Eto na po ang continuation niya.... bale... yung part 28... di masyado nakita...tignan niyo na lang po.....heheheheh...lapit na amtapos ito...
Olweiz hir,
D.K
___________________________________________________________________________________
Matapos ang araw an iyon, inisip ko na lang na walang nangyari at kailngan naming magsimula ng panibago. Nagkamali siya at nagkamali din ako. Yun ang kailngan, ang kalimutan ang lahat. Magsisimula kami ng panibago. Pahkagising ko ng umagang iyon, naalimpungatan ko na magkayakap kaming dalawa. Mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko naman ang pagmamahal niya sa akin. Kaya wala sa isip ko na hinalikan siya sa labi. Akala ko tulog pa siya pero gising na apla. Lalong lumalim ang halikan naming dalawa. Sinapo naming pareho ang isa’t-isa. At sa umagang iyon, muli naming nilasap ang piling ng isa’t-isa.
Dahil sa walang pasok sa dalawang araw pagkatapos ng araw na iyon sila jerick, mag isa lang akong hinatid ng driver nila. Papasok na ako sa room building namin ng madtnan ko si Vince na nakaupo sa may bench malapit sa room. May hawak siyang libro at nagbabasa. Ilang beses ng sumasapo sa utak ko. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Vince. Hindi na siya yung dating basagulero at palaaway. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng magtagpo ang mata namin. Siya na mismo ang nagbawi ng tingin niya at tinuloy ang pagbabasa. Napagpasyahan ko na lang na dumeretso sa room ng hindi siya kinakausap. Alam ko na anman ang usapan namin, matapos ang lahat, kakalimutan na namin ang mga nangyari. Para bang nabrain wash na kami.
Ilang sandali lang at sumunod na rin siya papasok ng room. At nagsimula ang klase. Hinahamon talaga ang aking buhay ngayon. Nalilito na rin ako sa inaasta ni Patrick. Minsan di ko maintindihan, ang daldal tapos attahimik din. Tapos magattapat na amhal niya ako. Alam kong sumisimple lang siya sa akin. Yun yun. Alam ko anman yun at ramdam ko iyon.
Pero sadyang mapaglaro ang panahon. Di kami titigilan sa pagsubok na dapat suungin. “Now class.... before we end this semester... i would like to have a partnership research paper.... both of you will research on a specific topic that will be discussed in your papers. The deadline is on a week before the end of this semeser... so, you have 3 weeks to go.....” dami agad ang nagreact. Na sana daw madali lang. “Now... in order to have an equal chance of partners.... you will pick up some paper here. Then, after you pick up, the same number in the paper will be you partner...” at yun nga ang nangyari, mahiwagang bunutan.
Pagkatapos kong bumunot, sinilip ko agad ang number. #14. Naku kamusta naman. Sana naman ay maayos ayos ang magiging kapartner ko. Habang nag iikot-ikot ako at nagtatanong di mawala sa isisp ko kung sino ba tong magiging partner ko. Grabeng hirap sa pagahahnap ito ah. Di ko mahanap. Hanggang sa may magsalita sa likod ko at magsabing, “Tayo ata ang magkapartner....” pagtalikod ko, ang maamong mukha ni Vince ang nabungaran ko na nakatingin sa may sahig. Tila ba hindi niya ako kayang tignan. Pinakita niya ang papel niya at laking gulat ko na lang ng makitang magkaparehas kami ng numero at parehas din ng papel na pinaglagyan. Tanging ang papel namin ang naiiba sa lahat.
“okay class...may isa pa akong announcement. Those who got the special paper, please come in front of my desk now...” sabi ng prof namin. Kaya kaming dalawa ni Vince ay pumunta sa unahan. Kakagulat nga lang at kaming dalawa lang talaga ang naiiba. “I have a good news for you.... di na kayo masyado mahihirapan kasi may itatalaga ako sa inyong specific topic at may nagvolunteer na na mag aassist sa inyo... siya ang may idea na ilagay yan sa special na papel at kung sino man ang makabunot ng papel na iyon ay siyang gagabayan ng nasabing professor..... then next para naman sa lahat, iisa lang ang topic na ibibigay ko sa inyo.... ang sa dalawang ito lang ang maiiba ng konti... so work on ito... Good Luck sa inyong lahat..... and one more thing..... the first 15 pair na makapagpasa one week before the deadline..... exempted na sa finals.... clear ba?” sabi ng prof namin. Mukhang kailngan naming dalian, pero may problema, kaya ba namin ang mag sama? Kakayanin ba naming tiisin na hindi magkaroon ng anumang affection sa isa’t-isa. Ang hirap grabe, sana makipagcooperate siya. Lalo na may scholarship kaming dalawa dito.
“So la na tayong magagawa tayo talaga ang pinag papartner ng tadhana..... haizt... ang buhay nga naman... bakit ba hindi ka mawala wala sa paligid ko..... bakit ab hanggang ngayon pinipilit pa rin ng tadhana na pagtagpuin tayo.... bakit kaya...haist... pero masaya ako...” iniwan niyang salita sa akin. “Ewan ko nga din eh... so sana mag work ang partnership natin... so partner?” sabay abot ng kamay ko. “Yup... mahal kong partner..” sabay abot ng kanyang kamay sa akin at nagkamayan kami. Nakauwi ako ng bahay ng nagiisip pa rin. Ganoon pa rin, malalim ang iniisip, sobra. Hanggang sa bumisita si Jerick sa kwarto ko. “O panget... bakit ganyan kalalim ang iniisp mo?” tanong niya. “Aah.....sa research paper namin...” sabi ko. “Naku.. alam kong kaya mo yan... ikaw pa...hahaha...individual ba yan? Partner? Groupings?” tanong ulit niya. “Partner..” sagot ko. “Oh... swerte ng parner mo.. matalino at magaling ang partner niya... ahahahahah...... sino bang partner mo?” tanong niya. “Ahm... si...si... si V...Vince....” sabi ko. Naghintay ako ng sasabihn niya. Nanahimik lang siya sa isang sulok. “Good luck ha... kaya mo yan.... may tiwala ako sa yo...” nasabi na lang niya. “Good night panget....” sabi niya. “Good night din.... Love you...” sabi ko. “Love you too...” sagot naman niya.
Habang dumadaana ng araw, nagkakaroon ng development ang aming research paper. Dahil na rin sa tulong ni Prof. Zeecky ayon at in two weeks tapos na namin ang paper namin. Dahil na rin sa paper na yan, nararanasan ko ang mag puyat at magpunta punta sa iba’t ibang lugar at higit sa lahat, lalong napapadalas ang pagsasama namin ni Vince. Nawawalan na rin ako ng oras para kay Jerick, at nararamdaman ko ang pagtatampo niya. Minsan nga pag uwi ko tulog na siya at bago ako umalis, nakaalis na pla siya. Para bang may shifting kami sa bahay. Akya nabuo sa isip ko na as soon as possible ay kailngan na naming matapos ang research paper na iyan. Hanggang sa isang araw dumating ang kinakatakutan ko, ang mag away kami ni Jerick ng dahil sa research paper.
“O kamusta na ang date ninyo ni Vince?” sabi niya sa akin pagkadating ko sa bahay habang nasa labas ako papasok sa pintuan. “Nakainom ka ba? Lasing ka na panget.... taas na tayo.... doon na lang tayo mag usap...” sabi ko sa kanya. Buti naman at naging maamo siyang tupa. Pagkapasok naming dalawa, kinandado ko na ang pinto upang pag nagkataon ay hindi malaman kung ano ang pinagtatalunan namin. As usual, mahina ang mga boses namin. “Nakailang points na ba siya sayo ha?” tanong niyang sarkasto. “Ano ba yang sinasabi mo ha? Diba nag usap na tayo tungkol dito... wala kaming ibang ginagawa ni Vince kundi ang research paper... tanging research paper..” sigaw ko sa kanya. “Lagi ayan ang sinasabi mo.... mas marami ka pang oras jan kaysa sa akin..... di mo na ako iniintindi... nasasaktan na ako... huhuhuh...” sabay iyak sa akin. “Panget.. tahan na... pasensya na... alam kong nagkamali ako... alm kong nagkulang ako... pagpasensyahan mo na ako.... promise tatapsuin ko lang to at yun na... puro ikaw na.... ha... so smile na jan.... I love you.... “ pagpapatahan ko sa kanya. Niyapos niya ako ng mahigpit na mahigpit.
“Pasensyahn mo na talaga ako... na mimiss lang talaga kita.... sobra... lalo na bukas na ang monthsary natin... gusto ko sanang lumabas tayong dalawa.....sana naman pwede ka... kahit isang araw lang...” Nagmamakaawa siya sa akin. “Sige po mahal ko...promise yan..... I love you...” sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi. Niyakap na naman niya ako pagkatapos noon hinalikan niya ako sa aking mga labi. Muli naming nilasaap ang katawan ng isa’t-isa. Sobrang namiss niya ang presensya ko. Namiss ko din ang makasama si Jerick. Kaya pinagsaluhan muli namin ang malamig na gabi pero mainit na sensasyon.
Pagkagising ko, wala an siya sa aking tabi. Alam ko naman na bumalik na siya kagabi pero iba pa rin atalga pag nadadatnan ko ang mahal ko sa tabi ko. Naligo na ako ilang minuto pagkatapos kong maligo. Habang nagbibihis ako, sinipat ko ang aking sarili sa salamin at doon ko lang napagtanto ang marka sa aking katawan. Napamaang ako at napatitig sa mga iyon. Grabe si Jerick, pinanggigilan na ako. At sa di inaasahang pangyayari, may isang kissmark sa may bandang ibaba ng aking leeg.bigla akong nataranta sa aking nakita kaya nag isip ako ng maaaring ipang takip doon. Naisip ko na lang na mag suot ng may collar na damit. Matatakpan na siguro yon. Humanda sa akin si Jerick. Naku.
Pagbaba ko, nakangiti sa akin Si Jerick. Pinandilatan ko lang ng mata siya dahil sa pinag gagawa niya sa akin. Bigla siyang may binulong sa akin pagkatapos kong umupo. “Kamusta na katawan mo? Dami ba? Ahahah...” sabi niya. “Adik ka talaga.... talagang tinadtad mo ako... pati sa may leeg meron.....” sabay kurot sa kanyang binti. “Daddy..... “ sigaw ni Jude. Napatingin naman kaming dalawa sa may itaas. “Sino sa aming dalawa?” tanong ko na nakangiti. “Pareho po kayo...ahahahah..” sabay halik sa aming mga pisngi. “Namiss ko po kayo Daddy Kyle.....” sabi niya. “Namiss din kita baby... hehehe....” sabi ko. Naging maayos at maaliwalas ang aming agahan na iyon. Iyo na ang masasabi kong muling pagsasama sama namin sa hapag ng kainan.
Hanggang sa pagpasok namin masayang masaya ako. Half day lang sila Jerick samantalang ako eh hanggang 6pm pa ang klase. Magkikita na lang kami sa may isang lugar ng around 7:30 pm. Naging maganda naman ang klase namin. Maayos. Nagsabi na rin ako kay Vince na hindi muna ako makakagawa ng papers namin sa ngayon dahil sa may pupuntahan ako. 1 hour to go ay tapos na ang klase namin. Buti na lang at wala ang prof namin at ayon, pinalabas an agad kami. Pero tinawag pa muna ako ni Prof. Ivy dahil may problema siya na kailngang ayusin eh need niya ang help ko kaya walang magawa. Maraming mga paper works ang nakatambak sa kanyang lamesa. Bigla akong kinabahan. Naku sana anman wag akong malate. At thank God at dumating si Vince. Nakiusap ako na tulungan kami dun. Inayos namin lahat ng mga nakalagay doon. At yun buti na lang at natapos kami. Kaya ayon nagmadali akong lumabas at nagtatakbo. Pero sadyang hinahamak ako ng pagkakataon. Wala akong masakyan ng pagkakataong iyon. Hala ka. 6:30 na. Mamaya malate pa ako. Magaglit pa sa akin si jerick. Tinatawagan ko si Jerick pero habang nagdidial ako sa kanya, oh my.... Low battery ako... na empty battery pa ako.
“Peep....peeep...” sa likod ko nanggaling kaya tumabi ako sa daan. Sa isisp ko, ano ba yan, laki laki ng daan. Dala na rin siguro ng inis kaya ganun na lang. Bumukas ang bintana ng sasakyan. “Sakay na..hatid na kita.....” sabi ni Vince. “Wag na... nakakhiya....” sabi ko. “Sige na.. mukhang kailngan mo magmadali sa lagay mong yan eh.....” sabi niya. “Pero...” “Wala ng pero pero...sakay na...” at pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala na akong magagawa. Kailngan ko magmadali. “salamat” ang nasabi ko sa kanya pagkasakay ng sasakyan.
Derederetso lang siya sa pagmamaneho. Ni hindi kami naguusap. Dahil sa katahimikan, siguro nakaramdam siya kaya binuksan niya ang radio. Mabilis naman ang takbo namin kaya after ng ilang minuto nakarating na kami sa pupuntahan ko. Buti alam niya yung lugar na iyon. “Salamat Vince ha....” sabi ko. “Walang anuman.... enjoy your night...” at yun nga umalis na siya. Alam kong may halong lungkot ang kanyang mga mata ng sabihin niya na enjoy your night. Pero di ko na muna piannsin yun. Hinanap agad ng mata ko si Jerick. Pero yun na lang ang sinalubong ko ang nakangising mukha. “Happy monthsary mahal ko....” sabi ko sa kanya. Pero di man lang siya umimik. “Tara uwi na tayo....” yaya niya. “Huh? Kadarating ko lang ah....” sabi niya. Sabay tayo at labas. “Ano ba....bakit ka ba ganyan?” tanong ko. “At ikaw.. bakit ka ba ganyan... kailngan bang ihatid ka pa ni Vince dito ha? Kailngan ba? Ano ba... special day natin to.... nawalan na ako sa mood....” sabi niya. “Hindi ako aalis dito..... ano ba... lagi na lang ba natin pagtatalunan to? Bakit ba? Argghhs...” sabi ko. “Kung ayaw mong umalis bahala ka jan...” at yun nga bigla niyang pinaandar ang kotse at tuloy tuloy na umalis.
Dahil sa pagkabigla, kandahabol ako sa kotse niya. Dahil na rin sa pagmamadali para mahabol ang kotse, di ko namalayan na may sasakyan pa lang paparating sa aking gilid sa aking pagatwid kaya ayon. “PPPPPPPPAAAAaaackkkkkkkkkkkk......” para akong nawalan ng pandama ng panahon na iyon. Tumalsik ako ng mga 2 metro mula sa sasakyan. Ramdam ko an nahihilo ako at maraming dugo ang dumadaloy mula sa aking ulo. Unti unti na ring umiikot ang aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.
(Itutuloy)
HAHAHA..... accident prone ang bida...wehhhhhh
ReplyDeletehahahah
ReplyDelete