sorry kung natagalan ha mga readers...hahahahah...salmat sa mga nagcomment last episode......mamat po
Jay Throw, josh, cojeeksoap, Roj, russ, Khail, half, enso, yuan, adik_ngarag , at sa marami
pang nag comment...dami kasi eh...hahaha..mamat sa comments ha,......salamat ng marami.....comments po ulit ha...heheh
mamat talaga
at nga pala
dun sa mga nakachat ko
salmat ng marami
hahahahah
sa uulitin ha...hehahahahahhah.....
olweix hir,
D.K
_____________________________________________________________________________________
“Toy….gising ka na….. andito ka na sa Cubao….” Panggising sa akin ng isang ale. Nagulat na alng ako ng gisingin ako ng isang ale. Siya kasi ang katabi ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Namimigat ang mga mata ko. Dulot siguro ng kakaiyak ko kung bakit nagkakaganito ang aking mata. Di ko pa rin alam kung ano ang mangyayari sa akin ngayon. Wala akong mapupuntahan sa lugar na ito. Napakalaking lungsod ang pinuntahan ko. Ni hindi ko nga alam kung may matutuluyan pa ba ako ngayong gabi eh. Haixt… Dapat kasi sa may Cavite na alng ako pumunta eh…pero mas pinili ko pa rin ang malayong lugar upang takasan ang lahat. Sabihin man nila na duwag ako at tinakasan ang problema, wala akong pakialam. Gusto kong buuin ang sarili ko. Ang mga nasirang bahagi ng pagkatao ko.
Di pa ako kumakain ng tanghalian. AT sa ngayon gutom na gutom ako. Kaya naghanap agad ako ng isang tindahan na pwedeng meryendahin…hehehe. Habang naghahanap ako ng makakainan, naglibot ang aking mata sa paligid. Maraming mga tao ang nandun. Halos lahat ng antas ng edad eh nandun. Habang nakikipagsabayan sa mga tao dun, bigla na lang akong nasagi ng isang tao at dahil sa gutom ay hindi ko maiwasan na matilapon ng ilang hakbang. Hindi ko naman namalayan na sa kalsada ako napunta at dahil sa nasagi nga ako, hindi ko namalayan na may sasakyan palaat sa isang iglap gumulong ako sa gitna ng kalsada. Ang huli ko nalang namalayan eh may bumuhat sa akin. Pamilyar ang tinig na iyon. Hanggang sa mawalan ako ng malay.
“Gisisng na siya….” Ang narinig ko mula sa isang babae na nakatayo sa tabi ng kama na pinaghigaan ko. Nang magising ako, puti lahat ang nakita ko. Putting dingding at kung anu ano pa. Asan kaya ako. Pero ilang sandali ang dumaan eh nahulaan ko kung nasaan ako. Nasa isang kwarto ako ng isang ospital. Tinignan ko ang mga kamay ko na may ballot ng maliit na benda. Nananakit ang kamay ko. Ang sakit, sobra. Pilit inaalala ang mga nagyari. ANg huli kong naalala nung nangyari ay nung nabangga ako dahil nadanggil ako ng di kilalang tao at nasagasa ng isang kotse. Inikot ko ang aking paningin at hinarap ang babae. Di na ako nagtanong kung ano ang nagyari dahil alam ko naman kung ano ang sasagot nila.
Di pa rin ako umiimik. Kitang kita ko ang malaking pagkaluwag ng kanilang hininga ng Makita nila akong gising. Para bang kaytagal na akong natutulog sa kamang iyon. Nang tumama ang aking paningin sa isang taong ninenerbyos. Mukhang pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Alam kong nakita ko na siya. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Pero ano bang gagawin ko sa isip ko, pag iisipin ko pa ba to eh sumasakit na nga. “Ok ka lang ba iho?” salita ng isang matandang lalaki sa may paanan ko. “Ok lang po ako……” sagot ko na kulang kulang. “Pasensya na kung nabangga kita ha…... bigla ka ksing sumulpot eh….” Sabat ng isang lalaki. “ Ah ok lang yun…ako po ang may kasalanan….may tumulak po kasi sa akin….kaya di kop o namalayan at natumba ako….pasensya nap o sa abala. Ilang araw nap o ako ditto?” tanong kong nalilito. “Ah…..mahigit dalawang araw ka pa lang ditto. Oo nga pala… di namin pinakailaman eto…….” Inabot sa akin ang isang tela na puti na ankabalot. Ito siguro yung mga bagay na suot suot ko. Unti unti kong binuksan iyon. Itinabi ko muna iyon. “Iho… nga pala… mukhang bagong salta ka ditto ah…asan nga pala yung magulang mo?” tanong ng matandang babae. “Ah….lumuwas po ako ditto sa maynila para po magbakasyaon. Kaso wala po akong kakilala ditto kaya naglibot libot po ako…” sagot ko. “Ah gnun ba,…. Pwede naman sigurong sa amin ka na muna tol….para anman makabawi ako sa pagkakabangga ko….” Sabat ng lalaki. “Naku nakakahiya naman sa iyo tol….pati kay mam at sir. Maghahanap na lang po ako ng ibang matutuluyan….baka po maging pabigat lang po ako…” sagot ko.
“Naku hindi naman iho……ok nga iyon eh may dagdag kapamilya kami…… pumayag ka na iho…..please…” sabi sa akin ng matandang lalaki. Dahil sa napilitan eh pumayag na rin ako. Since wala pa akong nakikitang matutuluyan, doon muna ako manunuluyan. Matapos ang isang lingo ay inilabas na ako sa ospital. Pagsakay ko palang sa sasakyan ay namangha na ako. Naks…. Ang yaman siguro ng pamilyang ito. Katakot takot na Innova ang nandun. Haixt. Naalala ko tuloy si Vince. Muli’t muli
ay naramdaman ko ang sakit sa aking puso. Pero may nagtatago pa rin sa puso ko ng pag ka miss sa kanya. Pagkaulila. Hanggang ngayon kasi ay minanahal ko siya. Hindi malimutan ng puso ko ang rebulto ng pagkatao niya. Nakaukit na ito sa puso ko.
Hanggang makarating kami sa bahay nila. Nalula ako sa kanilang bahay, isang mansion sa aking paningin ko. Hinsi nalalayo sa bahay nila Vince. Pero iba ang dating nito, kasi nasa open field ito, maraming mga damo, puno at talagang nakakarelax. Haixt. Pagkababa namin, inalalayan agad ako nila. Hanggang ngayon di ko pa rin kilala yung nakabangga sa akin. Medyo mahiyahain kasi, kinausap lang niya ako minsan, pero la namang imik masyado. Sabi nila Tita Mila na pansamantala eh sila muna ang bahala sa akin. “Jerick, samaahn mo na tong si Kyle sa kwarto niya.” Sabi ni Tita Mila. Doon ko lang nalaman na Jerick pa la ang pangalan nito. Kung pagmamasdan siya sa mukha, gwapo, maputi, maayos ang pangangatawan at maring bagay na maaring maging compliment sa kanya. Pero para talagang namumukaan ko siya. Haixt. Paakyat kami ng may sumalubong sa kanyang bata. “Daddy…..” at agad na yumakap kay Jerick. “Baby ko….. “ at humalik si Jerick sa bata. Nagulat ako, di ko akalain na amy anak na si Jerick.
“Daddy….may pasalubong po ba kau sa akin?” pagtatanong ng bata. “Naku anak, marami akong pasalubong…” masayang pahayag niya sa bata. Natutuwa ako sa pag bobonding ng ama. Pero eto ako nagiisip, napaka abat pa naman tiganan nito ni jerick pero may anak na siya. Nasaan na kaya ang nanay ng bata. Saka lang ako napansin ng bata. “daddy, sino un?” tanong nito. “Ah….nga pala…. Kyle…anak ko si Jude Chester.” At ngumiti naman agad sa akin ang bata. “Musta po kayo.” Natutuwa ako sa kacutan ng bata. Kuhang kuha niya ang gwapong appearance ng bata. Nakita ko kung gaano kasaya ang mag ama na siyang dahilan kung bakit ko nakita ang malalim na dimples na lumabas sa pisngi ni Jerick. Natulala ako ng panandalian pero binawi ko rin ang pagkakatitig. ANg lalim ng dimples niya pero un yung siyang nagging dahilan kung bakit nagbalik sa akin ang lahat.
SIYA ANG MAY ARI NG KWINTAS NA NAPULOT KO NUN DATI SA PARTY NI JONAS. Natutok ang aking mga mata sa kanya. Di alintana kung tumingin man siya sa akin. Bumalik lang ako sa aking ulirat ng tapikin ako ni Jerick. Nagtataka at di mailarawan ang pagtataka. “Tol…okay ka lang ba? May problema ba?” tanong niya sa akin. “Eh kasi may gusto lamg sana akong ibalik nab aka sakaling sa iyo.” Sagot ko naman. Lalo kong nakita ang kanyang pagtataka. Ibinaba ko saglit ang aking mga gamit at nag halungkat ng gamit ko. Hinahanap ko ang kwintas sa bawat gilid ng bag ko hanggang sa matagpuan ko ito. “Ito iyon…” sabay taas sa kwintas. Nakita ko ang malaking pagkagulat ni Jerick. Agad niyang kinuha ito mula sa akin at tinitigan ito. Nakita ko ang malaking pagkatuwa niya ditto. Para bang nanalo siya sa lotto ng mga panahon na iyon. Hanggang sa matawag ang atensiyon ng kanyang mga magulang. Laking gulat din ng magulang niya ng Makita ang kwintas. Natutuwa ang mga ito pero kita pa rin ang pagtataka sa kanilang mukha.
“Anak….saan mo natagpuan ito? Buti na lang at nahanap mo..ito na lang ang ka tangi tanging kayamanan ng aming pamilya na pinapangalagaan.” Pahayag ng kanyang ina. “Ma…. Buti na lang at nakita ito ni Kyle….pasalamat na lang po tayo sa kanya. Kung hindi po dahil sa kanya ay mababaon na sa limo tang katangi tanging tradisyon sa ating pamilya.” Natuwa rin naman sila sa nangyari. “Oo nga pala…saan mo ito nakuha iho….” tanong ni Tita Mila. “ah…kasi po nakita kop o iyan sa isang party ng best friend ko… Napulot kop o iyan eh…..eh nakita ko nga rin po si Jerick nun eh…kaso nung hinahap ko na siya para ibalik yung kwintas eh nawala na siya nun….kaya ayon di ko na naisuoli….” Mahabang pahayag ko. Nakita ko naman ang matinding kagalakn sa mukha ni Jerick. Siguro ganun na lang kaghalaga ang kwintas na iyon.
“Pre…salamat talaga……kung hindi dahil sa iyo marahil ay di ako matatahimik nito…matagal ko na itong hinahanap sa bahay nila Jonas…yun pala ay nasa iyo…slamat talaga..hahahahah” sabi ni Jerick. Matapos ang pag uusap ay inihatid na ako sa may kwarto ko. Napakalaki nito.Naalala ko tuloy ang kwartong pinag tulugan ko noon kila Vince. Pero nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon pinipilit kong lagyan ng alala at puwang si Vince sa aking isip at puso. Naiinis ako. Marahil siguro sa bugso ng damdamin kaya ako nagakkaganito. Para akong tinutusok ng punyal sa mga panahon na ito. Kung kaya bang higupin ng vacuum cleaner ang pangungulila ko. Kung kaya nga lang hugasan ng tubig ang nagging pagdurusa ko. Ang kailangan ko ngayon ay iblangko lahat. Lahat lahat. “Matalino ka Kyle…maparaan….. Kay among lagpasan ang lahat…” sigaw ng isip ko. Ito ang nabubuong pahayag sa aking isip.
Iniayos ko ang aking gamit sa loob ng cabinet. Matpos ito, pumunta ako sa veranda ng kwarto. Nagpahangin. Ang ganda ng kapaligiran nila. MApuno, amaliwalas…. At higit sa lahat, napakasarap mag isip isip. Kamusta na kaya sila nanay at tatay. Haixt. Kahit konting panahon pa lang eh namimiss ko na sila. Napakawalang kwenta ko talagang anak. Iniwan ko lang sila basta doon. Pero sa loob loob ko, kailangan ko munang ibangon ang sarili ko.Habang nasa ganon akong katayuan, bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na katok. Naputol ako sa pag iisip dahil sa mga katok. Pumasok ako sa kwarto at pinagbuksan ang kumakatok. Iniluwa ng pinto ang kaanyuhan ni Jerick.
“Musta tol…ok nab a ang gamit mo? Nakapag ayos ka nab a?” sunod sunod na tanong sa akin ni Jerick. “Ah tol ok na…heheheh……tapos na naman…”sagot ko. “So ready ka na?” tanong niya sa akin. “Ready saan?” tanong ko naman. “Igagala kita ditto sa amin. Para bukas dun naman sa may labas ng hacienda……” pahayag ni Jerick. “Hala…tol naman…nakakahiya….igagala mo pa ako ditto…nakakaistorbo na nga ako sa inyo eh…..” pagtanggi ko. “Naku tol…di uso yan…..hahah…walang hiya hiya sa akin…hehehe…tara na…ano ka ba…eto naman oh…..ito na yung pagpapasalamat ko say o dun sa kwintas….” Sagot niya. Dahil na rin sa kakulitan niya eh napapayag na ako.Napakalawak ng kanilang lupain. Sagana sa mga puno at halaman. May sariwa ding hangin na maaaring langhapin. May mga mumunting lawa din at isang ilog na umaagos sa ibang dayo. Napansin ko lang na para bang ang pinakamaraming produkto nila ay ang mga gulay at prutas kaysa sa mga iba’t ibang handi crafts na ginagwa din sa ibang pagawaan sa hacienda nila. Nagulat na lang ako ng bigla siyang huminto sa pagallakad.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment