Sunday, December 12, 2010

Campus Figure- Part 20


sorry sa natagalan ha....heheheh...eto na yung next chapter...hahahah
sa lahat ng mga nagcomment..salamat po...kay:
1. vdg20

2. JayThrow

3. yuan

4. aR

5. Half

6. Enso

7. fayeng

8. Kearse

9. Allen

10.Roan

11.wastedpup

maraming maraming salamat po...heheheheh......sorrytalaga kung natatagalan...punong punokasi ng project exam at busy sa schoo
l eh....salamat talaag sa pag suporta....

olweix hir....

D.K



_____________________________________________________________________________________

Inalalayan ko siya papunta sa kama ko. PAti ako dir in magkandatuto, minsan kaming nadudulas, at natutumba…pareho ba naman kasi kaming lasing eh. Hanggang sa makarating kami sa kama. Ihihiga ko n asana siya sa kama ng biglang mapatid kaming pareho. Napaibabaw siya sa akin. Nagkatitigan an gaming mga mata, hanggang sa lumapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, nag iinit ang akatwan ko, naghahanap ng isang katawan na magpupunan nito. Namalayan ko na lang na magkadikit ang aming labi at mapusok na naghahalikan ang isa’t isa.





Sa sobrang kalasingan di ko na alam kung ano ang ginagawa ko. Di ko malaman kung tama ba o mali ang mga pinag gagawa ko dahil wala ako sa wisyo. Mapusok na lang ang ginagawa naming halikan ni Jerick ng panahon na iyon. Ginagala niya ang kanayng mga kamay sa iba’t ibang parte ng aking likuran. Pero may isang parte ng utak ko ang nagising bigla at mula sa pagkakahiga ay bumangon ako at dumistansya sa kanya. Nagitla ako sa aming ginawa at muntikan pang matumba mula sa pagkakatayo. Pasuray suray akong maglakad papunta sa kabilang gilid ng kama. Nakita kong bumangon din si Jerick at hinahanap ako. “Kyle…” pagtawag niya sa akin at unti unti siyang lumapit sa akin at nagulat ako sa inasla niya. “Kyle, bakit ka umalis? Tara na…” wala sa sariling nasabi ni Jerick. “Matulog ka na…lasing ka lang Jerick, please…matulog ka na…di mo alam ginagawa mo…” sinabi ko sa kanya. Alam kong nahihilo na rin siya dahil pasuray suray na siya maglakad hanggang sa matumba siya at matalisod sa kama. Nakita kong payapa na siyang natutulog kaya inayos ko ang kanyang pagkakaiba. Gustong gusto ko na talagang matulog ng mga oras na iyon kaya sa di ko malamang dahilan eh para akong batang nagmamadaling humiga sa isang malambot na kama at nang makahiga na ako ay nag tuloy tuloy na akong nakatulog.





Pag gising ko pagkaumaga, isang sikat ng araw ang sumalubong sa akin. Nasisilaw pa nga ako dahil sa sikat nito. Minulat mulat ko ang aking mata upang matauhan. Sumasakit ang ulo ko. SObrang hangover to ah. Babangon n asana ako nang Makita ko ang kamay ni Jerick na nakayakap sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, may kakaibang pakiramdam ako sa pagalalpat ng katawan namin sa isa’t isa at hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko. Ganitong ganito ang nararamdaman ko nung panahong kami pa ni Vince. Unti-unti kong tinanggal ang kamay niya at naramdaman ko na nagising siya. Binilisan ko ang pagtanggal ditto nung maramdaman ko ito dahil baka magulat siya kung Makita niya ang sarili niyang nakayakap sa akin. Pero sadya atang hinahamak ako ng panahonat nakita kong nagbukas si Jerick ng kanyang mga mata. Nagkatitigan kami, di ko malaman kung paano ako magbabawi ng tingin. Nakita kong nagbukas ng bibig si Jerick at nagsalita. “Good morning….” Saka siya bumangon at nag inat inat. Di ako makapagsalita at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kinakabahan ako kung makakayanan ko pa ba. “tol, sorry kung malikot akong matulog ha….haixt…sakit ng ulo ko…..putek naman oh……kaw ba tol…” nakita kong kinakapa ni Jerick ang ulo niya at hinihilot nito ito.





Maya maya may kumatok sa kwarto. “Kuya Jerick, Kuya Kyle, baba na daw po kayo..kakain na daw po.” Pagtawag sa amin ng isang katulong sa kanila. “Sige, bababa na kami….”sagot naman ni Jerick. “Tol, tara na….” pagyaya naman niya sa akin. Bumaba kami at pumunta sa may kainan. Naghilamos lang ako ng saglit at nagsuklay ng buhok bago bumaba. “Kamusta ang tulog mo iho….mukhang nagkasayahan kayo kagabi ah……” tanong sa akin ni Tita Mila. “Ah eh…heheh….ok lang naman po….Pati masya naman po kasma poi tong anak po ninyo…heheheh” sagot ko. “Oo nga ma, naku sarap kainuman ni pareng Kyle…hahah..matagal tagal na rin nung may makasama akong makainuman…hehehhe” pagsingit ni Jerick. “Oi Jerick, baka naman mapadalas yan ha……kaw talagang bata ka…..mapahamak pa tong si Kyle sa iyo…” singit din ni Tito Roberto. “Hindi naman pa, heheheh…nga pala po asan po si Jude?” sagot ni Jerick sabay tanong. “Daddyyyyyy….”pasigaw na sabi ni Jude. Tuloy tuloy ito at kumalong sa kanyang daddy. “O anak……muwahh…” salubong ni Jerick kay Jude. “Daddy…san ka ba galing…bakit di ka natulog sa tabi ko….. tampo ako….” Pagammaktol ng bata. Ang cute cute talaga ni Jude. Nakuha niya ng ibang features ng kanyang ama. Lalo na ang dimples. “Naku anak, pasensiya ka na ha..nakatulog ako dun sa kwarto ng Tito Kyle mo eh…nag inuman kami eh…..sorry na..yaan mo aalis tayo ngayon…..” at nakita ko ang pagkatuwa ni Jude sa nabalitaan. Pagkatapos nun kumain na kami.





Matapos namin kumain, nagtimpla ako ng kape at lumabas para magpahangin. Ang ganda ng tanawin sa Hacienda nila. Habang iniinom ko ang kape na tinimpla ko, muli na naman nanariwa sa akin ang panahon ng magkasama pa kami ni Vince.




“Hon…bangon na…ano kaba…isa…bahala ka malelate na tayo….oi..” pagyuyugyug ko sa kanya. “Mamaya na Hon…tulog pa tayo…gawa tayo ng baby…” parang batang sinabi ni Vince. “Hoy lalake…ikaw ay tumigil jan sa kapilyuhang iniisip mo…bahala ka, pag hindi ka bumangon iiwanan kita…..”sinabi ko pa sa kanya. “Bahala ka..iiwanan mo na yung loviduds mo…..magtatampo na ako nan..huhuhu…” pag iinarte ni Vince. “Naks naman….best in acting..nyahahah…pwede na oh..madedevelop ka nan sa TV…tara punta tayo…hahahha”panloloko ko sa kanya. “Ganon pala ha….lagot ka sa akin mamaya.” Nagahahbulan pa kami nun sa loob ng kwarto. Hanggang sa mahahabol niya ako at bubuhatin sa kama. Sabay siil ng halik at unti unting pag gapang ng kamay sa buong katawan ko. “Mahal na mahal kita Mr. Kyle Archangel Montellan… Love you… muwah muwah..” paglalambing sa akin ni Vince. “Montellan nap ala ako ngayon ha…kaw talaga…ay siya siya…tayo ng tumayo at pumasok na sa school….sobrang malelate na tayo…hala ka…pag tayo pinagalitan din a ako tatabi say o pagtulog…” panankot ko sa kanya. “Hala….tara na po…baka malate pa tayo…tiara na bilis……” sabay harurot pababa. Natatwa na lang akong makikitang naghaharutan kami pababa.





Namalayan ko na lang ang sarili kong tumutulo ang luha. Inilapag ko muna ang tasa ng kape na iniinom ko. Pinahid ko ang luha na namumutawi sa aking mga mata at taas noong hinarap ang kalangitan. Ang mga bagay ng nakalipas ay din a dapat balikan pa. “Past is Past and never been back, but there’s a future to continue our life..”. Maya maya habang ako ay nagiisip, may tumulak sa akin na siyang dahilan ng pagakkabagsak ko sa lupa. Para akong nalindulan. Nahilo ako nun. Tumama ang mukha ko sa damuhan. “Aray…..ah…..ang sakit……” tanging namutawi ko. “Ahahahah…lalampa lampa kasi…yan…buti nga sayo…nyahahhahah” ang pilyong sigaw ng bata. Grabe tong batang ito. Kakaiba ang lakas. ANo kayang pumasok sa kokote nito at ginawa niya ito. Nananakit parin ang katawan ko. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Nakita ko na lang nagdurugo ang mga palad ko dahil sa gasgas na natamo ko. Pati na rin ang mga tuhod ko at sa may bandang siko ay nagdurugo din dahil sa gasgas. Grabe, ang dami kong gasgas. Tsk tsk. Maluha luha na ako dahil sa unti unting pananakit ng mga sugat sa aking katawan. Nakita ko na lang na nagtatakbo ang bata. Kaya pumasok na lang ako sa loob upang hugasan ang mga sugat ko. Nakita ko si Tinay na nakatingin sa akin at lumapit. “Naku sir….kitang kita ko iyon…napaka pilyo talaga nun.. NAku..mas malala pa ang ginawa sa amin…mantakin mo na lagyan ng nagkalat ng basura yung mga higaan namin..tapos lagyan ng sili yung kinakain namin..naku….mag ingat kayo..” pagabbanta sa akin. Isang tango lang ang sinagot ko.





Kaya pumasok na ako sa loob. Diretso ako sa kwarto ko upang maligo na rin ng makasalubong ko si Jerick. AGad kong itinago ang mga sugat ko. “Tol…sama ka sa amin ha..gagala tayo….O ano ang nangyari sayo….ano yang itinatago mo sa likod mo?” sabay tingin sa may likuran ko. ‘Wala to..wag mo ng tignan..Sige kayo na lang…medyo masma pa kasi pakiramdam ko Tol…..” sagot ko. Pero sa sobrang kapipilit niya eh nahatak niya yung kamay ko at nakita niya ang mga gasgas ko sa katawan. “Na paano yan?” tanong niya. “ahm…ah eh.. nadapa kasi ako kanina, di ko nakita yung bato sa daraanan ko kaya yun…lalampa lampa kasi ako tol…heheh” pagsisinungaling ko. Di ko na lang sinabi ang lahat ng katotohanan. Besides, baka lalo pa akong pag initan ni Jude pag nagkataon. Para din a lumala ang lahat. “Hala ka….naku tol..tara…gamutin mo nay an….kaw di ka nag iingat eh…” sabi ni Jerick.





Pinabayaan ko na lang si Jerick sa ginawa niya. Napaka maalagain naman niya di ko namalayan na ankatitig na apla ako sa kanya. Kahit na nakatagilid siya, ang gwapo pa rin. Naks naman. At sa di ko inaasahan eh nakita ko na tumingin siya sa akin at nahuli akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maihulma ang sarili ko pero nanatiling nakatitig ang mata ko sa kanayng mga mata at ganun din naman siya. Para bang may hipnotismo na bumabalot sa aming mga titig lalo na ang sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magbabawi ng tingin gayong nakatingin din siya sa akin. Hanggang sa papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa akin. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang tibok ng aking puso. Ito na ba ang muling pag ibig na aking nadarama. Pero, hindi pwede, paano kung guluhin ko lang ang buhay niya. Ayoko, baka masaktan ulit ako kung magkataon. Kaya sa pagakkataong iyon, iniiwas ko ang aking mukha sa kanya. Inilayo ko rin ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak niya ditto. Tatayo na ako nun ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at saka ako napaupo muli.





Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa akin. Bakit ba niya ako hinila pabalik. AT bakit ganyan na lang siya kung makatitig sa akin. ANo ba ang problema niya? Mayroon ba akong dumi sa mukha ko? Ano ba nangyayari sa kanya. Naiinis na ako sa ipinapakita niya sa akin. Hanggang sa haplusin niya ang aking mukha. At sa ginawa niya, unti unti kong naalala ang aking nakaraan. Ang nakaraan na siyang ayaw ko ng balikan dahil sa dami ng mga pagsubok at kabiguan na aking nadama. At muli, sumariwa sa akin ang nakaraan:






“Hon… ano ba ang mas bagay ditto, etong black o yung white socks?” tanong ni Vince sa akin. “Ahmmm….kasi sabi sa akin, pagformal daw yung occasions eh dapt black socks…..kaya un…..black na lang….. wait pili ako ditto… alin kaya ditto…” sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Pinaharap niya ako at hinaplos niya ang aking mukha. Ito ang kauna unahang pagakaktaon na hinaplos niya ang mukha ko at pagkatapos nito ay hinalikan niya ako. “Mahal na mahal kita Hon.. I Love you….”




At di ko namalayang tumutulo na lang ang aking mga luha mula sa pagkakaharap kay Jerick. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya. “May naalala lang ako….pasensiya na. …” at pinahid ko ang aking mga luha at umakmang tumayo. At ewan ko ba pero tuloy tuloy na akong lumayo kay Jerick mula sa kwartong iyon. Nagugulumihanan ako.. ANo ba ang nagyayari…


(Itutuloy)

1 comment: