Sunday, April 22, 2012

If I let You Go- Part 23

Hello guys... eto na po yung update ... woooh... salamat po sa tumutok at nag comments...


bale nabago po siya... last 3 parts na po siya including this... dapt last chapter na yung ipopost ko kaso inedit ko pa siya kaya ayun nag kasya sa 3 more episodes....


salamat po sa mga walang tumutok at sumubaybay.... lalo na kay COFFEEPRINCE.... na laging nag cocomment po.... dre... salamat... :))

sa mga commentors tulad nila:

makki, #28, andy, mike, kevinblues, lemlem, at kay master lee #27.... pati pala kay wastedpup... at sa iba pa... salamat po... sa mga silent readers hope mag comment kayo sa last na part neto...


fb: yaoi_addicted01@yahoo.com

blogs: yaoiblogs01.blogspot.com



salamat po... :))


Always here,

Dylan Kyle Santos






videokeman mp3
Only Love – Trademark Song Lyrics

____________________________________________________________________





“Kahit kailan napakaswerte mo sa buhay.... pero malas mo lang ako ang kasama mo ngayon kaya kahit anong gawin mo... mamamatay at mamamatay ka...” sabi ni Bea sa akin.




“Wala kang kasing sama. Di ka na nakuntento na pahirapan ako. alam mo ba an bumabagsak na ang kumpanya namin... di ka pa ba titigil sa pagpapasakit sa akin?” sabi ko.




“Di ako magsasawang pahirapan ka... pero yaan mo.. sandali na lang at mawawala na ang paghihirap mo... ikamusta mo na lang ako kay Satanas.....” sabi niya.




At pinagsasampal niya ako. matapos niyon eh pinagtatadyak niya ako. biglang humarang yung lalaking nangbaboy sa akin dati.





“Bea tama na... tignan mo naman... bugbog na ang katawan niya. Maawa ka naman....” sabi nito.





 “Umalis ka jan Matthew.... kulang pa yan... alam mo ba... kailnagan mabawi ko si Ryan sa kanya...” sabi nito.





“Pero Bea.. magising ka naman.... sinabi na sayo ni Ryan na hindi ka na niya mahal... imulat mo yang mata mo..... may panahon pa para umatras... tara na... bago pa tayo mahuli ng mga pulis...” sabi nito.





 “Anong tingin mo sa akin? Gaga? Matapos ang lahat ng ito ngayon pa ako aatras... yaan mo papatayin ko muna yang salot na yan bago ako umatras... kaya umalis ka jan....” tinabig niya ito at tinutok sa akin ang baril.



"Pero.."




"Wag ka ng komontra... matagal ko na tong pinag planuhan..."




"Bea..."






 “Ngayon katapusan mo na....” ipinikit ko lang ang aking mata at nakarinig ako ng isang putok ng baril.





Bigla akong napaluha. Maya maya ng unti, mararamdaman ko na ang sakit. Mawawalan na ako ng malay pagkalipas ng ilang sandali. Pero, iba ang narinig ko.





“Tumakbo ka na!” sigaw ng lalaki na Matthew ang pangalan.





 “Nicko... umalis ka na... habang may panahon pa... tumakas ka na...” utos nito sa akin.





Sa taas nakatutok ang baril.




 “Mattew... bitawan mo ako... bitawan mo ako......” sigaw ni Bea.





Nagmadali akong tumayo at tumakbo papalayo.




“Bumalik ka dito... walang hiya ka... bumalik ka dito...” sigaw nito.





 Di ko alam kung papaanong takbo ang gagawin ko. Iyak lang ako ng iyak. Kinakabahan ako kung mabubuhay pa ab ako matapos ito. Sa ilang teleserye na napanood ko, ganito rin ang nangyayari. Lagi naman. Lalo na pagbarilan.




Minsan mababaril ang bida. Mag 50-50 pero mabubuhay din. Pero yung iba, namamatay. Eh ako kaya, since ako ang bida at naging kontrabida, ano kaya ang kahahantungan ko. Mamamatay ba ako o mabubuhay.




Pagkadating ko sa isang pinto, bigla na lang may humila sa akin at tinakpan ang aking bibig. Diyos ko, kung papatayin na nila ako patayin an nila. Ayoko ng mag hirap na unti-unti nilang binabalatan ang aking natitirang buhay. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero nawala ito ng maramdaman kong yumakap sa akin ang taong humila sa akin. Pinaharap niya ako at laking tuwa ko sa aking nasaksihan.




“Ryan..” at umiyak na ulit ako.




“Mahal ko.. andito na ako wag ka ng mag alala .... tara na alis na tayo dito..” yaya niya sa akin.




Nagmadali kaming umalis sa lugar na iyon. Malalaki ang yabag na bumaba ng hagdanan. Nagmamadali kaming dalawa. Halos matisod na ako kakamadali pero tiantagan ko ang sarili ko. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana at nakaabang sa amin ang panganib.




“Akala ninyo ba makakatakas kayo? Ha? Akala ninyo matatakasan ninyo ako?” biglang tawa ito.




 “Bea... pakawalan mo na kami... wala kang mapapala sa akin...”





“Meron..... meron... dahil kung di ka mapapasa akin... mawawala naman yang minamahal mo.. kaya pantay lang... sapat na siguro yon...” sabay tawa na parang nababaliw.





“And who do you think you are para sabihin na kabayaran ang buhay ng mahal ko?”





 “Ako lang naman ang may hawak ng baril na ito na magsasabi naoras mo na...” at tinutok niya ito sa akin.





Kakalabitin na sana niya ito pero naagapan ito ni Matthew.





“Hudas ka.... wag mo akong pakialaman... bitawan mo tong baril at ang kamay ko..”






Nag agawan silang dalawa. Ito na ang hudyat ng aming pagtakas kaya nagmadali kami.




"Umalis na kayong dalawa..... eto na panahon para bumawi ako sa ginawa ko... sorry..." sabi nito.





“Matthew salamat...” sabi ko.





 “natatandaan ko pa ang mga sinabi mo.... basta mag ingat ka lagi...” sabi nito.





“At patawad sa mga nagawa ko sayo...” pag hihingi nito ng tawad.





Kaya mabibilis ang aming mga paa na tinahak ang hagdanan pababa. Pero bago namin maitapak ang aming mga paa. Isang putok ang kumaripas sa aming mga tenga. Kinabahan ako kung sino ang natamaan ng bala ng baril.




Kinutuban ako at ng lumingon kami sa aming likuran , nakahandusay na si Matthew.  At ang sumunod nito ay ang pag iyak ni Bea. Nakita ko na na-fru-frustrate na siya.




“Matthew! Matthew...... Pagbabayaran nila ito... pag babayaran nila ito....” sabi ni Bea.





“Bea... mahal na mahal kita... mahal na mahal... di kita iniwan... andito lang ako lagi para sayo.... kasi mahal kita..... baguhin mo na ang buhay mo..... ayos na sila Ryan at Nicko pa... pabayaan/.... mo na...si...siya.....” at doon na nalagutan ng hininga si Matthew. At sumigaw ng malakas si Bea.





"AHhhhhhhhh!!!!"





“Magtago na kayo! Dahil mamamatay kayo pareho...” ang sigaw ni Bea.





Kaya nagmadali talaga kami bumaba. Malapit na kami sa baba. 3 palapag na lang. Nananalig ako sa Diyos na makakaligtas kami dito. Napadaan kami sa isang bintana at nakita ko sila mama sa baba. Sumigaw ako para matanaw nila kami.






 “Mama... Kuya...  Annie....” nagagalak ako na makita sila.






 “Anak....... salamat at ligtas ka... bumaba ka na dito... magmadali kayo...” naiyak na sinabi ni mama. Kaya nagmadali kaming bumaba. Gusto ko pang makita si papa. Napakalubha ng lagay nito.







 “Papa... hinatayin mo ako.. darating ako jan... hintayin mo ako....” sabi ko sa sarili ko.






“Mahal ko.... mahal na mahal kita... kahit anong mangyari.. ikaw lamang ang mamahalin ko... tandaan mo yan. Ikaw lang at wala ng iba.” Sabi ko kay Ryan.






“Mahal na mahal din kita pero wag ka nga ganyan.. ayokong namamaalam ka...” sabi nito.






Kaya hinila niya ako pababa. Nasa ikalawang palapag na kami ng hindi anmin mabuksan ang pintuan.  Wala na kaming madaanan kundi iyon.






“Mga hudas,.... malapit na ako.... magdasal na kayo... dahil sisingilin ko na kayo sa buhay ninyo... mamamtay na kayo... mamatay na kayo...” nababliw na sabi nito.





“Mahal ko.... paano na tayo?” tanong ko.






“Tumabi ka muna... ako ang bahala...” sabi nito. At pinagsisipa nito ang pinto. Isa, dalawa.... tatlo... apat..... lima.... at yun,bukas. Agad kaming pumsok sa pinto. Ilang hakbang pa lang eh napaurong na kami.






Yung feeling na para kang daga na wala ng malusutan. Laking gulat namin ng makita namin na nakaharang sa daanan namin ang mga tauhan ni Bea.






“Aha.... saan kayo pupunta? Maam... nakita na namin sila...” sigaw nito.





“Please... patakasin na ninyo kami...” pagmamakawa ni Ryan.





Biglang dumating si Bea.




“Aha... gotcha.... pinahirapn ninyo ako mga bibwit... ahahha.. nagyon... magsama-sama tayo sa impyerno....” sigaw nito.



“Ano pa ba ang dapat namin gawin para itigil mo na yang kahibangan mo? Wala ka ng mapapla sa akin...” sigaw ni Ryan.




 “Alam mo Ryan.... di ko alm kung tanga ka lang ba o hindi ka talaga nag iisip? Anong mangyayari sa yo kung magiging kayo niyan? Puro kamalasan lang ang aabutin mo. Tanga ka... tanga ka.... wala kang pag iisip... baliw...” sigaw nito.



“Tanga na kung tanga... pero mahal ko siya... lahat ng tao nagpapakatanga sa pagmamahal. At alam mo iyan... sinakripisyo ni Matthew ang buhay niya... kinitil mo ang buhay niya... ano pa bang sakuna ang gusto mong mangyari....” sabi ni Ryan.




“Nang dahil sa lalaking iyan... namatay na si Matthew... siya na lang ang meron ako.... pero nawala siya dahil sa kamalasan ninyo...” sigaw nito.




“Ikaw ang pumatay sa kanya. Ikaw!” sigaw ko. “





Oo ako nga... pero tandaan mo.. ako din ang papatay sa yo...” at itinutok nito ang baril sa akin.





Nagsalita ulit siya.





“Alam mo Ryan... kung di ka rin lang mapupunta sa akin... mabuti pang di ka rin mapunta sa kanya..... mamatay ka rin kasama niya....” sigaw nito.





“Handa akong mamatay para sa minamahal ko....” humarang iya at pumaibabaw sa akin.





“Rye.... wag....” malungkot kong sabi.





“Mahal na mahal kita.... tandaan mo iyan...” sabi nito.





At sa mga sandaling iyon. Napayakap ano ng mahigpit kay Ryan. Isa... dalawa..... tatlo... at sa ilang sandali lang nakarinig ako ng sunod sunod na putok... kasama ba ako sa natamaan? Magkasama ba kami ni Ryan na mamatay? At least kasama ko siya... pero ayokong mamatay siya. Mas mabuting ako na lang kaysa siya.



Eto na siguro ang katapusan... eto na siguro ang huli....





 Minulat ko ang aking mata at nagulat ako sa nasaksihan ko. Nakahandusay si Bea sa lapag at tinamaan ang kanyang paa. Hinuhuli din siya ng mga pulis. Pati ang mga tauhan niya nahuli na rin.




Sobrang napaluha ako ng makahinga ako ng maluwag. Natutuwa ako at ligtas kami pareho. Niyakap ako ng mahigpit ni Ryan.



“Ang swerte natin.... I Love you Nicko...” sabi nito.



“I love you too... sa pagkakataong ito.. maswerte tayo...” sagot ko.




At sa pagkakataong iyon, ligtas kami, oo ligtas nag kami. Nakabab na ka mi at nayakap ko pa si Mama.




“ma.....” iyak ko.




“Anak ko... salamat at ligtas ka... salamat...”





 “Kamusta si papa?”




“ayos na siya... sobrang nag alala siya sayo... sobra..” sabi nito.




“Nga pala... Ryan.. ang papa mo sinugod sa ospital... inatake ng malamang nakidnap ka.” Paglalahad ni mama.




Nakita ko ang labis na pag aalala ni Ryan.





“Mahal ko... tara puntahan natin ang papa mo..” sabi ko.




Sumang ayon siya. Bago kami umalis, nakita namin si Bea habang inilalabas sa gusali na pinagdalhan sa amin. May tama siya sa paa. Di naman malubha pero kailngan din maoperahan.





Sinalubong din kami nila mama at papa. Masayang masaya na ako.Niyakap ako ni Ryan. Mahigpit na yakap. Para bang wala ng bukas. Nakapikit din ako habang yakap yakap ko ito.




Pagbukas ko ng mata ay agad kong nakita muli si Bea. Pero kinabahan ako sa hawak nito, isang baril. Inagaw nito ang baril na hawak ng mga pulis at nakatutok ito sa amin ni Ryan. Tinitigan ko si Ryan at nakita ko itong nakangiti. Di nito alam ang nakaambang na panganib sa amin. Nginitian ko rin siya at ako na mismo ang bumago sa pwesto namin.




“I love you... mahal na mahal kita... hindi mawawala ito at hindi magbabago... mamatay man ako ngayon...” sabi ko.




“Ano ka ba.. wag kang mag salita ng ganyan... mahal na mahal kita... at tsaka ligtas na tayo..” sabi nito.





Napatingin ito sa likod ko at nakita ko ang panlalaki ng mata nito. Isang putok ang umalingaw ngaw sa amin. Narinig ko pa ang sigaw ni Bea.




“MAMATAY KA!”.





At ang bala na para kay Ryan, sinalo ng aking likod malapit sa puso. Ramdam ko ang sakit, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa labi. Nakita ko ang pagkagulat ni Ryan. Matapos kong mahalikan ang kanyang labi. Unti-unti na akong humahandusay pababa. Hudyat ng pagkawala ng aking buhay. Hanggang sa lumagapak ako sa lupa.






Binuhat agad ako ni Ryan.





“Nicko... gumising ka... wag mo akong iwan....” narinig kong sinabi niya.





“La... lahat kayo na...nangakong di ako iiwan..... mukhang ikaw lang ang nakatupad niyon.... magaling pa rin talaga ako... at nakakita pa ako ng isang gaya mo.... pagkatapos akong pasakitan ng mundo..... kala ko talaga na walang wala na ako.... pero nandiyan ka....... at nagawa ko na ang lahat bago ako mamatay...” ang naitugon ko habang nag aagaw ako ng hinga.





“Maswerte ako na napa sa akin ka.... pero nag maakaawa ako na wag mo akong iiwan.... please.....” sabi nito.





“kala ko dati malas ako....kala ko pinagtri-tripan ako ng mundo.... tapos napatingin ako sayo..... alam mo kung bakit?....... Ka... kasi...... ka... kahit gaano ako kamalas..... bawing bawi naman ako.... ng.... ng.... ng dahil sayo.....” hinwakan ko ang pisngi niya at matapos iyon, nawalan na akong malay. Ito na kaya ang hudyat ng aking pagkawala?





(Itutuloy)


6 comments:

  1. congrats in advance dylan sa story mo, cant wait for the remaining chapters, nakaka-hook yung plot mo. more stories please, avid follower mo na ako!

    edric

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat edric ha..... natutuwa naman po ako... hope to see your comments in the last 2 chapters... salamat po ng marami,.... :))

      Delete
  2. Looking forward for a Happy Ending! :D

    ReplyDelete
  3. grabe .ang intense ng scenes..same ng nbasa kong story..hoping for a happy ending...grats po sir Dylan....more powers..

    ReplyDelete
  4. kahit po ito kathang isip lang na kwento, dapat po maiplabas nyo ng maayos ang kwento, ito po ang mga napansin ko:

    1. magulo po ang mga eksena sa hideout. liblib na lugar may gusali o bahay na inabandona? at sa pagkakaintindi ko, itoy napakataas pa. maaring hanngang 4th floor o higit pa. kasi nabasa ko "malapit na kami sa baba. tatlong palapag nalang".

    2. eksena nmn ni bea na tinamaan sa paa at nahuli n ng pulis. nakapangagaw pa ng baril. ang tanga nmn ng pulis? ang alam ko automatic, pinoposasan agad. or pag ganun ang eksena n nakaktuttok n baril, hidi sa paa babarilin. sa ulo mismo dahil nasa panganib na yung babarilin.

    3. kanina pa nagpuputukan, pero andon parin sila, na sa pagkakaintindi ko e tumatakas na, pero andun pala sila s mataas na palapag.

    4. nakita lang sa bintana si mama, aniw etc, hiniyawan agad, e nasa panganib nga sila at tumatakas.

    5. pagdating sa ibaba, sarado pinto. tinadyakan ang pinto, pagkabukas andon lang pala s labas yung mga kidnaper? e kanina pa nagpuputukan. etc etc

    6. nkikibasa lang po ako. mga comment kolang po yung sinabi ko, para mapagbuti at mapaganda ung mga susunod na istorya. alam ko mahirap gumawa ng story. kahit nmn sa movie may mga kritiko. may mga pumupuri.

    7. ang mga ekwena ng buhay pagibig ay naipalabas mo nmn na maganda at makatotohanan.

    ronron

    ReplyDelete