aun./...dahil maluwag luwag na yung schedule ko, nakapagpost ako ng maaga.....
sa mga naghihintay at nagtyagang magbasa...maraming salamat po sa inyo.....
sa mga pinakamamahal kong readers... i owe you all of this... kung hindi dahil sa inyo, di ako makakapagsulat ng ganito.....
para sa pinakamamahal kong yhum.....
- I LOVE YOU SO MUCH... SALAMAT SA PATULOY NA PAGMAMAHAL NA IPINADARAMA MO SA AKIN....
LAHAT GINAWA MO PARA LANG MAGKASAMA TAYO....MAHAL NA AMHAL KITA..... SALAMAT SA LAHAT LAHAT NG PAGPAPASAYA NA GINAWA MO SA AKIN..... IKAW ANG MASASABI KONG NAGPASAYA SA AKIN NG GANITO....... DI MO ININDA ANG MGA NANGAYYARING KAGULUHAN SA ATIN... ALAM KO NA MINSAN EH MASUMPUNGIN AKO AT IKAWM PERO DI PA RIN TAYO NATITINAG..... MAHAL NA MAHAL KITA....MR. SANTOS....HAHAHAH... ILOVE YOU J.M.L.S.S.
OLWEIZ HIR,
D.K
_____________________________________________________________________________________
“May nakaupo ba dito?” sabi ng isang estranghero. “Ahm... wal...” natigil ang sasabihin ko. “Anong ginagawa niya dito?” isang tanong na tanging naalala kong itanong sa isip ko. “Pare..... remember me? Patrick? Dun sa convention.” Singit ni Patrick. “Yeah.... yung magaling kumanta... na kapartner ni Kyle....” saad ni Vince. DI ko alam kung paano ako magescape sa lugar ko.
“Kamusta ka na Kyle.... it’s been a long time.... i miss you....” nagulat akong sabi niya. “Ahhm... okay lang naman...” maikling sagot ko. “You look different... bagay sayo.... lalo akong nainlove....” sabi niya. Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko. Di ko alm kung bakit. Halos pagpawisan na ako sa kinauupuan ko. “Thanks... dito ka rin mag-aaral?” tanong ko. “Obvious ba? Siyempre.... andito ako weh.... at tama ang hula ko na narito ka rin..... matagl kitang hinanap.... grabeng paghihirap ang naranasan ko.....” di ako makasagaot sa sinabi niya. Buti na lang at dumating na yung prof na mag orient sa amin. Nakalusot ako.
Buong oras, di ako mapakali.... di ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit ba ang bagal ng oras. Kinukulit ako ni Vince at tango lang ako ng tango. Ayoko na kausapin siya. Maya maya siguro nakahalata ayon at tumigil pero pagkaring ng bell ng lunch grabeng pangungulit ang ginawa niya. “tara treat kita ng lunch. Kayong dalawa ni Patrick...” paanyaya ni Vince. “Ah gnun ba... di pwede eh... may kasabay na ako..next time na lang.....” bigla akong napatitig sa mukha niya. Bakit ba di ko maialis ang tingin ko sa mukha niya. Namiss ko biglang hawakan ang mukha niya. Pinipilit kong pigilin ang kamay ko. Nanginginig na ito. Ako na ang nagbawi ng tingin. Naramdaman ko ang sarili kong lumuluha. Tumalikod ako at pinunasan ang mata ko.
“Kyle.....” isang tinig na galing sa aking likod. Pagtalikod ko ulit ay nakita ko si jerick na paparating. “Buti at nahanap kita... tara lunch na tayo...kasama ko mga kaibigan ko... si Pj, Paolo, Denis, at Ryan... eh ikaw.. sino yang mga kasama mo? Bago mong kaibigan.... hehheh.. sabay saby na tyong mag lunch... yayain mo sila...” mabilis at amhabang pahayg nito. “Ah Jerick... nga pala... si Patrick, kialala mo na siya diba? Tapos si..... si.... si Vince.....” ang nauutal kong sabi. Kitang kita ko ang pagkabigla ni Jerick. Pero binawi agad niya ito. “Jerick nga pala pare.....: pagkamay nito dito. “Patrick pare.....” baling ni Patrick. “Vince tol....” baling din ni Vince. “Sige ....sabay sabay na tayong kumain.
Lumabas kami ng campus. Dun kami kumain sa may malapit na food restaurant. “Naks... dami natin ngayon...hahahah..... kamusta first day mo panget?” biglang singit ni Jerick. “okay lang naman.... masaya kahit appano.. nakakakba nga lang.. nangangapa pa din naman eh.....” sabi ko. “sorry nga pala... di ako nakareply...nasa klase ako weh nung nagtext ka.....pati ngangayon ko lang nabasa.” Sabi ko. “Gaano na kayo katagal magkakilala ni Kyle pare?” singit ni Vince. “Bale tol eh medyo magdadalwang buwan na rin... mula kasi nung naaksidente yan dito sa maynila eh sa amin na siya tumira.....kaya ayon.. magaksama kami sa iisang bubong....di ba panget?” baling sa akin. “oo weh...hehe’ tanging sagot ko. “Naaksidente ka Kyle?” gulat na tanong ni Patrick. “Oo...heheh pero okay naman.. di naman malala....” sagot ko. “Tol... inuman naman tayo sa ibang araw o....mag bar tayo.... di na tayo nakakgala eh... isama natin sila....” aya ni Paolo. “Pwede rin...” singit ni Vince. “Sige ba... kelan?” tanong ni Jerick. “Ahm sa sabado....hahahha...” sabi naman ni Pj. “Sige sige..asahan namin kayo...text text na lang... exchange tayo ng numbers..... hahahah..” sabi ni Denis. “O sige.. eto number ko.. ___________” bigay ni Vince sa number niya. Siympre ayon nagbigayan na rin kami.
“Panget... punta lang ako CR.....” sabi ko. Nag excuse muna ako. Naghanap ako ng cubicle. Matapos kong gumamit ng cr, nag salamin ako. Habang nagsalamin ako, biglang may bumukas na pinto. Nagulat na lang ako ng makita ko na si Vince yun. Nakangiti agad siyang lumapit sa akin. Kinabahan ako bigla kaya ang ginawa ko ay umalis agad, pero nahawakan agad niya ang kamay ko. At hinatak papunta sa kanya. “galit ka pa rin ba hanggang ngayon sa akin?” nakita ko ang sinsero niyang mata. Di ako makasagot. “Matagal kitang hinanap.... hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nung wala ka...hindi ko kinakaya...mahal na mahal pa rin kita..hanggang ngayon...humihingi ako ng tawad... hindi ko sinasadya ang lahat..... i want you back into my life.... i want you now.... please... come back to be....” sabi niya. “oo galit pa rin ako hanggang ngayon... niloko mo ako....sobarng sakit ng ginawa mo... ngayon masaya ka na? Alam mo na?” sagot ko.
Bigla na lang niya akong niyakap. “Patawarin mo na ako sa lahat.... pinapangako ko na mamahalin kita at hindi na kita sasaktan muli..... di ko alam kung paano pa ako makakmive on sa yo...mahal na mahal kita.... na mimiss na kita,.... alam yan nila mama” sabi ni Vince. “oo nakausap ko na sila nun... pero Vince.. wala ng tayo... may pamilya ka na.... dapat yun na lang ang asikasuhin mo...” sabi ko sa kanya. “Pero Kyle.... di mo naiintindihan... meron kang hindi alam....” di ko na pinatapos ang sasabihin niya. ‘wala ka ng dapat ipaliwanag... masaya an ako sa buhay ko... masaya na ako na wala ka na.... masaya na ako sa piling ni Jerick kaya please lang wag mo na kaming guluhin..... “ sabi ko sa kanya at biglang napabaling ang aking mata sa kanyang dibdib. Doon lumabas ang isang kwintas. Ito yung kwintas na ibinigay ko sa kanay nung monthsary namin. Napatigil din siya at tumingin sa kwintas na tinitignana ko. “Diba may panagko ako sayo.. na hindi ko ito huhubarin... na hindi ko aalisisn to sa katawan ko....dahil yun ang tanda na minamahal kit... maniwala kang mahal kita......” sabi niya. Di na ako sumagot. “Please... isuot mo lang itong kwintas na ibinigay ko sayo dati.....please.....” ibinigay niya sa akin mula sa bulsa niya ang kwintas. “Pero di na kailangan...” sabi ko... “Please...” sabi niya. Kaya wla akong angawa kundi ang ttanggapin ito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang epekto ng titig niya. Kaya wala akong nagawa kundi ang isuot ito.
Nauna na akong lumabas sa kanya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako magpakita sa kanila. Sinalubong ako ni Jerick. “Okay ka lang panget? Bakit paarng umiyak ka? Ayos ka lang ba?” tanong niya. “balik na tayo sa campus.....” sabi ko. Tumango lang siya. Hinintay lang namin si Vince at sabay sabay na kaming umalis. Namuo ang katahimikan sa aming lahat. Hanggang sa makarating na kami ng campus nanahimik pa rin ang bawat isa.
“Kyle...una na kami ha.... kita na lang tayo pag uwian...” sabi ni Jerick. “Sige...” at yun naghiwaly na ulit kami. Habang naglalakad kami, biglang sumigit sa katahimikan ang tanong ni Patrick. “Okay lang ba kayong dalawa?” walang sumagot sa aming dalawa. “oh... i see.... hanggang ngayon eh meron pa ring namamagitan sa inyo.... mahal ninyo pa rin ang isa’t –isa.....” pang asar ni Patrick. “Wala na....pati okay na kami ni Jerick.... ma.... ma... mahal namin ang isa’t isa.” Biglang napatigil si vince na siyang dahilan ng pagkatigil namin. “May naiwan nakalimutan ako.... una na kayo...” at bago tumalikod si Vince.. nakita ko ang mariing pagluha nito. Doon ko nakapa ang sarili ko na naawa sa kanya. Unti unti nakita kong lumuluha siya. Di ko alm kong bakit, ang alma ko ay galit na galit ako sa kanya, yun lang ang tanging nararamdaman ko, pero bakit ganito. Nahihirapan ako sa nakikita ko sa kanya.
Bigla namang umakbay sa akin si Patrick. “Tara na...” tumango na lang ako at nagpahid ng luha. Hindi ko alam kung bakit ganito na alng ang naramdaman ko kay Patrick. Hindi ako kumportable. Parang ang bigat bigla ng pakiramdam ko sa kanya. Iba naman to weh. Iba sa dati. Di ko na lang masyadong binigyan ng pansin. Hanggang sa makarating kami ng room. Matagl tagal na rin pero hindi pa rin bumabalik si Vince. “Bakit ab ako ganito, hinahanap ko si Vince. Kyle, focus ka lang sa sarili mo... Haixt.
Hanggang mag uwian, di na nagpakita. Nag alala ko bigla. Eto na ang inaalala ko sa sarili ko. Once na may nagbabalik mula sa nakaraan, nararamdaman ko na muli na nahuhulog ako sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako nag kakaganito. Hanggang sa makasakay ako sa sasakyan nila Vince tuliro pa rin ako, balisa. “panget, okay ka lang ba?” tanong niya. “Ahm... okay lang... medyo masama lang ang pakiramdam ko... uwi na tayo....” “sige...” yun, hinawakan lang niya ang kamay ko. Ramdama ko naman ang pagmamhal niya.
Kinabukasan, nag iba ang lahat. Nakasalubong ko si Vince sa pathway. Laking gulat ko ng hindi niya ko pinansin at tuloy tuloy siya sa paglalakad. Hindi ko alm kung bakit ganun na lang ang pag iwas niya. Pero may nagsabi sa isip ko, ano ka ba, yan ang hinihintay mo diba? O ayan na, hindi ka na niya ginugulo. Your free na from the past. Ayon na lang ang inisip ko, na mapapayapa ang isip ko. Pero nagkamali ako. Dumaan ang araw at linggo na ganun at ganun na lang ang ginagawa niya. Tuwing gabi naman hindi ako makatulog ng ayos ng dahil sa mga nangyayari.
Ilang araw na rin akong hindi makausap ng ayos ni Jerick. Gabi-gabi nakatulala ako, parang wala sa sarili. Hanggang isang gabi, habang nasa kwarto ko si Jerick, doon na niya ako dineretsa. “Mahal mo pa rin ba siya hanggang nayon?” tuwiran niyang tanong. “Ha? Bakit mo naitanong iyan. Alam mo naman na hindi na. Alm mo yan.” Sagot ko. “Sana nga tama yang sinasabi mo....pero pakiramdam ko nagsisinungaling ka.” Bigla siyang tumayo para lumabas. Tumayo ako bigla at hinabol siya sabay yakap sa likod niya. “Panget.... maniwala ka. Wala na....” sabi ko. “Naniniwala ako sayo....” isang ngiti lang ang gnanti niya. “Nga pala... labas daw atyo sa sabado.....di kasi tayo natuloy nun weh.. remember? Ok lang ba?” tanong niya. Tumango naman ako.
Pasalamat an rin ako at hindi an ako masyadong kinukulit ni Patrick. Iba rin kasi yun eh, sabay sabay kung magtanong. Grabeng pahirap din kasi yun. Pero masaya siya kasama. Naging busy na kasi siya sa mga requirements niya sa school. Hanggang sumapit ang araw ng sabado. Buti okay lang ang pakiramdam ko ng araw na iyon. Medyo naging masasakitin kasi ulo ko gawa ng mga ginagaw naming mga papers at home work. Hahahahha.
Mga 7pm kami umalis ni Jerick. Ang usapan kasi eh magkikita na lang sa SM na malapit dun. Kami ang nauna ni Jerick sa tagpuan namin. Ayon, habang naghihintay eh nagkakwentuhan. Tawanan at kung anu-ano pa. Hanggang mapadako ang tingin niya sa aking kwintas. “Panget.... may itatanong sana ako sa yo..... sana eh sagutin mo ako ng totoo ha....” tanong niya sa akin. “Ahm ano yun?” tanong ko anman sa kanya. “May napansin lang kasi ako at hindi ko alam kung dapat pa bang bigayn ng kahulugan yun eh... curious lag... alm mo naman ang asawa mo eh masyadong marami ang iniisip... kaya.... eto lang... simpleng tanong..... saan galing ang kwintas mo?” isang seryoso at kapigil-pigil hiningang tanong niya. Muntik na akong masamid nun. Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o hindi. Hindi ko na maintindihan. “Ahm... ang adik mo... may pa drama drama ka pang nalalaman jan... ang haba pa ng speech mo tapos yan lang ang tanong mo? Anu ba yan... kakaiba ka talaga....hahahhaha.. naku naku naku..... ang adik mo.....” sabi ko sa kanya. “Basta sagutin mo na lang ang tanong ko... madali lang naman di ba..... bat ba ayaw mo na lang sagutin...” medyo inis na niyang sabi. “O...easy lang panget... para ka na niyang mangangain ng tao weh... tsk tsj kaw talaga. ... bigay sa akin ng isang kaibigan dati..... medyo may sentimental value to.....basta... yun na lang.... heheheh...” pang iwas ko sa gulo. “Sinong kaibigan?” pangungulit niya. “Ahm... si ano eh... si...” bioglang naputol ang sasabihn ko ng biglang may nagsalita sa likod namin. “Nandun na yung katropa ni Jerick at si Patrick. Pero hindi lang sila ang nandun, kasama pala si Vince.
Walang kaimik-imik si Vince sa may likuran. Matama ko lang siyang dinadaanan ng tingin. Ewan ko lang kung bakit ba pasulyap sulyap ako sa kanya. Nag iingat din ako at baka mahuli niya ako nakatangin. May dalang sasakyan si jerick kaya dun na lang kami sumakay lahat. Yun naman ang napagusapan na din weh. Sa isang bar kami nagpunta. Siyempre hindi mawawala ang inuman at kung anu-ano pa. Medyo lasing na kami. Nag yaya bigla ang lahst na magsayaw kaya ayon, napilitan ako na magsayaw. Kitang kita ko na ang lahat ay may kapartner. Magkatabi lang din kami bni jerick. Siyempre di dapat pahalata na sweet kami, alam na kung bakit. Pero pagdako ko sa gawi ni Vince, di ko amlaman kung anong tinding damdamin ang naram,daman ko ng makita ko na halos magkadikit na ang katawan nila. Nakita kong sumilay pa sa akin si Vince at nakita ko ang biglang pagkabigla niya ng makita niyang nakatingin ako. Ako na rin ang nagbawi ng tingin at nagpaalam na uupo na kay Jerick. Ilang oras din akong ankaupo at sinusubsob ang sarili sa pag iinom ng alak. Ewan ko ba kung bakit yun na alng ang naisipan ko. Hinahanap ng mata ko si Jerick at yun na lang ang laki ng mata ko ng makita ko ang di inaasahan na pangyayari na siyang ikinadurog ng puso ko.
(Itutuloy)
wow ! ...
ReplyDeleteang bilis ng update ! ... thanks !!
sana masundan agad :)) ulit ...
kyle-vince pa rin talaga !!
salalmat sa pagcocomment tol ah...hehehehhe
ReplyDelete