Saturday, January 15, 2011

Campus Figure- Part 21

sa lahat po...pasesnsya na sa natagalan...sobrang malas po kasi ang nangyari...ne infected po yung files ng Campus Figure sa ms word namin..kaya ayun nag corrupt...bale advance na yung ng 4 parts...kaso nawala... kaya ayon, nag type ako ng panibago...

sana maintindihan ninyo....love you guyz...

specially my yhum....mwapz...


olweiz hir,

D.K

_____________________________________________________________________________________

Ilang sandali akong natigil sa isang tabi dahil na rin sa mga nangyari. Para bang kaybilis ng mga nangyayari. Di ko maiwasang mailang sa mga kinikilos ni Jerick. Dumagdag pa ang mga rebelasyon kay Jude. Siguro nga, masyado akong nakakagulo sa kanilang pamilya. Ngunit, kahit ganun man, may parte sa isip ko ang nagsasabing kausapin silang pareho. Lalo na kay Jude. Ramdam kong may itinatagong galit sa akin ang bata lalo na sa pagdating ko at pagiging malapit ko kay Jerick. Ahhh. Naguguluhan na ako.



Sa aking paglalakad sa likod bahay, nakita ko si Jude na nakatayo at kung anu ano ang kinakalikot. Habang papalapit ako, nakita ko kung ano ang ginagawa niya, pinagbubuntungan niya ng galit ang isang kahoy. May dala itong kutsilyo at pinagtataga ito. Natakot ako sa maaring mangyari sa bata kaya ang ginawa ko ay kinuha ko ang kutsilyo at sa sobrang gulat ni Jude ay di sinasadyang nadali ako ng kutsilyo sa kamay. Di ko naman agad naiiwas ang kutsilyo. Ramdam ko ang pagdurugo ng aking kamay at siyempre ang sakit na dulot nito. Nakita ko ang pagkagitla niya at pagkagulat kaya nakita kong maluha luha ang kanyang mga mata at sabay nagtatakbo. Di ko an siya hinabol dahil sa sakit ng hiwa sa aking kamay. Ayaw nitong tumigil sa pagdurugo kaya pumasok agad ako sa loob at naghanap ng gamot. Nakita ako ni Aling Tinay kaya nagamot agad ito. “Ano ba ang nangyari sayong bata ka...laking laki mo na nadidisgrasya ka pa....” “medyo lampa lang po...hehehhehe” pagtatakip ko sa nangyari. Ayokong dumagdag pa sa pasanin at problema dito sa bahay. Paakyat na ako sa taas para magpahinga nang makasalubong ko si Jerick. Kitang kita niya ang aking sugat. “O, ano na naman ang nangyari jan? Ok ka lang ba....ikaw talaga... halika nga dito...” at tuloy tuloy na niya akong hinila sa kwarto niya. Ikinandado niya ang pinto. Yun ang di ko alam kung bakit.




Di ko alam kung anu ang kinukuha niya sa may drawer niya. Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kanyang kwarto. Ngayon lang ako nakapasok dun. Maya maya nakita kong nakatitig siya sa akin ng mapatingin ako sa kinaroroonan niya. Siya na rin ang nagiwas ng tingin at iniabot ang isang gamot. Binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ko ang gamot. Umupo siya sa tabi ko. “Ano ba talaga nangyari sau? Bakit ka nagkaganyan....parang ang clumsy clumsy mo naman ngayon...?” tanong niya. “Ah...wala to...dami o lang iniisip na problema...kaya ayon...wag ka ng mag alala.... ok lang ako...hehehhe mag ingta na ako sa susunod.” Sagot ko. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaiba. Nangyari na to kaninam bakit nauulit...ano ba talaga nangyayari kay Jerick. Namalayan ko na lang na malapit na ang mukha ni Jerick sa akin at unti unti, dumampi ang labi niya sa labi ko. Pilit niyang binubuka ang akong bibig. Nadadala naman ako sa emosyong nangyayari. At namalayan ko na alng na lumalaban na rin ako sa kanayng halik. Ngunit, bigla na naman pumasok sa isipan ko si Vince. At iyon ang hudyat ko sa pagkawala sa nangyayari. Pero, naramdaman ko na lang na inihiga ako bigla ni Jerick at hinalikan na lang ako bigla. Mapusok na ang kanyang mga halik. Iniiwasan ko an ang kanyang mga halik ngunit talgang nakulong na ang kaing mukha sa kanyangb mga kamay. Di ko na maintindihan kung ano ang nangyayari kay Jerick, pilit niya akong hinahalikan. Humagilap ako ng lakas at itinulak siya. Kitang kita ko ang pagkabigla niya at sa di ko malamang dahilan eh yung pagkatulala at pagkawala sa sarili. Di niya siguro alam ang nagawa niya. Tumayo ako at palabas ng kwarto ng hawakan niya kamay ko. “Sorry...di ko lang napigilan....sorry tol...” nakita ko ang maluha luha niyang mata. “Hwag mo na lang intindihan yun. Isispin mo na walang nangyari.” At tuluyan na akong lumabas ng kwarto. Itinulog ko lang ang mga ito dahil na rin sa epekto ng gamot.





Ilang araw din akong hindi kumikibo kay Jerick at ni Jude. Di ko alam kung papaano pa babalik ang dati. Di ako makagalaw ng ayos dahil na rin sa mga sugat na nasa katawan ko. Dumaan ang isang linggo at gumaling ng paunti unti ang aking sugat. Habang nasa kwarto ako, naramdaman ko na lang bumukas ang kwarto at nagulat ako sa iniluwa nun. Si Jude. Lumapit siya sa akin ng walang anu-ano. “May kailangan ka ba?” tanong ko sa kanya. “Ahm.....tito.....tito....” di niya matuloy sinasabi niya. “Tito Kyle na lang...”. “Tito Kyle....gusto ko lang po kasi magpasalamat at magsorry po sa inyo..... Salamat po at hindi niyo ako isinumbong......sorry po kung nagawa ko po yun......di ko sinasadaya talaga...kaso nga lang....medyo nagseselos po kasi ako weh....kasi nung dumating po kayo ikaw na lang lagi inaalala niya..nakaklimutan na niya ako..huhuhu...” nakita kong umiiyak si Jude. “Wag mo ng problemahin yun...ok lang yun...pati wag ka ng mag alala...ok lang ako....di ako nagaglit......sorry kung nagseselos ka ha.... yaan mo...lalayo an ako sa daddy mo....” sabi ko. “Naku...wag po...kasi lalong malulungkot yun... Kasi naman...mula ng di kayo nagpapansinan...laging nakatulala.......sana po ibalik ninyo po ang dady sa dati.......kung nag away po kayo..sana po magkabati po kayo.....para sakin po....huhuhu...” at napahagulgol na lang si Jude.





Dahil na rin sa nangyari, napagdesisyonan ko na makipagusap na kay Jerick. Pinatahan ko si Jude sa kanyang pag iyak. Hanggang sa unti unti nakatulog siya sa aking hita. Inayos ko ang posisyon niya sa akin. Akmang tatayo na ako ng bumukas ang pinto at iniluwa ang imahe ni jerick. “Ahm....sorry sa ana ko ha......kinukulit ka ata...” sabi niya. “Ok lang...wag ka mag alala......medyo napagod lang kakiyak...” sagot ko. “Umiyak? Bakit...” tanong niya. “wla naman..... nga apla..... pede ba tayong mag usap?” tanong ko sa kanya. “Ahm....sige...wait lang...ilalagay ko lang si Jude sa kwarto niya...hintayin mo na lang ako.” At kinuha niya si Jude. Habang nag hihintay naman ako sa kanya, hindi ko alam kung gaano kakaba ang nararamdaman ko. Good luck na lang sa akin. Hanggang sa dumating siya. Nagusap kami dun sa may veranda ng kwarto ko.






“Tungkol san ba yung pag uusapan natin tol?” tanong niya. “Una, tungkol sa anak mo....” sagot ko. “Kay Jude? Bakit naman?” tanong ulit niya. “Nag open ang anak mo sa akin na lagi ka na daw malulungkutin.....di an daw tulad ng dati?.... nag simula daw yun nung iwasan na kita.... totoo ba?” sagot ko. Tahimik, wala akong sagot na narinig. Naghintay ako sa sagot niya hanggang sa nagsalita siya. “Tama ang sabi ni Jude. Di ko alam kung bakit pero laging kulang ang pakiramdam ko pag wala ka jan. Laging wala ako sa mood, nakatulala pag di kita nakakausap.... ewan ko ba kung anong karisma ang dinulot mo sa akin at nagkakaganito ako... Last kong naramdaamn ang ganitong kalungkutan nung iwan ako nung Babeng mahal ko.” Pinakinggang ko ang bawat sagot niya. “Pasensiya ka na ha.... Lagi na lang ako nagiging problema dito... Di ko aalam kung bakit nagkakaganyan ka... sorry talga.” At naramdaman ko na lang biglang bumuhos ang luha ko. “Wag ka ng umiyak.....di mo kasalanan... halika nga...” at niyakap niya ako ng mahigpit. Nagtagal kami sa posisyon na yun. Para tuloy kaming magkasintahan na naglalambingan. Ramdam ko pintig ng kanyang puso. Ang sarap talaga pag may kayakap ka, parang ayaw ko na nga matapos ang gabing ito.






“Meron akong nararamdaman dito sa puso ko para sa iyo...” ang narinig ko na lang sinabi niya. Bigla akong kumawala sa kanya. Hinwakan agad niya ang aking kamay ng mahigpit at hinalikan. “Pero, hahayaan ko muna malaman kung talaga bang..... MAHAL KITA....” maikli at malaman niyang pahayag. Natigilan ako dun. Di ko alam kung anong salita amng maaari kong masabi. “Hayaan mong sa ngayon damhin ko muna ang pagkatao mo.... gusto kitang yakapin na parang asawa ko..... nananabik ako sa yo...di ko alam kung eto na talaga.... bumibilis tibok ng puso ko sa iyo.....” at sa isang iglap, nakakulong na naman ako sa kanyang bisig. Malakas na rin ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. “Di mo dapat mahalin ang tulad ko.... may anak kang tao, di kasiya siyang tignan na nagmahal ka ng ganito lalo na sa akin. Di mo dapat mahalin ang tulad ka, bisexual ako...samantalang ikaw isang straight...... wag mo akong mahalin.....” ang pag pipigil ko sa kanya.






“Kaya bang diktahan ang puso? Kaya ba nitong pigilan ang pag ibig ko sa iyo... Di ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko sa iyo. Lagi kong naiisip ang iyong mukha, boses, tawa at marami pa... lagi bang gusto kong makasama ikaw at siyempre halikan ang labi mo. Kaya nga nung nagkaroon ako ng pagkakataon, di ko napigilan ang sarili ko. Mahal na ata kita Kyle..... mahal na mahal.... kaya wag kang matakot mahalin ng isang tao.” Sabi niya sa akin. “Pero mali ito. Sobrang mali... AT isa pa... Ayoko ng masaktan... sawang sawa na ako na nasasaktan... sawa na akong maging baliw sa pag ibig... Ayoko ng lumuha ng sobra, magmukmo at halos magakamatay sa sakit pag nawala pa ang mahal ko.... Mkaakbuti sana kung magkaibigan lang tayo. Ayoko na ring maging alipin pa ng pagmamahal... Natatakot ako....” Sabi ko. “Wag mong sabihin yan.... Narito ako... di kita iiwan. Para sa iyo, mamahalin kita. Di kita sasaktan. Lagi mo yan Tatandaan. Mahal na mahal kita...... Di ka an mag iisa. “sa bi ko sa kanya. “Pero... di dap....” di natuloy ang sasabihn ko ng iharap niya ako bigla at siniil ng halik. Sauna di ako tumutugon, ngunit nung pinipilit niyang iapasok ang kanyang dila sa aking bibig, tumugon na rin ako. Dinama ko ang buong katawan niya. Para tuloy kaming mga batang di magkamayaw sa pagkain ng chocolate. Halos di na kami tumigil sa paghahalikan. Ngauon lang ako nakaranas ng ganitong sensasyon.






Masarap ang paghalik niya sa akin. Mabango pa din ang bibig niya. Nakayakap pa rin siya sa akin at nakukulong ako sa kanyang matatatag na bisig. Nakaangkla na ngayon ang kamay ko sa ulo niya. Isang kongklusyon ang nabuo sa akin, na baka mauwi ito sa isang pagtatalik. Pero nagulat an alng ako ng siya mismo ang kumalas sa pagahhalikan namin at nagsalita. “Gusto ko na makuha ang buong pagkatao mo kapag tayo na. Kya handa akong maghintay para sagutin mo. Pinapayagan mo ba akong manligaw sayo? Pwede ba? Mahal na mahal kita. Sna payagan mo na ako.....” nakita kong pagmamakaawa niya. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. Since may itinatago rin akong damdamin sa kanya. “Salmat talaga... yaan mo.... gagalingan ko sa panliligaw. At bago siya lumabas ng kwarto, nagnakaw pa siya ng halik sa akin. Pagkaalis niya, hindi ko napigilan ang ngumiti na parang tanga at kiligin. Hindi tuloy ako dalawin ng antok. Pag pinipikit ko ang aking mata, siya ang naiisip ko wala ng iba.





At habang nakapikit ang mata ko, di ko na namalayang nakatulog ako. Nagdaan ang mga araw na nakita ko ang pagpupursige ni Jerick sa panliligaw. Unti unti na ring naging mabait si Jude. Lagi na siyang masayahin sa nakikita niya sa daddy niya. “Tito Kyle, salamt po ng marami ha....” sabi niya. “Wala yun...ano ka ba.. Heheheheh.” Sabi ko naman sa kanya. “Tito.. pwede ba kitang tawaging... daddy din?” tanong niyang nahihiya hiya pa. “Hahahha.... naku iakw talaga..... pwede rin..hahahah ikaw ang bahala.....” sago tko. “Yehey.... salamt daddy....nyaahahhah...” di ko namalayang naroon si Jerick at nakikinig. “Pano bayan.... para na rin kitang asawa nan...hahahahah....” Pabulong niya sa akin. Sabay kindat at tumalikod na. Natatwa naman ako sa nangyari.





(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment