sa lahat....eto na po ang part 17...salamt sa patuloy na sumusubaybay ng kwento ko.....sobra sobra akong natutuwa....heheheheheh
@ mahal ko...waah...i miss you...mwah mwah..hahahah...love you..... ingat lagi..wag papabayaan ang sarili...
@enso, hahahah..ano musta na kau ni _____? hahahah
@mikel.....eto na po ung nxt chapter...
@parekoy...woooh...hahah...nice parekoy...eto na ang next part...enjoy reading...
@dhenxo, tol...naks...eto na ung nxt part ha...
@glentot....hahah..di an ako nakakapagparamdma sau..nyahahhaha
to shanejosh....naks tol..mamat sa pagbabasa ha...nabasa ko comments mo...
to joerick, cojeeksoap, russ, adik_ngarag at emray...waaah...eto na ang nest part...hahah..enjoy reading...bago mag college eh dapat bakasyon muna...
to half, troy at roan..wahahahah...nice..abangan ninyo kung sino ung girl..eto na un..hahahaha.
sa mga di ko nabanggit, rodgie, at kung sino sino pa...sorry ha....kasi medyo nakalimutan ko na kung sino dapt i greet...mag comment kau dito sa story an to...nxt tym greet ko kayo..heheh
sa mga nakachat ko..mamat ha.....tnx sa tym lal
o an sa isang tao jan na pabago bago ng mood...hahahah
so eto na yung part 17..enjoy readers...love you all...nyahahahha
Olweiz hir,
D.K
_____________________________________________________________________________________
Pag gising ko ng umaga, wala na siya sa tabi ko. Kaya nagbihis ako at bumaba sa bahay. Isang nagtatalong tinig ang narinig ko na agad ko namang hinanap. NAtagapuan ko ito sa may garden ng bahay. Nagulat ako sa aking nakita, si Vince kasama ang isang pamilyar na babae.
Nagtago ako sa may pinto para hindi ako mahalta na nandun ako. “Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi mo…… PAaano ako makakasiguro ha?” medyo mataas na ang boses ni Vince. At isang sampal ang dumapo sa mukha ni Vince. “Ang kapal mo din…ano ang tingin mo sa akin, kaladkarin na babae? Ha….. Ikaw ang nakauna sa akin Mr. Montellan…. Hindi ako tulad ng ibang babae jan. Eh ikaw, ilang babae nab a ang kumandong dyan sayo at nabuntis mo ha? Sige nga……” para akong sinabugan ng bomba sa narinig ko. Buntis? Sinong Buntis? Halos lumaglag na ang luha ko sa nalalaman ko. Ang gandang regalo naman to sa akin. Matapos ang kaligayahan, kalungkutan agad.
“Pero isang beses lang nagkaroon tayo ng sex…… Alam mo iyon at lasing ako ng time nay un. At nung time na nasa convention pa tayo.Ewan ko…hindi ko alam ang gagawin ko……. Ahhh…” at narinig ko na lang na pinagsisispa niay ang mga halaman…..” narinig ko ang sigaw ng babae. “Hindi ko naman sinasabi na pakasalanan mo ako…ang sa akin lang…kilalanin mo ang bata at tulungan akong buhayin siya…… Tulungan mo rin akong sabihin ito sa aking mga magulang…” narinig ko na sabi ng babae. Natigilan si Vince. “Sige…aakuin ko ang bata, at susustentuhan ko iyan. Tutulungan kita na sabihin yan sa mga magulang mo, pero di ko pinapangako na pakakasalan kita…..” sabi ni vince. “Salamat…” at umalis na yung babae.
Habang hinahatid ni Vince ang babae, umakyat ako sa itaas at doon ko inilabas lahat ng sama ng loob. Iniyak ko ng iniyak yun. Gusto kong magpakamanhid ng mga oras na iyon. Para bang binuhusan ako ng mainit na tubig. Sa oras na mga yun, gustong gusto kong magpakamatay. At sa dinami rami ng bagay na makikita ko, isang gunting ang nahagilap ng mata ko na nagsilbing hudyat sa akin na kunin ito at laslasin ang aking pulso. Nakaupo ako sa may tabi ng kama, nakahandang laslasin ang aking kamay at pumikit ako. Hanggang sa bumukas ang pinto, tarantang kinuha ang gunting sa kamay ko.
Tiim bagang pa rin akong nakaupo sa kama. At unti unti kong hinarap si Vince. “Mr. Vince Montellian….CONGRATULATIONS…. PALAKPAKAN….” Isinigaw ko sa mukha niya. “Hon…ano bang nangyayari say o…bakit ka nagkakaganyan ha?” tanong nniya na naguguluhan sa akin. “Wow, pa walang alam na effect…….. Major Major na dedma lang sa nalaman kanina….. Ang galing mong umakte Hon……ang galing sobra……. Pero yaan mo na…ilaaan mo na lang yan sa MAGIGING ANAK NINYO!. “ sumbat ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Di siya makaimik. Kaya nagsalita na anman ako. “Hon…Congratulations ha… Best Wishes……. Narinig ko ang lahat hon…wag ka ng magpaliwanag……. Good bye….” At tumayo ako at unti untimng tinahak ang pinto. Ngunit hinablot agad yon ng kamay ni Vince.
“Hon….please hear my explanations……. Di mo naiintindihan…wag mo akong iwan…..” pagsusumamo ni Vince. Pero talaga yatang bato na ang puso ko. “Hindi ko kailangan ng explanation mo ngayon….kailangan ko ng space…… kaya pabayaan mo na ako…” at tinanggal ko ang pagkakakapit ng kamay niya sa akin. Tuloy tuloy akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdanan nila. Mula sa baba, rinig ko ang sigaw ni Vince na tinatawag ang pangalan ko na siyang dahilan kung bakit parang nabulabog ang mga katulong. Kitang kita ko sa kanilang mata ang pagkalito. Pero hindi ko na sasagutan man kung anong kalituhan iyon. Tuloy tuloy akong lumabas at nagtatakbo hanggang makarating ako sa bahay namin. Tuloy tuloy pa rin ang pagagos ng aking mga luha. Luha na nagsisilbing pasakit sa akin.
Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ng mga taong nasa sa amin ng mga oras nay un. Pero hindi pa ako handa upang sagutin ang mga iyon, tuloy tuloy ako sa loob ng kwarto ko. Inilabas ang lahat ng sama ng loob. “Anak… ano bang nangyari…nag away ba kayo ni Vince? Anong nangyari…buksan mo ito anak…” narinig kong sigaw ni nanay. “Nay….iwan niyo muna po ako…… please lang po…gusto ko pong makapagisa….” Sabi k okay nanay. Pinakiramdaman ko ang aking cell phone, naiwan ko dun sa bahay nila Vince. At hindi ko na balak pang kunin iyon, sabagay siya na ang may bigay nun. Dumapa ako sa kama at doon buong buo kong inilaglag ang aking luha. Humahagu-gol ako ng mga oras na iyon. Ilang oras ako sa posisyon na iyon. Tanghali na nung oras na iyon at hindi pa ako kumakain miski ano. Nanibago ako sa sarili ko, kasi hindi ko alintana ang gutom na nararamdaman ko. Nakatulala lang ako sa kawalan.
Maya maya, narinig kong may nag uusap sa kwarto na wari’y nakikiusap. Kaya pinakinggan ko ang kanilang pag uusap. Napag alaman kong nandun si vince. “Please po…hayaan ninyo po kaming mag usap ni Kyle…..kailangan po naming ayusin ito…….” Pagmamakaawa ni Vince. “Kung anuman yan….ako na ang nakikiusap…….layuan mo muna siya……. Bigyan mo siya ngpanahon……. “ sabi nitatay. “Pero….” Sabi ni Vince na anputol. “Anak…. Hayaan mo muna si Kyle……siyempre nasakytan ang tao….. di mo maaalis iyon….” Sabi ni Tita Rose na kasama pala niya. AT narinig kong nag paalam sila. Ilang sandal lang eh kumatok si nanay, “Anak… andito kanina sila Mam Rose…..hinahanap ka…. Pati Si Vince nandito, nagmamakaawa…… Kung makiita mo lang siya anak….. “ sabi ni NAnay. “Wala na po akong pakialam kay Vince inay….letse yan…… manloloko….” Sigaw kong hindi pa rin humuhupa ang galit ko. “Basta mag isisp ka lang anak….. kumain ka na ….kanina ka pa hindi kumakain…baka kung mapaano ka pa…..” sabi ni inay bago siya umalis. Sa mga panahon na ito, hindi ko naramdaman ang gutom, walang wala…… ang gusto ko lang mapag isa, katahimikan at peace of mind.
Natuturete na ako ditto…parang gusto ko ng magpakamatay ng mga oras na iyon…pero may sumingit sa utak ko. Bakit ko naman pag aaksayahan ng buhay yang hayop na lalaki nay an…may buhay pa naman pagkatapos nito ah… Ang kailangan ko lag eh panahon para makapagmove on…Matapos kong maisip ang mga iyon, lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa banyo upang alisin ang mga bakas na magpapaalalaa ng kahapon. Kay saklap nga naman ng buhay. Kung kalian tama na ang lahat, saka naman pumangit ang pagkakataon. Naligo ako ng sobrang tagal. Sinabon ko ang bawat sulok ng katawan ko. Pilit tinatanggal ang nakakapag paalala sa nangyari sa amin ni Vince. Matapos kong maligo, nagbihis ako at kumain. Ng mga sandaling iyon, saka ko lang naramdaman ang gutom at pang hihina dala ng buong hapon na pagkakaiyak at pagmumukmok.
Matapos kumain, nag ayos ako ng gamit ko. Magbabaksayon ako. Inipon ko rin ang mga gamit na ibinigay sa akin ni Vince. Inilagay iyon sa may kahon. Handa na akong tanggapin ang lahat. Masakit sa puso ko na gawin iyon. Oo mahal ko pa rin siya kahit ganito, pero sa sobrang galit na iyon. Unti unting lumalalim ang sugat na nilikha niya. Ayoko rin na maging dahilan ng pagkawala ng ama ng isang walang kamuwang muwang na bata. Hindi ko alam sa sarili ko pero para akong bingi sa pagkakataon na ito. Bingi sa mga paliwanag. Nagpaalam ako kila mama na aalis ako bukas. Nang gabing iyon inayos ko na ang mag bagay na dadalhin ko. Kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, magbabakasakali pa rin ako na may mahahanp akong isang lugar na tahimik. At natulog ako ng gabing iyon.
Kinabukasan, nagsadya, muna ako kila Vince para ibalik ang mga bagay na ibinigay niya sa akin. Unang bumaba ang mama ni Vince. “Buti at pumunta ka ditto….. alalang alala na kami sa inyong dalawa…. Hindi naman inaasahan na magkakaganito kayo. “ ang alalang sabi ni Tita Rose. Hindi ko magawang makaimik. Hanggang sa maalala ko kung ano talaga ang pakay ko. “Tita….. eto nga po pala… pakibigay p okay Vince. Salamat po kamo….” At tuloy tuloy na akong lumabas hanggang sa marinig ko ang pagsigaw ni Vince. Mabilis siyang buamaba at pinuntahan ako, niyakap ng mahigpit at hinalikan sa labi. “Buti nandito ka na…….Sorry talaga….let me explain……. Please….hear my words….please….” pagmamakaawa ni Vince. “It’s not working Vince….. Sorry……..” sabi ko sa kanya. “Wag mo akong iwan…..hon…..di ko kaya… mababaliw ako pag mawala ka sa akin…..Hon…” at nakita ko ang pagtulo ng luha ni Vince. Naawa ako sa kalagayan niya, parang isang batang nawalan ng isang gatas na maiinom. Kung tutuusin, awang awa na ako sa kanya. Kaya hindi ko napigilang yumakap sa kanya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Gusto kong sa huling pagkakataon maramdaman ko ang sarili kong kaligayahan.
Isinantabi ko muna kung ano ang galit ko. Mamaya nay un. Sa ngayon, isang mahigpit na yakap muna ang igagawad ko sa kanya. Matapos ang isang mahigpit na yakap, iniharap ko ang mukha niya sa akin. Kitang kita ko ang isang sinserong mga matang humihingi ng tawad. Sa loob loob ko masakit ang iwan siya. Pinaglaanan ko na ng buhay ang lalaking ito. Siya na ang nagging sandigan ko. Pero mas pipiliin ko ba ang pangsarili kong kapakanan. ALam kong mas kailangan ng anak niya ng suporta niya. Tatay na siya sa ngayon. At kailangan naming harapin ang katotohanan. Napagdesisiyonan kong lumayo hindi lang dahil galit ako sa panloloko niya, para na rin ito sa kapakanan ng batang magiging anak niya. Mas pipiliin kong mawalan ng kaligayahan kaysa ipagdamot ang magandang bukas para sa isang batang hindi pa naisisilang.
“Hon….I love you so much…wag na wag mo akong iiwan….please…….nagmamakaawa na ako say o…..” ang pagigiit sa akin ni Vince at nagmamakawa. “Vince….sorry….pero eto ang nararapat……masakit ang ginawa mo sa akin…..pero mas masakit kung ipagpapatuloy pa natin ito…….maghiwalay na muna tayo…..mag isip isip……at hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako ditto……..hindi ko maatim na agawan ng isang ama ang isang walang kamuwang muwang na bata….alagaan mo siya Vince…alam koNg magiging mabuti kang ama…….. sa kanya mo ibuhos ang lahat…….siya ang gawin mong inspirasyon…….. good bye…”
At iniwan ko si Vince na umiiyak at isisnisigaw ang pangalan ko…. Habang naririnig ko iyon tumutulo ang luha ko…Ang luha ng pagkabigo.
(Itutuloy)
hala e diba yun nmn ang gusto ng ama ni vince, n magkaroon ng anak. o ayuan aksidente n nagkaron. etc etc.
ReplyDelete