Tuesday, April 3, 2012

If I Let You Go- Part 20

Sa lahat po ng readers ko. salamat po sa pag tune in.... hoping to leave your comments to my posts.... I am trying to finished my next story for all of you.... thank you very much sa lahat... eto na po yung next chapter... nxia buxy masyado po nung nakaraan... :))







Always here,

Dylan Kyle Santos



videokeman mp3
What Makes You Beautiful – One Direction Song Lyrics

_______________________________________________________________________________



“Napakatigas talaga ng ulo mo. Pasaway ka at di katalaga nagtatanda. Sabi ko sayo, hiwalayan mo na yang si Ryan. Ano pa ba ng gusto mong gawin ko para lang matakot ha? Hindi kayo pwedeng magsama niyan. Tandaan mo, mapapahamak lang siya sayo. Ano ba ang gutso mong gawin ko para lang paghiwalayin ko kayo? Patayin siya? Saktan? Sagasaan? Sige, sa oras na hindi mo pa hiniwalayan si Ryan makikita mo ang gagawin ko...” sabi sa kabilang linya.



Kilala ko ang boses nito, ito yung bumaboy at lumapastangan sa aking pagkatao.



“Di mo ba kami tatantanan? Wala kaming ginagawang masama. Utang na loob, tantanan na ninyo kami. Nagmamakaawa na ako...” sabi ko.



“Pasensiya ka, pero sundin mo na lang ang inuutos ko. O mas gusto mo na magkita ulit tayo at gawin ko ang paulit-ulit kong ginawa sayo?”



 “Hayop ka!!!” sigaw ko.



Di ko mapigilang mapaluha pag naalala ko iyon. Di ko na napigilan ang sarili ko na hiyawan ang nasa kabilang linya.




 “Subukan mo lang na lapitan kami. Sisiguraduhin kong mapapatay kita. Walang hiya ka!!!” at ibinaba ko ang aking phone.




Sinira ng tawag na iyon ang aking umaga. Bakit ba ayaw akong tantanan ng problema? Bakit ba nakakabit sila sa aking balikat? Daig ko pa ang may buhat buhat na mundo. Ano bang tingin nila sa akin? Superhero na kayang kayain ang lahat ng ibato sa akin? Tao lang din naman ako, isang normal na tao. Bakit ba hindi matapos tapos itong unos na dumarating sa akin.



“Nicko?” tawag sa akin ni Ryan na nagmumula sa taas.




“Nandito ako sa dining area..” sabi ko.




 Hinintay ko siyang makarating sa kinaroroonan ko. Inayos ko ang sarili ko. Pinahid ko ang luha na namutawi sa aking mga mata. Ayaw kong sirain ang umaga ni Ryan ng dahil sa akin.




“Wow..... nice... pinagluto ako ng pinakamamahal kong asawa... ayan.. nagutom tuloy ako.. nakakapaglaway eh.....” sabi niya.




Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Isang halik ang ginawad niya sa aking psingi.




“Ang swerte ko sa asawa ko... pinagluto ako ng pagkain. Mwah mwah mwah... naku, masarap kaya to?” pagbibiro niya sa akin.





“Ah ganon, porket masarap kang magluto nilalait mo na ang ginawa ko. Pwes... magutom ka jan wag kang kakain ha...” sabi ko.




"Joke lang. ikaw talaga naku..."




:Aysus.... Judge it...."




“Aysus... nilalambing ka lang... hahah..” bigla siyang napatigil at tumitig siya sa aking mukha.




“Bakit ka umiyak?” tanong niya. Nagulat ako sa tinanong niya. Bakas pa rin siguro sa aking mga mata ang luha. Di ko alam kung ano ang isasagot ko. good thing nahagip ng mata ko ang isang sangkap sa niluto ko.





“Ah... adik, kasi kanina sa sibuyas habang nag gagayat ako. Napaluha ako. Alam mo naman si Mr. Sibuyas, kapag sinasaktan mo siya, pinapaluha ka niya.”




 “Ah.. okay.... akala ko kung ano na eh.. tara na Mrs. Reyes... gutom na ang asawa mo.” Sabi niya.





“Mrs. Ka jan... batok gusto?” biro ko.




“Joke lang naman.. di mabiro.. tara na mahal kong asawa... kain na tayo... mwah... “ at umupo na kami.




 Buti na lang at di na nagtanong pang muli si Ryan. Di na niya inusisat pa ang napansin niya. Pinag walang bahala ko muna yung tawag na natanggap ko para haraping masaya si Ryan. Kwentuhan habang kumakain.





"Aray..." bigla niyang sabi.




"Oh bakit?"




"Dinukot mo kasi ang puso ko."




"Ang corny.... pero sweet.."




"I know..."




"love you..."




"I love you more..."




"mas love kita...."




"Walang makakapantay sa love ko..."




"Weh talaga lang ha.."



"Oo naman....."



"Sarap mo pala mag luto..." sabi niya.



"Parang minamaliit mo ako ha..."




"Hindi naman..."




"Aysus.... talaga lang ha..."




"Pwede ka na mag tayo ng resto..."




"Wag kang mambola jan..."




 Nasarapan naman siya sa ginawa ko. Ang ingay talaga niya kapag nakain kami. Ang daldal kahit kailan. Di mauubusan ng joke at mga sweet banat.




"Mahal na araw ba ngayon?" tanong niya.






"Bakit? Mag pipinetensiya ka ba?"





"Hindi..."




"Oh bakit mo tinatanong kung mahal na araw ngayon..."




"Kasi kahit hindi mahal na araw.... ang alam ko... minamahal kita araw- araw...."





"Aysus... alam mo may sabigla ka."




"Bakit?"



"Bakit-bakit ka jan. Kung makapag banat ka kasi wagas eh..."




"Aysus akala ko banat."




"Hahahaha.... aysus. Dami mo kasi alam eh. Hindi mo alam na para kang kabute.."




"Aysus. Ang gwapo ko namang kabute..."




"Oo nga... kaya nga basta-basta ka na lang sumulpot sa puso ko eh."




"Aba nalaban na ng banat....."





"Minsan lang yan..."



At yun tinuloy na namin pag kain namin.




Matapos nito, ang nag ayos kaming dalawa para pumunta sa shop. Pinag iisipan niya kung ano ang gagawin niya. Mag aapply ata siya sa mga kumpanya na kumukuha sa kanya dati. Baka bukas pa siya mag umpisang maghanap.




Sa shop muna kami tumuloy. Marami kaming dapat ayusin para sa naging conflict namin kay. Mr. Okinawa. Malakihang adjustment ang mangyayari. Nang makarating kami sa shop eh nagtatrabaho na sila. Si Annie ay nasa office at maraming paper works na hinaharap.



Tambak na rin naman yung sa akin.



“Best.... kailngan nating mag adjust dahil sa nawala na yung supplier natin na sila Mr. Okinawa. Kailngan nating makahanap ng supplier na kasingtulad nila Mr. Okinawa.” Sabi ni Annie.




 “Oo nga eh... uhm.. I try na magtanong sa mga kakilala ko.” Sagot ko sa kanya.




Bigla namang pumasok yung secretary namin ni Annie.





“Maam... Sir...may naghahanap po sa inyo sa labas....”




“Ah okay... sige.., sabihin mo sandali lang.. we will be right there for a minute...” sagot ko.





Inayos ko muna yung gamit ko dun sa table ko. Tapos lumabas kaming tatlo. Dumeretso kami sa may waiting area ng shop namin.





“Pinasan!!!” bati sa akin ni Rona.




“Oh.... insan... musta na?” sagot ko.



Si Rona at si Anthony pala yung nag hahanap sa akin.



“Kayo talaga.. akala ko kung sino...” sabi ni Ryan.



“Hahaha... kasi eto si Rona eh sabi daw daan kami dito..... kakatapos lang kasi namin mag pa check up....”






 “Ah.. ganun ba..... ang lakas ah... nakakdalawa na agad kayo... hahahah” sabat ni Annie.





“Hahahah.... sisihin mo si Anthony....” sagot nito.




"Naku Anthony yung pinsan ko wag masyado punlaan. Wag masyado mag sipag..."




"Aysus. Kayo bang dalawa ni kuya? Ang tagal atang mag punla?" biro ni Anthony.





"Che."



"yaan mo utol. dinadalasan na namin."




"Hoy tigil na. adik ninyong mag kapatid." sabi ko.




 “Uhm.. kuya nga pala.... ok ka lang ba?” tanong ni Anthony kay Ryan.




“As far eh okay naman. Ewan ko lang kung ano pang mga steps ni papa na gagawin niya. Eh kayo ba? Si mama?” tanong nito.




“Ayos lang naman. Medyo nagungulila si mama sayo. Pinakakamusta ka niya sa amin. Sabi niya kung kailngan mo daw ng pera lumapit ka lang sa kanya...” sagot nito.




 “pasabi na lang kay mama na okay lang ako. Mag ingat siya at ingatan ang kalusugan niya.”





“Kaw ba insan? Kamusta ka na?” tanong ni Rona sa akin. “Ayos lang ako... kaso eto namromroblema sa business. Bigla kasing nagbackout ung isa naming supplier na si Mr. Okinawa sa fabrication.” Sagot ko.





“Uhm.. teka.. wait lang.. yung kaibigan ko, sa fabrication din sila.... bigay ko sayo yung contact number. Kasi recently eh naghahanap sila ng masusupplyan.” Sagot ni Rona. “Salamat ha...... hulog ka ng langit....” sabi ni Annie.





 “Wala iyon... pambawi lang yan sa mga nagawa ko....” sagot niya.





“Wala na iyon... tapos na at napakatagal na... basta thank you ha....”



Kwentuhan lang kami ng ganun. Nanlibre pa nga sila ng foods eh. Sa side namin ni Rona okay naman kami. We are getting to trust each other again at masaya ako doon.




Ilang linggo din ang lumipas. Nakabawi naman kami sa bagong supplier namin. Si Ryan naman, di siya matanggap kasi lahat ng company na pinupuntahan niya, lahat ng iyon nakausap na ng papa niya. Pinapakita na talaga nito na papahirapan niya si Ryan. Kaya nagdesisiyon siya na itigil na ang pagahahanap at tumulong na lang sa akin sa shop.





Nakikita ko ang paghihirap niya at pagod. Sobra siyang hardworking. Malaki ang naitulong niya sa amin. Marami akong natutunan sa kaniya. Sobrang daming bagong knowledge ang nagain ko sa kanya. Mya mga technoque siyang tinuro.





Pag uwi sa bahay halata ko ang pagod sa kanya. Kaya ako tinatatagan ko ang sarili ko para di ipakita ang pagod. Ako ang nagluluto sa amin. Minsan siya pag medyo may lakas pa siya.




“Mahal.... tara kain na tayo...” sabi ko.




 “Kiss ko muna nga... pam pa energized” sabi niya.



 “Mwah mwah mwah... ayan... ok na ba...???” tanong ko.




“Halika nga....” hinila niya ako bigla at bumagsak sa kanyang kandungan. Niyakap niya ako ng mahigpit.






Nagulat na lang ako sa ginawa niya. Niyakap ko na rin siya.




“Mahal... wag kang mag alala sa akin. Lahat ng ginagawa ko para sayo... kaya kung nakikita mo akong napapagod, wag mong intindihin yun. Lahat ng dugo at pawis ko para lang sayo.” Sabi niya.



Nakakatouch naman yung sinabi niya. Nakakainlove lalo. Swerte ko talaga kay ryan.




 Seryoso ang boses niya habang sinasabi niya ito.




 “Alam ko naman eh. Pero di mo matatanggal sa akin ang pag alala sa kalusugan mo. Mahal kita kaya ako concern ng ganito. Alam kong kaya mong gawain ang lahat para lang sa akin. Ganun din ako sayo. Kahit ano kaya kong gawin. Mahal na mahal kita.” Sabi ko.




“Basta mahal na mahal kita....” sabi niya.




“Mahal na mahal din naman kita eh.” Sagot ko. Hinalikan niya ako sa labi. Ngumiti siya at nagyaya na.




“Tara na.. gutom na ako.”


"Okay po love ko..."




"Alam mo napapansin ko para kang ampalaya?"





"Hala ka. kumukukubot na balat ko?"




"Hindi.. Kasi naman you are good to my heart eh..."



"Aysus. Kumain ka na jan...."



Kinindatan lang niya ako. Wow ha. Kahit pagod eh nakakapag banat pa rin. Kahit minsan pagod yan, mararamdaman ko na lang na kukulbit yan kapag matutulog kami. Grabe mag himutok yan kapag hindi napagbibigyan. Hindi naman kami nag aaway. Iniiwasan namin yun. kung nagkakasungitan man kaming dalawa, inaayos din namin yun.




A life with him is very lucky. Wala na akong mahihiling pa.





Ilang buwan ang lumipas na ganun pa rin ang set up namin. Natutuwa ako dahil napaka hardworking niya. Papalapit na ang birthday ni Ryan. Kailngan pag handaan ko yan. Kahit pagod siya masayahin pa rin siya. Di siya nakakalimot na mag lambing sa akin. Kaya it's turn to make him happy.





“Oy ikaw nga... bawas bawasan mo nga yang paglalambing mo... mamaya hanap-hanapin ko to eh...” sabi ko.




 “Aysus... wag kang mag alala.... kung hanapin mo man,.... mas hihigitan ko pa..... dahil... wala akong balak itigil ito...” ayan ang mga katagang sinabi niya. Napakaswerte ko talaga sa kanya.





"Wag kang mag sasawa sa akin ha."




"Oo naman."




"Kaya mahal kita eh..."




"Ako din..."




"Ramdam ko naman eh..."




"Ako din naman eh..."




"Basta I love you...."




"I love you too..."






Ilang araw ang lumipas at nalalapit na ang birthday niya. Gumawa ako ng surprise party. Kinuntsaba ko sila mama at papa. Pati yung mama niya at si Anthony. Gusto kong suklian ang ginawa niyang paghihirap sa akin. Ilang araw ko itong pinag handaan at sana maging maayos ang kalalabasan.






“Happy birthday mahal ko...” bati ko sa kanya





“Naks naman... salamat mahal ko...” sabay halik sa akin.






“saan mo ba gusto kumain?” tanong ko.






 “Dun sa lagi nating kinakainan... hahah dun na lang... treat mo ha...” sabi niya.




“Oh sure.... hahahaha... so tara na?” sabi ko.





 “Okay... hahahah.....”. at umalis kami.




On the way na kami sa pupuntahan namin at sinimulan ko na yung surprise ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sila mama. Kunware isang business thing.





“Oh... hello. Yes Mr. Detino. What can I do for you?” nakatingin naman si Ryan sa akin habang nagmamaneho.





“Ah... you need it now? Sige po... kunin ko lang po sa bahay tapos ibibigay ko sa inyo... idadaan ko na lang po sa inyo... sige po... bye.... were going na po...” sabi ko. Ito na yung hudyat sa kanila na mag handa na sila kasi papunta na kami.





“Mahal... punta muna tayo sa bahay... may kukunin lang ako... tas daan tayo kila Mr. Detion.... ha.. sorry ha..... pero after nito eh diretso na tayo...” sabi ko.





 “Di ba pwedeng ipagpaliban muna yan? Bukas na lang... gutom na ako eh...” reklamo niya.




“Please...” sabi ko.





“oh okay na... sige na... alam mo naman na hindi ako makaktanggi sayo eh....” sabi niya.



“Thank you..” at pinaliguan ko siya ng kiss





"Okay lang ba talaga..."



"Oo nga..."



"Bat ka nakasimangot?"




"Kasi naman eh..."




"Sorry na... Saglit lang to Promise..."




"Kiss ko ulit.."



"Sige po... mwah mwah mwah.."





After 20 minutes, nakabalik na kami sa bahay. Nagtaka nga siya kung bakit sarado ang ilaw ng bahay. May kasambahay naman kami doon.






“Ay... naku.. nag leave nga pala si manang. Nakalimutan ko. Di ko naalala. Teka.. jan ka lang.... ako na ang aakyat.... hintayin mo na alng ako dito....”





“sama na ako...” sabi niya.




“Dito ka na.. mabilis lang naman ako...”




“sige na nga... bilisan mo ha...”





At nagsimula na ang pakulo namin. Hahahha. Sinabi ko sa kanila na mag hsnda na sila. Isang sigaw ang babagabag sa kanya at mag dudulot nito na pumasok siya sa bahay. Kaya 1, 2, 3 and 4... sigaw...




 "aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” at narinig ko ang pagmamadali niya sa pagpasok ng gate at ng pinto. At pagbukas niya ng pinto. Biglang buhay ng ilaw at....





“SURPRISE” sigaw naming lahat. Nakita naman ang pagkagulat ni Ryan. Nakita ko rin ang pagkamangha niya.




“Happy Birthday!”


(Itutuloy)

2 comments:

  1. Aw :( Nabitin ako. Haha xD Ewan ko ba kung bakit nagiging adik ako sa mga kwento mo Mr.Author :D Pakipost yung next part please? HAHA =)

    ReplyDelete
  2. salamat lem lem... hahahahahahha post ko yung next as soon as possible... hahahah

    ReplyDelete