Monday, March 14, 2011

Campus Figure- Part 25

sa lahat po..pasensiya na po kung natagalan...sobrang busy lang talaga po....



i love you yhum....


olweix hir,
D.K

_____________________________________________________________________________________
“Kyle.... hintay...wait lang....” isang sigaw ang narinig ko mula sa isang lalaking humahangos papunta sa aking harapan. Noon ko inaanalyze at kinikilala kung sino tong lalaking humahangos sa akin. At laking gulat ko ng makilala ko ito. Ilang buwan na rin ang nakakraan mula ng magkita kami. Nagsimula yun nun sa convention namin. May nakilala ako isang lalaki an nagngangalang Jake Patrick Villanueva. Isang lalaking nakaktuwa at masaya kasma. Di ko aakalain na makikita ko siya dito sa university na pag aaralan ko.




“Kyle... ikawa nga....matagal na kitang hinahanap tol...” at niyakap niya ako sa gitna ng daanan ng tao at sa gitna ng maraming tao. Nagulat an lang ako sa ginawa niya pero di ako nagpahalata ng pagkabigla kasi baka kung ano isispin nila tito at tita. “Patrick, muntik na kitang hindi makilala ah.... ang laki ng pinagbago mo...... kamusta ka na?” tanong ko sa kaniya. “Eto ok naman,... kakaenroll ko lang kanina....ako lang ang nag asikaso kasi sila mama eh hindi pwede... daming commitmets sa work dami daw kasi clients. Eh ikaw kamusta ka na? Namiss kita ah....hahahah” sabay ngiti, isang pamatay na ngiti. “Ahm eto... ok lang naman... dito rin ako mag aaral eh.. nga pala Pat, si Jerick, tapos sila Tito at Tita.......” pagpapakilala nko sa kanila. “Nga po pala si Patrick kaibigan ko po...nakilala ko po noon sa convention...” dagdag ko. “Kamusta po kayo...”isang magalang na pagbati nito sa kanila. “Nga pala.... may sasabihin ako sayo Kyle.....” singit ni Patrick. “Pat...sa susunod na lang... alis na kasi kami ha.. magkikita pa naman tayo dito sa school eh.... wag kang mag-alala.... sige Pat una na kami ha... bye...” pamamalama ko sa kaniya. Tumango na lang ito at nabakas ang kaunting pagkalungkot pero di niya ito masyadong pinahalata.




Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, pansin kong biglang panlalamig ni Jerick. Kaya eyon, kinukulbit kulbit ko siya. Isang seryosong mukha naman ang itinutugon nito sa akin. Ano akya problema nitong mokong na to. Nasa loob ng sasakyan na kami sa likurang bahagi pero di pa rin ako pinapansin. Kaya kinurot ko na agad siya sa tagiliran. “Aray ko po..... ano ba... ang sakit nun ah...” galit niyang sabi sa akin. “Mas masasaktan ka sa akin pag hindi mo ako iimikan dito at hindi appansinin... sabihin mo lang at bababa na ako dito at aalis ako.....” pagabbanta ko sa kanya. “Ano bang aggawin ko.....wala naman akong problema.... kaya wala akong dapat sabihin...” sabi niya sa akin. “Bahala ka jan... kita na alng tayo sa bahay...” bahagya akong umangat sa upuan at agad anamn akong hinila pabalik ni jerick. Hinawakan agad niya ng mahigpit ang kamay ko. Iba talaga ang pakiramdam pag hawak mo ang kamay ng mahal mo. “Wag ka ng umalis....naiinis lang ako sa pagyakap sayo ng mokong na yun.... aba umaabuso ha... parang wala kami dun ah.. makapag eskandalo siya wagas..kainis.....” inis na bulong sa akin ni jerick. “Asus... kaya naman pala....nagseselos ang pobre... ang adik mo mahal ko.....ang loko nito...pag selosan ba naman...wala naman yun weh...hahahah ikaw nga itry mo minsa na yakapin ako sa may maraming tao...hahahahha.. naiingit ka alng eh... yaan mo sa bahay yayakapin kita buong magdamag....” sabi ko sa kanya. “Sabihin mo lang kung gusto mong yakapin kita...gusto mo ngayon na? O gusto mo mamay...hahahah” pagloloko nito sa akin. “Hahah.. ang adik mo.... I love you panget...” bulong ko. “I love you too panget...” sagot niya. Buti na lang at nasa may likuran kami ng sasakyan nila kaya kami lang ang nagkakaintindihan....hahaahh.




Nakarating na kami sa may mall na pupuntahan namin. Ewan ko kung ano ang gagawin namin dun. Siguro amy bibilhin sila tapos ako sunod na lang sa kanila. Frist time ko makapunta sa mall na yun. Dami tao siyempre.”Jick, nak, hiwalay na kami ha... may gagawin lang kami...kaw na lang abhala kay Kyle....eto pera o, mamili kayo...tapos kung kulang, mag withraw ka na lang..” sabi ni Tita. “Tapos kyle....pakibantayan tong anak kong pasaway...” dagdag pa nito. “Sige na ma...ayos na kami dito....nako di na po ako bata...kayo talaga.....txt txt na lang po....” at yun naghiwalay nga kami. Pumunta kami ni Jerick sa may 3rd Floor. Sumunod lang ako sa kanya. “Panget.... may gagawin ako sa yo ha....” sabi ni Jerick. “Ano yun...” tanong ko. “eto...” “Alin?” “ayan sa may harapan mo...” “Hala ka. Ano gagawin mo sa akin?” “Basta magtiwala ka sa akin... kailngan mo ng make over....para allong gumwapo mahal ko...hahah” at yun na nga, wala na akong nagawa, dinala niya ko sa isang styling station sa mall na yun. “Dan, hello.... nga pala, kaibigan kong si kyle... paki make over siya...yung bagay sa knya... kailngan mag iba looks niya ha....” sabi nito sa kausap niya. “Sige ba... malakas ka sa akin eh.... kaya pogi... tara na....” umupo ako sa may upuan dun. Di ko alam kung ano ang pinag gagawa sa akin. Ginupitan, kung ano ano pinahid at kung anu ano pa. Matapos ang ialng minuto, dun ko nakita ang kagalingan ng kanyang mga akmay. Halos di ko na makilala yung sarili ko. Ibang iba na. Ang dating sabog sabog na itsura ko, ngayon, nice cut at bumagay pa sa akin ang kulay ng buhok na kinulay sa akin. Sigurado akong magugustuhan ito ni Jerick.





Pagkalabas ko, nakita kong nag babasa ng magazine si Jerick habang nakikinig ng music. Ng mag angat siya ng mukha, kitang kita ko ang pagkahanga niya. Tumayo agd siya at lumapit sa akin. Hinawakan ako sa balikat at sinipat sipat ang mukha ko. “Panget.... ano tutunawin mo ako sa titig mo?” pagbibiro ko sa kanya. “Adik ka panget.... ang yabang nito porket bagong gupit ka lang..hahah pero sa totoo lang... di kita nakilala....bagay sayo hahahha...” sabi niya sa akin. “Dan... galing mo talaga... the best ka...hahahahha....” at inabutan niya ito ng abyad. “Keep the change....” sabi ni jerick. “As always...haahaha” at yun umalis na kami nun.




Habang naglalakad kami sa mall, pinagtitinginan kami ng mga tao. Natatawa na lang ako. Pumasok naman kami sa isang department store. At ang ginawa namin dun, bumili ng bumili ng mga kung anu-anong damit na babagay daw sa akin. Napakarami naming binili sobra. Hanggang mag text si tita. “Panget, sabi ni mama eh kita daw tayo sa food court..kakain daw tayo dun.....” sabi niya. Kaya ayon, punta kami ulit sa 3rd floor. Ng makita ko nila tito at tita, maging sila nagulat sa malaking pagbabago ko. Isang oras ang makalipas ng maisipan namin na umuwi na ng abahy. Kawawanaman kasi si Jude, di siya na kasama. Humanap muna kami ng pasalubong paar di magtampo.




Paguwi namin ng bahay ayon at sinalubong agad kami nito. Buti na lamanag at naalal kong dalhan ng pasalubungan ang anak nitong si Jerick. Dahil sa mag aggabi na rin ng makauwi kami, ayon at naghinaw na ako ng katawan at nagpalit ng damit. Isang sunod sunod na katok ang sumalubong sa aking pinto. At siyempre sino kaya ang kakatok ng ganito, si jerick. “Mag googood night lang ako....” sabi niya. “Ayon lang ba? Naku kilala kito Mr. Panget... ikaw talaga...tsk tsk.” Sabi ko sa kanya. “Hala ka... wala kaya...adik to... naku, ang sama sama ng iniisip mo..” savbay yakap sa akin ng isang mahigpit. “I Love you panget ko....mwapz...” at ilang minuto kaming nanatiling ganun ang posisyon. Ang sarap talaga sa pakiramdam.pero bigla akong may naalala. Ang sinabi sa akin ni Patrick dati.




“Kung sakali man na magkita tayo ulit….may sasabihin ako say o…… asahan mo yan…..” ang biglang singit sa aking utak. Iyon kaya ang sasabihin niya sa akin dapat? Pero matagal na yun baka nakalimutan na niya yun. Ano koya ang sasabihin niya sa akin.





“Panget... ayos ka lang?” bigla akong nagising sa wisyo ko. “Ang lalim ng iniisip mo ah? Sabi ni Jerick. “Ah ok lang ako... pagod lang to... tulog na ako panget...ikaw rin....i love you panget” sabi ko sa kanya. “i love you too.... penge muna ng good night kiss.. “sabay nguso. “o eto...mwapz....” pero di lang yun ang ginawa niya, niyakap niya ako at unti- unting nilapat ang kanyang labi hanggang sa halikan niya ako ng kay lambing. Sabay kawala. “sige na po...baka di ko pa mapigilan ang sarili ko sa asawa ko.... i love you....mwzpz....” at yun nga lumabas na siya ng pinto. Pagkatpos nun, bigla ko na lang naisipan kapain ang bandang leeg ko. Naalala ko bigla ang kwintas na dating nakalagay doon. Sumingit na naman sa isisp ko si Vince. Doon na lng biglang pumatak ang luha ng pumasok sa isisp ko si Vince. Bakit ba ganito na lang ang naramdaman ko? Bakit ganito pa rin ako? Ano bang anino meron siya at hindi ako makawala sa kanya? Ayoko ng masaktan? Ayos na ako, nandyan na si Jerick. Mahal na mahal ko siya. Bakit ganun nalang? Maraming tanong ang bumagabag sa akin. “kailangan alisin ko na siya sa puso ko.... time to move on....” at napagdesisiyonan kong tanggalin na siya sa sistema ko. Buo na ang loob ko. At ng mapagod na akong mag isip, natulog na ako.





Habang dumadaan ang araw, palapit ng palapit ang araw ng pagpasok namin. Pero ok lang, excited naman ako. Ok lang naman kami ni Jerick. Di kami nag aaway, ang sweet niya lagi sa akin. Natatwa din ako sa bagong ayos ko. Ok na ok na ako sa bagong ayos ko. Binigyan din ako nila ng bagong cell phone. Kaya ayon, may contacts na ulit kami nila nanay. Hindi naman ako nag babanggit o nagttatanong ng tungkol kay Vince. Di ko na rin pinapansin pag nagbabalita si annay tungkol sa kanya. Minsan nga nililigaw ko siya pag yun ang usapan.






Dumating na yun araw ng pasukan. Siyempre excited na ako. First time ko yun. Si Jerick kasi eh graduating na. Pinayuahan niya ako na wag daw ako kabahan at kaya ko yun. Nakita kong suot niya ang kwintas na napulot ko dati. Ang ganda talaga ng pendant nito. Di nakaksawang tignan. Para kasing nakita ko na ito dati pa. Para bang namumukaan ko. Kaya nga nung napulot ko to, di na maalis sa isip ko. “Panget tara na.. baka mahuli pa tayo....” sabi niya sa akin. “Okay po...wait lang panget.....mauna ka na sasasakyan, kunin ko lang gamit ko...” sagot ko. “Ikaw ang mauna, ako na kukuha ng bag ng mahal ko... sige na wag ka ng tumutol halikan pa kita jan eh...” sabi niya. “Tutol ako.....”pag bibiro ko sa kanya. “Asus...gusto mo lang makahalik sa akin,.hahahahha..>” pagbibiro niya. “Di wag...hahah” at yun nagtatakbo na ako sa labas. Hinintay ko na lang siya sa may sasakyan. Mga ilang minuto bumaba na rin siya.





Maraming tao ang sumalubong sa aking mata. First day kasi kaya halos lahat ng nakikita ko eh mukhang first year college. Magkahiwalay kami ng department ni Jerick. Sa engineering department siya at ako naman sa business admin department. “Panget, text txt na lang ha... ingta ka....love you...” sabi niya sa akin. “ok panget..ikaw din...ingat...... behave ha... sige po..bye...love you” sagot niya. At nagkahiwalay na kami.





Habang naglalakad ako sa corridor at hinahanap ang department at room na nakaindicate dun sa papel na ibinigay sa akin, bigla kong nakasalubong si Patrick. “Kyle.... ikaw ba yan? Iba na looks natin ah.. muntikan ko ng di ikaw makilala... hahah.... ano bang department mo?” tanong niya. “Doon ako sa business admin department eh.... eh ikaw ba?” tanong ko. “Naks... nagkataon nga naman... doon din ako...hahaha...tara sabay na tayo....hahahahha” sabi niya. “Buti na lang at may kakilala na ako...kamusta ka na nga pala... san ka nakatira?” tanong ko sa kanya. “May bahay kasi kami dito sa may Quezon City.... kaya ayon.. okay lang naman ako...ikaw ang kamusta.... di ka na nagtext nun....” tanong niya sa akin. “Ah gnun ba...sorry ha....wala kasi akong cell phone na eh... ngayon na lang ulit ako nagkaroon....heheheh...” sabi ko. “AH gnun ba... ano number mo? Isave ko sa cp ko.. isave mo rin yung sayo...” nag exchaneg kami ng phone at nagsave ng number.





Nakarating na rin kami sa may room assignation namin. Kwentuhan pa rin kami hanngang makaupo kami. “Ano nga pal ang sasabihn mo sa akin?” tanong ko. “Ah ganun ba... oo nga pala... naalala mo pa ba dati? Yung nasa convention tayo? Bago tayo magkahiwa hiwalay.. ang sabi ko nun eh maysasabihn ako....” sagot niya. “oo tanda ko pa.. tagal na nun ah...” sabi ko. “Kasi... it’s a sign sa muli nating pagkikita... nahihiya man akong sabihn pero pag hindi ko pa sabihn sayo ito eh baka wala na akong chance..... I like you Kyle... i love you.......” biglang sabi niya. “Are ypu out of your mind? Ang ingay mo jan.. may makarinig pa sa yo...” sabi ko. “Bakit, ano ba pakialam nila?” sabi niya. “Adik... naloloko ka na ba,.. wag kang ganyan.. ayoko ng biro mong iyan. Di na nakakatuwa. A very bad joke...” sabi ko. “I’m serious Kyle... pls. Give me a chance... a single chance may vary,... please..... “pagmamakaawa niya. “DI na pwede eh... sorry Patrick.. being a friend is the only thing i can give now... im committed na... di na pwede....” sagot ko. Nakita ko ang pagabbago ng kanyang mood. “Kanino? Dun ba sa kasama mong lalaki nung first na nagkita tayo? Kay Vince ba?” tanong niya. Oh.. Vince na naman,. Haixt. “nope..... wala na kami..... the one na kasama ko nung nagkita tayo dito....” sabi ko. “Oh i see.... pero di pa rin ako mawawalan ng pag asa... di pa naman akyo kasala so may pag asa pa ako......” sabi niya. “You are wasting your time.. ibaling mo na lang sa iba yang nararamdaman mo...” ang sabi ko. Biglang natigil ang pag uusap namin ng biglang may nagtanong galing sa likod ko.



“May nakaupo ba dito?” sabi ng isang estranghero. “Ahm... wal...” natigil ang sasabihin ko. “Anong ginagawa niya dito?”


(Itutuloy)

5 comments:

  1. waahhh !! ...ganda
    kaso bitin, but it's worth waiting ...
    sana masundan agad kuya dylan !! ...
    i hope you post next chapter immediately !!

    ReplyDelete
  2. hehehe galing mo Dylan.. hehehe

    ReplyDelete
  3. May chester b dito n character? nbsa ko kasi eh. imbis n jude e chester naisulat. kya lang s naunang chapter. bka s chap 23 o 24

    ReplyDelete
  4. Thank You and that i have a nifty provide: What Is House Renovation house renovation financing

    ReplyDelete