Para po sa lahat ng sumubaybay sa Less Than Three, lubos po akong nagpapasalamat sa mga walang sawang sumuporta at nagbasa sa akin kwento.
Humihingi po ako ng tawad sa tagal kong mag update. Mahirap lang po talagang pagsabayin ang mga majors subject ko sa pagsusulat.
I hope marami akong nainspire... napakilig at napamangha sa aking pagsususlat. Maraming salamat sa mga comments, reactions and violent reaction.... Sa totoo lang ang childish ko gumawa ng kwento (since bata pa naman ako) HAHAHAHA... pero sa totoo lang, nagsusumikap akong ayusin ang pagsusulat ko.
I know marami na akong nagawang kwento at marami pang nakaline up at nag lolooking forward ako na maisulat ko ito pero hindi ko masasabi kung kailn ba ako makakapag sulat ulit o KUNG MAKAKAPAGSULAT PA BA AKO ULIT.
Marami na akong gustong baguhin sa sarili ko at baka maapektuhan na yung pagsusulat ko, kaya siguro bago pa mahuli ang lahat ay gusto kong magpaalam sa inyo kung sakali man na hindi na ako makakapag sulat ulit.
Ang drama ko na naman oh, jhahahaha. Salamat sa lahat ng nag follow sa akin at nag add sa akin kahit na sobrang drama ng timeline ko, okay lang sa inyo. Thanks tala guys. Di ko kayo makakalimutan.
Hala nobela na naman eto... hahah
Just want to say THANK YOU VERY MUCH! kasi kayo ang inspiration ko bilang isang writer. Love you guys!
Hanggang sa Muli...
Dylan Kyle Santos
..................
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 58
[Alex’s POV]
“Oh baby, finish it up na para naman
makauwi na tayo.” Sabi ko kay Liam.
“Daddy, di ba nila tayo susunduin?” tanong
niya.
“Anak, gusto ko i-surprise natin sila sa
pagdating natin. Para magulat sila pag nakita ka nila. Diba gusto mo makita
sila lola mo?”
“Opo. Excited po ako kasi lagi ninyo siyang
kinukwento sa akin. Mabait po siya diba?”
“Sobrang bait.” Sagot ko.
“Kaya baby kailangan behave ka ah.” Sabi ni
Eloisa
“Opo. Behave ako. I’m a big boy now.”
“Good, yan ang gusto ko sa baby ko kasi big
boy na siya. Kiss mo nga ang mama.”
Agad namang lumapit si Liam at hinalikan si
Eloisa. Sobrang cute talaga ng batang ito. Nakuha ni Liam ang mga mata ni RD. Kitang-kita
ko ang batang RD sa batang ito.
“Oh baby, tapusin mo na yan ha.” Sabi ko.
“Opo.”
Hinagilap ko ang phone ko at tinawagan si
kuya Alec. “Hello kuya Alec.”
“Hello Alex, oh nanjan na ba kayo?” Sagot
niya.
“Yup. Medyo patapos na kami, hinihintay
lang namin si Liam matapos kumain.”
“I think Kuya Jun will be there soon.
Kanina ko pa siya pinaalis eh. Ingat kayo ha.”
“Yes. How are you ba jan?”
“Excited yung mga pinsan ni Liam na makita
siya ulit. After ilang years eh makikita na nila ulit siya. Dalaw kayo bukas
ha. Alam ko naman na pagod kayo at gusto ninyong sulitin ang oras kasama sila
tita at kuya mo.”
“Ah sige ba. Yaan mo magdadala ako ng
pasalubong sa inyo. Sigurado ba kayo na wala kayong pinagsabihan na darating
ako?”
“Oo, kilala kita. Alam kong gegerahin mo
ako kapag may pinagsabihan ako. Don’t worry.”
“Good. By the way, nakikita ko na ata si Mang
Jun. The one who wear gray shirt right?” tanong ko.
“Oo. Siya nga.”
“Ah sige salamat kuya. Oo nga pala, before
I forgot. Na e-mail ko na sayo yung report para sa new project ko. Nakita ko na
yung mga costs and expenses na ibinigay ng finance account. Pupunta ako sa main
office bukas para asikasuhin yon, so andun ka ba sa office bukas ng umaga?”
“Alam mo napaka workaholic mo. Wag mo na
muna asikasuhin yun. Eric will find ways. Alam mo naman yun, di papatalo sayo
yun.”
“Hahaha. Okay kuya.”
“Are you okay ba?” tanong niya
“Oo naman. I’m back. I’m more than okay.”
“Kinakabahan ka ano?”
“Nope.”
“Really? Paano kapag sabihin ko na nanjan
lang si Kieth sa tabi-tabi?”
“Fuck!” bigla kong nabulalas at napatayo sa
kinatatayuan.
Agad akong tumingin sa aking likuran at
hinanap ang bulto ni Kieth. Why all of the sudden? Parang, parang… Parang
kinakabahan ako. Handa ko na ba talaga siyang harapin? Anong gagawin ko? Anong
sasabihin ko kapag nakita ko siya? Fudge naman oh.
“Hey… may problema ba?” tanong ni Eloisa.
“We got to go.” Sabi ko.
“Bakit?”
“Nanjan na si mang Jun.” sabi ko.
Agad akong bumalik sa phone at narinig ko
lamang ang malakas na halkhak ni kuya Alec. I know it, pinaglalaruan lang ako
ng lalaking ito. Kapag nakita ko talaga to, sasapukin ko.
“Baliw ka.” Sabi ko.
“Kung makikita ko lang reaksyon mo,
malamang namatay na ako sa katatawa.,”
“Ewan ko sayo. Sige na aalis na kami.”
“Miss ka na nun. Puntahan mo na. I think
sobra ka na niyang gusto makasama.”
“Bahala siya. Maghintay siya.” Sabi ko.
“Pakipot ka pa eh. Sabik ka na naman na
makita siya. After this years, hindi mo ba siya hahanap-hanapin? Paano na kung
mayroon na siyang iba?”
“Edi I will be happy for him.”
“hindi ka maggagalit?”
“Nope.”
“Asus, bakit lumalabas sa ilong yang
sinasabi mo? Ayaw mo pang aminin na hanggang ngayon eh nagtatampo ka sa kanya.”
“Sige na a-alis na kami. Dami mo pang
nalalaman.”
“Oo na. Ingat kayo. By the way, wala bang
binilin si mama?”
“Ah oo nga pala. Ipaayos daw uuwian nila sa
bahay ninyo. Sa makalawa daw eh uuwi na sila. May tinatapos lang sila doon.”
“Roger that.”
“Sige got to go.”
Nag bye ako at ibinaba ang call. “Tara?”
“Tara.” Sagot ni Eloisa.
Tinulungan kami ni Mang June na mag hakot
ng gamit namin saka kami sumakay ng sasakyan at nagsimula ng pumunta sa bahay
namin. Excited ako na kabado kasi after all these years, sa wakas makikita ko
na sila.
It’s been almost 7 years nung mawala ako at
mawalay sa kanila. 7 years na nagtiis na makalayo para mag grow at maging
tamang tao para sa kanila. Marami na rin ang nagbago sa akin. Itsura, maybe.
Naging mas mature na din daw ako. Hindi naman ako naging mapagmataas na tao.
We always see each other sa skype. After 1
year na pananatili ko sa ibang bansa ay nagdesisyon ako na gumawa ng paraan
para makita sila at makausap. Lalong gumuho ang puso ko nang makita sila,
namiss ko sila pero hindi pa ako pwedeng umuwi. Kailangan ko pang tapusin ang
dapat kong gawin.
Matapos ang lahat ng mga taon na ito, uuwi
ako para tapusin ang lahat ng naiwan ko dito. Si Kieth, kailangan kong harapin
at ayusin ang lahat ng gusot kung ano ang meron kami bago ako magpatuloy sa
panibagong buhay ko.
(Flashback)
“Okay
na naman ako, bakit ayaw mo pang bumalik sa Pilipinas? Gabi-gabi na lang kitang
nakikita na umiiyak. Hindi mo ba sila namimiss? Yung mama mo? Tuwing pasko alam
ko gusto ka niyang makapiling. Kada araw na lumilipas, siguro nalulungkot yun
kasi nawalay ka.” Sabi sa akin ni RD.
“Kung
okay ka na edi dapat nakabalik na tayong lahat sa Pilipinas.”
“Konti
na lang naman at magiging okay na ako diba?”
“Wag
mo nga akong lokohin. Tignan mo ang katawan mo, bagsak na bagsak. Kung alam mo
lang kung gaano kami nag aalala sa kalagayan mo.”
“Wag
mo na kasi akong intindihin. Diba nandito na naman sila Eloisa? SIia mama
nandito na rin.”
“Pero
pangako ko sa sarili ko na babalik lang ako sa Pilipinas either kasama ka or…”
di ko na natuloy ang sinasabi ko.
“Hindi
ako mamatay…” mariin niyang sinabi.
“RD
wag na natin pag usapan.”
Hinawakan
niya ang kamay ko at biglang hinatak papalapit sa kanya at niyakap ng sobrang
higpit. Hinalikan niya ang ulo ko saka iniyakap muli ang kanyang mga braso sa
aking katawan.
“Paano
mo ako mamimiss kapag nawala na ako dito sa mundong ibabaw? Anu-anong mga bagay
ang mamimiss mo sa akin kung sakali man na mamatay ako?”
Hindi
ako makasagot dahil sa hirap akong sumagot. Bakit ba nahihirapan ako sumagaot?
Hindi naman to ang unang pagkakataon na nawalan ako ng taong mahal sa buhay.
“Alam
mo kung gaano ako nasaktan nung mawala sa akin si Blake. Alam mo kung gaano ako
nahirapan sa tuwing maalala ko na nawala
siya sa tabi ko. Masakit RD. Sobra. Araw-araw namimiss ko siya.
Gabi-gabi umiiyak ako.”
“Iiyak
ka ba kapag namatay ako?” tanong niya.
“Hindi…”
“Ang
sweet mo naman…”
“Kasi
alam kong mabubuhay ka pa. Pinabantayan kita kay Blake at alam ko na hindi ka
pa niya kukunin sa akin. Alam ni God kung gaano ko kagusto na mabuhay ka.”
“Pero
alam naman natin na pwedeng mangyari sa akin yun.”
“Kilala
kita RD, alam kong may inspirasyon kana para mabuhay pa at hindi mo hahayaan si
Liam na mawalan ng tatay.”
“Nanjan
ka naman para pumalit sa akin. Di mo naman pababayaan si Liam diba? Pati si
Eloisa. Di mo naman pababayaan ang dalawang taong pinahahalagahan ko at
pinakamamahal ko diba?”
“Pero
lumaban ka… please…”
“Simula
pa lang naman lumalaban na ako.”
“Hihintayin
ka pa ni Arjay sa kasal niya.”
“Sana
lang umabot pa ako.”
Agad
kong inilayo ang ulo ko sa kanya upang hindi niya makita na umiiyak ako. Ngayon
pa lang ramdam ko na namamaalam na siya. Pero alam ko kakayanin niya. Sabi ng
doctor may progress naman kaso nanghihina talaga ang katawan niya dahil na rin
sa mga treatment sa kanya.
“Yats…
may pakiusap sana ako.” sabi niya
“Ano
yun?”
“Kung
sakali man na mawala ako, sana wag mong hahayaan sila Eloisa na mamuhay
mag-isa. Pilitin mo siya na tumira kila mama at papa. Wag na wag mo siyang
pababayaan at dapat ingatan mo siya. Alam ko marami na akong utang sayo pero
hindi naman siguro kalabisan kung hihilingin ko na ingatan mo ang mag ina ko.”
“Kahit
di mo naman sabihin iingatan ko sila. Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Lagi
naman akong may tiwala sayo.”
“Magpagaling
ka na nga lang para wala ka ng ihahabilin sa akin. May tiwala ako sayo na
patuloy ka pa rin makikipaglaban. Para sa amin, sana wag kang mawalaan ng
pagasa. Nandito lang kami para tulungan kang maibsan ang sakit na nararamdaman
mo. Magtiwala ka sa amin.”
“Pero
bago pa man ang lahat… bago ko makalimutan. Gusto ko sana na ihingi mo ako ng
tawad kay Kieth sa lahat ng nangyari.”
“Hindi…”
“Yats
naman.”
“Ikaw
ang humingi ng tawad sa kanya. Kapag nawala ka, hindi na ako makikipagbalikan
sa kanya. Tandaan mo yan.”
Isang
pisil sa aking kamay ang siyang isinagot niya sa akin. Yun na ang huling usapan
namin tungkol sa bagay na yun. Inaasahan ko na lalaban siya sa kanyang laban.
(End of Flashback)
“Sir saan po ba tayo?” biglang tanong ni
mang Jun.
“Ay sorry… nakalimutan kong sabihin. Sa may
kanto ng Escueta.” Sabi ko.
“Ah okay po. Dito ho ba?”
“Oho, isang liko sa kaliwa tapos diretso
po. Yung kulay Blue na gate po, yun na po yung amin.”
Nagmasid-masid ako sa paligid at nakita ko
ang karamihan ng bahay na nadagdag sa lugar namin. Sobrang dami na rin ang
nangyaring nagbago sa lugar na iyon. Ang hirap na rin matandaan kung anu-ano
nga ba ang pinagbago na ito.
Ilang kabog ng dibdib ang gumugulo sa akin.
Ilang beses na rin akong di mapakali nang makita ko na papalapit na kami sa
bahay namin. May tao kaya sa bahay? Kamusta na kaya si mama? Halos isang buwan
rin akong di nagparamdam sa kanila.
“Loisa… Liam… gising na malapit na tayo.”
Ang bungad ko sa kanila.
Kita ko ang mabagal na pagmulat ng mata ni
Liam. Agad ko namang pinunasan ang pawis na may roon siya sakanyang leeg. Agad
ko siyang ikinalong at hinalikan. Amoy baby pa rin kahit na malaki na tong
batang ito.
“Sorry nakatulog ako.” sabi niya
“Ayos lang… alam kong pagod ka. Jet lag
maybe.”
Kita ko ang pagtingin ni Liam sa paligid.
“Makikita mo na rin si lola mo.” Sabi ko.
“Yehey…” pagtatalon niya sabay kiss sa
akin.
“Sigurado akong magugulat yun kapag nakita
nila si Liam at ipakilala mo sa kanila na anak mo siya.”
“Okay lang yun Eloisa. Diba nga daddy na
rin ako ni Liam? So anak ko na rin siya.”
“Sabi ko nga.” Sabi niya sabay ngiti sa
akin.
Ilang minuto lang din ay nakita ko na rin
ang harapan ng aming bahay. Naramdaman ko na lang ang sarili ko na lumuluha. Sa
tagal kong di nakapunta dito, malamang marami na rin ang nagabago.
“Daddy, bakit ka po umiiyak?” tanong niya
“Masaya lang ako anak.” Sagot ko.
Itinigil ni Mang Jun ang sasakyan sa
harapan ng bahay namin. Bumaba na kami at tinitigan kong mabuti ang bahay na
ito.
Lalo pang lumawak ang aming bahay at tumaas
ito. Halos di ko na rin makilala ito dahil sa laki ng pagbabago. Ang gate namin
ay blue pa rin pero lalong tumaas ito. Nag hiyawan na ang mga aso. I’m sure may
bagong inaalagaan sila mama.
“Were here.” Sabi ko.
“Welcome home.” Sabi ni Eloisa.
“Yeah… after 7 years…”
Nagpunas ako ng aking luha bago ko
pinuntahan ang doorbell ng bahay at inihanda na ang sarili. Kailangan
siguraduhin ko muna na masusurprise si mama kapag nakita ako.
Nakarinig ako ng hiyaw ng isang babae. Mukhang
si mama. “Teka lang.”
Boses pa lang ni mama, nanindig balahibo na
agad ako. Gusto ko na siyang mayakap. Narinig ko na ang pagbubukas ng gate ng
bahay. Waah. Di ko na mapigilan ang sarili ko.
“Ma…” ang nasabi ko nang makita ko si mama
sa may harapan ng gate.
Kitang-kita ko ang pagkagulat niya nang
makita ako. Alam ko allthese years ay nagtatampo si mama kasi hinayaan ko lang
na hindi ako bumalik dito sa Pilipinas. Tila ba nawalan ng lakas si mama ng mga
sandaling iyon at bigla siyang napaupo sa aking harapan.
“Ma!” sigaw ko.
“An… anak…” at tuluyan na nga na umiyak si
mama.
“Ma… ano ba naman yan… tumayo ka nga… kaw
talaga… Oh, nandito na ako.”
“Ikaw ba talaga yan ha anak?” kitang kita
ko ang pananabik ni mama hanggang sa tuluyan na niyang akong niyakap.
“Ma… namiss kita… miss na miss na kita.
Matagal kong inasam na makasama ka. Ang tagal kong hinintay na makasama ka at
mayakap ka. Maaa…” garalgal kong boses.
“Nagtatampo na nga ako sayo. Ilang bses ko
nang kinukulit ang kuya mo na pauwiin ka kaso ayaw mo daw. Nag isip na din ako
na baka galit ka sa akin. Anak, ang tagal kitang hinintay… mahal na mahal kita
anak.”
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kapag
nagkita kami ni mama eh puro kadramahan na. Pero iba talaga ang feeling kapag
nasa bahay ka. Iba ang pakiramdam kapag nanjan ang nanay mo at ang pamilya mo
para salubungin ka.
“Welcome home anak…”
“Salamat ma.”
Pinahid ko ang luha ko at inayos ang
sarili. Napansin ko naman na nakatingin si mama sa aking likuran. Oo nga pala,
kasama ko si Eloisa at si Liam. Kita ko si Liam na nagtataka sa nangyayari.
“Baby…” tawag ko kay Liam.
“Baby? Anak mo?” kitang-kita ko ang
pagkagulat ni mama.
Sa tuwing mag uusap kami nila mama eh hindi
ko pinapakita si Liam. Alam kong magugulat siya kapag pinakilala kong anak si
Liam. Siyempre kailangan surpresa din.
“Anak… eto pala si lola mo. Mag mano ka sa
lola mo then introduce yourself.” Sabi ko.
Agad namang lumapit si Liam kay mama na
ngayon eh parang mahihimatay sa naririnig. Kitang-kita ko na parang nababalisa
si mama. Hahah. Ganyan talaga ang inspect ko na mangyayari.
“Hi Lola… I’m Liam… nice meting you po.”
Sabi niya
“Seryoso ka ba anak? Apo ko ba ito?” agad
namang umupo si mama at niyakap si Liam.
Isang ngiti ang isinagot ko sa kanya. Hinalikan
naman ni Liam si mama. Alam kong matagal ng gustong makilala ni Liam si mama
dahil na rin sa mga kinukwento ko sa kanya.
“Nga pala ma, si Eloisa.” Pakilala ko.
“Hi po. Magandang hapon po. Ako po pala si
Eloisa, nanay po ni Liam.”
Agad na nagmano si Loisa kay mama at si
mama naman ay napapatulala na naman. “Oh ma, natulala ka na jan. Ang ganda ni
Eloisa ano?” sabi ko.
“Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Nag-asawa ka nap ala. Kay gandang babae naman nitong napangasawa mo.”
“Ma, pag-usapan na natin yan sa loob. Pwede
ba na pumasok na tayo?” sabi ko.
“Oo naman anak.”
Tinulungan na naming maghakot si Mang Jun
ng mga gamit ko. Susyal na kami ah. Ang ganda na ng loob at labas ng bahay
namin. May mga kasamabahay na rin kami na siyang tumutulong siguro kay mama.
“Ma ang ganda na ng bahay natin.” Sabi ko.
“Oo
naman, tinutulungan ako ng kuya mo dito. May tindahan na rin ako na
pinagkakabalahan kaya napagawa ko ng ganito ang bahay natin. Mukhang nagustuhan
mo anak ah?”
“It is my dream house ma…” sabi ko.
“Nakita ko kasi sa mga gamit mo yung design
mo sa bahay natin nung maliit ka pa. Nagpatulong din ang kuya mo sa kaibigan
niyang architect sa pag sasayos nito.”
“Lola…” biglang tawag ni Liam.
“Ano yun apo?” kitang kita ko ang kasiyahan
sa mata ni mama.
“Is this daddy?” tanong nito.
Nakita ko kasi na nakadisplay ang picture
ko noong bata ako. “Oo apo. That is your daddy when he was 9 years old.” Sagot
ni mama.
“Naitabi pa pala ninyo yan mama.” Sabi ko.
“Oo naman. Teka bago ang lahat, mukhang
marami kang dapat i-kwento sa akin. Bakit nga ba di mo sinabi na babalik ka?
Edi sana eh nakapagprepare ako. Dapat naipaghanda ko kayo. Nakakainis kang bata
ka.”
“Ma, di na ako bata. May anak na nga ako
diba?”
“Kahit na. Halos 7 taon kang nawala sa akin
tapos babalik ka kaagad dito ng walang pasabi? Aba matinde ka ring bata ka. At
yung nakakagulat pa eh yung nag-asawa ka.”
“Ma, surprise nga eh.”
“Kumain na ba kayo? Teka magluluto ako.”
“Okay na ma, kumain na kami. Ma, san ba
pwedeng magpahinga si Eloisa. Medyo pagod siya eh.”
“Dun sa kwarto mo. Nalinis ko na yun
kahapon Buti pala at inayos ko yun.”
“Sige ma, kayo na muna bahala kay Liam.
Ihahatid ko lang si Eloisa sa kwarto. Tapos gagawa na kami ng kapatid ni Liam.”
Biro ko.
“Para kang timang.” Sabi ni Eloisa.
“Joke lang naman.”
At nagtawanan kami. Agad ko namang
sinamahan si Eloisa sa kwarto ko. Namangha naman ako kasi halos ganito pa rin
ang kwarto ko. Napansin ko lang ang ilang mga regalo na nakapatong sa aking
lamesa.
Alam ko naman kung kanino galing yun eh,
kay Kieth. Isa-isa kong binuhat ang mga iyon at binasa ang lahat ng nakasulat
doon. Ang mga regalo na nadoon ay noong birthday ko, nung pasko, valentines
day… at marami pang event sa buhay namin.
“Mahal na mahal ka ni Kieth ah.” Sabi ni
Eloisa.
“Ang swet niya no? Kahit na wala ako dito
eh may regalo siya. Kamusta na kaya siya? Kahit papaano pala ay namiss ko siya.”
“Kahit papaano? Eh base sa nakikita ko doon
sa Amerika eh araw-araw mo siyang namimiss.”
“Tss. Di ah.”
“Magseselos na ba ako?” tanong niya.
“Matulog ka na nga lang jan.”
“Nakakatawa ka pa rin kahit kailan.
Mahalingkwat nga mga regalo na ito. Hmmm. Baka naman expired na mga chocolates
jan?”
“Okay lang… kakainin ko pa rin. Galing
naman sa kanya.”
“Asus… kinikilig ka siguro ano no? Selos na
talaga ako.”
“Tsss. Di ah. Asa pa.”
“Excited ka ng makita siya?” tanong niya
“Ayokong magsinungaling sa sarili ko. Hindi
naman siya nawala sa isip ko eh. Sobrang namiss ko siya. Hindi ko alam kung ano
na nga bang nangyari sa kanya. Diba nga,
nung pumunta sila papa doon sa America eh iniiwasan ko na magtanong tungkol kay
Kieth?”
“Pero paano na yan? May anak ka na?” at
bigla siyang tumawa.
“Tsss. Oo alam ko.”
“Biro lang naman. You can always do what
you like.”
“Matulog ka na nga lang.”
“Ikaw na muna bahala kay Liam ha. Pasensya
ka na, medyo sumakit ulo ko eh.” Sabi niya.
“Pahinga ka lang, wag ka mag alala, ako
bahala sa kanya.”
Lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang
sala. Doon ko nakita si mama na tuwang-tuwa sa kabibuhan ni Liam. Kinuha ko ang
cell phone ko at vinideo ang nakikita ko.
“Hi daddy!” sigaw ni Lian.
“Hello.” Sagot ko sabay stop sa ginagawa
ko. “Kamusta naman ang bonding ninyo ni lola mo?”
“Mabait nga siya daddy.” Sabi niya.
“Maganda ba ang lola?”
“Opo maganda. Parang si daddy, pogi.” Sabi
nito.
Umupo ako sa tabi nila mama at inihiga ang
ulo ko sa lap ni mama. “Kamusta kayo dito ma?” tanong ko.
“Okay naman ako anak. Ikaw ba? Marami akong
di nalalaman sayo. Ni hindi mo sa akin sinabi na nag asawa ka na pala. Ikinasal
na ba kayo ha? At talagang nagkaanak kayo. Ikaw lalaki ka, inuna mo ang bugso
ng init bago kayo magpakasal. Nako anak, wag na wag mong pababayaan yang mag
ina mo ah lagot ka sa akin.” And here she goes tapos maluha-luha na siya.
“Ma, hinay-hinay lang.”
“Nakakagulat ka kasi. 7 years ago eh bata
ka pa na wala pang alam sa mga nangyayari, tapos biglang ganito? Pag uwi mo may
anak ka na. Aba, ako ata ay namamaligno na. Tapos di mo pa sinasabi na uuwi ka
na.”
“Ma, move on na. Nandito na ako.”
“Ano ba talaga ang nangyari? Kailangan
magkwento ka.”
“Ma… si Liam… di ko siya anak. Isa lang ako
sa kinikilala niyang ama. SI RD at si Eloisa ang tunay na magulang talaga ni
Liam.” Sabi ko.
“Ibig sabihin…”
“Yeah ma, di mo siya apo, pero pwede mo rin
siyang maging apo. Anak ko na rin siya mula ngayon.” Sabi ko.
“Pero gusto ko siyang maging tunay na apo.”
“Ikaw talaga ma, nung ipinakilala ko na apo
mo siya eh haols patayin mo na ako sa sindak.” Sabi ko.
“Ano bang anngyari kay RD? Nasaan siya at
bakit umuwi kayo agad?”
Ikinuwento ko lath nang nangyari kay mama.
Lahat ng pinagdaanan ko at ni RD. Nakinig lang naman si mama habang si Liam ay
naglalaro sa cellphone ko. Umuwi kami dito for good, dito na rin kami titira.
Isa lang ito sa dahilan. Ang isang dahiln ay dahil ikakasal si Arjay, oo si
Arjay na kapatid ko. Finally ay ikakasal na sa kanyang girlfriend.
“Anong balak mo ngayon anak ha?”
“Saan?”
“Dito?”
“Ma… bahala na. Ang mahalaga ay nandnito na
ako.”
“Alam na ba ng papa mo na uuwi ka dito?”
“Hindi pa nga eh.”
“Puntahan mo kaya o kaya tawagan mo. Magtatampo
yun sayo kapag hindi mo siya sinabihan.”
“Opo ma. Bukas siguro pupuntahan ko.”
“By the way, si Arjay pala ay pupunta dito.
Nagpatulong kasi siya sa akin, ako ang pinagluluto nila ng menudo. Sobrang
nagsutuhan kasi nila ang luto ko. Diba yan yung paborito mo?”
“So pupunta sila ngayon?” tanong ko.
“Yes.”
“Dingdong.” At alam ko na kung sino yan.
Agad namang tumayo si mama at sinalubong
sila sa labas. Agad naman akong nag-abang sa loob ng bahay at hinihintay na
lang na magulat sila sa aking pagdating. Narinig ko na ang boses ni Arjay at ni
papa. I’m sure kapag pumasok sila sa loob ng bahay namin eh magugulat talaga
silang dalawa.
“Hi tita… sorry ngayon lang kami nakadating
ni papa. Marami pa kasi kaming dinaanan eh.” Sabi ni Arjay.
“Tamang-tama nga ang dating ninyoi eh.”
“Ay bakit tita, may miryenda ba kami jan?”
“Tamang-tama gutom na ako.” sabi ni papa.
“May bisita kasi ako. Eh mukhang pupuntahan
niya kayo bukas, sabi ko pupunta naman kayo ngayon kaya hintayin na niya kayo
bago siya matulog.” Paliwanag ni mama.
“Ay, special ba yan? Sino yan? Si Kieth?”
“Nako, bukas pa pupunta yun si Kieth dito.”
Sabi ni mama.
“Ay ganun. Paano yan may bisita kayo, edi
di ninyo kami matutulungan.”
“Bakit anong meron?” tanong ni mama kay
Arjay.
“Isasama ka kasi naming dalawa, mag aayos
sa pagkain. Ikaw kasi nakakalam ng mga pagkain. Yung mama naman nito eh
inaasikaso ang mga decoration at venue kaya di makakasama. So sayang, mukhang
di ka makakasama.” Sabi ni papa.
“Okay lang, isama na lang natin siya. Siguro
okay lang naman sa kanya.”
“O? Nakakahiya naman sa kanya. Mukhang
importanteng tao yan eh.” Sabi ni Arjay
“Sobra nga eh. Pero tanungin ninyo siya
kung gusto ba niyang sumama.”
Narinig ko na ang mga yabag nila na
papalapit sa pintuan ng bahay. Agad akong lumapit kay Liam upang ihanda siya na
ipakilala sa kanila. Sa tuwing pagpunta naman nila eh hindi nila nakita ni
minsan si Liam.
“Anak, nanjan na si lolo. Papunta na siya
dito. Ready ka na.”
“Opo.” Isang ngiti ang ibinigay sa akin ng
batang ito.
Isa-isang pumasok sila sa pinto at tila ba
nakakita sila nang multo nang makita nila akong nakatayo doon at nag hihintay
sa kanilang pagpasok. Nabitawan ni Arjay ang kanyang hawak na mga papel
samantalang si papa naman ay agad na lumapit sa akin at niyakap ako ng
mahigpit.
“Oh anak… nandito ka na rin sa wakas.”
“Miss you papa.” Sabi ko.
“Miss you too anak.”
Binato naman ako ng unan ni Arjay. “Aray
naman.” Sabi ko.
“Susuntukin kita eh. Lagi tayong magkausap
sa skype tapos di mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka pala ngayon. Alam mo
nako…” galit na sabi ni Arjay.
“Gusto ko nga kayong isurpresa eh. Kayo
talaga.”
“Nasurpresa talaga ako sayo. Alam mo halos
hindi ako makapaniwala na nandito ka na at…” natigil siya sa pagsasalita nang
makita niya si Liam sa tabi ko.
“Ay oo nga pala…Baby… Si tito Arjay at si
Lolo. Say Hi to them.”
Halos mahulog ang mga panga nila sa sinabi
ko. As expected, eto ang reaksyon nila. SI Papa naman agad na umupo at kinarga
si Liam. SI Liam naman eh masayang-masaya. Gusto kong bigyan si Liam ng
maraming taong magmamahal sa kanya.
“Marami kang dapat ikwento sa akin.” Sabi
ni Arjay.
“Shall we start?” tanong ko.
“Later…” sabi niya.
“Sure. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Aasikasuhin ang kasal ko.” Sagot niya.
“Imba na ang utol ko ah. Lalaking-lalaki
na…”
[Kieth’s POV]
“Just fixed it while I’m not there. Babalik
din ako bukas. May pupuntahan lang ako. I need to get some time for myself.”
Sabi ko sa sekretarya ko.
“Yes sir. Nandito naman si Sir Jake para
mag asikaso.”
“Pakisabi kay Jake na pakihanda yung
proposal ni Mr. Lianco para dun sa structural building para sa bagong store na
gagawin. Pakidaan na lang sa bahay ko kamo.”
“Ah sige po. Ano pa po ba ang ipagbibilin
ninyo?”
“Uhm… May meeting ba akong sched ngayong araw?”
“No sir. Bukas po ng 8:00 am ay may meeting
kayo with board members… then 1:00pm ay may lunch meeting kayo kay Mr. Andrada
then 5pm po ay may meeting po kayo with our staffs.” Sabi niya
“Ah okay sige. Salamat. Paki habol pala kay
Mr. Casiano na ilagay sa table ko mamaya yung inventory na pinagawa ko. I need
to discuss it with the board tomorrow.” Utos ko.
“Yes sir.”
“Thank you.” then I end the call.
Tinatamad talaga akong pumasok ngayon,
nakakainis kasi ang daming ginagawa. Now I know kung bakit nawawalan ng time si
papa sa amin. Ganito pala yung work. Haixt. It’s been 5 years since nagsimula
akong magtrabaho sa company namin.
It’s been 7 years din naman na wala si Alex
sa tabi ko. & years na walang usap. 7 years na walang paramdam.
Nakikibalita na lang ako kay Arjay at kay mama pero wala namang silang ibang
sinasabi kundi, ‘okay lang siya, wag kang mag alala.’
Sa totoo lang, naghihintay lang ako ng
tamang panahon. Bakit daw ba ako hindi nag attempt na pumunta doon sa America
para makita siya? Isang simpleng sagot, isang pangako. Promise are meant to be
broken pero this time alam ko matutupad yun.
I answer my phone while I’m driving to
ate’s house. Naka headset naman ako kaya safe naman siya kaya don’t worry. “Hey
ate… yep papunta na ako.” bungad ko.
“Yung pinapabili ko ba?” tanong niya.
“Nabili ko na. About 5 minutes nanjan na
ako.”
“Ah sige, naghihintay na sila mama dito. Sabi
nila bakit ka daw hindi pumasok? Lagot ka.” Sabi niya.
“Ngayon lang naman ako hindi pumasok. At
isa pa, chance na rin natin to para makapag family reunion diba? Hahaha.” Sagot
ko.
“Oo na sige na. Ingat ka ha. Sa daan ang
mata ha hindi sa kung saan saan.”
“Yeah yeah. Para naman akong bata nito.”
“Oo na sig… oh Shit!” anong nangyari?
“Okay ka lang?”
“…”
“Ate… oy… anong nangyari sayo? Ate?”
“…” wala pa ring sagot akong naririnig kaya
naman nag full speed ako.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib,
ano ba kasing nangyayar? Ilang beses akong nag hello pero wala pa ring sagot.
Nakarating na din ako sa wakas sa bahay nila ate. Isang unfamiliar na sasakyan
ang bumungad sa akin.
“Kanino kaya ito?” tanong ko sa sarili ko.
“Hi kuya, pasok po kayo hinihintay po kayo nila
ate.” Sabi ng kasambahay nila.
“Teka, may nangyari ba dito? Tumawag kasi
si ate sa akin kanina tapos biglang naputol yung tawag. Alam ba ninyo kung ano
ang nangyari?”
“May dumating lang din po kani-kanina.”
“Sino?” tanong ko.
“Di ko po sila kilala eh. Ngayon ko lang po
sila nakita.”
“Ah sige. Patawag nalang si Eric, pakipasok
na lang nitong kotse ko.” Sabi ko.
“Okay po.”
Pumasok naman ako agad at inalam kung sino
ang dumating at sa kung ano ba ang nangyari kay ate. Humahangos akong pumasok
sa loob ng bahay at nakita ko sila na nakatingin sa akin lahat habang ako ay
nagtatanong na ‘what’s up?’
“Nandito ka na pala.” Sabi ni ate.
“Anong nangyari sayo? Eton a nga pala ang
pinabibili mo.” tanong ni mama.
“Para kang nakakita ng multo ah?”
“Ate ano bang nangyari sayo kanina?
Kinabahan ako ng di ka na sumagot eh. Nagmadali tuloy ako. So what’s up? Full
speed akong nag drive papunta dito.” tanong ko.
“Oh damn… sorry nakalimutan ko na yung
phone. Nagulat kasi ako sa bisita bigla. Unexpected din kaya naman nalibang na
akong i-entertain yung bisita.”
“Bisita?”
Tapos tumingin ako sa paligid at nakita ko
ang isang babae na nakaupo sa isang side. Isang ngiti ang isinalubong niya sa
akin kaya naman sumagot ako ng isa pang ngiti. “Hi.” Dugtong ko.
“Hello. Nice to meet you.” Sabi niya.
Sa tingin ko medyo matangkad ang babaeng
ito. Maputi ang balat at tila galing sa ibang bansa, mahaba ang buhok na kulay
brown, fit ang katawan at maganda ang postura. Nagtatanong ang mga mata ko kung
sino ba yung bisita ko.
“Mama… diba siya yung nasa picture na
pinapakita ni daddy?” nagulat naman ako nang makita ko ang isang maliit na bata
na nasa may baba ko at hawak ang pantalon ko.
“Anak.. dito ka muna…” sabi ng babae.
“It’s okay.” Sagot ko. “Hi… what’s your
name baby boy?” tanong ko.
“I’m Liam po.” Sagot niya.
“How old are you?” tanong ko.
“I’m 5… uhm… 6.” Sabi niya.
“Mag birthday pa siya next month for his
sixth birthday.” Sagot nung babae.
“Ah… so you will be a big boy next month.”
“Daddy said that I’m a big boy already.”
Sabi niya.
“Really?” Then I started smiling, bakit ang
gaan ng loob ko sa batang ito. Bigla siyang yumakap sa akin tapos hinalikan ako
sa pisngi.
“You are very adorable.” Sabi ko.
“Sabi ni daddy sa akin kapag nakita daw
kita i-kiss daw po kita.” sabi nito tapos kumalas ng pagkakayakap sa akin.
Binuhat ko ang batang ito at niyakap ng
mahigpit. Bakit bigla akong kinabahan sa sinasabi ng batang ito? Biglang
naalala ko si Alex. Shit. Wag mong sabihing si Alex ay nandito at ang batang
ito ay… anak niya.
“Biglaan nga kasi kaya di na ako nakapag
sabi. Pupuntahan ko rin kasi yung pinapaasikaso ni kuya Alec sa akin.” Bigla
kong narinig ang isang pamilyar na boses.
Tahimik ang buong kapaligiran at tila ba
naghihintay ng sagot mula sa akin. Shit, unexpected to at di ako handa sa mga
ganitong encounter. Hindi ko magawang lumingon sa kinaroroonan ng boses na tila
ba napako na ang tingin sa akin ng lahat. Shit, shit shit! “Baby…” isang boses
na naman na tila ba nagpalundag sa aking puso.
“Daddy!” sigaw nito at umakmang baba kaya
naman dahan-dahan kong ibinaba ito.
Sinundan ko ang daan na tinumbok ni Liam
nga ba, at doon ko nakita ang isang bulto na matagal ko ng inaasam na makita.
Biglang nagtama ang aming mga mata at sa isang saglit, tila ba tumigil ang
mundo ko.
Ang corny oo kasi di naman ako ganito pero
bakit parang babae ako na kinkilig sa kaloob-looban at tila ba gusto kong
sunggaban ng yakap at halik si Alex. Pero nagising ako sa realidiad ng yumakap
muli ang bata kay Alex.
Tila ba ilang boltahe ng kuryente ang tumama
sa akin at tila ba nagpapahiwatig na gumising ako sa katotohanan. Katotohanan
na baka huli na ang lahat sa amin. Pinipigilan ko ang sarili ko na ipakita ang
emosyon ko, halos pitong taon akong nagkubli sa kalungkutan at itinago sa iba.
“Hi…” alam ko sa akin siya nagpapahiwatig
ng mga salitang iyon pero tila ba napako na ako sa aking kinakatayuan at hindi
maigalaw ang anumang bahagi ng aking katawan.
Gustong lumabas ng mga luha ko sa aking mga
mata pero tila ba mga bato na sila na nabuo sa kaloob-looban nito dahil na rin
sa pagsisikap ng aking kalooban na pigilan ito. Parang hindi pa ako handa sa
mga bagay na ganito at ang gusto ko na lamang ay ang mawala sa kinaroroonan ko.
“Tara kumain na tayo. Marami pa tayong
pag-uusapan.” Putol ni kuya sa katahimikan na nabuo sa loob ng bahay na iyon.
“Tara!” biglang sigaw ni ate at hinila ako
papasok.
Tahimik pa rin akong naglalakad sa loob
habang si ate naman ay kinakaladkad ako. “Oh ano nabighani ka sa kagwapuhan ni
Alex at tila ba isa kang monumento sa harap ng pintuan ganon?” sabi niya
“Tss.”
“Speechless pa kuno. Gustong-gusto mo
namang halikan at yakapin si Alex. Pakunwari ka pa.”
“Ate… alam mo naman na bawal na.”
“Pero gusto mo?”
“Sobra.” Di ko alam kung paano ko nasasagot
si ate ng ganito, siguro frustrations lang.
“Aysus. Miss ka rin niya kung alam mo
lang.”
“May asawa at anak na nga.” Sagot ko.
“Kieth-Alex pa rin ako.”
“Tsss. Daming alam.”
“Mag-usap na lang kayo mamaya.”
Nanatili pa rin akong tahiik sa loob ng
hapag-kainan. Ilang beses kong sinubukang kumain ng ayos pero tila ba napapako
ang mga tingin ko kay Alex. Namiss ko ang bawat ngiti niya. Namiss ko ang hulma
ng mukha niya. Namiss ko ang lahat sa kanya.
I am crazy about him at hindi ko maisip na
may pamilya na siya. Sobrang sakit sa kalooban ko na makita na may masaya
siyang pamilya. Tila ba ilang palaso ang tumusok sa aking katawan at
nagsasabing, ‘Dahil sa katangahan mo, naagaw na siya ng iba.’
Natapos ang aming pagkain na wala pa ring pumapasok
sa isip ko sa ano ba ang gagawin ko. Tinitignan ko lang ang lahat habang ako ay
nagmumukmok sa isang tabi. Gusto ko na talagang mawala sa lugar na iyon kaya
naman pinilit kong tumakas sa mga mata nila at magpunta sa labas ng bahay para
lumanghap ng sariwang hangin.
Naglakad-lakad ako sa labas hanggang sa
mapadpad ako sa may garden nila malapit sa pool side. Nilanghap ko ang sariwang
hangin para naman kahit papaano ay makabalik ako sa aking sarili. Napagpasyahan
ko na tawagan si Jake at sabihin ang nalaman ko ngayon.
Siguro alam nila na nandito na si Alex pero
di lang nila sinasabi. “Oh pre napatawag ka?” tanong ni Jake.
“Alam mo na ba ang balita? O ako na lang
ang huli sa balita?” tanong ko.
“Oh ano na naman yang sinasabi mo? Dami
mong alam eh.”
“Si Alex…”
“Oo alam ko naman na miss mo na yung tao.
Ano pupuntahan na ba natin?”
“Nandito siya.” At tila ba nagulat siya sa
aking sinabi.
“What the eff, seryoso?”
“Oo pre. Nagulat lang din ako na nandito
siya. Minalayan ko ba na after how many years ay magpapakita siya sa akin. Hindi
ko ini-magine na mangyayari ito.”
“Oh, kamusta ka? Okay ka lang ba? Baka
naman nahihimatay ka na jan at hindi makapag salita.”
“Taena mo.” Sagot ko lang.
“So anong nangyari?” tanong niya.
“Natameme ako.”
“Pare, ano ba yan ang hina mo?!” sabay halakhak
sa kabilang linya. Tangina ng mokong na to, tignan ko lang kung di siya
matameme kung mangyari din sa kanila ni Charlene to. “Ang hina mo kahit kailan.
Di mo man lang niyakap, hinalikan o kinausap?”
“Paano ko kakausapin eh may anak na.”
“Puta, seryoso ka?”
“Pakyu pare, wag mo akong murahin. Oo
seryoso ako.”
“Shit, malaking problema nga yan. Mukhang
maraming di sinasabi si Charlene sa akin. Teka, kakausapin ko mamaya.”
“Tsss. Inom tayo pare.” Sabi ko.
“Sure, kelan mamaya ba? Sagot mo?”
“Ang kupal mo kahit kailan. Tss. Oo ako na
bahala mamaya. Gusto ko lang makalimot.”
“Tss. Yan kasi. Kung di mo hinayaan si Alex
na maglagi jan sa ibang bansa edi sana kayo pa rin at hindi siya nakabuntis ng
babae sa ibang bansa. Yan. Kasalanan mo yan.”
“May tiwala naman ako kay Alex pre. Tangina
pare, wag mo nga akong sermonan. Di bagay sayo.”
“Tsss. Maganda ba yung babae?” tanong nito.
“Pwede na.” sagot ko.
“Hahah bitter ka pare. Ampalaya ka. Mukhang
maganda ang nabingwit ng jowa mo dati ah. Tsss. Malas ka nga sa pag-ibig.
Akalain mo si Arjay ikakasal sa babae tapos si Alex may pamilya na rin. Tapos
kami ni Charlene ikakasal na rin next year. What the fuck are you?” tawa niya
“Pare nakakapersonal ka na ah. Suntukin
kita jan eh!” medyo napipikon na rin ako.
“Oi oi nagbibiro lang ako ha. Walang
personalan teka pag usapan na lang natin yan mamaya ha. Magpapaalam lang ako
kay Charlene.”
“Kahit kailan under the saya ka. Mag
trabaho ka na nga lang jan, sisantehin kita jan eh.”
“At least ako may jowa. Hahaha. Yes boss
masususnod. Hahaha” Tapos binaba niya bago pa niya marinig ang sagot ko.
“Kahit kailan kupal talaga tong lalaking
ito.” sabi ko habang itinatago ang phone ko.
“Mukhang nagkakainitan kayo ng ulo ni Jake
ah.” Boses galing sa aking likuran.
Fuck, anong ginagawa niya dito. Narinig ba
niya lahat ng sinabi ko? Tss. Humarap ako sa kinaroroonan niya at nakita ko ang
bulto ni Alex, ang mahal ko.
“Ah eh…” nauutal kong sabi.
“Bakit ka ba kinakabahan, eh ako lang naman
to?” Sabi niya.
“Hin…hindi ah.” Taena bakit di ako makapag
salita ng ayos.
“Sus, sinungaling. Kamusta?” tanong niya.
“Ayos lang. Ikaw ba?”
“After almost 7 years yan lang ba sasabihin
mo?”
“Woah ah.” Nagulat ako sa sinabi niya.
“Magrereport ba ako sayo boss? Okay lang ako. I’ve been managing our company
since then. 5 years I think. Sobrang busy lang. Wala namang nagbago sa akin.
Eto walang love life. Umasa sa wala. Ikaw kamusta?” Umasa sa wala, shit, bakit
ko sinabi yun.
“Maraming nagbago sayo. Lalo kang naging
gwapo sa paningin ko. Those glasses are suited for you. Nagmukha kang mature sa
itsura mo. Nagbago na rin yang mukha mo since nagbago hairstyle mo. Over all,
you look good.” Sabi niya.
“Napansin mo pala. Hahaha.” Sabi ko.
“Matagl na naman akong gwapo ah.”
“Alam ko. Diba sabi ko lalo ka pang naging
gwapo.” Bigla siyang umupo sa may upuan malapit sa mga rosas.
“Unexpected ang pagdating mo ah.” Sabi ko.
“Yep. Gusto kong i-surprise sila kuya at
mama kaya waal akong sinabihan.” Sagot niya
“Sabagay wala ka ngang paramdam sa amin eh.
May pasalubong ka ba sa amin? Baka nga nakalimutan mo na kami.” Tila ba may
halong pait ang bawat salta ko.
“Bitter mo sa akin ngayon.” Sabi niya
“Di ah.” Depensa ko.
“Aalis na rin ako maya-maya. Gusto kong
lumabas kasama kayo. Pwede ba?” tanong niya.
“Ang tanong eh, pwede ka ba? May asawa at
anak ka na, kaya pamilyado ka na at di na binata ang galaw mo.”
“Ay ganun ba yun? Hahaha.” Tumawa siya ng
malakas. “They don’t mind me, okay lang sa kanila. In fact si Eloisa pa ang
nagsabi sa akin na go get some fun with my friends.”
Friends… shit! Friendzone ako puta. At
totoo nga, mukhang pamilya nga niya itong dinala niya dito. Shit, guguho na ata
ang mundo ko sa mga sandaling ito. “Would you mind if…” bigla niyang sabi.
“If what?” tanong ko.
“If I hug you right now?”
Tila ba nawala ang lahat ng lakas ko sa
sinabi niya. Parang di ko na kakayanin ang tumagal pa dito. Gusto ko ng maglaho
ngayon. Fuck! Napatingin lang ako sa kanya habang hinahanap ang pagkakataon na
magsalita.
“Guess not…” isang ngiwi ang ibinigay niya.
“Isipin mo na lang na joke yun… need to go.” Dugtong niya.
“T…” bakit ba hindi ko maibuka ang mga
bibig ko. Lintek naman oh. Bakit ngayon pa nangyayari sa akin ang lahat ng ito.
Ilang beses ko bang inaral sa sarili ko ang mga linya na dapat sasabihin ko sa
kanya, pero nawala na siya sa harapan ko at naiwan ako sa lugar na iyon mag-isa.
Isa kang failure Kieth, wala ka ng pag-asa.
[Alex’s POV]
“Hanggang ngayon ba nagtatampo pa rin yan
sa akin?” tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.
“Pasensyahan mo na tong magandang babe na
ito, talagang nagtatampo lang siya kasi di mo man lang daw sinabi na nandito ka
na. Ni hindi pa nga daw kayo nagkikita eh.” Sagot nito.
“Ilang beses ko naman siyang tinawagan pero
sadyang naunahan na ng kanyang pagtatampo ang mga pangyayari.” Dipensa ko.
“Pati diba magkikita-kita na rin naman tayo. Isang linggo na ang lumipas nung
dumating ako pero ni hindi pa rin niya ako kinakausap. Pinuntahan ko siya sa
bahay nila pero lagi naman siyang wala.” Sabi ko.
“Sabihin mo sa kanya, di man lang siya
naghintay. Wala man lang effort.” Narinig ko na sigaw sa kabilang linya.
“Narinig mo ba?” tanong ni Jake.
“Oo rinig na rinig nga eh. Pero sa tingin
mo seryoso siya na galit sa akin?” tanong ko.
“Nagtatampururot lang to, yaan mo kapag
nagkita kayo eh babalik din ang lahat sa dati. At isa pa, bigyan mo kami ng
pasalubong ah. Dapat madami kasi ilang taon ka naming di nakasama.” Dagdag
niya.
“Oo. Nakaready na pasalubong ninyo. Lalo na
kay Charlene. Sabihin mo tatlong Hermes Bag ang pasalubong ko sa kanya. Tapos
isang box ng chocolates then yung ipinangako ko sa kanya na mga make ups,
cosmetics tapos mga damit dala ko rin.” Suhol ko sa kanila.
“O narinig mo yon…” sabi sa kabilang linya.
“I love you best talaga kahit kaialn. Miss na miss na kita sobra. Be ready ha.
I love you.” At sa wakas eh narinig ko na rin ang boses niya na kinakausap ako.
“It was easy to manipulate you, grabe a.
Pasalubong ko lang ata ang dahilan kung bakit mo ako gusto makausap eh.” Sabi
ko.
“Oy hindi ah. Nagtatampo talaga ako.
Napakaswerte mo kasi kinakausap kita. If I were you, dapat nagsisismula ka ng
bumawi sa akin.”
“Sus. Yaan mo dadalhin ko jan some other
day pasalubong mo. Isang linggo ng nakatambak dito pasalubong ko, baka magbago
isip ko at ipamigay ko na lang sa iba ito.” biro ko.
“Don’t you dare do that or our friendship
will be burried hanggang sa kaila-ilaliman ng impyerno.”
“Wow takot ako. hue hue.”
“Che. Ewan sayo…” pero narinig ko na parang
garalgal boses niya.
“Miss you. Really.” Sabi ko. “Bawat araw
hinahanap ko kakulitan mo. Gusto nga sana kitang pasunurin doon kaso baka maligaw
ka lang dito at ipagpalit mo na si Jake sa mga gwapo doon.” Biro ko pa.
“Sus. Sabihin mo madamot ka kasi sinosolo
mo lang ang mga grasya.”
“Sus. Di kaya. Pero babawi ako ha, sagot ko
lahat sa get together natin.”
“Sure. Teka, marami akong question sayo.
Ang dami kong narinig mula sa mga sources ko. Anong sinasabi nila na pamilyado
ka na? The eff? Yung totoo? Tomboy ka na? Oh paksyet. Talaga? Padami na kayo ng
padami ah. Una si Arjay tapos sumunod ka?”
“Lalaki na to.” Sabi ko.
“Naku paparusahan ka ng santo ninyo.”
“Baliw ka pa rin kahit kailan. Bakit, diba
kapag bisexual pwede sa lalaki, at siyempre pwede sa babae. Oh ano ngayon inaangal
mo?”
“Oh? Buong akala ko babae ka kasi katulad
ko. Kung makapag alala ka kasi kay Kieth dati eh dinaig mo pa ako. Tsk.”
“Shatap.”
Sagot ko. “Gusto mong bawiin ko ang pasalubong ko sayo?”
“Nope. Just kidding.” Tapos tumawa lang
siya ng tumawa.
“Need to go. See you tomorrow?” sabi ko.
“Sure. Yung pasalubong ko ah.” Singit niya
“Yup. Nga pala, yung chocolate isang box
ha. Isang box na maliit, pasensya yun na lang natira ang tagal mo kasi eh. Yan
tuloy naunahan ka pa ng iba. Tsk tsk. It’s Your fault.” Biro ko ulit bago ako
tuluyan nawala sa aming pag-uusap.
Hinarap ko ngayon ang laptop ko at inayos
na ang mga reports na due para bukas. Woah. Nag-inat-inat ako at saka itinuloy
ang aking ginagawa. Patapos na rin naman ako kaya naman ginanahan akong tapusin
ito para naman makatulog saglit.
Kahapon pa dumating sila tita dito sa
Pilipinas. Nandoon naman si Eloisa at Liam para naman makapag bonding sa
kanila. Inihiga ko naman ang sarili ko sa aking kama at hinayaan na malibang
ang aking katawan sa lambot na ito.
After almost 7 years ay narating ko na ang
ilang sa mga pangarap ko. May magandang trabaho na ako at maayos na buhay. Yun
nga lang, may mga pangarap ako na hindi
pa natutupad at nag-iisip ako kung matutupad pa ba ito.
Naalala ko muli ang pagkikita namin ni
Kieth. Hanggang ngayon naiilang ako sa kanya hindi dahil may sama ako ng loob
kundi sa hindi ko alam kung paano ko siya haharapin gayong nagbalik na ako. Sa
totoo lang, gusting gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko
dahil alam kong mahihirapan lang siya ngayon gayong marami pa akong inaayos sa
sarili ko.
Ano nga ba ang nangyari sa akin sa loob ng
halos pitong taon? Ano nga ba ang naipakita ko at napatunayan sa sarili ko para
sabihin na kami pa rin ni Kieth sa isa’t-isa? Biglang pumasok sa isip ko si
Eloisa at Liam, ang bagong dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Nang ipikit ko
ang aking mata, nagtuloy tuloy na ito at nakatulog ako at nagising na rin
kinabukasan ng umaga.
“Ang dami mo naman atang dala. Baka naman
maubos na yang pasalubong mo sa akin.” Singit ni Princess habang inihahanda ko
ang mga dadalhin ko mamaya.
“Sus, eh halos sayo nga lang napunta mga
chocolates at stuff toys na dala ko. Aangal pa to.”
“Kasya pa ba yan sa kotse mo?”
“Oo naman.” Sagot ko.
“Kuya turuan mo na rin ako mag drive
please. Tutal may bago ka ng kotse, dapat bilhan mo na rin ako para naman di na
kayo mag-aalala nila mama kapag gabi ako nauwi. Please.”
“Itanong mo ka mama kung papayag siya. Sa
akin naman walang problema ang patuturo, kaso ayaw talaga ni mama. Kapag
napilit mo na si mama na turuan kita saka. Pati ang mahal ng kotse ah. Pinag
ipunan ko to kaya nabili ko to. Wag ka nga.” Sagot ko.
“Kuya nakita ko ang bank account mo and I
was like…”
“Shatap. Nangingialam ka na sa gamit ko
ngayon ah. Tsk tsk, Susumbong kita kay mama.”
“Alam ba ni mama mga kayamanan mo ha?”
“Tsss. Wow. Kayamanan talaga? Nagsisimula
palang ako. Pati ilang taon ko din yang pinag ipunan. Para yan sa pag-aaral mo.
Yang si kuya Kuripot na magbigay eh.” Sabi ko.
“Sus, mas malaki lang ng isang libo bigay
mo kuripot na agad.”
“Teka, sabi mo di nagbibigay si Kuya ah.”
“Joke lang yun. Para naman may ipon ako.
Diba?”
“Di kita bibigyan muna ng baon. Bahala ka
jan. Kay Kuya ka humingi. At sasabihin ko kay mama yang ginagawa mo. Baka kung
anu-anong binibili mo.”
“Kuya naman, ngayon lang ako nag iipon eh.”
“Tsss. Baka pinangdadate mo lang yan.”
“Kuya, hindi ako ang gumagastos sa date
namin. Ilang beses na akong nag insisit epro ayaw pa rin niya.”
“Paano ba naman sa fishball-an kayo nag da-date.
How sweet?”
“Oi kuya wag mong mamaliitin yun ha, kung
hindi dahil doon eh hindi kami magkakakilala. Pati kuya di cheap si Ross ha, sa
mamahaling resto din niya ako dinadala.”
“Sus. Oo na. SIge na umakyat ka na.”
“Tulungan na kita jan.”
“Wag na, ilang beses ko nang napapansin na
unti-unti nawawala yung mga chocolate bars. Kinukuha mo na naman. Ibalik mo
nga. Kumuha ka doon sa cabinet ko. Yun upakan mo ng upakan.” Sabi ko.
“Salamat kuya.” Lumapit siya sa akin at
yumakap sabay kiss.
“O sige na umalis ka na dito mauubos pa
pasalubong ko.”
7 pm na ako umalis para sunduin si Arjay at
yung fiancé niya. Gusto daw niyang gawin akong driver sa bago kong kotse. Gamit
kasi lahat ng kotse nila kaya naman ako na ang nag prisenta na sumundo sa
kanilang dalawa.
Halos quarter to 8 na ng dumating kami sa
meeting place at agad kong namataan na kadarating din sila Charlene at Jake.
Nakita ko ang paglaki ng mata ni Charlene nang makita ako.
“You changed…” ang tangi niyang nasambit.
“Oh, namangha ka na niyan. Mainlove ka sa
akin eh.”
“Pero garabe, halos iba ka na. Nag mature
ka na. Anong nangyari sa gwapong best friend ko? Bakit lalong naging gwapo? Mas
gwapo ka pa dito sa boyfriend ko.” Sabi niya.
“Magselos pa yang boyfriend mo at malaman
na may nakaraan tayong dalawa.”
“seryoso?” tanong ni Jake.
“Naniniwala ka naman sa mokong na yan?”
pagmamataray ni Charlene. “Teka, nasaan ang pasalubong ko?”
“Excited? Teka, nandun sa kotse.”
“At may bago kang kotse ah.”
“Medyo asensado eh.”
“Waaah. Kainggit.” Sabi niya.
Nauna na sila sa loob habang kinukuha ko ang mga pasalubong
ko. Tinulunagn naman ako ni Jake at si Arjay na muna ang nag asikaso sa
kakainan namin.
Pagpasok naming ay sinalubong agad ako ng
isang pamilyar na tao. Nandun na pala si Kieth at naghihintay sa amin. Excited
ba siyang makita ako? Assuming na naman ako.
“Eto pala pasalubong ko sa inyo.” Binigay
ko sa kanila isa-isa ang pasaubong ko. May upuan sa tabihan ni Kieth at sa
palagay ko ay inilaan yun para sa akin.
“Hi.” Bati ko sa kanya habang iniaabot ang
pasalubong niya. Isang ngiti ang isinagot niya.
Naramdaman ko ang tension sa aming dalawa
kaya naman inaliw ko ang sarili ko na makipag usap sa iba para naman di ako
maging kabado. “Kamusta na kayo?” tanong ko.
“Namiss ka namin. Everyweek ata eh
lumalabas kami nitong mga mokong na to. Lagi ka naming nababanggit sa
pagkwentuhan namin. Minsan ka lang magparamdam sa loob ng pitong taon.
Nakakalungkot nga kasi sa mga panahong iyon ni hindi mo nagawang umuwi dito.”
Sabi ni Charlene.
“Alam ko namang mag tatampo kayo sa akin
kaya nga sinobrahan ko ang pasalubong ko sa inyo.” Pag-iiba ko ng usapan.
Mahirap ng maipit sa hot seat ngayon.
“Nag-usap na ba kayong dalawa?” biglang
tanong ni Arjay sa akin.
“Nino?” pag mamaangmaangan ko.
“Sino pa ba? Nitong mokong na to?” singit
ni Jake sabay tapik kay Kieth.
“Nag-usap na kami.” Sagot ni Kieth at
halata naman sa kanya na parang naiinis sa tanong ni Arjay.
“Yung usap na tungkol sa inyong dalawa?”
sabat ni Charlene.
“Wala na naman kaming dalawa. Natapos na
yun 6 years ago.” Matabang na sagot niya.
Natahimik ako sa isang tabi at hindi alam
ang gagawin. Tumingin ako sa kanila na para bang nagtatanong ng ano ang dapat
gawin.
“Siguro kumain na muna tayo, I mean umorder
na tayo habang hinihintay pa natin sila Eloisa.” Pag iiba ko ng usapan.
“So that’s it, may hinihintay pa pala tayo.
Ipapakilala mo na ba sa kanila pamilya mo? I think matutuwa sila kay Liam, yung
anak mo.”
Ngumiti na lang ako at iniwas na sagutin
ang anumang katanungan nila pero iba pa rin ang presensya ni Kieth,
naiintimidate ako. “How’s she? Mabait ba siya? Maalaga? Tell me about her.”
Sabi ni Kieth.
“She’s nice, awesome, cheerful, maalaga at
mapagmahal. She’s a perferct girl a man can have.” Sabi ko.
“Edi maswerte ka pala. Malas mo lang siguro
sa akin kasi naging boyfriend mo ako.” giit niya.
Wala ni isa ang nagsalita matapos niyang
sabihin yun. Napalitan ng curiosity ang buong paligid at nanatiling tahimik ang
lahat hanggang sa dumating ang waiter para kunin ang order namin. Isa-isa naman
kaming nagbigay ng order hanggang sa magsalita ulit si Kieth tungkol sa amin.
“Masaya ka ba sa kanya?” isang tanong na
nagmula sa isang taong humihingi ng tunay na kasagutan.
Tinitigan ko lang siya habang humahanap ako
ng tamang sagot para sa kanya. Bakit ba kasi napunta agad sa tanong na ito ang
lahat? Mamaya ano kaya ang itatanong pa niya sa akin? Masaya ka ba na hindi ka
bumalik? Masaya ka ba na naiwan mo ako ditong naghihintay? Mahal mo pa ba ako?
“Kieth kamusta pala yung bagong project na
binigay ni daddy sayo?” tanong ni Jake.
“Wag naman natin ibahin ang usapan.” Giit
niya. “Gusto ninyo bang maglaro tayo ng truth or dare ha? Gusto ba ninyo yun
ha?” alok niya sa amin.
“Bakit kakayanin mo ba ang truth or dare
Kieth? Kakayanin mo bang tanggapin ang lahat ng isasagot ni Alex kung sakaling
tanungin mo siya?” matapang na tanong ni Arjay.
“Bakit hindi? Bakit hindi ko kakayanin?
Pitong taon din naman akong naghintay sa kasalanan ko. Pitong taon akong umasa
na may babalik sa akin kahit na kasalanan ko. Siguro, kakayanin ko. Nakaya kong
mabuhay sa kalungkutan sa loob ng pitong taon, ngayon pa kaya?” mariing sinabi
niya.
“Iba ang sitwasyon noon at ngayon Kieth”
sagot ko.
“Kaya nga gusto ko ng kaliwanagan.”
Unti-unti nang tumitingin sa amin ang mga tao sa loob ng restaurant.
“May panahon para dito.”
“At ngayon ang panahon na yun.”
“Kieth, pwede bang hinay-hinay lang? Alam
natin na may nakaraan kayo ni Alex at alam natin lahat ang mga nangyayari.
Pwede naman kayo mag-usap dalawa ng kayong dalawa lang. Pero sana yung maayos,
hindi yung ganito, magulo.” Sabat ni Charlene.
Nanahimik na naman ang lahat. Napuno ng
tension ang loob ng espasyo na kinalalagyan namin. Tinignan ko si Kieth at
nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. All these years, dala-dala niya yung
burden. Dala-dala niya lahat ng sakit na sinakripisyo niya para sa akin.
“Daddy!” isang sigaw ang narinig ko mula sa
di kalayuan sa kinaroroonan namin.
Nakita ko si Liam na humahangos patungo sa
kinaroroonan ko. Nakita ko rin naman si Eloisa na papalapit sa amin. Lalong
naging tensyonado ang lahat nang magtagpo ang kinaroroonan ko at
angkinaroroonan ni Liam.
“Daddy bakit di ka namin kasama ni mama sa
pagpunta dito?” tanong niya.
“Baby, diba may naghatid naman sainyo. At
isa pa, diba kasama mo naman si mama mo?” sagot ko.
“Sorry ngayon lang kami.” Bati ni Eloisa.
“Ayos lang.” Sagot ko. “By the way, Si
Eloisa nga pala. Eloisa mga kaibigan ko.” Pakilala ko.
“Hi.” Bati niya.
“Hello. We supposed she is the one?” tanong
ni Charlene.
“She is the one talaga? Later I explain
everything.” Paliwanag ko. “And baby…” tawag ko kay Liam. “Baby, this is Tito
Arjay, Tita Melissa, Tito Jake, Tita Charlene and…” naputol ang sinasabi ko ng
magsalita si Liam.
“Tito Kieth!” pumunta ito dito at niyakap
ito.
“Hi Little boy.” Sabi nito sabay kiss kay
Liam. “Guys, need to freshen up.” Dagdag nito.
Agad naman siyang tumayo at tuloy-tuloy na
lumabas sa restaurant. Lahat naman kami ay natahimik. Lumapit sa akin si Eloisa
upang itanong kung ano ang nangayayri. “Okay ka lang ba? May nangyari ba?”
tanong nito.
“I don’t know.” Sagot ko
“Sundan mo siya.”
“Pero paano…”
“Ako na ang bahalang magpaliwanag ng lahat.
Tungkol kay Liam, sa akin, sayo at sa nangyari kay RD. It’s time na maging okay
ang lahat. Paano tayo makakapag simula ng bagong buhay kung ikaw mismo ay
nakakulong pa sa nakaraan? Kailangan itama mo na lahat ng mali. Sige na.” sabi
niya.
“Sigurado ka ba?”
“Oo naman. At isa pa, di naman ako
mag-iisa.” At ngumiti siya sa akin.
Di naman ako nagdalwang-isip pa at
humahangos akong tumakbo palabas at hinanap ang bulto ni Kieth. Umingin ako sa
paligid, sa kaliwa, kanan pero wala siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang
sa makita ko ang Kieth na nakatingin sa malayo at malalim na nag-isiip.
“Kieth…” tawag ko sa kanya.
Bigla siyang napatingin at tila ba nagulat
na nakita ako na naroroon at sinundan siya. Muli niyang ibinalik ang tingin
niya sa malayo. Lumapit naman ako at tinabihan siya sa kanyang
kinapwe-pwestuhan.
“Hot headed ka pa rin hanggang ngayon.”
Bungad ko.
“Bakit nandito ka? Nasa loob ang mag-ina
mo. Baka magselos pa si Eloisa kapag nalaman niya na nandito ka at kinakausap
mo ang ex mo.” Sabi niya.
“Siya ang nagsabi na puntahan kita.” sinabi
ko.
“Talaga? Mukhang kampante siya sayo ah.
Baka naman pag sisihin niya na hinayaan ka niya na pumunta sa akin kasi baka di
ka na bumalik sa kanya.”
“Bakit kaya mo ba akong ibalik sayo? Can
you win me back?” hamon na tanong ko.
Tumingin siya sa akin sabay lapit. Ilang
dipa na lang ang layo ng mukha ko sa kanya, oh shit! “Kayang-kaya ko dahil alam
kong akin ka.” Sabi niya
Tila ba naparalisa ang katawan ko sa ginawa
niya kaya naman nauwi ako sa pagiging tuod habang nakatingin sa kanyang mga
mata. Gusto kong hawakan ang mukha niya, gusto kong yakapin siya at gusto kong
halikan ang mga labi niya.
“Alam mong mahal na mahal kita… alam mong
naghihintay ako… alam mong nasasaktan ako ngayon. Pero bakit?” at tuluyan ng
tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Noon ko lang nahawakan muli ang kanyang
mukha at pinawi ang luha sa kanyang mga mata. “Kaya nga nandito ako para ayusin
ang lahat.” Ang tangi kong nasagot.
Dumistansya sa akin ng ilang hakbang saka
nagsalita muli. “Ayusin? Anong a-ayusin? Wala na nga tayo eh. Di ba? Paksyet
Alex, alam mo bang sobrang sakit nang makita ko ang anak mo. Alam mo bang para
akong sinabugan ng dinamita ng makita ko ang asawa mo. Alam kong wala silang
kasalanan pero masakit… umasa ako.”
“Kieth, maayos pa naman natin to eh… pwede
pa!”
“Alex di ako tanga… Bakit nga ba ako
nagkakaganito gayong alam kong ako ang may gawa kung bakit ka nagmahal ng iba.”
“Nabasa ko naman ang sulat mo Kieth… alam ko
lahat ng sakripisyo mo.”
“Siguro nga alam mo, pero parang wala lang
sayo. Ang tanga ko Alex. Siguro nga tanga ako. Tangina, nasa sa akin ka na pero
nawala ka pa sa kamay ko. Alex… Ang sakit. Sobrang sakit.”
“Mahal pa rin naman kita Kieth… sobrang
mahal pa rin kita.”
Sa pagkakabigkas ko ng mga salitang yun,
napatigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin. Doon ko naramdaman na umaagos
na sa aking mukha ang kanina pang nagpupumigil na luha. Pinahid ko ang mga ito
bago ko nagawang magsalita muli.
“Sa pitong taon na nawala ako sayo, hindi
kita nakalimutan. Hindi nawala ang pag asa ko na magkikita tayo at maghihintay
ka… na tutuparin mo ang pangako mo na ako lang at tayo habang buhay. Nagtiwala
ako sayo. Nagtiwala ako sa sarili ko. Sinikap kong matupad lahat ng pangarap ko
para sa bandang huli, ikaw na lang ang aabutin ko. Pero maraming nangyari…
marami akong narealize… marami akong nautunan.” Mahabang sabi ko.
“Kaya ba natutunan mo akong kalimutan?”
“Tulad ng sinabi ko, hindi kita
nakalimutan.”
“Pero bakit ganun Alex? Bakit may Liam at
Eloisa ka na? Gusto kong ipagdamot ka… gusto ko akin ka… Pero di kita maangkin
kasi may iba ng may nagmamay-ari sayo!” sigaw niya sa akin.
Umupo ako sa may bata malapit doon at
nagsimulang lumanghap ng hangin. Doon, kumuha ako ng bwelo upang ilahad lahat
ng nangyari sa akin sa ibang bansa.
“Ilang beses kong tinanong sa sarili ko,
paano ba kita babalikan? Paano kita haharapin? Paano ba kita makukuha ulit?
Wala akong masagot sa sarili ko. Natatameme pa rin ako hanggang ngayon. Ilang
taon kong kasama si RD. Ilang taon niya akong inalagaan. Ilang taon akong
humihingi ng payo sa kanya. Hanggang sa makakuha ako ng sagot sa tanong ko,
love.”
Isang ngiti ang namutawi sa kanyang mga
labi pero halata pa rin na naguguluhan siya at maraming tanong pa ang
bumabagabag sa kanyang isipan at humihingi ito ng mga kasagutan.
“Gustong humingi ng tawad ni RD sa lahat ng
kasalanang nagawa niya. Sabi niya sa akin, sabihin ko daw sayo ito dahil hindi
niya alam kung aabot pa siya. Ilang beses ko siyang tinuktukan nun kasi sabi ko
kailangan siya ang magsabi nun sayo kasi nga siya naman ang may kasalanan.
Dahil alam kong wala siya dito at ako ang naririto, sana patawarin mo siya sa
lahat ng nagawa niya. Maraming napagdaanan si RD, marami siyang pinaglaban at
sa mga laban niya kasama niya ako. Ito na lang ang huli kong favor na magagawa
para sa kanya.” Sabi ko.
“Noon pa man din pinatawad ko na siya.”
Sabi niya
“Ilang beses niya akong tinanong kung gaano
kita kamahal… ilang beses niyang kinuwestyon kung bakit kailangan pumunta at
sumama ako sa kanya gayong mahal kita.” dugtong ko.
“Sabi mo mahal mo ako… bakit Alex, may
nagbago ba?” tanong niya.
“Mahal kita Kieth at alam mo yan. Kaso nung
pumunta ako sa ibang bansa, doon nag sink in ang lahat sa akin. Lahat ng mga
bagay na dapat kong matutunan. Di pala sapat na mahal mo lang ang isang tao.”
“Bakit parang ayaw kong marinig yung
sasabihin mo?” sabi niya sa akin.
“Sa loob ng matagal na panahon di naman
nawala ang love ko para sayo.”
“Namamaalam ka na ba sa akin? Kaya ka ba
nandito ay para magkaroon tayo ng closure? Sabihin mo na agad para di na ako
umasa pa. Sawa na ako sa mga rejections sa buhay. Gusto ko ng matapos ang lahat
para din a ako masaktan.”
“Isinusuko mo na ba ako agad?” malungkot
kong tanong.
“The hell… alam mong di kita isusuko
basta-basta. Pero Alex alam natin ang sitwasyon Ayaw kong agawin ka sa mag ina
mo. Kung mawawalan ng tatay at asawa sila nang dahil sa akin, mas pipiliin ko
na ang masaktan. Alex, alam kong may responsibilidad ka. Wag mong takasan yun
ng dahil sa akin.” Kitang-kita ko ang pilit na emosyon niya.
“At ikaw ang responsibilidad ko hindi
sila.” Sagot ko.
Lumuhod ako sa harapan niya at inilabas ang
singsing na ibibigay ko sa kanya pitong taon na rin ang nakakaraan. Nakita ko
ang pagkagulat sa kanyang muka.
“Will you marry me Kieth? Please… please
marry me.” Sabi ko.
Speechless, yan ang nakita ko sa aking
harapan. Ni wala siyang sinasabi sa ginagawa ko. Nagulat siguro siya kasi nga
nakaluhod ako sa harapan niya at hinihingi ang kamay niya.
“Nagpapatawa ka ba ha? Niloloko mo ba ako?
Ano to joke joke lang?”
“Binabalikan kita kaya nandito ako. Ikaw
ang past ko… ang present ko at ang future ko…” sabi ko.
“Hindi lahat ng nakaraan ay binabalikan…
minsan mas magandang kalimutan na lang yun kaysa sa masaktan ka. Yan ang
nararadaman ko. Gusto kitang kalimutan kasi nasasaktan ako pero hindi ko kaya.”
“Anong kadramahan ba to? Ilang beses ko
bang sinasabi sayo na narito ako para balikan ka. Pwede bang ganun na lang
yun?”
“Alex puta naman oh. Pinaglalaruan mo ba
kami?!”
“Haixt.”
“Aalis na ako.” sabi niya
“Pag umalis ka di na tayo bati.” Sabi ko.
“Para kang bata.”
“Para kang charger.” Sagot ko.
“Ewan sayo…”
“Kasi ako cellphone… kapag wala ka, patay
ako.” sabi ko
Tumigil siya sa paglalakad at nanatili sa
kinatatayuan niya. Humarap din siya sa akin at saka nag iba ang ekspresyon.
“Alex naman… pinapakumplikado mo pa ang
sitwasyon. Kasal? Papakasalan mo ako?”
“Ay hindi, nagpropropose ako para gawin
kang kasambahay.” Sagot ko.
“Mahal mo pa ba talaga ako?” tanong niya.
“Ilang beses ko bang sinasabi sayo na mahal
kita?”
“Pero kasi…”
“Wala namang kami ni Eloisa.” Sabi ko.
“Ha? Pero paanong? Si Liam… sino si Liam?”
“Anak siya ni RD. Ako lang ang tumayo pang
isang ama kay Liam.” Sagot ko.
“Ibig sabihin…”
“Yeah. Di ka na naman nag iisip eh. Luluhod
ba ako sa harapan mo at magpro-propose kung kasal ako kay Eloisa?!”
“Kala ko kasi lumuluhod ka kasi gusto mo
yung…” bigla siyang ngumiti.
“Ang manyak mo pa rin hanggang ngayon.
Tatayo na nga ako.” sabi ko.
“May nagpro-propose bang ganyan? Galit?
Wala man lang feelings?” sabi niya
“Alam mo daig mo pa ang babae sa kaka-demand
eh.”
“Minsan lang ako magdemand ng ganito. Ang
sakit naman nung sinabi mo.”
“Ang arte mo naman.”
“Ang panget mo mag propose. Mas magaling pa
ako sayo.”
“Eh bakit hindi ikaw yung magpropose? Tae
ka kahit kailan!” pagsusungit ko.
“May nagpro-propose bang galit Ano ba naman
yan?!” sabi niya
“Sumagot ka na kasi!” sabi ko.
“Eh bakit ka nagagalit?”
“Eh kasi sumagot ka na lang jan. Nangangalay
na ako oh. Oo o hindi lang naman eh. Kung ayaw mong um-oo edi si Eloisa ang
yayain ko.”
“Ang sweet mo.” Sabi niya.
“Kieth ano ba? Dali na oh!”
“Pag-iisipan ko.” Sabi niya.
“Ang tag…” naputol ang sasabihin ko nang
may marinig akong boses sa likuran ko.
“How sweet naman…” pamilyar ang boses na
yun ah.
Parang natulala naman si Kieth sa taong
nagsalita. “R…R…RD.” utal niya.
Agad naman akong lumingon at tumingin sa
kinaroroonan ni RD. Nandito na pala siya at teka, bakit kasama na niya ang
lahat. Lahat sila naghihiyawan. Kaya tumayo ako at hinarap sila.
“Anong ginagawa ninyo dito?” tanong ko
“Edi pinapanood ang pagpro-porpose mo.”
Sagot ni RD.
“Teka!” biglang sigaw ni Kieth.
Lahat naman kami napatigil sa pinag uusapan
naming at tumingin sa kinaroroonan ni Kieth. Naguguluhan siya sa mga
nangyayari. Tila ba nalilito siya sa kung saan man.
“RD?” tanong niya.
“Yup. You miss me?” tanong nito.
“Fuck!” sabi niya
“WOW… You miss me!” sabi nito.
“Taena, akala ko patay ka na!” sabi nito.
“Walanjo, ganun ba kalaki ang galit mo at
pinatay mo na ako?”
“Eh kasi naman di ka kasama ni Alex sa pag
uwi dito sa Pilipinas eh. Naguguluhan ako! Magpaliwanag kayong lahat!” sabi
nito.
“May inayos pa ako sa Amerika kaya naman ngayon
lang ako nakarating. Hindi ba sinabi sayo ni Alex na buhay pa ako at malakas?”
sagot ni RD.
“Inosente ako.” bigla kong sabi.
“Pinalalaruan mo ba ako?” si Kieth.
“Nakakatawa kasi expression mo nung nakita
ko na nagseselos ka. Hahah. Pati isa pa, ikaw lang naman nag iisip ng ganun.
Wala naman akong sinabi na patay na si RD at mag anak ko sila Eloisa.” Sabi ko
sabay tawa.
“Fuck, ibig sabhin ako lang ang nag-iisip
ng ganito hanggang ngayon? Takte yan!”
“Lahat kami nagulat sa sinabi ni Eloisa
kanina… pero lahat kami masaya kasi may pagkakataon na kayong dalawa ni Alex na
maging masaya.” Sabi ni Charlene.
“Pero seryoso na tayo…” sabi ko saka
lumuhod ulit ako. “For the second and the last time… magtatanong ako sayo. Will
you, Kieth Jerickson Lee, be my butter in my bread, my money in my wallet, my
sugar in my coffee, my blood in my veins, my partner in life, my forever and my
husband?”
“Say yes! Say yes!” sabi nila.
“Paano kung ayoko?” sabi niya
“Edi gagawa ako ng paraan para ma-blackmail
ka at mapapayag na pakasalan ako. Halos 7 years mula nang magdesisyon ako na
pakasalan ka. Valentines day nun. Kahit wala pa tayong 1 year nun, alam ko ikaw
na ang gusto kong makasama habang buhay. Alam mo kung gaano kita kamahal. Pero
sa mga panahong nagkawalay tayo doon ko narealize ang mga bagay-bagay…”
“Na-realize mo na hindi mo kayang mabuhay
nang wala ako?”
“Na-realize ko na hindi lang kita mahal,
sobrang mahal na mahal kita. Noong malayo tayo sa isa’t-isa, yun yung
nagpatunay na kaya kong maghintay. Sabi mo nga sa sulat mo, ito yung
magpapatibay sa ating dalawa.”
“Never kong naimagine na ako pa ang
pagpro-proposan. Buong akala ko kasi ako ang dapat gumagawa ng ganyan. Pero
nasurpresa ako at Masaya ako kasi sa ngayon masasabi ko na magiging akin ka
na.”
“Ibig sabihin nan…”
“Tae, tumayo ka na nga jan.”
“Yung magic word?”
“Di bagay sayo.”
“Tsss. Nag hihintay ako ng sagot mo.”
“Andami mo pang arte pare, sumagot ka na
nga lang.” Sabi ni Jake.
“Oo na. I do.” Sagot nito at saka inilahad
ang kamay at isinuot ang singsing sa mga daliri nito.
“Hahahha. Yes!” sabi ko.
“Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya
ngayon.” Sabi niya
“Sobrang namiss ko ang mga ngiti mo.”
“Mula ngayon I will be your doctor to save
your life.”
“I will be your lawyer to defend your
life.” Sagot ko.
“Pero higit sa lahat, ikaw ay naging isang
anghel. Angel who touch my heart. I love you Alex.”
“I love you too.”
From that moment, he reach my lips and kiss
me. It was the best and the sweetest kiss I’ve ever had. Unti-unti kong naramdamang
lumuluha ang aking mga mata. Alam mo yung feeling na naabot mo na ang pangarap
mo? Yung feeling na ang nararamdaman mo lang ngayon ay puro tuwa at galak? The
best!
“Let’s start again?” tanong niya.
“Nope… Let’s continue what we left.” Ang
sagot ko.
“Kailan mo gusto magpakasal?” tanong niya
“Ngayon?”
“Saan mo gusto? Sa kwarto mo o kwarto ko?”
sabi niya
“Ay nako kahit kailan di ka makapagpigil
jan sa mga kamunduhan mo eh. Di ka man lang ba nahiya sakanila? Naririnig nila
yang mga pinagsasabi mo?”
“Masasany na rin sila.”
“Sus.”
“Congrats sa inyong dalawa” sabi ni Eloisa.
“Salamat din sa pag aalaga sa kanya.” Sagot
ni Kieth.
“Oh paano ba yan. Mukhang muunahan mo
kaming magpakasal ni Charlene?” sabi ni Jake kay Kieth.
“Pare, ang bagal mo kasi.” Sagot nito.
“Taena yan, ako pa ang mabagal eh hindi
naman ikaw yung nag propose jan. Tuktukan kita jan eh.”
“Basta best man kita ah.” Sabi ni Kieth.
“Basta mag gown ka bestman mo ako.” at
nagtawanan sila.
After all this years, love will make you
feel better. Love will make you feel that you are not alone in this world. Sabi
nga nila, love is like a rosary, it is full of mystery. Full of mystery kasi
unti-unti mong tutuklasin ang mga misteryo sa pakiramdam na nararamdaman mo.
Sabi nila, sa pag ibig daw dapat di lang laging
emosyon mo ang pinapairal, dapat nag iisip kadin kasi baka di mo namamlayan
kakagamit mo sa iyong emosyon, lumalagpas ka na sa iyong limitasyon.
Darating din ang panahon na na may isang
taong magpapatunay sayo na an gang pagmamahal ay hindi isang biro. Yung para
bang isang iglap na lang mararamdaman mo na may spark, na may something sa
inyong dalawa. Malalaman mo na siya na ang tao para sayo kapag sa tamang
panahon, ipinakita niya at papatunayan sayo kung bakit ka para sa kanya at kung
bakit hindi ka para sa iba.
Hindi din lahat ng bagay na ginagawa mo
pwede niyang suklian, kaya wag kang mag expect para di ka masyadong maramdaman.
He or she will find ways. May iba’t-ibang paraan ang isang tao para mapakita
niya na sinusuklian niya ang mga effort na ginagawa mo.
“Dadating yung time na puputi ang buhok
natin. Magkakaroon tayo ng sakit. Lalamigin ka, at ganun din ako. Pero tandaan
mo na nandito lang ako para mahalin ka anuman ang mangyari sa ating dalawa.”
“Oo… ikaw lang at ako.. tayong dalawa.”
“I love you Alex…”
“I love you too Kieth…”
“Basta tayong dalawa lang…”
“Oo…”
“Pwede mong piliin ang mamahalin mo pero
hindi mo pwede piliin ang magmamahal sayo.” Sabi ko.
“Pero ako na ang magsasabi sayo na ako ang
may karapatan para mahalin ka.”
“Bakit naman?”
“Kasi ganito yan… alam mo ba kung bakit
<3 ang="" less="" ng="" o:p="" symbol="" than="" three="">3>
“Uhm… oo nga no? Bakit nga ba?”
“Kasi, yung symbol na yan ang nagpapaalala
na sa isang relasyon, dapat less than three lang. Hindi tatlo… hindi apat… hindi
lima… ikaw at ako. Yun lang. Walang ibang makikialam sa atin.”
“I love you.” Sabi ko.
“I love you too.” Sagot niya.
“I love you more…”
“I love you more too.”
“Ikaw at ako…”
“Forever and ever.”
“Promise?”
“Promise.”
“I will always love you…”
“and I will always taking risk to love you
back. I love you Prince Alex Rosales.”
“I love you too. And I’m all yours Kieth
Jerickson Lee.”
T H E E N D
© 2014 by DylanKyleSantos
Hmm, thanks, kala ko deds na c rd sayang, hehe jk lng...
ReplyDeleteWell thanks for sharing the story sana gumawa ka pa marami story....
-Mans-
salamat po.. uhm... I will try po. :)
DeleteThank you talaga promise ganda ng story
ReplyDeletesalamat po ng marami. :)))
DeleteWhew congrats dylan for such a beautiful story
ReplyDeleteKasunod agad
salamat po. :) uhmmm.. try ko na magkaroon ng kasunod na story. :)
DeleteDylan kyle!! Natatandaan mo pa ba ako? Hahaha. I'm pretty sure hindi na. Isa ako sa avid keme mo dati sa Campus Figure. Nasa BOL pa ata ako nag cocommentnun or dito din sa blogsite mo? Kelan nalang ako uliy nahilig sa pagbabasa ng ganto. Binsa ko sya for just 2 days. Pinagpuyatan ko pa natulog ako kanina ng 4 am natigil ako sa chapter 55 kasi kala ko yun yung huli mong post tapos pag gising ko nicheck ko meron palang 56-58 wala kasi sa compilation. Haha. Lagi akong kinikilig sa mga kwento mo. Di ko maiwasan isipin sana ganyan kame ng boyfriend ko yung walang away. Haha. Pero wala namang relasyong perfect so ok lang. Haha. Dont stop creating a veryvery good stories PLEASE? Sobra akong nag eenjoy. Since binasa ko tong Less Than Three. Babasahin ko naman yung iba dito ngayon. Haha. Pero di ako magpupuyat thus time kasi alam kong matatagalan ka ulit bago mag karuon ng new story kaya di ko muna uubusin story mo. Have a nice day old froend. Charot. Maalala mo sana ako. Si YEAHITSJM to or I don't know anong pangalan ko sa blogspot kung YEAHITSJM ba o SUPERJM, either of the two. Sana maalala mo ko. Ok? Ok. I'm a huge fan. :)
ReplyDeleteWow... superrr.. nakakatouch naman ung sinabi mo. SAlamat po sa patyuloy na pag babasa ng aking story.... di man siya ganun ka perfect... Nakakatuwa na marami akong nainspure na tao. SAlamat kasi may mga tao na nakak appreciate ng stories ko. I will try my best to come back.
DeleteI think I remember you. Di ko sure kung namention kita sa comment or sa post ko pero salamat kasi isa ka sa mga humahanga at sumusuporta sa akin. I wish you all the best at sa boyfriend mo (buti ka nga may lovelife) HAHAHAHAH
I hoipe maenjoy mo yung iba... try mo Bullets for my Valentine...
P.S sorry di ko na naasikaso ung compilation.. pero salamat ng marami.... kasi pinagpuyatan mo ito.
Take care and God Bless. Thank YOU!!!
Whew! Akala ko di mo na to tatapusin. I always started reading this since the day you made your first post on this story. The wait is worth it! Thank you for finishing up the story. Congrats for a well written ending. Sana mavisit mo din yung blog ko. I just recently made a blog kaya nakakacomment na ako sa blogger and not as anonymous.
ReplyDeleteHere is my blog: http://jdsloveencounters.blogspot.com/
I hope you can comment and give me tips on how to write a story well. Thank you again for this story and wish that youll make more stories :) KUDOS to you author.