Monday, July 2, 2012

Bullets for my Valentines Character Teaser: James

Bakit ba ang daming ang taong ang aarte.. Nakakapang init ng ulo. Maraming mga bagay na dapat pinaglalaanan ng oras pero ano ang ginagawa ng iba sinasayang lang. Tss. Ano bang tingin nila sa oras tubig na dumadaloy daloy lang at pwedeng saluhin ng timba at tabo? Mga mabababang klaseng tao.

Parang kakilala ko lang, di naman siya mababang klaseng tao pero pambasag ng ear drum ang pagsasalita. NAKAKA-IRITA talaga siya. Mula noon hanggang ngayon. Sarap sapakin eh. Bawat araw na lang. Sarap pasakan ng bibig.

Gwapo, ako....

Suplado.. ako..

Mayabang... Siya...

Mabait.. pwedeng ako...

Mapagmahal.... di ko alam...

Pero ang alam ko.... tong taong kinaiinisan ko.. yan din yung taong minamahal ko ngayon.... Nasaktan ko man siya... alam kong kaya kong bumawi ngayon...

Kaya kong bawiin ang mahal ko sa kanya...

"Sungit mo.." sabi niya

"Pakialam mo.." sagot ko.

"Palibhasa mayaman.."

"Anong gagawin ko magpapakahirap.."

"Edi ikaw na.... ipag bili kita eh.."

"Sus... mahal to kala mo.."

"Ano ngayon?"

"Mahal ka din naman ah?"

"Huh?"

"Wala..."

"Strange.."

Ako nga pala si James... este si Arkin... eh ano pala.. basta ano man itawag ninyo sa akin hahaha. paki ba? James Arkin Ramos nga pala. 17 years old turning 18 and taking Business Mangement...


AT AKO ANG MAGMAMAHAL SA KANYA.

No comments:

Post a Comment