Guys salamat po sa mga comments ninyo.. kahit anong comments po ay welcome... sorry kung talagang hindi ko naasiakaso.. hinihintay ko lang po matapos yung term na to. sorry po talaga... hope you'll undertsand....
Sorry for the flaws.... sorry po.. pasensya na po...
.................................
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 40
[RD’s POV]
“The number you have dial is unattended,
please try yur call later. The number you have dial is unattended please try
your call later… toot toot toot.”
Shit! Kanina ko pa tinatawagan si Alex pero
patay ang cellphone. Kasalanan ko naman to eh, kung di ko siya sinungitan at
dinedma, di mangyayari to. Ano na kayang nangyari sa kanila? Ano na kaya ang
pinag gagawa nila?
Arhgsh. Itinapon ko ang cellphone ko sa
ibabaw ng kama at bumaba sa sala naming para magpatanggal ng bugnot.
Nakakainis. Badtrip. Oo taena, miss ko na yung lalaking makulit na yun at
sobrang nagseselos ako.
Nagseselos ako ng sobra, paano ba naman,
kasama niya yung taong “mahal niya” at mahal siya. nasususot ako sobra. Argsh.
Di ako mapakali, paano na lang kung ginagawa nila yun. Tsss.
“Okay ka lang?”
Nagulat naman ako nang makita ko si Arjay sa
likuran ko. Agad naman akong tumayo at umupo sa may sala. Agad naman siyang
sumunod at kinurot ako sa may binit.
“Aray!” sigaw ko.
“Ano bang nangyayari sayo?”
“Okay lang ako.” Sagot ko.
“Ang tanong ko ay anong nangyayari sayo
hindi yung kung okay ka lang? You are very distracted ngayon.” Sabi niya
“Nah… I’m just tired, stress and
irritated.”
“Why?”
“Mahabang kwento.”
“Dahil kay Alex?”
“Ha? Kay Alex? Tsss. Imposible. Bakit mo
naman naisip yan?”
“Wag ka na ngang magdeny. Di bagay eh.”
“Hindi siya ang iniisip ko dahil wala akong
pakialam sa kanya. Magsama sila nung boyfriend niya. Taena yan.”
“Hahaha… kapatid ko lang pala
makakapagpabago sayo eh.”
“Argssssh. Nakakainis.”
“Edi siya nga.”
“Oo. Paano ba naman ayaw niyang sagutin ang
tawag ko.”
“Baka naman kasi naghahappy happy sila.”
“Shit that life.”
“Hahahah. Natatawa akong makita kang
ganyan.”
“Wag mo nga akong pagtawanan, kita mo
namang nasasaktan na ako dito. Hindi ako natatawa sa mga sinasabi mo. Argsh…
Makakasira talaga ako ng gamit dito sa bahay!”
“Wow nasasaktan. What that word. Bago yan
sa pandinig ko sayo ah.”
“Tsss.”
“By the way, pupunta kami nila Charlene sa
kanila bukas… wanna join?”
“Bakit kayo pupunta doon?”
“Wala lang. kung gusto mo lang sumama join
ka.”
“Hindi nila ako gustong makita doon.”
“Lagi mo na lang pinangungunahan eh.”
“Hay. Kayo na lang.”
“Kaw bahala. Pero kung magbago ang isip mo,
tawag ka lang or punta ka sa bahay ko. Doon ang tagpuan namin eh.”
“Tss. Di ako darating.”
“Don’t be sure… andun ang mahal mo… ayaw mo
bang makita?”
“Makakagulo lang ako sa kanila.”
“Uhm… ikaw ang magdedesisyon nan.”
“Enjoy na lang kayo. Pasalubong ko ha.”
“Sige. Alis na ako, mamimili pa ako ng mga
gamit na pwedeng makain. Baon namin.”
“Gusto mong samahan kita?”
“Pwede ba?”
“Ikaw bahala.”
“Tara.” Sabi niya.
Sinamahan ko siya na mamili. Tinitignan ko
lang siya habang namimili ng mga babaunin nila bukas. Ang dami naman nitong
binibili, parang isang buwan silang manantili doon ah.
“Yung totoo isang buwan kayo titira doon?”
“Maybe…”
“Tss.”
“Hahaha. Ang cute mo.”
“Gwapo ako.”
“Potassium.”
“Wew. Tara na nga. Kulangin ka pa sa pera
magabono pa ako.”
“Sige na. Kahit kailan kuripot, naku.”
Habang naglalakad kami palabas ng
supermarket ay nagtanong siya bigla sa akin. “Psst.” tawag niya
“Di ako aso.” Sabi ko.
“Ang suplado. May tanong ako.”
“Ano yun?”
“Paano kung maghiwalay ang kapatid ko at si
Kieth, ano ang gagawin ko.”
“Una sa lahat, kapag sinaktan ni Kieth yang
si Alex, bubugbugin ko siya.”
“Pangalawa?”
“Kukunin ko siya at wala na akong balak
ibalik siya sa kanya.”
“Napaka pocessive mo pala.”
“Nah. Tama lang.”
“Pero malaki na rin pinagbago mo.”
“Sabihin mo sa akin, masama ba ang umasa.”
“Now you know the feeling.”
“Bakit kasi sa lahat pa, kapatid mo pa.”
“Di naman pwedeng mamili ang puso natin
kung sino ang mamahalin kaya stay put ka lang.”
“Pero alam kong makakagulo lang ako sa
kanila.”
“Then wag kang makialam. Sabi ko nga just
stay put.”
“Paanong stay put.”
“Don’t care about them wag kang makialam.
Maging normal ka lang.”
“Normal? Shete paanong normal ang gagawin
ko kung sa tuwing makikita ko si Alex ay tumatalon ang puso ko at yakap agad
ang gusto kong gawin.”
“Baka naman minamanyak mo na kapatid ko.”
“Ilakad mo ako sa kapatid mo please.”
“Abay ikaw ga ay luko?”
“Tsss.”
“Sumama ka na kasi.”
“Masasktan lang ako.”
“Eh tanga ka ba?”
“Tanga agad?”
“Alam mo… part ng pagmamahal yang masaktan.
Sabi nga nila, may ilang bilang man ng pagkakataon tayo na masaktan, darating
din yung mas maraming panahon para tayo ay makaramdam ng pagmamahal.”
“Sayo na si Kieth… akin na si Alex…” sabi
ko.
“I’m over with Kieth.”
“Bakit may bago ka?”
“Wala.”
“Paano?”
“I just accept it. Kaya ikaw… nasa saiyo ag
desisyon… kung magmamahal ka at masasaktan, o masasaktan ka at magmamahal.”
“Edi ba pareho lang yun.”
“Hindi… there’s an irony about that
statement.”
“Okay sabi mo eh.”
Matapos naming mamili ay inihatid ko na
siya sa bahay nila habang ako ay nagmumuni muni habang nagdrive pabalik ng
bahay. Sasama ba talaga ako? Haixt.
Binuksan ko ang cellphone ko at sinilip ang
picture ni Alex na natutulog. I miss him, his body, his kiss, lahat about sa
kanya. Maluluha ka nalang sa sakit kapag naramdaman mo na nagungulila ka sa
isang taong iyon.
Back then, sobrang close kami. Pero paano
ko nga ba siya nakalimutan? Dahil ba bata pa kami? Hindi eh, siguro natanggap
na ng sistema ko na sumusuko na ako at hindi ko na siya muling makikita.
I was still child back then. Wala naman
akong magagawa eh. Kung di sana kami magkalayo, posibleng habag buhay na kami.
Pero there’s a reason for everything and I hate that reason kung bakit ako
nasasaktan.
Ayokong tanggapin sa sarili ko na iiwanan
ako ni Alex. Ayokong tanggapin na darating ang panahon ay magsasama sila ni
Kieth habang buhay.
[Arjay’s POV]
Kanina pa ako naghihintay sa tawag ni RD
pero mukhang wala siyang balak sumama. Sayang pa naman ang mga pinamili ko.
Tsss. Kaya nga dinamihan ko ang bili ko dahil sa kanya. Ang lakas kaya kumain
nun.
“Arjay… ano tayo na at umalis? Mukhang din
a dadating yun eh.” tanong ni Jake.
“Ah… sige… mukhang di na naman hahabol si
RD.” sabi ko.
“Ano ba sabi niya?” tanong ni Charlene.
“Ayaw daw niya eh. Pero I’m sure gusto
niya.”
“Pakipot talaga yun kahit kailan.” Sabi ni
Charlene.
“Hala… hayaan natin… pati mukhang
masasaktan lang sya eh.”
“Tama.”
“Tara na?” tanong ni jake.
“Sige…”
Ilang beses kong tinawagan siya pero patay talaga
ang cellphone niya. Tsss. Wala naman akong magagawa. Umalis na kami at hinayaan
na lang si RD.
Nasa backride ako habang nakikinig ng
music. Maiinggit na naman kasi ako kapag narinig ko ang ka-sweetan ng dalawang
ito. Nakita ko na lang a humarap si Charlene sa akin at ngumiti. Napatanggal
ako ng headphones ko.
“Bakit?” tanong ko.
“hello.” Sabi niya
“Hi…”
“I’m Charlene.”
“Yeah I know. Best friend ka ni Alex right?
I’m Arjay.” Sabi ko.
“Friends?”
“Sure… why?”
“Eh kasi yung mga encounter natin kadalasan
confrontation ninyo ni Alex eh.”
“Hahah. Oo nga eh.”
“Well… hope to bond with you.”
“Same here.”
Nagulat na lang kami anng biglang tumigil
si Jake. Napasubsob tuloy ako sa may front seat. “Ano ba naman yan?” Sigaw ni
Charlene.
“Eh kasi si RD eh.”
“SI RD?” tanong ko.
“Hayan oh.”
At nakita namin si RD na humarang sa may
harapan. Napangiti naman ako sa nakita ko. Agad namang sumakay si RD sa may
kotse at nagpatuloy na kami sa pag-andar.
“Oh akala ko ba wala ka.” Tanong ni
Charlene.
“Bakit ba? Para maexcite kayo.”
“eksena mo kahit kalian oo.”
“Ayaw mo ba ako dito?”
“Ayaw.”
“Ang arte ah.”
“Pahuli-huli kasi.”
“Sorry na.” at nagtawanan sila.
“Oh anong nagpabago sa isip mo?”
“Wala naman… medyo nababagot lang din ako
sa bahay.”
“Sus… aminin mo na kasi na namimiss mo lang
si Alex.” Sabat ko.
“Hindi ah. Bakit ko mamimiss yung loko na
yon.”
“Aysus.” Sabi ni Charlene.
“Utot ninyo.”
“Mabango.” Sabi ni Jake.
“Loko.”
Puro laugh trip kami sa loob ng sasakyan.
We found RD as a comedian right now. Bumalik na yung dating sigla niya. Mukhang
nagkaroon siya ng reason to live again.
Live again talaga? Hahaha. Pero at least
nabuhayan siya pero ang ikinakatakot ko ay yung mangyayari mamaya. Alam ko
naman at lingid sa aming pagkakaalam ay may alitan si Kieth at si RD. Nagsimula
naman to noong naging kami ni RD pero sa di maiwasang dahilan ay nagpatuloy ang
alitan nila.
Imba talaga sila pag love. Hay naku. Pero
kawawa si kapatid dahil alam kong trap siya between two boys. Haba ng hair.
Ayt. Pero andito naman kami para awatin kung may mabuong tension sa kanila.
Isang oras at kalahait din ang naging byahe
namen. Habang papalapit kami sa lugar nila Kieth ay nakakaramdam ako ng tension
kay RD. hindi siya mapakali at tila ba gutsong-gusto na niyang bumaba.
Nang makarating kami ay agad naming natanaw
ang bahay bakasyunan nila Kieth. Maganda pa rin ito tulad ng dati. Agad naman
naming bintibit ang mga gamit namin. Habang nag-aayos ako ng gamit na
bibitbitin ay nakita ko si RD na parang nakatulala.
“Hoy.” Tawag ko.
“Oh?”
“Ano na ang nangyari sayo? Daig mo pa
kakainin ng buhay.”
“Ah eh wala.”
‘Excited ka?”
“Saan?”
“Makita si Alex.”
“Hindi ah.”
“Aysus.”
“Beeeest!” narinig naming na sigaw ni
Charlene.
Kitang-kita ko ang pagkatuliro ni RD. Natawa
na naman ako bigla at hinawakan siya sa makabilang balikat. Tumingin siya sa
akin at ngumiti.
“Relax… daig mo pa ang hindi nakita si Alex
ng 10 taon eh.”
“Hindi mo naman ako masisisisi. Noon nga
mas sabik ka pa sa akin dahil gusting-gusto mong makita si Kieth.”
“And I feel you kaya nga sabi ko relax
lang. Keep calm.”
“I know.”
Narinig ko ang mga halakhakan nila kaya
naman agad na kaming sumunod sa kanila. Hinanap ko ang kinaroroonan nila at
napansin ko agad ang pagtingin ni Kieth. Napadako ang mga mata nila sa amin at
nakita ko ang reaksiyon nilang dalawa.
Nagulat siymepre sila at di nila inaasahan
na makikita nila kami especially si RD. Nakita ko naman ang pag-iiba ng
ekspresyon ng mukha ni Kieth kaya naman binasag ko ang namumuong tension.
“Kapatid!” sigaw ko.
“Arjay…” sabi niya.
Agad siyang lumapit at niyakap ako. Nakita
ko na sumunod silang lahat sa kinaroroonan namin at tinulungan ako sa mga
bagaheng aking bitibi.
“Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka? Sana
nakapaghanda kami ng marami.” Tanong ni Alex
“Hahahah. Okay lang yun para surprise.”
“Na-surprise nga kami sobra.” Biglang
singit ni Kieth.
“Sorry di na kami nag sabi.”
“Ayos lang.” Sagot ni Kieth.
“Ay tara na sa loob at kumain na tayo.”
Sabi ni Alex.
“Anong nangyari jan sa mukha mo?” tanong
ko.
“Ah eh si Kieth kasi kung anu-ano ang nilalagay
sa mukha ko. Gumanti lang ako hanggang ayun.” Sagot niya
“Ang sweet.” Nagulat ako nung nagsalita si
RD.
“Sobrang sweet.” Singit ni Kieth.
“Tara na.” biglang putol ni Jake.
Sinamahan ko si Alex na maghugas ng mukha. Nakikipag
kwentuhan din ako sa kanya habang naghuhugas siya ng mukha para naman mabawasan
ang dala niya.
“Kamusta kayo dito?” tanong ko.
“Okay naman. Kayo ba doon? Si papa?”
“Okay na siya. may good news pala ako, he
is recovering.”
“Bakit anong nangyari?”
“Nagfaint kasi si papa, over fatigue daw.”
“Kailan pa?”
“Kahapon lang. he’s fine though. Sabi nang
doctor wag daw masyadong magpagod. Pero wala naman daw masamang nangyari.”
Dagdag ko.
“Bakit daw ba kasi nagpapakapagod si papa?
Dami-dami nang pera eh.”
“Hay naku. Alam mo ba naman ang sagot?”
“Ano?”
“Dalawa na daw ang anak niya kaya kailangan
daw niyang maghapit.”
“Medyo iba din pala si papa.” At nagtawanan
kami.
“Anong score na?”
“Saan?” tanong niya
“Naka home base na ba siya sayo?”
“Ewan sayo.” Biglang iwas niya
“Don’t tell me hindi pa siya nakakascore
sayo. Ang hina na pala ngayon ni Kieth.”
“May tanong ako.”
“Ano yun?”
“Diba ginawa na ninyo yun ni Kieth?”
“Oo. Bakit?”
“Anong… Kasi… gaano… paano ko ba
itatanong.” Utal niya
“Kung malaki ba?”
“Hindi… adik mo.”
“Oh ano?”
“ANong feeling? Masakit ba? Nagdudugo ba?”
“Ay ewan… basta gawin mo para maramdaman
mo. Si Kieth yan kaya mage enjoy ka. Carefull lang kasi medyo… ay hindi pala
medyo, malaki lang talaga.”
“Eh…” at nakita ko siyang nagblush.
“Tara na nga at naghihintay na sila. Gutom
na rin ako.” Asbi ko.
Kumai na kaming lahat. Habang kumakain kami
ay nagkwentuhan pa rin kaming lahat. Tawanan at ung anu-ano pa pero napansin ko
lang na hindi masyadong nakikihalubilo si RD at si Kieth. Itong dalawang ito
problema kahit kailan.
[Alex’s POV]
Inihatid naming isa-isa sila sa kwarto
nila. Medyo mailap pa rin si Kieth at si RD at kanina ko pang nakikitang mailap
silang dalawa sa isa’t-isa.
“Best ang taray ha… ang bigat ng atmosphere…
Ilan bang Pascal meron dito sa bahay nila Kieth?” Sabi ni Charlene.
“Bakit kasi hindi mo sinabi sa amin. Edi
sana nagprepared kami.”
“Eh di kasi namin alam na sasama si RD
biglaan.”
“Aysus.”
“Saan ba yung room ko? Katabi ko ba si Papa
Jake?”
“Nope… hindi pwede mamaya mabuntis ka ng di
oras.”
“Oy… kahit kalian hindi ako magpapaganun.
Balak ko kayang maikasal na virgin.”
“Aysus talaga lang?”
“Oo.”
“Siya maghiwalay kayo.”
“Edi maghiwalay.”
Matapos na naming mailagay sila sa kwarto
nila ay hinanap ko si Kieth. Agad ko naman siyang nahagilap at nakita na malayo
ang tingin sa kalayuan. Agad ko naman siyang niyakap.
“Tapos mo na bang masabi yung kwarto nila?”
tanong niya
“Yup.”
“Ah okay… okay naman daw ba sila soon?”
“Yeah… si Charlene nga enjoy dun sa kama
niya.”
“Okay kung ganun.” Matabang na sabi niya
“Okay ka lang ba?” tanong ko.
“Yeah.”
“Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?”
“Bakit nalulunod ka na ba?”
“Wehhh… banat na naman.”
“Wala to. Ikaw talaga. Pahingi nga ng
kiss.” Sabi niya.
“Uhmwah.”
“I love you.” Sabi niya
“I love you too.”
“wag kang magsasawa sa akin ha.”
“Opo.”
“Sa akin ka lang ha.”
“Na-intimedate ka ba?” tanong ko.
“Saan?”
“Kay RD?”
“Ako? Hindi ah.”
“Eh bakit parang ang ilap mo sa kanya?
Bakit hindi kayo nag-iimikan? Mayroon ba akong hindi alam? Diba okay na tayo.
Nagkausap na tayo.”
“Medyo mabigat lang loob ko sa kanya. Medyo
malayo. Di mo naman maiiwasan yun sa akin. Siya yung taong pinagseselosan ko
sayo. Siya yung taong malapit sayo at maaring mahulog ka sa kanya kaya
natatakot ako.”
“Wag kang matakot. Hindi naman ako
manloloko eh.”
“Kahit na… hindi natin alam ang
mangyayari.”
“Mahal kita.”
“Mahal din kita pero mahirap pag
nakakaramdam ako ng selos.”
“Trust me…”
“Yeah.”
“Cheer up… nahahalata namin eh.”
“Opo… I will try to cope up.”
“Thank you.”
“Hay.”
“Yaan mo may gift ako kapag napanatili mo
na nakacheer up ka.”
“Is that a motivation?”
“Sort of.”
“And you must be ready.”
“Hahahah. Kahit kalian napaka naughty mo.”
“Just kidding. Nga pala I’m planning na
gumala bukas. Maraming magagandang place dito. I’m just wondering kung gusto
nila magstay sa kabilang isla. May isa pa kaming rest house doon.”
“Ah sige sabihin ko sa kanila.”
“Sge dito lang ako. Tulog muna ako.” Paalam
niya
“Kakakain mo lang ah.”
“it’s 30 minutes after na.”
“Hindi. Wag kang matutulog kukutusan kita
eh.”
“Sige na po. Pagbalik mo tulog tayo.”
“Kaya ka nananaba eh.”
“Mataba na ba ako? Seriously?”
“Hindi… joke lang, ikaw ang pinakamacho sa
paningin ko.”
“Malamang ako lang ang nasa harapan mo
ngayon.”
“Pilosopo.”
“Babe… abs ka ba?” tanong niya
“Oh bakit?”
“Kasi kahit matagal bago kita makuha… hindi
naman ako susuko hanggang sa makamit ka.”
“Ang cheesy.” Sabi ko.
“Sasakyan ka ba?”
“Bakit?”
“Coz you drive me crazy.”
“Aysus. Sige na bago mo pa ako mabola.”
Agad ko naman silang hinanap. Wala sila sa
kwarto nila. Ang mga loko, excited mag swimming? Naku sigurado ako at nakalublob
na yun mga yun sa tubig. Si Charlene pa eh pinagnanasaan na niya yung tubig
dagat. Hay naku.
Nagpasya akong punatahan sila. Maaga pa naman
kaya hindi nakakasunog ang araw. Nagulat naman ako nung paglabas ko ay nakita
ko si RD na nakatingin sa di kalayuan.
“RD…” tawag ko.
Agad naman siyang lumingon as kinarotoonan
ko. Ngumiti siya ng bahagya at lumapit sa akin. “Nasaan sila?” tanong ko
“Nag gagala lang.”
“Ah… bakit hindi ka sumama?”
“Wala lang… tinatamad ako.”
“Ah okay… Buti sumama ka.”
“Yeah… baka kasi namimiss mo na ako kaya
nagpakita na ako.”
“Kapal mo… ewan sayo.”
“Namiss mo ako?”
“Bakit naman kita mamimiss? Wag kang
assuming.”
“Aysus. Lumalabas sa butas ng ilong mo yang
sagot mo eh.”
“Ewan sayo. Basata galit ako sayo tandaan
mo yan. Isnabero. Uhmmps.”
“Halikan kita jan eh.”
“Eksena mo. Sige na aalis na ako.
Pupuntahan ko sila.” Pamamaalam ko.
“Samahan na kita.”
“Hindi… jan ka lang… tinatamad ka diba? Ewan
sayo.”
Pababa na ako nang hagdan nang maramdaman
ko ang mga kamay niya sa aking braso. Napatingin ako sa kanya at humarap sa
kinaroroonan niya. Nakita ko naman ang mga sinsero niyang mata.
“Namiss kita…” at nakita ko ang namumuong
luha sa kanya mga mata.
“RD…” ang nautal ko.
Agad naman niya akong niyakap nang
mahigpit. Di ako nakagalaw sa pagkakataong iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang
dapat kong gawin. Naging isang tuod ako sa pagkakataon yun. Naramdaman ko ang
sobrang higpit na yakap ni RD sa akin.
(Itutuloy)
Dylan, sorry kung hindi magiging maganda yung comment na to.
ReplyDeleteI'm starting to hate the story na, hindi ko lang matigilan kasi nasimulan ko na simula't sapol.
Sana kahit fiction lang naman to, sana gawin mo syang makatotohanan.
kung hindi ko lang alam na gay love story to, kung hindi ko alam na bakla or bi si Alex, iisipin ko na babae sya. sana mas makatotohanan, kahit sige conservative type sya pero lalaki parin sya right? lakas makababae. college na sila dba? parang wAla pa syang kamuwang muwang sa mga bagay bagay.
sa previous chapter, tinapos mo yun sa part na dumating sila RD sa bakasyunan nila keith, you could have just started this chapter sa part na yun. or kung gusto mo naman bigyan ng back story how they planned to join alex and keith, sana hindi naman yung ganyang kahaba, na naging isang chapter na, sobrang dami or haba ng mga conversation na boring na yung dating na pwede namang wala sa story, kaya nilampasan ko na lang assuming na may mas okay na part, pero wala.
sobrang pinahaba mo na yung story, 40 chapters na pero hindi sya umuusad.
mas madami pa sigurong ngyari sa chapter na to kung sinimulan mo kung saan natapos sa previous chapter, kung hindi naman ganong kaimportante wag na isama sa story.
kasi mas okay pa kung yung chapter na to at yung previous chapter ay pinagsama mo as one.
alam na ng lahat ng readers kung gaano kamahal or kung gaano nila kagusto ang isat isa, wag masyadong cheesy, nagiging parang paulit ulit na lang tuloy.
naiintindihan naman po kita na busy ka at hindi ito ang priority mo, trust me naiintindihan ko, take your time dylan, kung hindi mo kaya mag-update ng weekly, OKAY lang as long as sulit yung pinaghintay at malaman yung bawat chapter. mas okay na yung matagal na update at talagang napaghandaan yung bawat chapter kesa iforce mo or set mo na lagi na every saturday ang update pero hindi malaman yung story.
wag mo na isama ang pwede namang hindi kasama sa story. wag na masyadong gawing kumplikado. ang haba na kasi parang itong comment ko, mahaba na. mas okay na iresolve na yung mga bagay2 sa story at tapusin na ang kwento. matagal na akong nagbabasa ng mga gawa mo at yan po kasi ang mga madalas ko mapuna.
alam kong masama tong comment na to, alam kong wala akong karapatan na magreklamo kasi nakikibasa lang ako at free mo itong nisheshare, PERO para sayo at sa story naman itong reklamo ko, hindi para siraan ka.
SORRY po talaga.
grabe ako na yung OA ngayon, isang chapter na yung comment ko.
sige dylan, keep safe, good luck, take your time po. :)