Monday, June 18, 2012

Bullets for my Valentines Character Teaser: Chad

Namuhay ako sa isang masaganang pamumuhay. Pamumuhay na hindi nagkulang sa yaman. Lahat na yata ng pagkain nakain ko na, lahat ng pasarap sa buhay nagawa ko na at pati kasawian sa buhay ko, naranasan ko na. Mayaman ako hindi lamang sa pera kundi sa karanasan na rin.




Gwapo ako, pinagmamalaki ko yun. Malakas din ang sex appeal ko, sabi yan ng iba. Madaldal ako, mabait din naman, down to earth kahit na mayamn at higit sa lahat mapagmahal. Kaibigan ako ng lahat pero kaaway ako ng lahat ng masasama.




Niloko na ako ilang beses sa buhay ko. Lahat na yata ginawa ko. Maging sarili kong katawan ginamit ko noong depressed ako. Oo matapos ako lokohin noong una kong minahal, natorete ako. Para akong nasabugan ng bomba. Manatakin mo na pag pustahan ako. Mga gago nga naman. Pero nakahanap ako ng magmamahal muli sa akin pero wala, inagaw siya ng katangi-tangi kong best friend.




Lahat na yata ng kamalasan sa buhay napadikit sa akin. Pero sa isang pagkakataon, dumating sa akin ang swerte kong best friend. Siya si AJ. Kahit na kakikilala lang namin, he is nice to me. Grabe talaga. Crush ko pa siya dati. Pero di ko aakalain na siya pa ang magiging best enemy ko.


Kaya ko bang magparaya sa kanya?


Kaya ko bang i-give up ang mahal ko para lang sa kanya?


Nagparaya na ako noon kay Jaysen.... pwede ako naman?


bakit sa lahat ng tao siya pa?


"Best friend kita kaya tulungan mo ako... kaibigan kita kaya alagaan mo ako... kaibigan kita kaya dapat intindihin mo ako.. kaibigan kita kaya wag mo akong agawan ng minamahal..."


Oo nga pala... ako si Chad Henrick Mendoza, 17 years old at taking up Tourism Management.




AT AKO ANG DAKILANG BEST FRIEND. 

8 comments:

  1. Kaw n ang may teaser,hahaha,gudluk kyle xa new story mu,...

    ReplyDelete
  2. hahahah... sa lamat Mark.. hahaha ganun talaga...

    ReplyDelete
  3. Post muna idol ang bullets super xcited na ako, na ulit kuna basahin ang campus figure di parin ako maka move on sa ganda ng kwentong hehe


    karl Rickson

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah salamat karl... soon na... hahah i reached part 40 kaya it will be long.. umiikot kasi yung sa apat na tao kaya I figure iut why it is so long.. malapit na talaga... busy lang for the moment... hahahah

      Delete
  4. Good luck dito Dylan! Excited much. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat my favorite reader... hahahah ngayon ko lang nabasa yung comment mo.. hahah miss you much... hahaha

      Delete
    2. Miss you too. Hahaha. For me ikaw ang best writer! I don't care what other people will say pero gusto ko mga stories mo. Kasi yung ibang stories ng ibang writers nakakatamad basahin. Pero yung sayo, talagang naa-attach ako pag binabasa ko. More power Mr. Writer! God bless us all!

      Delete
    3. hahaha...ayt ikaw talaga oh.. salamat ng marami....

      Delete