Thursday, February 2, 2012

If I Let You Go- Part 13

AUTHOR'S NOTE:


ATTENTION!!!! 


- SA MGA READERS KO PO... NAIS KO LANG PONG IPABATID NA NAWALAN PO AKO NG ACCESS SA BOL PO. HINDI KO PO ALAM KUNG ANO PO ANG KADAHILANAN KUNG BAKIT PO NAWALAN AKO NG ACCESS. MALUNGKOT MAN PERO KAILNGAN PONG MAG MOVING FORWARD. PASENSIYA NA PO KUNG NGAYON LANG PO AKO NAKAPAGPOST PO DAHIL MARAMI-RAMI PO AKONG GINAWA NOONG NAGDAANG ARAW AT NGAYON LANG PO AKO NAGKAROON NG PANAHON PARA HUMANAP NG PARAAN PARA MAIPOST PO ITO. LAKING PASASALAMAT KO PO SA KUYA KONG SI KUYA DHEN PARA PO IPOST KO PO ITO THROUGH HIS BLOG....... NAIS KO PONG HUMINGI NG DISPENSA.

IMPORTANTE PO NA MABASA PO ITO NG MGA READERS KO PO.... NAIS KO PO KASING IPAALAM NA AFTER PO NG PAGPOPOST KO NA PO ITO EH DI NA PO AKO MULI MAKAKAPAGPOST SA BOL. IPOPOST KO NA LANG PO YUNG STORY KO SA BLOG KO SA:


                        yaoiblogs01@blogspot.com


SALAMAT PO NG MARAMI SA MGA READERS KO PO..... NAGPAPASALAMAT AKO SA MGA NAGHIHINTAY SA STORY KO PO. SA KASAMAANG PALAD PO EH NAREFORMAT PO ANG PC KO AT HINDI KO NA PO MAPOPOST YUNG NEXT STORY KO PO. NGUNIT NAISAVE KO NAMAN PO SA CP KO PO ANG COPY NUNG IF I LET YOU GO. WISE THING TO KNOW.... SALAMAT PO NG MARAMI..... GOOD BYE NA PO ATA ITO SA BOL.... THEN BAKA PO AFTER MATAPOS NG STORY PO NA ITO EH TIGIL MUNA PO AKO NG STORY..... MEDYO APEKTADO PA RIN PO AKO SA NANGYARI... MARAMING SALAMAT PO...



ALWAYS HERE,

DYLAN KYLE SANTOS






videokeman mp3
The One That Got Away – Katy Perry Song Lyrics





____________________________________________________________________________



Natigil ang aking pagtakbo nang dahil sa yakap na ginawa sa akin ni Ryan. Di alintana na maraming tao pero yun ang ginawa niya. Lubusan na akong bumigay sa emosyon na aking dinadala. Para akong bomba na ready ng sumabog dahil sa nangyari.




Bumigay na ang puso ko at tuluyan ng pumutok ang nararamdaman. Ayoko na, yan ang sigaw ko sa aking sarili. Malakas na ang iyak ko at pilit akong kumakawala sa kanyang pagkakayakap. Nagpupumiglas ako at kumakawala sa kanyang mga bisig. Gusto ko siyang suntukin ngayon. Naiinis ako. Nasaktan na anman ako.






“Please listen Nicko....” sabi niya. 





"Listen? Ngayon pa? Humanap ka ng taong makikinig sa kagaguhan mo...." sigaw ko.




"Please.... lend me your ears....."





“Gago ka.... umalis ka.... ayoko na kitang makita. Bitawan mo ako hayop ka. Ayoko na. Suko na ako. Kung sa tingin mo nakaganti ka na, well yan... ok na... nakaganti ka na!!!” sigaw ko sa kanya. 







“Please.... wag kang ga nyan... mali yang naiisip mo... let me explain...” sabi niya. 







“Let me explain? Ha? Bakit, ako ba hinayaan mong mag explain? Naniwala ka ba sa akin? Pinagkatiwalaan mo ba ako? Nanalig ka ba sa akin at naging matatag na ako eh tapat sayo? Lahat yan hindi nangyari. Sa halip, ipinagtabuyan mo ako. IPINAGTABUYAN MO AKO!” sigaw ko sa kanya. Hindi na siya nakasagot.





"Nadala lang ako ng emosyon ko..."





"Same to you... magdusa ka jan...."




"pero... please..."





"Pero pero ka jan..... tsehhh..... ayokong makita ka pang muli!!!""






Lumayo ako sa kanya. Nilingon ko siya bago ako umalis. 





“Nakaganti ka na. Isipin mo na kung ano ang gusto mo. Sabihin mo na naging unfaithful ako. Pero tandaan mo na kahit kailan hindi ako nandaya. Hindi tulad mo. Masakit, sobra.” 








Di pa rin tumitigil ang aking pagluha. Nakita ko ang unti-unting pagtulo ng kanyang mga luha. Nakita ko ang ginawa niyang pagluhod sa aking harapan sa harap mismo ng maraming tao. Pinagtitinginan na kaming dalawa ng maraming tao. Sa mga oras na iyon hindi ko na inisip pa yung mga taong nakapaligid sa amin. Wala na akong ikakahiya pa. Buong buhay ko punong-puno na ng kahihiyan...






“Nagmamakaawa ako. Wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita. Kung hindi man ako naniwala sayo, nagsosorry ako. Nangibabaw ang pagkaselos ko dahil mahal kita. Mahal na mahal...” sabi niya. 






Para akong tuod na walang naririnig. Wala na akong pakialam sa sinsabi niya. Hinahayaan kong magsalita siya ng magsalita.





“Sorry din dahil ayoko na. Pinapalaya na kita. Malayang malaya ka na na gawin ang lahat...” Ang iniwan kong sinabi sa kanya.






Yun ang hudyat ng pagtatapos ng panibagong kabanata ng aking buhay. Lumakad na ako palayo. Ilang sandali lang eh nakarinig ako ng sigaw galing sa kanya. Kahit maraming tao, ginawa niya iyon. 








“Niiiiccckkkooo... wag mo akong iwan.... nagmamakaawa ako.....” 






Pero di ko siya nilingon. Tapos na ang lahat. Tapos na, at sana wala ng susunod pa, dahil masakit na. Sawa na akong magmahal pa. Ayoko na.







Tinunton ng aking paa ang iba’t-ibang lugar. Di ko alam kung saan ako tutungo at saan ako dinadala ng aking paa. Lutang ang isip ko. Para na rin akong wala sa sarili at luko-luko dahil sa kaitsurahan ko. Wala sa sarili na kung anu-ano na pinaggagawa ko. 







Magulo ang damit ko at ang buhok ko. Bakat pa rin ang luha sa aking mukha. Nakatulala at nakatingin sa malayo. Umupo ako sa isang bench sa may park. Ngayon ko lang napansin na eto ang park na pinuntahan namin ni Ryan dati. Ang mga masasayang pangyayari sa aming buhay na dito naganap. Sobrang nakaklungkot lang na sa isang iglap, lahat ng ito nawala.









Dito namin binuo ang mga memories ng nakaraan. Memories na lang ang mga abagy na naiwan sa akin. Hindi na ito muling makakabuo ng isang pangarap na tulad ng dati.








Hanggang ngayon tanag pa rin ako sa pagmamahal. Hindi pa rin ako natuto sa aking mga pagkakamali. Ang tanga-tanga ko talaga. 







Heto na naman ako, single at gulong-gulo. Disaster talaga ang buhay ko. Kailan nga ba ako magiging tahimik at liligaya ng totoo. Sawa na ako sa buhay kong puno ng kalungkutan at kapighatian. 






Habang nakaupo ako doon, unti-unting sumariwa ang nakaraan. Nakakita ako ng mga magkarelasyon na nasa park. Nakakinggit sila. Buti pa sila ayos na ayos. Parang kelan lang eh ganyan din kami. Naglalakad sa kalsada netong park na to. Magakahawak kamay.


_____________________________________________________________________________



“Adik mo.. alam mong madaming tao... mamaya may kakilala ka jan eh... ikaw talaga... natatakot ako para sayo...”  sabi ko sa kanya. 








“Alam mo... dadating tayo jan... alam kong mabubulatlat tong lahat... kaw talaga... gusto ko ngayon eh maging okay... gusto ko gawin kong memorable ito.”









 Hinawakan niya ang kamay ko. Pinisil niya ito ng sobra. Bigla na lang tumulo ang aking luha. Sa sobrang galak ng dahil sa kanya. Inakbayan niya ako at pinaramdam na ako ay para lang sa kanya.







 “Ano ba yan... wag ka nga umiyak.... batukan kita jan eh..” sabi niya pero pati naman siya eh naluluha na. 









“Aysus... ikaw ang batukan ko...naluluha ka na di jan eh.... tadjakan kita eh...” sabi ko. 











“Hahahah.. joke lang naman... siya penge na lang kiss... mwaaaahhh..” sabi niya. 









“Ayoko nga... nakakailan ka an eh.... hahahah” biro ko. 








“Ay ganun... katampo naman... siya sa iba na lang ako kikiss...” 








“Ay ayan ang subukan mo at makakakita ka ng taong lumilipad at gumugulong pababa sa lupa....” sabi ko. 










Eh kaw kasi eh... sobra..... damot sa kiss...” natawa ko sa parang batang asta niya. 









“Oh eto na... kaw talaga..... mwaaahhh..” 







“Mwaaaahhh... yan... hahahah.. I Love you....” 







“I love you too...”



______________________________________________________________________


Lumuluha na naman akong parang baliw. Ang tanga-tanga ko talaga sa pag ibig. Bakit ba nung sumabog ang katangahan at ang kamalasan eh lahat eh napunta sa akin. Halos lahat na lang ng kamalsan eh nadanasan ko. 







Di na ako magtataka kung may mangyari pang kakaiba sa akin. Haixt. Di ko mapigilan ang umiyak. Napapahikbi na ako sa kinauupuan ko. Nagtitinginan na ang mga tao sa akin. 







Siguro iniisip nila na may sayad ako dahil sa kaitsurahan ko. Haixt. Kailan ba? Kailan pa ba ako makakabangon muli. Bukas kaya, ayos pa ako. Buhay pa ba ako.








Naglakad na ako pauwi sa amin. Dahil sa katangahan ko, imbis na mamasahe eh naglakad na ako. Nagpapasyon na ako sa pagkamatay ng aking puso. Pinapasakitan ko na ang sarili ko. Mas mabuti na to, para isang pasakitan na lang.










Nang makarating ako ng bahay, naghihintay na sa akin si Annie at Anthony. Sinalubong agad nila ako. 








“Best anong nangyari sa yo? Bakit ganyan itsura mo?” tanong niya. 







“Bakit kayo nandito?” tanong ko. 





Di ko alam kung bakit yun ang lumabas sa aking bibig. 








“Come on best... andito ako para sayo. Kami...” 









“Wala na kami. Tapos na. Wala ng katuturan ang lahat. Mahal na mahal ko siya pero wala na. Wala na... ayoko na....” at tumulo na naman ang aking luha. 








“Best.... andito ako para sayo.... pwede mo akong sandalan..... di kita iiwan...”








"Best...bakit ba ako pinaparusahan ng ganito??? ano ba ang nagawa ko at ginanito nila ako? Hirap na ako... hirap na ako..."






 niayakap niya ako at naramdaman ko ang malasakit niya sa akin. Siya na alng ang nagiging sandigan ko sa lahat. Wala na akong pamilya na maasahan at siya na ang itinuturing kong nag iisang kapamilya.








Nagsasawa na ako sa mundong magulo. Sa buhay na walang ibang dulot sa akin eh puro kalungkutan at pagdurusa. Bakit ba ako ganito. Bakit ba? Isa lang naman ang hinangad ko, ang magkaroon ng maayos na buhay. Bakit ba ganito? Ayoko na. Sawa na ako at pagod na akong ganito na lang palagi.








Dinamayan na lang ako nilang dalawa ng panahong yun. I was in the point of depression. Di ko na alam talaga kung ano pa ang gagawin ko. Para akong isang katawan na walang kaluluwa. Lutang ang isip at mga galaw. Di makakain at di makatulog ng ayos. 







Aminin at aminin ko man, mahal na mahal ko pa rin si Ryan. Mas matindi pa tong sakit kaysa noong naghiwalay kami ni Anthony. Kahit anong pilit kong iaayos ang sarili ko, muli’t-muli lang na nagaganap ang sakit sa aking puso. Bakit ba ang buhay ay sadyang ganito. 






Pambihira, ano bang naging kasalanan ko sa mundo. Madami na ang pumapasok sa aking isip ng mga panahong iyon. Nasa isip ko na baka salot ako talaga at walang kwenta. Haixt.







Ilang araw pa ang lumipas at ganun at ganoon pa din ang aking katayuan. Binibisita ako nila Annie at Anthony. Parehas lang silang walang magawa sa aking kalagayan. Minsan ba’y nagtangka na akong wakasan ang paghihirap ko pero laging palpak. Lagi akong natatakot at pinapangunahan ng panghihina ng loob.






“Best.... dinalahan kita dito ng mga pakain...... di ka daw kumakain ng ayos sabi nila Yaya....." sabi sa akin ni best.






Hindi ako umiimik at hindi ko siya pinapansin. Wala na akong pinapakinggan sa ngayon. 






"wag kang ganyan... sobra akong nag aalala sayo....ayokong nagkakaganyan ang best friend ko... hope bumalik ka na sa dati... na mimiss ko na ang best friend ko...” yan ang sabi niya habang hinahaplos niya ang aking ulo. 






Tunay na kaibigan ko talaga si Annie at di niya ako iiwan. Sa lahat ng tao, siya lang ang nagtiyaga sa akin at nagpursige. Niyakap ko lang siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Di ko alam kung may luha pa ba akong mailalabas sa susunod na mga araw. 







“best... alam kong masakit... pero lumaban ka... ano ka ba? Hindi tayo ipinanganak na sobrang baba... hindi tayo ipinanganak para sumuko... life goes on... we keep moving on.... you know.... obstacles lang yan... kaya mo yan...” pampalubag-loob na sinabi niya. 






“Best... salamat ng marami ha....... hinding-hindi kita makakalimutan......Samahan mo ako ngayon best... gusto ko ng magmove on... nahihirapan na ako sa sarili ko.....” sabi ko. 






“Kaya nga ayan na sinasabi ko... get up na... i-pack up mo na yang mga luha at pagmumukmok mo.... ilabas mo na ang jolly at matapan na side mo.... ako na ang bahala sa mga tao na nanjan sa paligid mo... basta come out in the shell....” sabi niya. 





“Thanks best... napakalaking tulong mo sa akin."






Natauhan ako sa mga salitang binigkas niya. Oo may punto siya. Gising dapat.







 "Pinag-isipan kong mabuti kung paano ba ako magsisismula muli. Hinding-hindi ko dapat hayaan ang pakiramdam na ito na lamunin ako. Sinimulan kong ayusin ang sarili ko." 






Hinarap ko ang salamin at nag ayos ng sarili. Habang nakaharap sa salamin, sinipat at nagsalita ako. 





“Nicko... hindi ikaw yan... hinding-hindi ikaw yan....” at isang ngiti ang pinakawalan ko.






Kinahapunan, dumating si Anthony. Niyaya niya akong lumabas para mag usap. Sumama naman ako sa kanya. Dinala niya ako sa dati naming pinupuntahan. 






“Oh.... bakit dito mo ako dinala... wag mong sabihing manliligaw ka na naman?” pagbibiro ko. 






“Kung pwede ba eh...” pagsakay niya. 






“Aysus... adik mo... teka nga pala..... si insan ba eh alam na binibisita mo ako?” tanong ko. 






“Oo... pinapakamusta ka nga niya eh.... sabi daw eh mag ingat ka daw lagi... wag mo daw pabayaan ang sarili mo.” Sabi niya. 






“Salamat kamo. Siya rin, wag magpapabaya...” 





“Uhm... How do you feel right now?” 






“I’m not okay... trying to move on.... kaw ba?” 







“Uhm.. eto.... nag aadopt na.. medyo nakakamove on na sayo...” 





“Ahahaha... ikaw kasi eh.... lumandi ka pa sa ba... hindi napigilan ang..... uhm... ahahah” nagtawanan kami. 







“Oy hindi ah.... ikaw talaga.... pero natutuwa ako at okay ka na.....”






“Haixt... alam mo ba yung time na iniwan mo ako... akala ko katapusan ko na yun... mahal na mahal kita nun eh.... tapos yun nga iniwan mo ako..... napakasakit... pero may mas titindi pa pala dun. Eto.. akala ko mas masakit na yun... pero eto na ang mas masakit eh.... bakit kaya ganito ang buhay ko no? Butata.... haixt...” ang nasabi ko. 






“Alam mo... pinagsisisihan ko ang ginawa ko sayo... mahal na mahal kita... mula noon hanggang ngayon... pero di na dapat...... di ko sinasadayang saktan ka...... pero isa lang ang masasabi ko ngayon.... alam kong mahal ka ni Kuya...."






"Hindi ako naniniwala..."





"promise... napatunayan ko na yan....ngayon ko lang nakitang ipinaglaban ni Kuya ang side niya kila Papa. Alam mo ba?” 








“Huh? Di kita maintidihan...” nalilito ako sa sinabi niya. 








“Oo... tama ka sa narinig mo...... Inamin na ni kuya kila papa na mahal ka niya at handa siyang iwan ang lahat para lang sayo...” sa sinabi niya, hindi ko maintindihan ang gagawin ko. 







"Imposible yan...."





"Nasa saiyo yan kung maniniwala ka ba eh..."






"Pero.... may ginawa siya sa akin.... yung nangyari? Niloko niya ako..."





"Maniwala ka.... mahal na mahal ka ni kuya"






Ang nahagilap ko na lang ay ang cell phone ko. Tinawagan ko agad si Ryan.







“Nicko.... Napatawg ka? Napatawad mo na ba ako? Mahal na mahal kita... sorry sa ginawa ko... hindi ko sinasadya iyon” sabi niya. 






“Kailangan natin mag-usap.... kailngan natin... I love you... mahal na mahal kita..... Kailngan nating mag kaayos....” ang sabi ko. 






Narinig ko ang sigaw niya at sinabing mahal rin niya ako. Tumatalon pa ang puso ko sa nangyari. Natutuwa ako. Sobra.





Habang sa nasa ganoong anyo ako, hindi ko namalayan ang sumunod na nangyari. May mga lalaki, pilit akong dinampot at ang sunod ay wala na akong naalala.





(Itutuloy)

3 comments:

  1. OH HOLY CRAP!

    pinadukot ng tatay ni Ryan si Nicko .. F*CK THEIR ASS .. RAWR!

    nakupo .. patay tayo dyan! baka itorture nila si kuya Nicko .. wag naman sana .. :(

    HELP kuya Ryan .. help ------

    Thanks kuya DK ~
    shocked* don't worry kuya .. kahit nawalan ka man ng access sa BOL .. we're still here to support you ..
    always wear a smile .. :)

    ReplyDelete
  2. Sobrang hinintay ko ito. Big fan mo din ako kuya Dylan.

    Sana wag ka tumigil sa pagsusulat, nakakalungkot, kasi magaganda yung gawa mo eh.

    Sa BOL ko nabasa ang chapter na ito, pero sinadya ko talaga na dito magcomment.

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. maraming salamat coffee prince at andy.... may nahanap na akong solusyon para makapagpost sa bol..... tnx to God.... salamat po sa comment for both of you

    ReplyDelete