318 (My Second Attempt to Love)
By: Imyours18/Niel/Nyeniel
E-mail & Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph
Authors Note:
Guuuyyss! Sabi ko nga babawi ako hihi ^_^ Kaya heto pinabilis ko ang update. Uhhhmm, sorry kung medyo magulo ang flow guys, hindi na ako nag-proofread haha :D enjoy reading guys.
Oo nga pala, malapit na matapos tong story na to. Pero, wala akong sasabihing number of episode sa ending para may twist at ma-surprise kayo hihi..
Maraming maraming salamat guys sa mga patuloy na nag-aabang ng story ko kahit matagal ang updates. Salamat guys! Labya all! :* God bless.
PS: Sana wag kayong magalit sa akin for this chapter hehe, start na po ako ng climax. Pa-add din po sa facebook kung inyo mamarapatin XD hihi! Salamat! https://www.facebook.com/niel.isyours
Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 11
Trina’s Point of View:
Haha! After all, my plan succeeded. Napasaakin din si Xander this night. Oh, mali because that was just my partial plan. Actually my whole plan is to redeem Xander as mine from that faggot named Colby. But, paano ko makukuha si Xander? Kung sa bawat ungol nitong si Xander ay si Colby ang binabangit nya?! Kanina pa to e. Kung pwede ko nga lang sana hampasin ng malakas para matauhan e, but hindi pwede. I’m sure magagalit sya once na malaman nyang pwersahan ko syang ginalaw.
Actually, dati ko pa crush itong si Xander, hanggang sa yung simpleng crush na yun ay umabot na sa puntong na-obsessed ako sa kanya. I don’t know kung bakit ganto ang klase ng pagiisip ko, kontrabida na kung kontraba, maldita na kung maldita pero Xander will be mine, soon I think.
Sa tuwing nakikita ko sila ni Colby, nasusuka ako. Ano bang meron sa baklang yun na wala ako?! Look, I have the body, I have the face, and marami talagang nagkaka-crush sa akin since may itsura naman talaga ako at running pa ako for being honor student. Actually, naririnig ko na valedictorian daw itong si Xander noong high school, well mas maganda mas naattract ako sa lalaking matalino, gwapo at medyo bad boy.
Actually, 9th honorable mention ako noong high school. Noon ay yung mga oras kung saan talagang subsob ako sa pagaaral. But now, ewan ko ba haha! Ngayon ko lang naramdaman na masaya din palang bumarkada at gumimik tulad ng ginagawa ko. But, syempre kailangan pa rin mag-aral or else lagot ako kay daddy.
And speaking of daddy, buti na lang ay nakapagtake ako ng pills dahil nakalimutan naming gumamit nito ni Xander ng protection haha! Nako! What if kaya hindi ako nakapag-take ng pills during that night? I’m sure magkakaruon na ng apo si daddy at lagot ako dun! Tiyak! Tigil ako sa pagaaral nito kung nagkataon.
Heto naman kasing si Xander, masyadong aggressive haha! But I don’t like the way he moan! Akala nya kasi ako si Colby?! Duh?! Mukha ba akong bakla? At mas maganda at sexy naman ako dun noh?!
Kinabukasan, maaga talaga ako gumising upang hindi ako maabutan ni Xander ng pagising nya. Ayokong bulyawan nya ako at ayokong malaman nya na nag-take advantage ako sa kanya during his drunk hours.
“Simula pa lang to Xander, mapapasakin ka din..” Bulong ko sabay dampi ng labi ko sa labi ni Xander na himbing na himbing pa sa pagtulog. Nakangiti akong lumabas sa kwarto nila Zeke (isa sa mga classmate namin na kinuntsaba ko). Nadatnan ko doon ang kaibigan ko – si Angel.
“How’s the night with him Trin?” Pagtatanong nya.
“Awesome!” Maligalig kong sagot sabay wink sa kanya.
“Haha! Kerengkeng ka talagang babae ka!” Sabi nya pa.
“I know! Haha!”
“So? May nangyari nga talaga sa inyo?” Pagkukumpirma nya.
“Uhuh!”
“Nako! Kwento mo dito girl! Dali!”
“Later dear, I have to go. Ayaw kong maabutan nya ako dito, baka kung anong isipin nun..”
“Oh sya! Kami na lang ang bahala magpaliwanag haha! Gora na!”
“Bu-bye!”
“Bye girl!”
Xander’s POV:
Hanggang sa panaginip ko ba naman si Colby pa rin ang nasa isip ko? May nangyari daw ulit sa amin and in that moment, mas dama, mas mainit at punong puno ng emosyon.
Pagkagising na pagkagising ko ay damang dama ko pa rin ang sakit ng ulo. Uminom nga pala kami last night. Pero, bakit nandito sa kwarto na hindi ko alam kung kanino?! A-at bakit?! Wala akong suot?!! Agad akong tinayuan ng balahibo at biglang bumilis ang kabog ng puso ko sa sobrang kaba.
Agad kong sinuot ang damit kong nakakalat pa sa may sahig ng kwartong yun at lumabas ng kwarto. Kwarto pala to ng bahay ng classmate ko kung saan kami nag-inuman. Naratnan ko sa sala si Angel at ang boyfriend nya na may-ari ng bahay na to. Hindi ko sila masyadong ka-close dahil mga kaibigan sila ni Trina kaya naman kahit nahihiya ay nagtanong pa rin ako.
“Ahhmm! Excuse me Angel? May kasama ba ako dito kagabi?” Pagtatanong ko sa kanila.
“Uhmm.. Wala naman Xander..” Sabi nya. Nagkatinginan sila ng boyfriend nya. Parang may tinatago?
“Oo pare! Wala kang kasama dyan kagabi. Suka ka kasi ng suka kagabi kaya hinubaran ka namin upang mapunasan na din.” Sabi sa akin ni Zeke.
“Ganun ba? Si Trina nasaan?” Tanong ko sa kanila. Natatakot kasi ako na baka nandito si Trina kagabi. At
ang mas kinakatakot ko pa ay baka may nagawa kami noong wala ako sa katinuan.
“Ahhh..Ehh, umuwi na kagabi pa. Pinauuwi na kasi sya ng daddy nya ng mas mas-maaga e..” May pag-aalangang sagot sa akin ni Angel.
“Ganun ba?” Nasagot ko na lang. “Ahh, uuwi na pala ako..” Nasabi ko sa kanila sabay kuha ng bag at nagsuot ng sapatos.
“Okay sige, mag-iingat ka Xander..” Ang nasabi na lang ni Angel.
Habang nasa daan ako pauwi, gulong gulo ang isip ako sa kakaisip kung bakit nga ba ako nakahubad? Parang may kaunting detalye sa utak ko kung saan natatandaan ko na may nakita akong babaeng naka-bra at pantaloon lang kagabi. Natatakot tuloy ako na baka si Trina yung babaeng yun. Shit! Wag naman sana.
Gulong-gulo akong umuwi ng bahay. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nadatnan ko kanina pagising ko at ang problema sa amin ni bes. Para akong mababaliw! Miss na miss ko na sya and at the same time natatakot ako nab aka nga nandoon si Trina. Para kasing kahina-hinala ang mga sagot sa akin nila Angel e. Parang may tinatago. Nako! What if, nandoon nga si Trina at paano kung pinagsamantalahan nya ang kalasingan ko? Paano kung?! Shit! Wag naman sana!
Hindi! Napa-paranoid lang siguro ako! Hindi naman siguro. Ang dapat kong gawin ngayon ay ang ayusin ang problema namin ni bes. Hindi kami dapat makulong sa ganitong sitwasyon, mahal ko sya, mahal nya ako kaya ayokong ganito na lang kami.
Dumating ang araw ng lunes. Ang araw ng play namin..
Colby’s Point of View:
Monday. Walang pinagbago. Still ganun pa rin si mommy sa akin, pero napapansin ko na napapanbuntong hininga sya kapag nakikita nya na walang kagana-gana ang mukha ko. Parang pilit lang ang lahat. Alam ko nahihirapan si mommy, pero heto ang nararamdaman ko e pure loneliness, inexpress ko lang.
Nandito kami ngayon sa auditorium, pinapanuod ang play ng bawat college sa amin. Andito kami para i-cheer ang representative ng college namin, hindi ko pa man kaya pero kailangan e, additional grade din to sa art apre namin.
Natapos na ang halos lahat ng mga colleges including our college pero hindi pa nakakapag-play ang college nila bes. Sila kasi dapat ang pang-apat kaso may technical problem sa sound system nila kaya hinuli na lang sila.
Maganda ang kwento ng play nila bes, isang couple na mahal nila ang isa’t isa ngunit hindi sila pinahintulutan ng tadhana. Si bruhang Trina ang gumanap na leading lady at si bes naman ang leading man. Kilala ko si bes pagdating sa play, focus yan kung focus pero napapansin kong tila may mga eksenang nawawala sya sa sarili. I know, what is happening to us, badly bothering him. Kaya naman kahit sa pamamagitan na lang ng presensya at ng mga tingin ko mapalakas ko ang loob nya.
Hanggang sa isang eksena sa play ang hindi ko kinaya. Ang paghalik ni bes kay Trina. Hindi ko alam kung talaga bang naglapat ang kanilang mga labi, pero sa nakikita ko sobra akong nasasaktan. Buti na lamang ay katabi ko si Nerrisse at sumandal na lang ako sa balikat nya. Doon tumulo ang luha ko. Pinipigil kong wag gumawa ng ingay ngunit hindi ko maiwasang hindi mapahikbi sa nakikita ko. Ang hirap pala kapag nakikita mo ang mahal mo na nakikipaghalikan sa iba noh? Oo, play lang yun. OA na kung OA, pero masakit kasi e. Hindi ko lang mapigilan.
Niyapos lang ako ni Nerrisse, alam nyang ayaw kong gumawa ng eksena kaya hindi nya ako niyakap. Pinunasan ko na rin ang luha ko at binalik ang tingin sa play.
Sa huli ay nag-second place lang sila Xander. Alam ko, okay na okay na yun kay bes dahil sya lang naman ang tinanghal na best actor buti na lang at hindi nanalo na best actress ang bruha! Ang OA nya lang kasi, hindi bagay sa kanya yung role.
Pagkatapos ng play, umuwi ako sundo ng driver ng kotse ni mommy. Simula kasi noong malaman nya ang tungkol sa amin ni Xander, lagi nya na lang ako pinapasundo.
Pagka-uwi sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko upang as usual, magmukmok. Shit! Miss na miss ko na si Xander tapos ganun na lang ang makikita ko?!
Sa sobrang lungkot ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising ko, laking gulat ko noong makita ko si mommy sa tabi ko, umiiyak at tila niyayakap ako.
“Mom?” Sabi ko habang nagkukusot ng mata.
“Nak, gising ka na pala..” Sabi ni mommy sa malambing na paraan? Anong problema? Parang hindi sya yung mommy na nakilala this past few days? Anong nanyare?
“Bakit mommy?” Tanong ko sa kanya.
“Anak, sorry sa lahat ng nagawa ko. I realized na masyado na akong nagpapabigat sayo..” Maiyak-iyak na sabi ni mommy. Syempre, nagulat ako. Panaginip lang ba to.. “Nagawa ko lang naman yun, dahil..dahil ayokong matulad ka sa daddy mo..” Daddy? What?!! Bakla si daddy?”
“Si Daddy? Hindi naman po sya tulad ko mom ah?”
“Yan din ang akala ko noong una anak, noong mga oras na hindi na regular ang paguwi ng daddy mo noong bata ka pa. Akala ko noon dahil lang sa dami ng ginagawa nya. Ngunit..” Naputol sa pagpapaliwanag si mommy at napaluha. “Laking gulat ko noong makita ko sila isang beses sa isang restaurant ng lalaki nya. Ang akala ko nga noong una ay kaibigan o ahente nya lang ngunit noong matapos silang kumain laking gulat ko noong sumakay sya sa sasakyan nung lalaking kasama nya. Sinundan ko sila at mas lalo akong nanlumo noong..” Naluha ako sa kwento ni mommy. Mas lalo naming lumakas ang pag-iyak nya habang nagke-kwento. “Noong makita kong bumaba sila sa isang hotel. Sinundad ko sila hanggang sa kwarto nila ng hindi nila nalalaman. At mas nagulat ako noong makita ko silang naghahalikan bago pa sila pumasok sa kwarto nila..” Sabi ni mommy. Nagulat naman ako sa kwento nya, nakaramdam ako ng matinding awa kay mommy. Shit! Alam ko kung gaano kasakit mapagtaksilan. Proven na naman siguro yung nakita ko noon kay Tristan at Rafael. “Hindi ako nakapagpigil nak, sinugod ko sila. Nagwala ako. Pero imbis na maawa ang daddy mo, sa huli yung lalaking iyon pa rin ang pinili nya. Pinilit ko lang na ikubli ang lahat sa inyo upang hindi na lumaki pa lahat. Napagalaman ko na pinagbubuntis ko pa lang si Grace noong nakiki-apid na sya sa lalaking yun, may mga asawa’t anak din ang lalaki. At dahil sa sobrang sama ng loob ko, kaya ako naghihigpit sayo ngayon. Actually, hindi naman talaga ako galit sa mga bakla noon. Pero noong sinaktan ako ng daddy mo, mas naging mailap ako sa kanila. Kaya naman sobra akong nasaktan sa nalaman ko tungkol sayo..” Pagpapaliwanag ni mommy. Umiiyak pa rin siya. Kaya naman niyakap ko sya, ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang pala kung magalit sa akin si mommy.
“Mom, sorry..” Sabi ko sa kanya.
“Hindi son, ako dapat ang manghingi ng tawad sayo.. Masyado kitang nasaktan sa mga nagawa ko. Naging masyado akong self-centered.” Sabi sa akin ni mommy habang nakayakap pa. Kumalas sya at nagpatuloy.
“Kanina while I was on my way home, may nakita akong mga bata. Mga maliliit pa pero kumakapit na sa patalim. Nakita ko silang nanghahablot ng mga valuables ng mga dumadaan. Napagisip kong, napaka-swerte ko kasi hindi kayo naging ganun at napalaki ko kayo ng maayos. Doon ko napag-isip isip na kailangan na kitang tanggapin kasi ikaw yan, napagisip isip ko din na hindi naman krimen yang ginagawa mo at na-realize ko din na hindi ko naman kailangang maging bitter dahil iba naman yung kaso mo sa papa mo, hindi ko kailangang makialam dahil nagmamahal ka at wala ka namang nasasagaang iba..” Pagpapaliwanag ni mommy, hindi ko na rin napigilang hindi mapaluha. Sa sobrang saya ko dahil sa wakas natanggap na rin ako ni mommy ay niyakap ko sya at nagpasalamat ako..
“Mommy, salamat ulit. At sorry..” Sabi ko sa kanya habang nakayakap.
“Wag ka sa akin magpasalamat, magpasalamat kay rin kay Gracia dahil hindi rin ako tinigilan nung babaitang yun!” Sabi sa akin ni mommy. Napatawa naman ako ng bahagya.
“Ang saya-saya ko mom, salamat..” Sabi ko kay mommy. Niyakap nya na lang ako bilang tugon.
Agad kong tinawagan si bes na pumunta sa amin, syempre tuwang tuwa ang mokong na yun sa nalaman. But, sa tipo ng boses nya kanina, I smell something fishy, para kasi syang matamlay kahit na nalaman nya. Hmm? Napaparanoid lang siguro ako, siguro dahil lang sa ilang araw naming pagiiwasan kaya sya ganun.
Sa gabing yun ay pumunta si Xander sa bahay. Sabay sabay kaming kumain ng dinner, kaming apat sa pamilya at si Xander. Syempre, inintroduce ko muna si Xander sa kanilang lahat.
“Mom, Ate, Karen, si Xander pala Boyfriend ko..”
“We already knew..” Mataray ngunit pabiro na sabi ni Ate Gracia.
Sa gabing yun, pinagpaalam ko na kung pwede doon muna si Xander sa kwarto ko matulog. Na-miss ko kaya ang mokong na to. Syempre, na-miss kong yakapin tong lalaking to.
Habang nasa kama kami noon ni Xander at naglalandian, hindi ko maiwasang hindi maramdaman sa kanya na para may something na gumugulo sa kanya, kaya nagtanong ako.
“Bes, may problema ba?” Pagtatanong ko sa kanya.
“Ahhh wala naman..” Agad nyang sabi sabay halik sa labi ko.
Hinampas ko naman sya agad sa kanyang dibdib. Pumupuntos ng hindi nagpapaalam?! Pero syempre, kinilig naman ako dun.
“Bes, anong naramdaman mo noong wala ako..” Tanong ko sa kanya habang magkayakap kami.
“Syempre, pakiramdam ko hindi ako kumpleto. Lagi akong wala sa sarili, walang concentration, ikaw kasi ang lakas ko e. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, hindi ko kayang hindi kita makita sa isang araw.” Sabi nyang ganun. Syempre, kinilig naman ako agad sa narinig ko. “Uhm, paano mo pala nakumbinsi si Tita?”
At kinwento ko na nga kung paano lumambot ang puso sa akin ni mommy. Ikinagulat rin nya noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa ama ko. Pero, hindi na kami nagtagal pa sa usapan na yun. Ang importante ay balik na ulit kami sa dati, ngunit iba ngayon. Mas masaya, wala na akong dapat itago pa kay mommy.
“Ang ganda nung play nyo ah? Bagay na bagay kayo ng bruha! May pa-halik halik pa..” Sarkastiko kong sabi.
“Scripted naman yun e. Saka no-string attached yun bes.” Sabi nya sa akin.
“Maniwala, parang gusting gusto mo nga e.” I doubted.
“Ano ka ba bes, sa labing to lang ako nasasarapan, sa labing to lang ako na-seseduce. Alam mo ba yun? Malambing na sabi nya sabay hawak sa mga labi ko. Hanggang sa dumagan sya sa akin at unti-unting lumapit ang labi nya sa labi ko. May naramdaman ako something dun sa baba nya hihi! Uh-oh! Paktay!
Sa gabing yun, pinagsaluhan namin ni Xander ang aming pagmamahalan. Ang sarap sana i-detalye kaso wag na! Haha! Basta isa lang ang masasabi ko, masaya at punong puno ng pagmamahalan.
Sa school, balik kami ni Xander sa dati. Sweet, hatid-sundo, sabay mag-lunch at kung may time at hindi busy ay papasyal kami sa mall at sa mga paborito naming lugar. Nakakatuwa dahil hindi lang bumalik sa normal ang lahat, pakiramdam ko kasi mas higit pa to sa hinihiling ko.
Hanggang sa dumating ang buwan ng april, syempre magbabakasyon na. Sa wakas! Malapit na rin kami mag-second year college. Ambilis ng panahon, parang kelan lang noong high school graduation namin, ngayon magse-second year college na kami. Syempre, masaya ako dahil bukod sa maganda naman ang outcome ng studies ko, andyan pa si Xander upang suportahan at mahalin ako.
Monday, vacation na sa wakas. Hayahay na ang buhay naming for almost 2 months. Nakakalungkot lang dahil heto yung time kung saan mababawasan yung mga bonding moments namin ni bes. Pero, natutuwa naman ako dahil sinabi nya na hindi daw kami mawawalan ng bonding at lambingan moments kahit na bakasyon na.
Ngayon ang aming fourth monthsary, maagang gumising dahil ide-date nya daw ako. At dahil sa sobrang excitement ay maaga pa lang gising na ako.
Alas-9 noong umalis kami ng bahay, pumunta muna kami sa mall upang maglaro ng arcade, kumain, at mamili. Habang nasa arcade kami ay nagpresinta ako kay bes na bumili ng mga tokens. Pumayag naman sya at naghintay doon sa may bench. Bumili ako ng 30 tokens, enough na siguro upang magsawa kami kakalaro mamaya. Pagkabili ko ay napahiyaw ako dahil muntikan na ako madulas dahil madulas pala yung lugar na nilakaran ko, bagong map kasi. Ayan! Nahulog tuloy yung mga tokens ko. Habang nagpupulot, napansin kong may lalaking pumulot din ng mga tokens na nahulog ko at sabay abot sa akin. Napatingin sya sa akin, napatingin din ako sa kanya. Parang kilala ko sya, hmm? Familiar kasi yung itsura nya. Sa tingin ko, nakita ko na siya e. Somewhere na magulo kaya siguro hindi ko maalala. Pero, may itsura yung lalaki. Hindi ko na lang sya masyadong in-entertain dahil baka magselos yung mokong. Napansn kong napatitig sa akin yung lalaki sa akin, siguro nakita nya na rin ako dahil familiar din sya sa akin.
Alas-5 ng hapon noong pumunta kami sa isang private restaurant. Dito nya ako niyayang mag-date. Nakakatuwa dahil talagang pinagiipunan ni Xander ang bawat magaganap ng monthsary namin, syempre nakakaguilty din dahil ako tong may kaya pero sya pa ang laging nangti-treat. E ayaw nya naman kasing gumastos ako e, kaya mas lalo akong naiinlove sa lalaking to e. Hindi kasi sya nagpapadaig sa mga material na bagay.
Sa halos tatlong-oras na stay naming sa restau na yun, wala kaming iba ginawa kundi mag-reminisce, maglambingan at mag-kwentuhan, hindi alintana kung may mga mapang-husgang matang nakamasid sa amin.
Alas-9 na ng gabi noong hinatid ako ni bes sa bahay.
“Sige na una ka na bes..” Sabi ko sa kanya.
“Ayaw mo na ba akong mag-stay?” Malungkot nyang sabi. Kanina pa kasi to nangungulit na mag-stay ng hanggang alas-12. Hindi ko na pinayagan kasi nga sobrang gabi na. Kaya naman pinauwi ko na lang sya at sinabing bumalik na lang dito ng umaga kinabukasan.
“Bukas na lang bes, masyado nang gabi kung uuwi ka pa mamaya..”
“E di dyan na lang ako matutulog..”
“E sabi ko kanina hinahanap ka ni tito di ba? Magpakita ka muna dun at bukas na lang ikaw matulog dito..”
“Hmmm, sige na nga..” Sabi nya na parang natalo sa isang laban
“Ba-bye..” Pagpapaalam ko.
“Ba-bye lang?” May pagtatampo nyang sabi sa akin. Sinadya ko talagang wag mag-I love you haha! Ang cute nya kasi pag nagtatampo e.
Nilapit ko sa kanya ang labi ko at hinalikan ko sya sa labi. “Okay na? I love you!” Sabi kong ganyan.
“Isa pa..” Hiling nya. Aba! Umabuso?!
“Che! Sige na babye na..” Pagpapaalam ko. At umuwi na rin sya..
Dumaan ang isang oras noong umalis si Xander. Nasa sala ako at nagbabasa ng binili kong libro sa book store kanina ng biglang.
“Ding dong..” Pagtunog ng door bell. Sino naman kayang matinong tao ang bibisita sa amin sa ganung oras? Kaya hindi ko na lang pinansin dahil baka nanloloko lang yun. Ngunit nagsunod-sunod ito. Kaya naman lumabas na ako upang tignan kung sino ba yung nagdo-doorbell.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate namin ay biglang nanlaki ang mata ko sa nakita. Si-si Trina?? Bakit sya nandito? At b-bakit parang may tutulong luha sa mga mata nya?!
I T U T U L O Y