318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph
Authors Note:
Guuuuyysss! Sembreak na yahoo! Sa wakas may time na ako para makapagsulat ng 318 and ng AVPK. Sorry guys kung medyo late ang mga updates ah? Heto na nga po pala ang continuation ng Chapter 10. Again, malapit ko na pong tapusin ang 318 “My Second Attempt to Love” Konting tumbling at kembot na lang to haha XD Kidding, so yun basta watch out and brace yourselves for twists.
Maraming maraming salamat guys sa mga patuloy na nag-aabang ng story ko kahit matagal ang updates. Salamat guys! Labya all! :* God bless.
PS: Sana wag kayong magalit sa akin for this chapter hehe, start na po ako ng climax. Pa-add din po sa facebook kung inyo mamarapatin XD hihi! Salamat! https://www.facebook.com/niel.isyours
Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 10.2
Malapit na ako sa bus station ng biglang may naramdaman akong pumiring sa aking mga mata at tinakpan ang aking bibig at saka binuhat ako ng parang isang bride na buhat buhat ng kanyang groom. Shet! Holdap ba to?! But, parang kilala ko yung amoy?!
Madilim. Wala akong makita. Pero ramdam ko pa ring buhat-buhat ako ng isang lalaking pamilyar sa akin ang amoy at ang hugis ng katawan. If I’m not mistaken, si bes to, kaso.. paano nangyaring nandito si bes e nasa probinsya nga sila ng papa nya? Pero, ewan kung bakit hindi ko magawang mag-panic sa sitwasyon ngayon.. “Sino ka ba?!” Medyo mahinhin ko pang pagtatanong.
Ngunit hindi ito sumagot.
Naramdaman ko na lang na sumakay kami sa isang sasakyan. Hindi ko alam pero parang nakasakay na ako sa sasakyan na to e. I’m not sure pero kaamoy sya nung air freshener ng sasakyan ni Lemuel noong sumakay kami ni Nerrisse doon dati. Sinubukan ko ulit tanungin kung sino ba ang mokong na to, “Sino ba to? Saan mo ba ako dadalhin?” Ngunit tulad kanina ay hindi ito sumagot. Pero may naririnig akong mahinang paghagikhik. Malapit ko nang malaman kung sino to, malaki ang kumpyansa kong sya to dahil nahahalata ko naman sa paghagikhik nya.
Wala man akong kasiguraduhan kung sya nga ba ang kasama ko, mas pinili kong maging kampante at isandal na lang ang aking ulo. Ewan ko ba, matatakutin akong tao pero hindi ko alam kung bakit hindi ako matakot takot kung sakaling kidnap man ang ginawa sa akin sa ngayon. Hindi naman kasi sya mukhang kidnap e, hindi naman ako pinagbubuhatan ng kamay o hinahawakan ng sobrang higpit.
Hanggang sa nakarating kami sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Basta na lang huminto ang sasakyan at inalalayan akong lumabas ng lalaking kanina pa nasa tabi ko at syang bumuhat sa akin. Dahil nanatili pa rin ang piring sa aking mga mata ay hindi ko malaman kung nasaang lugar kami. Ngunit nararamdam ko ang lakas ng sariwang hangin.
Hanggang sa biglang may nagsalita sa akin. “At ngayon, hubarin mo na ang piring mo bes..” Sabi ng lalaking nagsalita. Hi-hindi ako maaring magkamali. Si Xander yun! Kaya naman agad agad kong tinangal ang piring ko at napayakap ako sa kanya.
“Bes ko..” Naluluha kong sabi sa kanya habang nakayakap ako sa kanya. “Akala ko nasa probinsya ka! Grabe ka! Sinurpresa mo ako!” Maluha-luha ko pa ring sabi sa kanya.
“Maiiwanan ba naman kita sa espesyal na araw na to? Syempre hindi!” Sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin. “I love you bes..” Paglalambing nya.
“Mas mahal kita bes..” Tugon ko sa kanya.
Sa isang sea side kung saan may isang maliit na kubo ako dinala ni Xander. Wala na pala kami sa maynila at dinala nya ako gamit ang sasakyan ni Lemuel sa isang sea side sa may batangas. Kaya pala may mahigit isang oras ang byahe namin.
Pagkapasok namin sa kubo ay agad akong nasurpresa sa aking nakita.
Isang simple ngunit napakagandang setting ng bahay kung saan may dinesenyuhan talaga ang kubo para sa isang dinner date. May table setting kung saan nakalagay ang isang bouquet ng mapupulang rosas at mayroon ding nakaayos na utensils.
Ngunit, ang lubos na nakapagpaluha sa akin ay ang mga litrato naming dalawa na naka-frame pa na nakadikit sa ding-ding ng kubo. May mga litrato doon kung saan kuha kapag namamasyal kami, kapag nasa kwarto kami, kapag nasa bahay kami, noong mga oras na mag-“bestfriend” pa lang kami at marami pa. Ah, basta! Kung ikaw ang makakakita panigurado akong manlalambot ang puso mo sa sobrang pagka-touch.
“Oh bakit ka umiiyak dyan?” Pagtatanong ni bes sa akin.
“Masaya lang ako bes, hindi ko inaakala na sa kabila ng lahat ng paghahanap ko, may magseseryoso din pala sa akin at magpapangiti sa akin ng ganito..” Maluha-luhang tugon ko kay Xander.
Niyakap nya ako. Niyakap ng sobrang higpit. Hinalikan sa aking noo at sunod naman sa aking labi. “Kasi mahal kita, at wag mong sabihin yan bes. Eversince minahal kita. Mag-bestfriend pa lang tayo..” Seryoso nyang sagot.
Masaya kaming kumain at pinagsaluhan ang kanyang pinaghandaan. Grabe! Nakakatuwa dahil kami lang talaga ang tao sa sea side noon at kahit na kami lang ang tao ginagawa nyang pagsilbihan ako. Magkahalong kilig at pagkatuwa nga ang naramdaman ko noong binigay nya ang unang regalo nya sa akin. Maglagay ba naman ng tatlong hopia na may sulat gamit ang chocolate syrup. “I” ang nakasulat sa unang hopia, “Love” naman sa pangalawa at “Bes” naman sa pangalong hopia. Grabe! Mamumula-mula ako sa sobrang kilig.
Napagalaman kong nagtulungan pala sila Nerrisse, Lemuel at sya upang supresahin ako. At natuklasan ko din na sa kamaganak pala ni Nerrisse ang resort na kinakatayuan ng kubo na kinaruruonan namin. Kung matatandaan nyo, hilig ko talaga simula noong bata pa ako na pumunta sa mga beach resort, sa mga sea wall o kahit saan basta makikita ko ang kagandahan ng dagat. Alam ni bes yun, at sa palagay ko kaya dito nya ako dinala upang mas maging romantic at mas magustuhan ko ang ginawa nyang surpresa. Well, hindi ko nagustuhan e. Sobra ko kasing nagustuhan.
Sa hapong din yun, pinanuod namin ni bes ang sunset habang naghaharutan at naglalambingan sa loob ng kubong yun. Teka, kanino naman kayang bahay to? Infareness, ang effort effort ni Xander. Ang sarap pala ng gantong pakiramdam, yun bang parang pagmamayari nyo ang buong mundo? Walang istorbo, walang nangugulo, walang awaya0n, walang selosan at puro pagmamahalan. Feeling ko tuloy sa amin yung bahay at para kaming magasawa na nagmamahalan. Kulang na lang ay anak.
Inabot kami ng alas-otso ng gabi bago namin naisipang umuwi ni Xander. Balak pa sana naming doon na lang kami hanggang sa matapos ang valentines day ngunit masyadong malayo yung lugar sa mga bahay namin. Isa pa ay wala akong paalam kay mommy.
Mag-aalas 10 na ng gabi noong makarating kami sa bahay namin. Ayaw ko na sanang ihatid pa ako ni Xander dahil gabi na ngunit matigas talaga ang ulo ng mahal ko. Kaya naman hindi na ako nakadaing pa.
“Bes, salamat sa araw na to. Nag-enjoy ako sobra..” Sabi ko sa kanya sabay yakap. Niyakap nya lang din ako.
“Ako din bes, pasensya ka na sa corning pakulo ko ah? I hope nagustuhan mo.” Sabi naman ni Xander.
“Oo naman, kahit na anong pakulo pa ang gawin mo. Kahit na sobrang korni pa nyan. Basta’t galing sayo. Hindi ako magsasawang kiligin.”
“Talaga?”
“Oo, kasi hindi ko naman vina-value yun e. Ikaw ang vina-value ko.” Pagkasabi ko sa kanya nun agad naman syang namula. At humalakhak.
“Hahaha! Mais!” Pangaasar nya.
“Che!” Pang-iismir ko sa kanya sabay lakad ng mabilis upang makarating na sa bahay namin. Nakakainis! Yung tipong ang seryoso mo na tapos tatawanan ka lang?!
“Oy! Sorry na!” Sabi nya habang humahabol sa akin.
“Sorry your face..”
“Ehhh.. bes naman e. Sorry na please?” Pangungulit nya pa. Ngunit tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad.
Kahit naiinis, syempre kinikilig pa rin ako. Ang sarap pala sa pakiramdam ng hinahabol ka at sinusuyo ka ng taong mahal mo. Hindi naman sa pinagmumukha ko syang tanga. Oo nagtatampo ako, ikaw kaya ang tawanan habang seryoso ka. Pero ganito pala ang feeling. Ang saya!
Nakarating na kami sa tapat ng gate namin ngunit hindi ko pa rin sya pinapansin. Napagod na ata kakahabol sa akin. Papasok na sana ako ng biglang.. “Uhhmmmmpppppp..” Hinalikan nya ako sa labi. Isang nagaalab at damang damang halik. Hindi na rin ako nakapalag pa at naramdaman ko na lang na gumaganti na rin ako ng halik. OMG! Now I know how powerful kiss is. Yung inis ko sa kanya ay parang yelo na natunaw with just one kiss. Now, kailangan ko maging careful, baka mahuli nya na isa yun sa mga weakness ko.
Bigla bigla naman akong nataranta nang bigla kong marinig ang pagbukas ng gate ng bahay namin habang nakalapat pa ang aming mga labi ni Xander. Shit! Aside from my Ate Grace, wala nang nakakaalam pa ng relasyon namin ni Xander, lahat ng sikreto ko tungkol sa pagkatao ko ay si ate Grace lang ang nakakaalam.
Ngunit, ang pagaakala kong si ate yun ay isang malaking pagkakamali. Nanlaki ang mata ko ng bigla kong makita si mommy at tila gulat na gulat din sa kanyang nasaksihan. Sa sobrang pagkagulat ay napahawak nya sa kanyang dibdib. Nakita ko rin si Xander na mistulang natakot at nagulat din sa nakita nya.
Hindi ako makapagsalita. Paano ko i-eexplain to kay mommy? She doesn’t know that I’m gay. At ang alam nya ay bestfriend ko si Xander. Sinabi ko sa inyo noon na ayaw ni mommy na maging gay ako. Kinausap nya na ako about that dahil alam nya na wala akong ama at kapatid na lalaki kaya malaki ang possibility na maging gay ako. Dahil daw sa gusto nyang magkaruon ng apo na magtutuloy ng lahi namin (hindi naman kasi madadala ng pwedeng maging anak ni ate ang apelyido namin). Naging napakabait na ina sa akin ng mommy ko, lahat ng luho ko sinusunod nyan, kahit na minsa’y matigas ang ulo ko ay pinagpapasensyahan ako nyan. Kahit si Xander, alam nya yan dahil halos parang anak na rin ang turing ni mommy dyan. Kilala ko magalit si mommy, oo minsan lang yan magalit pero iba dahil talagang hindi mo sya mapipilit sa kahit anong gusto ko once na napuno yan.
Bigla na lang nagiba ang timpla ng mukha ni mommy. Tumaas ang kilay nito sabay lapit sa amin upang hawakan ng mahigpit ang kamay ko. “Pumasok ka sa loob!!” Pagsigaw ni mommy.
“Mom, I can explain this..” Mahinahon kong sabi.
“ I said go inside!!!” Muling pagsigaw ni mommy. Sa lakas ng pagsigaw ni mommy ay hindi na rin ako nakapalag at lumakad papasok sa loob. Ngunit laking gulat ko ng biglang hinarang ni Xander si mommy at bigla itong lumuhod sa harap ni mommy. “Please tita, let me explain. Hayaan nyo na lang akong magpaliwanag ng lahat ng ito. Please tita? Wag nyo na pong pagalitan si bes..” Pagmamakaawa ni Xander ngunit laking gulat ko ng biglang hinawakan ni mommy si Xander at tinulak palabas ng gate namin. Sa sobrang galit ni mommy sa nakita nya nawalan na sya ng control. “Get out! Pinagkatiwalaan kita Xander, tinuring kita ng parang anak ko na. Tapos ano? Heto ang malalaman ko? Get out!” Pagtulak ni mom sabay sarado ng gate naming.
“Bes!” Pagtawag ko kay Xander.
“Shut up! Get Inside Colby!!” Galit na sabi ni mommy. Crying, sumunod na lang ako.
Sa loob ng bahay.
“All I know is mag-bestfriends lang kayo. Now? Bakit ko kayo nakitang naghahalikan?! Explain!” Galit na pagtatanong ni mommy.
Sa lakas ng pagsigaw at pagwawala ni mommy. Nagising na si ate at si Karen.
“Mom, tama na yan. Ako na lang ang kakausap kay Colby..” Pagpapakalma ni ate kay mommy.
“No. Explain Colby!” Galit na pag-utos pa rin sa akin ni mommy.
“Ma, what you see? Totoo yun. Yeah were bestfriends before p-pe-ero nagmamahalan na kami ngayon?” Maiyak-iyak kong tugon.
“My gawd! So you’re gay?”
“Yes mom. I’am.” Buong tapang kong sabi. Kailangan ko na rin aminin, bukod sa nahuli na ako I think it is the right time to confess.
“My gawd! It’s not what I want for you Colby! And you knew it! But? Sinuway mo ko! Alam mo yung rason kung bakit Colby? I warned you already pero sumuway ka pa din! Ganyan na bang katigas ang ulo mo? Ha!” Panenermon pa ni mommy.
I don’t know, pero biglang nagkaruon ng tampo sa dibdib ko sa mga narinig. Alam ko, hindi ako dapat ang magtampo dahil may kasalanan ako. “Dahil ako to mom, mahirap baguhin ang ako. Dahil ako na to, sinubukan kong labanan pero wala akong magagawa dahil ako to! This is me mom! And I don’t have to change myself. Nothing can change me dahil ako na to!” May pagtataas ng boses kong sabi. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng kamay ni mommy sa aking pisngi. Sinampal nya ako.
“You’re grounded starting tomorrow! No cellphones, no internet and hindi kayo magkikita ni Xander dahil pababantayan kita sa school. Is that clear?!” Galit na pagutos ni Mama. Grounded?! Oh no! Oras nga lang na di ko makita si bes para akong papatayin grounded pa? Ni-hindi ko alam kung hanggang kaylan to?!
“But, ma!”
“No more buts! Sinuway mo ako! Sa lahat na lang ng bagay pinagbibigyan kita Colby! Yun simpleng hiling ko lang hindi mo pinagbigyan?! Get inside your room! Now!!” Pagsigaw ni mommy. Na-shocked ako dahil first time kong mapaghigpitan ng ganun. Oo, masakit ang nagawa ko kay mommy. Knowing na ang unico-hijo nya ay isang bakla kung saan taliwas sa gusto nya, pero mas masakit malaman na hindi ako matanggap ng sarili kong ina just for that reason? I know napakalaking bagay sa kanya nun, pero mas mahirap kung ikukulong ko ang sarili ko sa isang pagkatao na alam kong hindi ako, na kailanman ay hindi magiging ako.
“ You know mom?” Maluha-luha kong sabi. Napahinto ako. Humugot ng lakas para sabihin to. “Ang sakit malaman na lahat naman ginagawa ko para lang maging maayos ang buhay ko at makatulong sa inyo yet hindi ko pa rin pwedeng makuha ang gusto ko. Parang kayo mismo pinagkakait maging ako..” Pagkatapos ko masabi yun ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi pa rin matapos ang pagiyak. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas, hindi ko naman matawagan si bes dahil pinakuha ni mommy ang cellphone at ang laptop ko. Ang hirap, bukod sa hindi na ako matangap ng sarili kong ina mawawalay pa ako sa taong mahal na mahal ko.
“Bakit ganito? Kung kalian tama na ang lahat saka pa nangyayari to. Mahal ako ni bes at mahal ko si bes, pero ang sakit pala kapag nagmamahalan nga kayo pero may namamagitang pagsubok sa inyong dalawa.” Bulong ko sa sarili. Hindi ko pa rin mapigilang hindi mapaluha.
Sa mga nakaraang araw, hindi ko makuhang pansinin si mommy. Kahit na lagi nya akong pinagsasabihan ay hindi ko pa rin makuhang makinig sa kanya. Hindi naman sa pambabastos, but paulit ulit na yung mga sinasabi nya e. Hindi pa ba sapat yung isa para mas masaktan pa ako?!
Pumapasok ako ng school kasama ang isang bodyguard na inatasan ni mommy na bantayan ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa nun. College na ako at nasa legal age na ako para mag-decide sa sarili ko. Nakakasakal? Oo, pero mahal ko rin naman si mommy, ayokong saktan sya ngunit mahal ko din si Xander.
Kailangan ko ba talagang dumistansya kay Xander? For what? Para i-workshop ako sa program na “how to be a real man” na in-onoraganize ni mommy?
At dahil hindi ako makalapit kay Xander napagdesisyunan kong umiwas na lang sa kanya. Sa tuwing lalapit sya at lalayo naman ako bigla. Hindi naman hindi ko na sya mahal dahil ang katotohanan mahal na mahal ko sya, sobra. Pero kailangan kong dumistansya dahil ayokong maharang sya ng guard na yun, at maging way na rin upang lumambot ang puso ni mom sa amin ni Xander. Alam ko dadating din yung oras na matatangap ako ni mom at lalambot ang puso nito sa akin. Siguro kailangan ko lang ng konting pagtitiis ang dumistansya kay Xander upang malaman ni mom na handa akong sundin sya. Alam ko na kapag nakita nya akong nalulungkot ng sobra ay bibigay din siya. Kilala ko si mommy dahil kapag galit yun ay hindi rin ako natitiis nun. Sa ngayon, I have to do this para malaman nyang kahit sobrang sakit para sa akin may puwang pa rin sa puso ko upang sundin ang mga gusto nya.
Alam ko nasasaktan ko si Xander sa pinapakita kong asal, obvious naman noong nakita ko sya sa bleacher ng school kung saan hawak-hawak nya ang panyo kong nasa kanya at nakita ko syang nagpapahid ng luha! Naiyak din ako nun, kaya naman wala na akong ibang ginawa sa school kapag break time kung hindi kausapin ang mga kaibigan ko. Alam kong sa kanila ako kukuha kahit konting lakas sa mga pinagdadaanan ko ngayon. Kahit kaunti lang, para sa panandaliang pagtitiiis ko.
Xander’s POV:
Napakasakit pala malaman na parang sinusukuan ka na ng taong mahal mo. Na nagpadaig sya sa takot kaysa ipaglaban kung anong mayroon sa inyong dalawa.
Laking gulat ko noong gabing iyon noong mahuli kami ni Tita na naghahalikan ni bes. Alam kong wala pang alam si Tita tungkol dito kaya naman lubos ang pagsisisi ko kung bakit hinalikan ko pa si bes noong mga oras na iyon.
Sa pag ke-kwento ni bes, iba magalit si Tita dahil kapag galit daw ito sya daw talaga ang masusunod. Alam kong nahirapan si bes noong gabing iyon dahil hindi ako umalis agad sa kanila noon at nagbabakasakali akong lalabas ulit si tita, gustong gusto kong kausapin si Tita, gusto kong humingi ng tawad at sabihin sa kanya ang katotohanan kung anong mayroon kami ni Colby. D-dahil handa akong ipaglaban si bes, ganon ko syang kamahal.
Sa isang linggo na ang play namin, hindi ko alam kung may lakas pa akong mag-perform sa kabila ng pinagdadaanan namin ngayon ni Colby. Feeling ko kasi, hindi ko kaya. Wala akong lakas na gawin ang isang bagay kapag wala sya, at lalo na ngayong umiiwas sya sa hindi ko malamang dahilan.
Kilala ko si Colby pag nagmahal, ipaglalaban at ipaglalaban ka talaga nito. Pero ngayon, hindi ko alam. Bakit sya umiiwas?! Para saan? Hindi nya na ba ako mahal? Kakalimutan nya na lang ba ang lahat sa amin?!
Hindi ako natatakot sa bantay ni Colby. I’m sure, inatasan yun ni Tita. Mas natatakot ako na mawala ang lahat sa amin, na sana ay wag naman.
Ngayon, nandito ako sa party ng isa kong kaklase. 3 days before our play, napagdesisyunan nilang mag karuon kami ng party para daw ma-relax man naman kami before namin gawin ang play na iyon. At dahil depressed ako at sa tingin ko ay kailangan kong sumaya kahit sandali ay hindi ko na rin natangihang sumama.
Alas-9 na ng gabi. Aaminin kong may tama na ako dahil kanina pa kami umiinom. Habang sila ay nagsasaya andito ako sa isang tabi nagmumukmok at hindi maalis alis sa isipan si Colby. Miss na miss ko na sya, hindi ko sya matawagan dahil naka-off ang cellphone nya. Umiiwas na nga talaga ata. :’(
Maya maya ay napagdesisyunan nilang mag-spin the bottle. Ayaw ko mang sumali ngunit pinilit ako ng mga classmates ko dahil minsan lang naman daw kami magkaruon ng gantong klaseng bonding kaya naman hindi na ako nakatangi pa at sumali na rin ako.
Actually, hindi ko gusto ang concept ng dare ng laro nila. Kapag truth mga personal na tanong ang itatanong sayo ngunit kapag dare naman ang pinili mo ay mamimili ka ng babae kung lalaki ka at mamimili ka ng lalaki kung babae ka na hahalik sayong labi. Hindi ko lang maatim ang larong yun dahil first year college pa lang kami at hindi to healtful sa mga isip namin. Ngunit dahil lasing na din ako hindi na ako makatangi.
Laking gulat ko noong natapat kay Trina ang bote.
“Truth or Dare?” Tanong sa kanya noong kaklase kong babae. Kaibigan din nya.
“Of course dare!” Maligalig nyang sabi.
“Okay, sino pic mo Trin?” Pagtatanong ulit nila.
“Syempre, si Xander” Laking gulat ko noong bigla na lang syang tumayo at dinikit ang nya ang labi nya sa labi ko. Hindi na ako nakapanlaban dahil nahihirapan na rin akong kumuha ng control dahil sa sobrang kalasingan. Mainit ang labi nya ngunit hindi ko nakuhang gumanti ng halik, ang tanging nasa isip ko ay mga labi ni Colby ang nakadampi sa labi ko.
Hindi ako agad nakapag-salita pagkatapos nun. Sobrang pagsisisi at pagkahiya ang naramdaman ko. Isa lang ang pumasok sa isip ko, si bes. Shit! Bakit ko hinayaang humaik sa akin si Trina gayong taken ako at may mahal akong iba?! Para akong nagtaksil! Shit!
Sa mga oras na yun, wala akong ibang inisip kundi pagsisihan ang paghalik sa akin ni Trina! Wala man lang akong ginawa?! Gago ka Xander!
Lumipas pa ang isang oras ngunit disoriented na ako. Wala na ako sa tamang katinuan pero si Colby pa rin ang nasa isip ko. Naramdaman ko na lang na inaalalayan ako ng mga tao sa paligid ko at sabay binagsak ako sa kama.
“Sige na, ako na bahala dito. Salamat..” Sabi ng isang boses. Hindi ko makuha kung kaninong boses yun pero napaka-familiar. Basta boses sya ng isang babae. Hindi ko lang malaman kung kanino dahil sa sobrang hilo ko at disoriented na nga ako.
Sinubukan kong buksan ang aking mga mata. Ngunit tila umiikot ang aking paningin. Nanaginip na ba ako? Hindi ako sigurado pero nakita ko ang isang babaeng nakasuot lang ng bra at nakapantalon.
“Akin ka ngayon Xander! Akin ka..” Sabi ng isang boses.
Yun lang ang natatandaan ko at tila nawalan na ako ng malay.
- I T U T U L O Y
No comments:
Post a Comment