Saturday, October 5, 2013

Less Than Three-Part 32

NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Guys...

Tuwing sabado na lang po ako makakapag u[date. Sorry po kung ganito ang nangyari.


Medyo nagigipit na rin po ako sa time na makapag update at tapusin yung story.. Senxia na po.


Gagawin ko naman po ang lahat kung may time ako. :)


Hope you'll understand...


For now Chapter 31 and 32 are out. Hope you'll like it. :)

---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 32

(Just Give me a reason..)





[Alex’s POV]




First day kong titira sa bahay nila papa at hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. 


Mukha naman kasi akong timang dahil kinakabahan pa ako, hay naku. 


Wala kaming pasok ngayon kaya ngayon naming napagdesisyunan na lumipat doon.


“Anak, welcome.” Sabi ni papa.


“Salamat po. Ang laki po talaga ng bahay ninyo.”


“Hi iho. Feel free dito sa bahay.” Sabi ni tita.


“hello po. Salamat po sa tita. Medyo nahihiya pa nga po ako eh.”


“Walang anuman. Feel at home. Welcome to the family. Nakapunta ka na naman dito dati kaya I’m sure di ka na mahihirapang mag-adjust.”


“Salamat po ng marami. Medyo naninibago lang pero looking forward naman po na maging okay ang lahat.”


“Nga pala anak, sagkasama kayo sa kwarto ni Arjay kaya sana ay okay lang. Inaayos pa kasi naming yung kwarto mo eh kaya medyo hintay-hintay lang ha.”


“ Ah ganun po ba? Okay lang pos a akin. Pero okay lang po ba sa kanya na makasama po ako? Hindi po ba siya nag-aalinlangan?”


“Okay lang sa kanya yun iho, at isa pa, sa tingin naming ay mas makakabuti yun. We think that you two need that. Mas close kayo sa isa’t-isa, mas mapapabilis ang pagbabati ninyo.”


“Sabagay po may punto po kayo.”


“Anak… isipin mo na lang kung magkasama kayo sa iisang kwarto, maaring magkaayos agad kayo. Basta maging okay lang ang lahat. Ako na ang nagsasabi sayo na habaan mo ang pasensya mo sa kapatid mo. Wag kayong mag-aaway ha.”


“Ganun po ba? Sige po, ako na po ang bahala.”


“Sige na iho iakyat mo na yan. Magpahinga ka na muna ha.”


“Sige po.”


“Luding.. pakitulungan si Alex.” Sabi ni papa.


“Pa, kaya ko na pong dalhin ito. Okay na po ako.” Sabi ko.


“Hindi anak. Madami kang gamit oh. Let them carry that.”


“Nakakahiya naman po. Hindi po ako sanay na pinagsisilbihan.”


“Sigi na koya ako na jan.” sabi ni Ate Luding.


“Tulungan ko na rin po kayo.”


“Ang baet mo naman koya. Sigi tara sasamahan na kita sa kwarto mo.”


Malaki ang kwarto ni Arjay kaya naman nakakpanibago lang galawan. 


May nakita akong isang kama na katabi nito at sigurado ako na ito ang kama na gagamitin ko. 


Agad ko namang inilagay ang gamit ko sa may kama koat sinumulang ayusin ito.


“Koya… tulungan na kita ha.”


“Sige salamat po.”


“Alam mo koya… Masaya ako na may kapatid si koya Arjay. Matagal na niyang pangarap iyon at sa wakas ay natupad iyon.”


“Naku ate Luding, Alex na lang po itawag mo sa akin. Nagmumukha kasi akong matanda.”


“Naku hindi naman po pwede yun. Amo ko kayo kaya kailangan gumalang ako.”


“I prefer Alex.”


“Prefer? Wrapper? Pambalot ba yun koya?”


“Nako hindi po. Alex na lang po ha. Kapag tinawag mo pa akong Kuya eh di kita papansinin.”


“Hala… sigi na nga.”


“Ano ba ang gusto mong itatawag ko sayo?”


“Ate Lud na lang.”


“Uhm, Ate Lud,Naks sosyal ah.”


“Oo naman. Susyal talaga ako. Ako ang magiging PA mo dito.”


“May ganun pa ba talaga dito? Nakakapanibago naman. Hindi ako sanay.”


“Oo naman. Ako rin ang kay Koya Arjay eh. Mayaman ka na kaya masanay ka na Alex.”


“Si papa lang naman ang mayaman, ikaw talaga. Nakwento ba niya ako sa yo dati?”


“Oo. Dati rati nakwento ka niya. Pero nung nagkaroon ata kayo ng away, hala naku, hindi na. ayaw niyang pag-usapan. Pero sa tingin ko naman ay ayos na siya.”


“Galit ba siya sa akin? Magsabi ka ng totoo ha. Please.”


“Naku, hindi ko alam.”


“Ah ganun ba?”


“Lagi kasing nag-iisa yang batang yan eh. Nako, nung nalaman niyang may kapatid siya, nakita ko ang pagngiti niya. Pero alam mo naman iyun, pagpasensyhan mo na.”


“Okay lang po. Naiintindihan ko naman po.”


“Mabait naman yang si Arjay, ayaw nga lang niyang pinapakialaman siya masyado.”


“Nasaan po siya?’


“Naku siguro namimili yun ng kung anu-ano. Hindi siya masyadong naglalagi dito sa bahay. Hindi yan pumipirmi sa kwarto niya ng matagal pwera na lang kapag nagmumukmok.”


“Ah okay. Mamaya itour mo ako dito ha.”


“Sigi ba.” Sabi nito.


Habang inaayos ko ang gamit ko ay narinig ko na lang ang isang pamilyar na boses. 


Agad niya akong inakbayan at saka kung anu-ano ang pinag gagawa sa aking mga gamit.


“Hoy yats! Bigatin ka na ah. Imba ha. Heavy ka na. Akalain mo.” Sabi nito.


“RD!” sigaw ko.


“Namiss mo ako?”


“Ang kapal ah. Kahapon lang nagkita tayo. Akalain mo nandito ka? Pina pasok ka ng mga guard? Hahahah”


“NAmiss kita eh. Oy, ano ka, akala mo naman kung sino akong criminal.” Bigla niya akong niyakap.


“Ayy… kaluka.” Sabi ni Ate Lud.


“Ayan nagugulat si Ate LUd.”


“Naku sanay na  an sa akin. Hindi ba? Tama naman Ate Lud diba?”


“Naku mamaya mahuli kayo ni Arjay. Naku kagulo to.”


“Bakit naman?” tanong ko.


“Edi ba ikakasal sila ni Arjay?”


“Ah hindi na.” sagot ni Rd.


“Ah okay. Pwede na pala. Siya mag lab lab na kayo.”


“Gutom lang yan ate Lud, kung anu-ano na sinasabi mo eh. Hahaha. Nagugutom ako ate Lud.” Sabi ni RD.


“Sige ipaghahanda ko kayo.” Agad naman itong bumaba.


“Kamusta ka naman dito? Okay naman ba ang pagstay mo dito?”


“Yup. Im okay. Eto, kadarating ko lang naman kaya nag-aayos ako ng gamit.”


“Okay na ba kayo ni Arjay?”


“Ewan ko ba. Ang hirap basahin ng iniisip ni Arjay eh.”


“Ganun talaga yun. Pero I’m sure magiging okay din yun.”


“Nga pala. Anong sadya mo dito?”


“Ikaw.”


“Ako?”


“Oo. Gagala tayo.”


“Bukas na lang.”


“May klase ako bukas eh.”


“Eh kasi… wag ngayon. Gusto ko munang libutin ito. Di ko pa to nalilibot dati eh.”


“Nakapunta ka na nga pala dito dati ano.”


“Oo. Pero di ko naman ito nalibot noon. Oh siya samahan mo ako dahil nandito ka na rin naman. Dapat kay Ate Lud pero okay ka na rin..”


“My pleasure. Parang maliligaw ka dito ah,”


“Batukan kita. Ang laki kaya.”


“Mas malaki yung kila Kieth.”


“Oo nga eh.”


“Sige na bilisan mo na jan at i-tour kita dito.”


“Sige sige.”


Kumain na muna kami matapos kaming dalhan ni Ate Lud ng pagkain. 


Medyo nagkakwentuhan kami tungkol sa mga bagay-bagay at natuwa naman ako dahil na-entartain ako.


 Na-curious tuloy ako sa kung anuman ang mga sinabi sa akin ni Arjay.


“Hey may itatanong ako.” Sabi ko.


“Ano yun?”


“Ikaw ba… by any chance eh may feelings pa sa akin? Serious mode muna ha. No offense man ha. Gusto ko lang malaman.”


Natigilan siya ng bahagya at napatitig sa akin. 


“What?” tanong ko muli.


“Ano ngayon kung meron? Paano kung meron? May gagawin ka ba?”


“Edi meron kung meron. Nagtatanong lang aman ako eh.”


“Paano nga kung meron?”


“Anong magagawa ko eh nanjan na yan.”


“Di ka man lang ba magrereply sa feelings ko? I mean, di mo ba tutugunan itong nararamdaman ko?”


“Alam mo ang timang ng mga tanong mo. Wag na nga lang nati pag-usapan, ang dami mong alam. Makatanong ka naman akala mo naman totoo.”


“Hahahaha. Joke lang. ang seryoso mo kasi.”


“Ay naku. Nevermind na nga lang. oh ano tara na?”


“Sure.”


Nagsimula naman  kaming maglibot sa bahay nila papa. 


Kay Ate Lud dapat ako magpapasama pero di ko na siya inabala dahil mukhang marami siyang gagawin sa baba.


Ngayon ko lang malilibot ito at excited ako. 


Ang unang punta ko kasi dito ay kwarto at dining area lang ang nakita ko. 


Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng magtanong siya sa akin.


“Kamusta pala kayo ni Kieth?” tanong niya


“Were fine?”


“Oh bakit patanong yan? Sagot ang hininhingi ko remember?”


“Ay ewan. Change topic na muna. Im not in the mood to talk with that.”


“Ang arte naman.”


“Wag ka ng magreklamo.”


“Ano pa ba ang magagawa ko Sir?”


“Di ko akalain na sobrang yaman pala nila Arjay.”


“What pa sila Kieth.”


“Nakakapangliit.”


“Sayo din kaya to.”


“Ay naku kay papa to.”


“Eh sino bang anak niya? Diba kayo ni Arjay?”


“Kahit na oy. Grabe nakakalula lang ang ganito.”


“By the way. Marunong ka bang tumugtog ng kahit anong instruments.”


“Uhm. Siguro.” Sagot ko.


“Naku baka mamaya lata lang ang kaya mong tugtugin.”


“Why not peanut?”


“Tara nga dun sa music area nila.”


“Oh ang galing naman. Meron sila dito?”


“Mag gym ka lagi dito ha para di pumanget yang katawan mo. Pag pumanget yan iiwan kita..”


“Taray may gym.”


“Kaya dapat well built yang katawan mo para kapag natikman ko… YUMMY.”


“Alam mo kadiri ka talaga kahit kalian.”


“Bakit naman?”


“Don’t tell me pinagnanasaan mo ako.”


“Well… kind of.”


“Che. Ewan sayo. Lumayo ka nga sa akin. Ayaw kita makita.”


“Malulungkot ka kapag wala ako.”


“Ay nagdrama. Tara na nga.” Yaya ko sa kanya.


Nakakita ako ng isang malaking grand piano. Maraming klaseng gitara din mayroon ang bahay na ito. Maraming insturmento doon na nakapagpatibok sa aking kagustuhan.


“Wow naman.”


“Told yah.”


“Sige nga tugtog ka.” Sabi ko.


“Wait and see.” Sabi niya.


Umupo siya sa may drums at nagsimula na siyang magpakitang gilas sa aking harapan. 


Habang pinapanood ko siya ay feel ko namang sabayan siya kaya kinuha ko yung electric guitar, sinaksak sa amplifier ay nagsimulang tumugtog.


Alam kong namesmerize siya sa mga pinagaggawa ko. 


Medyo napapatingin siya sa akin at nakangiti ito.


 Matapos ang ginawa namin, nilapitan niya ako.



“Hanep ang best friend ko oh. Daig na daig ako ah.” Sabi niya


“Well kasi nagmamayabang ka, sinaktuhan ko lang. Para naman maagaw ko yung momentum sayo.”


“Yabangers naman.”


“Well, hindi lang yan ang kayak o. Meron pa. Seat down and relax. Watch my moves.” Sabi ko.


Agad kong pinuntahan ang number one love ko sa mga instruments, ang piano. 


Kitang-kita ko ang seryosong tingin niya sa akin.


“Alalayan mo yung bibig mo ha.” Sabi ko.


“Bakit? May papasok ba na mga nota?’


“Hindi… baka mapanganga at humanga ka sa akin.” Sabi ko.


“Ay may mayabang.” Sabi niya.


“Di naman.” At nagtawanan kami.


Sinimulan ko yung pagtugtog. 


Recently ko lang siya napakinggan pero nacaptive na nito yung attention ko.


 Inaral ko itong kantang ito at inenjoy ang pagkanta.


Sabay ng aking pagtugtog ay sinabayan ko ang pagkanta. 


Nasa isip ko nang mga panahon na iyon si Kieth kaya naman lalo kong dinamdam ang aking pagkanta. 


Sana lang ay nandito siya sa tabi ko. 


Sana naman ay okay siya dahil namimiss ko na siya ng sobra.






Right from the start
You were a thief
You stole my heart
And I your willing victim
I let you see the parts of me
That weren't all that pretty
And with every touch you fixed them

Now you've been talking in your sleep, oh, oh
Things you never say to me, oh, oh
Tell me that you've had enough
Of our love, our love





Panandalian tumulo ang mga luha ko. 


I just can’t stop thinking him. 



Miss ko na siya pero hinahayaan ko lang na aliwin ko ang sarili ko.



Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
It's in the stars
It's been written in the scars on our hearts
We're not broken just bent
And we can learn to love again



Parang kelan lang nung huli akong tumugtog nito. 


Nagulat ako nung sa second verse ay kumanta si RD at sinabayan niya ako ng pagtugtog gamit ang ibang instrument.



I'm sorry I don't understand
Where all of this is coming from
I thought that we were fine




“Oh, we had everything” Ako



Your head is running wild again
My dear we still have everythin'
And it's all in your mind



“Yeah, but this is happenin'” ako




You've been havin' real bad dreams, oh, oh
You used to lie so close to me, oh, oh
There's nothing more than empty sheets
Between our love, our love
Oh, our love, our love




Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
I never stopped
You're still written in the scars on my heart
You're not broken just bent
And we can learn to love again





Oh, tear ducts and rust
I'll fix it for us
We're collecting dust
But our love's enough
You're holding it in
You're pouring a drink
No nothing is as bad as it seems
We'll come clean




Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
It's in the stars
It's been written in the scars on our hearts
That we're not broken just bent
And we can learn to love again




Just give me a reason
Just a little bit's enough
Just a second we're not broken just bent
And we can learn to love again
It's in the stars
It's been written in the scars on our hearts
That we're not broken just bent
And we can learn to love again




Oh, we can learn to love again
Oh, we can learn to love again
Oh, oh, that we're not broken just bent
And we can learn to love again



Napangiti ako sa kanya nung matapos yung kanta. 



Nakarinig naman kami ng palakpak sa di kalayuan sa amin. 


Sabay kaming napatingin sa kinaroroonan nito.


“Bravo.” Sabi ni tita.


“Tita nanjan po pala kayo. Pasensya na po kung hindi kami nakapagpaalam na gamitin ang mga ito.” Sabi ko.



“Wala yun. Feel free to use it. Trust me these instruments are happy that finally, somebody played them.” Sagot nito.


“Ang galing nitong si Alex.” Sabi ni RD.


“Naku ikaw nga magaling jan.”


“Nakakatuwa lang na pareho kayong magaling, at isa pa natutuwa ako kasi may gumamit na rin nitong mga instruments na ito. I feel that the two of you were together. Kayo ha.”


“Hindi naman po. Bakit po tita?”


“Ako lang naman ang gumagamit ng ilan dito. Hindi naman mahilig si Arjay dito kaya medyo nakakalungkot lang.”


“Pero he has a beautiful voice.” Sabi ni RD.


“Di ko alam. Never pa siyang kumanta sa harapan ko.” Sabi ni tita.


“One day tita mapapakanta namin siya sa inyo.”sabi ko.


“Salamat iho.”


Nilibot pa naming ang buong bahay. 


Kinagabihan ay umalis na rin si RD pero hindi pa rin umuuwi si Arjay. 


Di ko alam kung saan siya nagpunta.


Hinayaan ko na lang muna siya. 


Nagskype ako at umasa na baka gising na si Kieth. 


Sakto naman at nakaonline siya.


“Hi mahal ko!” sabi ko.




“Buti naman at nagonline ka na. haixt.”


“Miss me?”


“Super.”


“Nga pala nandito na ako sa bahay nila papa.”


“Oh musta ka jan?”


“Okay ako. Maganda yung pakikitungo nila sa akin.”


“Si Arjay ba?”


“Hindi ko siya nakita maghapon eh. Wonder why.”


“Ah ganun ba. Kamusta maghapon?”


“Ayon okay naman. Eto namismiss ka na sobra. Alam mo ba na tumugtog ako ngayon sa piano. Feels like everything. Sa wakas nakatugtog na uli ako kanina.”


“Naalala mo ba yung sa bahay?”


“Oo yung tinugtugan mo ako.”


“Heheh. Galing naalala pa niya.”


“Ako pa. ikaw ba kamusta ka jan?”


“eto.. may good news…”


“Ano yun?”


“Si papa. Okay na siya. konti na lang at he will be better.”


“That’s good. Hope magtuloy-tuloy na yung pag galing ng papa mo.”


“Hay oo nga eh.”


“Kamusta ka nga pala jan? yung pag-aaral mo.”


“Uhm. Okay naman. Ewan ba. Nakakatamad mag-aral dito. I’m just wondering kung ipagpapatuloy ko ba yung cross enroll dito.”


“Hay naku umayos ka nga.”


“Nga pala malapit na ang special day ng mahal ko ah.”


“Heheh. Oo nga eh. Buti naalala mo.”



“Aysus. Baka mamaya magtampo ka na naman sa akin.”


“Paano last month muntikan mo nanag makalimutan.”


“Marami kasi akong ginagawa babe kaya ayon.”


“I understand naman eh.”


“So anong balak mo?”


“Uhm ewan ba. Nakakatamad din namang maghanda.”


“Ay dapat nagce-celebrate ka. Naku. Kung nanjan ako eh gagawa ako ng paraan.”


“So you will not be around in my birthday?”


“Wag ka nang malungkot.” Sabi niya


“Okay lang. naiintindihan ko.”


“Oh galit ka babe?”


“Hindi.”


“Galit ka eh.”


“Hindi nga.”


“Sorry talaga. Babawi ako pag-uwi ko jan.”



“Okay. Naiintindihan ko.”


Sa pag-uusap naming yun, bigla na lang dumating si Arjay. 


Napatingin ako sa kanya at napatingin din siya.


“Oh sino yung dumating?” tanong ni Kieth.


“Ah si Arjay.”


“Ah ganun ba. Say hi for me.” Sabi niya


“Arjay… Hi daw pala sabi ni Kieth.”



“Hello.” Sagot niya


“Hello daw.” Sabi ko.


“Tutulog ka na ba?”


“Bahala na. may klase ka ngayon?”


“Oo ata.”


“Anong ata. Aba wag kang magpabaya jan.”


“Opo.”


“Maka opo ka naman.”


“I just miss you. Gusto ko ng umuwi jan.”


“Umuwi ka na. miss na din kita.”


“I just wish I can. Konting tiis na lang babe.”


“Yup naiintindihan ko. Hoy behave ka ba jan?”


“Oo naman. Ako pa. loyal at faithful to sa mahal niya ano? Ikaw ba? Mamaya eh may iba ka na jan. si RD. baka pagbalik ko kayo na.”


“Eksena mo kahit kalian.”


“Wag mo ng i-deny.”


“Mag best friend kami ni RD. ikaw kung anu-ano iniisip mo.”


“Just kidding.”


“Mag breakfast ka na jan. wag papagutom.”


“Ikaw na lang breakfast ko.”


“Tss. Mahiya ka nga oh.”


“Ay oo nga. Nakalimutan ko. Uhm. Tulog ka na babe. Mapagod ka pa.”


“Opo.”


“Got to go. I love you. I miss you so much.”


“I love you too and I miss you more and more and more and more.”


“Bye.” He kissed the monitor at nag offline na.




Agad kong inayos yung laptop ko. 


Matapos iyon ay inihiga koa ng sarili ko sa kama. 


“Hey.” Narinig ko na biglang sabi ni Arjay.


“Ano yun?” sagot ko.


“I just want to ask you something.”


“Ano yun?”


“Uhm.. I’m just wondering about you and RD.”


“Tulad nung isang araw na tanong mo ba yan?”


“Kind off.”


“Were just friend.”


“Paano kung talagang more than friends ang turing niya. Haayaan mo bang masaktan siya?”


“Alam mo naman kung ano ang meron ako.”


“Pero habang napapalapit kayo sa isa’t-isa, nagkakaroon siya ng affectionate sayo.”


“Anong gagawin ko?”


“I don’t know.”


“Ayokong iwasan siya dahil best friend ko siya. I don’t know what to do.”


“Pero you have to do something. Nakakakita ako na minsan nahuhulog ka na.”


“Anong alam mo? May nalalaman kaba sa kanya?”


“Ayokong magsalita ng tapos.”


“Just state it. Medyo naguguluhan na rin ako.”


“Hay. Sabi ko nga diba ayokong magsalita? Kaya okay na.”


“Okay.”





Pero paano ba? 


Ano nga ba ang gagawin ko? 



Minsan nakakaramdam na rin ako kay RD.


 eto ang kinakatakutan ko eh.


 Haixt. 










Trust, bigword.


(Itutuloy)

4 comments:

  1. mahirap talaga ang pinagdadaanan nilang lahat. It will take time magkaayos sila ni arjay, and as long na malayo si Kieth unti-unting nababaling ang puso ni Alex... trust is really a big word. minsan kahit puso natinmahirap pagkatiwalaan..

    ReplyDelete
  2. i miss blake sna dalawin din xa ni alex huhuhu

    ReplyDelete
  3. Please try to read your story from the beginning and check for inconsistencies. It's too much that it makes the story confusing and going way beyond fiction. Ang Haba na din niya kaya nagiging dragging na. Nawawala na yung sense ng story. :(

    I'm no grammar nazi and all pero check it as well. Hihi.

    It's okay to give details but it's better if you use lines and scenes na relatable sa plot.

    Sorry. It was just I'm starting to lose grip on the story itself.

    -James

    ReplyDelete
  4. I hope that you hold on... medyo mahaba haba pa ang tatakbuhin hg storyang ito.. kaya medyo nag aalala na rin ako kasi baka nga meron ng inconsistencies.. pero thanks sa pag papaalala sa akin.. is just that yung ending ko eh di agad agad pweding maipasok.. hope po na maibalik muli ang grip ninyo sa kwento.. pasensya na po. :)

    ReplyDelete