Tuesday, June 17, 2014

Less Than Three- Part 50


AUTHOR'S NOTE:


Una sa lahat, gusto ko pong humingi ng tawad sa lahat ng mga avid readers ko. Pasensya na po if it took 2 months before ako makapag update ulit.


Sana po maintindihan po ninyo na marami po akong inaasikaso at nahirapan lang po akong pagsabayin ang pag aaral at pagsusulat.


Malapit na po matapos ang Less than Three at mga ilang chapters na lang yun at wag po kayong mainip. DI ko naman po pinapahaba, hinahanapan ko lang po ng tamang ending po.


I hope magustuhan po ninyo.


Itong update na to ay para po ngayong sabado since naka broaband pa rin ako at baka wala na akong load bukas.. kaya ngayon na lang. :)

If ever na matapos ko yung kwento, 2 times a week ako mag update. But sa ngayon, once a week at tuwing saturday po ako mag update. :)


I hope you will understand my points. Sorry po at Salamat. :)


#mouse

-----------------------------------------------



This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 50

(Apoy)



[RD’s POV]



“Ma, tara na.” sabi ko.





Ngayong gabi, may date ako. Date with my mom. Since wala si papa, ako muna ang date ni mama kahit na lagi akong pabigat sa kanya.



“Teka lang anak.” Sabi ni mama.




Mukhang todo paganda tong si mama ah. Bigla namang nag ring ang phone ko at nakita ko namang si Arjay ito kaya naman sinagot ko ito.




“Hey.” Sagot ko.

“Ano may lakad ka?” tanong nito.

“Yun talaga unang sinabi? Ni hindi mo nga ako binati ng Happy Valentines day. Ba yan!” sabi ko.

“Ay sorry naman.”

“Walang sorry-sorry. Tsk tsk. Nakakapagtampo oo.”

“Ang arte mo. So ano may lakad kayo?”

“Yup. Why?”

“Ah, akala ko wala eh. Yayain sana kita. May family dinner kami kaya ayon, eh baka kako loner ka na naman jan at magmukmok sa isang tabi kaya niyayay kita.”

“May date din kami ni mama. Next time na lang.”

"Sure. Sige I’ll go a head. Enjoy at ingat sa inyo.”

“Salamat.”

Pagkababa ko ng phone ay nakita ko si mama na pababa na rin. “Oh sino yung tumawag?”

“Ah si Arjay po.”

“Anong sabi?”

“Nagyaya.”

“Ah ganun ba.”

“So tara na ma?”

“Sure.”




Nakita ni mama na ako ang magdrive kaya naman nagtanong agad siya. “Anak kaya mo ba? Magpahatid na kaya tayo kay Mang Ador.” Sabi nito.




“Kaya ko ma. Pati mas gusto kong tayo lang dalawa ma. Baka may dat si Mang Ador niyan eh.”

“Ako na lang ang magdrive anak.”

“Ma, okay lang ako. Don’t worry. Malakas ito.” sabi ko.

“Pero pag sumama ang pakiramdam mo sabihin mo lang ha. Nagdala ako ng gamot mo kung sakali.”

“Ma naman, date natin to. Wag natin i-ruined.”

“Sige na sabi mo eh.”




Ako na ang nagbukas ng pintuan kay mama. Kiatng-kita ko ang excitement sa mukha niya kaya naman hindi ko pwedeng sirain ang moment na ito. Kakayanin ko anumang sakit para kay mama. I want to give a break from now. No more sickness, no more heart aches lalong lalo na ang no ALEX.




“Are you ready ma?” tanong ko.

“Yeah.”

“Pero bago yan. Happy Valentines day na muna. Here…” at iniabot ko ang regao k okay mama.

“Wow.” Sabi ni mama.

“This is a pecial day ma at hindi ko hahayaan na wala kayong matatanggap na ganito ngayong araw. Sorry alte na at ganyan lang. din a kinaya ng ipon ko.” Sabi ko.

“Thanks you anak.” Kitang kita ko ang pagpatak ng luha ni mama.





Agad niya akong niyakap ng mahigpit at patuloy na umiiyak. 




“Ma, tama na, yung make up mo mabubura.”

“Ikaw naman kasi anak eh.”

“Hahah. Tama na nga yan. Tara na ma.”

“Nga pala anak, pauwi na rin ang papa mo.” Sabi nito.

“Ah ganun ba.”

“Oh bakit plain ka na naman?”

Wala po.”

“Tara na nga.” Sabi ni mama.








[Alex’s POV]



Ikaw na ang may sabi na ako’y mahal mo rin

At sinabi mong ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago

Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo

Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba




Alam kong hindi siya mahilig kumanta on public pero para sa akin kumanta siya. Nagulat na lang ako nung tumayo siya pagkatapos naming kumain at dire-diretsong pumunta sa center stage. Katabi na naming sila Charlene.




“Best, ano ang haba na ng hair mo…”

“Loka.” Sagot ko.

“Ilang linggo yan nag practice.” Sabi ni Jake.




‘Di ba nila alam tayo’y nagsumpaan

Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Kahit anong mangyari ang pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin

At kahit ano pa ang sabihin nila’y ikaw pa rin ang mahal




“Ready ka nab a sa gagawin mo?” tanong ni Charlene.

“Yup. Kinakabahan na nga ako eh.”

“Dala mo ba yung singsing?” tanong ni Jake.

“Alam ni Jake?”

“Ou. SInabi ko pero di naman niya sinabi kay Kieth, promise niya sa akin.”

“Sa tingin mo ba Jake mapapa-oo ko siya?”

“Oo naman.”

“Kinakabahan talaga ako.”

“Chill lang.”




Maghihintay ako kahit kailan

Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na

At kung ‘di ka makita makikiusap ka’y Bathala

Na ika’y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan

Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang



Ibang Kieth ang nakita ko sa puntong iyon. Isang taong masasabi ko na gusting makasama habang buhay. Alam ko na sa sarili ko na si Kieth ang para sa akin. Bata pa man ako sa ngayon, alam ng puso ko na siya na, siya na ang lahat para sa akin.



Hindi naman nagtagal at natapos na rin siya sa pagkanta kaya naman bumalik na rin siya sa aming upuan. Marami ang humanga sa kanyang pagkanta kaya nga nakahakot siya ng masigabong palakpakan.



“Ano babe ayos ba?” tanong niya.

“Oo naman.” Sabi ko.

“Naku, halis matumba nay an sa sobrang kilig.” Sabi ni Charlene.

“Oy hindi ah.”

“Umamin ka na kasi.”

"Eksena mo Carlota.”

“What with that name? Para ka ng si tita, kung anu-ano ng pangalan ibinibigay sa akin.”

“Saan pa ba ako magmamana?”

“By the way guys, do you want desserts?” tanong ni Kieth

“Sige okay lang sa akin.” Sagot ko.

“Banana cake yung akin.” Sabi ni Charlene.

“Teka tawag tayo ng waiter.” Sabi ko.

“Waiter…” tawag ni Kieth.

“Yes sir.”

“Isang banana cake nga tapos… Ikaw babe ano gusto mo?”

“Ah eh… uhm… isang Chocolate cake sakin.” Sagot ko.

“Choco mousse sa akin.”

“Sige isang Banana cake, dalawang chocolate cake tapos isang choco mousse.”

“Ah okay sir, isang Banana cake, dalawang chocolate cake at isang choco mousse ang inyo pong order.”

“Yes. Thank you.”

“SIge po sir. Affter 5 minutes po i-deliver ko na po yung order ninyo.”




After ng mga nangyari ngayong gabi, is this the time oara gawin ko yun? Kinakabahan na ako sa kung ano yung dapat kong unahin. Pati nga yung kakantahin ko malamang nakalimutan ko na yung lyrics. Woooah.




“Are you alright babe?” tanong ni Kieth.

“Uhm.. yup.”

“You look so tense. Kanina pa yan eh. May problema ba? May gumugulo bas a isip mo? Tell me. Just tell me the truth.”

“Wala to babe.”

“Baka naman masama pakiramdam mo?”

“No I’m okay. Trust me.” Sabi ko.

“Best, pinagpapawisan ka oh.” Sabi ni Charlene.

“Tsss.” Ang nasabi ko na lang.

“Kayo ha, baka may plina-plano kayo.” Sabi ni Kieth.

“Wala naman pare.” Sagot ni Jake.

“Di ako naniniwala.”

“Ay nak…” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig kong tumunog ang phone ko. 




“Babe teka sasagutin ko lang.” pamamaalam ko.

‘Sure.”

“Thanks.” Agad ko namang tinignan ang phone ko at nakita ko na ang mama ni Rd ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot. I hope din a naman nagtotopak si RD.

“Hello tita…” sagot ko.

“Tulong! Tulungan mo kami! Si RD.” ang narinig kong sinabi ni tita.

“Po?! ANong nangyari?”

“Tulungan mo kami. Si RD, nahimatay bigla. Huhuhu. Tulungan mo kami.”

“Nasaan po kayo, pupuntahan ko kayo!”

“Papunta na kami sa St. James Medical Center!” yun na lang ang narinig ko at naputol ang tawag.

“Babe…” biglang tumayo si Kieth.

“Babe may problema tayo…” sabi ko.

“Anong nangyari? May nangyari bng masama?”

“Eh kasi…”

“Kasi ano?”

“Need kong umalis…”

“Bakit?”

“Si RD…”

“Huh?”

“Si RD sinugod sa ospital, I need to go. Sorry babe.”




Wala na akong ginawa kundi ang tumakbo palayo sa lugar na iyon. Eto ka na naman Alex, namamangka ka na naman sa dalawang ilog. Kialan nga ba matatapos ang mga problema ko? Nakakainis na kasi eh.




Wala akong magawa kundi ang tumakbo palayo doon, alam kong nasasaktan na si Kieth sa ginawa ko at nagsasawa na siya sa mga bagay na nagagawa kong mali.




“Shit Alex, why are you doing this toyourself.” Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

“Babe…”

Nagulat ako nang marinig ko si Kieth sa aking likuran. “Babe?”

“Samahan na kita.”




Hindi na ako tumutol pa. Mas mapapadali kami kapag sinamahan niya ako. Agad ko namang muling tinawagan sila tita upang makibalita na sa nangyayari.




“Tita kamusta na siya?” tanong ko.

“Hindi ko alam anak… hanggang ngayon hindi pa lumalabas yung doctor niya eh. Nag-aalala na ako.”

“Papunta na rin po kami… konting minuto na lang po nandyan na kami.” Sabi ko.

“Pasesnya na anak sa abala…”

“Okay lang po. Sige po.”




Hindi ko maintindihan kung anong kaba ba itong nararamdaman ko. Halos hindi ako magkandaugaga sa aking kinauupuan. Kung sana may kapangyarihan ako na makapag teleport at makarating agad doon, baka kanina pa ako nakarating sa ospital.




Naramdaman ko ang kamay ni Kieth sa aking mga kamay. Agad naman akong napatingin sa kanya at isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha.




“Calm down…” suway niya sa akin.

“Sorry.”




Bigla kong naalala ang mga nangyari. Ngayong gabi ay alak ko nang mag propose sa kanya, oo ako ang magpro-propose para naman din a siya mahirapan pa sa pag-aalala sa akin. Pero ako mismo ang gumulo ng gabing ito.




Alam kong naiinis na sa akin si Kieth. Alam kong galit siya sa akin kasi nga I ruined our valentines. Pero kasi si RD, ayoko namang mawala siya. May dahilan naman siguro si tita kung bakit ako yung tinawagan niya.




“Nandito na tayo…” bigla naman akong napatingin sa kanya.




Hindi ko naman namalayan na nakarating na kami sa dami nang iniisip ko. Agad naman akong bumaba at hinanap kung nasaan ba sila tita.




“Miss nasaan po yung sinugod dito kanina lang?”

“Si Mr. Ralph Danniel Lim po ba?”

“Opo.”

“Ah nasa may Emergency room pa rin po sila.”

“Asaan po bay un?”

“Doon lang po sya sa may kanan tapos dire-diretso lang po.” Sabi nito.

“Ah sige po salamat.”




Agad naman akong nagtatakbo papunta doon hanggang sa nakita ko si titan a umiiyak sa isang tabi. Wala itong kasama kahit na isa.




“Tita!” sigaw ko.

“Alex!” sagot nito.



Agad ko naman itong niyakap at naramdaman ko ang labis na pagkalungkot nito. Tuluyan na siyang nag break down at umiyak ng sobra.

“Hindi ko alam ang gagawin ko Alex… hindi ko alam…” sabi nito.

“Tahan na po tita.” Sabi ko.

“Alex… di ko alam gagawin ko kapag nawala siya… hindi pa ako handa.. hindi ko pa kaya… ayaw kong mawala ang anak ko.” Tuloy nito.

“Shhh… di po siya mawawala. Malakas po ang anak ninyo. Matatag po siya.”

“Pasensya na iho… biglang tingin kay Kieth.




Nakita kong nagpahid ng luha si tita sa kanyang mga mata. Agad naman niyang hinarap si Kieth at hinawakan ito sa mga kamay. Humihingi siya ng paumanhin dito.




“Tita…” saway ko.

“Nakakahiya ako… nakakahiya sa inyo… mukhang panggulo pa kami ng anak ko.”

“Wag ninyong isipin yun.” Nagulat ako nang magsalita si Kieth.

“Pasensya ka na…”

“It’s nothing tita… emergency naman.”

“Mukhang naabala ko pa kayo sa date ninyo… nakakahiya.. pasensya na…” pag hingi ng tawad nito.

“Tita… ano ba kayo. Okay lang po…” sabi ni Kieth.

“Salamat…” basag na boses nito.

“Wala kasi ito ang kuya niya… ang papa naman niya pauwi pa lanag kaya naman wala akong mahingan ng tulong… kaya si Alx na lang ang nahingan ko.. wala akong choice… pasensya na talaga.”




Humarap ako kay tita at muling niyakap siya. 




“Hindi po ninyo kasalanan yun tita… shhh.. okay nap o yun.”

Umupo naman kami sa may upuan at hinayaan ko lamang na sumandal sa akin si tita. “Babe… labas lang ako.. anong gusto niyo?” tanong nito.

“Okay lang ako… Kayo ba tita?” tanong ko.

“Okay lang din ako…”

“SIge bibili lang ako sa labas.” Matabang na sagot nito.

Tinitigan ko lang siya habang naglalakad palayo salugar naman. “Pasalamat na lang ako at mabait siya.” Biglang sabi ni titan a agad ko namang kinagulat.

“Oo nga po eh.” Sagot ko.

“Pasensya na talaga iho. Nakakahiya sa kanya… baka mag-away kayo ni Kieth.” Sabi nito.

“Hindi po.”




Napansin ko ang isang kumpol nang bulaklak at mga lobo sa tabi ng inuupuan naming. “Bigay po bay an ni RD?” tanong ko.

“Ah oo… regalo niya sa akin.”

‘So sweet.” Sabi ko.

“Unang beses niyang mag effort ng ganito sa akin.” Sabi nito.

“Kamusta po ba siya? Ano pong mga ginagawa niya?” tanong ko.

“Wala pa rin namang nagbago sa mga routine niya.”

“Umiinom ba siya ng mga gamot?” tanong ko.

“Oo. Bantay sarado siya sa akin.”

“Kumakain naman po ba siya?”

“Konti lang.”

“Pasaway talaga.”

“Pasensya ka na sa anak ko.” Sabi nito.

“Tita, kanina pa kayo humihingi ng pasesnya sa akin. Wala naman po kaing kasalanan. Wag nap o ninyong intindihin yun. Im okay tita. Don’t worry.” Sabi ko.

“Sobrang namiss ka ng anak ko…” sabi ni tita

“Miss ko rin naman po siya.” Sagot ko.

“Kahit hindi niya tinatanong alam ko namang hinihintay niyang sabihin ko kung tumatawag ka ba para kamustahin siya.”

“Pasensya na tita kung din a ako nakkadalaw. Hindi na rin po ako nag tetext at tumatawag.”

“Naiintindihan ko. Makakagulo lang naman kasi anak ko sa inyo ni Kieth.”

“Pasensya nap o.” sabi ko.

“Wala kang dapat ihingi ng tawad.” Sabi ni tita.

“Kailan po ba ang dating ni tito?” tanong ko.

“Bukas pa ng umaga.”

“Alam nap o ba niya?”

“Hindi pa…”

“Ah ganun po ba. Sila kuya po?”

“Sa isang linggo pa.”




Nakita ko namang naglalakad palapit sa amin si Kieth na may dalang kape at kung anu-ano pa. Seryoso ang kanyang mukha at hndi ko mabasa kung ano nga ba ang nararamdaman at nasa isip niya.





“Babe oh…” sabi niya sa akin.

“Salamat.”

“Tita kape po.” Sabi ulit ni Kieth.

“Salamat Kieth.”





Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa lumabas na yung doctor sa Emergency room. Nagsilapitan naman agad kami at tinanong ang kalagayan ni RD. maluwag naman ang kalooba naming nang malaman naming na okay na si RD.




“Nag-faint lang po siya misis.”

“Mabuti naman po at okay na siya.”

“He should be treated well. As soon as possible kailangan mag undergo na siya ng mga process.”

“Pero doc ayaw po niyangpumayag.” Sabi ni tita.

“Then medications pa rin tayo peo this time tataasan na natin yung dosage sa kanya.”

“Hindi po ba delikado yun?” tanong ko.

“We will change all his medicines na ginagamit ngayon. If ayaw niya mag undergo ng therephy like chemo, no choice tayo kundi magbago ng medications para naman di siya masyadong mapagod. He’s body is weak. Unti-unting kumakalat yung sakit niya.”

“Salamat po doc.” Ang nasabi na lamang ni tita.

“Ililipat nap o naming siya sa private room. Punta na lang po tayo sa counter para maayos po yung room.”

Sinamahan ko si tita sa counter para asikasuhin ang kwarto ni RD. mabilis naman ang proseso ng mga bagay-bagay. Paakyat n asana kami sa room ni RD nang makita kong humahangos papalapit sa amin si Arjay.

“Alex!” sigaw nito.




Agad niya akong sinalubong ng yakap. “Kamusta si Rd Nasaan siya?”

“Okay na daw siya sabi ni doc. Inilipat na naming siya sa isang private room.” Sagot ko.

“Ah ganun ba. Pasesnya ngayon lang. Di ko kasi alam.”

“Paano mo ba nalaman?”

“SI Charlene. Sinabi niya lang sa akin.”

Napatingin naman ako kay Kieth na halata naman ang antok at pagod. “Naku lagot ka.” Dagdag ni Arjay.

“Sa tingin mo bag alit siya?”

“Pagod na siya… Tignan mo inaantok na.” sabi nito.

“Haixt.”

“Umuwi na kayo.” Sabi nito.

“Pero…”

“Kasama ko sila mama.”

“Si papa ba nasaan?”

“Nag park lang.”

“Sige pagdating natin sa kwarto ni RD uuwi na rin kami.”





Di naman nagtagal ay dumatin na si papa. Sabay-sabay na kaming umakyat sa kwarto ni RD. halata naman sa mukha ni Kieth ang sobrang pagkadismaya. Inaantok na siya.




“Ah tita…” tawag ko dito.

“Mauna nap o kami ni Kieth na umalis…. Balik na lang po ako bukas.” Sabi ko.

“Mabuti pa nga. Magpahinga na kayo ni Kieth.” Sabi nito.

“Pa… una nap o kami.” Sabi ko.

“Ingat kayo ah. Kieth si Alex.” Bilin ni papa

“Opo.” Sagot nito.




Hinawwakan ko ang kamay ni Kieth at saka kamiumalis. Pansin kong hindi na ako kinikibo ni Kieth. Galit ba siya? Niaiinis kaya siya? Nayayamot? Pagod? Inaantok? Haixt. Hanggang sa daan ay tahimik lang kaming dalawa. Seryoso siyang nagmamaneho habang ako naman ay nakatingin lamang sa di kalayuan.




Nasa tapat na kami ng bahay naming nang tumigil ang sasakyan. Walang gusting umimik. Naramdaman kog lumabas si Kieth at pinagbuksan ako ng pinto.




“Good night.” Sabi niya

“Babe…” bigla kong sabi.

Tinignan lang niya ako. “Can we talk?”

“nag-uusap na tayo ngayon ah.”

“I mean…”

“Nah.. Bukas na lang… gusto ko lang matulog.” Sabi niya

“Pero…”

“Pahinga ka na. bibista ka pa bukas doon.” Naglakad na siya papunta sa may sasakyan.

“Babe galit ka ba?”

“Hindi.”

“Naiinis?”

“Hindi.”

“Eh ano?”

“Wala. Matulog ka na nga.” Inis na sagot niya

“Hindi ako papasok hanggat di ko alam kung anong nararamdaman mo!” bigla kong nasabi at kitang-kita ko na natigilan siya.

“Sorry.” Dagdag ko.

“Nararamdaman ko? Gusto mo malaman? Tsss. Kelan mo pa naisip itanong yan? Buti nga at naalala mo na may nararamdaman pala ako.” bigla niyang sabi.




Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. 


“Sorry… here I am again.”

“Kahit naman anong sabi ko di mo pa rin gagawin eh.”

“I don’t care… wala na rin naman akong magagawa.”

“Sorry.”



“You know what? I am disappointed with myself. Akin ka nga pero sa iba ka nakatingin. Ako kasama mo pero iba ang nasa isip mo. Minsan nga tingin ko sa sarili ko chaperon o bantay mo lang. Hidi ko na maramdaman na boyfriend kita. Hanggang kelan ba ako magtitiis ng ganito?! Shet!” bigla niyang tiannggal ang kamay ko.



“Babe sorry… di ko lang kasi…”



“Di mo lang maiwanan si RD? Yun na naman ba?! Nagsasawa na ako! Alam mo ba lagi kong tinatanong sarili ko kung bakit ako pumapayag na may kahati ako sayo. Akin ka lang Alex! Bakit ba hindi kita kayang ipagdamot sa iba. Nagseselos na ako Alex. Sobrang nasasaktan na ako kapag nakikita at nararamdaman kong mas inaalala mo pa siya sa akin! Ang sakit! Tangina ang sakit!” sabi niya



“Babe…” lumuhod ako sa harapan niya.



“Just get a rest.” Sabi niya.

“How about you?”



“Im okay.”

“You are not okay.” Sabi ko.

“Alex… wag ngayon… please.” Sabi niya

“Babe gusto ko lang kasing…”



“Our night is ruined… may magagawa ka pa ba? Walana diba? Yung effort ko wala lahat. I just want for us na maging okay. Na maging Masaya. Pero anong nangyari? We just end up nothing. Kaya please, wag ngayon!” sigaw niya.





Maluha-luha na ako ng panahong iyon. Ilang sandal lang din naman ay wala na siya sa harapan ko at nagpatakbo na siya ng sasakyan. Pumasok na lang ako sa kwarto ko at inihiga ang sarili.



“Bakit kasi ang tanga-tanag mo Alex? Alam mo namang bad triop at disappointed yung tao. Haixt.”

Bigla kong nakapa ang lalagyan ng singsing na dapat ibibigay k okay Kieth. “Maibigay pa kaya kita sa kanya?”







[RD’s POV]

“Naayos ko na ang lahat.” Narinig ko na sabi ng isang lalaki.

“Pero paano natin siya mapapapayag?” sabi ng kausap nito.

“Ako na ang bahala. Hindi ako papaya na ganito ang nangyayari sa anak natin.”




Anak? Papa? Mama? ANong pinag uusapan nila? Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang dalawang taong nagtatalo sa aking tabi. “Ma… Pa…” ang tangi kong nasabi.




Kitang-kita sa kanilang mata ang pagkagulat at saya. Agad naman silang nagsilapit sa akin at niyakap ako. “Hindi ako makahinga…” sabi ko.




“Sorry anak… nag-alala lang talaga kami ng papa mo sayo.” Sabi ni mama.

“Kamsuta ang pakiramdam mo?”

“Okay naman ako.” ang tanging sagot ko.

“At least okay ka na anak.”

“Uwi na tayo.” Sabi ko.

“Kailangan mo munang magpahinga.” Sabi ni mama.

“Pero…”

“When we say na kailangan mong magpahinga, magpapahinga ka. Understood? We don’t need your excuses. Kaya we will stay here.” Ang matigas na sabi ni papa.

“Okay po.” Ang naisagot ko na lamang.

Am I a jerk na lagi na lang silang sinasalungat sa mga desisyon nila. Mali nab a talaga ang mga ginagawa ko kaya ako nagkakaganito?

“Why am I like this?” bigla kong naitanong.

“Anak…” si mama

“Ma, pinaparusahan nab a ako ni God sa mga kasalanan ko? Am I that bad para parusahan niya ng ganito? I want to live naman ma eh… pero…”

“Anak, mabubuhay ka.”

“Pero ma ang sakit… unti-unti nararamdaman ko na ang sakit ko… kahit ilang pain killers na ata ang inumin ko wala pa rin eh.”

“Masyado mong pinapagod ang sarili mo…”

“ma hindi na naman ako nag gagawa pa ng kahit ano.”

“Eh ang isip mo? Kung hindi mo ititigil ang mga pag iisip ng kung anu-ano eh wala rin yang magagawa.”

“SAbi ko nga po.” At natameme ako.

Ilang sandali lang din naman ay narinig ko na nagbukas ang pinto. Si kuya na kaya yon? O baka naman nurse na naman at kukuha ng blood sample sa akin. Haixt. Mauubos nab a ang dugo ko sa katawan?

“Anak… may bisita ka.”

“Sino naman? Sabihin ninyo tulog ako. Tsss.” Inis kong sabi.




All I want is to get in this hell place. Lalo lang nitong pinapaalala yung sakit ko. Ayaw ko lang naman na gumastos pa sila papa dito.




“Bakit ang suplado mo?” ang boses nay un. Pamilyar sa akin ang boses nay un, hindi lang sa akin pero lalong lalo na sa puso ko. “Isnaberro ka nab a ngayon? ANg sungit mo ah?” dagdag pa nito.

“Anong… anong ginagawa mo dito?” nakatalikod pa rin ako at hindi siya tinitignan

“Binibisita ko yung ref dito sa ospital… namiss ko kasi.” Sabi nito.

“Paasa ka na naman.” Sabi ko.




My heart jumps, I really miss this man. Pero alam ko namang di niya ako mahal. He likes me, but he will never love me dahil may Kieth na siya sa buhay.




“Umalis ka na dito.” Dagdag ko.

“Youre so mean.” Sabi niya.

“Ako padin? Tsss.”

“Kamusta?”

“Okay lang, buhay pa kaya pwede ka ng umalis.”

“Kadarating ko lang paalisin mo na ako?”

“Okay lang nga kasi ako kaya alis na. Don’t worry, buhay pa ako.”

“Tss. Tigas ng ulo mo…” sabi niya. Alam kong nasa may tabihan ko na siya.

“Baka magalit ang boyfriend mo sayo. Bakita nagpakita ka pa?” sabi ko.

“Galit na nga eh… kaya sinusulit ko na.”

“Tsss.”

“Ayaw mo ba akong makita? Ayaw mong humarap dito? May kausap ka oh.” Sabi niya.

“Umalis ka na nga kasi.” Sabi nito.

“Anak labas lang kami ng papa mo. Kayo na muna jan.”

“Pero ma…”




Wala na akong nagawa kasi luambas na ng kwarto sila mama. Ano pa ba ang magagawa ko, kundi ang kausapin ang lalaking ito. Tsss.




“Asan si Kieth?” tanong ko.

“Hindi ko alam.” Sabi niya

“Nakakatawa ka talaga.”

“You think so?”



“Oo, nagpapakatanga ka sa akin samantalang ang boyfriend mo eh wala sa tabi mo. ANong tingin mo sa kanya good boy all the way? Hindi mo ba naisip na nasasaktan yun ngayon kasi ako ang pinili mong makasama ngayon?”

“Alam ko lahat ng yan. Oo magkaaway kami ngayon. Di mo naman kasalanan yun eh, ako ang may kasalanan.”

“Tell me, nandito ka ba nung dinala ako dito?”

“Ano sa tingin mo?” tanong niya

“Oo. Sana.”

“Then you are right.”

“Is he with you?”

“Yeah.”

“Then I ruined your date. Haixt.”





Di siya nagsalita. Silence means yes. “Bakit di mo siya ngayon puntahan? Ayusin ang mga bagay-bagay?”




“Ayaw niya… gusto daw niya mapag-isa.”

“Why are you so stupid?”

“Ha?”

“Nagpapaamo yun sayo. Idiot!” sabi ko.

“Teka nakakasakit ka na ah. Baka gusto mong gulpihin kita jan?!”

“Tsss. Umalis ka na nga!”

“Ewan sayo!”

“Basta umaluis ka na!” pagtataboy ko.

“Bahala ka jan.” sabi niya at nanatiling walang nagsalita matapos ang limang minuto.

“I love him.” Sabi niya.

Tatlong salita ang narinig ko na siyang dumarak sa puso ko. Ang sakit nun. “I know.” Ang tanging nasabi ko.

“Pero alam kong nahihirapan siya sa akin.” Matamlay niyang sabi.





Hindi ko magawang magsalita sa kanya. I really want to comfort him kaso umiral na naman tong taenang pride na to. I just feel happy na may pag asa na akong magkakahiwalay na sila, pero at the same time I feel so uncomfortable kasi nakikita ko siyang nahihirapan.




“Pagaling ka ha… para di naman sayang effort nila… yung akin wag mo ng isipin basata mabuhay ka. Sabi sa studies kapag sinunod mo yung doctor mo, magiging treatable yan. Pero pag nagpasaway ka, lalong lala yan.”






Hindi ko na siya tinignan pa at narinig ko na lang na bumukas ang pinto at sumari din pagkatapos. Naiwan naman akong nag-iisa doon. Bakit ba kailangan ko pang umasa sa taong alam ko namang di mapapasa akin? God, kailan mo ba ako kukunin?






[Alex’s POV]

“Uuna nap o akong umalis.” Pamamaalam ko.

“Pero kararating mo lang iho.”

“Okay nap o akong malaman na okay siya. Pati ayaw naman po niya akong makita. Nagtatampo po ata.” Sabi ko.

“Pasensya ka na iho.”

“Okay lang po. Sige ho.”

“Teka iho…” tawag ni tito.

“Pasok na ako.” sabi ni tita.

“Ano poi yon?”

“Pwede ka bang makausap?”

“Sige po. Tungkol saan po?”

“Sa anak ko.”

“Po. Ano pong tungkol p okay RD.” tanong k okay tito.

“naayos ko na ang lahat…”

“Lahat po?”

“Kaya nawala ako, hindi business trip yun. Inayos ko ang titirhan, yung ospital, yung mga doctor, yung treatment… lahat yun inayos k okay RD.” paglalahad nito.

“Aalis nap o pala kayo. Kailan poi to?”

“Hindi kami aalis…”

“Po? Para saan po yung inayos ninyo?”

“Aalis tayo…”

“Po? Pero hindi po pwede…”

“Nakausap ko na ang papa mo, at tumutol siya. Ayaw niyang makialam. Ikaw daw ang tanungin ko.” Sabi ni tito.

“Hindi po ako papayag.”

“Iho, oras ang kalaban natin. Nakausap ko ang doctor ni RD at sabi niya ay lumalala ang kalagayn niya. Iho, seryoso ako ngayon. Sayo ako umaasa. Kinakapalan ko na ang mukha ko at lumalapit sayo. Mahal ko ang anak ko. Kaya nakikiusap ako sayo.”

“Tito alam naman po ninyo na hindi ako pwedeng sumama.”

“Iho, alam kong si Kieth ang problema mo, pero iho ayaw kong mamatay ang anak ko. Kumakalat na ang Lupus cells sa katawan niya. Naguguluhan ang mga doctor dahil ang bilis uatake nito at inuuna nitong tirahin ang immune system ng anak ko. Kailangan niyang mag undergo ng mga treatment at alam kong gagaling siya sa pagdadalhan ko sa kanya.”

“Pero sorry po. Di po ako makakasama. Mapipilit naman po ninyo siya na pumunta tito… alam ko pong mapipilit ninyo siya.”





Nagulat ako nang lumuhod si tito sa harapan ko. Ibinaba niya ang sarili niya para sa kanyang anak. Lalo akong naguluhan sa dapat kong gawin.

“Tito…”

“Please… nagmamakaawa ako… buhay ng anak ko ang kapalit nito. Ikaw lang ang makakapag papilit sa kanya na umalis. Please, nagmamakaawa ako sayo.”




(Itutuloy)

4 comments:

  1. Sana mag propose muna si alex bago siya sumama kay rd ;)

    ReplyDelete
  2. Ayan! Tagal ko ng di nakapagbasa at di nakapagcomment. Waitinf for the next chapter. Will alex go or not? Hmmm :)

    Ivan D.

    ReplyDelete
  3. The characters are so stupid!
    aargh! nakakainis na sila. umayos nga kayo!

    Si keith umalis, sinamahan ang parents sa abroad para magpagamot, nagdrama at HINABILIN si alex kay RD, para ngang binigay na nya. tapos ngayon ganon sya umasta? Hello? kasalanan mo kung bakit nalilito si alex nung una at kung bakit kayo nagkakaganyan ngayon.

    Si RD, ugh! just die already! you have no right to complain about pain killers etc. kasalanan mo yan kasi tanga ka, ayaw mo magpagamot. sa kaartehan mo na gusto mo kasama pa si alex. kulang na lang isubo sa bibig mo ang mga salitang "Ayaw sayo ni Alex, hindi ikaw ang mahal nya. kaibigan ka lang nya." kung magiging character lang ako dito, ako na mismo yung papatay kay RD.

    Si Alex, well, he has been stupid na talaga from the start. From doing stupid disguise na hindi ko parin alam kung bakit kailangan pa nyang gawin yun. (I am stupid also if i missed that one.) i mean masyadong mababaw opinion ko lang. at sa pagiging naive nya, at masyado na syang pa-girl. at ngayon siguro sasama sya kay RD at boom!! bye keith-alex loveteam. haha. kasi sobrang sakit na yun sa part ni keith, kahit sabihin pa ni alex na kailangan kasi may sakit si RD at nagmakaawa ang ama nito, still, mas pinili nya si RD. alam naman nya na hindi sila okay ni keith at isyu sa kanilang dalawa talaga ang bagay na yun, kahit na friend lang talaga for alex si RD.

    Dont worry author, im also stupid for reading this story still kahit asar na asar na ako sa mga character. haha. tinatapos ko kc ang nasimulan ko. at ive been reading your works talaga. sorry kung lagi akong harsh. ganon pa man, sana may konting tip ka parin na makuha from my prev comments.

    --ANDY

    ReplyDelete