Monday, July 30, 2012

Bullets for my Valentines- Part 4

Salamat po sa mga nakakaoverwhelming na comments....

Sa mga silent readers ko... welcome po.... hehhe.. hope to see your comments soon.. hehehe...

Sorry kung natatagalan mag post minsan.. hirap kasi eh... la net minsan tapos busy pa...

Hope you like my stories... sa mga commentators sa akin.. maraming salamat...

sa mga nalalabuan po... PM lang po ninyo ako....




ingat po kayo lalo na sa bagyo... hahaha

hope to see your comments...

follow po ninyo blog ko...

dylankylesdiary.blogspot.com

Always here,

Dylan Kyle Santos


videokeman mp3
Here We Go Again – Demi Lovato Song Lyrics


***********************************************

[AJ’s POV]


Sira ang buong araw ko kapag nakikita ko siya. Haixt. Ni hindi ko na lang siya pinapansin. 

Ganun din naman siya. Bahala siyang manghula ng grades niya. Inis talaga ako.

Pilit akong kinakalma nila Rizza pero wala talaga, wala na akong magagwa pa. Kainis talaga. 

Naku, siguro walang magiging matinong girlfriend ito. Iiwan lang siya ng dahil sa ugali niya.

Wala sigurong magiging matinong karelasyon ito dahil hindi matitiis ang natatangi nito asal. Haixt. 

James Arkin Ramos, humanda ka talaga sa akin. Nakakinis ka. Argsh. 

Buong maghapon ko idinaan ko na lang sa pagkain ko. Haixt. Kainis.


“Best friend hinay hinay lang. Kanina ka pa kain ng kain ah. Mamaya tumaba ka na.”


“Nakakainis kasi eh sobra. Gusto kong makapatay talaga.”


“Oh? Ngayon na ba? Teka magready na ako.”


“Tae. Patawa ka talaga. Sige tutulungan mo ba ako?”


“Oo naman. That’s are friends are for.”


“Aysus. Talaga lang ha?”


“Oo naman.”


“hindi ka manghihinayang sa itsura?”


“Ay. Ahm. Teka.”


“Aysus. Wahoy. Tignan mo bigla kang napaisip. Ikaw talaga ay.”


“Joke lang ito talaga siyempre uunahin ko muna ang best friend ko.”


“Sipsip. If I know baka ikaw ang uang humarang sa harapan niya pag may kaaway siya.”


“Che bahala ka nga jan.” at nagtawanan na kami.


Hindi ko pa rin pinapansin si James ng mga panahong yun. Bahala talaga siya sa buhay niya. 

Every Sunday, nag spent ako ng time ko para sa mga bata sa may orphanagena malapit sa amin.


Kasali kasi ako sa isang church organization sa simbahan naming at isa sa mga layunin naming mga kabataan ay ang paglingkuran ang Panginoon at pasiyahin ang mga bata. Nahilig na ako sa mga bata.


Noong nag uumpisa ako, siyempre nahirapan ako. 


Paano ba naman ang kukulit at ang pasaway. Pero habang nagtatagal eh nagiging okay din ang lahat at kahit papano ay nagiging close kami s isa’t-isa.


Ang pinaka-close ko doon sa ampunan ay si Khail. Sobrang cute kasi niya noong bata at isa pa pasaway siya. Ang nagustuhan ko pa sa kanya ay yung pagiging maparaan niya at talentado. Sobra akong natutuwa sa kanya.


Noong una kaming dalawa ang hindi magkasundo. 

Ano man ang gawin ko noon ay pilit niyang nirereject? 


Kapag nagtuturo ako ay marami siyang tinatanong at maraming sinasabi.


Pero nagbago ang lahat ng mangyaring muntikan ng maremata ang ampunan. Isa ako sa nagpetition para hindi mangyari ito.


Nakita ko ang pagkalungkot ng mga bata at agad kong pinawi ito. 

Natatandaan ko pa noon na una kong nakitang umiiyak si Khail.


“Kung talagang mahal mo kami… ikaw ang gagawa ng paraan para hindi mangyari iyon… kung hindi mo magagawa iyon wag na wag ka ng babalik dito.”


Yan ang natandaaan kong sinabi niya sa akin. 


Gumawa talaga ako ng paraan para gawan ng paraan ito. nag karoon kami ng fund raising sa simbahan at malaki ang naitulong nito. 


Pero hindi sapat para sa kinakailangan naming halaga.


Agad akong pumunta kila papa noon at saktong may kilala siyang matulungin at negosyanteng babae na naghahanap ng mga bibigyan nila ng financial na tulong. Lumapit ako sa kanila at agad silang nag donate.


Matagal na daw silang naghahanap ng beneficiary dahil isa yun sa layunin nila matapos makaraos sa isang matinding kahirapan. 


Pasasalamat daw nila sa Diyos ang mga ito at handa silang ipamahagi ang mga bagay na nagkaroon sila.


Matapos ang mga pagsubok na iyon, naging matibay ang relasyon ko sa mga bata. Lalo na kay Khail. 

Matapos ito, nakita ko na lang na lumapit sa akin si Khail at doon na nagsimula ang closeness namin.


Tuwing Sunday ay nagspent ako ng araw ko sa mga bata. Naglalaro kami at iyon na ang isa sa mga kinahiligan ko. Para ng kapatid ang turing ko kay Khail.


Part na ng buhay ko ang ampunan at sobra akong nasisisyahan kapag naroroon ako. Isang araw bumisita sa ampunan ang tumulong sa ampunan.


“Good afternoon po Mam Annie.” Bati ko.


“Good afternoon din iho. Naku tita na lang ang itawag mo sa akin.”


“Nakakahiya naman po.”


“Wag ka ng mahiya. At isa pa bilib nga ako sayo eh akalain mo na sa ganyang edad ay nagsisimula ka na maging isang mabait na tao. Sana nga lang eh maging katulad mo ang anak ko.”


“Bakit naman po?”


“Di ko kasi maintindihan ang anak kong iyon. Nagrerebelde na ata sa akin. Sobra akong nalulungkot. Mag mula kasi ng mamatay ang papa niya, doon nagsimula ang pagiging ganun niya. Close kasi siya sa kanyang papa kaysa sa akin. Kaya noong mawala ito, hindi na nakikinig sa akin ang anak kong iyon.”


“Ah ganun po ba. Im sure naman po na magiging okay din po ang lahat. Di po magtatagal ay magiging oaky din ang lahat. Don’t lose hope po.”


“May hihingin sana ako na pabor sa iyo.”


“Ano po iyon?”


“Dadalhin ko dito ang anak ko. Sana naman matulungan mo siyang magbago.”


Napaisip ako muna. Kakayanin ko kaya iyon?


“Matutulungan mo ba ako?”


“Uhm. Sigurado po ba kayo sa iniisip ninyo?”


“Oo. Alam kong matutulungan mo ako. Please?”


“Sige po. Susubukan ko.”


“Salamat iho. Next week dadalhin ko siya dito. Alam kong matutulungan mo ako dahil mayroon kang mabuting puso.”


“Salamat po.”


Habang dumadaan ang araw ay pinag iisipan ko kung ano bang klaseng tao ang kakaharapin ko. 


Kakayanin ko ba talaga ito?


Ang hirap naman ng kalagayan kong ito. paano ko kaya magagwang baguhin ito. iyan ang mga tanong na sumasagi sa aking isispan ng mga panahong ito. nakakastress ito. sobra.


Nagpatulong ako kay Rizza kung ano ang gagawin ko. Todo support naman siya. Habang papalapit ang araw, hindi ko maiwasn ang kabahan ng sobra. Grabe naman tong nararamdaman ko.


Ilang araw na rin na hindi kami nagpapansinan ni James. Bakit noon ba ay nagpapansinan kami? Hehe. Ipinapakita ko talaga na wala na siyang magagawa sa project niya. Ni hindi man lang siya nag effort na humingi sa akin ng chance.


Napaka self-centered talaga niya. Mukhang walang tatagal sa kanya na babae. Siguro talaga napapagod na ang mga magulang niya sa kanya.


“Alam mo talaga napaka hangin niyang James na iyan. Ni hindi man lang mag effort na tumulong sa project naming. Bahala siya sa buhay niya. Akala niya pera pera lang ang lahat. Naku bahala siya. Sigurado akong walang mararting yang lalaking iyan.”


Ang sinabi ko kila Rizza.ngumingisi naman sila sa akin na hindi ko maintindihan.


“Ano ba? Bakit ba ganyan kayo? Di man lang kayo umaagree sa akin.” Bumulong sa akin si Rizza.


“Ano ka ba? Kanina pa nasa likod mo si James.” Tumingin ako sa likod. Laking pagkapahiya ko sa mga siansabi ko. Ngumiti lang siya at ngumisi.


“bakit kasi kailngan pang sabihin ng patalikod.”


“Pakialam mo ba?”


“Hahaha. Ewan ko lang talaga sa iyo. Nag mamatigas ka pa. alam kong madadaan ka lang din sa mga bagay bagay na tulad ng iba.”


“Ibahin mo nga ako. Kung ano ako at ano sila. Hindi ako tulad ng iba na suhulan mo lang ay gagawan ka na ng project at assignments. Ako yung taong may paninindigan at hindi basta basta. Tandaan mo may prinsipyo ako at walang ano man ang makakapagpabago doon.”


Agad akong tumayo at lumabas ng room. Pero naagapan ako ni James at hinawakan ang kamay.


“Talagang hinahamon mo ako ha.”


“Hindi kita hinahamon kundi sinusubok kita kung hanggang saan aabot yang kayabangan mo.”


“Mapapahiya ka lang.”


“talaga lang ha.”


Bigla siyang lumapit sa akin at simpleng bumulong.


“Kung kakayanin mo ba ako?” Nagpumiglas ako at umalis na sa kinaroroonan mo ako.


Pero di ko maintindihan habang nangyayari ang pagtatalo naming kanina eh may naramdaman ako. 


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang ginawa niyang pagbulong sa akin.


Kakaiba yung naramdaman ko na hindi ko maintindihan.Kinabahan ako o hindi ko matukoy kung kaba yun dahil malakas lang talaga ang kaba ko sa aking dbdib. 

Pagkauwi ko ng bahay iniisip ko pa rin yun.


Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko ng unang beses na lumapit sa akin si James ng ganung kalapit. 


Hindi ko maexplain yung feeling eh. Para ba na biglang nagbago ang lahat.


Bakit ba gising pa ako hanggang ngayon? Ilang oras ng tumatakbo sa utak ko si James. Natatanga ako sa naiisip ko. 


Natatawa ako sa sarili ko, kung anu-ano ang iniisip ko.


Naisipan ko na lang ang mag bukas ng pc at magalaro. Then after ilang minute na paglalaro eh nag punta ako isang social site. 


I checked my e-mails at friend request. Haixt. Nakakatamad talaga ngayong gabi.


Biglang napadako ang mata ko sa profile ni James. Di ko alam na friends na pala kami sa facebook. 


Woah. Talaga? Imposible.now I know  Kelan pa? nagtaka ako kaya I checked his profile.



Nakita ko na sinuggest akong friend ni Rizza sa kanya.now I know na kung paano kami nagging friends. 


Lukaret talaga yung babaeng iyon. Yeah he has too many friends pero ang tanong kilala ba niya lahat yun?


Bakit ba masyado akong inis sa mokong nay un? Ano bang mero at kumukulo ang dugo ko sa kanya? 


After 30 minutes na pagbrowse sa internet ay nag out na ako. Siyempre after nun bumaba muna ako tapos uminom ng tubig bago dumeretso sa pagtulog.


Dumating na yung day na kung saan ipapakilala na sa akin ni Mam Annie yung anak niya. 


How I wish na hindi siya kasing stubborn ni James? 


Naku masisiraan ako ng ulo kung sakaling si James yung anak niya.


Pati imposible no, ang bait bait ni Mam Annie tapos magkakaanak lang siya ng isang stubborn child tapos mayabang pa. 


akala mo makukuha niya sa pera ang lahat. Nagtuturo ako sa mga bata hanggang sa dumating si Mam Annie.


Tinawag niya ako sa labas ng silid-aralan ng mga bata kaya lumabas ako para Makita at makausap siya tungkol sa kanyang anak. 


Medyo kinakabahan pa nga ako dahil dami ko ng iniisip about sa pagkatao ng anak niya.


“Good Morning po Mam Annie. Kasama nap o ba niyo yung sinasabi ninyong na…”


hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng Makita ko ang lalaking nasa likod ni Mam Annie. 


What the heck is going here? 


Bakit? 


Bakit siya pa? 


Sira na ang dignidad ko sa pakikipag away sa kanya. 


Bakit sa lahat ng tao si JAMES pa?


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko bigla.


“Ma? Siya ba? Siya ba yung sinasabi mo?” tanong ni James.


“Teka magkakilala ba kayo?”


“Mam Annie magkaklase po kami. Di ko po expected na siya yung anak ninyo. Well nag fifit po sa kanya yung mga description ninyo. Di na po ako nagtataka kung nahihirapan kayong magpalaki sa kanya.”


Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. My God I did it again. Nakakhiya tuloy sa side ni Mam Annie.


“I’m sorry po Mam Annie.”ako na bahala.


“It’s okay. Well good naman na magkakilala na kayo. Good din na magkaklase kayo. Sayo ko na siya hinahabilin. Please sana lang lagi kayong magkasama. Please lang. sige. ako na bahala. Bibigyan kita ng allowance mo lagi or weekly. Bastaa pinagkakatiwala ko ang anak ko sayo.”


Bigla na siyang umalis ng hindi man lang   hinihintay ang sagot ko. Tinitigan ko ng masama si James. Nagreact naman siya agad.


“Oh bakit?” tanong niya.


“Wala naman. Tsk.”


“So Ikaw pala yung sinasabi ni mama na mabait na magbabantay sa akin.”


“Yeah. Ako nga yung mabait nay un.”


“Di ako naniniwala. Ang alam ko kasi eh Si Arwin Jake Montederamos ay isang masungit at matapang na kaklase na hindi man lang ako ikinoconsiderate sa project namin.” Sabi niya.


“Aba. Ikaw pa tong ganito. Mabait ako sa taong mabait. Napaka irresponsible mo. Napaka yabang, walang magawa sa buhay. Ni hindi man lang pinapahalagahan ang nanay niya dahil napaka pasaway. Alam mo bay un. Oo mayaman ka, may itsura ka, pero para ka ding damong ligaw, mahirap alisin.”


Sa pagkasabi kong iyon bigla niya akong isinandal sa pader at hinila ang swelyo ng aking damit.


“Wala kang kaalam alam sa buhay ko kaya wag kang mag husga. Alamin mo muna yung tungkol sa akin bago ka mag husga ng kung anu-ano.”


Sabi niya bigla sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya. Feeling ko susuntukin niya ako. 


Nakatitig ako sa mga mata niya na nanlilisik. Brown ito. napansin kong may taling siya sa may banadang baba ng mata.


Matangos ang ilong niya at napakakinis ng mukha. Hala ka, bakit ko ba naiisip iyon. 


Ilang dangkal lang ang layo niya sa akin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking mukha.


Nakita ko ang kakaibang titig niya ilang sandal matapos ang tensiyon na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon sa ginawa niya. 


Dapat nagagalit ako diba? Dapat lumalaban ako, pero ano ito? anong nangyayari.


“Daddy Arwin….” Tawag sa akin ni Khail.


Bigla ko siyang itinulak papalayo at agad na pumasok sa room.


“Mga bata sige lumabas na. muna kayo. Mag miryenda na una kayo.”


At unti-unti na silang lumabas. Ng makalabas na ang lahat, napansin ni Khail si James.


“Daddy sino siya?” tanong nito.


“Baby… siya si Jamese. Anak ni Maam Annie. Edi mabait din po siya?”


“Ah eh…” di ako nakasagot.


Agad lumapit si Khail sa kanya at hinawakan ang kamay.


“Mr. Pogi…. Salamat po ah. Salamat po at tinulungan po ninyo kami… nang dahil sa inyo eh naririto pa rin po kami. Salamat po ng marami. Utang na loob po naming sa inyo ito.”


“Wala iyon… kuya James na lang itawag mo sa akin ha…”


Napansin kong nagbago na ang pakikitungo niya. 


Bakit sa kanya ang bait bait niya sa mantalang sa akin ang sama? 


Life is unfair talaga. Haixt. Disaster na ang mangyayari.


Nung magkasolo na kaming dalawa, agad akong humingi ng tawad sa kanya.


“James sorry kanina. Nadala lang ako ng emosyon ko. Nagjojoke lang namana ko pero di ko akalain na seseryosohin mo.”


Di pa rin niya ako pinansin.


“Suplado talaga haixt. Wala ng mababago sa kanya.” Binulong ko sa isang tabi.


“Tignan mo to, ikaw na humihingi ng tawad tapos ikaw pa yung nagagalit.”


“Eh napaka impulsive mo eh. Haixt.”


“Alam mo maging mabit ka lang sa akin eh magiging mabait din ako.”


“Kung gusto mo akong maging mabait sayo, start treating me right. Maging responsible ka nga.”


“Responsible ako no. haixt. Teka, kung ikaw ang makaksama ko, ibig sabihin ba nito magiging alalay kita?”


“Hoy ang kapal mi din…. Hindi ako ipinanganak para maging alalay mo. Ano ka sinuswerte? Napaka gwapo ko para maging alalay ng isang mayabang na tulad mo.”


“Nagsalita ang gwapo. Hamak naman na mas gwapo ako.”


“Wew. No Comment.”


“Aysus. Sige alis na ako.” Sabi niya.


“San ka pupunta di pa tayo tapos.”


“Mag iikot-ikot lang. nga pala, magiging buntot kita mula ngayon.”


Sinabi niya iyon at umalis na. Ha? Buntot? Ano siya sinuswerte. No way!


(End of Flashback)


(Itutuloy)


*************************************

leave your comments ah.....

4 comments:

  1. BITIN!!!

    Next na please! Ang ganda kasi!

    ReplyDelete
  2. Aso't pusa ang simula,hahaha...^^

    nice,ang ganda ng chapter n2,kaso lang nabitin naman ako Dy,hehehe...

    next chapter na!!!

    ReplyDelete
  3. wew nakakabitin naman po dylan nxt chapter agad plzzzzzzz

    ReplyDelete
  4. Forever bitin =PP HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Good Job Mr.Dylan! Next chapter na po? LemLem Here :DDDD

    ReplyDelete