Sunday, March 27, 2011

Campus Figure- Part 27

sa lahat... ayon eto na ang continuation..salamt sa mga ngcomment...


Yhum... sorry po sa nanyari..... i love you..... advance po...mahal an amahl po kita....



Olweix hir...

D.K


_____________________________________________________________________________________



Dahil na sa hilong hilo na ako at napagod marahil sa kasasayaw, naisipan kong umupo at magpaalam kay Jerick. Bumalik ako dun sa inuupuan namin. Ilang oras akong nanatiling nakaupo dun at niallaklak ang alak na nakahain doon. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganun na lang ang naramdaman ko nung makita ko si Vince na may akto na ganun. Mga ilang sandali matapos mapagisip isip ng kung anu-ano, hinanap ng mata ko si Jerick.





Pero yun na lang ang gulat ko ng makita ko ang nangyayaring kababalaghan kay jerick. Hindi ko naatim na tignan ang pangyayaring iyon pero tila wala na akong kontrol sa sarili ko at hindi ko maiiwas ang mata ko. Tumulo bigla ang luha ko. Hindi ko alam na ganun ang gagawin ni jerick. Ang pinakamasakit na makita na may kahalikan na isang babae ang taong mahal mo. Akala ko iba siya, ganun din pala siya. Ganun na ganun. Bigla na lang nagbago ang tingin ko sa kanya. At ng makayanana ko ng kontrolin ang sarili ko, naramdaman ko na lang ang sarili kong tumatakbo papuntang labas ng bara at humahagulgol sa pag iyak.





Nang makalabas na ako ng bar, sa may parking lot ako nagpunta. Open ang field at rinig na rinig ko ang tugtog sa loob ng bar. Wala sa akin ang susi ng kotse kaya pinili ko ang maghanap ng maganda at komportable na lugar upang ialabas ang sama ng loob ko. Iyak lang ako ng iyak. Wala akong pakiaalam kung may makakita man sa akin. Pakialam ba nila, bakit sila ba ang bumubuhay sa akin, sila ba ang nasa kalagayan ko? Ano bang pakialam nila, mind their own business. Parang praning lang ako. Wala ba sa wisyo kung tawagin. Ilang sandali akong umiyak ng umiyak hanggang sa may lumapit sa akin at nag abot ng panyo. Tumayo naman ako upang kialalnin ang taong iyon at upang magpasalamat sa pagbibigay ng tulong. Pero laking gulat ko na lang ng makialla ang taong iyon.






Si Vince. Nagkatitigan lang kami, walang salita ang lumabas sa aking mag labi. Di ako makapagsalita. Tila napipi ako sa pagkakataon na iyon. Nakita ko ang sinserong mata niya na namumutawi sa kanyang mukha. Di ko amlaman ang agagwin ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng panahon na iyon. Maya maya nagsalita siya. “Ano tititigan mo na lang ba ang gwapo kong mukha?”






Ewan ko ba pero napatawa na lang ako ng sabihn niya yun. “Ang adik mo... naku ang kapal ha.. nag patawa ka pa..... sinong may sabing gwapo ka? San banda ha? Sa paa?” pang aalaska ko sa kanya. Pero deep inside ay nagsasabing “oo gwapo ka, kailnman di magabbago iyon...gahahahh”. “Yun ba talaga ang comment mo? Di ako naniniwala eh... heehehhe...” sabi naman niya. “Asus.... kapal mon talaga...pero anyway... thanks sa panyo ha.....” sabi ko sa kanya. “Your welcome my king...heheheh... its a pleasure na pagsilbihan ka... mahal ko.... heheh...joke lang...heheh” nagpapatawa siya pero alam kong idinadaan niya lang sa pagjojoke ang gusto niyang sabihin.






“Okay ka na ba?” tanong niya sa akin. “Oo...salamt sa patawa mo... heheheh....” sagot ko. “do you want to talk about it?” tanong niya. “Ahm... hindi na.. wag na muna... i want to enjoy your accompany muna... hahahahha.. namissed kasi kita weh...sobra...hahah joke lang...” sabi ko. Ewan ko kung bakit ganun na lang ang lumalabas sa bibig ko. “Ako rin naman eh.. sobra sobra.... hahahah.... kamusta naman ang buhay mo ngayon?” tanong niya. “Ayon.. okay naman...dami pinagbago....hahahah.. naging maaayos din aman... masaya at kuntento...heheheh...eh ikaw naman?” sagot ko. “Ahm...okay din aman... medyo magulo ng onti...hahahah.... pero nagsusurvive pa rin naman.....” simpleng sagot niya. “Ah..nice naman... hahahah.... sorry nung one time na nagkita tayo.... di ko sinasaday yun... medyo nadala lang ako ng emotions ko... kaya yun na lang” pagpapaliwanag ko. “Okay lang... tama ka naman at yun ang mali ko.... buti na lang at nasabi mo iyon at natauhan ako.... salamt nga pala.....” sabay hawak sa kamay ko. Kakaibang init ang naramdaman ko ng hipuin niya ang aking akmaya. Ewan ko ba pero kakaibang init ang ibinigay nito sa akin.





“Para saan ng salamat mo?” tanong ko. “Para dito....” sabay hawak sa may kwintas na ibinigay niya sa akin. “Ah.... siyempre tinutupad ko lang ang kahilingan mo... naging special naman kasi ito sa akin eh... pinahalagahan ko ito ng sobra at ibinalik ko sayo dahil alam kong di ako karapat dapat dito... pero yun nga..... ibinalik mo pa rin sa akin.” Sabi ko. “Eto rin ang panagako ko sayo....” sabay labas ng kwintas na ibinigay ko dati. Di ko inaasahan na suot suot pa rin niya ang kwintas na iyon. Ilang bwan na ang lumilipas ng ibigay ko sa kanya ang kwintas na iyon. Mula iyon sa inipon kong pera at ibinigay ko nung monthsary namin. “Nice naman..... suot mo pa rin yan.. salam.....” at di ko inaasahan na muli, sa puntomng iyon. Nagtagpo ang kanyang labi at ang sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng katawan ko sa tagpong iyon.






Para bang ang katawan ko ay ayaw ng humiwalay sa katawan ni Vince. Hindi ko napigilan ang lumaban at tumugon sa kanyang mga halik. Oo alam ko sa sarili ko, nagugustuhan ko ang nangyayarai. Pero tama ba ito? Nagtataksil ako kay Jerick, pero pinagtaksilan din ako ni Jerick. Sa tagpong iyon, naramdaman kong muli ang labi ng naging isang bahagi ng buhay ko. Tumulo na naman sa aking mukha ang luha ko. Luha ng kasiyahan, ewan ko kung bakit kasiyahan. Basta yun na lang ang naramdaman ko. Naramdaman ko ang unti unting pag gala ng kamay ni Vince sa aking katawan. Nagpaubaya lang ako sa ginagawa namin. Nawala na ang galit sa puso ko. Para bang ang sugat na ginawa niya ay nag hilom bigla. Pero ng tagpong iyon, biglang sumalungat ang isisp ko. Kahit sa panandaliang ginagawa namin, biglang inudyukan ako ng isisp ko. Kumalas ako bigla kay Vince.






Nakita ko ang pagkatulala ni Vince sa nangyari. Patayo na ako ng hilahin ni Vince ang kamay ko. “Kyle... sorry.. di ko napigilan.....” sinsero at buong boses niyang sinabi sa akin. “Okay lang... kasalanan ko din naman.... nagpaubaya ako sa ginawa natin...” tatalikod na sana ako ng yakapin ako ni Vince.





“Mahal na amhal pa rin kita Kyle. I want you to be back to mine... I want you back,... Kyle... I love you.... mahal na mahal kita.....sobra..... please... i beg you....” mula sa pagkakayakap, nakita kong lumuhod siya sa harapan ko at tila isang musmos na nagmamakaawa. “Vince... hindi na tayo pwede...dami na nating commitement sa buhay.... ako kay Jerick at ikaw naman dun sa anak mo.... diba sabi ko na sayo noon... hindi tayo pwede.... dahil nandyan na ang anak mo... Vince.. mag isisp ka nga....” medyo mataas na tono kong pagsaasabi. “Kyle..... sobra kitang mahal... oo sabi ko noon na panangutan ko yung sanggol, pero di ko siya pakakasalan.... at one more... kung ang kinakatakot mo ay ang commitment ko sa bata... wala ka ng aalalahanin pa?” pagpapaliwanag ni Vince. “bakit? Anong ginawa mo sa bata? Ha? Sabihin mo sa akin.” Tanong ko. “Easy lang mahal ko...... napatunayan ko na hindi sa akin ang bata..... niloloko lang tayo ni Elisa.... wag kang mag alala...... wala ng sabit sa side ko....” tuwang tuwang pagpapahayag ni Vince. Bigla na lang tumulo ang luha ko sa hindi ko sinasadyang dahilan.






“Nagsisinungaling ka... sinasabi mo lang yan dahil gusto mong makawala sa nakaraan...... aminin mo na.. ikaw ang ama ng dinadala ng babaeng iyon.” Pag hihisterical ko. “Ano ka ba? Ako na nagsasabi... walang nangyari sa amin.... nung magkalasingan kami, hindi natuloy ang balak niya... gusto niyang akuin ko ang bata sa kanyang sinapupunan..... hindi mo alam ang nangyari.... kung sana hindi naging sarado ang isisp mo... malaman masaya tayo ngayon... malamang akin na akin ka.... hindi ako makakkapyag na hindi ko linisin ang pangalan ko.... di rin ako papayag na mapunta ka sa iba... akin ka lang... mahal na mahal kita.....” pagsusumamo ni Vince.






Natigilan ako sa mga sinasabi niya. Naguguluhan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba ngayon lang naglalabasan ang lahat. Kung kailan naipangako ko na ang sarili ko sa iba. Bakit ganoon na lamang ang nangyayari sa buhay ko. Matama kong hinaplos ang mukha ni Vince. Ngayon alam ko sa sarili ko at buong buo kong inaamin na mahal na mahal ko pa rin siya. Pero sadyang hadlang ang panahon, ang tadhana, para bang ayaw niya kaming pagsamahin. “Mahal na amhal pa rin kita Vince... hindi nawala yon... ano mang pilit ang gawin ko, patuloy pa rin ang pag apaw nito. Itago ko man, lumalabs din... pero.... huli na ang lahat... naipangako ko na ang sarili ko sa taong umalalay sa akin sa lahat ng paghihirap ko... siya ang nandiyang ng saktan mo ako... nandiyan siya upang maging sandalan ko.. kaya patawad Vince.....” ang tangi kong nasabi ko sa kanya. “Pero...Kyle... Mahal ko... alam natin sa isa’t isa na nagmamahalan tayo... ipaglaban natin ito..may magagawa pa tayo...please... give me another chance,...” lumuhod siya ulit sa harapan ko. “Tumayo ka jan....... di na talaga pwe....” at yun hindi na naman niya ako pinatapos at siniil ng mapusok at nagaalab na halik.






Hindi ko na napigilang ilabas ang emosyong namayani sa aming dalawa. Mahigpit ko siyang niaykap, dinama ang katawan.... buong buo ko siyang hinahalikan na para bang walang ng bukas. Gumagala na rin ang kamay niya sa buo kong katawan. Inumpisahan ko nghigpitan ang pagkakayakap ko sa kanyang ulo hanggang sa may pwersang naghiwaly sa amin at tuluyan akong namulat at ikinagulat ko ang taong nakita ko. Si Jerick na nag aalab ang mga mata na nakatingin sa akin. Bigla niyang sinuntok si Vince. Nagbuno ang dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin kong awat. Hinila ko papalayo si Jerick kay Vince. Pinaghiwalay ko silang dalawa at hinarap si Jerick.







“Jerick tama na....” awat ko. “Ganyan ba igaganti mo sa akin ha? Matapos kitang mahalin at alagaan... makikita lang kita na nakikipaghalikan jan sa ex mong walang hiya... wala siyang ginawa kundi ang saktan ka..... ano ba ang nangyayari sa yo?” sabi niya sa akin. “Tumigil ka na... oo minahal mo ako.. pero nagkamali ako.. manloloko ka!” isinigaw ko sa mukha niya. Isang sampal ang dumapo sa mukha ko galing kay Jerick. Ramdam ko ang sakit at hapdi nito. Di ko na namalayan na may dugo na rin palang lumabas sa aking bibig. Napatigil si Jerick. Bigla na namang sumugod si Vince kay Jerick at natumba si jerick.








“Pare... walang hiya ka.. inaalagaan ko ng lubusan yang mahal ko.... pero sasaktan mo lang...... napakawalang hiya mo......” sabi niya kay Jerick. Natitigilan pa rin ako dahil hindi ako makapaniwala na nagawang sampalin ako ni Jerick. “Ang akapl ng mukha mo pare.. matapos mong paluhain yang asawa ko.. ganyan ang isusumbat mo sa akin.. nang dahil sa iyo.... nasaktan ng sobra si Kyle..... ikaw ang nanakit sa kanya ng sobra hindi ako...” panunumbat ni Jerick. Akmang susugod si Vince ng biglang nagsidatingan ang mga katropa ni Jerick.






“Kyle... tara na... alis na tayo..” sabi ni Jeirck. “Mauna ka na.. hindi na muna ako uuwi....” at tumalikod ako sa kanya. “Kyle... halika na.... wag kang sasama kay Vince. Nagmamakaawa ko... lumayo ka sa kanya..... kyle.....” pagtawag niya sa akin. Pinipigilan siya ng mga kaibigan niya. Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad na kasunod ko si Vince sa aking likod. “Kyle..... sumama ka saakin... ano ba,.. bitawan ninyo ako..... Kkkkkyyyyyllllllllllllleeeeeeeeeeee......” sigaw niya.






Habang nagalalkad ako papalayo sa kanila, patuloy lang ang pagtulo ng aking luha. Nakabuntot pa rin sa akin si Vince. Hikbi ako ng hikbi hanggang sa mamalayan kong umakbay sa akin si Vince at inalo ako. “Kyle... sorry sa nagawa ko kay jerick....” paghihingi niya ng tawad. “Ayoko munang pag usapan....” malamig kong tugon.






“Nga pala... dun ka muna sa bahay namin dito sa Maynila... dun ka muna matulog... wag ka ng tumanggi....... please....” at dahil dun, napilitan akong magstay sa kanila. Ayon at tulala pa rin ako. Wala sa sarili. Si Vince na ang nagabyad ng pamasahe ko at lahat lahat. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila.






(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment