Hello Guys. I know it's been a while. Halos mag one year na din since nung huli ako nag sulat. Dati ko pa naman gusto na Irevised tong kentong ito. I-edit kumbaga. Para naman hindi masyadong mabilis ang phasing. Kaya heto ako ngayon. On the spot. Hahahah. I hope You will like it.
May ginagawa akong kwento and I don't know if mapopost ko pa siya dito. Medyo mahirap ng isingit sa schedule kasi kaya ayon.
Enjoy. :D
...............................
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers caused by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Paano nga ba magmahal ng isang kaibigan?
Paano mo nga ba isasa-alang-alang ang pagkakaibigan ninyo kapalit ng inyong pagmamahalan?
Alam naman natin na mas matimbang ang pagkakaibigan kaysa sa kahit anuman.
Pero kaya nga ba natin na ipagpaliban ang pagkakaibigan para lamang humakbang sa mas mataas pang pagsasama?
Kakayanin mo ba na sumugal sa mga bagay na pwedeng makasira at makasakit sayo?
Best Friend... Matalik na kaibigan... Sanggang dikit...
Sila ang mga taong tangi nating sinasandigan.
Pero kaya mo nga ba silang ipagpalit laban sa pag-ibig?
...
..
.
Yan ang mga tanong na bumagabag sa buhay ko matapos ang lahat ng napagdaanan ko.
Isang simpleng pamumuhay lang ang naman talaga ang aking nakagisnan mula pa noong bata ako. Hindi kami ganon kahirap at hindi rin mayaman ng sobra, kung irarate eh nasa average lang naman kami, sakto lang para mabuhay sa pang-araw-araw.
Simple lang naman talaga ang gusto kong buhay, yung walang istorbo sabuhay, walang prinoproblema yung tipong chill-chill lang. Alam yan ng mga kaibigan at katropa ko. ALam nila na ayaw ko sa lahat ay yung hassle.
Marami akong kaibigan, mga kabarkada at higit sa lahat mayroon akong isang bestfriend na talgang masasabi kong pag wala siya, parang wala na rin ako. Sanggang-dikit nga ang tawag sa amin ng best friend ko.
Lahat na ata ng kalokohan ay pinag gagawa namin. Lahat ng mga bagay na pwedeng magpasakit sa ulo ng magulang amin eh nagawa na namin. Pero hindi kami mga adik na tao. Sadyang pilyo lang kami minsan. Pero natututo ako sa mga pagkakamali ko.
Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Dylan at ang bestfriend ko si Johan.
Hindi naman sa pagmamayabang eh may itsura naman ako kahit papaano, sakto lang ang height sa katawan, medyo makinis ang mukha kasi hindi naman ako palakain ng mga nakakataghiyawat na pag kain. Pero meron akong kalaban sa kagwapuhan, yan ay si Johan. Kilabot nga daw kami ng skul dahil sa angking kagwapuhan. Pero masasabi ko na ang pwede lamang na makatalo sa aking kagwapuhan ay si Johan.
Hindi naman sa nababakla ako sa kanya pero kapag kasi tinititigan mo ang mukha niya eh matutulala ka na lang kasi parang nakakita ka ng isang anghel. Ang gwapo na nga ng mukha pati na rin ang boses ang gwapo pa.
Matagal tagal na rin kaming magkaibigan ng mokong na to. Kung nagkakaproblema man kami o nagkakatampuhan, nareresolba naman agad namin.
Ang sabi namin sa isa't-isa ay walang sikreto dapat na itinatago. Ayaw ko kasi na pinaglilihiman ako kasi nasisira ang tiwala ko. Alam niya yan kaya nga nung isang beses na naglihim siya sa akin, inabot ng linggo o buwan bago ko siya kinausap.
Hindi na sana magkakaroon ng malisya ang sobrang lapit naming pagkakaibigan, hanggang may insidenteng nangyari na siyang nagpagbago sa takbo ng aming pagkakaibigan.
Isang araw nagkayayaan kaming mag inuman dahil na rin sa tagal naming hindi nagkasama-samang magkakatropa. Siyempre si loko payag agad kasi naman ang bahay alak ata ng mokong na to eh dinaig pa ang bahay alak ng ilang katropa namin na kakilala ko.
Siyempre sa mga okasyon na ganito ako ang taya sa pulutan at siya naman pati mga katropa naming taya sa inumin na halos sasabog na ata ang tiyan ko sa sobrang dami ng binili.
"Taena naman ninyo, an
o bang tingin ninyo ha? Papatayin ba ninyo mga sarili ninyo sa dami niyan?" sabi ko na lamang sa kanila.
"Gago, si Johan ang nagsabi nan. Baka may problema kaya nagpabili ng ganyan kadami." sagot naman nila.
"Wala naman nasasabi sakin yun eh. Baka naman pumapag-ibig ang loko." sabi ko.
"Baka naman binusted mo tol."
"Gago. Teka nasaan na ba yun?"
"Nasa kanila pa ata eh."
"Oh sige ako na bahala. Diretso na kayo doon sa tambayan. Ako na ang bahalang kumaon sa lalaking yun. Oy yung pulutan dagdagan ninyo. Mukhang kukulangin yung binili ko eh."
"Wag na."
"Sus, ayaw lang ninyong maglabas ng pera."
Hanggang sa nagtext si Johan sa akin. "Tol, dito nalang tayo sa bahay mag inom. May ihahanda si ermat na pulutan."
Nagreply naman ako. "Tamang tama tol naghahanap pa kami ng pulutan. SIge sige paunahin ko na sila Michael jan."
Agad naman akong nagtaas ng tingin sa kanila at sinabi ang tinext sa akin ni Johan. "Oy mga ugok, nagtext si mokong. DUn daw tayo sa kanila. Una na kayo kila Johan, sunod na lang ako." sabi ko.
"Oh bakit daw?"
"Nagluto ng pulutan si tita."
"Ah tamang-tama. Siya tara na." yayani Micahel.
"Una na kayo. May tatapusin lang ako tapos sunod na ako." sabi ko na lamang.
"Ah sige tol. Sabihin nalang namin kay Johan na susunod ka." sabi nila at saka umalis na.
Pumasok ako sa loob ng bahay namin at saka tinapos ang iniuutos sa akin nila mama. Nagmadali na rin akong umalis kasi alam kong magbubunganga yung mga katropa kapag natagalan ako.
"Ma, alis na po ako naghihintay na sa akin sila Johan." sabi ko.
"Dito ka ba tutulog?" tanong nito.
"Baka po kila Johan na po."
"Okay sige. Ingat ha."
"Opo." at saka ako nagmadaling umalis.
Habang papunta na ako sa bahay nila Johan, di ko sinasadyang may mabunggo akong isang lalaki. Dahil na rin sa nakatutok ang aking mga mata sa aking cellphone kaya di ko nalang namalayan na may tao pala sa dinaraanan ko. Minsan kasi parang hari ako ng daan kapag naglalakad kaya lakad lang ng lakad.
Agad kong tinignan ang lalaking nabunggo ko at habang tinititigan ko siya ay kinikilala ko kung sino ito. Hindi ko siya namumukaan at parang ngayon ko lamang siya nakita sa lugar namin. Marahil bagong lipat ang lalaking ito.
“Pasensya na ha, hindi kita napansin, nagmamad…..” biglang tigil siya ng mapatingin siya sa akin.
"Ayos lang yun tol. Pasensya ka na at hindi kita napansin. Abala kasi ako sa ginagawa ko kaya ayon."
"Hindi ayos lang, ako naman talaga nakabunggo sayo." sabi niya.
Tinitigan ko siya ng matagl bago ako makapagsimulang magsalitang muli. "Ay oo nga pala, bago ka ba dito tol? Mukhang ngayon lang kita nakita dito." sabi ko.
“Ako nga pla si Cris, bagong lipat kami dun sa malaking bahay sa kanto.” pakilala niya sa akin.
“Ako nga pala si Dylan, nakatira dun sa ikatlong bahay malapit sa inyo. Hehe” sabay tawang nakipagkamay sa kanya.
“Nice meeting you.”
“Ako rin”. At nagkatawanan kami. "Pasensya ka na at nabunggo pa kita. Nahulog mo pa tuloy yang mga dala-dala mo."
"Ayos lang talaga tol." sabi nito sabay ngito. Agad ko namang napansin ang angking kagwapuhan nito lalo na at may dimples ito. Walanjo, mukhang makakalaban ko pa to sa pagwapuhan dito sa barangay namin ah.
“Gusto mo bang sumama sa amin? Mag iinom kami. Diyan lang naman sa malapit. Alam mo na, para naman makilala mo mga tropa ko.” Tanong ko sa kanya.
“Gusto ko sana kaso may ibibigay pa ako sa tita ko eh.”
“Saan ba yun?” tanong ko.
“Ah doon sa Kabilang kanto pa.”
“Ganito na lang, samahan nalang kita tapos punta na tayo sa bahay ng best friend ko. Madami-dami kasi itong binili nilang alak kaya kailangan namin ng madaming tao.” pagyaya ko.
“Ok. Sige sabi mo eh. Makakatanggi pa ba ako?”
"Hahaha. Hindi ka rin kasi makakahindi sa akin tol. At isa pa, pakunswelo na rin ito para naman may bago kang makilala dito sa lugar natin."
"Sabi ko nga. Sige tara na at baka naghihintay na yung mga katropa mo." sabi ko.
At ganun nga ang nangyari, tinulungan ko siyang magbitbit ng mga dala-dala niya at pumunta kami sa tita niya. Matapos nun eh dumeretso na kami sa bahay nila Johan. Nakita ko naman na kanina pa naghihintay ang mga katropa ko ng dumating kami.
“Dylan, bat ba ang tagal mo? Alam mo bang kanina pa ako binubungangaan ng best friend mo? Teka, at sino yang kasama mo?” tanong ni Michael.
“Ah siya nga pala si Cris bago naming kapitbahay, nakabanggaan ko siya sa may kanto eh tapos nagkakilala na kami at ayon, isinama ko siya dito. DIba the more the merrier? Ok lng ba?” tanong ko sa kanila.
“Ok lang un. Ayos nga yun eh dumadami na tayo sa tropa.” Sagot naman ni Ivan.
“Buti na lang at nakilala ko itong bagong kaibigan ko eh. Matulungin at mabait.” sagot ni Cris sabay akbay sa akin.
Nang magkatinginan kami ni Johan, nakita kong mukhang bad trip siya dahil nakangisi siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero iniwas lamang niya ang tingin niya sa akin. Agad naman akong umalis sa kinatatayuan ko at saka lumapit sa kinatatayuan ni Johan.
“O tol bakit ang sagwa ng mukha mo? Anong nakain mo at nakasimangot ka ng ganyan?” Pabiro kong tanong.
Ngunit hindi niya ako pinansin. “Oi ano ba ba't ganyan ka? May problema ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala to, antagal mo kasi. Tapos kung saan-saan ka pa pumunta.” Ganting tugon niya.
“Loko ka talaga. Naku napaka seloso nito, nawala lang ng saglit eh nagseselos na agad.” panloloko ko sa kaniya.
"Ay siya-siya tayo na at maginuman na.” paanyaya niya at saka nagsimulang uminom.
Ramdam kong badtrip talaga itong si Johan sa akin. Pero parang ramdam kong hindi niya gusto si Cris. Napapnsin ko kasi na kapag si Cris na ang tatagay eh halos mapuno na yung shot glass. SIya kasi ang tanggero kaya ayon.
Tawanan, kwentuhan at marami pang iba. Sila Ivan at Michael bangkang-bangka sa kagaslawan at kalokohan. SI Cris naman eh mukhang nakumportable na sa amin dahil sumasali na rin siya sa kwentuhan.
Hindi pa rin ako halos kinikibo ni Johan kaya naman hinila ko siya sa may isang tabi at kinausap. Tinignan kami nila Michael pero hinayaan na lamang mag-usap.
"Ano bang problema tol? Napapansin kong medyo iwas ka sa akin ah. May nagawa ba ako?" tanong ko.
"Wala."
"Wala? EH ano yang pinapakita mo sakin? Tol naman oh."
"SIno ba kasi yang isinama mo? Tapos may paakbay-akbay pa sayo. Feeling close. Baka naman gago yan ha. Baka naman masamang tao yan."
"ANg judgemental mo naman tol."
"Hindi mo ba napapnsin? Kanina ko pa nakikita na sobrang clingy niya sayo. Laging nakahawak sayo."
"Yun lang ba tol? Yun lang? Normal naman yun tol eh. Kesa naman sa tsinatsansingan ako. Tol, sa braso lang naman niya ako tinatapik kapag niloloko ko siya ah."
"Tol, ramdam ko. Malagkit ang tingin niya sayo. May gusto yan sayo!" giit nito.
"Tol ayos ka lang? Yang kagwapong yan magkakagusto sa akin? Tangina naman tol, wag ka ngang ganyan."
"Hindi mo ako maiintindihan."
"Mamaya nga natin pag-usapan yan. Dito ako matutulog at hindi tayo matutulog nang di yan napag uusapan. Baka may ibang problema kang iniisip kaya nagkakaganyan ka." sabi ko at saka ko siya niyaya pabalik.
Umabot kami ng halos madaling-araw na noon. Unti-unti ay naramdaman ko na na umeepekto ang alak sa aking kalamnan. Nag-iinit na ang aking pakiramdam. Nagsiuwian na yung iba naming kasamahan hanggang sa matira na lang ako, si Johan, Cris at Ivan.
“Mga tol, alam ninyo ba, grabe ang tama ko sa isang tao. Mahal na mahal ko. Hindi ko kayang mawala ang taong iyon.” Salita ni Johan.
“Nagdrama nanaman ang gago. Luko-luko ka tlaga. Sino naman yan?” Tanong ni Ivan.
“Secret, di pedeng sbihin, kay best ko lang sasabihin…heheheh”
Mukhang may problema nga ito kaya nakasimangot kanina pa. Maguusap nalang kami mamaya. Pero umiikot talaga ang paningin ko.
“Ay siya-siya tayo ay maguwian na. Mga Tol, hindi ko na talaga kaya.” Sabi ni Ivan. Kasabay na niyang umuwi si Cris.
"SIge tol..." sabi ni ris at umalis na rin.
Dahil sa kalasingan sa bahay nalang ako ni Johan natulog. Sanay naman sila tita na dito ako natutulog. Minsan nga eh linggo bago ako umuwi ng bahay. Nagpaalam naman ako kila mama na dun muna ako matutulog.
Dinala ako ni Johan sa Kwarto niya at inihiga. Tapos tumabi na rin siya sa akin.
Agad naman akong nakatulog dahil na rin sa kalasingan. Humiga ako sa kama ni Johan at naramdaman kong tumabi ito sa akin.
"Tol... usap na lang tayo bukas..." sabi ko.
Hindi siya umimik. Galit pa rin kayo to sa akin? Agad akong tumagilid at nakita kong nakatitig siya sa akin.
"Payakap nga tol para naman mawala yang tampo mo sa akin." sabi ko at niyakap ko siya.
Nakatulog na lang ako nang ganun ang pwesto. Wala namang malisya sa ginawa ko. Nakita na naman namin ang lahat-lahat sa amin kaya wala ng hiya-hiya pa.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahalik sa aking leeg. Naramdaman ko ang kiliti kaya naman napamulat ako. "uhhhhm." ungol ko.
Hindi ko maaninag kung sino ang humahalik sa akin. Pakiramdam ko nananginip ako. Baka naman nanaginip lang talaga ako. Pero ilang sandali lang ay hinalikan ako bigla sa aking mga labi at sa naaninag ko kung sino ang humahalik sa akin.
“Putik, si Johan to ah. Anong ginagawa niya sa akin.” Sabi ko sa sarili.
Nang mga sandaling iyon natauhan ako, itinulak ko siya at inilayo sa kin. Dahil pa rin sa kalasingan kaya nahihilo ako.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment