Saturday, November 9, 2013

Less Than Three- Part 37



GUYS NAKIKIUSAP PO AKO ON BEHALF OF MY BESTFRIEND....

My best friend needed this like.... para po ito sa colleagues niya sa org niya... I hope mapagbigyan ninyo sila....


he quoted to me:

 "Best.....Kakapalan ko na po ang mukha ko po ah.... nakakahiya man pero kailangan po eh... MINSAN lang po talaga ito...need lang po namin.... Alam ko po nakakainis yung mga ganito na palike like pero kailangan po talaga eh.... Sensya na po

Help naman please. 

Pa-like naman po ng mga pics na ito. Your like will help us get closer to our goal. Salamat kaibigan! 

Our Mechanical Engineering Queen:
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=657253284296884&set=a.657252064297006.1073741837.640979002590979&type=1&theater

and Our Mechanical Engineering King:
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=657251617630384&set=a.657249684297244.1073741836.640979002590979&type=1&theater
"
Maraming salamat po


NOTE: this is the first time makita kong determinadong manalo ang mga colleagues niya
---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 37

(Wonderful tonight)






[Alex’s POV]

On the way na kami sa bahay at ako naman ay parang lalagnatin sa sobrang init, as in mainti na mainit dahil hindi ko maiwasan ang pagpawisan ng sobra-sobra. Pinagpapawisan ako kahit bukas ang air conditioner ng sasakyan ni Kieth kaya naman medyo nawiwirduhan na ako sa nangyayari sa sarili ko. Di ako mapakali, kinakabahan sa kung anuman ang mangyayari mamaya.

Kanina pa ako pabaling-baling pero hindi ako makatingin kay Kieth dahil mahahalata niya na napaparanoid na naman ako. Kanina pa ko tingin ng tingin sa cellphone ko. Haixt. Sana may tumawag para naman malibang ako.

“Babe…” nagulat ako nung tinawag ako ni Kieth.

“Bakit?” sagot ko na di pa rin tumitingin sa kanya.

“Babe…”

“Oh?”

“Tumingin ka nga sa akin…”

“Bakit?”

“Basta… tumingin ka.”

“Ah eh… ano ba yun?”

“Ano bang nangyayari sayo at ayaw mong tumingin sa akin?”

“Ah eh nevermind.”

“Ano nga?”

“Ano muna yung sasabihin mo?”

“Ang weird mo.”

“Yaan mo na. Di ka ba nasanay sa kawirduhan ko?”

“Babe…”

“oh? Unli? Paulit-ulit?”

“Ang taray eh. Mayroon ka ba ngayon? Ang lakas ata ng daloy nung sayo.”

“Wala. Katatapos lang.” sagot ko.

“Perfect.”

“Ha?”

“Wala.”

“Ano yung sasabihin mo?”

“Alam mo ba na maraming taong nagugutom ngayon?”

“And? May magagawa ba ako? Lagi ko namang inuubos ang pagkain ko… di ako nagsasayang, tapos nagdodonate ako… they should know kung paanong dumiskarte… kinalaman ko jan.”

“Masyado kang defensive.”

“Just stating the fact…”

“Pero ang gusto ko lang namang sabihin na...”

“Na ano?”

“Na pakasal na tayo… nang makakain na sila sa reception natin.”

Oh my bumanat ang mahal ko. Napangiti ako sa sinabi niya. Di na ako nagsalita pa. Alam niya na kinilig ako kapag napatahimik ako.

“Nanahimik ka jan… masyado ka atang kinilig.”

“You know me…”

“Oo nga eh… bakit kaya ang dilim dito sa lugar na to?”

“Creepy.” Sabi ko.

“Oh? Bakit naman?”

“Wala lang.”

“Oh…” biglang sabi niya

“Bakit? Anong meron?”

“Hindi mo naramdaman yun?”

“Babe naman oh. Wag ka ngang magbiro…”

“Hindi ako nagbibiro… wala kang nararamdaman?”

Natakot tuloy ako bigla. “Babe naman oh. Shete naman oh.”

“Wala ka talagang naramdaman?”

“Ano bay un? Wag mo nga akong takutin…”

“Na mahal kita.”

Owwwwwwww. Kiligness overload lang. “Alam mo babe… I’m beginning to like you less…”

“Ouch… dahil ba corny ako?” tanong niya.

“No… because I’m starting to love you more.”

“Hahahah. Bumabawi ang mahal ko ah.”

“Well. Masyado mo akong pinapakilig.”

“Namiss ko lang to. Matagal kong pinagisipan to.”

“Hahaha. Baka naman.”

“Seryoso ako.”

“Joke lang… alam mo namang my heart only beats for you.”

“Really?”

“Yup.”

“So ready ka na?”

“For what?”

“Yung pinag usapan natin..” then pinatong niya yung kamay niya sa lap ko.

“Mag drive ka na lang jan. dami pang sinasabi.”

“Sakay ka sa akin ha.”

“Ewan sayo. >.<”

“Hay naku. Alam mo kasi… sa dinami-rami ng tumatakbo sa isip ko… ikaw lang ang katangi-tanging umabot sa puso ko.”

“Waaah. Tama na… nalulunod na ako…”

“Sa pagmamahal ko?”

“Hindi sa pagkakilig sayo. Oh ayan malapit na tayo.”

“I’m excited.”

“I’m not.”

“You should. This is your first time at ako pa ang makakauna sayo. Magaling ako babe, ilang beses kong pinag-aralan ang dapat gawin.”

“Pagod ka lang kaya kung anu-ano ang pinag gagawa mo at iniisip mo.”

“Ha?”

“You should rest. Daming alam. Pagod ka sa byahe kaya kailangan mag pahinga ka.”

“Malakas tong mahal mo. Kayang-kaya ang lahat.”

“Mapapagod ka lang eh.”

“I’m okay. Kung sayo naman ako mapapagod eh ayos lang.”

“Ewan. Ayan na nandito na tayo.” Sabi ko.

“Parang excited ka ha.”

“Hindi ah.” Huminto kami sa may tabihan. Kinuha ko yung mga gamit ko.

“Tara na.” yaya ko.

“Dito na lang kaya tayo?”

“ha?”

“Gawa na tayo ng baby dito. Comfortable naman dito sa kotse ko eh. Let’s try it.”

“Mahiya ka nga. Dito mo pa ako bibinyagan sa kotse. Sa dinami rami ng lugar na iisipin kong magiging first time ko, pinakahuling option ko na piliin ko tong kotse.”

“Ah okay. Ready ka na nga. Tara na.”

“Ewan sayo. Umayos ka nga.”

“Just kidding.”

Pagdating namin sa bahay ay nakaayos na sila mama. Todo ligpit ng mga gamit. Ako naman ay inihiga ang katawan sa sofa dahil na rin sa maghapon na ginawa. Bigla namang tumabi si Kieth at niyakap ako.

“Babe… akyat na tayo.”

“Alam mo pumunta ka lang sa US eh lalo ka ng lumibog.”

“Sayo lang ako ganito.”

“Iiih. Kinikilabutan ako.”

“Hahahaha. Una na ako sa taas. Magbibihis lang ako.” Bigla niya akong hinalikan.

Para naman akong natunaw. This is it. Ready na ba talaga ako? Feeling ko po hindi pa. waaaah. Kung yung iba siguro kanina pa sinunggaban si Kieth. Pa-hard to get lang ako. Hahahaha. Para exciting. Pakipot muna. Hahaha

“Ma tulungan ko na kayo jan.”

“Hindi anak okay na ako. Matatpos na to. Umakyat ka na. magpahinga ka na.”

Pati ba naman si mama eh tinataboy ako. Lalo lang akong kinakabahan eh. Naku, lagot ako nit okay Kieth pag umakyat agad ako sa may kwarto ko. Huhuhuhu.

“Naku ma okay pa ako. Kayo nga ang napagod eh.”

“Sige. Salamat anak. Palagay na lang yan doon.”

“Ma…”

“Ano yun?”

“Salamat po pala.”

“Naku ang anak ko naglambing. Walang anuman yun.”

“I love you ma.”

“I love you too anak. Nga pala, matanda ka na at alam mo na ang tama at mali. Alam mo na ang mga bagay-bagay. Kung may mga gagawin ka amng mga bagay ngayon, ikaw na ang magdedesisyon. Lampas 18 ka na, dahil 19 ka na.”

“Bakit naman kayo nagsabi ng ganyan.”

“Wala naman. Kung sakali man, gawin mo ang gusto mo ha. Ingat ingat lang din. Binibigyan na kita g permiso.”

“Ang weird mo ma.”

“Wag lang masyadong maingay ha. Dahan dahan lang. Pigilin mo ang sarili mo na sumigaw ng malakas dahil mabubulabog ang mga kapit bahay.”

At shete, pati ba naman si mama? “Ma naman. Pati ba naman kayo? Grabe ha. Talagang pinagplanuhan ninyo na binyagan ako sa birthday ko ah.”

“Pagbigyan mo na si Kieth… nagpaalam na siya sa akin.” Sabay kindat.

“Edi ma kayo na lang gumawa nun sa kanya.”

“anak… matanda na ako. At isa pa, baka mamatay ka sa ingget.” At nagtawanan kami.

“Ewan sayo ma. Dami mong alam.”

“Loko lang.”

“Kakapagod ma.”

“Oh, akala ko ba okay ka.”

“Joke lang.”

“Ay siya bilisan mo na at nang makapagpahinga ka na.”

“Pwede ba ma na tabi tayo? Please, kahit ngayong gabi lang. Promise di ako malikot. Kahit sa baba na lang ng kwarto ninyo ako.”

“Ang laki mo na anak. At isa pa walang kasama si Kieth sa kwarto mo. Ayokong makaistorbo sa inyong dalawa.”

“Ayos lang yun malaki na yun ma. Nauna na ngakumire sa akin eh.”

“Anak… ano ka ba?”

“Opo... okay na po, sige na po, eto na po oh, aakyat na nga po eh.”

“Sara mo na muna yung pinto.”

“Okay po.”

“Galingan mo ha.”

Haixt. Pataas na ako pero bakit parang-unti-unti eh kinakabahan ako. Sinilip ko yung kwarto ko pero wala si Kieth. Siguro nagbibihis pa.

Pumasok ako sa kwarto ko at sa pagkagulat ko nang may maghalbot sa akin ay napasigaw ako. “Shhh.” Sabi nito.

“Ano bang ginagawa mo? Aatakihin ako sa puso sayo eh.”

“Wag nga daw maingay sabi ni mama diba? Wag ka masyadong sisigaw ha. Game na.”

“Ha? Ah eh... magbibihis na muna ako.”

“Wag na.” he started to kiss my neck.

Waaaah. May init agad na bumalot sa katawan ko. This is it. Hinawakan ko yung mukha niya then kissed his lips. Kay tagal kong inasam na mahalikan ulit siya ng ganito.

Ni-lock niya yung pinto at inihiga ako sa may kama. He started to unbutton my pants. Ang bilis ng mga kamay niya. Napapaungol na lang ang sa ginagawa niya. “Shiit.” Ang nasabi ko na lang.

“I’ve waited for this day so much.”

“Uhmmm.” Ang nasabi ko na lang nung simulan niyang igala ang kamay niya sa katawan ko.

“I love you babe.”

“I love you too.” Then I kissed him.

Nag-init ang mga katawan namin. May kiliting hatid ang bawat hagod niya sa katawan ko. Ramdam ko ang matitipunong braso at dibdib sa katawan niya. Di ko na mapigilan ang sarili ko ngayon. Unti-unti ay bumibigay na ako sa kung anumang mahika mayroon siya.

Habang naghahalikan kami, lalo pang naging mapusok ang mga galaw naming dalawa. Hanggang sa gumapang ang kamay niya pababa sa aking puson. Nakaramdam ako ng sobrang kilti kaya napatayo ako agad.

“Wiiieh.” Ang sabi ko.

“Anong problema?”

“Ah eh… I’ll be back.. magbibihis lang ako.”

“Babe…”

“Please…”

“Shit…Hay sige na. binitin mo pa ako.”

Agad naman akong tumakbo sa may closet ko. Waaah. Anyare sa akin. Eh sa nakiliti ako at hindi ko nakayanan. Haixt. Waaaah. Eto nayun kaya dapat prepare ako. Ganito pala yun talaga. Dapat kasi unexpected na lang para di ko na naiisip yung mga ganitong bagay.

Naghubad ako ng damit ko at naligo. Kahit pagod ay nagshower ako. Kinuskos ko ang katawan ko para naman hindi ako amoy pawis. Nakakahiya naman sa mahal ko. Nagtoothbrush ako ng paulit-ulit para naman di mabaho ang hininga ko.

Medyo nagtagal ako sa paliligo at matapos iyon ay agad ko namang kinuha ang damit ko at nagsuot pagkatapos ng mga ito. Hinarap ko ang salamin at parang timang na kinausap.

“Alex… kaya mo to, kaya mo yan… para kay Kieth yan.”

Nakailang pabalik-balik ata ako sa pinto. Haixt. Ano ba naman to? DI ko alam kung bubuksan ko ba yung pinto o hindi eh. “God… guide me oh…”

Para na akong timang sa ginagawa ko. Waaah. Haixt. Inhale… exhale. Paulit-ulit kong ginawa yun. Haixt. Eto na, eto na yung pagkakataon na yun. Kailangan maging okay. Di ko dapat siya idismaya.

Lumabas na ako sa banyo. Agad kong hinagilap si Kieth sa kama. Nakahiga ito. Unti-unti lumapit ako sa kanya at nagulat ako sa aking nakita.

Tulog na siya. What the? Ang fail? Mukhang napahimbing siya sa tulog. Masyado ba akong matagal sa CR? Baka naman joke time lang ito. Agad kong narinig ang hininga niya. Haixt. Tulog nga.

Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko at tumabi sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niya na nasisislawan ng ilaw. Hinaplos ko ang maamo niyang mukah at pinadampian ng isang halik.

Naramdaman ko naman ang pag galaw niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Naamoy ko ang bango niya. Di pa rin nagbabago ang pabango na pinili ko para sa kanya.

Yumakap din naman siya pabalik sa akin. Nakahiga ngayon ako sa braso niya. Nakayakap siya sa akin at ako rin. Isang halik ang dumampi sa aking mga labi bago nagdilim ang lahat.

“Tik ti laok…”

Nagising na rin ako. Tulog pa rin si Kieth. Masyadong napagod sa byahe siguro. Nakayakap pa rin si Kieth sa akin. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Ipaghahanda ko siya ng almusal.

Pagkababa ko sa salas naming ay naamoy ko na agad ang mabangong niluluto ni mama. Agad akong pumunta doon at niyakap si mama.

“Good morning ma.” Bati ko.

“Good morning din anak. Mukhang Masaya ka ah.”

“Hindi naman.”

“Kamusta ang pagsabak kagabi?”

“Behave kaming dalawa.”

“Very good.”

“Yan tayo eh.”

“Hahaha. Si Kieth pala?”

“Natutulog pa.”

“O siya ipagluluto ko na kayo.”

“Tutulong ako ma. Gusto kong ipagluto si Kieth ng pagkain.”

“May pancakes pa ata dun sa ref. kunin mo iluto mo.”

“Right. Favorite niya yun.”

“Sige na, ipaghanda mo na ang boyfriend mo.”

Mahigit 10 minutes kong iniluto lahat ng pagkain na pwedeng i-breakfast ni Kieth. Di naman nagtagal ay bumaba na siya. naamoy siguro niya ang niluluto ko.

“Ang bango naman niyan.” Sabi niya

“Sakto ang gising mo. Tara kain na.”

“Ang sweet naman ng asawa ko.”

“Siya umupo ka na kamahalan, nambola ka pa eh.”

Agad niyang kinuha yung pancake at kinain. Umupo na rin siya sa tabi ko at kumain na kaming lahat. Agad namang tinawag ni mama sila kuya at bunso.

“Ma… namiss ko ang mga luto mo at luto ng mahal ko.” Sabi nito.

“Naku bolero ka talaga.”

“Hindi ma… seryoso ako.”

“Salamat.”

“Mas namiss ko tong boyfriend ko.”

“Ano na ka-score ka ba kagabi bayaw?”

“Naku kuya… todo iwas… mailap.”

“Ang hina mo pala eh. Naku. Di ka man lang naka score.”

“Napaka BI mo kuya.”

“Kapatid, this is your chance. Ang gwapo ng boyfriend mo at hanggang ngayon di ka pa rin nakakascore. Aba kapatid, marami atang nagkandarapa jan sa bayaw ko.”

“Bakit kuya isa ka ba doon?”

“Wag ka… kapag nagkataon talaga susunggaban ko yan. Magsisisi ka.”

“Asa namang pumatol yan sayo. Eh ako lang mahal nan.”

“Yun yun eh.”

“Hahaha. Anong gagawin mo pala ngayon?”

“Wala naman ata?” sagot ko.

“Uhm. Meron kuya.. mag date kami.” Sabi ni Kieth.

“Ah. Ang sweet tama lang yan at ng makabaiw ka sa kanya. Ilang araw yan nagmumukmok jan sa kwarto niya. Di nga yan naliligo kakaantay sa mga tawag at chat mo.”

“Imbento mo kuya.”

“Totoo naman eh. HAhaha.”

“Loko ka.”

“Hahahah. Sige na at ako ay aalis na. pinagrereport pa ako sa school.”

“Im sure mag date lang kayo  ni Ate Kate.”

“Di ah.”

“Palusot pa.”

“Tsura mo.”

“Nililigawan mo ba si Ate Kate kuya?” tanong ko.

“Mahiya ka nga kapatid.”

“Aysus.”

Bigla ng tumayo si kuya at binatukan ako. Gagantihan ko sana siya nang hilahin ako ni Kieth papalapit sa kanya sabay yakap sa akin.

“tara.” Yaya niya

“Ang aga pa eh.” Sabi ko.

“So ano gusto mong gawin natin habang naghihintay tayo ng oras?”

“Ah eh sabi ko nga tara na. tara. Bihis na tayo.”

“Maaga pa diba sabi mo?”

“Ay hindi… okay na… tara na.”

“Galing mong umiwas ah.”

“Ganun talaga. Maglaway ka ngayon. Haha” tumakbo ako pataas at pumunta sa kwarto.

Mga 10 am na kami umalis ng bahay at saka kami pumunta sa bahay nila Kieth. Magpapalit lang muna daw siya ng sasakyan kasi gagamitin ni mama yung sasakyan na dinala niya kagabi.

Agad naman akong umakyat sa bahay nila at hinanap si papa para kamustahin. Nakita ko siya sa terrace na nag-iisa at para bang malalim ang iniisip.

“Hi pa…” bati ko.

Halata naman na nagulat siya sa pagdating ko. Nag-angat agad siya ng kaniyang paningin at pinatabi ako sa kanya. Nagmano naman agad ako sa kanya.

“Nakakagulat ka naman iho.” Sagot niya.

“Mukha pong malalim ang inyong iniisip ano?”

“Medyo.”

“Ano po ba yun?”

“Ah wala yun. Oh nadayo ka dito anak?’

“Sinamahan ko lang po si Kieth.”

“Ah. Mukhang masayang-masaya ang anak ko ah.”

“Hahahaha. Ganun po talaga.” Sagot ko.

“Ano bang score na ng anak ko sayo?”

“Naku, lagi hong nakaka-three point sa akin.”

“Napakabolero talaga ng anak ko.”

“Masanay na ho tayo.”

“Masaya ako na okay kayo. Na walang gumagambala sainyo.”

“Nag-usap na po kasi kami ni papa.”

“Buti pumayag siya.”

“Sa tingin ko naman po eh wala na siyang magagawa. Pati nilinaw ko na po sa kanya ang lahat.”

“Balang araw, malalaman mo din ang lahat-lahat. Gusto ko makasama mo si Kieth lagi. Wag mo siyang iiwanan. Wag siyang pababayaan.”

“Marami ho ba akong hindi nalalaman.”

“Medyo. Hayaan mo na lang na siKieth ang magsabi sayo.”

“Sige po. Kamusta na po pala kayo?”

“Going strog. Next week pwede na ako magbalik opisina.”

“Wag po masyadong pakapagod ha.”

“Salamat anak. Oh hinahanap ka na ata ng boyfriend mo.”

“Oo nga po eh. Mauna na po ako.”

“Ingat kayo ha.”

“Opo salamat.”

Agad ko namang hinanap si Kieth at nakita ko siya sa may parking nila at aba, todo porma ang loko. May pashade-shades pa ah.

“Gwapo mo ah.” Sabi ko.

“Ganyan ang buhay.” Sabi niya

“Pakiss nga.”

“Hindi na hinihingi yan.. binibigay na basta basta.”

Hinatak niya ako at hinalikan agad, asa namang magpahuli sa halikan itong boyfriend ko. Sumakay na kami sa sasakyan at naglakbay na sa kung saan man kami pupunta.

“Babe, saan ba tayo pupunta?”

“Jan lang.”

“Jan lang ha? Eh bakit parang papalabas na tayo ng bayan?”

“Para may bago ka namang pupuntahan.”

“Ewan sayo.”

“Ngiti ka naman jan.”

“D pa ata ako nakapag charge.” Sabi ko.

“May charger ako dito. Isaksak mo dito sa sasakyan.”

“Sige sige.”

Habang nagbyahe kami ay nagutom ako kaya nanghinge ako ng pagkain. “Babe… gutom na ako.”

“May dala akong pagkain jan.”

“Saan ba?”

“Jan sa likod.”

“Ah okay.”

Naghalikwat ako sa may back seat dahil na rin sa gutom na gutom ako. Nakita ko na napakaraming gamit na nandoon. Feeling ko yun yung gamit nila pauwi. Di pa siguro sila nag unload.

“Babe… dami mo atang pagkain na dala? Masyado mo ata akong papatabain.”

“Hindi sakto lang yan. Feeling ko nga kulang yan eh. Mamaya titigil tayo sa isang store at bibili tayo.”

“Eh? Adik mo. Okay nay an. Pang ilang araw yan ah. Kala mo naman aabutin tayo ng buwan sa pupuntahan natin.”

“Di yan.”

Teka, parang may mali. “Babe… bakit pala ang daming gamit jan sa likod? Di pa ba kayo nag unload ng gamit? Baka nakalimutan mo lang magbaba ng gamit. Mamaya hanapin yan nila mama.”

“Ah hindi… gamit ko yan. Nanjan na rin yung gamit mo.”

“ha?”

“Hehehehe. Take it easy lang.”

“Hoy saan mo ako dadalhin!” sigaw ko.

“Kailangan sumigaw talaga? Easy lang babe, I won’t harm you.”

“Ano bang balak mo? Grabe ka ha. Di ako inform sa mga pinag gagawa mo.”

“Easy lang kasi.”

“Nakakainis ka!”

“Wala ka namang pasok ah. Kaya sulitin na to.”

“Saan mo nga ako dadalhin?”

“Doon sa may rest house namin.”

“Saan?!” sigaw ko.

“SA may Batangas.”

“Ha?!”

“Babe naririndi na ako ha.”

“Nakakainis ka.” Pagmamaktol ko.

“Wag kang mag-alala, nagpaalam na ako kay mama. Sabi ko mga isang linggo tayo mawawala.”

“Isang linggo? What the…”

“Ayaw mo ba?”

“Gusto ko... pero isang linggo?”

“Wag kang mag-alala… planado ang lahat. Sa Friday pa balik ng klase.”

“at bakit?”

“May conference ang mga professors natin. Si ate ang nagsabi sa akin nun kaya sa Friday na ang balik natin.”

“Argsh.”

“Kaya solo kita. Magkasama tayo ng halos isang linggo.”

“Mga binabalak mo kahit kalian oo.”

“Ganyan ang madiskarte. This is the week na magagawa natin kung ano ang gusto natin. Di tayo kailangan maingat sa mga galaw natin dahil pwede tayog mag ingay.”

“Ewan lang.”

“Hahahah. Kaya pahinga ka muna jan. mamaya pa tayo makakarating doon.”

“Okay fine. May magagawa pa ba ako? Di man lang ako nakapag inform sa iba. Sana isinaman natin sila.”

“Honey moon na natin to babe.”

“Magtigil ka.”

Hindi ako makapagpahinga kaya tinawagan ko sila Charlene. “Hey.” Sabi ko.

“Dear nasaan ka?” tanong niya

“Nasa byahe.”

“Oh saan ang gala?”

“Batangas?”

“Wow. Anong gagawin mo jan? di ka man lang nagsama.”

“Ewan. Biglaan. Di ko nga alam na sa Batangas pala kami pupunta, nagulat na lang ako nung malaman ko na ayon. Kaya wala rin.”

“Awww. Kaingget.”

“Sunod kayo dito.”

“Wag na. mukhang honeymoon niyo yan ni Kieth.”

“Paano mo nalamang si Kieth ang kasama ko?”

“We plan that.”

“So pinagkaisahan ninyo ako?”

‘”Medyo?”

“Humanda ka sa akin babae pagnagkita tayo. Sumunod ka dito ha. Hihintayin kita. Humanda ka kapag di ka pumunta dito.”

“Hahaha. Enjoy.” At binaba niya yung tawag.

“Planadong-planado ang lahat ah.”

“Oo naman. Tulog ka muna. Mamaya pa tayo makakarating doon.”

“Mamaya na lang.”

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at tinext si RD.  Nagtataka pa rin ako at bigla na lang siyang nawala. “Tabs… good morning! Kamusta ka? Bakit nawala ka kagabi?”

Nakalipas ang limang minuto at wala pa ring reply. “Tabs… mag reply ka naman oh.”

Limang minuto pa ang lumipas at tinadtad ko na siya ng text. “Anong anngyari sayo?” Send ng 10 times

“Paramdam ka naman oh. Buti pa multo nagpaparamdam, ikaw hindi eh.” Sent 20 times.

“Kapag di ka nagreply di na kita papansinin.” Send ng 30 times.

“isa.” Send ng 5 times.

“Nakakainis ka. L” send ng 15 times.

“Babe…” nagulat na lang ako nung sinita ako ni Kieth.

“po?”

“Sino bang katext mo? Parang galit na galit ka?”

“Wala naman.”

“Okay.”

Nainis na ako kaya nagsend ako ng last text. “GALIT AKO SAYO!” send ng 50 times.


Wala akong pakialam kung sumabog ang inbox niya. Nakakainis yung baboy nay un, hindi ko talaga siya papansinin. Argsh. Naisipan ko na lang na matulog para hindi ko na maisip ang mga bagay na ito at saka isa pa dahil na rin sa tagal ng byahe.

(Itutuloy)

21 comments:

  1. yey first. Basa mode muna :)

    Ivan D.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyay! Nakatulog si keith! Ahahaha baka si RD pa makauna jan :) huehue

      Delete
    2. so yun talaga inabangan? hahahahah... salamat po sa pagbabasa,. :)))))))

      Delete
  2. hahahaha nakakatuwa, akala ko yun na yung moment eh, na - bitin pa..
    dino-

    ReplyDelete
  3. ugh cnt wait fo the next chapter, asap please huhu hirap mabitin eh :( :P iykwim

    ReplyDelete
  4. Hahahah! Nagpapamiss si RD, nicr tactic! Alex would go crazy kung meron talagang space si tabs sa puso niya :) well see :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po.. I hope you will tune in for more... :))

      Delete
  5. Ano ba yan! Antukin monster si keith! Ahahaha. :) virgin pa si alex for papa rd :)

    Mickey mouse :#

    ReplyDelete
  6. Yey meron nang update! Thanks dylan kuya author! Hehehe

    Xian

    ReplyDelete
  7. Ano ba yan, bitin yng toot! Ahahaha makatulog naman kasi! Ahahaha

    Bry!

    ReplyDelete
  8. Biiiitin :( next please author? :) thanks! Muwah.

    ReplyDelete
  9. May nafefeel ako. Go rd? Magpamiss ka lang. Aahahaha

    Andrew! :D

    ReplyDelete