Saturday, April 14, 2012

If I Let You Go- Part 22

Guys eto na po yung update ng If I Let You Go. Sa mga commentatgors next post na lang po ako mag babanggit ng readers. Sorry po ah. medyo madalian kasi po yung post ko kaya eto po... Hope maintindihan ninyo.


Sorry kung medyo natatagalan/ Busy sa mga pinagkakaabalahan ang author ninyo. Sa mga commentator, salamat po. Sa mga readers, salamat din po. Masaya ako na ipinapahayag po ninyo yung side ninyo.

I will do my best para magustuahn po ninyo yung last 2 parts nito. SAlamat po sa isang commentator na nagsabi na medyo comon na yung episode. Nxia po ah kasi medyo matagak agal ko na rin naisulat ito. Salamat po ng marami sa mga nakatutok.



Suportahan po ninyo sana yung next post ko. SAlamat po ng marami.


fb: Dylan Kyle Santos

blog: yaoiblogs01.blogspot.com




videokeman mp3
Safe and Sound  – Taylor Swift Song Lyrics

_____________________________________________________________________


Di na kami nanlaban ni Ryan. Nakayakap lang ako sa kanya at mas feel kong safe ako sa kanya. Wala akong naramdaman na takot kay Ryan. Mas feel ko na gusto niyang iparamdaman na wala dapat akong ikatakot. Kahit na nagkagalit kami kanina, narito siya at pinaparamdam sa akin na wala dapat akong ikatakot.




Nakita ko na naman ang pag mumukha ng lalaking bumaboy sa aking pagkatao. Pero medyo nag iba na ang tingin ko sa kanya. parang may iba sa kanya na hindi tulad ng dati.




“So we meet again.... do you miss me my bed time darling?” sabay tawa nararamdamang tensyon sag malakas. 



Nakita ko na nanlaki ang mata ni Ryan at naramdaman ko ang pagtiklop ng pasensiya niya. Inawat ko siya dahil alam ko na ang susunod na gagawin niya. Tama naman ako at aktong susugod siya kaya naman niyakap ko siya para pigilan ito.



“Hayop ka... ikaw ang bumaboy sa mahal ko?” galit na sabi niya. 


“ oh... ikaw pala yan Mr. Lover Boy. Hiniram ko lang naman sa kama itong boy friend mo eh.. now I know kung bakit di mo siya maiwanan.” sarkastong sabi nito.



Di ko mapigilan ang sugurin siya at suntukin ang pagmumukha niya. Hinabol ako ni Ryan pero hinarangan siya ng mga tauhan nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Muli ko kasing naalala ang lahat. Hinawakan ng lalaki ang kamay ko at isinandal ako sa kotse. 




“Mas masarap ka talaga kapag lumalaban. Alam mo ba nakakamiss ka... at ngayong nahuli na ulit kita, alam mo na ang kasunod...” sabay kindat.



“walang hiya ka... tanggalin mo ang kamay mo sa kanya....” sigaw ni Ryan. 




“Easy lang naman... yaan mo mamaya makikita mo ng live ang gagawin ko.” Pag ismid nito sa kanya. 




“Subukan mo lang at mapapatay kita... Ni isang hibla ng buhok niya wag mong hahawakan. Gago ka. SIra ulo!” sigaw ni Ryan. 




“Swerte ka at di ka namin pwedeng patayin...” sagot nito. 




“Ano bang kailngan mo sa amin?” tanong ni Ryan. 




“Sayo... wala... pero sa kanya meron.... kaya wala ng maraming satsat dalhin na yang dalawa na iyan...” utos nito. 





Isinakay kami sa van. Magakatabi kami ni Ryan. Nakatutok pa rin ang baril sa aming dalawa. Niyakap niya ako ng mahigpit. Alam kong ramdam niya ang panginginig ko. Hinawakan niya ang kamay ko. Bigla bigla iniharap niya ang mukha ko at hinalikan niya ako. 





“Wow... ang sweet naman niyang dalawa.....” sabi ng katabi namin. 




“Wala namang magagawa yan mamaya eh... yung lalaki eh kay bossing din babagsak....” sabi nito. “




Bossing? Sino ba may pakana nitong lahat. Kapag nakita ko siya talagang papatayin ko siya. Wala siyang puso. 




"Sino bang nag utos sa inyo nito? Wala ba siyang magawa sa buhay niya?” tanong ni Ryan. 





“Malalaman ninyo rin mamaya.” Sagot nito.



"Gago kayo. Hindi ninyo ba naisip na mali itong ginagawa ninyo?"




"Eh sira ka pala eh. Pera din to men. Ikaw pinanganak na mayaman. Eh kami dukha."



"Hindi ko kasalanan na lumaki akong mayaman. Eh kayo, kasalanan ninyo yung pagiging dukha ninyo kasi imbis na umahon kayo nagpakalugmok lang kayo."





"Eh tarantado ka pala eh. Kung ikaw nasa sitwasyon namin eh ganito din ang gagawin mo."





"Hindi ako tulad ninyo..."





"Wag ka na lang mag salita."





"Mga peste kayo..." sigaw ni Ryan.





"Tahimik." sigaw nung lalaking gumawa sa akin ng kalokohan.




Makalipas ang mahigit ilang oras, nakarating kami sa pupuntahan namin. Liblib ang lugar na iyon. Halos puno lang at halaman ang makikita mo. Masukal ang daan. halos hindi ko alam kung paano makakalabas doon.



“Asan tayo?” tanong ni Ryan. 





“Nasa hinulugang taktak.... hahah.. nasa Antipolo tayo...” sagot nito. 






Ang layo ng narating namin. Nangalay ako sa byahe. 



“Natatakot ako..” sabi ko. 



“Wag kang matakot... andito lang ako.” Pag papakalma niya sa akin. 




“sige ipasok na yang mga yan... ipasok yan sa kwarto....” sabi nito. 



Nanginginig na ako sa takot. Isang abandonadong lugar yun. Yung nakikita sa mga pelikula. Pero kakaiba to kasi parang kailan lang siya naabandona. Muli’t muli naalala ko ang mga pinag gagawa sa akin. 



Walang kaawa-awa kaming ipinasok sa kwarto. Para bang mga hayop kami na basta na lang ipinapasok sa isang kulungan. Naupo kami sa kama. Tumulo ang aking luha sa aking naalala. Nanariwa yung nangyari noong nakaraan. KUng saan bumalik yung mga nangyaring kamalian.



__________________________________________________________________

Iginala ko ang aking mata at nakita ko yung lalaking dumukot sa akin. Walang damit, katulad ko. Natanging ang saplot lang ay ang kumot na nagtataklob sa aming kahubdan. Sa puntong iyon, kakaibang panlulumo ang naramdaman ko sa aking sarili. Daig ko pa ang binaboy at pinaglaruan. Daig ko pa ang mga nagbibigay aliw sa iba na kung sila ay kumikita, sa akin ay wala. 




Lubusan ng nawala ang aking pagkatao. Binaboy ako ng lalaking ito. Tumulo ang luha ko na mula sa aking mata. Sinipat ko ang aking katawan. Ramdam ko pa ang sakit na dulot na ginawa niya. Gusto kong patayin ang taong ito, pero mukhang walang lakas ang lalabas sa aking katawan dahil sa panlulumo na aking nararamdaman.




Tumayo ako para tuntunin ang aking kasuotan. Ayokong pandirihan at makita ang sarili ko sa aking anyo ngayon. Para akong basura ngayon at di na mapapakinabangan. Parang wala na akong maihaharap kay Ryan sa nangyaring ito. 




Pulubi ako sa aking pakiramdam na wala ng matutuluyan kundi ang lansangan. Namalayan kong nagising yung lalaki at agad bumangon. Mataamng tinignan lang ako nung lalaki habang nandun ako sa kinaroroonan ng aking damit. 



“Wag ka ng mag damit... nakita ko na yan.... at naangkin ko na yan...” ngisi niya habang tumatawa. Di ako umimik, naituon ko na lang ang atensyon ko sa pagsusuoot ng damit. 




Pinipigilan ko ang sarili ko. Gustong gusto ko siyang suntukin, gantihan sa ginawa niya sa akin. Bigla siyang lumapit sa akin at hinablot ang aking braso.

 __________________________________________________________________




Niyakap ako ng mahigpit ni Ryan. 




“Wag ka ng umiyak... andito lang ako.. maakaalis din tayo.. nakakasiguro ako... wag kang mag alala... it will be alright.” Sabi nito.




 “Paano tayo aalis dito? Mukhang mahihirapan tayo.. may mga baril sila.” Sabi ko. 





“Nakahingi na ako ng tulong.” Sabi niya. 




“Paano?” tanong ko. Di na siya nakasagot dahil pumasok na ulit ang mga dumukot sa amin. 




“O kamusta kayong dalawa dito?” tanong nung lalaki. 




“Ano bang kailangan kong gawin para lang pakawalan ninyo kami?” tanong ni Ryan. 





“Di namin kailngan ng pera dahil meron ng pera ang nag utos sa amin.” 




“Kung di ninyo pala kailngan ng pera ano pa ang ginagawa namin dito? Sino ba ang nag utos sa inyo?” tanong ni Ryan.




 “Ako.” Sabi ng isang tinig ng babae.





Pamilyar ito. Sobrang pamilyar. Parang narinig ko na ito dati, somewhere. 




“Sino ka? Magpakilala ka?” sigaw ko. 




“Ako lang naman to.... kamusta kayo” nanlisik ang mata namin dalawa.





 Nagulat kami kung sino ito. Di ko inaasahan na siya ang magpapadukot sa amin. Di ko inaasahan na makikita ko siya. Lalaki pa naman ang nasa isipan ko na magpapadukot sa akin. Pero siya? Paano? Anong nangyari at siya ang may pakana nito. Wala naman akong ginawa sa knyang masama. Pero bakit?



“Bea... anong ibig sa bihin nito?” tanong ni Ryan. 




“Simple lang... gusto kong mawala sa landas ko yang haliparot na iyan... di na siya natuto...” sabi nito. 




Oo, si Bea nga. Ang ex girl friend ni Ryan. Ang siyang dahilan ng pag aaway namin ni Ryan noon. Ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. ANg isang magandang babae lang pala ang may pakana ng gulong ito. Di ko maimagine.




“Bakit? Ano bang nagawa kong mali sa inyo?” tanong ko.



“Ang tanga tanga mo. Ano ka bobo? Binalaan na kita dati. Pinasabi ko sayo na layuan mo na yang si Ryan pero anong ginawa mo? Ipinagpatuloy mo? Papatayin kita ngayon dahil jan sa kalandian mo. Tandaan mo akin lang si Ryan.” Sabi nito.



Para na siyang nababaliw. Ganun ba talaga siya ka-obssesed kay Ryan?




 “Kahit kailan hinding-hindi na ako magiging sayo. Tapos na tayo Bea. Ano pa bang kailngan mo? Ikaw ang nang-iwan sa akin? Wala na akong nararamdaman sa iyo...” sigaw ni Ryan. 





“Ikaw wala pero ako meron. Mahal na mahal pa din kita. At gagawin ko ang lahat mapa sa akin ka lang ulit. Hindi ako titigil hanggang hindi ka mapupunta sa akin. Kung kinakailngan ko pang tapusin yang mahal mo, gagawin ko. Maging akin ka lang.” Sabi nito.






 “Tapos na tayo. Tapos na. Hindi mo ba naiintindihan iyon?” sagot nito dito. 





“Sa iyo tapos na... sa akin hindi pa.” Sigaw nito.





“Ako na ang mahal niya at hindi na ikaw. Alam mo ba yon? Ako na ang minamahal ng lalaking nag mahal sa iyo noon.” Lumapit siya sa akin at sinampal ako. 





“Ano ba? Layuan mo siya.” Tinulak siya ni Ryan. 





“Wala kang karapatang saktan siya.” Dagdag pa nito. 





Humugot siya ng baril at itinutok sa akin. Humarang naman agad sa akin si Ryan. Niyakap niya ako. 





“Umalis ka jan... matagal na akong nanggigigil na patayin yan. Umalis ka jan... hindi ko nga maintindihan kung bakit ka na inlove jan eh. Lalaki yan samantalang babae ako. Wala pa siya sa kalingkingan ko...” sabi ni Bea.





 “Oo lalaki siya at babae ka... pero kung sa pagmamahal lang din, di ka aabot ni sa talampakan niya.” Sigaw nito.




"Pakawalan mo na kami Bea. Hindi ka na mahal ni Ryan."





"Wag kang sumabot. You whore."





"Mas asal kaladakarin ka."





"At least hindi ako nababoy..."





"Walang hiya ka."




"Mas walang hiya ka."




"OO nababoy na ako. Pero nasa akin si Ryan." ang nasabi ko na lang.




Nakita kong nanggigfil siya.




“Umalis ka jan....!!!” nanggigigil na sabi nito. 




“Kung papatayin mo siya patayin mo na rin ako... di ako papayag na patayin mo siya..” sigaw nito. 




“Naks naman.. napakasweet ninyo naman.. pero yang matamis na pagmamahalan ninyo mauuwi sa mapait na kamatayan niyang Nicko na yan..” sabi nito. 




“Sige pag hiwalayin ninyo sila” utos nito. 




Agad namang sumunod ang mga tauhan niya at pinag hiwalay nila kami. Nanlaban si Ryan pero nakita kong sinuntok siya sa tiyan. Madami sila. 




“Nicko... Nicko.... bitawan ninyo siya...” sigaw ni Ryan. 





“Ryan.... huhuhu... tulungan mo ako...” sabi ko. 






“Walang hiya ka Bea... wala kang kaluluwa...” umiiyak na sabi ni Ryan. 






“Kahit anong gawin mo..... wala ka ng magagawa.... papatayin ko na siya. Meron ka bang huling sasabihin sa kanya...”sabi niya sa akin. 






“Ryan.. mahal na mahal kita... mahal na mahal...” di na ako makapagsalita ng ayos dahil sa aking pag luha.






“Sayang ka. Gwapo ka pa naman pero... mamatay ka na...” ipinikit ko ang aking mata sa paghahanda sa nalalpit kong kamatayan. Feeling ko katapusan ko na ngayon. Pakiramdam ko kasi eto na yung huling araw ko. 






Sa huling sandali, inalala ko ang mga magagandang nangyari sa akin. Yung mga pag kakataon na nagkaroon ako ng kaligayahan sa puso. Mga pagkakataon na kung saan kapiling ko si Ryan.



_______________________________________________________

“Alam ko... alam kong mahal mo ako... at handa akong magsakripisyo para lang sayo... mahal na mahal kita.....” sabi niya. 




“Mahal na namahl din kita... hindi ko alam kung bakit ba? Kung paano ba nangyari... bigla bigla na lang akong nakaramdam ng kiliti sa aking puso na siyang tumutugon sa yo....” ang sabi ko. 





“Handa akong tugunan ang puwang ng pagmamahal mo dyan sa puso mo..... alam kong mahal mo pa ang kapatid ko pero di ako papatalo..... ako ang siyang bubura niyang sa puso mo at ako ang mag hahari sa puso mo.... ipapangako ko ang lahat... lahat lahat...” ang sabi niya.

_____________________________________________________



Mga pagkakataong kasama ko si Annie.


_______________________________________________________

“Basta, pag naramdaman mo na sumuko ka na.. andito lang ako para i comfort ka..”



______________________________________________________

At ang pagtanggap sa akin ng mga magulang ko.


____________________________________________________


“Anak.... patawarin mo ako sa nagawa ko sa iyo. Di ko lang matanggap noon na ganyan ka. Akala ko makakya ko at matitiis pero nung nalaman ko na nanganib ang buhay mo, di ko na nakayanan. Mahal na mahal kita anak.”



___________________________________________________


Lahat ng mga bagay na nag pasaya sa akin inisip ko. Kahit man lang sa huling sandali, maging masaya ako. ipinikit ko ang aking mata muli at hinanda ang sarili ko. Naririnig ko pa rin ang sigaw ni Ryan. Sigaw ng pagmamkaawa. 




Punong puno na ng kalungkutan ang aking puso. Sana maramdaman ni Ryan kung gaano ko siya kamahal. Mahal na mahal ko siya. Higit pa sa buhay ko. Sana makapatgpo siya ng mas magmamahal sa kanya kung sakali.




“Isa... dalawa... tatlo....” pag bibilang niya 






“... apat.... li...” natigil ang pagbibilang niya ng may marinig kaming wang wang. 



Nagkagulo ang lahat. 




“Ano yon?” sabi nito. Nataranta siya sa nangyayari.



“Tignan  ninyo...” utos nito. 





Lumapit sa akin si Ryan pero hindi ito natuloy. Tinutukan agad ako ni Bea sa ulo.





 “Sige lumapit ka.. sabog ang ulo nito.... ang swerte mo rin namang tao ka..... nakaligtas ka pa ng ilang segundo....” lumabas kami. 




Dinala niya ako sa kung saan narinig ko ang pag sigaw ni Ryan. 





“Babawiin kita mahal ko.. hintayin mo ako...” sabi nito.





Kinaladkad ako nito. Nanlalaban ako pero wala akong magawa. Kasma nito yung taong nangbababoy sa akin. Umalis siya at iniwan kaming dalawa.





“Ang swerte mo talaga.... naku.... gusto mo ba bago ka mamatay eh makatikim ka ng sarap?” sabi nito. 




“Hehe natatwa ako sa jowk mo.. pakawalan mo na lang ako dito para may nagawa ka naman sa buhay mo...” sabi ko.





Nakita ko na iba ang tingin niya sa akin. Kanina ko pa siya napapansin na ganyan ang mga titig sa akin.  





“Di ko maintindihan kung bakit ba naattract ako sayo... sobra mo kasing bangis eh.. yan yung tipo ko.. mababangis... kaya ko nga minahal yang si Bea eh...” sabi nito. 





“Kung mahal mo siya dapat hindi mo hinayaan na magkaganyan siya...” 





“At wag kang makialam sa akin...” sabi nito.



"isipin mo lahat ng sinabi ko sayo noon."





"Binibilog mo lang ang utak ko."




"Hindi yan totoo."




"Hey. Stop. Baka di ako makapag pigil. Wag kang ganyan, iba na ang nararamdaman ko."





"Pakawalan mo na ako..."





"Hindi..."





"Please... maawa ka..." umiiyak na ako.





"Shit. Sabing manahimik ka. Wag kang mag paawa ng ganyan. Takte naman oh. Wag kang..."





"Ano pa ba kailngan mo ha? di ka pa ba nakuntento?"




"Alam ko na kung bakait napamahal sayo si Ryan."




"Ano bang pinag sasabi mo.."





"Ilang gabi mo akong hindi pinatulog.... napapaisip ako sa mga sinasabi mo..."






"Anong ibig sabihin mo?"






"Yeah. I don't know kung sadya bang ganito pag may nangyari sa inyo ng dalawang tao. I'm starting to like you..."




"Don't say that." pagmamatigas ko.





"Wag kang magpacute..."





"Hindi ako nagpapacute. Please pakawalan mo ako."





lumapit siya agad sa akin at hinawakan ako sa balikat ko.





"Argggh. Bakit ganito pakiRAMDAM KO? kABWISIT."






 Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang dumating si Bea.




"Ano tong milgarong ginagawa ninyo?"
yang 



"Wala wala..." biglang siyang tumayo.



"Don't tell me may gusto ka sa kanya."





Di ito sumagot. sumandal lang to sa pader.




"By the way. mamatay ka na..."




Natigilan kaming lahat ng makarinig kami ng palitan ng mga putok ng baril.



(Itutuloy)

2 comments:

  1. anlakas lang ng CHARM ni kuya Nicko .. lewls!

    well ---
    kala ko naman kung sino .. extrang Bea pala ang may pakana ..
    kala ko si Annie ... ahaha
    para kasing nag SLOW MO yung babasahin ko na yung Bea ee.. kala ko Bes? ahahahahaha!

    parating na ang tulong .. wooohhh! yaka nyo yan .. sakalin ko talaga yang Bea na yan .. pag di pa namatay ..

    at si kuyang rapist .. CHOS .. ahahah .
    << AKIN KA NA LANG .. LOLz

    Thanks kuya DK ~

    ReplyDelete
  2. hahahaha...ikaw na talaga cofee prince... by the way salamat sa palagiang pag comment... hahahahaha...thnks a lot... hehehe

    ReplyDelete