sorry po kung natagaln ha....haixt.....di kasi ako makagamit ng computer...masyadong mahigpit na sa akin dito...haixt....
yhum ko, mahal na mahal na mahal na mahal kita...hahahahha...love you po..mamat sa pagpunta nung bday ko...hahahahhaha. i love you...mwapz....
Olweiz hir,
D.K
_______________________________________________________________________________________
At habang nakapikit ang mata ko, di ko na namalayang nakatulog ako. Nagdaan ang mga araw na nakita ko ang pagpupursige ni Jerick sa panliligaw. Unti unti na ring naging mabait si Jude. Lagi na siyang masayahin sa nakikita niya sa daddy niya. “Tito Kyle, salamt po ng marami ha....” sabi niya. “Wala yun...ano ka ba.. Heheheheh.” Sabi ko naman sa kanya. “Tito.. pwede ba kitang tawaging... daddy din?” tanong niyang nahihiya hiya pa. “Hahahha.... naku iakw talaga..... pwede rin..hahahah ikaw ang bahala.....” sago tko. “Yehey.... salamt daddy....nyaahahhah...” di ko namalayang baroon si Jerick at nakikinig. “Pano bayan.... para na rin kitang asawa nan...hahahahah....” Pabulong niya sa akin. Sabay kindat at tumalikod na. Natatwa naman ako sa nangyari.
Natatawa na lang ako sa sinabi ni Jerick sa aakin.
Dumaan ang ilang linggo at malapt na ang pasukan. Tinanong ako nila Tito At tita kung saan daw ako mag aaral. “Ahm.... wala pa po ako alam na mapapsukan dito, at saka po wala po akong dala pam paaral po eh....” sabi ko sa kanila. “Wag kang mag alala... kami na bahal dun..... wag ka ng mamroblema.... ang kailangan na ;ang natin ay yung files mo para sa pag inquire s mag universities.” Sabi ni tito. “Naku po... nakakhiya naman po sa inyo.....” sabi ko. “Wag ka ng mag alala, para na rin namin ikaw kapamilya...” sabi ni Tita. “Di na po kailangan po, nakakahiya naman po sa inyo po eh. Pati tama na po ang pagtira ko po dun... sobrang malaki na po yan inaalok po ninyo.” Giit ko sa kanila. “Naku topl...wag ka ng tumanggi pa...pag sila papa ang nagdecide eh wala ka ng mgagawa... akya pumayag ka na lang...” sabi sa akin ni jerick. “Salamt po.heheheh..>’ tangi kong nasabi. “Ahm bukas ba, pwede ninyong kunin mga files mo para makapaginquire at exam na kayo. Lahat ng files mo. Ha.... Sasamahna ka naman ni jerick. “ Ksabi sa akin. At iyon, yun na ang pag uwi ko sa Laguna.
Kinagabihan, bago ako matulog, isang katok ang narinig ko. “Tuloy yan. Bukas po iyan.” Ang sinabi ko na lamang. Si Jerick pala ang kumatok. “Handa ka an ba para bukas?” tanong niya sa akin. “Ok lang naman...hahahahha... eh Ikaw?” tanong ko pabalik. “Ok lang naman din. Hahahha.” Pero deep inside, mixed emotion ang nadarama ko. Una masaya, kasi makikita ko na ulit ang aking mga magulang. Sobrang nasasabik ako na muli silang maksama. Azt pangalwa, ninenerbyos, kasi di ko alam kung papaano ka kakaharapin si Vince sakaling magkita ulit kami. Ano kaya ang mangyayari sa akin. Makakyanan ko bang harapin siya? Kaya ko kayang maging matatag sa harapan niya? Yan ang mga tanong nabuo sa akin bago ako makatulog ng panahong iyon.
Isang bagong umaga ang sumalubomng sa akin. Masigla at maaliwalas sa pakiramdama. Kay sarap gawin ang mga dapat gawin. Ngayon ang araw ng muling pagbalik sa nakaraan. Nasasabik na ako sa muling pagbalik namin. Haixt. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang makisig na si Jerick. Isang ngiti ang isisnalubong sa akin. Nagulat ako sa naging ayos niya. Nakahubad siya pang taas at isang manipis na boxer shorts. “Good morning mahal ko...” bati niya. “Hahahah... loko..mahal ka jan...” sagot ko. “Wew.....ayaw pa maniwala eh... hahah...payakap nga sa nililigawan ko.....” hahahah. Sabay sampa sa kama at niyakap ako ng kay higpit. “Okay...dahil sa pagyakap mo ng mahigpit... 10 points...wahahaha...joke lang...nyahahahah.....kaw ha.... nag exeed ka an naman..hahahah....” pabiro ko sa kanya. “hahahah...pagbigyan mo na...hahahahha”. Sabi niya. “Kain na tayo diba? Kaya ka umakyat dito?” sabi ko sa kanya. “Ahm..oo.....naisipan ko kasi na breakfast in bed eh.....” sabay ngiti ng nakakkaloko. “O nasan ang pagkain?” tanong ko. “Ayan o...nasa harapan mo na....” sabay turo sa sarili. “Loko ka talaga..... sus.... pagkain ba yan...naku mga iniisip mo ha....” sabi ko sa kanya. “Ganun talaga kasi, kung ikaw ang puno, at ako ang baging, pwede ba kitang gapangin?” napatawa ako sa sinabi niya. “Asus...bumanat ka na jan ha.... adik...ang corny.” Sabi ko. “Hahahah...di mo lang ma kaya ang kasweetan ko sayo.... kasi alam mo ba na kahit may rabis man yang laway mo... handa akong maulol....makahalik lang sa yo.....” at nagtawanan kaming dalawa.
“Ginawa ba naman akong aso...asus.... maniwala sayo....” sabi ko. Bigla nalang akong hinablot sa ulo at hinalikan ng mapusok. Mabilis lang pero malaman. “I love you Kyle Archangel.....”sabay kindat. Nakakloko talag ang ngiti at mukha ni Jerick. Lalo na pag lumalabas ang iniingtang dimples. “salamt sa pagmamahal..... maraming salamat..... yaan mo...malapit na...hahahah..mag hintay ka lang....” ang tangi kong nasabi sa kanya. “Handa akong maghintay sa yo..... alam kong darating din tayo jan.” Sagot niya. Unti unti na akong nahuhulog kay Jerick. Mahal ko na siya noon pa, pero gusto kong matiyak kung tama ba at totoo ang nararamdaman ko. At nasigujro ko naman iyon. At may balak na akong sagutin siya. Bigla na lang may kumatok sa pinto.
“Daddy... kakain na daw po...” ang batang si Jude. “Ah... ok..babab na kami....hehehhe” sabi ni Jerick. Sabay na kaming bumaba niJerick. Pinagsando ko na muna siya kasi nakakahiya naman kung dudulog siya sa hapagkainan ng naka boxer shorts lang. Naruon na rin sila tito at tita. “Ahm..anong oras ba kayo aalis?” tanong ni Tita. “Bale po pagkatapos po ng pagkain po natin eh aalis na po kaming dalawa. Baka rin po magtagal rin kami dun po kasi siyempre po para makasama ni Kyle ang kanayng mga magulang.” Mahabang pahayag ni Jerick. “Ok...sige...ok lang... basta kailngan ninyo lang makuha yung mga papers na kailngan.” Sabi ni tito.
Gaya ng sabi ni Jerick, nag ayos na ako ng gamit at sarili para makaalis na agad kami. Kagabi pa ako nakahanda ng damit. Naligo na ako at nag ayos. Sinipat ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, nag hihintay na si Jerick. Lalong tumingkad ang kisig at gandang lalaki ni Jerick sa suot niyang polo shirt. Iyon yung tshirt na pinili ko para sa kanya noon nung nag gala kami. Mga 9 am na kami nakaalis. Mahba haba ang byahe pero di naman gaano kahabaan at katagalan. Habang nasa daan, tuloy tuloy pa rin ang kakulitan ni Jerick. Tawa lang kami ng tawa. Anjan yung pagbirit ng mga banat lines at kung anu ano pa. Ang sarap kasama ni jerick sobra.
“Ahm....mahal ko, tigil muna tayo jan ha.. bibili tayo pasalubong para kila inay.” Sabi ni Jerick. “Naku.... maka mahal ka jan at maka inya ka ha....wagas ha...parang advance ka ata? Hahahah” sabi ko. “Ganun talaga...a.dvance dapat lagi....kesa naman sa mahuli ako..mamay may makaagaw pa sayo eh.” Sabay kindat ulit. Loko talag yun. Pinaghintay na lang niya ako sa may sasakyan. Ilang saglit lang at bumalik na rin siya. “ mahal ko..... eto oh...bumili rin ako para sa atin para di tayo magutom.” Sabi niya. “Mamat...mabubusog na naman ako nito. Eh ikaw ba. Ano binili mo para sayo?” tanong ko. “Hati na lang tayo jan.” Sabi niya. “Pano ka kakakin?” tanong ko. “edi susubuan mo ako gamit ang iyong mahiwagang kamay. Kung gusto mo nga eh kagatin mo tapos isubo mu sa akin... hahahahhan” pagbibiro niya. “Ah ganon pala ha.. bahala ka jan.. di kita susubuan...” pagbibiro ko. “Asus... ako ba eh matitiis mo? Etong gwapong ito... etong pinakamamahal mo?” pangontra niya sa akin. “Asus... feelingero... hahahah.....” sagot ko. Ganun lang kami ng ganun sa sasakyan.
Hanggang sa marating na namain ang Calamba Laguna. Ang bayang sinilangan ko. Di pa rin nagbabago ang itsura nito. Tinuro ko kay Jerick kung saan ang daan patungo sa amin. Hanggang sa marating na namin ang bahay namin. Ng makababa na kami, di ako makahakbang. Kahit na sabik na sabik ako na makita sila nanay, kinakabahan pa rin ako, “Kyle.... tara na....wag ka ng matulala jan....” pambibiro sa akin ni jerick. “Loko.... ahm nga pala.....eto ang bahay namin...” sabi ko kay Jerick. Pumasok na kami sa gate at lumapit sa may pinto. Kitang kita ko si nanay na naglilinis ng bahay samantalang si tatay naman ay nagluluto sa kusina. “I..inay.... itay... “ang nautal ko. Nakita kong tumingin sa aking dako sila nanay at parang gulat na gulat na nakita ako. Lumaglag ang luha ko at niyakap ko sila. Nagmadali silang lumapit sa akin at niyakap din ako. “Miss na miss ko kayo nanay, tatay... mahal na mahal ko kayo...... huhuhuhu... kamusta na po kayo?.......” tanong ko.
“Ok lang kami anak? Ikaw musta na? Ang laki na ng pinagbago mo, nagkalaman ka na... naku... tuwang tuwa kami at dumating ka na.... lagi ka naming inaalala.. namimiss ka na rin namin.” Sabi ni nanay. “Ok lang anman po ako... mabait po kumupkop sa akin.... nga po pala, nay, tay, si Jerick po pala, kaibigan ko po....” pagpapakilala ko kay jerick. “jerick po pala...” pagpapakilala niya sa sarili. “Naku iho.... salamt anman at may kaibigan si jerick sa may lungsod.... ahmm....” sabi ni nanay. “Ano po un? May gusto po kayo itanong?” biglang sabi ni jerick. “kibigan lang ba o katipan?” sabi ni nanay. “Ah.. nako po... hindi pa nga po eh.... di pa ako sinasagot ni Kyle. Siguro po malapit na.... heheheh” sabi ni jerick. “Ah gayon ba. Ingatan mo anka namin ha. Ayaw namin na nasasaktan iyang batang iyan.” Sabi ni tatay. “Naku tay, kayo talaga. Mabait yang si Jerick.” Sabi ko. “Maupo muna kayo jan sa may salas.’ Paanyaya ni Nanay.
Dami ng nagbago sa bahay, marami ang nadagdag dito. “Anak, buti at bumalik ka dito... sobrang nag alala kasi kami sa inyo. Lalo na kay Vince. Pero ok na naman ang lahat. Ano ang sadya ninyo anak?” tanong ni tatay. “Kukunin ko po kasi yung mga files ko po para makapag inquire sa college.” Sagot ko. “:Naku ganun ba, hintayin mo lang anak at hahanapin ko sa kwarto namin.” Sabay lapag ng meryenda. “Jerick, jan ka muna ha... punta lang ako sa kwarto ko ha.” Pamamalam ko. Dumiretso ako sa kwarto ko. At nagulat ako sa aking namalas.
Punong puno ng mga teddy bear ang kama ko. Mga sulat, bulak lak at mga lobo. At natitiyak ako kung kanino galing ang mga iyon. Kay Vince. Kinuha ko ang isang teddy bear at biglang nagsalita. “Mahal na mahal kita... I love you Mr. Kyle Archangel Montellan. Im sorry. Pls. Come Back...” nagulat ako dun. Bigla na lang ang iba ang mood ko. Lumungkot ang nararamdaman ko dahil sa teddy bear na iyon. Kinuha ko pa yung mag sulat. Lahat para sa akin. Binuksan ko ang isa na nagsasabingh Happy Monthsary.
To my dearest Kyle,
I love you so much. Im sorry for all the heartaches ive made. Please come
back to me. Im missing you so much. I can’t live without you. I don’t want to miss
you like this. Mahal na amhal kita sobra. Sorry na salahat. Ikaw lang ang mahal ko
maniwala ka............
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment