Monday, July 2, 2012

Bullets for my Valentines Character Teaser: Jaysen

Maswerte ako na may maayos akong buhay. Isang buhay na kung saan may dalawa akong kapatid, isang ama pero walang ina. Mula ng namatay si mama nagbago ang lahat. Ang dating masiglang pamumuhay namin, unti-unti nawalan ng direction.

Akala ko ina lang ang mawawala sa akin pero maging ang pinakamamahal ko, nawala rin. Iniwan niya ako ng walang pasabi, kaya ganito na lang siguro ako kaselan.

Gwapo, matipuno, maputi, maayos sa pananamit, well groomed kumbaga..... Pero ang lahat ng physical na characteristics na to walang wala dahil ang laman ng puso ko, basag. Minsan lang ako mag mahal pero bigo. Isa lang naman ang hiling ko, ang makasama at mahalin ng taong mamahalin ko. Yun lang at wala ng iba.

Akala ko noon, magiging tigang na lang ang puso ko pero nagbago ang lahat ng makilala ko si AJ. He is amazing and very attractive. Meron siyang kakaiba na halos lahat ng tao mamamangha. Sa isa pang pagkakataon, muling tumibok ang puso ko sa kanya. unang kita ko pa lang naging interesado ako. Sa isang group eyeball ata yun kung susumahin. I found it really majestic.

Sa una masungit siya sa akin. Pero di ako nagpatalo. Lalo akong nagingbinteresado sa lahat. Hanggang sa maging kami at makuha ko ang matamis niyang oo.

Sabi ko sa sarili ko siya na ang taong para sa akin. Magalit man si Papa sa akin wala akong pakialam. Handa ko siyang ipag laban kahit anong mangyari. Kahit ano kakayanin ko, kahit na kabanggain ko ang ex niya na alam ko deep inside mahal pa rin niya. Handa akong gawin lahat makuha lng ng buong buo ang Pagmamahal niya.

Haharapin ko siya.....

Mamahalin ko siya

Aalagaan...

Magpapakamartir...

Masaktan man ako.. kakayanin ko...


"Akala ko ba ako lang? Pero bakit ganun merong lumalabas na siya? Kaya kitang mahalin mula noon hanggang ngayon at sa susunod pa.. Akala ko di mo ako sasaktan pero bakit ganito ang nangyari?!"

"Nagkamali ako.. akala ko niloko niya ako.. pero di pala... akala ko ako ang tama at siya ang mali.. baligtad pala... alam kong mahal ka niya... pero nagbulag bulagan ako... di man ako ganun katatag noon... okay na ako ngayon..."

Ako nga pala si Jaysen Marvin Pangilinan, JM/ Jaysen for short.... 18 years old turning 19... taking B.S. in Marine Transportation.....


AT AKO ANG MARTIR NA KASINTAHAN.

No comments:

Post a Comment