ng mahal ko. Bakit feeling ko ako ang may
birthday? hahahhaa.” Lahat natawanan. “Pero seriously speaking, natutuwa ako
kasi natunghayan ko ang birthday ni Kieth ngayon. This is the first birthday ni
Kieth na karelasyon ko siya and Im looking forward na magtagal ito. Sana nga
forever na.” lahat sila nakatuon sa sinasabi ko.
“Nagsimula ang lahat sa isang text, isang
text na kung saan di ko aakalain na magdadala sa akin ng happiness. Nang dahil
sa sim card ng klapatid ko, si Arjay, at sa sim card ni Charlene, ang
bestfriend ko, hindi ko siguro makikita at makikilala si Kieth. Hindi naman sa
text lang kami naging magkarelasyon, its just that ito ang naging bridge para
sa amin. Tandang-tanda ko pa noon, para kaming aso’t pusa dahil hindi kami
magkasundo. Maraming tao ang nakasaksi sa love story naming dalawa.” Niglang
tumulo ang luha ko.
“Akala ko noon hindi na ako makakakita ng
happiness, buti na lang at dumating si Kieth at ibinigay yun sa akin. I was so
doomed back then, kung alam ninyo lang ang pinagdadaanan ko. Ang swerte ko kasi
siya yung naging boyfriend ko. Ang saya ko kasi siya yung binigay ng langit sa
akin para kapalit ni Blake. Masaya ako kasi eto na yung moment na hinihintay
ko. Babe… I love you so much. Anuman ang mangyari, pakatandaan mo na mahal na
mahal kita. Hindi man ako ang perfect boyfriend sayo, hindi magbabago ang
pagmamahal ko sayo. Marami man ang nangmamata sa relasyon natin, wala akong
pakialam. I will hold on my love for you until the day na mawalan ako ng
hininga. Salamat sa pagpaparamdam sa akin na espesyal ako sayo. Salamat sa mga
oras na pinakilig mo ako. Salamat sa mga oras na inililibre mo ako ng kung
anu-ano na ikaw lang din naman ang kumakain. Salamat sa mga oras na sinasamahan
mo ako kapag nalulungkot ako. Salamat sa lahat ng mga bagay na bingyan mo ng
kasiyahan sa buhay ko. I appreciate all of it. Lahat kaya kong ibigay sayo,
pati ang puso ko ibinibigay ko na sayo. I love you so much… I really love you…”
Lahat sila nagpalakpakan.
Ang iba ay
naiyak, ang iba ay napangiti at nakakatuwa naman na nagustuhan nila ang sinabi
ko.
Si Kieth naman ay nakangiti sa akin.
Bigla siyang kumindat at ngumuso para
sa kiss.
“So salamat best sa iyong speech…” sabi ni
Charlene.
“Teka di pa ako tapos. Nagmamadali?”
“Ay hindi pa ba? Akala ko tapos na eh.
Gutom na ako eh.”
“Gutom ka pa ng lagay nabyan? Yung tiyan mo
oh parang Nescafe, nagingibabaw.” Sabi ni Arjay.
“Hoy ha. Im sexy.”
“Eto na nga mag speech na ako. Nakakahiya
na sa best friend ko….” Nagtawanan sila.
“Pinapahiya mo ako best…”
“Hahaha. Babe, Kieth Jerickson Lee, HAPPY
HAPPY BIRTHDAY sayo mahal ko. Enjoy your birthday. At may first gift ako sayo.”
Sabi ko.
“Susyal, first gift. Ibig sabihin may
kasunod pa?”
“Marami akong regalo siyempre.”
Lumapit si Kieth sa amain at agad niya akong
niyakap at hinalikan.
Halos lahat naman ay nagpalakpakan na animo’y para kaming
ikinasal dalawa.
“Babe eto regalo ko sayo.” Sabi ko.
Ibinigay ko ito at agad namang binuksan ni
Kieth.
Nagulat naman siya nang makita niya yung regalo ko sa kanya.
Agad namang
nagpalakpakan ang maraming tao.
“Babe, ang mahal nito ah.”
“Kaya nga tinanggap ko yung offer ni Kuya
Alec diba? Happy birthday babe.”
Hinalikan ko siya sa may labi at agad naman
silang naghiyawan.
“Thank you babe… I love you.”
“Alam kong mahilig ka sa mga relo. Lagi
kaya kitang nakikita na tinitignan mo yan. So napagpasyahan kong bilhin. Ganyan
kita kamahal.”
“Thanks a lot. I love you.”
“Aww ang sweet, kiligness overload…” sabi
ni Arjay.
“Aaaaaay. Kakaingget.”
“Luka, may boyfriend ka,… ako ang wala.”
“Awww.. kawawa.”
“Sabunutan kita jan eh.”
Nagtawanan naman ang mga tao. Agad ko namng
kinuha yung mike at nagsalita muli. “Dahil birthday mo, mag babanat ako para
sayo.”
“Owww. Kumokorny ka na ah.”
“Babe… chicken ka ba?”
“Bakit?”
“Kasi mahal na mahal na mahal kita… kahit
CHICKEN mo pa sa puso ko.”
“Awwwwww. KILIIIIIG?” matinis na sigaw ni
Charlene.
“Alam mo babe, ang pagmamahal ko sayo
parang kinopyang assignment…” si Kieth.
“BAKIT?!” lahat sila nagsalita.
“Wow… mukhang maraming gustong makatanggap
ng banat mo ah. Oh Bakit?”
“Kasi kapag tinanong ako ng professors ay
hindi ko ma-explain…”
“Babe, darating ang araw na ang lahat ay
lilipas at magbabago ang lahat. Pero isa lang ang hindi pwedeng magbago… ang
pagmamahal na nararamdaman ko para sayo.”
“Babe… may lason ba ang mga titig mo?”
“Bakit?” ako
“Kasi nakamamatay ang mga titig mo.”
“Oh tama na… nalulunod na kami sa
ka-sweetan ninyo. Ano ba naman yan, maging considerate kayo sa mga single dito…
diba Arjay?”
“So ako pa rin hanggang ngayon Charlene
ano?”
“Hahaha. Joke lang. Thank you sa inyong
landian sa harapan namin.” Sabi ni Charlene.
Naiwan si Kieth doon at ako naman ay naupo
na sa may lamesa namin.
Magbibigay pala
ng farewell message si Kieth sa lahat. Nakinig naman ako sa sinasabi niya.
“Naunahan na akong magpasalamat ng mahal ko
sa inyo, pero muli, nagpapasalamat po ako sa inyo sa pagpunta dito sa birthday
party ko. Nagpapasalamat ako sa mga mc na naririto, mga kaibigan na nagpunta,
mga professors kop o na nagpunta, siyempre nagpapasalamat din po ako kila mama
at papa na siyang hands on sa pagprepare nito. Sila lang naman po ang may gusto
nito, haha jhoke. Pero siyempre si ate at yung bayaw ko, alam ko sila rin ang
main in charge dito dahiol tinakot sila ni mama. Narinig ko pa nga ang
pag-uusap nila ni mama, kapag daw pumalpak yung party ko eh hindi daw siya
sisipot sa kasal nila. I love you mama.” At nagtawanan kaming lahat.
“Oo nga, mahal na mahal ka ni mama.
FAVORITISM!” sigaw ni ate Kate.
“Well, gwapo ako ate kaya wag ka ng
umangal. Hahahaha. Anong connect? pero hindi ko rin po makakalimutan
pasalamatan ang mahal ko. Thanks sa regalo mo ah. Yaan mo babawi ako. Hahaha.
Mamaya may regalo ako sayo…”
“Oh ano na naman yun? Ikaw ha.” Si Arjay.
“Secret.”
“Ingat din kapatid ko.” Sabi ni Arjay at
nagtawanan kami ulit.
“Nais ko rin po sanang pasalamatan si tito
Ralph sa pag-anyaya sa aking party. I know naman na hindi tayo magkasundo. Alam
ko pong galit kayo sa akin at sa pamilya ko. Pero narito po ako sa harapan
ninyo para hingin ang gabay ninyo sa relasyon namin ni Alex. Mahal na mahal ko
po siya. Ipinapangako ko po na hindi ko siya sasaktan. Dapat matagal ko na po
itong ginawa, dapat matagal na po akong humingi ng tawad sa mga nagawa ko.
Sorry po kung nagkasagutan po tayo noon, ipinaglalaban ko lang po ang mahal ko.
I know po na naging kami ni Arjay noon, and I know nangangamba kayo sa kanilang
dalawa. I know in my heart na they are okay and happy. Hindi ko po iiwan si
Alex anuman po ang mangyari. Tito Ralph, hinihingi ko rin po sana na magkabati
na kayo ni papa sa kung anuman po ang gulo na nangyari. Masakit po sa amin na makita
na ang dating mag best friend ay ngayon ay magkaaway. Alam ko na po ang
nakaraan at sana po ay makalimutan na po ninyo iyon. Please po sana. I’m
begging for you. Sana po bigyan po ninyo ang isa’t-isa ng panibagong
pagkakataon…”
Nanatiling nanahimik ang kapaligiran at
nakatingin kay papa at sa papa ni Kieth.
Agad naman akong tumayo at lumapit kay
papa.
Niyakap ko ito at agad naman niya akong niyakap.
“Pa…”
“I know… It’s time…”
“Thanks pa…”
Isang ngiti ang ginanti niya at nagyaya
siya papunta kay Kieth.
Napansin ko naman na lumapit din si Kieth sa kanyang
papa at agad itong dinala sa gitna.
“Pare…” sabi ni papa.
“Alam ko… kung anuman yun, sana okay na…
okay na naman ako eh… hindi ko lang nasabi noon kasi pinapahalagahan ko ang
pagkakaibigan natin.”
“Alam ko… sorry din. Naging selfish ako. Ako
ang nakasira sa relasyon ng anak ko at anak mo.” Si papa.
“Ayos lang yun. Ang mahalaga ay okay na
tayo. I hope everything is now okay?”
“Sure.”
At nagkamayan sila.
Isang malakas na
palakpakan at hiyawan ang nangyari.
halos lahat kami ay naiyak sa naganap.
Agad
ko anmang niyakap si papa.
“Now, you are okay.”
“Oo anak.” Sagot ni papa.
“Thanks papa… this will be the best gift…”
sabi ko
“Late gift na nga lang.”
“Ayos na rin yun.”
“Meron pa akong dapat gawin…” sabi ni papa
Lumapit ito kay Kieth at kinuha ang mike na
hawak nito.
Agad lumapit si Arjay at niyakap si papa.
Eto na ata ang isa sa
pinakamasayang araw sa buhay ko.
“Kieth… sa araw na pinaiyak mo ang anak ko,
magkakaubusan tayo ng hininga. At ikaw naman Alex, wag na wag mong paiiyakin si
Kieth, lagot ka kay kumpare.” Nagtawanan sila.
“Marami akong kasalanan sayo… alam ko ako
ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo ng anak ko. Alam ko ako ang dahilan kung
bakit naging masalimuot ang buhay ng anak ko. Hindi ko na muling gagawin ang
parehong pagkakamali. Oo Kieth, ibinibigay ko ang patnubay ko at pagpayag ko sa
relasyon ninyo ng anak ko.”
Agad namang napayakap si Kieth sa kaniya.
Nagpalakpakan sila at naghiyawan.
Napuno ang lugar na iyon ng mga ingay.
“Tito, pwede ko na rin po bang hingin ang
kamay ng anak ninyo?” seryosong sabi ni Kieth.
“Oy Kieth! Ako muna nga diba?!” sigaw ni
ate Kate.
“Excited lang… baka magbago pa isip eh.”
“batukan kita jan eh. Ano sukob tayo sa
kasal?”
“Joke lang…”
“Kapag ready na kayo, sa tingin ko ready na
rin ako.” At nagtawanan kami.
Lumapit ang bawat pamilya naming at
nagkaroon kami ng katuwaan.
Nagpapicture din kaming buo. Isa na ito sa araw na
hindi ko makakalimutan.
Di ko man alam ang maaring mangyari sa susunod pero
aabangan ko ang pagpapatuloy ng panibagong kabanata ng buhay ko.
Naging Masaya ang pagdiriwang ng birthday
ni Kieth at natutuwa naman ako at nagiging okay ang lahat so far.
Kumain kami
at hinayaan na dalhin kami n gaming kasiyahan ngayong gabi.
Sa hindi inaasahang
pagkakataon ay napatingin ako sa kinaroroonan ni RD at nakita ko ang kanyang
lumuluhang mga mata.
How can I resist to my best friend that is
suffering from heartache?
Nakita ko na lumuluha ang kanyang mga mata habang
tinitignan na magkasama kami ni Kieth.
Wala akong magawa kundi ang tignan siya
dahil hindi ko pwedeng iwanan si Kieth dito para lamang puntahan siya.
I know
mahirap pero dapat kayanin ko.
The second part of the program ay yung
batian portion at gift giving.
Marmi namang natanggap si Kieth as usual at
siyempre ibinigay ko na rin ang gift ko para sa kanya.
My second and third gift
for him.
“Hey babe!” sabi ko.
“Oh another surprise gift…” sabi niya
“Alam kong mas gusto mo yung binibigyang ng
effort kaya nga nagpagawa ako ng ganitong gift. Effort ako sa paghahanap ng mga
picture mo kaya naman sana ma-appreciate mo.”
“Everything you will give to me… lahat yun
ma-aappreciate ko.”
“Tama na nga yang mga pinagsasabi mo…
dinadaan mo na naman ako sa mga bola mo.”
“I lovce you babe… ad thanks to your gift.”
“Buksan mo na.”
Binuksan niya ang regalo ko at kitang-kita
ko ang pagkagulat niya. “Thanks babe…”
“I know magugustuhan mo yan. Your welcome.”
“Okay guys… Let’s Cheers!” sigaw niya.
Nagpatuloy ang party at maraming bisita pa
rin ang dumating.
Ang iba ay nagpaalam na at yung iba ay kararating pa lamang.
Isa na sa naunang umalis sila papa dahil na rin sa may trabaho pa bukas.
“Anak una na kaming umalis…” sabi ni papa
“Teka tatawagin ko lang po sila Kieth…”
“No… Kami na ang pupunta sa kanila.”
Agad naman akong napangiti at hanggang
ngayon ay dinadama pa rin ang kasiyahan sa nangyaring kaganapan kanina. “Babe…”
tawag ko kay Kieth.
“Yes…”
“Iho… alis na kami. Happy Birthday ulit.”
“Salamat po tito sa pagpunta. Masaya po ako
sa gift na ibinigay ninyo.”
“Your welcome. Di naman magtatagal at
magiging son in law na rin kita.”
“So we are totally okay kumpare.”
“Definitely. Im looking forward to our
partnership.”
“Sure.”
Hindi mawala wala ang ngiti ko.
“Ako na
maghahatid sa kanila babe.” Sabi ni Kieth.
“Okay sige. Tulungan ko na muna sila mama doon
sa pag-aasikaso.”
Nagpunta naman ako sa may party area para
tumulong kila mama sa pag-aasikaso sa mga bisita nang bigla nalang may tumakip
sa aking bibig at hinila na lang ako sa kung saan.
Ilang sandali lang ay narating namin ang
hardin nila Kieth at nakita ko na rin ang katauhan ng taong humila sa akin, si
RD. kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan.
Agad naman
niya akong niyakap ng mahigpit.
“I miss you.” Sabi niya
“RD please… baka may makakita sa atin.”
“Give me this moment.”
“RD…”
“The two of you are so sweet, naiinggit
ako. Bakit kasi siya pa? Bakit hindi na lang ako ang minahal mo. I can be a
better man than him.”
“RD mahal ko siya. SIya lang ang mahal ko.”
“I know that you love me…”
“I love you as my friend…”
“No you love me… You heart beats also for
me…”
“Please stop this nonsense…” itinulak ko
siya.
“Bakit ba hindi mo akong kayang mahalin?
Ano ba ang meron siya at hindi mo siya maiwanan para sa akin? I will do my best
to love you! Lahat naman kakayanin kong ibigay sayo!”
“But I love him!”
“Hindi ako makapaniwala na aabot ako sa
ganito…”
“Please… just go RD. Magpagamot ka na!”
“Hinding-hindi ako magpapagamot hanggang
hindi kita kasama. I will make your lovelife with him doomed!”
“Napaka-unfair mo!”
“Ikaw ang unfair! Pinaasa mo ako. It
thought you love me. Kaya nga diba tumatakas sa boyfriend mo para lang
bisitahin ako? Diba? Kaya nga araw-araw tinatawagan mo ako? You love me and I
feel it. Hinding-hindi ako papaya na wala ka sa akin. Ypu are my everything.
Please… come with me. Ibibigay ko sayo lahat, lahat-lahat.”
“You don’t know everything I feel… you make
me…”
“Hindi mo rin alam ang nararamdaman ko!”
Natigil ako sa pagsasalta nang marinig ko
sa di kalayuan ang boses ni Kieth.
Kitang-kita ko siya na malapit sa amin at
nahahalata ko na narinig niya ang lahat ng pinag-uusapan naming.
Agad siyang
lumapit sa amin at hinatak ako papalayo pero hinila naman ni RD ang kamay ko.
“He is mine.” Sabi ni RD.
“Akin siya RD… sa totoo nga walang sayo…”
“Sa ayaw mo man o sa gusto mo, ibibigay mo
siya sa akin.”
Agad namang sinuntok ni Kieth si Alex na
siyang dahilan na pagkabagsak nito. “Kieth please… stop!” awat ko.
“Umalis ka jan…” sabi ni Kieth.
“Please Kieth… Yaan mo na siya. Aalis na
rin naman siya”
“Maswerte ka nandito si Alex, kung hindi
basag na yang mukha mo…” sabi ni Kieth.
“Tara na Kieth…”
“Oo Alex mag-uusap tayo. Umakyat ka sa
kwarto!” sigaw nito.
“Iiwan ka ni Alex para sa akin. Tandaan mo
yan.”
Agad anmang tumayo si RD at naglakad
palayo.
Hindi pa man siyang ganoon nakakalayo ay bigla siyang sumigaw sa amin.
“Alex, hihintayin kita sa bahay namin!” at nagpatuloy na siyang umalis.
“babe…” tawag ko sa kanya.
“We need to talk!” agad naman siyang
bumitaw sa akin at umalis sa kinaroroonan naming.
Wala akong ginawa kundi ang
umakyat sa kwarto niya at ikulong ang sarili ko.
(Itutuloy)
--Yun oh 1st of all
ReplyDeleteunahin muna ktang batiin ng
WELCOME BACK...
---hahaha mejo matagal ka nga nawala but sulit ang part na to...
yun bang sa umpisa eh kasayahan taz pag dating sa last eh...revealation na ...
btw... antayin ko na lng next update....
- Mhimhiko of Pangasinan.