For my special READER
ANDY
Don't worry, iniisip ko lagi ang comment mo. Hindiako galit or what pero nacha-challenge ako na pagbutihan pa. Konting hintay na lang ha. Bumwebwelo pa ako sa gagawin ko.
Alam ko Alex-Kieth kayo.... at may RD-Kieth naman... kaya hintayin lang ninyo. hahaha
Alam ko naiinis na kayo sa nangyayari sa kwento pero may kahihinatnan naman po yan kaya just hold on. :)
Pasensya na kayo kung natatagaln minsan... Time sa pagsususlat, Studis at Internet connection na ang kalaban ko. I hope you'll undersatnd.
Sa lahat, thanks for letting me share my stories. SAna comment pa kayo. Ni-rerepair ko naman yung kwento eh. Kaya Please hold on.
Just smile.
Thanks sa lahat ng nagmemessage sa akin at minsan nakakadaldalan ko. Malaking deal yun. I hope message pa kayo lalo na at may pinagdadaanan ako. HAHAHAH
Basta nandito lang ako. :)
Always remember, TWISTS in the stories are important. :)
Love,
Dylan-----------------------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 51
[Jake’s POV]
Here I am at sinasamahan ko ang loko-loko
kong best friend.
Problemado na naman to sa kanyang one and only love na si
Alex.
Di ko nga maintindihan sa dalawang ito, lagi na lang nag-away kay RD.
Tsss.
Imba pa naman pag naglasing tong si Kieth, hinding-hindi mo mapipigilan.
“Oy tama na.” saway ko.
“Tangina wag kang makialam.”
Tsss pag ganitong nagmumura na siya eh
makakapanapak lang siya.
“Tigil na kasi.” Saway ko pa.
“Pre ano ba! Umi…uminom ka lang…
shaya-shaya ko dito… tsss.” Sabi niya.
“Kanina pa tumatawag si Alex, hinahanap ka.
Tara uwi na tayo.”
“Wa-wala siyang.., wala siyang
paki-pakialam sa akin…” sabi niya
“Lasing ka lang.”
Di na siya sumagot pa.
Ininom lang niya ng
ininom ang alak.
Agad ko namang tinawagan si Alex at hinayaan siyang puntahan
si Kieth dito.
Di ko kakayanin mag-isa kapag nagwala to. Tsss.
“Hello Alex!.” Sabi ko.
“Jake… magkasama ba kayo ni Kieth?” tanong
nito.
“Oo nasa may Light Class kami… punta ka na
dito. Naiinis na ako sa boyfriend mo. Lasing na lasing si Kieth.” Sabi ko.
“Okay lang ba siya? Sige papunta na ako
sige. Please Jake take care of him.”
“Yeah ako na ang bahala.”
Binaba ko na ang tawag at binalikan si
Kieth.
Nagulat na lamang ako nang makita ko siya na wala sa aking tabi.
Agad ko
namang hinanap si Kieth at nakita ko na nasa gitna siya at kung sinu-sino ang
kasayaw.
“Yeah…” sigaw lang nito.
“Pre!” sigaw ko.
“Pre… shayaw….sha-shayaw tayoow…” at
nagsimula na nga siyang sumayaw.
“takte naman tong batang isip nato.
Magagalit si Alex kapag nakita kang ganyan sige ka. Papunta na siya dito kaya
behave ka na!” ang nasabi ko na lang.
“Pu-punta…pupunta shi-ya?”
“Oo papunta na.”
“hahaha… Lakash mo magjoke pare…tangina.”
“Halika ka na nga!” sigaw ko.
“Umalis ka nga! Kung ayaw mo dito umalis
ka!” nagulat na lang ako sa sinabi niya.
“Tangina pare, umayos ka nga. Nakakhiya na
sa kanila. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”
“Wala… wala akong pakialam.”
Hindi ko napigilan ang sarili ko at
sinuntok siya.
Bigla naman siyang lumupagi sa sahig at saka naghiyawan ang mga
tao.
Lumapit sa amin ang mga bouncer at nagpatulong na lang ako.
“Pasensya na po.” ang nasabi ko na lang.
“Kung gagawa kayo ng gulo, doon kayo sa
labas. Iuwi mo na yan.”
“Hinihintay ko lang kasama ko.” Sagot ko at
umalis na sila.
Nasaan ka na ba kasi Alex. Tss.
Sa totoo
lang eh kanina pa may lumalapit sa amin ni Kieth.
Mga babaeng ito napaka
talaga. Sinabi na nga na taken na lalapit lapit pa. Tsk.
“…” naalimpungatan na ata si Kieth.
“Oh pare…” sabi ko.
“I-inom inom pa tayo…” sabi niya
“Umupo ka na nga lang jan. Nabwisit na ako
ah.” Sabi ko.
Bigla naman siyang tumahimik, pero ilang
sandail lang eh nagulat na lang ako nang marinig ko ang mga hikbi niya.
“Ayos ka lang pare?” tanong ko.
“Si Alex… si Alex…”
“Teka papunta na siya dito.”
“Hindi na niya ako mahal…”
“Wag ka ngang magsalita ng ganyan.”
“Hindi na… tangina… ayaw na niya sa
akin!!!” sigaw niya.
“Shhh ano ba pare tumahimik ka nga jan…”
Iyak pa rin siya ng iyak.
This was the very
worst thing na ayaw kong makita sa kanya, ang umiyak.
Tangina di ako sanay pag
ganito siya.
Di naman siya ganito eh, pero sa iyak niya alam kong sobra siyang
nasaktan.
“Pare tahan na.”
“Ayoko… ayoko na.” biglang sabi niya
“Shhh…”
“Bakit? Bakit hindi niya… hindi niya… hindi
niya ako mapili?”
“Pare nahihirapan lang siya pero mahal ka
niya.”
“Hindi… kung mahal niya ako dapat nasa tabi
ko siya at wala sa kanya.”
“Pre tama na nga.”
“Tangina pare hirap na hirap na ako… hirap
na hirap na.”
Tila ba nahimasmasan siya sa kanyang
kalasingan.
Nakita kong nakatingin siya sa aking mga mata.
Nakita ko ang sakit
sa puso niya.
Sa totoo lang hindi naman siya ganito na nagpapakita at umiiyak
sa harapan ng maraming tao.
Nasasaktan talaga siya.
“Jake…” nakarinig na lamang ako ng isang
kakilalang tinig.
“Alex… buti at dumat… teka bakit magkasama
kayo?” tanong ko.
“Sorry Jake, nagpasama na ako sa kanya.”
Sagot niya.
“Pasaway ka talaga.” Sabi ko kay Charlene.
“Mukhang kailangan ni best ng support.”
Sagot niya
“Oh siya siya tara na.” sabi ko.
Nakita ko naman ngayon si Alex at si Kieth.
Nakatingin lang si Alex kay Kieth samantalang si Kieth ay nakayakap sa sarili
niya.
Walang nagkikibuan sa kanilang dalawa.
“Tititigan mo na lang ba si kieth?” tanong
ko kay Alex.
“Ah eh. Sorry.” Sagot niya
“Tara na.” matabang na sagot ko kay Alex.
“Okay sige. Tara na Kieth.” Narinig ko na
sabi ni Alex.
“Ba…babe…” parang batang sabi ni Kieth.
“babe nandito na ako… sorry. Kasalanan ko
na naman.”
“Babe…”
“Babe tara na… sorry na.” si Alex.
“I love you babe…” si Kieth.
“I do. I love you too.” Garalgal na sabi ni
Alex.
“Wag… wag mo akong iwan babe… wag… ayoko…
hindi ko kaya…. Wag mo akong ipagpalit. Mahal kita. Ayaw kitang mawala sa
akin.”
“Opo… di ako aalis. Pangako yan. Di kita
iiwan.” Narinig ko na umiiyak na rin si Alex.
“Uuwi na tayo?” parang bata na tanong ni
Kieth.
Ang sakit, sobrang sakit na makita at
marinig ko na yung best friend ko ay nagkakaganyan.
Tangina Alex, best friend
ko yan kaya umayos ka.
Oo best friend ka ng girlfriend ko pero di kita
sasantuhin kapag iniwan mo si Kieth.
“Tara na nga.” Inis na sabi ko.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Charlene.
“Yeah.”
“You are not okay. Tell me the problem.”
“Nevermind.” Sabi ko at nauna na ako.
Hindi naman nagtagal at nakasakay na rin
kami sa loob ng sasakyan.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila
Kieth.
“babe I love you… I love you ha. Dito ka
lang mahal ko. Dito ka lang.”
“Oo babe dito lang ako. Tulog ka na muna
ha. Di ako aalis.”
“Ayoko matulog.”
“Babe naman. Lasing ka.”
“Ayoko tulog. Baka alis ka. Ayaw ko
maiwan. Ayaw ko mag-isa. Ayaw ko mawala ka sa akin. Mahal kita babe... mahal.”
Shet lang. Para na siyang bata.
Lalo akong
naiinis kay Alex. Tsk.
Putangina RD masusuntok kita, panggulo ka sa buhay nila.
Lalong bumilis ang pagpapatakbo ko kasi gusto ko ng makarating sa bahay nila
Kieth.
“Dahan dahan lang.” sabi ni Charlene.
Di ako sumagot.
Nakarating din naman kami
sa bahay nila Kieth ng wala sa oras.
Tinulungan ko na si Alex sa pag-alalay kay
Kieth.
Sobrang daldal ni Kieth potek yan. Tss.
“Okay lang ba siya?” tanong ni tita.
“Nakainom lang po ng madami.” Sabi ko.
“Iakyat ninyo na sa taas. Magpapahanda lang
ako ng tubig at tuwalya.” Sabi nito.
Tulungan kami sa pag-akyat kay Kieth,
hanggang sa maipasok na naming siya sa kwarto niya.
Agad naman inayos ni Alex
ang kama ni Kieth at kumuha ng mga damit sa kanyang damitan.
Agad naman akong lumabas ng kwarto at
nagpunta sa may hagdanan. Tsss.
Kanina pa talaga nag-iinit ang ulo ko.
Kailangan maalis ko to.
Minsan lang uminit ang ulo ko at nakakahiya naman kila
tita pag dito pa ako nagwala.
“Mainit ata ulo mo.” Narinig kong sabi ni
Charlene.
“Nah… pagod lang.” sagot ko.
“May problema ka diba? Tell me.”
“Just nevermind. Tulungan mo na lang si
Alex.” Sagot ko.
“Just tell me! Kanina mo pa ako hindi
sinasagot Nababastos na ako. Girlfriend mo ako kaya sumagot ka.” Sabi niya
“Wag ngayon please. Charlene. Go.” Kalma
kong sabi.
“I can’t believe you.” Sabi niya
“Just go.” Sabi niya
“I hate you.”
“Sorry.” Sabi ko.
“Ano ba kasing problema. Just tell me!”
“Oo na sige na. Naiinis lang ako kay Alex
sa ginagawa niya!”
“Hindi naman sinasadya ni Alex eh.
Intindihin mo na lang.”
“Alam ko naman eh. Kaso naiinis lang talaga
ako pota.”
“Jake naman eh.”
“Tsk. Nakakainis kasi siya. Kung alam lang
niya kung gaano nasasaktan si Kieth anng dahil sa kanya. Inis na inis ako sa
kanya. Di man lang makapili kay Kieth at RD.”
“Sa tingin mo ba ginusto niya to? Ano ba
naman hon?”
“Lagi na lang bang iintindi si Kieth?
Kailan ba niya iintindihin si Kieth? Hon, sana naman maisip mo yun.”
“Oo alam ko yun. Pero best friend ko si
Alex at alam ko na naiipit siya sa sitwasyon.”
“Bestfriend ko din si Kieth kaya concern
ako!”
“Guys please…”
Bigla ko na lang narinig sa aming likuran.
“Alex…” ang nautal ko.
“Wag na kayong mag-away nang dahil sa akin.
Please.”
“Okay na ba si Kieth?” tanong ko.
“Okay na siya. May nag-aasikaso na sa
kanya.”
“Good. Aalis na kami. Tara Charlene.” Sabi
ko.
“Hindi ako sasama.”
“Hon…”
“I’m staying here.”
“No Charlene….”
“May sarili akong desisyon.”
“Isa.”
“best… sige na… okay lang ako dito.” sabi ni Alex
“Pero.”
“Im okay. Don’t worry.”
“Tara na…” sabi ko.
“Jake…” sabi ni Alex.
“Ano yun?”
“Sorry…”
“Tsss. Bakit ka sa akin nagsosorry?”
“Kasi alam ko nag aalala ka kay Kieth.”
“Malamang bestfriend ko yun eh. Tsss.”
“SAlamat sa pag aalaga sa kanya. Sorry kung
magulo ako ngayon.”
“Alex konti na lang at bibinggo ka na kaya
umayos ka.” Nasabi ko na lang.
“Oo naiintindihan ko.”
“Jake ano ba naman yan. Bakit ganyan ka
magsalita kay Alex?!”
“Okay lang best. Sige ingat kayo.” Sabi
nito.
[Kieth’s POV]
“Please
babe wag mo akong iwan…” pagmamakaawa ko kay Alex.
“Babe
sorry. Alam ko nangako ako na hindi kita iiwan pero kailangan ako ni RD. Sorry
babe, sorry.” Sagot niya.
“Lahat
gagawin ko wag mo lang akong iwan. Alex please… please nagmamakaawa na ako
sayo.” Nakaluhod na ako sa harapan niya at hawak ang kanyang mga binti.
“Babe…please…”
“Sabi
mo tayong dalawa diba? Sabi mo hanggang huli diba? Pero bakit ganito. Anoba ang
kulang sa akin? Piliin mo naman ako oh. Sige na. Please.” Patuloy pa rin ang
pagtangis ko.
“Sorry….
Alam ko lagi na lang akong nag sosorry pero kailangan ko nang umalis.”
“Alex
mamatay ako… pag wala ka wala din ako. Please Alex don’t do this to me.”
“I
need to do this… Babalik ako… Kieth pangako ko babalik ako…”
“Alex…
di ko kayang mawala ka pa sa akin. DI ko kayang mahiwalay ka sa akin…”
“Kieth
hintayin mo ako…”
Hanggang
kailan ba ako maghihintay?
Hanggang kailan ko dapat magmakaawa para di ako iwan
ng mga tao.
Ano bang kulang sa akin?
Kulang ba ako sa itsura?
Kulang ba ako sa
magandang asal? Bakit nila ako lagging iniiwan?
“Alex…babe…
mahal ko..” pagsususmamo ko.
“Kieth
Im sorry.” Kita ko sa mga mata niya ang mga luha niya.
“Mahal…
mahal mo pa ba…. Ako?” garalgal kong tanong sa kanya.
Umupo
siya at niyakap ako ng mahigpit.
Niyakap ko rin siya pabalik at niyakap ng
sobrang higpit.
Hindi ko siya papakawalan kahit anong mangyari.
Oo,
pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala akong pakialam.
“Mahal
kita Kieth. Wag mong pagduduhan yun.”
“Pero
kung mahal mo ako, dapat di mo ako iiwan. Mas matimbang nab a si Rd kesa sa
akin?”
“Hindi
Babe, ikaw lang. Ikaw lang sa puso ko.”
“Babe,
di ko kakayanin.. please…”
Di na
siya sumagot.
Tumayo siya at inalis niya ang mga kamay ko na nakakapit sa
kanya.
“Jake…” tawag niya dito.
“Pare
wag kang makialam tangina…” sigaw ko.
“Pare,
sorry…” sabi nito.
“Pare
ano ba… bitawan mo ako… puta…. Jake bitawan mo ako!!!”
“Sige
na Alex umalis ka na.”
Pinagtutulungan
nila ako.
Tangina, bakit nawalan ako ng lakas?
Bakit ngayon pa.
Please Alex,
wag kang umalis.
Mamatay ako.
Ikaw ang buhay ko… ang lakas ko.
“Kieth
sorry. Mahal na mahal kita tandaan mo yan…” isang dampi ng halik ang dumampi sa
aking mga labi.
Isang
patak ng luha ang bumagsak sa aking mga mata bago ko tuluyang makita si Alex na
palayo sa akin.
Wala na, wala na akong pag-asa.
Wala na siya sa piling ko.
Wala
na ang mahal ko.
Ang
sakit. Natulala na lang ako habang wala akong labang pinagmamasdan siya.
Bumigay na ang mga tuhod ko.
I am not this. Hindi ako ito.
Natakot ako.
Sa
unang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot sa sarili ko.
Matapos
mawala ng kanyang imahe ay tuluyan ng bumagsak ang lahat ng luha sa aking mga
mata.
Unti-unti lumabo ang aking mga mata.
Bakit ako nawawalan ng hininga.
Bakit ako hindi makahinga?
Parang… parang … parang binabawian na ako ng buhay.
“Kieth!...”
“Kieth!...”
isang sigaw na di kalayuan ang naririnig ko.
Pero bakit hindi ako makamulat?
Bakit hindi ako makabangon?
“Kieth
please…”
“I
love you Kieth…”
“Kieth
GISING………”
At ang
lahat ay bumalik sa realidad, isang realidad na maaring pagdaluyan ng
napakasakit na katotohanan sa hinaharap.
“Anong…” ang nasabi ko.
“Thanks GOD…” at nakita ko si Alex na
naiyak.
“ha? Anong… anong nangyayari?” tanong ko.
“Binangungot ka ata.” Sagot niya.
“Oh? Ibig sabihin…”
“Ibig sabihin ano?” tanong niya.
“Ah wala.” Sagot ko.
Ibig sabihin panaginip lang pala ang lahat
ng ito.
Bigla akong nakaramdam ng tuwa sa aking puso.
Masyado na ata akong
nag-iisip.
Nakita ko ang mga luha sa kanyang mga pisngi kaya naman pinahid ko
ito.
“I love you.” Sabi ko na lang.
“I love you too.” At yumakap siya sa akin.
“Magulo ba ako kagabi?” tanong ko.
“Kind off.”
“Madaldal ba ako?”
“Yeah.”
“Sorry kagabi.” Sabi ko.
“Wala kang kasalanan. Ako nga may malaking
kasalanan sayo eh. Sorry ha. Alam ko nahihirapan ka na. Sorry kung pasaway ako.
Sorry kasi di kita pinapakinggan.”
“Frustated lang ako kagabi.” Sabi ko.
“Okay na ba pakiramdam mo? Ipagtimpla kita
ng kape.” Sabi niya
“Medyo masakit ang ulo ko…” tapos hinawakan
niya.
“Wag mo na ulit uulitin yun ha.”
“Opo. Eto masakit.” Tinuro ko yung pisngi
ko.
Di ko alam kung bakit masakit pisngi ko.
Wala na akong masyadong maalala sa mga nangyari.
Bigla naman niya akong
hinalikan sa labi na labis kong ikinagulat.
“Babawi ako sayo.” Bigla niyang sinabi.
“Babe di na kailangan.”
“I insist.” Sabi niya
“Oh siya simulan na natin.” Sabi ko.
“Hah?”
“Simulan na natin ang pagbawi mo.”
Isang ngiti ang binitawan ko bago ko siya
hinatak pahiga sa kama at hinalikan ng mariin.
Tumugon din naman siya.
Nagsimula sa isang matamis na halik, hanggang sa mag alab ito at lumaganap ang
init sa buong katawan naming dalawa.
Bigla akong nasabik sa katawan ni Alex.
Namiss ko ang kanyang mga yakap, mga haplos at ang kanyang matamis na halik.
Bumaba ang mga halik ko sa kanyang leeg at sinimulan na siyang hubaran ng
kanyang mga saplot.
Mabilis ang mga nangyari sa aming dalawa
nang umagang iyon.
Sa isang iglap, magkapatong an gaming hubo’t-hubad na
katawan, ritmong gumagalaw sa isa’t-isa at nakatitig sa mata ng bawat isa.
Hindi nagtagal at nag niig ang aming mga
katawan.
Katahimikan ang lumaganap sa paligid.
Ramdam ko pa rin na nasaktan
siya sa aking pagpasok sa kanyang mga kalmnan.
Inalalayan ko siya hanggang sa
makitang hindi na siya nasasaktan.
Nagsimula ang umagang iyon sa isang
pagniniig naming dalawa.
Matapos ang mga sandaling iyon ay nakatulog kaming
dalawa.
Payapa ang pakiramdam ko ngayong kasama ko si Alex sa tabi ko.
Dala na rin ng pagod sa aming ginawa, halos
magtatanghali na rin kaming nagising dalawa.
Isang payapang mukha ang
nabungaran ng aking mga mata.
Mula noon hanggang ngayon, napaka amo ng mukha ni
Alex kapag natutulog.
Dinampian ko ang kanyang mga labi ng isang mariing halik
na siyang dahilan nang kanyang pagkakagising.
“Gising na mahal ko.” Sabi ko.
“Uhmmm.” Tanging sagot na narinig ko.
“Gutom na ako.” dagdag ko.
“Uhmmm.” Sagot pa rin niya.
“Kapag di ka bumangon, ikaw ang kakainin
ko.” Bigla kong bulong sa kanya.
“Tara na nga…” wala na siyang nagawa kundi
ang bumangon sa kanyang pinagkakahigaan.
Napangiti naman ako sa kanyang ginawa.
Sa
totoo lang, namimiss ko ang mga araw na ganito.
Kami lang dalawa.
Ni hindi ko
nga maintindihan ang sarili ko kasi nga naging mabait ako, nawala pagkasuplado
ko. Takte. Lumalambot na akong tuluyan ng dahil kay Alex.
Naghahanda ng tanghalian sila mama nang
bumaba kaming dalawa ni Alex.
Natigilan naman sila nang makita nila kaming
dalawa na pababa.
Pare-pareho silang nakangiti sa aming dalawa na tila ba
pinapahiwatig na gusting gusto nila ang nakikita nila.
“Tititigan na lang ba ninyo kami?” tanong
ko.
“Ang cute ninyong dalawa eh.” Sabi ni ate.
“Tss. Ano pagkain? Gutom na ako.”
“Edi magluto ka.”
“Tinatamad ako.” sagot ko.
“Ipagluto kita.” sabi bigla ni Alex.
“Nope. Dito ka lang. Tatabi ka lang sa akin
buong maghapon. Yaan mo silang pagsilbihan tayong dalawa.” Sabi ko.
“Malma ka naman, ginawa mong katulong sila
ate.”
“Tsss.” Tanging tugon ko.
“Tara nga Alex, tulungan mo ako. Hayaan mo
yang hinayupak na yan na magpalaki ng puwet kakaupo.” Sabi ni ate.
“At sinong hinayupak?”
“Malamang ikaw. Tsss. Sige na jan ka muna,
ipaghahanda ka naming ng tanghalian at nang makakain na tayong lahat.”
Nagtawanan naman sila maging si Alex.
Agad
naman akong tumayo at pumunta sa may terrace.
Ang sarap ng simoy ng hangin,
kaso ramdam ko na ang init.
Magsusummer na.
Isang taon na lang at graduate na
ako.
Ilang araw na lang at ikakasal na si ate.
Napakabilis nang panahon na para bang
kailan lamang ay strangers lang kami ni Alex.
Pinagmasdan ko ang paligid at
nakita ko si papa na nakatingin sa kalayuan.
Mukhang malalim ang kanyang pinag
iisipan.
Agad ko namang pinuntahan si papa sa may
garden.
Ano kaya ang bumabagabag kay papa?
Minsan ko na lamang ito na makita na
nagkakaganito.
“Pa… mukhang malalim iniisip natin ah.”
Sabi ko bigla.
Halata naman na nagulat si papa sa aking
pagsulpot. “Oh anak nanjan ka pala.” Sagot nito.
“Anong atin?” tanong ko.
“Wala naman anak.”
“Wala ba talaga pa? Di naman kayo ganito
pag wala kayong iniisip na malalim. Nag-away ba kayo ni mama?” tanong ko.
“Hindi. Wala to anak, business problem
lamang.”
“Bakit pa, may problem ba sa company?”
“Hindi anak. May problema ako kay Tom, yung
tatay ni RD. Nagkasagutan kami about sa ilang bagay.” Sagot nito.
“Malaki ba?”
“Medyo malaki. Hindi kami nagkasundo sa mga
gusto niyang mangyari kaya tumutol talaga ako.”
“Tungkol saan ba pa?” tanong ko ulit.
“Wala anak. Nevermind. Luto na ba ang
pagkain?” tanong nito.
“Hindi pa po. Nagluluo pa sila.” Sagot ko.
“Ah ganun ba. SIge tulungan ko na sil…” di
ko na pinatapos si papa.
“Dahil ba sa akin? Ako ba pinag awayan
ninyo at hindi napagkasunduan ni tito Tom?” tanong ko.
“Anak wag mo na alng isipin mga sinabi ko.”
“Pero pa…”
“Business lang yun.”
“Baka naman makatulong ako…” Sabi kong
muli.
Agad naman siyang naglakad sa di kalayuan
na upuan at umupo dito.
Sumunod din naman ako at tumabi sa katabi nitong upuan.
Nakatingin pa rin sa di kalayuan si papa.
“Kaya mo bang mawala si Alex?” tanong ni
papa.
Isang tanong na nagpakabog sa dibdib ko.
Mawala?
SI Alex, mawala sa akin?
Kaya ko ba?
Hindi, hindi ko kaya. Mababaliw na
nga akpo sa kakaisip na mawawala siya sa akin eh.
“Then it settles. KAya wag mo na alalahanin
yung pinagtalunan naming ni Tom. Alam ko naman na di ma mabibitawan si Alex at
ayoko naman na magkalayo kayo. Pinili ko kayo kaysa sa trabhao ko. Alagaan
ninyo isa’t-isa ni Alex.” Sabi ni papa.
“Ano bang gusto niyang mangyari?” tanong
ko.
“Gusto niyang isama si Alex saibang bansa.
Kinausap na niya si Alex pero tiannggihan siya nito. Maging si Ralph tumanggi
na rin dito. Si Alex na rin ang nagdesisyon at pinili ka. Ngayon naman,
nagmamakaawa sa akin si Tom para lang mabuhay ang anak niya. Kahit na gusto
kong mabuhay si RD, hindi ko naman hahayaan na mamatay ang anak ko sa sakit na
mararamdaman kapag hinayaan ko na sumama si Alex sa kanya. Kaya anak, okay lang
yun. Just be with Alex, mas panatag pa ako pag ganun.”
Nanatiling tahimik ang paligid naming
dalawa.
Nakikiramdam ako sa kung ano ba ang susunod na mangyayari.
Di ko alam
kung ano ba ang dapat kong sabihin sa maga nangyayari.
“Anak, alam kong mahal na mahal mo si Alex
kaya naman wag na wag mo siyang hayaang mawala.”
“Pa bakit ganun? Bakit kailangan lagi akong
may kahati?”
“Hindi naman ninyo dapat paghatian si
Alex.”
“Pero pa kasi parang ganun ang nangyayari.
Sa akin si Alex pero parang pakiramdam ko nakikihati lang ako. Bakit ba lagi na
lang dapat akong umunawa pa? Bakit lagging dapat ako ang nagbibigay? Bakit
lagging dapat ako ang magsakripisyo ng nararamdaman. Hindi ba pwedeng akin si
Alex ng buong-buo? Hindi ba talaga mabubuhay si RD na mag-isa? Taena naman oh.”
“Anak… alam kong nahihirapan ka na.”
“Sobra pa.”
“Hindi mo naman kailangan tanggapin ang
gusting mangyari ni Tom. Buhay mo yan.”
“Pero pa, buhay ang pinaguusapan natin.
Buhay ni RD to. Bakit ba kasi nagiinarte pa yang lalaking yan. Bakit ba kasi
hindi niya matanggap na kami na ni Alex at sa akin lang si Alex?"
“Hayaan mo na anak. Wag mo ng isipin mga
sinabi ko. Suportado ka naman namin ng mama mo.”
DI na ako sumagot.
Nagyaya na rin na
pumasok si papa at sumunod ako.
Naiwan pa ring palaisipan sa akin ang mga
bagay-bagay.
DI ko naman talaga hahayaang mawala sa akin si Alex eh.
Di ko
naman hahayaan na mawala siya sa akin.
Bumungad sa aking harapan si Alex.
Sinalubong niya ako ng buong ngoiti saka hinawakan ang aking mga kamay at
hinatak papunta sa dinning table.
Agad naman akong namangha sa aking nakita.
“Teka, bibitayin na ba ako?” tanong ko.
“Bakit naman?” tanong ni ate.
“Eh bakit ang daming pagkain? SInong may
birthday?”
“SI Alex nagrequest nan.” Sabi ni mama.
“Siya nag asikaso nan mula pa kagabi. Gusto
daw niyang bumawi sayo eh.” Sabi ni papa.
“talaga babe?”
“Yeah.” Then he kissed me on the cheek.
“SIya tayo ay kumain na.” singit ni ate.
“Panira ng momentum.” Sabi ko.
“Gutom na ako, anong gusto mo ha, lamunin
ko yung momentum mo?”
“Tsss.”
Nagsimula na nga kaming kumain.
Kanya-kanyang kuha kami pero si Alex, siya ang nagsilbi sa akin at kumuha ng
pagkain ko.
“Sweet.” Sabi ko.
“Bumabawi nga diba?”
“Love you mahal ko.” Sabi ko.
“Love you too.” Sabi niya.
“Kumain na nga lang kayo jan. Dito pa kayo
naglalandian.” Sabat ni ate.
“Tsss.” Sabi ko na lang.
“Nga pala, sumama kayong dalawa sa akin
mamaya ha. Susunduin ako ni Hamilton mamaya sumabay na kayo.” Sabi ni ate.
“Para saan? Saan tayo pupunta?”
“Magpapasukat ng damit para sa kasal
naming.”
“Ayoko.” Sagot ko.
“Ma oh.”
“Tsss. Kung kasal ko yan pupunta ako.”
“Adik mo. Di ka pwedeng magpakasal. Ako
muna. Maghintay ka ng isang taon.”
“Pwede namang sabay eh.”
“Wag ka nga. Ayokong kasabay ka.”
“Tsss.”
“Bilisan mo ng kumain.”
“Kasisimula lang eh.”
“Bilisan mo at maligo ka na.”
“Tsss. Ayoko.”
“Pasaway.”
“Kumakain pa nga ako. Tss. Ineenjoy ko pag
kain ko. Hain to ni mahal.”
“Para kang bata. Basta bilisan mo na lang.”
Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Yaan
mo na siya. Di naman nagtagal at natapos na si Alex kumain. Ang bilis naman
yata.
“Tapos ka na agad? Kain ka pa.” sabi ko.
“Busog na ako iiih. Hahaha.”
“Saan ka pupunta?”
“Maliligo na, aalis nga daw tayo.”
“Maliligo ka kaagad eh kakain mo lang.
Samahan mo na muna ako dito.”
“Sige na nga po. Basta bilisan mo.”
“Nga pala, nagpaalam ka ba kay mama?”
tanong ko.
“Yeah tumwag ako kagabi. Sabi ko dito ako
mautulog sa inyo kagabi. Okay naman daw sabi niya. Pinaliwanag ko naman yung nangyari
eh.”
“Salamat.” Sabi ko
“Nga pala…” habol niya.
“Ano yun?”
“Mukhang galit si Jake sa akin.” Sabi niya.
“Di yun.”
“Eh kasi…”
“Nainis lang siguro yon… tss. Yaan mo nay
un.” Sabi ko. “Ay potek.”
“Oh bakit?”
“Siya siguro sumuntok sa akin.”
“Ah. Bakit masakit pa ba?”
“Medyo. Sobrang lakas ata ng pagkakasuntok
niya sa akin eh.”
“Di naman masyadong halata na sinuntok ka
niya.”
“Wala bang pasa?” tanong ko.
“May konti pero di naman halata, takpan mo
na lang. Magpolbo ka.”
“Tsss pasaway kasi.”
“Oh siya bilisan mo na at magaayos pa
tayo.”
“Oo na, sige na ngamauna ka na. Liligpitin
ko muna to tapos tataas na rin ako.” sabi ko.
“Sila manang na bahala jan. Bilisan mo.
Malapit na si Hamilton dito sa bahay.”
“Oo na. Ikaw din ate magpaganda ka. Baka
umurong si Kuya kapag nakita ka.”
“Di ko na kailangan.”
[Alex’s POV]
“Boring.” Biglang sabi sa akin ni Kieth.
“Sorry.” Sabi ko.
“Ayos lang. Date tayo pagkatapos nito.”
“Sure. Saan mo ba gusto?”tanong ko.
“Kahit saan, basta kasama kita.”
“Aysus. Corny mo. Bolero pa.”
“Bilisan mo na dali.”
“Eh kung tinutulungan mo kasi ako.”
"Wala naman kasi akong alam jan sa
kaartehan nay an.”
“Babe di naman kaartehan tong design sa
reception nila ate at kuya.”
“Pero kasi ikaw magaling jan. Related pa
yan sa course mo.” Sabi niya.
“Kaya nga tinanggap ko na rin to. Parang
OJT na rin to. Ilang units na lang kailangan ko at graduate na ako kaya be
proud.” Sabi ko.
“Mag ooctoberian ka ba?”
“SIguro. OJT at 15 units na lang ako.”
“May 1 year pa ako. haixt.”
“Yaan mo mag iipon na agad ako para naman
may puhunan tayo.”
“Saan mo pala balak mag OJT?” tanong niya.
“Baka dun sa company na inoffer sa akin ni
kuya Alec. Nagbigay na sila ng vacancy sa akin. Nag apply na kasi ako last
month then ayon approved.”
“Ah good kung ganun.”
“Eh ikaw? Sa company ninyo?”
“Yeah, probably. Pinipilit na ako ni papa
eh.”
“Para naman daw matrain ka.”
“Yeah yeah. Sige na tapusin mo nay an at
nang masolo na kita.”
“Su sang daming al…”
Di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang
nagpakta sa aming harapan si tito Tom, ang papa ni RD. pareho kaming natigilan
sa aming nakita. Kita ko naman na tila ba nakita ni Tito Tom ang kaliwanagan
nang makita niya kaming dalawa.
“Babe…” sabi ko.
“It’s okay. Let’s talk to him.”
“Sure ka.”
“Yeah. Di namant tayo bastos para isnabin
at di siya kausapin. I’m okay, don’t worry.”
“Okay tara.” Sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko habang naglakad
kami papunta sa kanyang kinakatayuan. Di ko alam kung ano ba ang dapat kong
sabihin at isipin pero alam ko ang dahilan kung bakit naririto siya, para
magmakaawa para sumama ako kay RD sa ibang bansa.
“Babe…” sabi niya nung tumigil kami sa
harapan ni tito.
“yeah I’m okay.” Sagot ko.
“Wag kang kabahan. Ako kinakabahan sayo.”
“Sorry.”
“Good afternoon po tito.” Bati ni Kieth.
“Good afternoon din.” Sagot nito. “Alam
kong alam ninyo kung bakit ako nandito.” Dagdag nito.
“Maupo muna po tayo doon.” Sabi ko.
Agad naman kaming naglakad papunta doon sa
may lamesa at umupo pagkatapos nito. Tila ba may mabigat na bagyong paparating.
“Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kieth,
gusto ko sanang hingin si Alex sayo.” Diretsong sabi ni tito.
“Pero with all due respect po tito pero
hindi po bagay si Alex na basta lamang po ipinamimigay.” Sagot ni Kieth.
“Alam ko naman. Pero kailangan siya ng anak
ko. Alam mo naman na…”
“Tito, sorry po pero hindi po ako papaya na
ibigay si Alex…”
“Please…”
“Tito, mahal ko po si Alex at hindi naman
ho ako makakapayag na ibigay siya sa anak ninyong duwag. Alam ko pong may sakit
siya at handa naman akong tumulong, pero wag naman po yung ganito. Handa ko
naman pong ibigay yung oras na hinihingi niya. Sige po papayag ako na dumalaw
si Alex sa kanya. Pero di po ako papaya na ibigay siya sa inyo.”
“Aalis na kami bukas.”
“Sorry po.” Tumayo na si Kieth
“Naiintindihan ko.” Biglang sabi ni tito
Tom.
“Tito, sorry po.” Sabi ko.
“Wala kang dapat ihingi ng tawad.” Sabi
niya
“I hope maging okay ang lahat.” Sabi ni
Kieth.
“I hope… but still I’m waiting Kieth…
hihintayin kita. Hihintayin ko ang huli mong desisyon.” Sabi nito saka
tumalikod.
“Alex, I hope pagbigyan mo ako. I hope tulungan mo si RD.”
(Itutuloy)
Dylan, palagay ko naman na hindi ito ang last na magsusulat ka ng story. Sa next na gagawin mo, mejo bawasan mo yung mga sobrang paligoy ligoy sa kwento para hindi sya humaba ng sobra para hindi ma-bore yung mga readers mo. Ang gawin mo, mas konti yung chapter pero bawat chapter ay mas mahaba pero malaman. Ganon din naman yun, madami lang yung chapters/parts na ginagawa mo pero mejo, konti lang yung laman. Sana magets mo yung ibig ko sabihin.
ReplyDeleteI DARE YOU to write ng bago na hindi ka gagamit na ang isa sa mga characters ay may "malalang sakit or pwedeng mamatay."
Pansin ko kasi, favorite mo gamitin yun as conflict sa mga stories mo so parang paulit ulit lang yung kwento. Minsan naman, magkaka amnesia yung isang character. Mejo gasgas na at luma na kasi.
So ang gawin mo, take some time, magbasa ng ibang stories, magmasid ka sa paligid mo at makakakuha ka ng kwento, ng bago at malayo sa nakasanayan mo. Tambay ka sa public places, minsan magpaka chismoso ka at makinig ka sa usapan ng mga nasa paligid mo para makakuha ka ng idea. Para mas makatotohanan ang kwentong gagawin mo.
Alam kong fiction yung ginagawa mo pero hindi ibig sabihin non na sobra mo na syang ilalayo sa katotohanan. Naiintindihan mo ba?
Para mas relatable yung kwento.
Wag lang sobrang layo sa katotohanan. :)
At ito pa, gay/bi yung genre mo di ba? Yung character, kapag nagpapakilala, sinasabi na bisexual sila pero from the start hanggang ending ng story ay gay naman talaga yung character at hindi bisexual.
Ang ibig ko lang sabihin, PARANG ang ginagawa mo, pinapakilala mo siya as bisexual para lang masabi na "kilos/itsurang lalaki" ang naturang tauhan. Pero sa buong story, hindi naman sya or never syang attracted sa opposite sex. Nagets mo?
So pwede namang sabihin na lang ng character na "GAY" talaga sya pero kilos/itsurang lalaki sya para walang "Discrepancy". (Para din 'yan sa ibang writer. Yun kasi ang madalas ko mapansin sa ibang kwento na ganito yung genre).
Tips lang naman.
Hays! Ang haba na naman ng comment ko. Bye.
--ANDY