Wednesday, August 4, 2010

Campus Figure- Part 8

sa lahat ng sumsubaybay...salamat po....waaah...pasensya kung medyo natatagalan ha....dami kasing ginagawa eh....hehehe

Love you Guys...hehehhehe

sa mga nagcococmment...salamat...

may napansin akong isang author na magaling yung way niya kung paano magsulat...heheh galing nun ah..name niya ata eh Walrus Mark ba un...hehheh....


Olweix hir...

D.K


_____________________________________________________________________________________


Halos matulala ako sa mukha ng makakagroup mate ko. Kani kanina lang eh abot tanaw ko lang sa isang tabi ngayon eh kaharap ko na. Isang ngiti ang pambungad niya sa akin. Kitang kita ko ang malalim na dimples sa kanyang pisngi. Shit. May dimples ang loko… Natutulala kasi ako pag yung kaharap ko may dimples. Nagising na lang ako sa aking paglalakbay diwa ng kulbitin niya ako. “Ayos ka lang” tanong niya. “Ah eh….ayos lang…heheheheh”. Sabay na kaming pumunta sa grupo. Nauna akong umupo kasi alam ko naman na hindi siya tatabi sa akin pero laking gulat ko ng mapansin kong umupo rin siya sa tabi ko. Tumingin lang ako sa kanya. At lumingon din.





“Mga guys, keep silence muna……. Di pa tapos yung instruction…” pag aanounce ng MC dahil nagkakagulo. After 5 mins. Nakaayos na ang lahat. “Okay…. Next niyong gagawin ay getting to know each other…….. bibigyan namin kayo ng 30 mins. Para makapagkilala sa isat’isa. And timer starts now…”. At yun nga ang ginawa namin. Nagpakilala kami. Buti na lang at di mahiyain ang mga kasama ko kasi lahat kami tawanan ng tawanan. Pinaka kalog doon si Josephine. Sobrang nakakatuwa siya. SIya una nagpakilala.





“Guys.. Im Josephine from Rizal and im 4th year student….. Single….. actually kakasingle lang last 5 months…heheheheheh……. Im ready to mingle…hahah” at tawanan…… Kakaiba ang pagpapatawa niya. Nakailang tao na ng sumapit sa mystery man na katabi ko. Halos lahtb napatigil. Nakatitig sila sa maamong mukha niya….. Sino ba naman ang di tititig sa kanya, ngiti pa lang swak na. “Hi, im Patrick from Cavite nerby Laguna…actually konting byahe lang andun na kami…. And im 16 years old, single… and interested in Friends and lalo na sa isang tao jan……” Hindi ko inaasahan ang pagtingin niya sa akin ng mga panahon na iyon. Nakatingin ako sa kanya ng Makita kong tumingin siya sa akin pagkatapos sabihin na interested siya sa isa ditto. Lahat nagkamayaw at nag sihiyawan. Napansin kasi nila ang pagtingin sa akin ni Patrick. Nahiya tuloy ako at namula.





Sumunod naman ako. “Ako nga pala si Kyle Archangel from Laguna, and 16 years old…” napakaikli ng aking pagpapakilala. Pero biglang nagtanong itong si Josephine. “in a relationship kaba o single…”. Tila inaabangan ng lahat ang sagot ko. Ano ba ang importanete sa sagot ko.





“Ah eh…its complicated…heheheh” at halos naghiyawan na naman. “So complicated pala eh….. pwede pa rin yan…. Pwede pang makipag relasyon…. Di ba Patrick..” pag tutukso ni Josephine. Parang may sayad talaga tong si Josephine. Mantakin mo bang pag partnerin kami nito ni Patrick. Sobrang nahihiya talaga ako. Kakainis. Pareho kaming lalaki tapos pag partnerin kami. Lokohan ang nagyari. Kung anu ano ang pinag usapan at bangkang Bangka si Josephine. Feeling ko close na kami kahit ngayon pa lang kami nagkakila kilala. Matapos ang oras na binigay sa amin, pina ayos na kami ng upo.





“Announcement…… jkelangan po niyo na pumili ng isang pares ng partner ng bawat grupo. Diskarte niyo kung boys-girl, girl-girl or boy-boy……. Maging matalino kayo sa pagpili kaya good luck…….. ang another thing kelangan niyong magpakita ng talent…” At lahat nga ay nagusap usap. At talagang may sayad tong si Josephine, aba kami ni Patrick ang pinili…… At agad naming sumangayon ang lahat.





Matapos makapili, isa isang pinaakyat sa stage ang mag partner. Ang iba boy at girl, yung iba namn ay girl at girl at napakadami naming boys tandem. Hinahanap ko ng tingin Si Vince at nakita ko na may kasama siyang babae at halatang sila ang napiling magpartner. Saktong pagtingin k okay Vince, tingin agad siya. Isang ngiti ang binungad niya at ngiti rin ang iginanti ko sa kanya. Nakita ko rin si mark, Jonas at Richard pero di sila yung pinanlaban. Ilang saglit lang ay btinawag na yung grupo nila Vince. Di na ako nagulat sa nakita kong paghiyawan ng mga babae sa kanya. Ngumiti na lang ako. Isang romantic song ang kinanta nila. Bale si vince nag piano lang tapos yung magandang babae eh kumanta. Ang kinanta niya ay WE BELONG. Yan ang isa sa tinutugtog ni Vince sa bahay nila minsan.



“Don’t you know that we both belong, baby,
Don’t you know that we will last forever,
Don’t you know that we both belong,
I knew it from the start… We belong…”



Matapos siyang kumanta nagsitilian ang lahat. Palakpakan at hiyawan. Makalipas ang ilang grupo kami na ang sumunod. Nasa backstage kasi kami eh. Nagnginginig talaga ako. First time kong kumanta sa harap ng marami. Sa totoo lang eh hindi alam nila Richard, Jonas, mark at Vince na may talet ako sa pagkanta. Nalalamig ang kamay ko ng maramdaman ko na lang na may humawak nit. Nagulat ako at di ko naigalaw ang aking kamay. “Wag kang kabahan….andito lang ako…..” nagulat ako sa inasta ni Patrick. Hinawakan niya ang kamay ko at binitawan lang ito ng tinawag na ang pangalan ng grupo namin. Sa umpisa ng tugtog, kitang kita ko ang pagaabang ng mga audience. Mula sa malayo, kitang kita ko ang pagtataka nila Vince. Ang title ng kanta ng kinanta namin ay Way Back into love. Unang kumanta si Patrick.


Patrick:
“I've been living with a shadow overhead,
I've been sleeping with a cloud above my bed,
I've been lonely for so long,
Trapped in the past,
I just can't seem to move on!


Kyle:
I've been hiding all my hopes and dreams away,
Just in case I ever need them again someday,
I've been setting aside time,
To clear a little space in the corners of my mind!

Duet:
All I wanna do is find a way back into love.
I can't make it through without a way back into love.
Oooooh.

Patrick:

I've been watching but the stars refuse to shine,
I've been searching but I just don't see the signs,
I know that it's out there,
There's got to be something for my soul somewhere!

Kyle:
I've been looking for someone to she'd some light,
Not somebody just to get me through the night,
I could use some direction,
And I'm open to your suggestions.

(Both)
All I wanna do is find a way back into love.
I can't make it through without a way back into love.
And if I open my heart again,
I guess I'm hoping you'll be there for me in the end!

Kyle:

There are moments when I don't know if it's real
Or if anybody feels the way I feel
I need inspiration
Not just another negotiation

(Both)
All I wanna do is find a way back into love,
I can't make it through without a way back into love,
And if I open my heart to you,
I'm hoping you'll show me what to do,
And if you help me to start again,
You know that I'll be there for you in the



Matapos ang kanta, humarap sa akin si Patrick na lalong nagbigay ng malakas na hiyawan. Kalampagan sa loob ng Conference hall. Ingitan at sunod palakpakan. Masaya ako at nasiyahan sila sa ginawa namin pero sobra akong napaisip sa kakaibang ikinikilos ni Patrick. Pagbalik namin sa upuna, panay congrats ang salubong sa amin. Biglang sumabat si Josephine…..”Guess this means a celebration….. hahahha”. Sumabata naman ang isa naming kagrupo. “Para saan?” Sumagot naman si Josephine. “Kasi… mukhang nagkakadevelopan na yung dalawa……” At nagtawanan at naghiyawan.. May sayad talaga tong si Josephine. “Kaya paying kapatid lang, isecure mo nay an Pat…. Mukhang maraming aali aligid dyan……”. Lalong luamala ang sitwasyon. Kasi naman tong si Patrick, kung anu anong kasweetan ang pinakita kanina bago magsimula kaya ayan pinagtutukso kami.




Inanounce ng M. C na magkakaroon ng 1 hour break ang lahat at pagbalik proceed na sa mag accountability na dapat gawin. Hinahanap ko si Vince pero hindi ko Makita kaya direderetso ako sa may elevator. Nakita ko naman sila Richard at si Mark. Buti na lang at maymakakasabay ako. “Nice one kyle boy… ang ganda ng boses…. Nakakainlove…heheheh….. pero….” Masayang sabi ni Richard. “Pero ano?” tanong ko. “Lagot ka kay Vince… hala ka…….. hahahah…” at tinatakot nila ako. Hanggang makarating kami sa may elevator.




Pagbukas namin ng elevator pumasok na kami at bago namin isara narinig namin ang pagtawag ng isang lalaki. Di ko nakita kung sino yun kasi busy ako kakacheck ng msg. sa inbox ko. Puro text ni Vince. “Hon, una na ako sa taas…. Ingat…” yun ang pinaka huli niyang text. Umaandar na kami at sa kasabay ng pag andar eh mga ungutan ni mark at Richard. Parang mga sira, tawa ng tawa. Sinubukan kong icontact si Vince pero di niya sinasagot lagi niyang binababa. “Ahgghh….” Paghihimutok ko. “O bakit ganyan ang paghihimutok mo?” pangiting tawa ni Richard. “Kasi naman eh….nakkakaasar… ayaw sagutin tawag ko……. Di ko maintindihan kung bakit….wala naman akong ginagawa…..bigla na lang siyang umalis sa baba….”. Di ko ininda kung may tao man. Di ko rin naman nakita kung sino yun at tsaka nakatalikod naman siya.




“Kasi naman… nagselos yung tao…… di mo masisisi…mahal na mahal ka nun….” At tila nanunukso pang sabi ni Richard. “Anong selos ang pinagsasabi mo?....Ano naman pinagselos nun…. Wala nga akong ginagawang masama…..” pagmamaktol ko. “Siguro sa tingin mo wala……pero nasaktan yun kanina…lalo na nung kumanta ka……” sabay tawa. Nagulat na lang ako ng biglang sumabat yung kasabay namin sa elevator. “Mukhang ako ata yung dahilan nung pagtatampuhan niyo ah…” ang seryosong sabi ni Patrick. Waahhh,…di ko alam na siya pala ang kasabay namin. Nagulat talaga ako at natulala. Nanumbalik lang ang aking presensiya ng tapikin ako ni Mark.




“Pasensya ha…….wala kang kasalanan…… wag mo ng intindihin yun…..kasi itong dalawang ito eh…” pagpapalusot ko. “O, kami pa sinisi…… nga pala…. Di mo ba kami ipapakilala sa ka-i-bigan mo…este kaibigan mo…”. “Oo nga pala….. Pat, si Mark at Richard mga kasama ko at Richard at Mark… si Patrick, kagrupo ko. “ At nagkamayan sila.




Same floor din si Patrick katulad namin at katapat lang ng room nila ang room namin. Nag uusap kaming apat ng bumukas ang pinto. At iyon, inilabas nito ang imahe ni Vince at nagulat sa nakita. Sabay sarado ng pinto. Kaya nag paalam na kami agad sa isa’t isa.




(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment